G2 - Pagbilang

  • Upload
    jpu48

  • View
    375

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fil

Citation preview

Pagbibilang

PagbilangWika sa Kulturang FilipinoPagbilang sa FilipinoPagbilang Mula 1 Hanggang 100Para sa mga bilang mula 11 hanggang 19, ginagamit ang salitang labing. Ang pagdagdag ng labing ay sumusunod sa mga tuntunin sa ibaba:Pagbilang Mula 1 Hanggang 100Para sa mga bilang na nagsisimula sa katinig (vowel), ang gitling (hyphen) ay ginagamit sa gitna ng labing at ng bilang.

Halimbawa, ang 14 ay tinatawag na labing apat. Ang gitling ay ginagamit upang hindi pagsamahin ng mambabasa ang titik ng ng labing at ang a ng apat sa isang pantig (syllable). Ang wastong pagpapantig ng salitang labing-apat ay la-bing-a-pat, hindi la-bi-nga-pat.4Pagbilang Mula 1 Hanggang 100Para sa mga bilang na nagsisimula sa titik b o p, ang titik ng ng labing ay nagiging titik m.

Halimbawa, ang 17 ay tinatawag na labimpito dahil ang 7 o pito ay nagsisimula sa titik p.Pagbilang Mula 1 Hanggang 100Para sa mga bilang na nagsisimula sa titik, d, l, r, s, o t, ang titik ng ng labing ay nagiging titik n. Halimbawa, ang 15 ay tinatawag na labinlima dahil ang 5 o lima ay nagsisimula sa titik l.Pagbilang Mula 1 Hanggang 100Ang salitang pu ay ikinakabit sa mga bilang na pangkat na sampu (20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, at 90). Ang pu't ay pinaikling pu at (group or groups of ten and).Pagbilang sa wikang espanyolPagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang EspanyolMaraming Filipino pa rin ang gumagamit ng mga bilang na hiram mula sa wikang Espanyol.Malimit itong ginagamit sa pagsabi ng oras (time), taon (year), edad (age), dami ng pera(amount of money), at dami ng bagay (number of things).

Pagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang EspanyolPara sa mga bilang mula 31 hanggang 99 na hindi pangkat na sampu, ginagamit ang titik y(na may tunog na ee o tunog ng titik i sa salitang ilog) na ang katumbas sa wikang Filipinoay ang salitang at.

Pagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang EspanyolAng tawag sa mga bilang mula 1 hanggang 100 na hiram sa wikang Espanyol ay nakatala sa ibaba. 11Pagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang Espanyol1 uno 11 onse 21 beynte uno2 dos 12 dose 22 beynte dos3 tres 13 trese 23 beynte tres4 kuwatro 14 katorse 24 beynte kuwatro5 singko 15 kinse 25 beynte singko6 seis 16 disiseis 26 beynte seis7 siyete 17 disisiyete 27 beynte siyete8 otso 18 disiotso 28 beynte otso9 nuwebe 19 disinuwebe 29 beynte nuwebe10 diyes 20 beynte/bente 30 treynta/trentaPagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang Espanyol31 treynta y uno50 singkuwenta32 treynta y dos60 sesenta33 treynta y tres70 setenta34 treynta y kuwatro80 otsenta35 treynta y singko90 nobenta36 treynta y seis100 siyento37 treynta y siyete38 treynta y otso otso39 treynta y nuwebe40 kuwarentaPagbilang Mula 1 Hanggang 100 Hango sa Wikang EspanyolBagaman ang pagbigkas (pronunciation) ng mga bilang ay pareho sa pagbigkas ng mga ito sa wikang Espanyol, ang pagbaybay (spelling) ng mga ito ay batay sa alpabetong Filipino.

Pagbilang Mula 100 Hanggang 1,000Pagbilang Mula 100 Hanggang 1,000Nakatala sa ibaba ang tawag sa mga bilang na pangkat na daan mula 100 hanggang 1,000.Kasali rin dito ang mga salitang hango sa wikang Espanyol.Bilang Hango sa Wikang Espanyol

Pagbilang Mula 100 Hanggang 1,000Wikang Filipino100 isang daan/sandaan200 dalawang daan/dalawandaan300 tatlong daan/tatlundaan400 apat na raan/apatnaraan500 limang daan/limandaan600 anim na raan/animnaraan700 pitong daan/pitundaan800 walong daan/walundaan900 siyam na raan/siyamnaraan1,000 isang libo/sanliboHango sa Wikang Espanyolsiyentodos siyentos/dosiyentos/dosyentostres siyentos/tresyentoskuwatro siyentoskinyentosseis siyentos/seisiyentossiyete siyentosotso siyentos/otsosiyentosnuwebe siyentosmilGinagamit ang pinaikling 't sa halip ng salitang at.Kasabay nito ang pagtanggal ng huling katinig (consonant) ng salitang sinusundan ng atkaya ang mga salitang daan at o raan at ay nagiging daa't o raa't.17Pagbilang Mula 10,000 Hanggang 1,000,000Wikang Filipino10,000 sampung libo/laksa20,000 dalawampung libo30,000 tatlumpung libo40,000 apatnapung libo50,000 limampung libo60,000 animnapung libo70,000 pitumpung libo80,000 walumpung libo90,000 siyamnapung libo100,000 sandaang libo/sandaanliboHango sa Wikang Espanyoldiyes milbeynte miltreynta milkuwarenta milsingkuwenta milsesenta milsetenta milotsenta milnobenta milsiyento mil

Pagbilang Mula 10,000 Hanggang 1,000,000Wikang Filipino200,000 dalawang daang libo/ dalawandaang libo300,000 tatlong daang libo/tatlundaang libo400,000 apat na raang libo/apatnaraang libo 500,000 limang daang libo/limandaang libo600,000 anim na raang libo/animnaraang libo700,000 pitong daang libo/pitundaang libo800,000 walong daang libo/walundaang libo900,000 siyam na raang libo/siyamnaraang libo1,000,000 isang milyon/sang-angaw/sanlibong-liboHango sa Wikang Espanyoldos siyentos mil/ dosiyentos mil/dosyentos miltres siyentos mil/tresyentos milkuwatro siyentos milkinyentos milseis siyentos mil/seisiyentos milsiyete siyentos milotso siyentos mil/otsosiyentos milnuwebe siyentos milun milyon

Ang mga salitang daan at o raan at ay nagiging daa't oraa't, at ang libo at ay nagiging libo't.19Kakatwang sinaunang paraan nang pagbilang ng mga TagalogPamamaraanPamparamiMga bilang mula isa (1) hanggang siyam (9)PararamihinMga bilang na lakas ng sampu:10 pu/pouo(puwo)/pulo10^2 daan10^3 libo10^4 laksa10^5 yuta10^6 angaw10^7 kati10^810^9 gatosMakabagong Paraanm = pamparamiL = pang-angkopM = pararamihin

tatlong daan at apat na pu't dalawa(m + L + M) at (m + L + M) at 2Makalumang Paraanlabi sa raan isa (101)labi sa raan sangpuo (110)labi sa raan labing isa (111)labi sa laksa apat na libo (14,000)

Sa itaas ang tatlo(3)/apat(4) ang pamparami(m), -ng/na ang pang-angkop(L), at daan(100)/pu(10) ang pararamihin(M). Samakatuwid sinasabi niya na ang balangkas ng modernong paraan ng pagbilang ay m + L + M. Ayon din kay Potet ang paggamit ng "at" ay ginaya lamang sa mga Kastila. Halimbawa 342, tres cientos y cuarenta y dos. Dito na nagkatalo ang bago at sinaunang pagbilang. Ang 342 sa sinaunang pagbilang ay maikapat na raan maikalimang dalawa. Ang "mai=" ay binibigkas na "may".

22Makalumang ParaanPero kapag daw ang pamparami ay mula dalawa(2) hanggang walo(8) dinaragdagan ito ng isa. At ginagamit nito ang maika- bilang unlapi. Halimbawa:

1. maikatlong daang siyam (209)2. maikapat na laksang labi sa libo pitundaan (31,700)

Makalumang ParaanIlan pang mga halimbawa:

may catlong isa = 21may catlon dalaua = 22may catlon tatlo = 23may catlon apat = 24may catlon lima = 25may catlon anim = 26may catlon pito = 27may catlon ualo = 28may catlon siyam = 29tatlong pouo = 30may capat isa = 31

may capat dalaua = 32may capat tatlo = 33may capat apat = 34may capat lima = 35may capat anim = 36may capat pito = 37may capat ualo = 38may capat siyam = 39apat na puo = 40may caliman isa = 41

labi sandaan isa = 101labi san-daan dalaua = 102

Makalumang ParaanKapag daw ang pamparami ay 9, ay lumalakas ito ng isang hakbang. Halimbawa:

1. labi sa raan maikaraan ng tatlo (193)2. maikalibo ng walo (908)

Biswalisasyon ng Sinaunang Sistema ng PagbilangP(para sa Pulo) = {1,2,3,4,5,6,7,8,9,10}

1. Halimbawa ay tatlumpo (30):

Biswalisasyon ng Sinaunang Sistema ng Pagbilang2. Halimbawa ay labing isa (11):

3. Halimbawa ay maykatlong isa (21):

Biswalisasyon ng Sinaunang Sistema ng Pagbilang4. Halimbawa ay maykaraang dalawa (92):

ang maykatlong isa ay nangangahulugan ng may dalawang buong set at may binubuong ikatlong set na may elementong isa.28Biswalisasyon ng Sinaunang Sistema ng Pagbilang5. Halimbawa ay labi sa daan maykalimang tatlo (143):

Na ang ibig sabihin ay labis sa set na isang daan, may limang set ng sampu na ang ikalima ay may tatlong elemento pa lamang.29Biswalisasyon ng Sinaunang Sistema ng Pagbilang6. Halimbawa ay maykatlong daan siyam (209):

may tatlong tig-isandaang set, na ang ikatatlong set ay siyam pa lang ang laman.30ReferencesKakatwang sinaunang paraan nang pagbilang ng mga Tagalog. November 9, 2009. retrieved from http://ugnay.blogspot.com/2009/11/kakatwang-sinaunang-paraan-nang.htmlNoche, P. (2013) Aralin sa Filipino retrieved from http://samutsamot.files.wordpress.com/2013/07/pagbilang-sa-filipino.pdf