Guilty - Hatol Ng Ombudsman

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/13/2019 Guilty - Hatol Ng Ombudsman

    1/4

    GISING MAJAYJAY

    GUILTYHATOL NG OMBUDSMAN

    Kaugnay ng kasong administratibo (administrative case) at kriminal (criminalcase) na iniharap sa OMBUDSMAN ni G. Froilan T. Gruezo at ng Pilipinas Para saPinoy (PPP), na kinakatawan ni Atty. Paterno L. Esmaquel, tungkol sa maanomalyangBULK WATER CONTRACT at dalawang (2) Water Supply Contracts na pinasok ng atingbayan para magsupply o magdala ng tubig sa Bayan ng Sta. Cruz at Lumban, Laguna,ang OMBUDSMAN ay naglabas ng isang HATOL na pirmado mismo ni OMBUDSMANConchita Carpio Morales.

    Sa Decision na may petsa February 21, 2013, ang HATOL ng OMBUDSMAN saadministrative case ay GUILTY ang mga respondents/akusado na sina Teo lo B. Guera(Guera), Ana Linda C. Rosas, Lauro C. Mentilla, Mauro C. Aragon, Juancho M. Andaya,

    Antonio S. Zornosa, Jr., Mario O. Mercolisa, Jr., Jovanie Ann G. Esquillo at BernardoI. De Villa, at kaya sila ay binigyan ng parusa na pagkatanggal sa puwesto o serbisyo oDISMISSAL FROM THE SERVICE at may kasama pang karagdagan na kaparusahan(accessory penalties) na cancellation of eligibility, forfeiture of retirement bene ts, perpetualdisquali cation from holding public of ce and bar from civil service examinations. Ang

    ibig sabihin ng PERPETUAL DISQUALIFICATION FROM HOLDING PUBLICOFFICE ay mga akusado na opisyales ng ating bayan ay habang buhay na hindi napuwedeng magtrabaho o makakuha ng anumang puwesto sa gobyerno at ng dahil dito, angmga akusado na opisyales ay hindi na puwedeng kumandidato sa mga susunod na halalan.

    Kaugnay naman ng kasong kriminal (criminal case) na isinampa sa mga nasabingrespondents kasama na ang Presidente ng IBDC na si Arcadio B. Gapangada, Jr.(Gapangada) ayon sa Resolution na may petsa din na February 21, 2013, ang OMBUDSMANay nagdesisyon o nagbigay ng HATOL din na dapat sampahan ng kaukulang kasong

    kriminal sa SANDIGANBAYAN ang mga nasabing akusado kasama na si Gapangada.Nang dahil dito, ang OMBUDSMAN ay gumawa ng kaukulang rekomendasyon upangsampahan ng Informations o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN ang mganasabing respondents/akusado kasama na si Gapangada at sila ay pinasasampahan ngInformation o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN for one (1) Count ng paglabagsa Sec. 3(e) sa Republic Act 3019, o kilala sa tawag na Anti-Graft and Corrupt Practices

    Act. Kung nasampahan na ng Information o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN ang

    1

  • 8/13/2019 Guilty - Hatol Ng Ombudsman

    2/4

    mga nasabing respondents/akusado kasama na si Gapangada, ang SANDIGANBAYAN aymaari ng maglabas ng WARRANT OF ARREST laban sa nasabing mga respondents/akusado kasama na si Gapangada at kung sila ay hindi makapagbigay ng bail o piyansa,sila ay makukulong hanggang sila ay hindi nakakapagbigay ng piyansa.

    Magkakaroon ng paglilitis ang mga nasabing respondents/akusado sa

    SANDIGANBAYAN at kung sila ay mapapatunayan na GUILTY ang parusa sa kanilaay pagkakakulong na hindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years olabinlimang taon.

    Maliban sa paglabag sa Sec. 3(e) ng R.A. 3019, si Guera ay sasampahan pa rin ngOMBUDSMAN sa SANDIGANBAYAN ng kasong kriminal na dalawang (2) Counts or 2kasong kriminal sa paglabag sa Sec. 3(g) ng R.A. 3019 dahil sa 2 maanomalyang WaterSupply Contracts na kanyang pinirmahan upang ang ating bayan ay magsupply o magdalang tubig sa bayan ng Sta. Cruz at Lumban, Laguna. Kaya kung si Guera ay matagpuan

    ng SANDIGANBAYAN na guilty sa nasabing 2 Counts sa paglabag ng nasabing Sec. 3(g)ng R.A. 3019, siya po ay mahahatulan sa kada 1 Count (per Count) ng kaparusahan napagkabilanggo na hindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years o labinlimangtaon. Kaya sa kabuuan kung si Guera ay mahahatulan ng SANDIGANBAYAN na GUILTYsa 3 kriminal cases siya ay bibigyan ng kaparusahan kada 1 case ng pagkakabilanggo nahindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years o labinlimang taon.

    Maliban sa nahatulan na mga nasabing respondents na GUILTY sa administrativecase at sila ay pinasasampahan ng kaukulang kasong kriminal sa SANDIGANBAYAN, angisa pang magandang naging resulta ng nasabing HATOL o Desisyon ng OMBUDSMAN ayating napatunayan na maanomalya at labag sa batas hindi lamang ang BULK WATERCONTRACT kung hindi maging ang nasabing dalawang (2) Water Supply Contracts. Dahilayon sa OMBUDSMAN, ang 2 Water Supply Contracts ay labag sa batas dahil ang mga itoay maanomalya at makasasama sa ating bayan. Nang dahil dito, tuluyan ng mapipigilannatin ang balak ni IBDC na dalhin ang mga yamang tubig ng ating bayan sa mga kalapitbayan. Sa madaling salita, hindi na puwedeng dalhin at ibenta ni IBDC ang ating mgayamang tubig sa ating mga kalapit bayan. Kung atin pong matatandaan, nabalita na

    sinabi mismo ni IBDC na ang kanyang tunay na layunin ay hindi upang mag-operateng water system ng ating bayan kung hindi ay upang dalhin at ibenta ang ating yamangtubig sa ating mga kalapit bayan. Kaya tayo po ay dapat na tunay na magsaya dahil atingnapigilan ang isang banyaga na kanyahin at dalhin/ibenta ang ating yamang tubig sa mgakalapit bayan na kung saan ang kikitain lamang ng ating bayan ay kakarampot.

    Sa kasalukuyan, si Mayor Tino Rodillas ay walang malinaw na ginagawa upangtuluyang mapaalis si IBDC sa ating bayan o upang tuluyang mapatigil ang Bulk Water

    2

  • 8/13/2019 Guilty - Hatol Ng Ombudsman

    3/4

    Contract. Sa halip noong January 6 at 13, 2014 sa ginawang ag ceremony ng mgaempleyado ng ating bayan ay paulit-ulit na pinasasalamatan ni Mayor Tino Rodillas siIBDC samantalang maliwanag na sinabi sa HATOL ng OMBUDSMAN na ang Bulk WaterContract ay labag sa batas dahil ito ay maanomalya at binigyan dito ng UnwarrantedBenefts si IBDC. BAKIT KAYA PINASASALAMATAN NI MAYOR TINO RODILLASI IBDC? DAPAT BANG PASALAMATAN SI IBDC GAYONG MALINAW SA HATOL NOMBUDSMAN NA LABAG SA BATAS ANG BULK WATER CONTRACT at 2 WATESUPPLY CONTRACTS DAHIL BINIGYAN DITO NG UNWARRANTED BENEFITSSI IBDC? Kaya si Mayor Tino Rodillas ay dapat magbigay ng paliwanag sa mga taongbayan kung bakit paulit-ulit niyang pinasasalamatan si IBDC.

    Ang atin pong abogado ng bayan ay nagpadala na ng Notice and Demand kay MayorRodillas upang ipatigil na ang ma-anomalyang Bulk Water Contract at take over o kuninna ng ating Munisipyo ang pagpapatakbo ng ating water system. Hindi pwedeng sabihinni Mayor Tino Rodillas na hindi puwedeng ipatigil ang Bulk Water Contract at take over okunin na ang pagpapatakbo ng ating water system dahil walang court order. Kung ito angmagiging katwiran ni Mayor Tino Rodillas, ito ay isa lamang na malinaw na pagpapalusoto kawalan ng kakayahan upang ipatigil ang pagpapatupad ng isang maanomalya at labagsa batas na kontrata.

    Marami ng ginawang desisyon sa ibat ibang kaso ang ating Supreme Court nanagsasaad at nagsasabi na ang isang kontrata na null and void at labag sa batas ay maaringipatigil na hindi kailangan ng court order. Sa isang sulat na may petsa September 27,2013 na ipinadala ng abogado ng bayan kay Mayor Tino Rodillas, ipinaliwanag at ibinigayng ating abogado ang mga legal basis o basehang legal kung bakit dapat take over o kuninna ng ating Munisipyo ang pamamahala sa ating water system subalit magpahanggangngayon ay walang ginagawa tungkol dito si Mayor Tino Rodillas.

    Kaya kung patuloy si Mayor Tino Rodillas na hahayaan na patakbuhin ni IBDC angating water system o ipatupad ang Bulk Water Contract, ang abogado ng ating bayan aymagsasampa rin laban kay Mayor Tino Rodillas ng kaukulang kasong administrative casefor gross negligence at grave misconduct in the performance of duty at kasong kriminal na

    paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Kaya mga kababayan ang GM ay humihingi ng tulong sa inyo na magkalap tayo ngebidensiya na patuloy na hinahayaan ni Mayor Tino Rodillas si IBDC upang mag-operateo magpatakbo ng ating water system. Ang mga ebidensiya na kailangan natin ay tuladng mga pictures o larawan ng mga tauhan ni IBDC na siyang naghihigpit o nagbubukassarado ng balbola ng tangke ng ating tubig. Kung maari kunan ninyo ng mga litrato gamitang inyong mga cellphone ang mga tauhan ni IBDC na pakalat kalat sa ating bayan na

    3

  • 8/13/2019 Guilty - Hatol Ng Ombudsman

    4/4

    siyang nagbubukas sarado sa balbola ng tangke ng tubig ng ating bayan. Mas mabuti kungactual ninyong makukunan ang mga tauhan ni IBDC habang sila ay nagbubukas saradosa balbola ng tangke ng tubig ng ating bayan.

    Bilang panghuli, napabalita noon na magtataas ng singil sa tubig upang gamitinna pambayad sa sinisingil na kabayaran na P24M ni IBDC. Dahil malinaw sa nasabingHATOL ng OMBUDSMAN na ang BULK WATER CONTRACT ay labag sa batas, tayo poay hindi dapat magbayad ng anumang taas na singil sa tubig upang gamiting pambayadkay IBDC. Dahil pa rin ang BULK WATER CONTRACT ay labag sa batas, si IBDC ayhindi dapat bayaran kahit singko ng ating bayan. Ating pananagutin ang sinumangopisyales ng ating bayan na magbibigay pahintulot o makikipagsabwatan upangbayaran si IBDC.

    Ang mga water meters naman po na nakakabit sa inyong mga bahay ay hindi maaringgawing basehan ng pagsingil ng bayad sa tubig dahil ang BULK WATER CONTRACT aylabag sa batas. Nang dahil dito, ang mga nasabing water meters ay isipin o consider nalamang ninyong palamuti sa inyong mga tahanan at isang magandang alaala na ang isangbanyaga ay hindi nagtagumpay sa kanyang nabalita na masamang layunin na kanyahinat kunin ang mga yamang tubig ng ating bayan.

    Sa madaling salita, ating napatunayan na kung tayo ay magsasama-sama ang isangbanyaga ay hindi magtatagumpay na kunin o nakawin ang yamang tubig ng ating bayan.Kung matatandaan ninyo, sinabi na namin noon na halos 100 taon na ang nakalipas,ang isang banyaga ay nagbalak din na kunin at dalhin ang ating yamang tubig sa mgakalapit bayan subalit ang banyaga ay hindi rin nagtagumpay. Ang ating mga ninuno satulong ng abogadong Batangueo na si Don Antonio delas Alas, na naging asawa ni CitasGruezo na kapatid ni Froilan Gruezo, ay nagtagumpay din na hadlangan ang kagustuhanng gobernador noon ng Laguna na dalhin ang tubig ng Sinabak sa Magdalena, Laguna.

    Ating pinatunayan pa rin na tulad ng ating mga ninuno, tayo kahit kailanman ayhindi papayag na kunin o angkinin o pagsamantalahan ng isang banyaga ang yamangtubig ng ating bayan. Ang ating tagumpay sa paghadlang sa balakin ng isang banyaga nakunin at pagsamantalahan ang yamang tubig ng ating bayan ang siyang pinakamagandangpamana na ating maiiwan sa mga susunod na henerasyon ng Majayjayeos.

    MABUHAY ANG MAJAYJAYEOS!!!

    4