22
BAGKUS, CASTILLANO Group 5 PAMILYANG PILIPINO

G5 - Pamilyang Pilipino

  • Upload
    jpu48

  • View
    262

  • Download
    17

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fil

Citation preview

Pamilyang Pilipino

BAGKUS, CASTILLANOGroup 5Pamilyang Pilipino

isang ina, ama, at (mga) anakIsang ina at (mga) anakIsang ama at (mga) anakMga lolot lola na kasama ang kanilang (mga) anak at (mga) apoMag-asawang walang anakKaraniwang bumubuo sa pamilya

Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong silang humubog ng mga taong nagiging katulad natin. Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya.Matatag na pamilya

may pananagutan (komitment) sila sa isat isa;nagpapakita ng pagpapahalaga;may mabuting komunikasyon;may panahong nagkakasama-sama sila;sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga;nakakaagapay sa stress.Anim na katangian sa pagbuo ng matatag na pamilyaMakatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isat isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isat isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Narito ang ilan:Pananagutan o komitmentMaging tapat sa inyong pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila.Tuparin ang mga pangako sa ibang miyembro ng pamilya.Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.Maging maaasahan. Tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi.Pananagutan o komitment

Kapag ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at gawa, naipakikita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin sila. Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang iba. Ngunit, hindi nila malalaman ang nararamdaman natin hanggat hindi natin sinasabi. Maraming pamilya ang may espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama upang maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang nagdiriwang ng mga tanging araw para parangalan ang mga bata. Narito ang ilang ideya tungkol sa ibang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga:pagpapahalagaSabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya y mahal ninyo.Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw. Sorpresahin ang isang miyembro ng pamilya (halimbawa, isang ginawang kard) kahit na walang okasyon.Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya.Hanapin ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya. Sabihin ito sa kanila.pagpapahalagaDumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya. Magagamit nila ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isat isa. Kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. Narito ang ilang bagay na maaaring subuking kung dumating ang problema. Pag-agapayMag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.Humingi ng tulong sa sinumang dumaan na sa katulad na krisis (kamag-anak, kaibigan, kapitbahay), o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Tumawag sa isang crisis hotline o minister. Makatutulong silang humanang ng tutulong sa inyo.Matutong magsama-sama bilang isang pamilya. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama. Maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.Tandaang ang anumang pagbabago sa buhay -- pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro--ay laging stressful.Tandaang ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng buhay.Pag-agapayGaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng komunikasyon. Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang isat isa. Kailangang may makahati tayo sa ating mga kaisipan at damdamin. Sa ganitong paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isat isa.Araw-araw, nagbibigay ng pagkakataon ang buhay para gawin ito. Narito ang isang halimbawa: komunikasyonMagbigay ng pagkakataon para mag-usap -- sa paglalakad, pagkain, o habang naghuhugas ng pinggan. Pag-usapan ang mga pang-araw-araw, gayundin ang mahahalagang bagay. Sabihin ang masasakit at nakahihiyang karanasan, gayundin ang mabubuti.Maging isang mabuting tagapakinig -- sa katandaan man o kabataan.Kung mainisin o masyadong tahimik ang isang miyembro ng pamilya, tanungin kung ano ang problema, ngunit maging sensitibo rin kung nangangailangan ito ng pribasya.Maging bukas-loob na magsabi kung ano ang nakaaabala sa inyong isip o kung ano ang ikinagagalit ninyo; huwag hayaang lumala ito.komunikasyonDahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay, wala tayong panahong makita o makasama ang isat isa. Mahalagang maglaan ng panahon para magkasama-sama upang makita ang isat isa at maging matibay ang bigkis ng pamilya. Maraming paraan para magkasama-sama. Nakalista sa ibaba ang ilan:orasBasahan ng libro o makipagkuwentuhang kasama ang mga bata bago matulog.Patayin ang TV at maglarong magkakasama. Gugulin ang mga holiday at espesyal na okasyon sa piling ng buong pamilya. Magplano ng mga lingguhang gawaing kalulugdan ng buong pamilya.Paminsan-minsan, isama sa trabaho ang inyong mga anak para makita nila kung ano ang ginagawa ninyo.oras

Nagsisimba man sila o hindi, may pinananaligang dakilang kabutihan o kapangyarihan sa kanilang buhay ang matatatag na pamilya. Ang pananalig na iyon ang nabibigay sa kanila ng lakas at layunin. Iniimpluwensiyahan nito ang kanilang pang-araw-araw na kaisipan at kilos. Ang sumusunod ang ilan sa mga paraan kung paano maipapatupad ng pamilya ang kanilang paniniwala: Pagpapahalaga at paniniwalaTratuhin ang pamilya kung paano mo tatratuhin ang sarili.Imbitahan ang isang kaibigang makipaghapunan sa inyong pamilya. Ipagdiwang ang religious holidays sa piling ng pamilya.Makipagpangkat sa inyong pamilya sa pangangalaga ng kalikasan: bawasan ang mga ginagamit; mulit muling gamitin ang ilang bagay, mag-recycle ng papel, bote, plastik at iba pang karaniwang itinatapon.Gumamit ng kuwento sa pagtuturo sa mga anak ng pagpapahalagang gaya ng katapatan, paumanhin at pananagutan.Pagpapahalaga at paniniwalaBAGKUS, CASTILLANOGroup 5Ang wika ng pamilyang pilipino

SA PAMILYANG PINOY, PATULOY PARIN NA LUMALAGANAP ANG MAS PAGPAPAHALAGA SA INGLES, KAYSA SA FILIPINO. ILANG PATUNAY:Nakatanggap tayo ng recognition mula sa Global English Corporation bilang the worlds best in Business English proficiencyBinigyan ng katagang the worlds most affordable English teacher mula sa BBCAng mga unibersidad na Ateneo, UP, at La Salle ay nakatapak na sa top 50 English-teaching schools worldwide na nanggaling sa ratings firm na Quacquarelli Symonds

SA ASPEKTO NG WIKASa kasamaang palad, lumalabas sa mga pananaliksik na mas mabagal matututong magsalita ang batang tinuturuan ng dalawang magkaibang wika mula pa sa murang edadAng mga batang hindi gaanong naturuan ng wikang Filipino ay mahihirapan mag-adjust sa pagpasok niya eskwelahan, lalo na kung hindi Ingles ang ginagamit ng mga guro sa paaralan

At dahil ditoBakit mas inuuna ng ibang mga magulang ang pagtuturo ng Ingles kaysa sa Filipino?Para mas maging globally competitiveDahil sa notion na mas matalino, mas pormal, mas maayos ang mga taong magaling mag-ingles. (Lalo na ang mga may accent)Mas makakakuha ng trabaho ang mga aplikanteng matatas sa InglesPara sosyal

Sanayin ang mga kapamilya natin na magsalita pa rin ng Filipino, at mga mother tongue natin, kaysa unahin ang Ingles. Sa ganitong paraan, naipapakita natin sa mga anak natin na hindi cheap ang sarili nating wika. Ituro sa mga anak natin ang kahalagahan ng Filipino, sa ating mundo na pinipilit tayong talikuran ang sariling atin, kung hindi natin ipapamana sa mga anak natin ang sarili nating wika, sino ang magtuturo sa kanila nito?ANONG MAGAGAWA NATIN TUNGKOL DITO?

http://www.babycenter.com/404_is-it-true-that-children-in-bilingual-families-start-talking_10336897.bchttp://definitelyfilipino.com/blog/2011/05/29/overseas-filipinos-should-we-raise-our-kids-as-bilingual-speakers/http://www.bbc.co.uk/news/business-20066890http://www.philstar.com/health-and-family/2012-11-20/868631/problem-english-speaking-filipinos

Sources:SALAMAT