38
Halamang Gamot Kaagapay sa Malusog na Pamumuhay B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 2 INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011 Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

Halamang Gamot Kaagapay sa Malusog na Pamumuhayalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Halamang+Gamot... · Ang luya ay gamot sa masakit na lalamunan dahilan ng pamamaga ng tonsil

  • Upload
    vumien

  • View
    365

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Halamang Gamot Kaagapaysa Malusog na Pamumuhay

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

2

INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

Karapatang Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO

Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ngorganisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Inilathala sa Pilipinas ng:

Halamang Gamot Kaagapaysa Malusog na Pamumuhay

i

Tungkol Saan ang Modyul Na Ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga Halamang Gamot na makikita sa inyongpamayanan. Mahahasa ang iyong kakayahan sa pagbasa, pagsulat, at pagkwenta.Tutulungan ka rin na magkaroon ng kasanayan sa pakikipamuhay.

Nahahati ito sa tatlong aralin:

Aralin 1 - Mga Halamang Gamot

Aralin 2 - Pamamaraan Sa Paghahanda ng Halamang Gamot

Aralin 3 - Mga Karaniwang Sakit sa Pamayanan

ii

Anu-ano ang mga Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang maisasagawa moang mga sumusunod:

1. Nakikilala at napapangkat ang mga halamang gamot ayon sa lunas nanaidudulot ng mga ito.

2. Nasusunod ang mga paraan sa paghahanda ng halamang-gamot.

3. Nagagamit ang mga halamang gamot na panlunas sa sakit/karamdaman.

4. Nakalulutas ng mga suliraning pamilang gamit ang 2-3 tambilang na ginagamitsa pagdaragdag.

iii

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

A. Pag-ugnayin ang linya ng angkop na halamang gamot sa sakit na nilulunasan nito.

Halamang Gamot Sakit na Nalulunasan

1. banaba sugat

2. ampalaya manipis na buhok

3. sabila lagnat at trangkaso

4. bayabas altapresyon

5. bawang ubo’t-sipon

6. kalamansi dyabetis

7. balimbing hika

8. malunggay hirap umihi

iv

B. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng halamang gamot. Isulat sapatlang ang bilang ng tamang sagot.

_______ Isalin sa malinis na tela at palamigin.

_______ Kumuha ng 7 dahon ng bayabas at 7 dahon ng duhat.

_______ Ipainom kaagad sa taong nagtatae.

_______ Ilaga sa loob ng 10 minuto sa palayok.

_______ Hugasan ang mga dahon sa malinis na tubig.

C. Basahin at lutasin

1. Si Delia ay gumawa ng “Salabat Powder.” Narito ang kanyang nagastos:

½ kilong luya - Php30.001 kilong asukal - Php40.00

Magkano lahat ang kanyang nagastos?

v

2. Si Mang Simon ay nagbenta ng halamang-gamot sa palengke. Ito ang kanyangpinagbilhan:

Talbos ng ampalaya - Php65.00Luya - Php45.00Dahon ng sambong - Php30.00

Magkano ang kanyang napagbentahan?

Makipag-ugnayan ka sa iyong tagapatnubay. Tutulungan ka niya sapagwawasto.

Kung 1 o 2 ang mali mo, magaling! May kaalaman ka na sa halamang gamot.Alam mo na rin kung paano alagaan ang iyong katawan. Gayunman, maaari mopa ring pag-aralan ang modyul na ito. Dagdagan mo pa ang nalalaman mo.

Kung 3, 4 o 5 ang mga mali mo, para sa iyo talaga ang modyul na ito. Halina’tbasahin mo.

1

Aralin 1Mga Halamang-Gamot

Ang ating bansa ay mayaman sa iba’t ibang uri ng halaman. Karamihan sa mga itoay ginagamit bilang gamot. Ikaw, alam mo ba ang ilan sa mga ito?

Sa araling ito, matutuhan mo ang ilang halamang-gamot na makatutulong sa iyo.Sa pamamagitan nito, magiging malawak ang pananaw mo sa paksang Mga Halamang-Gamot.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, maaari mo nang maisagawa angmga sumusunod:

• Natutukoy ang mga halamang-gamot na nasa ating kapaligiran; at

• Natutukoy ang mga iba’t ibang uri ng sakit at mga bahagi ng halamang gamot nagagamitin para malunasan ang mga sakit.

2

Pakinggan NatinUmawit Tayo:

HALAMANG-GAMOTHimig: Magtanim ay Di Biro

Halina at magtanim Kung ubo ka nang uboMga halamang gamot Lagundi ang gamitinMura na, mabisa pa Kung tiyan ay masakitKay dali pang hanapin. Tsaang gubat ang hanapin

Halina, halina, mga kasama O di ba, o di ba, ang galing-galingHalamang-gamot ay ating itanim Ok’s na ok’s sa mag-anak natinBayabas, kaimito, duhat na Mga kababayan, tayo’y magtanimmagaling Makatitipid pa sa gastusin.Tiyak na mabisang igamot natin.

Kung hirap kang umihi,Banaba ay hanapinKung ika’y nakakalbo,Sabila ay magaling.

3

Pag-usapan NatinAnu-anong mga halamang-gamot ang matatagpuan sa inyong lugar?

Mga Halamang-Gamot sa Ating Pamayanan

bayabas oregano banaba

kaimito kalamansi lagundi

duhat ampalaya sabila

4

kugon mangga malunggay

luya balimbing kamias

tsaang-gubat suha bawang

5

Basahin Natin

Ang dahon ng bayabas ay gamot sa sakit ng tiyan.Ito ay mainam ding panglanggas ng sugat

bayabas - gamot sa sakit ng tiyan

Ang hinog na bunga ng kaimito ay mainam sa pagtatae.ito ay mainam ding pagkain para sa dyabetis at ulcer.

kaimito - mainam sa pagtatae

Ang bunga ng duhat ay mainam sa pagtatae.Ito ay mabisang lunas din sa dyabetis.

duhat - lunas sa dyabetis

6

Mabuti ang pinalambot na dahon ng oregano sa sakit ngulo.

oregano - sakit ng ulo

Ang bunga ng kalamansi ay mainam din sa ubo at sipon.

kalamansi - ubo at sipon

Ang dahon at bunga ng ampalaya ay nakatutulong samga taong may dyabetis.

dahon at bunga ng ampalaya - dyabetis

7

Ang dahon at bulaklak ng banaba ay nakatutulong samga hirap umihi.

banaba - hirap umihi

Ang dahon ng lagundi ay mabisang gamot sa lagnatat ubo.

lagundi - lagnat at ubo

Ang sabila ay pampalago ng buhok at pang-alis ngbalakubak.

sabila - pampalago ng buhok

8

Ang tsaang-gubat ay mainam sa sakit ng tiyan atpagtatae.

tsaang-gubat - sakit ng tiyan

Ang nilagang ugat ng kogon ay mainam pampaligo ngtaong may rayuma.

kugon - rayuma

Ang luya ay gamot sa masakit na lalamunan dahilan ngpamamaga ng tonsil (tonsilitis) o pamamalat.

luya - pamamalat

9

Ang nilagang ugat ng malunggay ay gamot sa sakit ngtiyan at hika.

malunggay - hika

Ang sariwang bawang ay gamot sa altapresyon ohighblood.

bawang - altapresyon

Ang kaltas ay mainam sa sakit sa balat.

kamias - sakit sa balat

10

Tandaan NatinMalaki ang naitutulong ng mga halamang gamot na nasa ating kapaligiran bilang

panlunas sa maraming karamdaman.

Mga Halamang Gamot Bahaging Ginagamit Sakit na NalulunasanBayabas Dahon Sugat at pagtataeKaymito Dahon PagtataeDuhat Dahon Pagtatae

Banaba Dahon Hirap umihiLagundi Dahon/Bulaklak Ubo at lagnat

Tsaang gubat Dahon Masakit ang tiyanKugon Ugat Rayuma

Oregano Dahon Ulo at uboKalamansi Bunga Ubo at siponAmpalaya Bunga Diabetes

Suha Dahon TrangkasoBalimbing Bunga Lagnat at trangkasoAmpalaya Dahon Lagnat at altapresyonMangga Ugat Pagtatae

Malunggay Ugat HikaBawang Laman Altapresyon

Luya Laman Pananakit ng lalamunanKamias Bunga Sakit sa balat

11

Subukin Natin

Piliin sa kahon ang halamang gamot na tinutukoy ng mga pangungusap. Isulat sapatlang.

a. bayabas d. bawang g. kugon i. luyab. banaba e. malunggay h. mangga j. kamiasc. sabila f. balimbing

1. Ang nilagang dahon ay mainam panglanggas ng sugat.2. Pampaligo ng manipis na buhok.3. Panglunas sa hika ang ugat nito.4. Pantulong sa hirap umihi.5. Mabisa sa lagnat at trangkaso.6. Nagpapababa ng altapresyon o high blood.7. Mainam ito sa rayuma.8. Ipinanglulunas sa iba’t ibang uri ng sakit sa balat.9. Ang ugat nito ay mainam sa pagtatae.

10. Mainam sa pamamalat o pamamaga ng tonsil.

12

Kuwentahin Natin

1. Si Mang Kiko ay may ubo at sipon. Siya ay bumili ng Php15.00 kalamansi atisang kilong asukal sa halagang Php40.00. Magkano lahat ang kanyang ginastos?

Kalamansi - Php15.00Asukal - + Php40.00

2. Si Aling Nena ay may dyabetis. Siya ay bumili ng Php20.00 na duhat at dalawangkilo ng ampalaya sa halagang Php60.00. Magkano lahat ang kanyang ginastos?

Duhat - Php20.00Ampalaya - + Php60.00

Tandaan: Ang Php ay simbolo ng piso

13

Alamin Natin ang Iyong Mga Natutuhan

1. Panuto: Pag-ugnayin ng linya ang angkop na halamang gamot sakaramdamang nalulunasan nito.

Pangkat I Pangkat IIDahon ng bayabas ! ! HikaButil ng bawang ! ! Ubo at lagnatLaman ng luya ! ! Masakit ang tiyanDahon ng banaba ! ! AltapresyonDahon ng lagundi ! ! Sakit ng ulo at uboUgat ng malunggay ! ! SugatDahon ng oregano ! ! Pananakit ng katawanDahon ng tsaang gubat ! ! Hirap umihi

14

Aralin 2Mga Pamamaraan sa Paghahanda ng Halamang Gamot

Ang paggamit ng mga halamang gamot ay isa sa mga programa ng pamahalaanpara malutas ang problema sa nagtataasang presyo ng mga mga gamot. Kung atingsusuriin, kasinghusay o kasinggaling ng mga gamot na nabibili sa mga botika ang mgahalamang-gamot. Nagiging mabisa ang mga halamang-gamot kung ang mga ito ayinihanda nang tama. Ikaw, nakagamit ka na ba ng mga halamang-gamot? naging mabisaba ito?

Sa araling ito, matutuklasan mo ang mga pamamaraan sa paghahanda nghalamang-gamot.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, maaari mo nang isagawa ang mgasumusunod :

• Natutukoy ang mga sakit na nagagamot ng mga halamang gamot; at

• Nakasusunod nang tama sa mga hakbang sa paghahanda ng mga halamanggamot;

15

Pakinggan Natin

Halamang-gamot ay mabisaKung tama ang paghahandaKasinggaling ng gamot botikaPanlunas sa sakit mong dala

16

Alamin Natin

Tayo ay gagawa ng gamot sa ubo at sipon mula sa bunga ng sampalok. Naritoang mga kagamitan:

1-2 hinog na sampalok malinis na tela o katsa

1 basong tubig takure napagpapakuluan

1 kutsarang asukal

17

Basahin Natin

Ganito ang paggawa ng gamot sa ubo at sipon mula sa bunga ng sampalok.

1. Ilagay ang isang basong tubig sa takure.

2. Isama ang isa o dalawang hinog na sampalok.

3. Pakuluan sa loob ng 5 minuto.

4. Lusawin ang sampalok.

5. Salain sa malinis na tela o katsa.

6. Ilagay sa baso, timplahan ng asukal

7. Haluin at ipainom sa may sakit.

18

Isulat Natin

Basahin at sipiin ang mga hakbang sa paghahanda ng mga halamang-gamot.

Lagundi: mabisang gamot sa lagnat at ubo

Pakuluan ang isang kimis ng dahon ng lagundi sa 3 basong tubig nang 10 minuto.

Balimbing: ginagamit na pomento sa may lagnat

Magtadtad ng 2 tasang dahon ng balimbing at pakuluan ito nang 10 minutosa 1 tabong tubig. Salain at ipunas sa taong may lagnat.

19

Kugon: mainam gamitin ng taong may rayuma

Maglaga o magpakulo ng mga ugat at inumin 3 beses maghapon. Gamitingpampaligo sa taong may rayuma.

Luya: gamot sapamamaga ng tonsil

Kumuha ng pirasong luya at balatan, nguyain at kuhanin ang katas. Puwedering kumuha ng katas nito, ihalo sa tubig at inumin na parang salabat.

20

Tandaan Natin

Ang mga bahagi ng halamang-gamot na ginagamit ay:

dahon balatbunga tangkay ugat

− Mabisa ang halamang-gamot kapag ito ay inihanda nang tama.

− Tiyaking malinis ang paghahanda ng halamang gamot.

− Higit na nakabubuti na sumangguni sa doktor upang matiyak angkaramdamang taglay.

− lalong magiging mabisa ang halamang-gamot kung masuri ng doktor.

21

Subukin Natin

I. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto at Mali kung di wasto ang mgapangungusap.

__________1. Ang kaimito at duhat ay mainam para sa nagtatae.__________2. Ang lagundi ay mabisang lunas para sa ubo at sipon.__________3. Ang bunga ng kalamansi ay mabisa para sa ubo at sipon.__________4. Ang ugat ng malunggay ay gamot sa hika.__________5. Ang dahon ng bayabas ay gamot sa sugat.

II. Sagutin Natin

Si Aling Delia ay gagawa ng salabat powder. Bumili siya ng ½ kilo ng luya sahalagang Php45.00 at 2 kilong asukal sa halagang Php80.00. Magkano lahat angkanyang nagastos ?

½ kilong luya - Php45.00

2 kilong asukal - Php80.00

22

Alamin Natin ang Iyong Natutuhan

I. Panuto : Salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong.

1. Ang halamang gamot na panlunas sa (altapresyon, pamumutla, lagnat) ayinihaw na bawang.

2. Ang nilagang dahon ng (duhat, saging, bayabas) ay mabisang panlanggassa sugat.

3. Mainam na inumin ang katas ng (kaimito, kalamansi, kalabasa) para sa siponat pag-uubo.

4. Ang katas ng dahon ng (sabila, sambong, alagaw) ay nagpapakapal ngtubo ng buhok.

5. Ang nilagang dahon ng (bayabas, banaba, balimbing) ay gamot sa hirapumihi.

23

Aralin 3Mga Karaniwang Sakit sa Pamayanan

Dahil sa pabagu-bago ng panahon, maraming mga sakit ang nararamdaman. Anu-ano ang mga karaniwang sakit na dumadapo sa inyong pamilya?

Sa araling ito matututuhan mo ang mga karaniwang sakit sa ating pamayanan atmga paraan ng pag-iwas sa mga ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang maisasagawa mo na angmga sumusunod:

• Natutukoy ang mga karaniwang sakit sa ating pamayanan; at

• Natutukoy ang mga paraan para maiwasan ang ito.

24

Pakinggan Natin

Alam Mo Ba?

Lagnat o trangkasoHika, sipon at ubo

Sa ‘ting pamayananKaraniwang sakit ito

Pang-unang lunas kailanganLalo na kung malayo sa pagamutan

Halamang gamot ay maaasahanKung paano, alamin ang paraan.

25

Pag-usapan Natin

Anu-ano ang mga karaniwang sakit sa inyong pamayanan?

ubo lagnat bulutong

sugat pagkakalbo pagtatae

26

Magandangumaga po,Doktora.

Magandang umaganaman. Ano ba angkaramdaman mo?

Madalas poakong sipunin atubuhin.

May iniinom kabang gamot?

Ala, halamang-gamot lang po.

Basahin Natin

Sa Health Center.

Walang masama doon. Mahalaga’y nag-papatingin ka rin sa doktor. Malalamanmo kung ano ang dahilan ng madalas napagkakaroon ng ubo at sipon.

27

Subukin Natin

A. Panuto : Hanapin sa puzzle ang mga sakit na sumusunod.

SIPON UBO BULUTONGLAGNAT PAGTATAE SUGATHIKA TRANGKASO NAKAKALBO

A H E R T Y U I O U B O GS I P O N A S X D C U H JQ K W E E F G H K H L C NN A K A L B O I P S U Q BA S F G A L K M V C T B TT R A N G K A S O M O V RQ W R T N T F T O P N D DA S F G A H E O S U G A TZ P A G T A T A E X V H E

28

B. Kwentahin ang mga suliraning pambilang.

1. Sinisipon si Ramon. Naglaga ng dahon ng lagundi ang kanyang Inang. Pinitaslang ito sa kanilang looban. Nakaginhawa naman ito, kung bumili si Ramonng gamot sa botika gagastos siya ng P10.00. Sa paglalaga ng lagundi, P2.00lang ang nagastos niyang gaas. Magkano ang natipid ni Ramon?

2. Bumili ng gamot sa botika si Ate Tita.

Tabletang sambong - Php20.00Tabletang lagundi - Php10.00Tabletang ampalaya - Php20.00

Magkano ang naibili niya?

29

Alamin Natin ang Iyong Natutuhan

1. Panuto: Pag-ugnayin ng linya ang mga sakit na nasa unang pangkat saangkop na halamang gamot na nasa ikalawang pangkat.

Pangkat I Pangkat II

Sugat ! ! BanabaHika ! ! BayabasLagnat at trangkaso ! ! MalunggayNakakalbo ! ! SabilaHirap umihi ! ! BalimbingAmpalaya ! ! Dyabetis

2. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng harabeng sampalok.Bilang lamang ang isulat sa patlang.

______ Inumin kaagad para sa mabisang lunas.______ Salain ang pinakuluang sampalok.______ Haluing mabuti upang matunaw ang asukal.______ Lusawin ang pinakuluang sampalok______ Pakuluan ang 2 sampalok sa isang basong tubig.

30

3. Kwentahin Natin

1. Php12.00 2. Php235.00 + Php35.00 + Php521.00

3. Php225.00 4. Php258.00 + Php753.00 + Php365.00

Php320.00 Php782.00

5. Si Aling Mameng ay bumili ng Php10.00 bayabas, Php25.00 na dalanghitaat Php15.50 na kaimito. Magkano lahat ang kanyang mga pinamili?