10
IKATLONG MARKAHAN Aralin 2. Mito/Alamat/Kuwentong Bayan Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Akda A. Tuklasin 1. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Bigyan sila ng sobre na naglalaman ng letra na bubuuo sa mga salitang mito, alamat at kuwentong bayan. Hayaan ang mga bata na buuin ang mga salitang ito sa pamamagitan ng clue na ibibigay ng guro. Sa oras na mabuo ng mga bata ang mga salita ay ididikit ito sa pisara na may nakaguhit na tatsulok CLUE: Ang mga akdang pampanitikang ito ay nabibilang sa mga sinaunang panitikan ng mga Pilipino. Ito ang rin ang nagsisilbing patunay nabago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling panitikan Matapos maidikit ang mga salita. Bibigyan ng pagkakataon ng guro ang mga mag-aaral na bigyang kahulugan ang mga salita batay sa kanilang nalalaman tungkol sa mga sinaunang panitikan. Pokus na tanong: 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang panitikang katulad ng mito, alamat at kwentong bayan? 2. Paano nakatutulong ang paggamit nang wasto at angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda? B. Linangin: Basahin at unawain ang Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol KUWENTONG BAYAN ALAMAT MITO Sinaun ang Paniti kan

Grade 7 Modyul2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino grade 7

Citation preview

Page 1: Grade 7 Modyul2

IKATLONG MARKAHANAralin 2. Mito/Alamat/Kuwentong Bayan

Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Akda

A. Tuklasin1. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Bigyan sila ng sobre na naglalaman ng letra na

bubuuo sa mga salitang mito, alamat at kuwentong bayan. Hayaan ang mga bata na buuin ang mga salitang ito sa pamamagitan ng clue na ibibigay ng guro. Sa oras na mabuo ng mga bata ang mga salita ay ididikit ito sa pisara na may nakaguhit na tatsulok

CLUE: Ang mga akdang pampanitikang ito ay nabibilang sa mga sinaunang panitikan ng mga Pilipino. Ito ang rin ang nagsisilbing patunay nabago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling panitikan

Matapos maidikit ang mga salita. Bibigyan ng pagkakataon ng guro ang mga mag-aaral na bigyang kahulugan ang mga salita batay sa kanilang nalalaman tungkol sa mga sinaunang panitikan.

Pokus na tanong:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang panitikang katulad ng mito, alamat at kwentong bayan?

2. Paano nakatutulong ang paggamit nang wasto at angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda?

B. Linangin:Basahin at unawain ang Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol

ANG DUWENDE

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang

KUWENTONG BAYANALAMAT

MITO

Sinaunang

Panitikan

Page 2: Grade 7 Modyul2

malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:

"Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang.Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

"Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya-malaki para sa kaniyang braso.

"Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto.At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya. Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

Gabay na Tanong

1. Ano raw ang itsura ng duwende? Maaaring iguhit sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral; o di kaya ay magpatulong sa mga mag-aaral sa pagguhit ng duwende.2. Ayon sa kwento, ano raw ang mga ugali at gawain ng duwende? Bakit sila kinatatakutan?

Page 3: Grade 7 Modyul2

3. Sa inyong palagay totoo kayang may duwende?Patunayan.4. Bukod sa kwentong bayan na atin binasa may alam pa ba kayo na kwento tungkol sa mga duwende o iba pang nilalang?

Paglinang sa Talasalitaan

Ayusin ang mga gulu-gulong letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang binibigyang kahulugan.

STORY FRAME

B A G

I N A

L Y

L

S I K

O L I

N I

K N

A G A

L A B

O Y A

R O N

R I D

I L U

N A Y H

P A K

1. GINAWA = IKINILOS 2. NAG-APOY = NAGLIYAB 3. NAGPLANO=NAGBALAK

4. PANGKARANIWAN = ORDINARYO 5. KALOKOHAN = KAPILYUHAN

Page 4: Grade 7 Modyul2

Kuwentong-bayan[1] o polklor - mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.[2]

Babasahin ng guro ang halimbawa ng mito?Pakinggan ang mito ng mga Ifugao.

Bakit Kulang ang Liwanag ng Buwan?

Noong una’y magkaibigang matalik sina Buwan at Araw.Alam ng Buwan na maraming humahanga at nagmamahal sa kanya at ito’y naging daan

ng pagiging palalo niya. Sinasabi niyang lagi kay Araw na mas mahal siya ng mga tao dahil siya ang hinihingan ng mga ito ng tulong samantalang siya ay di matitigan ng mga ito. LIhim na nainis ang Araw sa kayabangan ng Buwan. Nag-isip siya kung paano makagaganti sa Buwan.Naanyayahan ang dalawa sa isang kasayahan sa Nundaul at sila’y nagpaunlak. Maraming naimon ang Buwan kaya’t siya’y nalasing. Niyaya siya kunwari ni Araw para umuwi ngunit dahil nga sa kalasingan ay di nakaya ng Buwan ang sarili. Pinauna na niya ang Araw.

Nanguha ng maraming kabibe sa dalampasigan ang Araw at ang mga iyon ay kanyang dinurog na mabuti. Inilagay niya ang mga ito sa isang sako. Ibinitin ng Araw ang sako sa isang punong kahoy na alam niyang uusyusuhin ng Buwan pagdaraan nito.

Tulad ng inaasahan ng Araw, naintriga ang Buwan sa nakitang nakabiting sako. Pinilit niyang kalagin yaon ngunit di niya makalag-kalag kaya’t tinusok niya ang ilalim ng nakabiting sako. Bumuhos ang laman ng sako sa mukha niya. Humingi siya ng saklolo at dinaluhan naman ng mga anak niyang mga bituin at tala. Labis na napinsala ang isang mata ng Buwan at din a ito makakita.

Mula noon, lumamlam na ang liwanag ng Buwan sapagkat iisa na ang kanyang matang nagbibigay ng liwanag.

1. Ilarawan ang katangian mga tauhan sina Buwan at Araw?2. Ilarawan ang relasyon sa pagitan ni Buwan at Araw?3. Sa iyong palagay bakit kaya napag-isipan ng masama ni Araw ang kanyang matalik na kaibigan?4. Sa tingin ninyo makatarungan ba ang ginawa ni Araw? Bakit?5. Kung ikaw si Buwan ano ang iyong mararamdaman sa ginawa ng iyong matalik na kaibigan?

Matapos matalakay ang mahahalagang detalye sa kuwentong napakinggan sabihin ng guro sa mga mag-aaral na ito ay halimbawa ng mito. At mula sa kanilang binasa bibigyan ng guro ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bigyang kahulugan ang salitang mito.

Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makapagbigay ng kasagutan

Page 5: Grade 7 Modyul2

Mito - kuwento o salaysay hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa , kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha

Basahin ang kuwentong bayan

Paglinang sa TalasalitaanPunan ang mga nawawalang titik sa mga kahon upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita

1. tinulungan = dinaluhan

i l a

2. alisin sa pagkakatali = kalagin

a i

3. nakasabit = nakabitin

a b i

4. isinilid = inilagay

i g y

5. nasira = napinsala

a i n a

Sa pamamagitan ng alamat na napanood isalaysay ang pangyayari

ALAMAT NG MAYON

YOUTUBE

Page 6: Grade 7 Modyul2

Magpakita ng isang tsart na sasagutan ng mga mag-aaral.

Tanong Sagot ElementoSinu-sino ang mga tauhan sa alamat?Saan kaya naganap ang kuwento?Ano ang nagging suliranin ng mga tauhanPaano nila ito nalutas?

Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.[1] Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

Itala sa ibaba ang dalawang pamamaraan ng panliligaw ng mga binata sa Alamat ng Bundok Mayon.

Alin sa dalawang pamamaraan ang higit mong kinagigiliwan?Bakit

Pagsasanib ng Gramatika / Retorika

MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA GITNA AT WAKAS NG AKDA

Ang mga panandang pandiskurso o discourse markers ay mga panandang nagbibigay linaw sa mga mahihirap na bahagi ng teksto o naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Isa sa tatlong tungkulin ang panandang pandiskurso ay maghudyat ng pakakabuo ng akda. 1. Simula – noong araw, noong unang panahon, 2. Gitna – makalipas ang ilang araw, isang araw, 3. Wakas – at mula noon, simula noon

Pag-alam sa Natutuhan/Gramatika

Tukuyin kung anong bahagi nabibilang mga sumusunod na bahagi ng mga sinaunang akda.Salungguhitan ang mga salitang hudyat ng bawat bahagi ng akda

Page 7: Grade 7 Modyul2

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Alamat ng Saging

Malaking himala din ang nangyari. Biglang sumigla si Edna pagkakain ng bunga ng lansones. At mula noon ay nanumbalik na din ang masasayang pagmamahalan ng mag asawang Manuel at Edna.

Alamat ng Lansones

Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prisesa Alindaya, Prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.

Alamat ng Bundok Pinatubo

Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi na lamang umiiyak si Edo habang nakabantay sa puno at sinambit ang pangalang… “”Ilang, Ilang, Ilang”. Simula noon tinawag ang bulaklak na Ilang-Ilang

Alamat ng Ilang Ilang

C. Pagninilay

Matapos na mabasa, mapakinggan at mapanood ang mga halimbawa ng mga sinaunang panitikan marahil ay higit nang nauunawaan ang katangian ng bawat. Ngayon para sa pangkatang Gawain gagawa kayo ng paghahambing ng mga katangian ng panitikang ito.

Page 8: Grade 7 Modyul2

Muling pasasagutan ng guro ang pokus na tanong sa mga mag-aaral.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sinaunang panitikang katulad ng mito, alamat at kwentong bayan?

2. Paano nakatutulong ang paggamit nang wasto at angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda?

Inaasahang sa pagkakataong ito ay mas higit na malinaw ang kasagutang ibibigay ng mga mag-aaral sa guro.

D. Ilapat:

Magpapakita ang guro ng larawan ng mga gamit sa paaralan. Mula sa mga larawang ito pipili ng isa ang bawat mag-aaral. Ang bagay na kanilang napili ay gagawan nila ng alamat. Sa alamat na kanilang susulatin ay kinakailangan salungguhitan ng mga mag-aaral ang mga salitang hudyat ng simula, gitna at wakas na kanilang ginamit sa sinulat.