38
Copyright © 2012 by Alyoony Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law. *** Gitara: Kailan Written by Alyloony Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng malapitan. Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition. Halos lahat na ng pagpapacute at pagpapapansin ginawa ko na pero bakit ni isang ngiti wala manlang ako nakukuha sa kanya? Ni anino ko hindi manlang niya mapansin? Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

  • Upload
    others

  • View
    25

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Copyright © 2012 by Alyoony Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

***

Gitara: Kailan Written by Alyloony

Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng malapitan. Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition.

Halos lahat na ng pagpapacute at pagpapapansin ginawa ko na pero bakit ni isang ngiti wala manlang ako nakukuha sa kanya? Ni anino ko hindi manlang niya mapansin?

Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Page 2: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Ako si Dorinne, at laging tanong sa isip ko…

Kailan mo ba ko mapapansin JM?

“Ms. Dorinne Ulibas, on the stage please” tawag saakin ni Ate Ideshiie.

Kasalukuyan akong nandito sa audition para sa theater club. May bago kasi silang production na gagawin at nangangailangan sila ng iba pang members. This time kasi, kesa stage play ang gagawin nila ay production talaga. At dahil malakas ang radar ko pagdating kay JM, nalaman kong kasali siya dito kaya naman eto ako ngayon, dali-daling nag audition.

Tumayo ako at hinawakan ko yung pendant ng kwintas na suot-suot ko. Isa itong G-clef pendant na bigay ng kababata ko at nagsisilbing lucky charm ko.

Page 3: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

‘Please, sana maging maayos ang pagkanta ko’ bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung gitara ko atsaka ako umakyat sa stage. Tinignan ko yung panel of judges na nasa harap ko.

Asa gitna ay si Ate Ideshiie. Siya yung president namin ngayon ng theater club. Sa kanan niya ay si Kuya Enzo, ang boyfriend-slash-parekoy niya na siyang nag ha-handle sa music and sounds para sa theater club. Sa kaliwa naman niya ay si Diana. Classmate namin siya and secretary ng theater club at siya din ang nakakauha ng lead role. Sa tabi naman niya ay si…

Napalunok ako bigla.

Si JM. Siya ang vice-president ng theater club at the same time siya din yung nakakuha ng lead guy role.

“ok Dorinne, what did you prepare for us? ” tanong saakin ni Kuya Enzo

“uhmm k-kakanta po ako at tutugtog”

Page 4: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“ok you may start now” sabi naman ni Ate Ideshiie

Naupo ako doon sa bangko sa harap then inayos ko na yung gitara ko. Bago ako kumanta ay tumingin muna ako kay JM. He gave me an encouraging smile.

My gulay! Nginitian niya ko? nginitian niya ko!! uwaaaaa mamamatay na ko! uwaaaa!

Hay naku Dorinne! Umayos ka nga! Kailangan mong makakakanta ng maayos ng matanggap ka naman sa theater club at mas makasama mo si JM!

Inayos ang sarili ko then nag simula na akong mag strum ng gitara at kumanta.

“Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita Sana nama'y magpakilala”

Page 5: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Confident na confident ako habang kumakanta. Aba naman, talagang nag practice ako ng husto para makuha ako sa audition na to. Isa pa, ito kasing kanta na to ay para kay JM. Sabi kasi ni mama, mas gumaganda ang pagkanta ng tao pag kinakanta niya ito para sa iba.

“Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala”

Hindi ko maiwasang mapangiti sa part ng kanta na ito. Paano ba naman kasi naalala ko dati, sinadya kong ihulog yung mga libro na dala-dala ko nung magkasalubungan kami ni JM kaya lang pagkahulog ko nun sakto namang may tumawag sa kanya kaya hindi niya ako nakita.

“Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin”

Napalingon ako kay JM pero this time hindi na siya nakatingin saakin. Busy na siya makipag kwentuhan kay Diana. Medyo na discourage tuloy ako ng onti pero pinag patuloy ko ang pagkanta dahil gustong gusto ko talagang matanggap dito.

“Bakit kaya umiiwas Binti ko ba'y mayroong gasgas Nais ko lang magpakilala Dito'y mayroon sa puso ko Munting puwang laan sa 'yo Maaari na bang magpakilala”

Page 6: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Pumikit ako at inalala yung mukha ni JM kanina ng bigyan niya ako ng encouraging smile. Ma-imagine ko pa lang yun, bumalik na ulit ang confidence ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakapikit.

“Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin”

Siguro sa ngayon, wala ang atensyon saakin ni JM kundi na kay Diana. Syempre kahit pa maganda ang boses ko, di hamak naman na mas maganda ang mukha ni Diana saakin. Walang sinabi ang boses ko sa ganda ni Diana. Pero isinantabi ko muna ang pagiisip ng ganun at tanging mukha lang ni JM ang inisip ko para makakanta ako ng maayos.

“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin”

Ilang clubs pa ba ang sasalihan mo JM? At sa ilang clubs pa ba kita dapat sundan para mapansin mo ako?

“Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na biti n”

Page 7: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Kung sabagay, kahit nga naman lagi ko siyang sundan, kahit lagi akong magpapansin, at kahit lagi akong nakabuntot sa kanya, kung di ako magkakalakas ng loob na magpakilala, walang mangyayari.

Sinubukan ko idilat ang mata ko at tumingin kay JM at halos mapatalon ang puso ko sa galak ng makita kong seryoso siyang nakikinig habang kumakanta ako

“Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”

“Dorinne!!” tumakbo papalapit ang best friend kong si Ilay saakin ng makalabas ako sa theater room “anong nangyari sa audition! Pumasa ka ba ha? pasa ka ba? Bat ganyan ang mukha mo, parang nalugi? Uy! Teka don’t tell me bumagsak ka?! ” O___O

Tinignan ko si Ilay then bigla akong ngumiti at nagtatalon “PASADO AKO! NATANGGAP AKO! YEHEY!!”

Page 8: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“UWAAAAAAAA talaga?! Talaga?! Waaaaaaaah!!”

Nagyakapan naman kaming dalawa habang tumatalon talon kaming dalawa.

“yehey! Kasama ko na ang best friend ko sa theater club!” sabi ni Ilay saakin

“yehey! Masisilayan ko na araw araw si JM!” sagot ko naman sa kanya.

Biglang huminto sa pagtalon si Ilay “hmpf! Si JM lang ba dahilan ng pagsali mo doon!” sabi niya habang naka pout. Medyo natawa naman ako. Kasali din kasi si Ilay sa theater club at isa din siya sa mga dahilan kung bakit ako sumali.

Inakbayan ko si Ilay “syempre isang dahilan din ang napakaganda kong be st friend!”

Nginitian niya ako “talaga? Maganda ako?”

Page 9: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“teka sabi ko bang ikaw ang tinutukoy ko?”

“ikaw ang sama mo! halika na nga at ilibre mo na ak o ng lunch tutal natanggap ka naman!” sabi ni Ilay sabay hatak saakin papunta sa canteen.

(after 2 weeks)

Two weeks na akong member ng theater club at ngayon ko lang narealize na hindi pala biro ang ginagawa dito. Medyo malaki kasi ang production na ginagawa namin dahil ipapalabas ito during our school fair. Lahat ng highschool students ay required manuod kaya naman lahat kami ay nape-pressure dito. Talagang pinili namin ang magagandang locations para mag shooting. Tinulungan din kami ng mga teachers namin sa pag gawa ng script at pag edit ng videos.

Isang romance movie ang plot namin. Sa story, magkababata si Jester na ginagampanan ni JM at si Sidney na ginagampanan naman ni Diana tapos nagkahiwalay silang dalawa at after ilang taon ay nagkita ulit sila. Pero this time, may amnesia si Sidney at hindi na niya nakikilala si Jester. On the other hand, nainlove naman sa kanya si Jester at ginawa niya ang lahat para napansin siya ni Sidney kaya lang kahit anong pagpapapansin niya ay hindi siya mapansin pansin nito. Feel na feel ko nga masyado yung flow ng story eh kasi nakakarelate ako sa character ni Jester.

Page 10: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Dahil pilit akong nagpapapansin sa lalaking gumaganap sa character niya. At kung mangaasar nga naman ang tadhana, ang title ng movie ay “Kailan” Ako pa nga ang kakanta ng theme song eh.

Pero kahit napaka madugo ng production na to, masaya parin ako kasi araw araw kong nasisilayan si JM. Araw-araw ko siyang nakikita ng mas malapitan. Hindi ko na siya kailangan i-stalk pa para lang masilayan ko ang maganda niyang ngiti at napaka sigla niyang mga tawa.

“Dorinne, ready ka na bang kumanta?” tanong saakin ng teacher namin na nag di-direct ng production “Isasama kita sa scene mamaya. Ayos lang ba sayo?”

Medyo natuwa naman ako sa narinig ko “opo! Ayos lang po!”

Uwaaaaa kasama daw ako sa scene mamaya? Ibig sabihin nun makakasama ko si JM sa scene? Masayang masaya na ako! Kahit kasi magkasama na kami sa theater club ay hindi parin naman talaga kami ganung ka-close ni JM. Ang tanging paguusap lang namin ay “hi” tapos “good morning” tapos “ingat sa pag uwi, bye” Mga ganun lang. Pero yung makakwentuhan ng matagal? Hindi pa talaga. May mga times na gusto ko siyang lapitan at kausapin kaya lang lagi naman akong tinatamaan ng hiya! Pero ngayon, nabigyan ako ng chance na makasama siya sa isang scene! Tapos may lines pa kaming dalawa! At least kahit sa ganitong paraan ay makakausap ko si JM.

Binasa ko yung mga lines na sasabihin ko sa script. Maiikli lang naman ito kaya naman madali ko siyang nakabisado. After nun, nag practice narin ako sa pagkanta.

Page 11: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”

“uy”

Napatigil ako sa pag tugtog ng may kumalabit saakin. Nilingon ko naman ito.

“J-JM!” O___O

Halos lumabas ang mata ko sa sobrang panlalaki nito ng makita kong nakatayo si JM sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng mineral water.

“inom ka muna para di ka mamaos” sabi ni JM saakin habang nakangiti.

Page 12: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Nakatulala naman akong inabot yung mineral water “s-salamat”

“makaka-scene pala kita mamaya? Galingan natin ah!”

Tumango lang ako sa kanya

“sige mag kakabisa muna ko ng lines mamaya na lang” sabi ni JM saakin “bye bye”

“b-babye!”

After that tumayo na siya at naglakad papalayo saakin kaya lang bigla siyang huminto at lumingon saakin.

“by the way, I love your necklace”

Page 13: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Napahawak naman ako bigla doon sa g-clef kong necklace then tumingin ako sa kanya at nginitian siya “s-salamat”

He just smiled at me at naglakad na siya palayo.

T-teka, totoo ba to? K-kinausap ako ni JM at inabutan pa niya ko ng tubig! Teka lang, pwede na kong mamatay ngayon! As in pwede na! de joke lang, tsaka na pag asawa ko na siya, mwahahaha.

Hinawakan ko ulit yung necklace ko. Hay lucky charm ko talaga to! Actually bigay saakin to ng isang mahalagang tao sa buhay ko and simula ng binigay niya saakin to, lagi ko na itong suot-suot.

Tinitigan ko yung mineral water na binigay saakin ni JM at pinaghahalikan ko to.

I love you JM! Mwah mwah mwah! I love you! Mwah!

Page 14: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“ok everyone’s ready? And action!!”

Nandito kami ngayon sa school canteen para i-shoot yung scene kung saan kasama ako sa scene. Sa scene kasi, busy makipagkwentuhan si Sidney (Diana) sa mga kaibigan niya habang tinitignan naman siya ni Jester (JM) mula sa malayo. Ako naman ay nakaupo sa hindi kalayuan kay JM habang kumakanta.

“bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita

Sana nama’y magpakilala..”

Nakita kong nag buntong hininga si JM

“ilang ulit ng nagkabangga, aklat kong dala’y pinul ot mo pa

Di ka parin nagpakilala..”

“Ang ganda ganda talaga niya” bulong ni JM habang nakatingin kay Diana

Page 15: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“bawat araw sinusundan

Di ka naman tumitingin

Anong aking dapat gawin?”

“HEH!”

Napahinto ako sa pag kanta ng sumigaw si JM at tumabi siya saakin “nangaasar ka ba? Kita mo ngang broken-hearted tong tao tapos yan pa kinakanta mo?” T____T

Halos matawa naman ako sa itsura niya kasi bigla siyang nag pout doon kaso pinigilan ko dahil umaarte kaming dalawa.

“eh bat ka ba kasi brokenhearted?” tanong ko sa kanya

“eh kasi naman eh may babae akong gusto. Actually k ababata ko siya kaya lang nagka amnesia siya at hindi na niya ako maalala.”

Page 16: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“hmm eh bakit hindi mo ipaalala ang sarili mo sa ka nya?”

Bigla na naman nag pout si JM at talagang inubos ko ang buong lakas ko mapigilan lang ang sarili kong wag kiligin dito kasi naman ang gwapo gwapo ng ka-eksena ko! kaloka!

“paano pa ko makakalapit doon eh sikat siya sa camp us! Ni-anino ko nga di makalapit”

Nginitian ko siya “lalaki ka di ba?”

“h-huh?”

“ang sabi ko lalaki ka di ba? kung tunay kang lalak i at mahal mo talaga ang taong yung, gagawin mo ang lahat makalapit lang sakanya. You’ll do whatever it takes para maalala ka niya at mapaibig mo siya. Kung pang hihinaan ka agad ng loob without even trying then she don’t deserve a guy li ke you” after kong sabihin yun ay kinuha ko na ang gitara ko at iniwan ko siya.

“ok cut!! Very good! I like your facial expression at the end JM, very realistic!” puri ni director sa kanya

Page 17: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“ah, hehe salamat po” sabi naman ni JM

Napangiti lang ako then dumiretso na ako kay Ilay.

“hoy bestplen! Ikaw ah umaariba ka! May scene ka wi th papa JM mo!” bulong niya saakin

Siniko ko naman siya “shh Ilay! Baka may makarinig sayo!”

“sus! kinikilig ka lang!” pangaasar niya saakin kaya naman napangiti ako “kinikilig talaga ang bruha!”

“eh kasi! Ano ba! Kinikilig ako! Hahahaha”

“ang landi mo te!”

Page 18: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“grabe kinikilig lang hahaha!”

“Dorinne!”

Napatigil kami ni Ilay sa paghaharutan ng marinig namin yung boses ni JM na tinatawag ang napakagandang pangalan ko.

“J-JM b-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya gawa ng sobrang pagka kilig.

“uhmm pwede ba kong manghingi ng favor sayo?”

“h-ha? o-oo naman!”

“ok good then, please go out with me on Sunday. Ok lang ba?”

Napatango na lang ako habang nakatulala dahil sa sinabi niya.

Page 19: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“ok good then kita na lang tayo sa tapat ng school ng 9am”

Tumango lang ulit ako sa kanya. Nag paalam na siya umalis then humarap ako kay Ilay

“b-b-b-bestplen… t-tell me, a-ano nga ulit yung fav or ni JM? Hindi ko masaydong nag sink in sa utak ko eh”

Iniharap ako ni Ilay sa kanya then hinawakan niya ang mukha ko

“sabi ni JM, please go out with me on Sunday”

“paki ulit”

“please go out with me on Sunday”

Page 20: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“isa pa”

“please go out with me on Sunday! please go out wit h me on Sunday! PLEASE GO OUT WITH ME ON SUNDAY!!” tili ni Ilay kaya naman bigla na lang din ako napatili habang nagtatalon!

“waaaaaaaaaaaaaaah!! Sabi niya yun?! sabi talaga ni ya yun?! please go out with me on Sunday?! Waaaaaaaaaah!”

“oo bestplen! Sabi niya yun! please go out with me on Sunday!!”

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! ” sabay naming sigaw ni Ilay habang magkahawak kami ng kamay at nagtatatalon

“teka! Hindi to panaginip di ba?! Hindi to panagini p?!” tanong ko sa kanya. Bigla bigla naman akong kinurot ni Ilay sa pisngi kaya naman napahawak ako sa pisngi ko “aray ko!! it hurts!!” T___T

“masakit? Ibig sabihin hindi ka nananaginip!” sabi niya saakin

Page 21: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“oo nga no? uwaaaaaaaaaaaaa! Totoo talaga yun! toto o talaga!! please go out with me on Sunday! Waaaaaaaaaaa!”

Nagtatatalon ulit kami ng nagtatatalon ni Ilay doon na parang sira pero wala akong paki! Sobrang saya ko lang talaga! Aba naman, hindi ko aakalaing yayain ako ni JM makipag date! Ibig sabihin ba nito ay mahal din niya ako? Pag nagkataon ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo!

Dumating ang Linggo. Sobra talaga akong naghanda sa araw na ito. Todo paganda ang ginawa ko at talagang nag ayos ako ng husto para naman mag mukha akong tao sa harap ni JM. Isinuot ko din yung g-clef na necklace ko. Bago ako umalis sa bahay nag dasal muna ako kay God na sana maging maayos ang araw na to. Hinawakan ko din yung g-clef necklace ko.

‘please give me luck today’

Nung makarating ako sa tapat ng school namin, nakita ko na agad si JM doon na nagaantay. Again, hindi na naman maiwasan na bumilis ang tibok ng puso ko the

Page 22: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

moment na nakita ko siya. Pero ngayon, may halong saya na ang bilis ng pagtibok ko. Magkahalong saya at kilig.

Lumapit ako kay JM at nung makita niya ako ay nginitian niya ako agad. This time mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh nakikipagkarera sa mga kabayo.

“Hi” bati niya saakin

“h-hello, k-kanina ka pa ba?”

“no kadadating ko lang din. Thank you nga pala sa p ag punta ah”

“w-wala yun!”

“so let’s go?”

“ok”

Page 23: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Naglakad kami ni JM sa may sakayan ng jeep then sumakay na kami. Bumaba naman kami sa mall malapit sa may school namin.

“ano una nating gagawin?” tanong ko kay JM

“hmm tulungan mo muna akong pumili ng regalo”

“Regalo? Para kanino?”

Biglang napakamot ng ulo si JM at nakita ko ang pamumula ng mukha niya “a-actually kaya ako nagpasama sayo dito k-kasi gusto ko sanang magpatulong”

“m-magpatulong? Na ano..”

“y-you see, m-may nagugustuhan kasi akong babae at b-balak ko sanang bigyan siya ng regalo. K-kaso hindi ko alam ang gusto niya kaya gusto ko sanang magpatulong sayo”

Page 24: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

BOOM.

Parang biglang nawala lahat ng saya at kilig na nararamdaman ko at napalitan ito ng sakit. So ito pala ang favor na hinihingi niya saakin? ang tulungan siyang bilhan ng regalo yung babaeng mahal niya? Akala ko kaya niya ko niyaya dito kasi gusto niya ako. Buong akala ko ay may date kami ngayon. Yun pala nag assume lang ako. Masyado lang akong advance magisip.

Nakalimutan ko, isa nga lang pala akong anino na hindi pinapansin ni JM. At kahit kailan, hindi niya ako mapapansin. Sino nga naman ba ako di ba?

Hindi ko alam yung istura ko nung sinabi saakin ni JM yun kaya naman agad-agad akong ngumiti.

“i-ikaw ah! may pinopormahan ka p-pala! Sino yan ha !” kunyaring pang aasar ko sa kanya

“Si Sidney…” sabi ni JM

Page 25: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“Si Sidney? You mean si Diana?”

Nginitian lang ako ni JM pero bigla na namang namula ang tenga niya. Halata nga namang magugustuhan niya si Diana. Syempre maganda yun at matalino. Talented pa! Isa pa masyado na silang naging malapit dahil sa production na ito at idagdag mo pang love team sila. Malaking possibility naman talaga na magustuhan siya ni JM.

Wala na nga talaga akong pag-asa. Ang sakit :’(

“s-so, tingin mo ano ba dapat ang ibigay ko sa kany a?” tanong saakin ni JM

“uhmm bat hindi mo siya bigyan ng chocolates or flo wers or the usual stuff na binibigay ng mga lalaki sa babae”

“eh kaso alam ko hindi naman siya mahilig doon eh. Ikaw ba, kung ikaw ang bibigyan ng gift ano gusto mo?”

Page 26: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“tweety bird na stuff toy!!” walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya “ay hehe sorry mahilig kasi talaga ako sa tweety bird. Kaso baka hindi naman gusto ni Diana yun”

“hmm kung bilhan ko na lang siya ng kahit anong stu ff toy? Tingin mo?”

“s-siguro..”

“let’s go..”

Pumunta kami ni JM sa blue magic at nagtingin tingin siya ng stuff toy para kay Diana. Ang swerte swerte naman talaga ng babaeng yun. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na maganda, matalino at talented? Bakit ba merong mga taong sadyang pinag pala at meron din namang sadyang pinag kaitan—tulad ko.

Bumili ng isang malaking teddy bear si JM then sinunod narin niya yung payo ko na bumili ng flowers at chocolate. Siguro kung saakin ibibigay yan ni JM, magiging ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo.

Kaso wala, hanggang pangarap na lang ako.

Page 27: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

After mamili, niyaya naman ako na kumain ni JM. Ililibre daw niya ako tutal daw sinamahan ko siya ngayon pero sabi ko kailangan ko ng umuwi ng maaga kasi may dadating kaming mga bisita. Pinilit niya rin ako na ihatid pero sinabi kong wag na.

Gusto ko na lang talaga na makalayo kay JM ngayon.

Pagkauwing pagka uwi ko, sumalampak agad ako sa kama ng kwarto ko at doon nagiiyak. Pakiramdam ko kasi parang ang tanga tanga ko para mag assume ng ganun. Nahihiya ako sa sarili ko. At the same time, nasasaktan ako dahil parang isinampal saakin ngayon na wala na talaga akong pagasa kay JM, na kahit anong gawing pagpapapansin ko, kahit kailan hinding hindi niya magagawang lumingon saakin.

For the first time, doon ko lang narealize na para akong tanga sa mga pinag gagagawa ko. sa pag iistalk ko sa kanya, sa pagpapapansin ko sa kanya, sa pagsunod ko sa lahat ng clubs na salihan niya, mukha lang akong desperadong tanga.

Ayoko na. Gusto ko ng itigil to.

Page 28: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Kinabukasan sa shooting namin sa production, tinanong ako ni Ilay kung kamusta ang ‘date’ namin kaso nung makita niya ang malungkot kong mukha, hindi na niya itinuloy yung tanong. Malamang ay nakaramdam siya na may hindi magandang nangyari.

Buong araw, sinusubukan kong iwasan si JM na makausap o makasalubong manlang. Hindi rin naman ako masyadong nahirapan nun kasi busy siyang makipag kwentuhan kay Diana. Malamang siguro ay naibigay na niya yung gift niya dito, at malamang din sila na.

Ang sakit talaga T___T

Mga bandang hapon nung papunta kami sa park kung saan kami mag sho-shooting, bigla namang sumama ang pakiramdam ni Diana kaya naman napauwi siya ng di oras. Dapat hindi na kami tutuloy doon pero sabi ni director, pumunta narin kami para makita namin yung location and makapag practice ng lines.

Nung makarating kami sa park na pag sho-shootingan namin, biglang may nag flashback sa memory ko. Dito sa mismong park na ito ko nakuha ang g-clef necklace ko. Natatandaan ko pa nung mga araw na yun kung saan ko nakilala ang isang batang lalaking nagngangalang Pepot. Well hindi ko alam kung iyon ang tunay niyang name pero yung ang tawag ko sa kanya dati.

Nung mga panahon na yun, nag-away si mama at papa at narinig ko sa usapan nila na maghihiwalay na sila. Sobra akong nasaktan nun at takot na takot dahil ayaw kong maghiwalay sina mama at papa. Tumakbo ako nun sa mismong park na ito at nagtago

Page 29: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

sa likod ng malaking puno. Doon ako umiyak ng umiyak habang kumakanta para kahit papaano ay mawala yung sakit na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng may isang batang lalaki na biglang sumulpot sa harap mo.

“bata ang ganda sana ng boses mo kumanta pero kung hindi lang sana puro sipon yang ilong mo mas mabuti” sabi niya saakin

Pinunasan ko yung mga luha ko nun “h-hindi naman sipon to eh! l-luha to!” pahikbi-hikbi kong sagot sa kanya.

“eh bat ka ba kasi umiiyak?”

Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kay mama at papa. Nakinig naman siya saakin nun at pilit akong pinapakalma.

“ah alam ko na!” sabi niya sabay may dinukot siya sa bulsa niya na kwintas at isinuot niya saakin “eto ang lucky charm ko! pero ibibigay ko na yan sa yo. Mag wish ka lang palagi diyan at tutuparin niya ang wish mo”

“t-talaga? Akin na lang to?”

Page 30: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“oo naman!”

Yumuko ako habang hawak hawak ko yung g-clef necklace "sana magkabati na si mama at papa" bulong ko dito

"sigurado ako magkakabati na sila! Di ka bibiguin n g necklace na yan"

Nginitian ko siya “Salamat ah? a-ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya

“pepot. Eh ikaw?”

“ako si titot” sabi ko sa kanya. Yun kasi yung palayaw ko dati nung maliit ako.

After ko makilala si Pepot at nung ibinigay niya sa akin yung necklace, pagkauwi ko nun sa bahay ay nagulat na lang ako na bati na sina mama at papa. Hindi na sila nag away ng ganun simula ng araw na yun. Naging kaibigan ko rin si pepot kaya lang nung nasa grade 5 na kami, bigla na lang silang lumipat ng bahay kaya naman hindi ko na siya nakita simula noon.

Page 31: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Hay kamusta na kaya siya?

Tinignan ko ulit yung g-clef necklace atsaka ko ito hinawakan.

‘please, alisin mo yung sakit na nararamdaman ko ng ayon’ bulong ko dito.

“Dorinne, please come here for a sec ” tawag saakin ni director kaya naman agad agad akong lumapit sa kanya “mag pa-practice tayo ng mga lines today but since wala si Diana, kindly help JM with his lines”

“s-sige po” kung mamalasin ka nga naman. Iniiwasan ko yung tao pero eto, pilit kaming pinaglalapit T___T

Page 32: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Kinuha ko yung script at binasa ko ito. Kung mangaasar nga naman si tadhana, eto pa yung scene kung saan magtatapat na si Jester kay Sidney. Bakit ba ang malas ko? Mukhang naubos na ata ang luck power ni necklace T__T

After ng ilang minuto, pinapwesto narin kami ni JM para sa practice. At napakaganda nga naman, doon pa sa mismong puno kung saan ko unang nakilala si Pepot kami naka pwesto.

“and.. action!” sigaw ni director

“uhmm a-ang ganda ng park na to no?” sabi ni JM saakin

Binasa ko naman yung nasa script “oo nga eh. Bakit mo pala ako dinala dito?”

“kasi gusto ko sanang ipakita sayo ang lugar kung s aan ko unang nakilala ang babaeng mahal ko. Dito sa mismong punong to, nakita ko siyang umiiyak dati. Dito rin sa mismong punong to ko naging kaibigan an g taong yun”

Tinignan ko lang si JM habang nag de-deliver ng mga lines niya. Parang medyo familiar yung scene na to saakin ah.

Page 33: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“kaso alam mo ba, nagkahiwalay kaming dalawa nung m ga bata pa kami tapos after ilang years, nagkita ulit kami, sa kasamaang palad nga lang, hindi na niya ako naaalala. Pero dahil sa sinabi saakin ng isa ko ng kaibigan na kung tunay daw akong lalaki, gawin ko ang lahat, maalala lang ako ng taong mahal ko. Dapat gawin ko ang lahat para mahalin din niya ako. At ku ng pinanhihinaan ako ng loob ngayon, ibig sabihin nun, hindi ako worth it para s a babaeng yun. Sa totoo lang tinamaan ako doon. I want to be a guy that is worth y for that girl”

Lumapit si JM saakin at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko

“t-teka JM, w-wala sa script na hahawakan mo si Dia na. Dapat nandiyan ka lang at nakatayo tapos after mong magtapat sa kanya, hindi niya tatanggapin yung proposal mo kaya naman tatakbo ka palayo” pag correct ko sa kanya. Tsaka tofu naman, wag niya kong hawakan sa kamay, baka mahulog na naman ako ng paulit ulit dito sa lalaking to.

Pero nagulat ako ng mas hinigpitan ni JM ang hawak niya sa kamay ko. Tinignan ko sina director pero hindi sila nakikielam saamin at pinapanood lang kami. Teka ano to?

“Gusto kong ipaalala ulit sa taong mahal ko ang lug ar na to. Pero bago yun kilala mo ba kung sino siya?”

Page 34: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Kahit litong lito na ako sa nangyayari, sinunod ko yung next line sa script

“s-sino?”

“Si titot”

Halos matulala ako sa sinabi ni JM “t-teka dapat Sidney ang sasabihin mo” halos pabulong kong sabi sa kanya

“hindi ka naman si Sydney di ba? Ikaw si Dorinne di ba? ikaw ang Titot ko na matagal ko ng gustong gusto”

Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan at pakiramdam ko ay parang may lalabas na luha sa mga mata ko “I-ikaw si Pepot?”

Page 35: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Nginitian ako ni JM “ako nga”

At ng pagkasabing pagkasabi niya nun, bigla na lang bumuhos ang luha sa mata ko.

“g-gusto mo ko? paanong nangyari yun! sabi mo si Di ana ang gusto mo!”

“sabi ko si Sidney ang gusto ko”

“pero si Sidney si Diana di ba?”

Umiling si JM at mas lalo siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi “Si Sidney ay ang Titot ko. Si Sydney ay si Dorinn e Ulibas na matagal ko ng mahal kaya lang hindi niya ako napapansin. Ako yung sumulat ng story para sa production na ito. At alam mo ba kung bakit ko to s inulat? Baka kasi sakaling, marealize mo na ako yung kababata mo. Baka sakaling maalala mo ang mga pangyayari dito. Baka sakaling, sa pamamagitan nito ng production na to, maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Baka sakaling mapansin mo na ko.”

Page 36: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni JM. Parang kahapon lang sobra akong nasasaktan ah? Parang kahapon lang halos maubos na ang luha ko kakaiyak sa sobrang sakit. Pero tingnan mo ngayon, umiiyak ulit ako, pero this time ay dahil sa sayang nararamdaman ko.

Bigla na lang ako nagulat ng magtayuan ang mga taong nanonood saamin at pare-pareho nila kaming pinalakpakan dalawa.

"hay sawakas nakapagtapat narin siya " dinig kong sabi ni Kuya Enzo mula sa malayo

"ang sweet nila no!" sabi naman ni Ate Ideshiie

Nagulat na lang ako ng makita ko si Ilay at si Diana na may dala-dalang flowers, chocolate at

At isang malaking stufftoy na tweety bird.

Page 37: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

Inabot nila ito kay JM. Bago umalis si Ilay kinindatan niya naman ako sabay sabing "way to go bestplen!"

Lumapit si JM saakin at inabot yung stuff toy.

“siguro ngayon alam mo na kung sino ang pagbibigyan ko nito?” hinawakan niya ang kamay ko “Dorinne, I love you. This time ako naman manghihin gi ng wish sa g-clef necklace mo” hinawakan niya yung necklace ko “sana, maging girlfriend ko na si Dorinne”

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko to the point na hindi na ako makapagsalita. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari at parang pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.

This is so good to be true. Sobrang saya ko.

Bigla ko na lang niyakap si JM atsaka ako bumulong sa kanya

Page 38: Gitara: Kailan - litratista.weebly.com

“wish granted”

The End