3
Bakit Ka Lumilipad, Gora Saranggola? Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon. Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora Saranggola. “Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan,” ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi pa mataas lumipad. Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila. “Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora. “Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon. Lumilipad ako upang maghanap ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Agila. Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano. “Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora. “Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang eroplano. Lumilipad ako para maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Eroplano. Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang makulay na Kite Festival.

Gola, Saranggola

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Maikling Kwento

Citation preview

Page 1: Gola, Saranggola

Bakit Ka Lumilipad, Gora Saranggola?

Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon. Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora Saranggola.

“Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan,” ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi pa mataas lumipad.

Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila.

“Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora.“Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon.

Lumilipad ako upang maghanap ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Agila.

Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano.

“Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora.“Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang

eroplano. Lumilipad ako para maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Eroplano.

Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang makulay na Kite Festival.

“Mga kapwa makikisig na saranggola, pwede ba akong sumali sa inyong paglalaro?” bungad ni Gora.

“Ha? Saranggola ka nga pero hindi ka karapat-dapat, di hamak na mas malaki at mas maganda kami sa iyo,” sagot ng hugis-spaceship na saranggola.

“Oo nga, isa pa, Lumilipad kami para magbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan naming bata. E, ikaw, may kaibigan ka bang bata?” wika naman ng hugis-paruparong saranggola.

Page 2: Gola, Saranggola

Natahimik si Gora. Naalala niya ang batang si Pepito. Si Pepito ang laging nag-aalaga sa kanya pero hindi niya naisip na malulungkot ito sa kanyang pagkawala. Hinahanap kaya siya nito?

Nasa ganun siyang pag-iisip ng lamunin siya ng buhawi ng Timog. Hindi siya makatakas sa paikot-ikot na hangin ng buhawi. Nabali ang kanyang buto at napunit ang kanyang balat. Noon niya lang naisip na pagsisihan ang kanyang kayabangan.

“Mamang Buhawi, nakikiusap po ako sa inyo. Basura na lang po ako ngayon pero nais ko pong bumalik sa Baryo Maulap.” sigaw ni Gora.Narinig naman siya ni Buhawi. “Humahanga ako sa iyong pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat. Hindi ako makakadaan sa iyong tahanan. Dito na lang kita iiwan.”

At iniluwa ni Buhawi si Gora sa isang puno. Agad na gumawa ng paraan si Gora. Nakipagkaibigan at inilipad siya ng hangin ng Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran hanggang sa makarating siya sa isang sampayan.

“Inay, Itay, tingnan ninyo, Bumalik ang aking kaibigan,” tuwang tuwang kinuha ni Pepito si Gora sa sampayan. At sa tulong ng kanyang ama, muli nilang inayos ang hitsura ni Gora Saranggola.Muling nakalipad si Gora sa himpapawid ng Baryo Maulap. Ngunit ngayon, isa na siyang mabait na saranggola. Alam na niya ang dahilan ng kanyang paglipad. Iyun ay bigyan ng kasiyahan ang kaibigang si Pepito.