39
1 sa 39 Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education Curriculum (GEC), at Wikang Filipino: Kamalayan, Ekonomya, at Edukasyon sa Pilipinas David Michael M. San Juan 1 “A luta continua 2 ! Tuloy ang laban! Tuloy ang laban! Laban saan? Saan dapat magpatuloy ang laban? Laban sa rehiyonalismo! Laban sa kamangmangan! Laban sa kawalan ng edukasyon! Laban sa pagsasamantala! Laban sa pamahiin! Laban sa pagdurusa! Laban sa gutom! Laban sa kawalan ng maisusuot! Tuloy ang laban upang balang araw tayong lahat ay maging pantay- pantay! Ang kolonyalismo’y krimen sa sangkatauhan. Walang makataong kolonyalismo. Walang demokratikong kolonyalismo. Walang hindi mapagsamantalang kolonyalismo.” 3 - Samora Moisés Machel 4 Malabnaw ang kamalayan ng maraming mamamayan sa mga bansang mahihirap (o “umuunlad,” sabi ng iba) na karaniwang agrikultural at/o semi-industriyalisado, hinggil sa globalisasyon at sa mga isyung kaugnay nito. Hindi ito kataka-taka sapagkat ang midya, mga institusyong pang-edukasyon, mga ahensyang pangkultura, mga institusyong panrelihiyon, at ang mismong gobyerno, sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay pinangingibabawan at kontrolado ng pinakamayayaman na naghahangad panatilihin ang kasalukuyang sistema na paborable sa kanila, gaya noong isulat ni Antonio Gramsci ang kanyang “Quaderni del carcere” o “Prison Notebooks” sa Italya, sa panahong nangingibabaw ang uring burgesya (malalaking negosyante/kapitalista at mga panginoong maylupa o landlord 5 ) sa halos lahat ng institusyon 1 Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila; Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA); Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers- Private Schools (ACT Private); Board Member, Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF); Executive Council Member, National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT) 2 Nangangahulugang “Tuloy ang laban!” 3 Transcript ng pahayag ni Machel na masisipat sa: https://www.youtube.com/watch?v=bvj0Feq5vpI. Ang salin ay batay sa English na subtitles sa nasabing video: “The struggle continues! The struggle continues! The struggle continues! Against what? Against what must the struggle continue? Against tribalism! Against ignorance! Against illiteracy! Against exploitation! Against superstition! Against misery! Against famine! Against lack of clothing! A luta continua so that someday we will all be equal! Colonialism is a crime against humanity. There is no humane colonialism. There is no democratic colonialism. There is no non-exploitative colonialism.” Isinalin bilang “rehiyonalismo” ang “tribalism” sapagkat iyon ang mas litaw na suliranin sa Pilipinas. 4 Si Machel ang unang pangulo ng Mozambique (1975-1986) at lider ng Frente de Libertação de Moçambique/FRELIMO (Mozambique Liberation Front) na nanguna sa pakikibakang antikolonyal ng mga taga- Mozambique laban sa Portugal. Namatay si Machel noong 1986 nang bumagsak ang kanyang eroplanong sinasakyan. May mga naniniwalang pinaslang si Machel ng mga ahente ng imperyalismo (sistema ng direkta o hindi direktang pangingibabaw sa ekonomya, politika, at kultura, ng isang bansa sa iba pang bansang mas mahina sa kanila sa mga aspektong ito) dahil sa kanyang matibay na paninindigang antikolonyal at anti-imperyalista. 5 Sa Pilipinas, popular din ang terminong “asendero” o “haciendero.”

Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

  • Upload
    dangtu

  • View
    556

  • Download
    14

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

1 sa 39

Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education Curriculum (GEC), at Wikang Filipino:

Kamalayan, Ekonomya, at Edukasyon sa Pilipinas

David Michael M. San Juan1

“A luta continua2! Tuloy ang laban! Tuloy ang laban! Laban saan? Saan dapat magpatuloy ang

laban? Laban sa rehiyonalismo! Laban sa kamangmangan! Laban sa kawalan ng edukasyon!

Laban sa pagsasamantala! Laban sa pamahiin! Laban sa pagdurusa! Laban sa gutom! Laban sa

kawalan ng maisusuot! Tuloy ang laban upang balang araw tayong lahat ay maging pantay-

pantay! Ang kolonyalismo’y krimen sa sangkatauhan. Walang makataong kolonyalismo.

Walang demokratikong kolonyalismo. Walang hindi mapagsamantalang kolonyalismo.”3

- Samora Moisés Machel4

Malabnaw ang kamalayan ng maraming mamamayan sa mga bansang mahihirap (o

“umuunlad,” sabi ng iba) na karaniwang agrikultural at/o semi-industriyalisado, hinggil sa

globalisasyon at sa mga isyung kaugnay nito. Hindi ito kataka-taka sapagkat ang midya, mga

institusyong pang-edukasyon, mga ahensyang pangkultura, mga institusyong panrelihiyon, at

ang mismong gobyerno, sa mga bansang gaya ng Pilipinas ay pinangingibabawan at kontrolado

ng pinakamayayaman na naghahangad panatilihin ang kasalukuyang sistema na paborable sa

kanila, gaya noong isulat ni Antonio Gramsci ang kanyang “Quaderni del carcere” o “Prison

Notebooks” sa Italya, sa panahong nangingibabaw ang uring burgesya (malalaking

negosyante/kapitalista at mga panginoong maylupa o landlord5) sa halos lahat ng institusyon

1Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila; Convenor, Alyansa ng Mga

Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA); Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private); Board Member, Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF); Executive Council Member, National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT) 2 Nangangahulugang “Tuloy ang laban!”

3 Transcript ng pahayag ni Machel na masisipat sa: https://www.youtube.com/watch?v=bvj0Feq5vpI. Ang salin ay

batay sa English na subtitles sa nasabing video: “The struggle continues! The struggle continues! The struggle continues! Against what? Against what must the struggle continue? Against tribalism! Against ignorance! Against illiteracy! Against exploitation! Against superstition! Against misery! Against famine! Against lack of clothing! A luta continua so that someday we will all be equal! Colonialism is a crime against humanity. There is no humane colonialism. There is no democratic colonialism. There is no non-exploitative colonialism.” Isinalin bilang “rehiyonalismo” ang “tribalism” sapagkat iyon ang mas litaw na suliranin sa Pilipinas. 4Si Machel ang unang pangulo ng Mozambique (1975-1986) at lider ng Frente de Libertação de

Moçambique/FRELIMO (Mozambique Liberation Front) na nanguna sa pakikibakang antikolonyal ng mga taga-Mozambique laban sa Portugal. Namatay si Machel noong 1986 nang bumagsak ang kanyang eroplanong sinasakyan. May mga naniniwalang pinaslang si Machel ng mga ahente ng imperyalismo (sistema ng direkta o hindi direktang pangingibabaw sa ekonomya, politika, at kultura, ng isang bansa sa iba pang bansang mas mahina sa kanila sa mga aspektong ito) dahil sa kanyang matibay na paninindigang antikolonyal at anti-imperyalista. 5Sa Pilipinas, popular din ang terminong “asendero” o “haciendero.”

Page 2: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

2 sa 39

doon, sa kabila ng relatibong laki at lakas ng kilusang panlipunang6 nagsusulong ng pagbabago

roon (sa pangunguna ng Partito Comunista d’Italia o Partido Komunista ng Italya na

kinabilangan ni Gramsci) kumpara sa laki at lakas ng mga kahawig na kilusang panlipunan sa iba

pang bahagi ng Silangang Europa.

Sa ganitong konteksto, hindi rin kataka-taka na sa kasalukuyan, sa mga bansang gaya ng

Pilipinas, karaniwang: 1) mababaw kundi man basura ang mga palabas sa primetime; 2)

tinatalakay sa mga sermon ang langit sa kabilang buhay ngunit hindi ang impyerno ng

karukhaan sa buhay na ito; 3) narahuyo na sa promosyon ng telang hinabi ng piling grupong

katutubong apolitikal, mga pseudo-etnikong sayaw na walang makabuluhang naratibo,

pagbabantay sa ortograpiya, at walang-katapusang pagpapalaganap ng mga kuntil-butil o trivia

na wala namang gaanong kabuluhan at kahulugan, ang mga ahensyang pangkultura; 4)

karamihan sa mga nasa akademya ay tila mga bayarang alingawngaw ng World Bank (WB),

International Monetary Fund (IMF), World Trade Organization (WTO), European Union (EU),

United States Agency for International Development (USAID), Australian Agency for

International Development (AusAID), at iba pang katulad na entidad, sa paulit-ulit na

pagdepensa sa globalisasyon bilang solusyon sa paghihirap ng madla ngunit ni hindi man

lamang nagbibigay ng paliwanag tungkol sa kahulugan ng globalisasyon; at 5) walang sawa ang

mga ahensya ng gobyerno sa pagpapatampok sa diumano’y mga positibong epekto ng

globalisasyon sa Pilipinas na walang batayan at mapatutunayang kabaligtaran pa nga ng

katotohanan. Samakatwid, tila mga tau-tauhan ng uring burgesya at ng mga bansang

imperyalista (mga bansang nangingibabaw nang direkta o hindi direkta sa ekonomya, politika,

at kultura, ng iba pang bansang mas mahina sa kanila sa mga aspektong ito) ang mga

institusyong pangkultura at pang-edukasyon sa kasalukuyan – lalo pa ang mismong mga

gobyerno sa maraming bansa sa mundo – kaya’t hindi maaaring asahan na magiging

makatotohanan at mapanuri sila sa paglalarawan ng namamayaning bersyon ng globalisasyon

sa Third World.

Batay sa mga nabanggit na, pangunahing layunin ng papel na ito na ilarawan ang mga

kasalukuyang pagbabago sa edukasyon at ekonomya ng Pilipinas, lagpas sa mga de-kahon at

halos walang saysay na diskusyon nito sa mga dokumento at pananaliksik ng gobyerno at ng

mga mananaliksik na kanilang kasabwat sa pagpapanatili ng kamangmangan ng maraming

mamamayan sa mga isyung panlipunan. Partikular na sasagutin ng papel na ito ang mga

sumusunod na katanungan: 1) Paano binibiktima ng globalisasyon ang mga bansang gaya ng

Pilipinas?; 2) Paano ginagamit ng mga bansang imperyalista at ng mga korporasyong kapitalista

(entidad na naniniwalang tubo o profit ang sentro ng buhay sa mundo), ang Asia-Pacific

Economic Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), EU, WB, IMF,

6Popular na panumbas sa “social movement.” Sa pinakasimpleng pahayag, bahagi ng “kilusang panlipunan” ang

mga indibidwal at mga organisasyong naghahangad ng positibong pagbabago sa lipunan.

Page 3: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

3 sa 39

WTO, Trans-Pacific Partnership (TPP), Transatlantic Trade and Investment Partnership (TTIP), at

iba pang katulad na pormasyon at kasunduan upang mapanatili ang dependensiya ng mga

bansang gaya ng Pilipinas sa kanila?; 3) Paano nakapag-aambag ang pagbura sa Filipino sa

kolehiyo at ang K to 12, sa pagpapanatili ng kasalukuyang sistemang ekonomiko?; 4) Bakit

mahalaga ang pakikibaka para sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at

pakikibaka para sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino, sa konteksto ng mas malawak na

pakikibakang nagtataguyod sa isang bagong sistemang ekonomiko?; 5) Ano ang papel na

ginagampanan ng Tanggol Wika7 at iba pang pormasyong may ispesipikong adbokasiyang

pangwika, sa pagkakawing o pag-uugnay ng partikular na pakikibakang ito sa mas malawak na

pakikibaka ng mga mamamayan ng Pilipinas at ng buong mundo na naglalayong tumuklas,

maglinang, at magpatupad ng (mga) alternatibong bersyon o bisyon ng globalisasyon?; 6) Ano

ang alternatibo ang maaaring isabalikat kapalit ng kasalukuyang porma ng globalisasyon?; 7)

Paano epektibong maisusulong ang mga nabanggit na partikular at pangkalahatang pakikibaka?

Neoliberal na Globalisasyon: Isang Depinisyon

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang sistema ng malayang kalakalan o free

trade na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa (buwis sa imported na produkto),

kaya madalas na sinasabi ng mga promotor nito na “daigdig na walang hanggahan” o

“borderless world” ang layunin ng globalisasyon. Ayon sa kanila, layunin ng globalisasyon na

buuin ang isang daigdig ng mga bansang malayang nagpapalitan ng produkto, kultura, at tao.

Mobilidad (kalayaang magpalipat-lipat ng teritoryo o bansa) ng tao, produkto, at kapital

(puhunan) ang pangunahing doktrina ng globalisasyon.

Bagamat sinasabing porma rin ng globalisasyon ang sinaunang kalakalan sa pagitan ng

mga bansa sa Kanluran at ng mga bansa sa Silangan, ang modernong porma ng globalisasyon ay

pormal na nagsimula noong 1947 nang pirmahan ng 23 bansa ang General Agreement on

Tariffs and Trade (GATT). Noong 1994, pinirmahan naman ng 123 bansa ang kasunduan na

nagbuo sa World Trade Organization (WTO) na siyang pumalit sa GATT8. Ang GATT at WTO ay

kapwa nagsusulong ng malayang kalakalan na tinatawag ding liberalisasyon. Kasabay ng

liberalisasyon, ipinalalaganap din ng mga tagapagtaguyod ng namamayaning bersyon ng

globalisasyon ang deregulasyon (pagbabawas o pag-aalis sa mga regulasyon o limitasyon sa

pagpapatakbo ng malalaking negosyo, na karaniwang humahantong sa mataas na presyo at

7 Ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ay itinatag noong Hunyo 21, 2014 sa

isang asembliya na nilahukan ng mahigit 300 delegado mula sa mahigit 40 paaralan at organisasyon. Pangunahing layunin ng TANGGOL WIKA na labanan ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo na iniuutos ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013. 8 Ito ang dahilan kung bakit sa maraming sanggunian, ginagamit din ang akronim na “GATT-WTO.”

Page 4: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

4 sa 39

palpak at/o di episyenteng “serbisyo”9), pribatisasyon (pagbebenta ng gobyerno sa mga

industriya at serbisyo sa mga pribadong korporasyon10), at pagbabawas ng badyet para sa mga

serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon11. Kapansin-pansin na ang mga

patakarang ito ay pawang nagbibigay ng kalayaan sa mga dambuhalang korporasyon at/o

naglilimita sa kapangyarihan ng mga gobyerno na kontrolin ang pagpapatakbo sa mga

dambuhalang korporasyon, alinsunod sa mga doktrina ng laissez-faire economics (ekonomiks ng

malayang pamilihan/free market economics o pagnenegosyo na malaya sapagkat hindi

kontrolado ng gobyerno).

Mula noong dekada 70 ay lalong pinatindi ng mga gaya ni Ronald Reagan sa Estados

Unidos at Margaret Thatcher sa United Kingdom ang pagpapatupad sa mga ganitong polisiyang

paborable sa mga dambuhalang korporasyon12. Sa ganitong diwa, tinatawag na “neoliberal”

(“bagong liberal”) ang namamayaning bersyon ng globalisasyon mula pa noong dekada 70.

“Neoliberal” sapagkat tila nag-aalok ito ng bago, ngunit sa aktwal ay wala namang bago kundi

ang pagpapatindi sa implementasyon ng mga patakarang nagbibigay ng kalayaan sa mga

dambuhalang korporasyon na magkamal ng mas malaking tubo sa pamamagitan ng

liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon, at pagbabawas ng badyet sa mga serbisyong

panlipunan kasabay ng (o dahil sa) pagbabawas ng buwis ng mga korporasyon at/o pagbibigay

sa kanila ng mga insentibo gaya ng tax holiday (panahon na walang babayarang buwis ang

9 Halimbawa, ang industriya ng petrolyo sa Pilipinas ay deregulated na dahil sa Oil Deregulation Law. Bunsod ng

batas na ito, nakapagtataas ng presyo ang mga kumpanya ng petrolyo anumang araw nila na gustuhin. Isa pang halimbawa ng deregulasyon ang pagluluwag sa mga tuntunin sa pagbabangko (gaya ng pagpapababa sa porsyento ng deposito na hindi dapat galawin ng mga bangko, o kaya’y pagbibigay ng pahintulot sa isang maliit na bangko na lumahok sa napakaraming porma ng pamumuhunan at pagpapautang na maaaring lagpas sa kakayahan nito). Deregulasyon din ang dahilan kung bakit madaling nakapagtataas ng matrikula o tuition at iba pang bayarin ang mga pribadong paaralan sa Pilipinas. Hinggil naman sa deregulasyon ng mga bangko sa Estados Unidos, mainam panoorin ang “Capitalism: A Love Story” ni Michael Moore at ang “Inside Job” ni Charles Ferguson. 10

Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng Pilipinas sa Petron, isang korporasyon ng petrolyo, at sa LRT/Light Rail Transit (tren sa Metro Manila). 11

Sa mga bansa sa Kanluran, karaniwang tinatawag na “austerity” o “pagtitipid.” Sa Pilipinas, popular din ang paggamit sa pariralang “budget cut” at “belt tightening” (“paghihigpit ng sinturon”). Pagkatapos ng pagsambulat ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo noong 2008, lalong tumindi ang pagpapatupad ng “austerity” o “budget cut” sa serbisyong panlipunan sa mga bansang First World dahil bilyun-bilyong dolyar ang ginastos ng kanilang mga gobyerno para isalba sa pagkalugi ang mga dambuhalang bangko. Mainam basahin ang komprehensibong kritik sa austerity sa First World ni Dexter Whitfield: http://www.adelaide.edu.au/wiser/docs/WISeR_unmasking-austerity.pdf. Sa Pilipinas, higit na napapansin ang “budget cut” sa sektor ng edukasyon gaya ng ipinakikita sa ulat ni Anne Marxze Umil: http://bulatlat.com/main/2014/03/18/aquino-governments-roadmap-toward-inaccessible-higher-education/. Bagamat karaniwang tila walang “budget cut” sa kalusugan at iba pang serbisyo sa Pilipinas dahil sa papel ay tumataas naman ang halaga ng badyet para sa mga ito, kapansin-pansin naman na relatibong maliit lamang ang pondong inilaan sa mga ito, kung ikukumpara sa ibang bansa. Katunayan, pagbabayad ng utang ang prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas sa badyet, mula pa noong panahon ng diktadurang Marcos. 12

Mainam na basahin ang kritik ni Jason Hickel sa neoliberalismo: http://www.newleftproject.org/index.php/site/article_comments/a_short_history_of_neoliberalism_and_how_we_can_fix_it, gayundin ang artikulo ni Nikos Astroulakis: https://papyrus.bib.umontreal.ca/xmlui/bitstream/handle/1866/10931/2014v11n2_Astroulakis.pdf?sequence=1.

Page 5: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

5 sa 39

korporasyon) at eksempsyon sa Value-Added Tax (VAT)13, habang lalong nagmimistulang tau-

tauhan o papet na lamang ng malalaking korporasyon ang dapat sana’y gobyernong

naglilingkod sa mga ordinaryong mamamayan. Sa kasamaang-palad, ayon sa pananaliksik ni

Teresa Encarnacion Tadem, mula noong panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa mga

sumunod na administrasyon ay namayani sa gobyerno ang mga nagsusulong ng liberalisasyon,

pribatisasyon, at deregulasyon14. Hindi kataka-taka na hanggang ngayon, inaakala ng maraming

Pilipino na mabuti sa Pilipinas ang neoliberal na globalisasyon.

Realidad ng Globalisasyon: Rasismo, Hegemonya, Komodipikasyon, at Kahirapan

Ilang dekada pagkatapos ilako ng mga tagasuporta ng globalisasyon ang utopya ng

“daigdig na walang hanggahan” o “borderless world,” nananatiling mataas ang mga literal at

piguratibong mga bakod na naghihiwalay sa mga bansa, at sa mga mamamayan sa loob ng mga

bansa. Sa halip na daigdig ng malayang pagpapalitan ng tao, kultura, at produkto, isang

impyerno ng rasismo (tingnan ang Larawan 1-3), hegemonya (pangkalatang pangingibabaw ng

isang pangkat sa mayorya ng mga tao sa isang komunidad o bansa15), at komodipikasyon

(pagtrato sa mga bagay at maging sa mga hayop at tao bilang mga komoditi o produktong

maibebenta) at kahirapan (tingnan ang Larawan 6) ang ipinataw ng mga bansang imperyalista

sa madla. Ang pangakong kaunlaran para sa lahat ay napatunayang isa lamang mito. Ilang

halimbawa ang magpapatunay sa kahungkagan ng mga pangakong napako ng globalisasyon: 1)

kailangan pa rin ng visa sa pamamasyal sa maraming bansa; 2) lumalaganap ang karahasan

(tingnan ang Larawan 4) at/o rasismo laban sa mga migranteng manggagawang nasa First

World, mula sa Third World; 3) malawak pa rin ang agwat sa pag-unlad ng pinakamayayamang

bansa at ng pinakamahihirap na bansa (tingnan ang Pigura 1); 4) sa halos bawat bansa,

maunlad man o mahirap, lalong lumalawak ang agwat ng mayayaman at mahihirap dahil sa

patuloy na akumulasyon ng yaman at/o tubo ng iilang elite16 na may kontrol sa ekonomya sa

pamamagitan ng pagsamantala sa mga butas ng mga batas sa pagbubuwis17, pagtitipid sa

13

Mababasa sa praymer na ito na inihanda ng isang korporasyon ang iba pang insentibo sa mga korporasyon sa Pilipinas: http://www.pwc.com/en_PH/ph/business-guides/assets/documents/iip-2013.pdf 14

Masisipat sa http://englishkyoto-seas.org/wp-content/uploads/SEAS_0302_05_Tadem.pdf 15

Maaari ring gamitin ang terminong “hegemonya” sa pangingibabaw ng isang bansa o maliit na grupo ng mga bansa, sa iba pang bansa o sa buong mundo mismo. Sa akademya sa Pilipinas, ginagamit na panumbas sa “hegemony” ang salitang “gahum” na mula sa Cebuano. “Kapangyarihan” ang orihinal na ibig sabihin ng “gahum.” 16

Ito ang pangkalatang punto ng aklat ni Thomas Piketty na “Capital in the Twenty-First Century.” Libre ang akses sa isang kaugnay na database nina Facundo Alvaredo, Tony Atkinson, Thomas Piketty at Emmanuel Saez mula sa Paris School of Economics: http://topincomes.parisschoolofeconomics.eu/. 17

Makabuluhang basahin ang komprehensibong artikulo ng The Guardian tungkol sa pandaraya sa buwis ng mga transnasyunal na korporasyon na may mga tanggapan sa Luxembourg: http://www.theguardian.com/business/2014/nov/05/-sp-luxembourg-tax-files-tax-avoidance-industrial-scale#img-1. Ang kanilang datos ay mula sa mga dokumentong isinapubliko ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ): http://www.icij.org/project/luxembourg-leaks/explore-documents-luxembourg-leaks-database. Sa Pilipinas, ang pandaraya sa buwis ng mga korporasyon ay may dalawang karaniwang porma: pagmanipula sa

Page 6: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

6 sa 39

pasweldo, pagtatanggal ng mga benepisyo ng mga manggagawa, at pagkakait sa mga

manggagawa ng permanenteng trabaho18; 5) mas malaking porsyento ng mga available na

trabaho ang kontraktwal at/o baratilyo ang pasweldo; 6) walang habas ang pagpapatupad ng

komodipikasyon ng edukasyon at komodipikasyon mismo ng mga estudyante at mga

manggagawa sa ilalim ng mga iskemang gaya ng K to 12 na naglalayong mabilis na

makapagmanupaktura ng mga semi-skillled na manggagawa o propesyunal na madaling

mapipilit na magtrabaho sa kondisyong kontraktwal at baratilyong pasahod sapagkat marami

rin namang college graduate ang walang trabaho19, lalo pa’t hindi pa nareresolba ang krisis na

nagsimula noong 2008 sa mga mauunlad na bansa sa Kanluran.

datos ng libro de kwenta o book of accounts ng korporasyon upang mapalitaw na maliit lamang ang tubo o kaya’y halos palugi pa ang korporasyon, at pagtatayo ng mga institusyong pangkawanggawa o mga charitable institution o mga foundation na pinagdadalhan nila ng tubo. Legal na maaaring ikaltas sa buwis nila ang mga gayong donasyon sa mga foundation. Gayunman, maaaring gamitin ang ganitong sistema sa pandaraya sa buwis sapagkat ang mga korporasyon din ang may kontrol sa maraming foundation kaya hindi matitiyak kung ang “donasyon” nila sa mga sariling foundation ay inilaan nga sa mga makabuluhang aktibad na pangkawanggawa o ibinulsa lamang din ng korporasyon. 18

Maraming artikulo ang magpapatunay na ganito na ang karaniwang sitwasyon ng mga manggagawa sa buong mundo. Ang “Disposable Workers: Today’s Reserve Army of Labor” nina Fred Magdoff at Harry Magdoff sa Montly Review ay isinulat sa maagang bahagi ng paglaganap ng ganitong kalakaran ngunit ang pangkalahatang paglalarawan nito ay akmang-akma pa rin sa kasalukuyan: http://monthlyreview.org/2004/04/01/disposable-workers-todays-reserve-army-of-labor/, gaya ng pinatutunayan sa buod ng isang kabanata sa aklat na “Development and Social Change: A Global Perspective” ni Philip McMichae: http://sagepub.com/upm-data/18932_Chapter_7.pdf at ng artikulong “The Disposable Worker” nina Peter Coy, Michelle Conlin at Moira Herbst sa Business Week: http://www.signallake.com/innovation/DisposableWorker010710.pdf. Kaugnay ng mga ito, naglabas ng isang maikling buod ng mga case study hinggil sa “Precarious Work” ang International Labor Rights Forum: http://www.laborrights.org/sites/default/files/publications-and-resources/Precarious%20Work%20Worldwide%20women,%20migrants,%20etc..pdf. Maaari ring basahin ang papel nina John Kelvin Briones at David Michael San Juan sa Sawikaan 2014 hinggil sa salitang “Endo” na itinanghal na Ikalawang Salita ng Taon 2014 ng Filipinas Institute of Translation (FIT): http://www.academia.edu/8510399/ENDO_Mga_Salita_ng_Taon_2014_SAWIKAAN_ 19

Kaugnay nito, maaaring basahin ang artikulong “Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas” sa Malay: http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5B%5D=7156 (Kung hindi maidownload, kontakin ang may-akda sa [email protected])

Page 7: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

7 sa 39

Realidad ng Globalisasyon sa Mga Larawan

Pigura 1: Agwat ng Piling Bansa sa Pangkalahatang Kaunlaran.*

*Ang datos ay mula sa UN Public Data Explorer Online. Ang Human Development Index o HDI ng

United Nations ay nagtatakda ng puntos na 1.0 bilang sukatan ng perpektong pag-unlad sa

aspekto ng kita, kalusugan, at edukasyon. Pansinin sa pigura na 0.944 ang puntos ng Norway

na siyang pinakamaunlad na bansa, habang 0.337 lamang ang sa Niger, na siyang

pinakamahirap.

Larawan 1: Anti-migranteng patalastas na pinondohan ng gobyerno ng Australia noong

Oktubre 2014.20

20

Pinagkunan: http://www.telegraph.co.uk/news/uknews/immigration/10417987/Home-Offices-Go-Home-

immigration-vans-campaign-overwhelmed-by-hoax-texts-and-calls.html

Page 8: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

8 sa 39

Larawan 2: Kilos-protesta ng mga Singaporean noong Abril 2014 laban sa pagdaraos ng

pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Orchard Road, Singapore.21

Larawan 3: Anti-migranteng patalastas sa mga van na pinondohan ng gobyerno ng United

Kingdom noong 2013.22

21

Pinagkunan: http://www.scmp.com/news/asia/article/1497218/celebration-filipinos-sparks-wave-anti-immigrant-abuse-singapore 22

Pinagkunan: http://www.ibtimes.co.uk/australia-controversial-no-way-anti-immigration-advert-sparks-outrage-1470023

Page 9: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

9 sa 39

Larawan 4: Si Erwiana Sulistyaningsih, isang kasambahay na Indonesian na biktima ng pang-

aabuso at di pagpapasweldo sa Hong Kong.23

Larawan 5: Mag-asawang Nepalese na namatayan ng dalawang anak na migranteng

manggagawa sa Malaysia at sa Qatar.24

Larawan 6: Pila sa libreng distribusyon ng prutas sa Greece noong 2013.25

Globalisasyon = Kadena ng Dependensiya 23

Pinagkunan: http://www.aljazeera.com/news/asia-pacific/2014/01/anger-over-hong-kong-maid-abuse-case-2014115231436555631.html 24

Pinagkunan: http://www.theguardian.com/world/2013/sep/25/revealed-qatars-world-cup-slaves 25

Pinagkunan: http://www.theguardian.com/business/2013/sep/12/european-poverty-oxfam-warning

Page 10: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

10 sa 39

Sa ilalim ng globalisasyon, puhunan, utang, at makinarya/teknolohiya ang karaniwang

import ng mga bansang gaya ng Pilipinas, habang manggagawa/propesyunal, hilaw na

materyales (gaya ng prutas, kopra, krudong petrolyo, at mineral na di pa naipoproseso), semi-

manupaktura26 (gaya ng semiconductors at tela), at tubo naman ang karaniwang eksport ng

mga bansang Third World. Higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad at/o

mayaman sa kapital sa ganitong sistema sapagkat: 1) ang puhunan nila sa Third World ay

tumutubo nang malaki (bagay na karaniwang ineeksport nila pabalik sa kanilang mga bansa

mula sa Third World27); 2) kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyong gaya ng IMF,

World Bank, at maging mga malalaking pribadong bangko na nagpapautang sa mga bansang

Third World kaya mahahadlangan o malilimitahan nila ang mga proyektong pangkaunlaran

(gaya ng pagtatayo ng mga industriya at modernisasyon ng agrikultura) na maaaring planuhin at

tangkaing ipatupad ng mga matitinong gobyerno sa Third World28; 3) hindi nila (gaanong)

tinutulungan ang mga bansang Third World na umunlad sa teknolohiya at/o

pagmamanupaktura ng makina, upang mapanatili ang kanilang lucrative na monopolyo rito; 4)

mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na materyales at semi-manupaktura ng

Third World na ineeksport sa mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital, kumpara sa

halaga ng makinarya/teknolohiya at iba pang produktong iniimport ng una sa huli; 5) ang

migrasyon ng mga manggagawa/propesyunal mula Third World tungong mga bansang

mauunlad at/o mayaman sa kapital ay nakababawas sa pangkalahatang yamang tao (human

resources) na kinakailangan ng una upang maiahon sa kahirapan at dependensiya ang kanyang

sarili29; 6) ang sistemang pang-edukasyon ng bansang Third World ay nakaayon sa mga

pangangailangan ng mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital na karaniwang

destinasyon ng mga manggagawang mula Third World.

26

Ginagamit din ang terminong “intermediate goods.” Ang mga semi-manupaktura ay mga produktong maaaring pang iproseso upang makalikha ng bagong produkto. Halimbawa, ang semiconductors ay kailangan sa paggawa ng kompyuter, at ang tela naman ay kailangan sa paggawa ng damit. 27

Sa Pilipinas, walang limitasyon sa repatriyasyon ng tubo ng mga korporasyong kontrolado ng mga dayuhan. Ayon mismo sa “Rules on Foreign Investments” ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), “…foreign investments registered with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) are entitled to full repatriation of capital and remittance of dividends/profits...” 28

Maaaring basahin ang aklat na “Mortgaging The Future: The World Bank and The IMF in the Philippines” na inedit ni Vivencio Jose, gayundin ang “Nationalist Economics” ni Alejandro Lichauco, at ang “The Nationalist Alternative” ni Renato Constantino para sa detalyadong paliwanag. 29

Idinedetalye sa artikulong “Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas” ang ganitong koneksyon ng migrasyon at ng ekonomikong dependensiya ng Third World sa First World: http://www.ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5B%5D=8608 (Kung hindi maidownload, kontakin ang may-akda sa [email protected])

Page 11: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

11 sa 39

Pigura 2. Dependensiyang Ekonomiko ng Pilipinas sa Mga Bansang Mauunlad at/o Mayaman

sa Kapital sa Ilalim ng Globalisasyon

Bukod sa mga nabanggit na, dapat bigyang-diin na sa ilalim ng namamayaning bersyon

ng globalisasyon, malaya rin ang mga korporasyon na magpalipat-lipat ng lugar ng operasyon

upang makatipid sa buwis at makatipid sa pagpapasweldo ng mga manggagawa. Samakatwid,

pabaratan o race-to-the-bottom ang kalakaran: ang bansang nag-aalok ng pinakamababang

buwis at pinakabaratilyong pasahod ang pupuntahan ng mga dambuhalang korporasyon.

Mismong ang isang dating opisyal at chief economist ng World Bank na si Joseph Stiglitz sa

artikulong “Globalism’s Discontents” ay nagpatunay na negatibo sa pangkalahatan, at lalong

nagpapahirap sa mga bansang Third World, ang ganitong sistema ng malayang kapital (capital-

market liberalization)30 na sinasamantala ng mga dambuhalang korporasyong may presensya sa

buong mundo (mga korporasyong transnasyunal).

Mga Pormasyong Multinasyunal: Kasangkapang Imperyalista sa Pagpapatupad ng

Globalisasyon

Swabeng naipatutupad ng mga bansang imperyalista ang kanilang bersyon ng

globalisasyon sa pamamagitan ng mga pormasyong multinasyunal tulad ng Asia-Pacific

Economic Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), European

Union (EU), World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF), at mga kasunduang gaya ng

Trans-Pacific Partnership (TPP) at Transatlantic Trade and Investment Partnership (TTIP). Ang

lahat ng pormasyon at kasunduang ito’y nilikha “ng mga nasa itaas,” “mula sa itaas,” at “para sa

mga nasa itaas.” Itaas – ang elite na bumubuo sa 1% ng populasyon ng daigdig: ang uring

burgesya sa lahat ng mga bansa, ang mga dambuhalang transnasyunal na korporasyong

kapitalista gaya, mga dambuhalang bangko at institusyong pinansyal, at mga tiwaling opisyal sa

30

Masisipat sa http://www.thirdworldtraveler.com/Global_Economy/Globalisms_Discontents.html

Page 12: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

12 sa 39

napakaraming gobyernong First at Third World. Sa kabila ng pagpapanggap ng mga gobyerno ng

mga bansang kasali sa mga pormasyon at kasunduang ito, maliwanag na hindi demokratiko at

anti-demokratiko pa nga ang mga mekanismong nagpapagalaw sa mga ito, gaya ng

pinatutunayan sa aklat na “Unholy Trinity: The IMF, World Bank and WTO” ni Richard Peet.

Walang mabuluhang partisipasyon ang mga mamamayan, di lamang sa pagbuo ng mga entidad

na ito, kundi sa mismong pagbabalangkas ng mga ito ng mga polisiyang ekonomiko na

karaniwa’y negatibo ang epekto sa nakararaming mamamayan, lalo na sa Third World bagamat

unti-unti na ring nalalantad na maging sa First World ay negatibo rin ang epekto ng mga ito31.

Pana-panahon ding gumagamit ng dahas at/o pamamaraang anti-demokratiko ang mga

gobyernong nagpapatupad ng dikta ng IMF, World Bank, WTO at iba pang katulad na entidad,

kapag hindi na nila magawang linlangin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng eleksyon at

mga pangako ng reporma32, gaya halimbawa sa panahon ng diktadurang Marcos sa Pilipinas33,

diktadurang Pinochet sa Chile34, at diktadurang Hitler sa Germany35.

Isa sa mga pangunahing layunin ng mga ganitong pormasyon at kasunduan ang

pagtatanggal o pagbabawas ng taripa (buwis sa imported na produkto) upang diumano’y

31

Maaaring basahin ang mga sumusunod na artikulo upang makita ang pangkalahatang negatibong epekto ng mga polisiyang ekonomiko sa ilalim ng namayayaning bersyon ng globalisasyon sa mga mamamayan ng First World: “Piketty and the Crisis of Neoclassical Economics” nina John Bellamy Foster at Michael D. Yates sa Monthly Review: http://monthlyreview.org/2014/11/01/piketty-and-the-crisis-of-neoclassical-economics/; “The Political State of the Union” ni Susan Watkins sa New Left Review: http://newleftreview.org/II/90/susan-watkins-the-political-state-of-the-union; at “Stagnation and Financialization” nina Fred Magdoff at John Bellamy Foster sa Monthly Review: http://monthlyreview.org/2014/05/01/stagnation-and-financialization/. May case study rin si June Zaccone na pinamagatang “Has Globalization Destroyed the American Middle Class?” tungkol sa negatibong epekto ng globalisasyon sa mga mamamayan ng isang bansang nangungunang tagapagsulong nito: http://www.njfac.org/GloblMClass.pdf. 32

Sa artikulong “The Return of Fascism in Contemporary Capitalism,” inilalahad ni Samir Amin ang relasyon ng pasismo (sistemang ekonomiko-politikal na direktang kabaligtaran ng demokrasya) at kapitalismo: http://monthlyreview.org/2014/09/01/the-return-of-fascism-in-contemporary-capitalism/. Batay sa kanyang paliwanag, nagkakaisa ang mga pasista sa pagtatangkang panatilihin ang estruktura ng kapitalismo at tahasang pagbabasura sa demokrasya, di gaya sa mga bansang kapitalista-neoliberal tulad ng Estados Unidos na pakunwaring nagpapatupad pa rin ng demokrasya. 33

Sa artikulong “The Marcos Coup in the Philippines” ni Robert B. Stauffer, nilinaw na isa sa mga layunin ng diktadurang Marcos ang akitin ang mga korporasyong multinasyunal: http://archive.monthlyreview.org/index.php/mr/article/view/MR-024-11-1973-04_2. Dapat tandaan na ang isa sa mga tunay na dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 ay ang pagpapabilis ng diktadurang Marcos sa implementasyon ng mga makadayuhang polisiya sa ekonomya at pagsagka sa mga nasyunalistang adkokasiya ng ilang miyembro ng Constitutional Convention noong 1972, ayon sa aklat na “Nationalist Economics” (p. 200-204) ni Alejandro Lichauco at aklat na “Martial Law in the Philippines: My Story” (p. 73-74) ni Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. 34

Sa artikulong “The Founding Fathers of Chile's Capitalist Revolution” ni Angel Soto, pinatunayan na nagsimula ang “kapitalistang transpormasyon” ng Chile sa kudeta ni Pinochet na nagpatalsik sa kauna-unahang Marxistang nahalal sa demokratikong eleksyon, si Salvador Allende: http://yalejournal.org/wp-content/uploads/2011/01/072210soto.pdf. 35

Batid na ng lahat kung gaano kabrutal ang diktadurang Hitler sa Germany, ngunit bihirang mabigyang-diin na kapitalista rin ang mga Nazi gaya ng pinatutunayan ni Corey Robin: https://www.jacobinmag.com/2014/04/capitalism-and-nazism/.

Page 13: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

13 sa 39

magkaroon ng malayang kalakalan ang mga bansa, sa sistemang tinatawag na liberalisasyon.

Ayon sa mga maka-liberalisasyon, ang perang matitipid ng mga bansa sa pagtatanggal ng taripa

at karagdagang kita mula sa mas mabilis at walang buwis na pag-eeksport ay makatutulong sa

paglutas ng kahirapan. Sa kasamaang-palad, hindi naman talaga tunay na malaya ang kalakalan

sa ilalim ng globalisasyon sapagkat maaaring tambakan ng halos lahat ng produkto ng mga

mayayamang bansang industriyal ang mga pamilihan sa Third World sa ganitong sistema.

Nalulunod ang mga bansang Third World sa ganitong dagat ng mga produkto sapagkat

relatibong mas abante ang mga industriya sa First World kaya’t mas mabilis at karaniwang mas

matipid ang kanilang produksyon (samakatwid ay mas mura rin ang produkto ng First World at

ng mga bansang mayaman sa kapital gaya ng Tsina na nakahabol na at nakauungos na nga sa

lebel ng produksyon ng First World, sa pangkalahatan). Hungkag kung gayon ang

ipinamamaraling “malayang kalakalan” ng “globalisasyon”: “malaya” ang mga bansang may

malakas na ekonomya na pagsamantalahan ang mga bansang mahihina, at “global” ang saklaw

ng kalakalan ngunit hindi global ang pakinabang. Maihahambing sa isang dambuhalang arena

ang globalisasyon: “malayang” makilahok ang bawat bansa, ngunit hindi pinaghihiwalay ang

mga lightweight at heavyweight, alalaon baga’y isang free-for-all na suntukan kung saan walang

rendang bugbugan ang siyang kalakaran.

Suportado ng WB, IMF, at iba pang katulad na institusyong multinasyunal-pinansyal ang

liberalisasyon o huwad na malayang kalakalan. Katunayan, sa maraming bansang Third World at

mga bansang First World na padausdos na sa kalagayang Third World (gaya ng Greece), bahagi

ng kahingian o requirement sa pagpapautang ang kondisyon ng pagpapatupad ng liberalisasyon

ng ekonomya, bukod pa sa pribatisasyon ng mga industriya at serbisyong kontrolado ng

gobyerno tulad ng transportasyon, telekomunikasyon, kuryente, enerhiya, at marami pang iba.

Sa Pilipinas, kapansin-pansing semi-pribado kundi man ganap na pribatisado na ang lahat ng

mga nabanggit na industriya at serbisyo, at napakalawak na rin ng saklaw ng liberalisasyon sa

Pilipinas gaya ng ipinakikita ng Talahanayan 1. Tinatawag ding “structural adjustment” sa mga

opisyal na dokumento ang mga kondisyong ito sa pagpapautang, na ayon sa pananaliksik na

“The Effects of Structural Adjustment Programs on Poverty and Income Distribution” ni Doris A.

Oberdabernig, ay nakasasama pa sa mga mahihirap36.

36

Quantitative o nakabatay sa estadistika/statistics ang pananaliksik ni Oberdabernig na naghambing sa datos sa kahirapan at GINI coefficient (sukatang estadistikal ng income inequality o agwat sa kita ng mayayaman at mahihirap sa loob ng isang bansa) ng mga bansang kalahok at di kalahok sa mga programa ng IMF: www.ac.at/the-effects-of-structural-adjustment-programs-on-poverty-and-income-distribution-paper-dlp-2017.pdf.

Page 14: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

14 sa 39

Talahanayan 1. Mga Free Trade Agreement (FTA) na Kinasasangkutan ng Pilipinas37

FTA Status

Japan-Philippines Economic Partnership Agreement

Signed and In Effect

ASEAN-[Republic of] Korea Comprehensive Economic Cooperation Agreement

Signed and In Effect

ASEAN-People's Republic of China Comprehensive Economic Cooperation Agreement

Signed and In Effect

ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership

Signed and In Effect

ASEAN-India Comprehensive Economic Cooperation Agreement

Signed and In Effect

ASEAN-Australia and New Zealand Free Trade Agreement

Signed and In Effect

ASEAN Free Trade Area Signed and In Effect

Regional Comprehensive Economic Partnership Negotiations launched

ASEAN-EU Free Trade Agreement Negotiations launched

United States-Philippines Free Trade Agreement Proposed/Under consultation and study

Philippines-Taipei,China Economic Cooperation Agreement

Proposed/Under consultation and study

Philippines-European Free Trade Association Free Trade Agreement

Proposed/Under consultation and study

Philippines-EU Free Trade Agreement Proposed/Under consultation and study

Philippines-Australia FTA Proposed/Under consultation and study

Pakistan-Philippines Free Trade Agreement Proposed/Under consultation and study

East Asia Free Trade Area (ASEAN+3) Proposed/Under consultation and study

Comprehensive Economic Partnership for East Asia (CEPEA/ASEAN+6)

Proposed/Under consultation and study

ASEAN-Pakistan Free Trade Agreement Proposed/Under consultation and study

ASEAN-Hong Kong, China Free Trade Agreement Proposed/Under consultation and study

Pilipinas at Third World: Bugbog-Sarado sa Arena ng Globalisasyon

Sa kabila ng paulit-ulit na deklarasyon ng mga maka-globalisasyon hinggil sa “buting

dulot” ng kanilang bersyon ng globalisasyon, madaling patunayan na sa pangkalahatan ay hindi

naging positibo sa mga bansang gaya ng Pilipinas ang globalisasyon. Halimbawa, pansinin na

ang puntos ng Pilipinas sa Human Development Index, versus sa mga mas mauunlad na

bansang kasapi ng APEC at ASEAN (na parehong nagpapatupad ng liberalisasyon) ay mabagal

37

Mula sa http://aric.adb.org/fta-country ang datos.

Page 15: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

15 sa 39

ang pagtaas kumpara sa antas ng pagtaas ng puntos ng huli (tingnan ang Pigura 3 at 4).

Negatibo rin ang datos ng Pilipinas sa balanse ng kalakalan o balance of trade na tumutukoy sa

dami ng eksport at dami ng import (tingnan ang Pigura 6). Hindi pababayaan ng mga bansang

imperyalista na makahabol sa kanila ang mga bansang Third World, sapagkat kapag nangyari

iyon, katapusan na rin ng imperyalismo!

Bukod sa mga datos na ito, kabilang sa mga negatibong epekto ng liberalisasyon sa mga

bansang gaya ng Pilipinas ang paghina o kaya’y pagkabansot ng sektor ng pagmamanupaktura

dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga lokal na industriya na makipagsabayan sa kanilang mga

counterpart sa ibang bansang mas maunlad at mas moderno ang produksyon (at kung gayo’y

mas mura sa pangkalalahatan ang gastos sa produksyon), at pagkalugi ng mga magsasaka –

gaya ng mga nagtatanim ng palay, sibuyas, at gulay38 – na hindi kayang makipagkumpitensya sa

mga bansang abante na ang teknolohiya sa agrikultura at kung saan may epektibong subsidyo o

pondong tulong ang gobyerno sa mga magsasaka39.

Maging si Josef Yap na presidente ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS)

– na isang ahensya ng gobyerno at pangunahing think tank nito – ay nagsabing hindi dapat agad

lumahok sa malayang kalakalan ang Pilipinas sapagkat wala pa itong malalakas na industriya na

kayang makipagkumpitensya sa iba pang bansa40. Pinayuhan din ni Yap ang gobyerno ng

Pilipinas na huwag na munang lumagda sa mga karagdagang kasunduan sa liberalisasyon.

Kaugnay nito, sa aklat na “Nationalist Economics” ni Alejandro Lichauco at “Bad Samaritans:

The Myth of Free Trade and the Secret History of Capitalism” ni Ha-Joon Chang, pinatunayan na

maging ang mga mauunlad at industriyalisadong bansa sa Kanluran gaya ng Estados Unidos at

United Kingdom, at sa Silangan gaya ng China, Taiwan, at South Korea, ay umunlad lamang sa

pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang mga industriya sa tulong ng mga proteksyong tulad

38

Tipikal ang ulat ni Roy Morilla sa paksang ito: http://www.bulatlat.com/news/3-42/3-42-tradelib.html. Narito pa ng isang ulat ni Carlos Conde: http://www.nytimes.com/2005/06/14/business/worldbusiness/14iht-imports.html?pagewanted=all&_r=0. Ganito rin ang paksa ng pananaliksik nina Francisco G. Pascual at Arze G. Glipo na pinamagatang “WTO and Philippine Agriculture: Seven Years of Unbridled Trade Liberalization and Misery for Small Farmers”: http://www.iatp.org/files/WTO_and_Philippine_Agriculture_Seven_Years_of_.htm. Partikular na tungkol naman sa negatibong epekto liberalisasyon ng bigas sa mga magsasaka ang artikulo ni Emil Javier: http://www.mb.com.ph/rice-trade-liberalization-part-1/. Mainam ding basahin ang pananaliksik ng Third World Network na pinamagatang “Globalization, Liberalization, Protectionism: Impacts on Poor Rural Producers in Developing Countries”: http://www.ruralpovertyportal.org/documents/654016/100542/DLFE-1614.pdf. 39

May 13 karagdagang puntos si Aurelie Worker sa kanyang artikulong “The WTO has failed developing nations” na masisipat sa: http://www.theguardian.com/global-development/poverty-matters/2011/nov/14/wto-fails-developing-countries. Sa pananaliksik namang “Has Trade Liberalisation in Poor Countries Delivered the Promises Expected?” nina Penélope Pacheco-López at A.P. Thirlwall, nagbigay ng ebidensyang quantitative na negatibo rin ang epekto ng liberalisasyon sa Amerika Latina: https://www.kent.ac.uk/economics/documents/tt/Has%20Trade%20Liberalisation%20in%20Poor%20Countries.pdf. 40

Masisipat sa http://www.rappler.com/business/11600-ph-may-not-be-ready-for-aec-pids ang pahayag ni Yap.

Page 16: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

16 sa 39

ng taripa, kaya’t hindi maaaring asahan na uunlad ang Pilipinas kung agad-agad itong lalahok sa

malayang kalakalan nang hindi muna pinalalakas ang kanyang mga industriya gayundin ang

sektor ng agrikultura na kailangan din sa pagpoprodyus ng sapat na hilaw na materyales para sa

maraming industriya at para na rin sa pagpapakain ng lumolobong populasyon. Kung basta na

lamang yayakapin ng Pilipinas ang liberalisasyon ng sektor ng agrikultura, maaaring matulad

ang ito sa nangyari sa Mexico, Haiti, at Jamaica. Ayon sa artikulong “Twenty-First-Century Land

Grabs: Accumulation by Agricultural Dispossession41” ni Fred Magdoff, dahil sa pagpapababa sa

taripa sa pagkain sa mga bansang iyon, hindi nakaya ng mga magsasaka na

makipagkumpitensya sa imported na pananim/produkto kaya’t marami sa kanila ang huminto

na lamang sa pagsasaka. Katunayan, wala nang gaanong kabataan ang nagnanais na maging

magsasaka: 11 milyon na lamang ang mga magsasaka sa Pilipinas ayon sa datos ng Bureau of

Agricultural Statistics; 57 ang average na edad nila at 17,000 piso naman ang average na

taunang kita nila42. Sa mga susunod na taon, inaasahang lalong lalala ang suliranin sa

agrikultura ng Pilipinas dahil sa paglawak ng liberalisasyon sa sektor na ito, na lalong

magpapababa sa average na kita ng mga magsasaka at kung gayo’y magiging hadlang sa

pagdami ng mga gustong maging magsasaka.

Batay sa mga nabanggit, hindi kataka-taka na sa mga nakalipas na dekada sa ilalim ng

globalisasyon ay nananatiling marami ang mahihirap na Pilipino na nasa pagitan ng 34 milyon

(noong 1997) at halos 40 milyon (noong 2006), gamit ang pamantayan ng World Bank (tingnan

ang Pigura 7). Ipinakikita rin ng datos na batay sa pamantayan ng gobyerno ng Pilipinas (tingnan

ang Pigura 8) na sa kasalukuyan ay wala pa ring pagbabago ang bilang ng mahihirap sa bansa, sa

ilalim ng globalisasyon. Sa pangkalahatan, hindi rin halos nagbago ang income share ng

pinamakayamang 40% at ng pinakamahirap na 60% ng populasyon ng Pilipinas gaya ng

ipinakikita sa Pigura 9.

Sa ganitong diwa, dapat itakwil ang namamayaning bersyon ng globalisasyon na patuloy

na ipinalalaganap ng gobyerno at ng akademya sa Pilipinas, di lamang sa aspektong ekonomiko

at politikal, kundi maging sa aspektong pang-edukasyon at pangkultura sa pamamagitan ng

pagpapataw ng sistemang K to 12 sa bansa na walang kahiya-hiya nilang ipinakete bilang

paraan ng pag-angkop ng Pilipinas sa globalisasyon. Bakit ba tayo lalakad pa sa landas ng

kanilang globalisasyon kung napatunayan nang hindi naman nakinabang ang mayorya ng mga

mamamayan sa ilalim ng sistemang ito?

41

Masisipat sa http://monthlyreview.org/2013/11/01/twenty-first-century-land-grabs/ 42

Batay sa ulat na masisipat sa http://www.gmanetwork.com/news/story/231888/economy/old-farmers-low-income-threaten-food-security-says-senator

Page 17: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

17 sa 39

Pigura 3. Puntos ng 20 Bansang Kasapi ng APEC sa Human Development Index (HDI) Mula

1988 hanggang 2013 (walang datos sa Taiwan). (Noong 1989 naitatag ang APEC. Pansinin na

mula 1988 hanggang kasalukuyan ay nanatiling nangingibabaw sa pangkat ang Australia at

Estados Unidos. Kapansin-pansin na nananatiling nasa ilalim sa nasabing panahon ang anim

na bansang pinakamababa ang puntos. Wala ring bansang naungusan ang Pilipinas sa

panahong iyon, maliban sa Indonesia, China, at Thailand, na sa mga nakaraang taon ay muli

nang nakaabante sa Pilipinas, gaya ng mas malinaw na ipinakikita sa Pigura 4.)

Pigura 4. Puntos ng Thailand, China, Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at Papua New Guinea sa

HDI Mula 1988 hanggang 2013 (Pansinin na sa panahong iyon, naungusan ng Pilipinas ang

Thailand, China, at Indonesia sa ilang panahon, ngunit malao’y napag-iwanang muli ng mga

nasabing bansa ang Pilipinas. Circa 1993 nagsimulang umabante sa Pilipinas ang Thailand;

2005 ang China; at 2006 ang Indonesia. Sa panahong ding iyon, nananatiling malayo ang

agwat ng Papua New Guinea sa iba pang bansa.)

Page 18: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

18 sa 39

Pigura 5. Pagmamanupaktura Bilang Porsyento ng Gross Domestic Product. (Kapansin-pansin

na ang China, Thailand, at Indonesia ay pawang may malalakas na sektor ng

pagmamanupaktura kumpara sa Pilipinas. Ang datos sa pigurang ito ay mula sa World Bank

Database Online.)

Pigura 6. Balanse ng Kalakalan ng Pilipinas Mula 1990 Hanggang 2013. (Kapansin-pansin na

sa panahong iyon, noong 1999 at 2000 lamang nakapagrehistro ng positibong balanse ng

Page 19: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

19 sa 39

kalakalan ang Pilipinas. Samakatwid, talagang walang gaanong pakinabang sa bansa ang

“malayang kalakalan” sa ilalim ng globalisasyon dahil mas madalas na mas marami itong

iniimport kaysa ineeksport. Mula sa website ng Philippine Statistics Authority ang datos sa

pigurang ito.)

Pigura 7. Dami ng Mahihirap na Pilipino Ayon sa Pamantayang Global43

43

Mula sa http://povertydata.worldbank.org/poverty/country/PHL

Page 20: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

20 sa 39

Pigura 8. Dami ng Mahihirap na Pilipino Ayon sa Pamantayan ng Gobyerno ng Pilipinas44

44

Mula sa http://povertydata.worldbank.org/poverty/country/PHL

Page 21: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

21 sa 39

Pigura 9. Income Share ng Pinakamayamang 40% at Pinakamahirap na 60% ng Populasyon

ng Pilipinas45 (Pansinin na sa mga nakaraang dekada, halos nakapako sa 30% ng kita ng

bansa ang nasa kamay ng pinakamahirap na 60% ng populasyon, habang 70% ng kita ng

bansa ang nasa kamay ng pinakamayamang 40% ng populasyon!)

Mga Ahensya ng Ayuda (Aid Agencies), Mga Organisasyong Kapitalista, at Mga Kasunduang

Militar: Katuwang ng Globalisasyon

Upang maging swabe ang aktwal na pagsasalaksak ng globalisasyon sa lalamunan ng

mga bansang Third World, bilyun-bilyong dolyar ang inilalaan ng mga bansang imperyalista sa

kanilang mga doble-karang galamay gaya ng USAID at AusAID. Ang mga ganitong ahensya ng

ayuda ay namumudmod ng mga maliliit na proyektong kung minsan ay totoo namang may

direktang pakinabang sa mga ordinaryong tao. Ang kanilang adyenda ay makuha ang tiwala ng

mga ordinaryong mamamayan, pabor sa mga bansang imperyalistang kanilang pinanggalingan.

Kasabay ng mga maliliit na proyektong para sa mga ordinaryong tao, pinopondohan din ng mga

ahensya ng ayudang ito ang mga estruktural na repormang ekonomiko at edukasyonal sa mga

bansang Third World, upang iakma ang sistemang pang-edukasyon ng mga bansang ito sa mga

pangangailangan ng mga bansang First World. Halimbawa, suportado kapwa ng USAID at ng

45

Mula sa http://povertydata.worldbank.org/poverty/country/PHL

Page 22: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

22 sa 39

AusAID ang pagpapatupad ng sistemang K to 12 sa Pilipinas46, at nangako naman ang World

Bank na tutulong din sa pagpapatupad ng programang pang-edukasyon na ito47.

Talahanayan 2. Suporta ng USAID, AusAID, at Asian Development Bank (ADB) sa K to 12 sa

Pilipinas

Aktibidad Petsa Pondo Ahensyang Nagpondo

Basic Education Sector Transformation Program48

2014-2019 $150 milyon AusAID

“Curriculum Comparison Study for the Philippines Basic Education Sector” (University of Melbourne49)

2011 Walang datos na available

AusAID

Analysis of the Basic Education of the Philippines:Implications for the K to 12 Education Program50

2011 Walang datos na available

AusAID at SEAMEO-Innotech

46

Ang suporta ng USAID sa K to 12 sa Pilipinas ay pinatutunayan ng mga sumusunod: http://www.pbed.ph/content/private-state-and-local-hei-heads-endorse-historic-%E2%80%98manila-declaration-higher-education%E2%80%99; http://www.usaid.gov/philippines/press-releases/us-government-supports-deped-national-training-trainers-k-12-program; http://pdf.usaid.gov/pdf_docs/PA00JXG4.pdf; http://newsinfo.inquirer.net/432293/us-supports-teacher-training-for-k-to-12-implementation; http://www.pbed.ph/content/pbed-conducts-regional-round-table-discussions; http://newsinfo.inquirer.net/364853/time-for-leapfrogging-reforms-in-higher-education; http://www.rexpublishing.com.ph/teacherslounge/shs/teachers-resources/08-09-10-14/DepEd%20NCR%20Ms.%20Jennifer%20Vivas%20Aug.9%202014_K%20to%2012%20Curriculum%20Orientation.pdf. Kapansin-pansin na pinopondohan ng USAID ang mga aktibidad ng mga organisasyong maka-K to 12 tulad ng Philippine Business for Education (PBEd), at may mga programa rin ang USAID na direktang sumusuporta sa K to 12. Dalawang pananaliksik naman na maka-K to 12 ang pinondohan ng AusAID sa Pilipinas: https://www.academia.edu/3814475/Analysis_of_the_Basic_Education_of_the_Philippines_ at http://education.unimelb.edu.au/arc/projects/completed/phil; http://issuu.com/deped.philippines/docs/k_to_12_integrated_report_ausaid_in. Narito pa ang isang ulat na nagpapatunay sa aktibong pagsuporta ng AusAID sa K to 12: http://au.ibtimes.com/articles/470880/20130524/australia-philippines-australian-aid-ausaid-ambassador-bill.htm#.VKzr8NKUeSg. Sa ulat na ito naman ng Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia, binigyang-diin na pinopondohan ng kanilang gobyerno ang K to 12 sa Pilipinas: http://aid.dfat.gov.au/countries/eastasia/philippines/Pages/default.aspx. 47

Batay sa http://www.worldbank.org/en/news/press-release/2013/07/12/new-world-bank-president-philippines-poised-to-accelerate-reforms-for-more-and-better-jobs 48

Batay sa http://aid.dfat.gov.au/countries/eastasia/philippines/Pages/default.aspx. 49

Batay sa http://aid.dfat.gov.au/countries/eastasia/philippines/Documents/appr-philippines-2011.pdf at http://education.unimelb.edu.au/arc/projects/completed/phil 50

Batay sa https://www.academia.edu/3814475/Analysis_of_the_Basic_Education_of_the_Philippines_

Page 23: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

23 sa 39

Basa Pilipinas (National Training of Teachers)51

2013 Walang datos na available

USAID

Assessment of On-going Information Communications Technology for Education (ICT4E)52 initiatives

2012 Walang datos na available

USAID

K to 12 Mall Exhibit53 2011 Walang datos na available

AusAID at USAID

Advertisement na Pro-K to 12 sa Mga Sinehan54

2013 Walang datos na available

AusAID

2013 Higher Education Summit 55

2013 Walang datos na available

AusAID

Pautang Para sa Pagpapatupad ng K to 1256

2014 $300 milyon ADB

Mapping of Schools Planning to Put Up Senior High School57

2013 Walang datos na available

ADB

Bukod pa sa pagbabago ng kurikulum, suportado rin (kundi man lantarang isinusulong)

ng USAID, American Chamber of Commerce, US-ASEAN Business Council, ng mga embahador ng

US at UK, at ng presidente ng US mismo, ang panukalang charter change (cha-cha) sa Pilipinas

na naglalayong alisin ang mga probisyon ng Konstitusyong 1987 na nagbabawal sa 100%

pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga negosyo at lupa sa bansa58. Kapansin-pansin na

51

Batay sa http://www.usaid.gov/philippines/press-releases/us-government-supports-deped-national-training-trainers-k-12-program 52

Batay sa http://newsbytes.ph/2012/07/24/deped-usaid-to-assess-public-school-computerization-program/ 53

Batay sa http://www.radyonatin.com/story.php?storyid=2589 54

Napanood ito ng may-akda sa mga sinehan sa Greenbelt at Glorietta sa Lungsod ng Makati. Narito ang kopya ng patalastas na nasa YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=fDKip3XzqCk 55

Batay sa http://newsinfo.inquirer.net/364853/time-for-leapfrogging-reforms-in-higher-education 56

Batay sa http://www.adb.org/news/adb-300-million-loan-aids-philippines-shift-new-basic-education-system 57

Batay sa http://www.philstar.com/headlines/2013/05/17/943036/deped-seeks-specialized-high-school-programs-under-k-12 58

Isang artikulo ni Arnold Padilla ang detalyadong tumalakay sa panghihimasok ng Estados Unidos sa patakarang ekonomiko ng Pilipinas sa mga nakaraang taon: http://bulatlat.com/main/2014/04/29/obama-visit-greater-us-economic-intervention/. Narito ang ulat hinggil sa pagsuporta ng US-ASEAN Business Council sa cha-cha sa Pilipinas: http://www.reuters.com/article/2014/06/04/us-philippines-constitution-idUSKBN0EF0ZK20140604. Noong 2011, deretsahan ding sinabi ng embahador ng US sa Pilipinas na kailangang baguhin ang Konstitusyon ng bansa: http://www.abs-cbnnews.com/-depth/08/13/11/us-move-charter-change-join-exclusive-pacific-trade-club. Sa ulat na ito naman ay binabanggit ang pagsuporta ng embahador ng UK sa cha-cha: http://www.rappler.com/business/industries/173-power-and-energy/60845-uk-ph-relax-foreign-ownership-limit. Narito naman ang ulat hinggil sa pagtutulak ni Barack Obama sa cha-cha sa Pilipinas: http://pinoyweekly.org/new/2014/04/us-obama-agresibong-nagtutulak-ng-cha-cha-sa-pilipinas/.

Page 24: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

24 sa 39

katuwang ng mga aid agency ang mga organisasyong kapitalista sa pagsusulong ng mga polisiya

sa edukasyon at ekonomya na paborable sa mga dambuhalang korporasyong karaniwang nasa

First World ang headquarters. Sa pagbabasa sa mga kalatas o cable dispatches ng Embahada ng

US sa Maynila na masisipat sa Wikileaks (isang arkibo ng mga sikretong dokumento ng

nangungunang bansang imperyalista), malinaw na makukumpirma ang pakikialam,

panghihimasok, o interbensyon ng gobyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas, di lamang sa

aspektong militar, kundi maging sa mga isyung ekonomiko tulad ng pribatisasyon ng enerhiya,

at proteksyon ng intellectual property rights ng mga dambuhalang kumpanya ng gamot sa

Estados Unidos na inaakala nilang maaapektuhan ng Cheaper Medicines Bill59.

Lagpas pa sa operasyong legal ng mga ahensya ng ayuda, may mga pailalim ding

maniobra ang mga bansang imperyalista sa pamamagitan ng mga operasyong pinamamahalaan

ng kanilang mga ahensyang pang-espiya (spy agencies). May sapat na ebidensyang makukuha

hinggil sa ganitong operasyon sa mga aklat na gaya ng “Confessions of An Economic Hit Man” ni

John Perkins. Hinggil sa Pilipinas, detalyadong tinalakay sa isang artikulo60 ni Prop. Roland

Simbulan ng Unibersidad ng Pilipinas ang kasaysayan ng panghihimasok ng Central Intelligence

Agency (CIA) ng US sa bansa.

Upang mahadlangan ang anumang pagtatangka ng mga mamamayan na maghimagsik o

kaya’y ganap na mag-organisa at manindigan laban sa hindi makatwirang bersyon ng

globalisasyon, naririyan naman ang mga kasunduang militar sa pagitan ng mga bansang

imperyalista at ng gobyerno ng mga bansa sa Third World. Sa kaso ng Pilipinas, nariyan ang

Visiting Forces Agreement (VFA)61, Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)62, at

Balikatan Exercises63. Ginagarantiyahan ng mga ganitong kasunduan at aktibidad na, una,

mananatiling matapat na kaalyado ng Estados Unidos ang aparatong pulis-militar (Philippine

National Police at Armed Forces of the Philippines) ng gobyerno ng Pilipinas; ikalawa, mapigilan

ang pagsilang o paglago ng anumang pwersang progresibo at/o nasyonalista sa loob ng

aparatong pulis-militar na maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga pigurang gaya ni Hugo

Chavez64 sa Venezuela na posible ring manggaling sa aparatong pulis-militar ng gobyerno;

59

Masisipat sa blog ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN): http://natoreyes.wordpress.com/2011/08/27/sifting-through-the-wikileaks-us-embassy-cables-from-manila/ 60

Masisipat sa http://www.derechos.org/nizkor/filipinas/doc/cia.html. 61

Maaaring basahin ang praymer na ito hinggil sa VFA: http://www.bayan.ph/resources/?did=7. Narito naman ang legal opinion ng Public Interest Law Center hinggil sa VFA: http://www.bayan.ph/resources/?did=6. 62

Narito ang Powerpoint presentation ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) hinggil sa EDCA: http://www.bayan.ph/resources/?did=5. Narito naman ang isang petisyon sa Korte Suprema laban sa EDCA: http://www.bayan.ph/resources/?did=60 63

Masisipat sa link na ito ang mga makabuluhang dokumento hinggil sa VFA at Balikatan Exercises: http://www.yonip.com/category/primary-section/vfa-and-balikatan-exercises/ 64

Isang dating tinyente-koronel si Hugo Chavez. Itinayo niya ang Movimiento Bolivariano Revolucionario 200/MBR-200 (Revolutionary Bolivarian Movement-200) noong panahong siya’y sundalo pa lamang. Ang pangkat na ito’y nagsagawa ng mga pag-aaral sa mga radikal na teorya sa pagbabagong panlipunan. Malao’y tinangka nilang

Page 25: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

25 sa 39

ikatlo, magbigay ng payo at tulong sa aparatong pulis-militar ng gobyerno ng Pilipinas, sa

pagsupil sa anumang grupong magtatangkang balikwasin o salansangin ang neoliberal na

globalisasyon at/o maghalal o magtayo ng gobyernong may katulad na layuning palayain ang

Pilipinas sa kamay ng imperyalismo sa aspekto ng ekonomya, politika, at kultura65.

Anu’t anuman, sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung saan ang mga gobyerno’y

karaniwang nananatiling palakaibigan naman sa mga bansang imperyalista, lohikal sa konteksto

ng mga imperyalista na pagtuunang-pansin din ang sistemang pang-edukasyon upang makaiwas

sa direktang komprontasyon na maaaring idulot ng mas malawakang pakikisangkot nila sa

aspektong militar sa Third World, lalo sa sitwasyong: 1) banat na banat ang pwersang militar ng

Estados Unidos sa mga rehiyong gaya ng Middle East; 2) hindi pa ganap na nakakarekober sa

krisis na nagsimula noong 2008 ang ekonomya ng Estados Unidos; 3) “abala” rin sa pagsugpo at

pagsupil sa mga domestiko o lokal (Amerikanong) pwersang naghahangad ng positibong

pagbabago sa sistemang politikal at ekonomiko gaya ng grupong Occupy Wall Street at iba pang

organisasyong inspirado nito at/o may kahawig na paninindigang anti-kapitalista at/o anti-

imperyalista, ang aparatong pulis-militar ng Estados Unidos.

Sa simpleng pananalita, higit na “matipid” sa mga imperyalista ang pagbibigay-pansin sa

pagmomolde ng sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, upang tuluy-tuloy na mapanatili o

mahubog bilang mga mamamayang misedukado – indibidwalista, maka-Kanluran, walang

malasakit sa bayan, hindi naghahangad na mapalaya ang bansa sa pagkaalipin, hindi

nagtatangkang tumahak sa sariling landas ng tunay na kaunlarang panlahat, palasamba at bulag

na sunud-sunuran sa mga kaisipang mula sa Kanluran, hindi mapanuring mag-isip, bantulot sa

pagkilos para sa pagbabago – ang mayorya ng mga Pilipino, gaya ng pagsusuri ni Renato

Constantino sa kanyang pamphlet na “The Miseducation of The Filipino.66”

Tunay na Adyenda ng K to 12: Pinabilis na Pagmamanupaktura ng Manggagawang Payag sa

Baratilyong Sweldo at Kontraktwal na Trabaho67

magkudeta upang mapatalsik ang isang tiwaling rehimen. Hindi nagtagumpay ang kanilang kudeta ngunit naging dahilan ito upang makilala sa buong bansa si Chavez. Nanalong presidente ng Venezuela si Chavez noong 1999, sa pamamagitan ng isang radikal na programang elektoral. Idineklara niyang sosyalista ang kanyang administrasyon at nagsagawa ng mga radikal na hakbang tulad ng reporma sa lupa at nasyonalisasyon (pagsasailalim sa kamay ng publiko) ng mga industriya, partikular ang industriya ng petrolyo. Ginamit ni Chavez ang kita sa industriya ng petrolyo upang iahon sa kahirapan ang mayorya ng mga taga-Venezuela, sa prosesong tinawag niyang “sosyalismo ng ika-21 siglo.” Narito ang isang artikulo hinggil sa kanyang legasiyang ekonomiko at ideolohikal: http://monthlyreview.org/2014/03/01/proposing-path-socialism-two-papers-hugo-chavez/ 65

Narito ang manwal ng gobyerno ng Estados Unidos hinggil sa pagpapagana ng mga “pwersang ispesyal” kaugnay nito: http://file.wikileaks.org/file/us-fm-31-20-3.pdf. 66

Masisipat sa http://nonlinearhistorynut.files.wordpress.com/2010/02/miseducation-of-a-filipino.pdf 67

Hinggil sa K to 12, maaaring basahin ang artikulong “Rethinking Educational Policy: Some Notes on K to 12 in The Philippines”:

Page 26: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

26 sa 39

Todo-suporta ang mga bansang imperyalista, gayundin ang mga dambuhalang

korporasyong kapitalista sa K to 12, dahil ito ang solusyon sa inaakala nilang pagbagal ng

paglago ng kanilang tubo. Sapagkat halos hindi na lumalawak ang pamilihan o merkadong

mapagbebentahan ng produkto (tingnan ang Pigura 10), at naisagad na rin nila ang pagtitipid sa

gastos sa produksyon (halimbawa, sa pamamagitan ng pagbalewala sa mga batas

pangkalikasan), ang nakikita na lamang nilang paraan ng pagpapanatili ng mataas na antas ng

paglago ng tubo ay ang pagtitipid sa pasweldo sa mga manggagawa68 at kung posible pa, pag-

aalis ng kanilang mga benepisyo (tulad ng segurong pangkalusugan o health insurance) at

pagkakait sa kanila ng permanenteng trabaho. Hindi na rin nila kayang pababain pa ang

porsyento ng buwis sa mga korporasyon (corporate tax rate) na halos sadsad na sadsad na sa

maraming bansang kapitalista, pagkatapos ng krisis noong 2008 na ginamit na palusot ng mga

gobyernong kontrolado ng mga kapitalista para paliitin ang porsyento ng buwis ng mga

korporasyon upang diumano’y mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa paglikha ng trabaho.

Pigura 10. Antas ng Paglago ng Kalakalan sa at GDP ng Daigdig (2005-2015).

https://www.academia.edu/7681755/Rethinking_Educational_Policy_Some_Notes_on_K_to_12_in_The_Philippines 68

Pagpapatunay ito na tama ang kritik ni Karl Marx sa kapitalismo sa Volume I, Kabanata 13 ng “Das Kapital”: “The directing motive, the end and aim of capitalist production, is to extract the greatest possible amount of surplus value, and consequently to exploit labor-power to the greatest possible extent.” Narito ang link sa “Das Kapital”: https://www.marxists.org/archive/marx/works/1867-c1/

Page 27: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

27 sa 39

Pansinin na ayon mismo sa ulat ng World Trade Organization69 na pinagmulan ng datos sa

pigura, mas mababa sa average na antas ng paglago ng pandaigdigang kalakalan sa nakalipas

na 20 taon - na 5.3% - ang forecast sa 2014 at 2015. Pansinin din na ang GDP ng daigdig ay

napakabagal na rin ng pag-usad.

Dahil ang mga mamamayan ng First World ay nasanay sa pagkakaroon ng relatibong

mataas na pasweldo kumpara sa First World bunsod na rin ng relatibong lakas ng mga unyon ng

mga manggagawa roon (tingnan ang Talahanayan 3), hindi nila basta-basta tinatanggap ang

kasalukuyang sistema ng sadsad-lupang pasweldo (rock-bottom wages). Samakatwid, sa

konteksto ng mga kapitalista sa First World, hulog ng langit ang mga manggagawa sa Third

World na desperadong-desperado sa trabaho kaya’t papayag sa sweldong mas mababa sa

tinatanggap ng mga mamamayan sa First World. Gayunman, dahil sa pagtaas ng antas ng

edukasyon sa ilang bansang Third World gaya ng Pilipinas, dumarami sa mga manggagawang

mula roon ang hindi na kuntento sa mababang pasweldo sa First World. Ginagamit na lamang

nilang tuntungan ang mga trabahong baratilyo ang sweldo sa First World upang makalipat agad

sa mga trabahong mas akma sa kanilang kakayahan at lebel ng edukasyon. Kung gayon,

kailangan ng mga kapitalista ng isang sistemang pang-edukasyon na magbibigay ng sapat

lamang na kasanayan para sa mga estudyante na walang mapamimilian kundi tanggapin ang

trabahong sadsad-lupa ang pasweldo habambuhay o sa mahabang panahon, sapagkat hindi

naman sila nakatapos ng kolehiyo, sa panahong maging ang mga nakatapos ng kolehiyo ay

nahihirapan ding humanap ng trabaho.

Talahanayan 3. Sahod sa Piling Mauunlad at Mahihirap na Bansa (sa US $)70

Country/City Daily Minimum Wages In US$

Lao PDR 1.41

Cambodia 3.23

Pakistan 3.24

Vietnam 2.93- 4.16

Mongolia 3.41

Indonesia 3.28- 6.68

China 4.51 -9.83

Philippines/IV-A 5.81-8.06

69

Masisipat sa http://www.wto.org/english/news_e/pres14_e/pr721_e.htm 70

Mula sa http://www.nwpc.dole.gov.ph/pages/statistics/stat_comparative.html ang datos para sa mayorya ng mga bansang nakatala.

Page 28: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

28 sa 39

Philippines/VII 6.56-7.56

Philippines/III 6.34-7.47

Thailand/Bangkok 9.14

Malaysia 7.96- 8.96

Philippines/NCR 9.54-10.37

Taiwan 29.76

Hongkong 30.95

South Korea 37.83

Japan 44.02-61.91

New Zealand 71.90-88.88

Australia 115.56

United States71

40.6472

; 5873

; 75.7674

Netherlands75

79.15

Canada 64.24-74.4

Sistemang K to 12 ang sagot dito ng gobyerno ng Pilipinas: karagdagang dalawang taon

ng senior high school na maghihikayat (o magkakadena?) sa maraming mahihirap na

mamamayan na agad magtrabaho at huwag nang magkolehiyo, kahit pa nga gaya ng ipinakikita

sa mas mataas ang average na sweldo ng mga nakatapos ng kolehiyo kumpara sa mga hindi

nakatapos nito sa Pilipinas (Pigura 11). Sa isang symposium ng Employers Confederation of the

Philippines (ECOP) hinggil sa pagtataas ng sweldo sa Pilipinas noong 2013, inamin mismo ng

direktor ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) na si

Alex Avila na “We want our minimum wage to entice foreign investments in order to create

jobs.76” Ganito rin ang esensya ng pahayag ni Edgardo Lacson na pangulo ng ECOP: “Wage

should be market-driven77.” Sa isa pang bukod na ulat ay tahasang sinabi ng ECOP na

71

Mula sa http://www.dol.gov/whd/state/stateMinWageHis.htm ang datos. 72

Sa Puerto Rico, $5.08 ang pinakamababang sahod kada oras. 73

$7.25 kada oras ang minimum na sweldo sa antas pederal. 74

$9.47 kada oras ang minimum na sweldo sa Washington. 75

Para sa Netherlands at Canada, ang datos ay mula sa http://www.therichest.com/business/the-top-10-countries-with-the-highest-minimum-wages/?view=all. 76

Masisipat sa http://www.ecop.org.ph/ecop-holds-symposium-wage-order-ncr_no-18.php 77

Masisipat sa http://manilastandardtoday.com/mobile/2014/12/21/employers-cautious-on-job-outlook. Sa simpleng salita, nais sabihin ng ECOP na ang sahod ay di dapat pakialaman ng gobyerno, at dapat na lamang ipaubaya sa “merkado” o “market.” Ibig sabihin: pabayaan na lamang na magtakda ng kanya-kanya antas ng pasahod ang bawat kumpanya, at huwag nang bigyan ng proteksyon ang mga manggagawa.

Page 29: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

29 sa 39

nakakadiscourage sa mga mamumuhunan o investor ang diumano’y taunang pagtataas ng

sweldo sa Pilipinas78. Samakatwid, ayon sa mga kapitalista at sa gobyerno, ang baratilyong

pasahod na lamang ang bentaheng komparatibo (comparative advantage) ng Pilipinas sa iba

pang bansa, sa panahong ito na paubos na ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang habas

na malawakang pagmimina ng mga dayuhang korporasyon, at sa panahong deretsahang

sinasabi ng mga korporasyon na pagtanggap sa sadsad-lupang pasweldo at trabahong di

permanente ang pangunahing kalipikasyon o qualification ng mga manggagawang kanilang

tatanggapin. Malinaw kung gayon, na bahagi ng globalisasyong pabaratan (race-to-the-bottom

globalization) ang pagyakap ng Pilipinas sa sistemang K to 12. 79

Pigura 11. Edukasyong Natamo ng Mga Manggagawa at Average na Kita80.

78

Masisipat sa http://www.philstar.com/business/613111/yearly-minimum-wage-setting-discourages-investments-ecop 79

May sapat na dahilan upang pabulaanan ang kawastuhan ng sistema ng pabaratan sa sahod, dahil gaya ng pinatunayan ni Abhirup Bhunia, hindi na lamang sweldo ang batayan ng mga korporasyon at investor sa paghahanap ng lugar na mapaglalagakan ng puhunan: https://www.opendemocracy.net/openeconomy/abhirup-bhunia/labour-in-times-of-rising-foreign-direct-investment-in-developing-countri. Halimbawa, binigyang-diin ni Bhunia na sa kabila ng baratilyong pasweldo sa Pilipinas na di hamak na mas mababa kaysa sa pasweldo sa Brazil, di hamak na mas malaki pa rin ang inilalagak na foreign direct investments (FDI) ng mga korporasyong multinasyunal sa Brazil kaysa sa Pilipinas. Lagpas pa rito, dapat bigyang-diin na may mga alternatibong porma ng globalisasyon na nagbibigay-diin sa kapangyarihan ng mga mamamayan na labanan at palitan ang kontrol ng mga korporasyon sa ekonomya ng daigdig, gaya ng masisipat sa mga sumusunod: http://isreview.org/issue/75/another-world-possible; http://www.global-labour-university.org/fileadmin/GLU_Working_Papers/GLU_WP_No.14.pdf; ftp://ftp.cordis.europa.eu/pub/improving/docs/g_ser_glob_rucht.pdf; http://www.dcu.ie/community/globalisationlabour_1.pdf; http://www.nuso.org/upload/articulos/3506_2.pdf; http://monthlyreview.org/2014/12/01/latin-america-confronts-the-challenge-of-globalization/ 80

Mula sa “Investing in Inclusive Growth Amid Global Uncertainty,” a World Bank PHILIPPINE QUARTERLY UPDATE (July 2012).

Page 30: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

30 sa 39

Ang track-based na kurikulum ng karagdagang 2 taon ng senior high school (Grades 11

at 12) ay malinaw na nakatuon sa mga tiyak na pangangailangan ng mga malalaking

korporasyong kapitalista. Sa panimulang pagsusuri, marami sa mga programa/kurso sa senior

high school ang direktang kapaki-pakinabang sa mga korporasyong kapitalista, lalo na nga sa

mga dayuhang korporasyon (tingnan ang Pigura 12, 13, 14, 15, at 16). Kaugnay nito, maaaring

suriin ang mga pangangailangan ng 10 bansang nangungunang destinasyon ng mga Pilipino sa

ibang bansa ayon sa Commission on Filipinos Overseas81 vis-a-vis sa mga kurso sa senior high

school (tingnan ang Talahanayan 4): US, Saudi Arabia, Canada, United Arab Emirates, Australia,

Malaysia, Japan, UK, Hong Kong, at Singapore. Kapansin-pansin sa pangkalahatan na ang mga

kursong ito’y nakapokus na lamang sa paglinang ng mga kasanayan na direktang magagamit sa

trabaho, at halos wala nang puwang sa mga paglinang ng kasanayan sa mapanuring pag-iisip na

kinakailangan sa pagkritik at pagtransporma sa namamayaning sistemang panlipunan.

Pigura 12. Mga Kurso sa Academic Track ng Senior High School sa Pilipinas

81

Masisipat sa http://www.poea.gov.ph/stats/Stock%20Estmate%202009.pdf

Page 31: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

31 sa 39

Bukod sa Academic Track, ay may Sports Track, Arts and Design Track, at Technical-

Vocational Livelihood (TVL) Track82 din. Nasa Pigura 13, 14, 15, at 16 ang mga kurso sa

Technical-Vocational Livelihood Track.

Pigura 13. Mga Specialization sa Agri-Fishery Arts sa Ilalim ng Technical-Vocational Livelihood

Track.

82

Ang mga specialization sa TVL Track ay maaaring kunin ng estudyante sa pagitan ng Grade 9 hanggang 12.

Page 32: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

32 sa 39

Pigura 14. Mga Specialization sa Home Economics sa Ilalim ng Technical-Vocational

Livelihood Track.

Pigura 15. Mga Specialization sa Information and Communications Technology (ICT) sa Ilalim

ng Technical-Vocational Livelihood Track.

Page 33: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

33 sa 39

Pigura 16. Mga Specialization sa Industrial Arts sa Ilalim ng Technical-Vocational Livelihood

Track.

Talahanayan 4. Mga In-Demand na Kasanayan (Skill) at/o Propesyon sa 10 Bansang

Nangungunang Destinasyon ng Mga Pilipino sa Ibang Bansa83 Vis-a-vis sa Mga Kurso sa Senior

High School

Bansang Destinasyon

In-Demand84 na Kasanayan (Skill) at/o Propesyon

Kaugnay o Katapat na Kurso sa Senior High School ng Pilipinas

USA Nursing85 STEM Strand

Caregiving (NC II)

USA Physical Therapist86 STEM Strand

Caregiving (NC II)

USA Electrical and Electronics Repairer87

Consumer Electronics Servicing (NC II)

Electrical Installation and Maintenance (NC II)

STEM Strand

USA Electrical at Electronics Consumer Electronics Servicing (NC II)

83

Masisipat sa http://www.poea.gov.ph/stats/Stock%20Estmate%202009.pdf 84

Isinama rin sa talaang ito ang mga trabahong “hard-to-fill” o mga trabahong hindi agad nasusuplayan ng trabahador/propesyunal. 85

Kasama sa Schedule A o listahan ng mga propesyon na “insufficient number of U.S. workers who are able, willing, qualified and available” ayon sa http://www.greencardlawyers.com/greencards/occupation-based/schedule-a.html 86

Kasama sa Schedule A o listahan ng mga propesyon na “insufficient number of U.S. workers who are able, willing, qualified and available” ayon sa http://www.greencardlawyers.com/greencards/occupation-based/schedule-a.html 87

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad, at kung gayo’y magiging in-demand sa mga susunod na taon dahil sa pagreretiro ng nakararaming praktisyoner, ayon sa Virginia Manufacturers Association, gaya ng inulat sa: http://www.forbes.com/sites/emsi/2013/03/07/americas-skilled-trades-dilemma-shortages-loom-as-most-in-demand-group-of-workers-ages/.

Page 34: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

34 sa 39

Engineering Technicians88 Electrical Installation and Maintenance

STEM Strand

USA Electricians89 Consumer Electronics Servicing (NC II)

Electrical Installation and Maintenance (NC II)

STEM Strand

USA Maintenance Workers, Machinery90

Automotive Servicing (NC I)

USA Welders91 Shielded Metal Arc Welding (NC I)

Shielded Metal Arc Welding (NC II)

USA Chemical Technician92 STEM Strand

Saudi Arabia Housekeeping and Restaurant Services Workers (Housekeeper; Domestic Helper; Household Worker; High Rise Cleaner; Service Crew; Bartender; Waiter/Waitress)93

Household Services (NC II) Housekeeping (NC II) Food and Beverage Services (NC II)

Saudi Arabia IT Programmer Computer Programming (NC IV)

Saudi Arabia Engineer STEM Strand

Saudi Arabia Nurse STEM Strand Caregiving (NC II)

Saudi Arabia Electrical Motor Technician Automotive Servicing (NC I) Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Saudi Arabia Cold Storage Technician Refrigeration and Airconditioning Servicing (NC II)

Saudi Arabia Draftsman Technical Drafting (NC II)

Saudi Arabia Auto CAD Operator Technical Drafting (NC II)

Saudi Arabia Graphic Designer Illustration (NC II)

88

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad, at kung gayo’y magiging in-demand sa mga susunod na taon dahil sa pagreretiro ng nakararaming praktisyoner. 89

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad, at kung gayo’y magiging in-demand sa mga susunod na taon dahil sa pagreretiro ng nakararaming praktisyoner. 90

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad. 91

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad. 92

Propesyon na malaking porsyento ng mga Amerikanong praktisyoner ay 45 pataas ang edad. 93

Ang datos para sa Saudi Arabia, UAE, Malaysia, Japan, Hong Kong, Singapore ay batay sa “Analysis of In-Demand Skills and Hard-to-Fill Positions for Overseas Employment” ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-Welfare and Employment Office-Employment Branch: http://www.poea.gov.ph/docs/in-demandSkills.pdf

Page 35: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

35 sa 39

Arts and Design Track Technical Drafting (NC II)

Saudi Arabia Bookkeeper, Cashier, and Related Workers

Front Office Services (NC II) ABM Strand

Saudi Arabia Caregiver Caregiving (NC II)

Saudi Arabia Aerobic Instructor Sports Track

Saudi Arabia Electronic Technician Consumer Electronics Servicing (NC II)

Saudi Arabia Aircon Technician Refrigeration and Airconditioning Servicing (NC II)

Saudi Arabia Electrician Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Saudi Arabia Plumbers and Pipe Fitters Plumbing (NC I) Plumbing (NC II)

Saudi Arabia Tile Setter Tile Setting (NC II)

Saudi Arabia Carpenter Carpentry (NC II)

Saudi Arabia Mechanic Motor-Vehicle Automotive Servicing (NC I)

Saudi Arabia Tailor and Dressmakers Dressmaking (NC II) Tailoring (NC II)

Saudi Arabia Welder Shielded Metal Arc Welding (NC I) Shielded Metal Arc Welding (NC II)

Saudi Arabia Cook and Related Workers (Culinary Industry)

Bread and Pastry Production (NC II) Cookery (NC II) Food and Beverage Services (NC II)

Saudi Arabia Refrigeration Technician Refrigeration and Airconditioning Servicing (NC II)

Saudi Arabia Mason Masonry (NC II)

Saudi Arabia Agronomist Agri-Fishery Arts Track

Saudi Arabia Chemist STEM Strand

Saudi Arabia Accountant ABM Strand

Saudi Arabia Computer Technician Computer Hardware Servicing (NC II)

Saudi Arabia Photoshop Operator Technician

Arts and Design

Saudi Arabia Cake Designer Bread and Pastry Production (NC II)

Canada Service Crew94 Food and Beverage Services (NC II)

Canada Accountant95 ABM Strand

94

Ang datos na ito ay batay sa “Analysis of In-Demand Skills and Hard-to-Fill Positions for Overseas Employment” ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-Welfare and Employment Office-Employment Branch: http://www.poea.gov.ph/docs/in-demandSkills.pdf 95

Saklaw ng Federal Skilled Worker Program (FSWP) at Federal Skilled Trades Program (FSTP) ng Canada: http://www.cbc.ca/news/politics/skilled-immigrants-recruited-in-50-occupations-ahead-of-express-entry-launch-1.2673822. Ang mga aplikanteng migrante sa mga okupasyong ito ay mabilis na makapag-aaplay para sa

Page 36: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

36 sa 39

Canada Engineer96 STEM Strand

Canada Computer Programmer97 Computer Programming (NC IV)

Canada Electrical and Electronics Engineering Technologists and Technicians98

STEM Strand Consumer Electronics Servicing (NC II) Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Canada Nurse99 STEM Strand Caregiving (NC II)

Canada Industrial, Electrical and Construction Trades100

Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Canada Technical Jobs in Natural Resources, Agriculture and Related Production101

Agri-Fishery Arts Track

Canada Chefs and Cooks102 Cookery (NC II) Food and Beverage Services (NC II)

Canada Butchers and Bakers103 Slaughtering Operation (NC II) Bread and Pastry Production (NC II)

UAE Accounting Staff ABM Strand

UAE Aircon Technician Refrigeration and Airconditioning Servicing (NC II)

UAE Auto CAD Operator Technical Drafting (NC II)

UAE Automotive Industry Worker

Automotive Servicing (NC I)

UAE Engineer STEM Strand

UAE Culinary Industry Personnel Bread and Pastry Production (NC II) Cookery (NC II) Food and Beverage Services (NC II)

UAE Draftsman

UAE Electrician Electrical Installation and Maintenance (NC II)

UAE Hospitality Industry Personnel

Housekeeping (NC II)

UAE Housekeeper Household Services (NC II) Housekeeping (NC II)

permanenteng residensya sa Canada, sapagkat kulang ang (o walang) mga Canadian na nag-aaplay sa mga okupasyong ito. 96

Saklaw FSWP at FSTP ng Canada 97

Saklaw FSWP at FSTP ng Canada 98

Saklaw FSWP at FSTP ng Canada 99

Saklaw FSWP at FSTP ng Canada 100

Saklaw ng FSWP at FSTP ng Canada 101

Saklaw ng FSWP at FSTP ng Canada 102

Saklaw ng FSWP at FSTP ng Canada 103

Saklaw ng FSWP at FSTP ng Canada

Page 37: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

37 sa 39

UAE Industrial Electrician Electrical Installation and Maintenance (NC II)

UAE Instrument Pipe Fitter Plumbing (NC I) Plumbing (NC II)

UAE Pest Control Technician Pest Management (NC II)

UAE Skilled Carpenter Carpentry (NC II)

UAE Skilled Welder Shielded Metal Arc Welding (NC I) Shielded Metal Arc Welding (NC II)

UAE Waiter/Waitress Food and Beverage Services (NC II)

UAE Electrical Engineering Technician

STEM Strand Electrical Installation and Maintenance (NC II)

UAE Irrigation Supervisor Agri-Fishery Arts Track

UAE Welder Shielded Metal Arc Welding (NC I) Shielded Metal Arc Welding (NC II)

UAE Mechanic Motor-Vehicle (Automotive)

Automotive Servicing (NC I)

Australia Butcher Slaughtering Operation (NC II)

Welder Shielded Metal Arc Welding (NC I) Shielded Metal Arc Welding (NC II)

Australia Electrical Engineering Technician104

STEM Strand Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Australia Engineer105 STEM Strand

Australia Nurse106 STEM Strand Caregiving (NC II)

Australia Midwife107 STEM Strand Caregiving (NC II)

Australia Accountant108 ABM Strand

Australia Agricultural Consultant109 Agri-Fishery Arts Track

Australia Veterinarian110 STEM Strand Agri-Fishery Arts Track

Australia Chiropractor111 STEM Strand Caregiving (NC II) Wellness Massage (NC II)

104

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia ayon sa http://www.immi.gov.au/Work/Pages/skilled-occupations-lists/sol.aspx. Ang SOL ng Australia ay kagaya rin ng FSWP at FSTP ng Canada. 105

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 106

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 107

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 108

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 109

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 110

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 111

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia

Page 38: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

38 sa 39

Australia Developer Programmer112 Computer Programming (NC IV)

Australia Motor Mechanic (General)

113 Automotive Servicing (NC I)

Australia Stonemason114 Masonry (NC II)

Australia Carpenter115 Carpentry (NC II)

Australia Plumber (General) 116 Plumbing (NC I) Plumbing (NC II)

Australia Electrician (General) 117 Electrical Installation and Maintenance (NC II)

Australia Chef118 Cookery (NC II) Food and Beverage Services (NC II)

Malaysia Domestic Helper Household Services (NC II) Housekeeping (NC II)

Japan Nurse STEM Strand Caregiving (NC II)

United Kingdom Engineer119 STEM Strand

United Kingdom Programmers and Software Development Professionals 120

Computer Programming (NC IV)

United Kingdom Nurse121 STEM Strand Caregiving (NC II)

United Kingdom Animator in Visual Effects122 Animation (NC II)

United Kingdom Graphic Designers 123

Illustration (NC II) Arts and Design Track Technical Drafting (NC II)

United Kingdom Welder124 Shielded Metal Arc Welding (NC I) Shielded Metal Arc Welding (NC II)

United Kingdom Chef125 Cookery (NC II)

112

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 113

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 114

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 115

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 116

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 117

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 118

Saklaw ng Skilled Occupations List (SOL) ng Australia 119

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom: https://www.gov.uk/government/uploads/system/uploads/attachment_data/file/308513/shortageoccupationlistapril14.pdf 120

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom 121

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom 122

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom 123

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom 124

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom 125

Saklaw ng Shortage Occupation List ng United Kingdom

Page 39: Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education ... · PDF file... ng isang bansa sa iba pang ... 8 Ito ang dahilan kung bakit sa ... 10 Halimbawa’y ang pagbebenta ng gobyerno ng

39 sa 39

Food and Beverage Services (NC II)

Hong Kong Housekeeper Household Services (NC II) Housekeeping (NC II)

Singapore Chemical Engineer STEM Strand

Singapore Mechanical Engineer STEM Strand

Singapore IT Programmer Computer Programming (NC IV)

ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA BAHAGI...

Pagpapahina ng General Education Curriculum (GEC) sa Kolehiyo at Patakarang Pangwikang

Anti-Filipino: Kahingian ng Globalisasyon Maka-First World

Dehumanisasyon ng Diskurso: Taktika ng Mga Anti-Filipino

Tanggol Wika Versus Tanggal Wika: Mga Detalye

Malabnaw na General Education Curriculum (GEC) = Dehumanisadong Sistemang Pang-

Edukasyon

Tanggol Wika Bilang Praxis: Pagkakawing ng Pakikibakang Pangwika sa Pakikibakang

Pambansa at Internasyunal

Mga Pangangailangan ng Bansang Neokolonyal

Ang Ating Alternatibo: Pagbabagong-Isip (Paradigm Shift), Progresibong Edukasyon,

Sosyalistang Ekonomya