13
GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016: Newsletter na Sakit sa Puso at Stroke 2. Poster: Mga Gawaing Malusog-sa Puso 3. Tip Sheet #1: Mga Gawaing Malusog-sa-Puso 4. Tip Sheet #2: Mga Palatandaan ng Atake sa Puso 5. Tip Sheet #3: Mga Palatandaan ng Stroke 6. Sakit sa Puso at Stroke: Ano ang Dapat Mong Malaman (Sumusuportang Artikulo) 7. Mga video tungkol sa Mga Palatandaan ng Atake sa Puso, Palatandaan ng Stroke, at Mga Bagay na Malusog-sa-Puso* Wala sa paketeng ito. Mangyaring bisitahin ang DDS SafetyNet para panoorin ang mga video na ito. PANGKALAHATANG IMPORMASYON Ang SafetyNet Learning Tools ay dinisenyo para tumulong sa paglalaan ng impormasyon tungkol sa isang espisipikong paksa para gamitin sa iba-ibang lugar ng pag-aaral. Ang mga Learning Tools na ito ay puwedeng gamitin sa isahang pakikipag-usap sa isang individual, o sa isang maliit o mas malaking mga grupo. Bago magsimula ng isang sesyon ng pag-aral, dapat na basahin ng tagapagpahayag ang SafetyNet Learning Tools ang tungkol sa paksa. Maaaring humanap ang tagapagsanay ng karagdagang materyal sa link na inilaan sa SafetyNet Article and Newsletter. BAGO ANG PAGSASANAY Ang tagapagpahayag ay dapat: Maghanda ng sapat na oras at komportableng lugar para sa pagsasanay at diskusyon. Ihanda ang mga kagamitang kailangan, gaya ng laptop at projector. Maglimbag o mag-photocopy ng sapat na materyal para magkaroon ng kopya ang bawat indibidwal. PAGSASANAY Ang tagapagpahayag: Magpapalabas ng mga video. Mangunguna sa diskusyon ng nilalaman at hihimok sa isang malayang talakayan. Susuri at tatalakay sa mga impormasyon na nasa handout. Magtatanong para alamin kung kanilang naintindihan Gagawa ng karagdagang repaso at talakayan kung kailangan Maglalaan ng iba-ibang pagsasanay para masiguro na natalakay lahat at naipaunawa ang paksa.

GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

  • Upload
    phamanh

  • View
    262

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS

Paksa: Kalusugan ng Puso

MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL

1. Taglamig ng 2016: Newsletter na Sakit sa Puso at Stroke 2. Poster: Mga Gawaing Malusog-sa Puso 3. Tip Sheet #1: Mga Gawaing Malusog-sa-Puso 4. Tip Sheet #2: Mga Palatandaan ng Atake sa Puso 5. Tip Sheet #3: Mga Palatandaan ng Stroke 6. Sakit sa Puso at Stroke: Ano ang Dapat Mong Malaman (Sumusuportang Artikulo) 7. Mga video tungkol sa Mga Palatandaan ng Atake sa Puso, Palatandaan ng

Stroke, at Mga Bagay na Malusog-sa-Puso*

Wala sa paketeng ito. Mangyaring bisitahin ang DDS SafetyNet para panoorin ang mga video na ito.

PANGKALAHATANG IMPORMASYON

Ang SafetyNet Learning Tools ay dinisenyo para tumulong sa paglalaan ng impormasyon

tungkol sa isang espisipikong paksa para gamitin sa iba-ibang lugar ng pag-aaral. Ang mga

Learning Tools na ito ay puwedeng gamitin sa isahang pakikipag-usap sa isang individual, o

sa isang maliit o mas malaking mga grupo.

Bago magsimula ng isang sesyon ng pag-aral, dapat na basahin ng tagapagpahayag ang

SafetyNet Learning Tools ang tungkol sa paksa. Maaaring humanap ang tagapagsanay ng

karagdagang materyal sa link na inilaan sa SafetyNet Article and Newsletter.

BAGO ANG PAGSASANAY

Ang tagapagpahayag ay dapat:

Maghanda ng sapat na oras at komportableng lugar para sa pagsasanay at diskusyon.

Ihanda ang mga kagamitang kailangan, gaya ng laptop at projector.

Maglimbag o mag-photocopy ng sapat na materyal para magkaroon ng kopya ang bawat indibidwal.

PAGSASANAY

Ang tagapagpahayag:

Magpapalabas ng mga video.

Mangunguna sa diskusyon ng nilalaman at hihimok sa isang malayang talakayan.

Susuri at tatalakay sa mga impormasyon na nasa handout.

Magtatanong para alamin kung kanilang naintindihan

Gagawa ng karagdagang repaso at talakayan kung kailangan

Maglalaan ng iba-ibang pagsasanay para masiguro na natalakay lahat at naipaunawa ang paksa.

Page 2: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Taglamig 2015

Sakit sa Puso at Stroke: Ano ang Kailangan Mong Malaman

Bakit ako kailangang mabahala? Halos 1 sa 3 mga pagkamatay bawat taon ay sanhi

ng sakit sa puso o stroke. Ang mga taong may

kapansanan ay nasa mas mataas na panganib ng

sakit sa puso at stroke dahil sila ang kadalasang

may mataas na presyon ng dugo at iba pang

nauugnay na mga panganib.

Ano ang sakit sa puso?

Ang malusog na puso ay ang malakas na kalamnan sa iyong dibdib. Kasing laki ito ng iyong kamao. Binobomba nito ang dugo sa buong katawan sa pamamagitan ng ugat.

Ang mga ugat ay parang tubo na nagdadala ng dugo papunta at mula sa puso. Ang malusog na ugat ay dapat na malinaw at bukas.

Kapag barado ang ugat, mas hirap ang puso na magbomba ng dugo. Hindi malusog na paggawi– hindi pag-eehersisyo, pagkain ng matatabang pagkain, paninigarilyo – ay maaaring humantong sa baradong ugat. Pinapahina nito ang kalamnan ng puso at hahantong sa sakit sa puso.

Ano ang atake sa puso?

Ang atake sa puso ay kapag ang daloy ng dugo sa puso ay sobrang bumagal na ang puso ay hindi makakuha ng sapat na dugo. Napinsala ang kalamnan sa puso at magkakaroon ng atake sa puso. Nangyayari ito kapag ang ugat ay barado.

Ang atake sa puso ay nangangailangan ng agarang pagpa-ospital at emerhensiyang paggamot.

Maaari kang mamatay sa atake sa puso! Ang atake sa puso ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga lalaki at babae.

Ang mga adultong nagtatrabaho na may

kapansanan na walang anumang aerobic na

gawaing pisikal ay 50% mas lamang na

magkaroon ng chronic na sakit tulad ng kanser,

diabetes, stroke, o sakit sa puso.*

*Center for Disease Control, Vital Signs Report

Ano ang mga palatandaan ng isang

atake sa puso? *

O Kirot sa dibdib – Karamihan sa mga atake

sa puso ay may kirot sa gitna ng dibdib na

tumatagal ng higit sa ilang minuto, o pabalik-

balik. Maaaring ito ay hindi komportableng

presyon, pagsikip o sakit.

O Kirot sa iba pang bahagi ng itaas na

katawan – Kasama sa mga sintomas ang

sakit o kirot sa isa o magkabilang braso, sa

likod, leeg, panga o sikmura.

O Pangangapos ng hininga – Maaaring

mangyari mayroon man o walang kirot sa

dibdib.

O Iba pang palatandaan – Maaaring kasama

sa iba pang palatandaan ang pagpapawis ng

malamig, pagsusuka o pagkaliyo. *American Heart Association

Upang makapanood ng video tungkol sa

palatandaan ng isang atake sa puso, pumunta sa

http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-

on-heart-health

Ang mga palatandaan ba ng atake sa puso

ay naiiba sa mga babae?

Para sa parehong lalaki at babae ang pinaka-

karaniwang palatandaan ng atake sa puso ay

sakit sa dibdib o kirot.

Ang mga kababaihan ang medyo mas

lamang kaysa sa mga lalaki na makaranas

ng ilan sa mga iba pang mga karaniwang

sintomas, partikular na ang pangangapos sa

paghinga, pagduduwal/pagsusuka at sakit sa

likod o panga.

Page 3: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Ano ang puwede kong gawin?

“Ang pisikal na aktibidad ang pinakalapit sa

himalang gamot…” para sa pag-iwas sa sakit sa

puso at stroke (CDC). Ang pagsigurong ikaw at

ang mga taong sinusuportahan mo ay

nakakagawa ng psiskal na aktibidad ay ang isa sa

magagawa mo para makatulong na makaiwas sa

kamatayan at pagkabalda dahil sa sakit sa puso at

stroke. Para mabawasan ang panganib, gawin at

suportahan ang malusog-sa-puso na gawain

Kumain ng masustansyang pagkain na

may maraming prutas at gulay. Bawasan

ang mamantikang pagkain (gaya ng French

fries) at asin sa pagkain.

Regular na mag-ehersisyo gaya ng

paglalakad at paglangoy. Sikaping maka-

dalawang oras at kalahati ng pisikal na

aktibidad sa isang lingo.

Kung naninigarilyo ka, HUMINTO.Kung

hindi ka naninigarilyo.HUWAG

MAGSIMULA

Huwag uminom ng labis na alak. Humanap

ng ibang paraan para labanan ang stress.

Ang paggawa ng malusog-sa-puso na mga

gawaing ito ay tutulong sa iyo at sa taong

sinusuportahan mo na mabawasan ang panganib

na mga salik, kabilang ang mataas na kolesterol,

mataas na presyon ng dugo, diabetes, at labis na

timbang.

Ano ang Kailangan Mong Malaman - ipinagpatuloy

Ano ang stroke?

Nangyayari ang stroke kapag nabarahan ang ugat na nagdadala ng dugo mula sa puso papunta sa utak.

Ang utak ay nangangailangan ng oksiheno mula sa dugo para gumana ng maayos.

Kapag ang suplay ng dugo ay nalimitahan o tumigil, namamatay ang mga selula ng utak. Maaari itong humantong sa pinsala sa utak, pagkabalda at posibleng kamatayan.

Mas maagang makatanggap ng paggamot ang isang tao para sa stroke, mas kaunti ang pinsalang malamang na mangyari.

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng isang stroke?

Maaaring matandaan ang pangunahing sintomas ng stroke sa salitang FAST: Face-Arms-Speech-Time.*

O Face – maaaring tumabingi ang mukha sa

isang panig, maaaring hindi makangiti ang isa o maaaring bagsak ang kaniyang bibig o mata.

O Arms – ang taong pinaghihinalaang nai-stroke

ay maaaring hindi makapag-angat ng mga kamay at hindi niya igalaw ito dahil sa panghihina ng braso o pamamanhid ng isang braso.

O Speech – maaaring mautal ang kanilang

pagsasalita o hindi maintindihan, o ang tao ay hindi na makapagsalita kahit mukhang gising naman.

O Time – oras na para tumawag sa 911 kaagad

kung makakita ka ng alinman sa mga palatandaan na ito.

*American Stroke Association

Para mapanood ang video tungkol sa mga palatandaan at sintomas, magpunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health.

Kung naghihinala ka na ikaw o may ibang inaatake sa puso o stroke, tumawag kaagad sa

911.

Ano pa ang mahalaga para maiwasan ang atake sa puso at stroke?

Patignan ang presyon ng iyong dugo -kahit isang beses isang taon.

kausapin ang iyong doctor tungkol sa pagpapasuri ng iyong cholesterol.

Panatilihin ang iyong sarili at ang mga sinusoportahan mo na malusog ang puso. Ang pamumuhay na mahaba at malusog at depende dito!

Manatiling Buhay!

Maaaring magligtas ng buhay ang Hands-Only CPR!

Kapag may taong inatake sa puso, ang kaligtasan ay

nakadepende sa agarang pagbibigay ng CPR. Ang

Hands-Only CPR ay naipakita ng kasing bisa ng

kombensyonal na CPR para sa mga tin-edyer at adulto.

Maglaan ng isang minuto para matuto kung paano

magligtas ng buhay. Panoorin ang isang maikling demo

video.Magpunta sa www.heart.org/handsonlycpr

*Excerpted from 2015 Hands-Only CPR Fact Sheet

Page 4: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

MGA GAWAING MALUSOG -SA-PUSO

Ang isang malusog na puso ay makakatulong sa iyo na mabuhay ng

mahaba at maligaya. Para mapanatiling malusog ang iyong puso -

Kumain ng maraming prutas at gulay.

Bawasan ang pagkain ng gaya ng

french fries na may napakaraming asin.

Panatilihing tama ang timbang.

Laging mag-ehersisyo.

Maglakad-lakad. Magbisekleta.

Gumawa ng bagay na aktibo na gusto

mo.

Sikaping mag-ehersisyo ng dalawa at

kalahating oras sa isang linggo.

Kung naninigarilyo ka, HUMINTO

Kung hindi ka naninigarilyo, HUWAG MAGSIMULA

Napakasama ng Paninigarilyo sa iyong puso.

Huwag uminom ng labis na alak.

Ang sobrang alak ay masama sa iyong puso.

Humanap ng ibang paraan para mag-relaks.

Makipag-usap sa iyong doctor tungkol

sa mga paraan na makapagpapanatili sa iyong malusog.

Humingi ng tulong sa mga taong sumusuporta sa iyo

kung kailangan.

Gumawa ng bagay na malusog sa , maililigtas

nito ang iyong buhay

Page 5: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Sakit sa Puso at Stroke- Ano ang Kailangan Mong Malaman

Tip Sheet #1: Gawain na Malusog sa Puso

Upang mapanood ang video na Gawaing Malusog-sa-Puso magpunta sa: http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Ang isang malusog na puso ay tutulong sa iyo na magkaroon ng mabuting buhay.

Upang mapanatiling malusog ang iyong puso:

Kumain ng tama at maraming prutas at gulay. Bawasan ang pagkain ng mamantikang pagkain tulad ng French fries. Bawasan ang asin. Panatilihin ang tamang timbang.

Dalasan ang pag-eehersisyo. Maglakad-lakad. Magbisekleta. Gumawa ng bagay na aktibo na gusto mo. Sikaping mag-ehersisyo ng dalawang oras at kalahati sa loob ng isang linggo.

Kung naninigarilyo ka, HUMINTO Kung hindi ka naninigarilyo, HUWAG MAGSIMULA Napakasama ng paninigarilyo sa iyo.

Huwag uminom ng labis na alak Ang labis na alak ay masama sa iyong puso. Humanap ng ibang paraan para labanan ang stress.

Marami pang Bagay na puwede mong gawin para mapanatiling malusog ang iyong puso: o Magpasuri sa iyong doktor. o Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung ano ang

pwede mong gawin para manatiling malusog. o Makipag-usap sa mga taong sumusuporta sa iyo tungkol sa

kung paano sila makakatulong.

Gumawa ng Mga Bagay na Malusog-sa-Puso o Kumain ng tama o Mag-ehersisyo ng madalas o Huwag manigarilyo o Huwag uminom ng labis na alak o Bawasan ang iyong stress

Ang paggawa sa mga ito ay magliligtas sa iyong buhay!

Page 6: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Sakit sa Puso at Stroke-Ano ang Kailangan Mong Malaman

Tip Sheet #2: Mga Palatandaan ng Atake sa Puso

Para mapanood ang demonstrasyon ng mga aktor ng mga palatandaan ng atake sa puso magpunta sa

http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Ang atake sa puso ay maaaring pumatay sa iyo! Ang pag-alam sa mga palatandaan ng atake sa puso ay maaaring magligtas ng iyong buhay o ng buhay ng ibang kakilala mo.

Alamin kung ano ang normal na pakiramdam ng iyong katawan. Alamin kung ano ang normal na pakiramdam mo kapag ikaw ay nakaupo, naglalakad, nagbibisekleta o gumagawa ng iba pang aktibidad. Dapat mong malaman ang mga pagbabago ng iyong pakiramdam. Ang mga pagbabago sa iyong pakiramdam ay maaaring mga palatandaang babala.

Mag-ingat sa mga Palatandaan ng Atake sa Puso*:

Pananakit ng dibdib Maraming tao na inaatake sa puso ang nakakaramdam ng kirot sa gitna ng kanilang dibdib. Ang kirot ay maaaring magtagal o pabalik-balik. Ang kirot ay maaaring hindi matindi, tulad ng kapag nasugat ka. Ang pakiramdam ay para bang may dumidiin sa iyong dibdib.

Kirot sa iba pang itaas na bahagi ng iyong katawan Kasama sa mga palatandaan ay ang pagsakit o kirot sa isa o magkabilang braso, likod, leeg, panga, o tiyan.

Pangangapos ng hininga Ang pakiramdam na nangangapos ang paghinga o hingal.

Malamig na Pawis, Nasusuka, o Pagkahilo Maaaring kasama sa iba pang palatandaan ng atake sa puso ang pagpapawis ng malamig, pakiramdam na nasusuka o pagkahilo. *American Heart Association

HUWAG MAGHINTAY Kailangan lang na makaramdam ka ng isa sa mga palatandaan na ito. Karamihan sa atake sa puso ay nagsisimula sa banayad na kirot. HUWAG MAGHINTAY. MAS MABILIS KANG MALALAPATAN NG LUNAS MAS MABUTI.

Kaagad na tumawag sa 911. Kung sa palagay mo na ikaw o may taong inaatake sa puso. Kung hindi ka makatawag, HUMINGI NG TULONG. Maaaring makapagligtas ka ng buhay!

Page 7: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Sakit sa Puso at Stroke – Ano ang Kailangan Mong Malaman

Tip Sheet #3: Mga Palatandaan ng Stroke

Upang mapanood ang demonstrasyon ng mga actor ng mga palatandaan ng Stroke magpunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health; American Stroke Association

Ang stroke ay maaaring pumatay sa iyo! Ang pagka-alam sa mga patandaan ng stroke ay maaaring magligtas ng iyong buhay at sa buhay ng isang kakilala mo.

Dapat mong malaman kung ano ang normal na nararamdaman ng iyong katawan. Alamin kung ano ang normal na pakiramdam mo kapag ikaw ay nakaupo, naglalakad, nagbibisekleta o gumagawa ng iba pang aktibidad. Dapat mong malaman ang mga pagbabago ng iyong pakiramdam. Ang mga pagbabago sa iyong pakiramdam ay maaaring mga palatandaang babala.

Mag-ingat sa mga Patandaan ng Stroke: *Tandaan ang salitang FAST: Face-Arms-Speech-Time.*

Face Ang mukha ng tao ay maaaring tumabingi. Maaaring hindi makangiti ang tao o ang kaniyang bibig o mata ay bagsak.

Arms Hindi mai-aangat ng isang taong pinaghihinalaang na-stroke ang kaniyang dalawang braso. Maaaring makaramdam siya ng panghihina at pamamanhid sa isang braso.

Speech Ang pagsasalita niya ay magiging mahirap maintindihan - utal o magulo. Maaaring tuluyang hindi na makapagsalita ang tao kahit mukhang gising naman siya.

Time – Oras na para tumawag sa 911! Ito na ang oras para tumawag sa 911. Huwag ng maghintay! Kung hindi ka makatawag humingi ng tulong. Kung mas mabilis na madadala ka o ang ibang tao sa ospital, mas mabuti. Kung sa palagay mo ikaw o isang tao ang nai-stroke, Tumawag Kaagad sa 911. *American Stroke Association

Alamin ang mga Palatandaan ng Stroke – Tandaan ang Salitang

FAST – Face – Arms – Speech – Time

Maaaring mailigtas mo ang iyong buhay o ng iba.

Page 8: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Nilalaman Bakit dapat akong mabahala tungkol sa sakit sa puso at stroke? Ano ang sakit sa puso? Ano ang atake sa puso? Ano ang mga palatandaan ng atake sa puso? Naiiba ba ang mga palatandaan ng atake sa puso sa mga babae? Ano ang heart failure? Ano ang mga congenital na depekto sa puso? Ano ang stroke? Ano ang mga palatandaan at sintomas ng stroke? Ano puwede kong gawin para maiwasan ang sakit sa puso at stroke? Ano pa ang mahalagang gawin para maiwasan ang sakit sa puso at stroke? Mga Mapagkukunan

Bakit dapat akong mabahala tungkol sa sakit sa puso at stroke? Ang sakit sa puso at stroke ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos. Halos 1 sa 3 kamatayan bawat taon ay sanhi ng sakit sa puso at stroke.

Ang mga taong may kapansanan ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke dahil mas malamang na sila ay magkaroon ng mataas na presyon ng dugo at iba pang kadahilang nagsasapanganib. Ang mga taong may kapansanan ay mas nahihirapang magpanatili ng tamang timbang at makapag-ehersisyo ng madalas – na parehong mahalaga sa kalusugan.

Ano ang sakit sa puso?

Ang isang malusog na puso ay isang malakas na kalamnan sa loob ng iyong dibdib. Ito ay halos kasing laki ng iyong kamao. Nagbobomba ito ng dugo sa iyong katawan sa pamamagitan ng mga ugat.

Ang mga ugat ay tulad ng mga tubo na nagdadala ng dugo papunta at pabalik sa puso. Ang malusog na ugat ay walang bara at bukas.

SafetyNet: Taglamig 2016

Sakit sa Puso at Stroke: Ano ang dapat mong malaman?

Mga adultong may kapansanan na hindi nakakagawa ng aerobic na gawaing pisikal ay 50% mas lamang kaysa iba na magkaroon ng chronic na sakit tulad ng kanser, diabetes, stroke, o sakit sa puso.* *Center for Disease Control, Vital Signs Report

Page 9: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Page 2

Mga kaugaliang hindi malusog – hindi pag-eehersisyo, pagkain ng madaming mamantikang pagkain, paninigarilyo – ay magiging dahilan ng pagbabara ng mga ugat. Kapag ang mga ugat ay barado, kailangang magtrabaho ng husto ang puso para magbomba ng dugo papunta at pabalik sa puso. Ito ay nagpapahina sa kalamnan ng puso at nagiging dahilan ng sakit sa puso.

Ano ang atake sa puso?

Ang atake sa puso ay kapag masyadong bumagal ang daloy ng dugo sa puso kung kaya hindi nakakakuha ng sapat na dugo ang puso. Nangyayari ito kapag ang mga ugat ay barado. Ang kalamnan ng puso ay napipinsala at ang tao ay nagkakaroon ng atake sa puso.

Ang atake sa puso ay nangangailangan ng dagliang pagpapaospital at agarang lunas.

Maaari kang patayin ng atake sa puso! Ang atake sa puso ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga lalaki at babae.

Ano ang mga palatandaan ng atake sa puso?

Kung nagsususpetsa ka na ikaw o may ibang inaatake sa puso, tumawag kaagad sa 911.

Mga palatandaan ng atake sa puso*: o Kirot sa dibdib – karamihan ng atake sa puso ay nakakaramdam ng kirot sa

dibdib na nagtatagal ng ilang minuto, o pabalik-balik. Ang pakiramdam ay maaaring parang dinidiinan, pinipiga, punong-puno o sakit.

o Kirot sa iba pang bahagi ng itaas na katawan – Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagsakit o di-komportableng pakiramdam ng magkabilang braso, likod, leeg, panga o tiyan.

o Pangangapos ng hininga – Maaaring mangyari ito kahit mayroon o walang pananakit ng dibdib.

o Iba pang mga palatandaan – Ang iba pang palatandaan ay pagpapawis ng malamig, pagsusuka o pagkaliyo. *American Heart Association

Para mapanood ang video tungkol sa mga palatandaan ng atake sa puso, magpunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Page 10: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Page 3

Ang mga palatandaan ba ng atake sa puso ay naiiba sa mga babae?

Para sa lalaki at babae ang pinaka pangkaraniwang palatandaan ay ang pananakit ng dibdib o kirot.

Gayun pa man, ang mga babae ay mas malamang na makaranas ng ilan sa mga iba pang sintomas, partikular na ang pangangapos ng hininga, hilo/pagsusuka at pananakit ng likod o panga.

Ano ang heart failure?

Ang heart failure ay pangunahin na sakit ng matatanda. Ito ay seryoso at nangangailangan ang patuloy na gamutan. Ang heart failure ay nagpapataas ng panganib ng stroke.

Ang heart failure ay nagaganap kapag ang kalamnan ng puso ay humina at hindi na makabomba ng sapat na dugo. Ang pangangapos ng hininga at pamamaga ng mga binti at sakong ang mga palatandaan.

Ang heart failure ay ang isa sa pinakakaraniwang dahilan kung bakit naoospital ang mga taong mahigit 65 taong gulang.

Nagagamot ang heart failure sa pamamagitan ng tamang pagkain, ehersisyo at mga gamot. Makipagtulungang mabuti sa iyong doktor upang malaman kung ano ang gagawin.

Ano ang congenital na depekto sa puso?

Ang congenital na sakit sa puso ay kapag ang tao ay isinilang na may problema sa puso. Ang ilan ay ipinapagamot na pagkapanganak… ang iba naman ay hindi nila alam na may sakit sila hanggang sa maging adulto na sila.

Mga batang may genetikong karamdaman, tulad ng Down syndrome, ay kadalasang may congenital na depekto sa puso.

Kung may sinumang mayroong congenital na depekto sa puso, mahalaga na makipagtulungang mabuti sa iyong doktor para malaman kung:

o Anong uri ng depekto mayron sila, o paano ito ginagamot, o ano’ng uri ng pangangalaga ang kailangan, at o mga palatandaan at kung ano ang gagawin.

Ano ang stroke? Ang stroke ay nangyayari kapag naputo ang suplay ng dugo sa bahagi ng utak.

Ang ugat na dinadaluyan ng dugo mula sa puso papunta sa utak ay nagbara.

Manatiling Buhay!* Maaaring magligtas ng buhay ang Hands-Only CPR! Kapag may taong inatake sa puso, ang kaligtasan ay nakadepende sa agarang pagbibigay ng CPR. Ang Hands-Only CPR ay naipakita ng kasing bisa ng kombensyonal na CPR para sa mga tin-edyer at adulto. Maglaan ng isang minuto para matuto kung paano magligtas ng buhay. Panoorin ang isang maikling demo sa video. Pumunta www.heart.org/handsonlycpr *Hango sa 2015 Hands-Only CPR Fact Sheet

Page 11: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Page 4

Kailangan ng utak ang oksiheno mula sa dugo para gumana ng maayos. Kung ang suplay ng dugo ay napigil o huminto, ang mga selula ng utak ay

mamamatay. Magdudulot ito ng pinsala sa utak, pagkabalda at maaaring ikamatay.

Ang mas maagang paggamot sa taong na-stroke, mas kaunti ang pinsalang maaaring mangyari

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng stroke? Kung nagsususpetsa ka na ikaw o ang isang tao ay nai-stroke, tumawag

kaagad sa 911 • Ang mga pangunahing sintomas ng stroke ay matatandaan sa salitang

FAST: Face-Arms-Speech-Time.* • Face - Ang mukha ng tao ay maaaring tumabingi. Maaaring hindi makangiti

ang tao o ang kaniyang bibig o mata ay nakabagsak.

• Arms – hindi maiaangat ng isang taong pinaghihinalaang na-stroke ang kaniyang dalawang braso. Maaaring makaramdam siya ng panghihina at pamamanhid sa isang braso.

• Speech – Ang pagsasalita niya ay magiging mahirap maintindihan-utal o magulo. Maaaring tuluyang hindi na makapagsalita ang tao kahit mukhang gising naman siya.

• Time – oras na para tumawag sa 911 tumawag kaagad kapag nakakita ka ng anuman sa tatlong palatandaan at sintomas

*American Stroke Association

Para mapanood ang video ang tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng stroke, pumunta http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health

Page 12: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Page 5

Ano ang puwede ko ring gawin para maiwasan ang sakit sa puso at stroke? Maaaring magulat ka na ang Direktor ng Center for Disease Control (CDC) ay nagsabing “Ang pisikal na gawain ang pinakamalapit sa himalang gamot…”para sa pagpigil ng sakit sa puso at stroke. Ang pagsigurong ikaw at ang mga taong sinusuportahan mo ay regular na nakakagawa ng pisikal na aktibidad ay isa lamang sa mga bagay na puwede mong gawin para maiwasan ang kamatayan at pagkabalda dahil sa sakit sa puso at stroke. Para mabawasan ang panganib, alamin ang tungkol sa, kaugalian at suportahan ang mga gawaing malusog-sa-puso

Kumain ng masustansyang pagkain na may maraming prutas at gulay. Bawasan ang mamantikang pagkain tulad ng French fries – at ang dami ng asin sa pagkain. Regular na mag-ehersisyo gaya ng paglalakad o paglangoy. Gawing tunguhin na maka-dalawa at kalahating oras ng pisikal na aktibidad sa isang linggo. Kung naninigarilyo ka, HUMINTO. Kung hindi ka naninigarilyo, HUWAG MAGSIMULA. Huwag uminom ng labis na alak. Humanap ng ibang paraan para bawasan ang stress. Ang paggawa ng mga bagay na malusog-sa-puso ay makakatulong sa iyo at sa mga taong sinusuportahan mo na mapigil ang pangkaraniwang salik ng peligro, kasama na ang mataas na kolesterol, mataas na presyon ng dugo, diabetes, at ang sobrang bigat ng timbang o obese, para sa sakit sa puso o stroke.

Ano pa ang ibang mahalagang bagay para maiwasan ang atake sa puso at stroke?

Regular na patignan ang presyon ng iyong dugo – kahit isang beses sa isang taon. Ang mataas na presyon ng dugo ay nagpapahirap sa trabaho ng puso at nagpapataas sa panganib ng atake sa puso at stroke. Kung mataas ang presyon mo, makakatulong ang doktor para mapababa ito

Koneksyon ng Puso/Utak Ang pagsunod sa malusog sa pusong pamumuhay ang babawas sa pagkakataong magkaroon ng atake sa puso o stroke ... "malaki rin ang magagawa nitong kaibahan sa iyong kakayahang pangkaisipan habang nagkaka-edad. Sa katunayan, ang paggawa ng maraming pisikal na aktibidad, pagkain ng malusog na pagkain at iba pang pag-uugali na nagpapalakas sa iyong puso ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong paraan ng pag-iisip, pagkilos at kung ano ang natatandaan mo."

Hinango mula sa Learn the Heart/Head Connection.

Page 13: GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS … · GABAY PARA SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Kalusugan ng Puso MGA GAGAMITIN SA PAG-AARAL 1. Taglamig ng 2016:

Page 6

Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pagpapasuri ng iyong kolesterol. Ang madaming kolesterol sa iyong dugo ang babara sa mga ugat at maaaring maging sanhi ng atake sa puso at stroke. Muli, makakatulong ang doctor.

Gamitin mo ang iyong nalalaman upang mapanatili mo ang iyong sarili at ang mga taong sinusuportahan mo na malusog-ang-puso. Ang pagkakaroon ng mahaba at masayang buhay ay nakadepende dito! MGA MAPAGKUKUNAN Ibahagi ang mga mapagkukunang ito sa iba, kabilang na ang mga taong sinusuportahan Para sa mga tip na tutulong sa iyo sa bawat gawaing malusog-sa-puso, pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/all-about-heart-health.

SAKIT SA PUSO

Para sa Tip Sheet tungkol sa Sakit sa Puso pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/all-about-heart-health.

Para makapanood ng video tungkol sa mga palatandaan ng atake sa puso, pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health.

Para matuto ng Hands-Only CPR, panoorin ang maikling demo video na ito. Pumunta sa www.heart.org/handsonlycpr *Hinango mula sa 2015 Hands-Only CPR Fact Sheet

Para matuto pa ng higit tungkol sa presyon ng dugo, kung ano ang ibig nitong sabihin, paano kumuha nito, i-click ang https://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/anatomyvideos/000013.htm

STROKE

Para sa Tip Sheet tungkol sa Stroke pumunta sa http://ddssafety.net/health/heart-problems/all-about-heart-health.

Para makapanood ng video tungkol sa mga palatandaan at sintomas ng stroke, pumunta sahttp://ddssafety.net/health/heart-problems/videos-on-heart-health.

Para matuto pa ng higit tungkol sa stroke,pumunta sa http://www.stroke.org/

PILIIN ANG KALUSUGAN-NG-PUSO! Kumain ng mga pagkaing

mabuti para sa iyo Regular na mag-ehersisyo Kung naninigarilyo ka,

HUMINTO Humanap ng ibang paraan

para bawasan ang stress