Upload
lekhue
View
214
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
HANGING BY A
MOMENT
Property of Sarah Mae (asrah028) Rivera
Website:
http://missasrah.weebly.com/
promotional video:
http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=W7YiNoQbHbQ
Please huwag ipost sa ibang site. Maraming salamat..
Marami kayong makikitang errors o kaya mga wrong grammars,kaya ngayon
palang.. patawad na! ^_^ Enjoy Reading Guys!
PROLOGUE:
Naranasan mo na bang mag karoon ng puppy love?
Yung tipong kahit kinder ka palang marunong ka ng gumarutay.
Yung kahit bata ka palang,
alam mo na inlove ka na kase may kung anong kumikiliti sa tsan mo pag
nandyan na siya.
At halos mag tago ka sa kilig, sa palda ng teacher mo pag kayo ang nag
kaka-partner pag may FOLK DANCE contest sa school niyo..
Yung tipong pag may kalaro siyang iba magagalit ka. Kase Pakiramdam mo
pinag papalit ka na.
Pero paano pag yung puppy love mo na yun, gusto ka na rin pala?
Saya diba?
At ang matindi pag nasa legal age na kayong pareho..
LILIGAWAN KA NA NIYA..
Ang problema,
kinakailangan niyang umalis, at tumira sa ibang bahagi ng mundo at tumira
dun for 7 years.
At nangakong babalikan ka.
Sa pag balik niya,
tila ba may kung anong bagay na humampas sa ulo niya at nag bago ang
pananaw niya sa buhay.. Ang puppy love mo 7 years ago ay nag iba na.
At kinalimutan kana..
Ouch naman diba?
Ikaw?
Aasa ka pa rin ba?
O susubukan mong babatukan siya at ipapa alala lahat ng bagay na pinag
daanan niyo?
Makakaya mo bang mahalin ang taong hinintay mo pag katagal tagal?
Pero yun pala may iba ng mahal.
Hanging By A Moment
written by Asrah028(miss A)
READERS, ALAM KO NAMAN NA SIRA ULO SI JANE, PERO DAHIL NAG DALAGA NA
SIYA.. E MARAMI NA ANG NAG BAGO.
Unang chapter pa lang toh.. So sana, magustuhan niyo. Malungkot ng 50%
yung first chapter. Pero promise sa mga susunod na 9 chapters.. Magiging
makulit at nakakakilig na.. So ENJOY READING GUYS! Ü
H B A M [ CHAPTER 1]
2nd week na ng pagiging Junior ko. At sa araw araw na ginawa ng Dios,
maryosep.. Isa lang ang naririnig ko. Yung kanta ng CITHM na ANGEL.
Ewan ko bat ang daming nababaliw sakanila. E sa tutuusin, majority sa mga
kanta nila hindi mo naman maintindihan.. Tsaka bat mo sila susuportahan?
E hindi ka naman nila kakilala... :/
(authors note:ANGEL kanta yun ng EXO.. Ayan siya sa side.. Ü )
''DRILLON!! DRILLON! Tignan mo o!! Naka bili na ako ng bagong album ng
CITHM?'' tinignan ko lang siya ng mabilisan . At binaling ko ulit yung
atensyon ko sa binabasa kong libro.
''di mo ba titignan man lang?? Tsaka alam mo bang nakipag agawan pa ako
para sa album na toh??'' nag smirk ako, at isinara na yung librong
binabasa ko.
''bat naman ako mag aaksaya ng panahon at pera para lang bilhin yang
album na yan?? Mag kano ba yan??''
''550.''
''550!? Baon ko na yun ng 1week e! nako, kung ako sayo huwag mo nalang
pag aksayahan ng panahon yang mga yan. Maluluma din sila..'' sabay balik
ko ng libro dun sa bookshelve sa library.
Bilang vice president ng school na toh, bukod sa grades, yung pagiging
Vice ko ang second priority ko.. Kase iniisip ng iba, porke Vice
President walang ginagawa. Puro yung president lang yung gumagalaw! kaya
heto ako ginagawa lahat para ma prove sa kanila na MALI SILA.
''Bakit kase hindi mo itry pakinggan yung kanta nila?? Sigurado naman ako
na magugutuhan mo e.'' gamit ng hintuturo ko, itinulak ko yung noo niya.
''Ayoko sakanila! ganun lang yun. Tsaka ano namang mapapala ko sa mga
yan? Papansinin kaba ng mga niyan?? Tss..'' tumawa ito na may halong
inis..
''Don't tell me hanggang ngayon hinihintay mo parin yung Clarkson na
yun.. Kaya na bibitter ka?? Hello 7 years na yung nag daan. Maraming
pwedeng mag bago. so MAG MOVE ON KANA GIRL! WAKE UP!!'' I just gave her a
blank expression. Nag simula na rin akong mag lakad papalabas ng library.
''Ewan ko sayo Drillon.. Basta ako, sinasabi ko sayo.. Malapit ng matapos
yung high school life mo.''
''so?'' pinag taasan ko siya ng isang kilay.
''So dapat i enjoy mo. Huwag puro responsibilities mo yung iniintindi mo.
Tatanda kang dalaga niyan e! O sige na.. sa music room muna ako ha?
Papakinggan ko pa tong album e! Babayu!!!'
panibhasa kase Muse siya kaya walang masyadong iniisip. Di kagaya ko..
Pumunta ako sa ssc office.. Sa labas palang naririnig ko na yung
pinapatugtog nila. Ng buksan ko yung pinto at nakita nila ako, automatic
nilang pinatay yung pinapakinggan nila.
Alam kase nila na ayoko sa kanta nila.
''Uhm, Drillon.. May gusto akong i discuss sayo..'' linapitan ako nung
president namin na si Natahsia.
''tungkol??'' iniurong ko yung upuan, at umupo ako.
''birthday na nang Founder next week.. nag invite kami ng mga guests.
Gusto kase nina miss na mag invite daw tayo ng artist, Para maging
memorable daw yung 60th birthday ng Founder ng school.'' tumango tango
lang ako.
''so sino naman yung na invite niyo??'' uminom muna ako ng c2, kanina paa
kase nanunuyo yung lalamunan ko.
''yung na invite nating guests e.. Yung.. CITHM'' sa walang ka dahilanan,
naibuga ko yung c2ng nasa bibig ko, sa mukha niya.
''Jane?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!''
''Sorry.. Sorry..'' kumuha ako ng tissue at pinunasan yung mukha niyang
maganda.
''Hinde.. Ok lang ok lang.. Alam ko naman kasi na nagulat ka din.''
kumunot yung noo ko.
''Duh, ako nagulat?'' tumawa ito at kiniliti ako.
''buti napapayag niyo sila?? Diba mga busy yung mga yun??'' kinuha ko
yung note book ko at nag sulat ng lecture. ''siyempre ganun talaga..
malakas ako sakanila e.'' masayang sabi niya.
Panibhasa artistahin kaya agad napapagbigyan ng mga managers.
''Oh sige na pupunta na ako sa wash room.. mag hihilamos muna ako. Paki
check mo naman yung laman ng suggestion box oh.''
''sige.. Mamaya tatapusin ko lang toh.'' tumayo ito at binack-hug niya
ako.
''thank you Jane..'' napa ngiti nalang ako ng tawagin niya ako sa
pangalan ko.. Madalang lang kase akong tawagin sa pangalan ko.. ''sure..
No problem..''
After din ng meeting, umuwi na ako.. Nag babaka sakali pa rin na mag
reply na si Clarkson dun sa message ko. Tinatawagan ko naman, Unattended
naman yung number niya.
Si Zach naman, hindi alam kung ano ng nangyare sakanya. Lumipat daw kase
ito ng bahay.. At hindi na nag paramdam.
///////-
Pag kadating sa bahay.. Same routine.. Dumeretso na ako sa kwarto, nag
bihis at nahiga na..
''Kulot.. Nasaan ka naba? Miss na miss na kita'' mag-fo-four years na din
kase kaming walang connection...
''sana huwag mauwi sa wala yung pag hihintay ko sayo...''
*ring.......
Sa gitna ng pag eemo ko.. Bigla naman nag ring yung cellphone ko. Nang
tignan ko kung sino yung tumatawag..
Unregister number..
''possible kayang siya toh???''
nagmadali akong sinagot yung tawag..
''HELLO??'' may kinse segundo siguro itong hindi nag salita.. ''hello??
Clarkson?? Ikaw ba toh??''
Inend ko na lang yung tawag.. Wala naman kasing sumasagot sa kabilang
linya.. Ipinikit na ang mga mata..
''sana bukas mag paramdamam kana...''
ONE WEEK LATER
''siyeeeet.. buti nalang talaga at officer ako. Waaaaah!!!!!!!!!
Kinakabahan ako Drillon! Finally makikita ko na si Ichirou.'' napa hawak
nalang ako sa ulo ko.
''WAAAAAAAAAAH!! WAAAAAAAAAH!! WAHHHH!!!''
''sige sumigaw kapa! Hindi ako mag dadalawang isip na ipasok sa bibig mo
toh! palunok ko sayo tong mic na toh!'' pag babanta ko sakanya. Bakit ba
nasa akin tong pesteng mic na toh?!
''tumawa ka naman Drillon. Kahit ngayon lang mag enjoy ka..'' tinakpan ko
nalang ang tenga ko at umupo na sa mga upuan na naka assign sa amin...
Habang nag hihintay sa 'SHITHM', napansin kong nawawala si Natahsia..
sabagay hindi na ako mag tataka kung wala siya ngayon dito.
''ayan na! Ayan na?!!'' sigaw ni Isra. Medyo nag dim na kase yung mga
ilaw.. At nag start ng i play yung kanta nila.
*tu-tuuut*
NATAHSIA
DRILLON, ano pang ginagawa mo?? Tumayo kana.. Ikaw yung isang mag M-MC!
asap!!
''bakit kaya hindi niya agad sinabi.. Naka upo na ako e!'' padabog akong
nag lakad papunta sa stage. Pinuntahan yung PIO namin. Kinuha yung
programme.
Ng may tumapat ng spot light sa amin.. Aura mismo nag simula ng mag
salita si P.I.O
''READY NABA KAYO?!!!!!!'' sigaw ng PIO. Kahit napipilitan, Ngumiti ako.
Kailangan e...
''OO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'' the Crowed shouted
''READY NA BA KAYO!!!!!??!!!!!!'' energetic na pag kakasabi ko. Inulit ko
lang yung sinabi niya.. Walang masabi e.
''READYYYYYYYYY!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAH!!!!!'' halos mabaliw na yung mga
co-students ko..
''CITHM! CITHM! CITHM!!!'' sigaw ng crowed.
''COUNT DOWN TAYO HA?!!'' sigaw na sabi ng PIO.
''5!''
''4!!!''
''3!!!!!''
''2!!!!!!!!!!!''
'' 1 !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!''
''LADIES AND GENTLEMAN, LIVE AT THE EVHS STAGE..''
''LET US WELCOME
CHENGLEI!
ICHIROU!
TINGZHE!
AND MACHK!!'' sigaw ko..
At nag ka tinginan kami ng PIO at sabay na sinabing..
''CITHM!!!!!!!!!!!!!!''
(AUTHORS NOTE:CITHM pronounce as SI-TEM)
ng isa isa na silang umakyat sa stage.. May isang lalaking pumukaw sa
atensyon ko.. Kahit malayo siya sa akin..
Hindi ako pwedeng mag kamali.. siya yun!!
si CLARKSON...
Si Clarkson!!!!!!!!!!!!!!
ng matapos na silang mag perform at mag autograph signing... Dumeretso na
sila sa back stage. Nag madali akong linapitan si Clarkson.
''KULOT!!!!!!'' yinakap ko siya, hindi ko napigilan ang sarili ko....
Nagulat lahat ng nasa back stage dun sa ginawa ko.
''Clarkson.. Hindi mo ba ako natatandaan??? Bakit hindi ka sumasagot sa
mga message ko??! Ano bang nangyare sayo?! Nakaka bwisit ka alam mo ba
yun?!!!''
nag tinginan lang sila, pati ng mga ka grupo niya. Bigla kong napagtanto
na nakatingin lahat ng tao sa amin..
''excuse me miss.. Machk ang pangalan ko. Tsaka.. Ano e.. Pasensya..
Hindi kita kakilala.'' tinanggal niya yung pag kakayakap ko sakanya.
Nakipag shake hands ito.. at tinap ako sa balikat.
''excuse me hah??'' ngumiti ito, at linagpasan ako.
HINDI NIYA AKO KAKILALA? NAG PAPATAWA BA SIYA?!
Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Clarkson na papunta kay Natahsia.
Linapitan niya ito.. At yinakap.
Kitang kita sakanila na masaya silang dalawa..
Maya-maya pa'y..
''Drillon!! Drillon!''
Not now Natashia.. Please.. NOT NOW!
''Drillon.. Thank you at pinag bigyan mo ako kanina ha??'' totoo ba tong
nakikita ko?? Mag kahawak yung kamay nila...
''ahh, I would like to introduce you pala.. This is Machk.. Special
friend ko. Si Jane, co-officer ko..''
linend ni Clarkson yung kamay niya sa akin.. May mga luha ng nag babanta
sa mga mata ko. Pero kailangan kong pigilan.....
''Hi...'' nag smile lang ito sa akin.. At binaling ulit ang atensyon kay
Natahsia..
''thank you ha? At pinayagan mo yung request ko..''masayang pagkakasabi
ni Natahsia kay Clarkson. Ano ba toh? Kailangan ko bang mag pa-party
kase...
mukha akong tanga???
''siyempre.. Malakas ka sa akin..'' sabay kurot sa cheecks ni Clarkson
kay Natahsia.. Anong gagawin ko? Bukod sa gustong mag break down ng
puso.. Gusto ko ng sumabog!!!! Kailangan maka gawa ako ng paraan..
Kailangn kong umalis sa lugar na toh..
Masyadong masakit sa dibdib ang nakikita ko..
''uhmm.. Ano, Natahsia... Balik na ako sa classroom.'' kinuha ko na yung
i.d ko na nasakanya..
''Hindi ka naba kakain?? Madaming foods sa leisure room..''
''hindi na.. Busog pa ako...'' nag simula na akong mag lakad papalayo
sakanila.. At habang lumalabas ako sa auditorium.. Hindi ko mapigilang
umiyak...
Kase...
ang tanga ko.
Tsaka ano naman ang panama ko dun kay Natahsia? Bukod sa pagiging down to
earth, running for valedictorian,religous, varsitarian, president, campus
girl, maganda at part time job niya ang pag mo-model, ano naman ang laban
ko dun?
''Miss.. Are you ok??'' napatigil ako sa pag iyak.. Nang mag salita yung
lalaking naka salubong ko. Nag punas ako ng luha..
''Who are you?!''
''Anti-Fan??'' tumawa ito.. Kaboses niya pamandin si TOP. ''paki mo??''
tinignan ko lang ito at linagpasan na siya. Nakikita ng nag eemote ako
dito.. ISTORBO!
''Miss...'' ano bang problema ng pulang buhok na toh?!!!
lumapit ito sa akin. ''ano bang gusto mo?''
''I.d mo kasi nahulog.'' pag kaabot niya sa akin ng I.D ko, nag lakad na
ito ng palayo sa akin... ''teka lang! yung ano mo!!''
''Use it.'' tinignan ko yung panyo niya.. At may naka burdang chibi dun.
Kung hindi ako nag kakamali.. Siya yung nasa panyo... pero teka nga..
''SINO SIYA?''
---- whihihihihi! Tapos na ang episode one. Gulat kayo no? Hahahaha :)))
comment below kung ano ang mga reactions niyo. Ü
H B A M [ CHAPTER 2]
NAKARATING AKO SA CLASSROOM na pinag mamasdan yung panyo na ibinigay sa
akin nung lalaking pula yung buhok.
''DRILLON!!! Tignan mo oh! May autograph na yung cd ko!!!'' nag madali
itong ipinakita yung cd niya. This time tinignan ko na yung cd.
Ang tanga ko lang.. Bat ngayon ko lang napansin na kasama pala siya sa
boyband na yun? Ito ba ang parusa ko sa pagiging sobrang siryoso sa pag
aaral? at nakalimutan ng maki uso at maki tsimis????
''Oh.. Bat bigla kang natulala? Ahhh.. Alam ko na, siguro na amaze ka sa
performance nila no?? Siguro naman ngayon, magiging fan kana??'' tumawa
ito at sinapok pa ako.
''Gaga! Hinde.. Fan? Tssss... Mas gugustuhin ko nalang yung kanta ni
Bieber kesa sa mga toh.''
''yuck.. Bieber daw.. Laos na si Bieber!'' may masama ba kay Justin
Bieber??
Nang ilipat ko sa susunod na pahina yung photo book ng album..
Nakita ko yung lalaking pula yung buhok.
''Ahh.. Ano, Isra anong pangalan ng pulang buhok na toh??''
''Tingzhe yung pangalan niyan. Chinese siya, August 1st 1994 birthday
yan. Blood type O, lead vocalist.. At best face siya nung nag aaral pa
siya sa isang sikat na University sa China.... Baket?? Bet mo?? Uy ha?
Hindi na rin masama ang taste mo..''
pangalan lang ang itinatanong ko at ang dami niyang isinagot.. Malala na
siya. -__-''
ipinakita ko sakanya yung panyo.
''nakita niya kase ako kanina.. Ibinigay niya sa akin yan.'' halos
kumislap yung mata niya ng makita niya yung panyo. Kinuha niya sa akin
yun at inamoy-amoy.
''WHAT THE! BAKIT HINDI MO AKO TINAWAGAN?!!! Bat hindi mo man lang ako
ipinakilala???''
''hindi ko naman kase siya kakilala.. Kaya nga tinatanong ko sayo
diba??'' =___=''
''Shet lang Jane, ni hindi mo man lang kinausap?! Anong klase kabang
nilalang??! Na miss mo ang pinaka masayang part ng buhay mo..'' nag
hehehe lang ako.
''ang daya mo naman e! Ikaw binigyan ka ng souvenir ng ganun ganun lang,
samantalang ako.... Ibinenta ko na psp ko maka nuod ng concerts nila..
Tapos ikaw.. Naka salubong mo lang tapo... waaaaaaah!!! Napaka
UNFAIR!!!!!!!!''
Nag simula na siyang mag lapasag.. E hindi ko nga sila kakilala diba??
Kung kakilala ko lang sila.. Edi sana nag pa picture pa ako kasama siya..
Pero hinde e.. HINDI KO SILA KAKILALA. Pwera nalang kay Clarkson. Na
GAGO!
''Akin nalang toh ahh??'' kinuha niya yun...
''Heheheh..'' tumawa lang ako, at inagaw ko ulit sakanya yun.
''Drillon!!?? Diba ayaw mo sakanila?? Akin nalang puhleaaase?????''
''kanino ba binigay? Sayo? O sa akin?''
''sayo.. Pero kasi..'' malungkot na sabi nito.
''Kahit anong sabihin mo di ko parin ibibigay.. Ok? Bayieeee Ramos..''
Pag katapos nun lumabas na rin ako ng classroom. Uwian na din naman kase
e.. kinuha ko lang yung gamit ko kaya bumalik ako sa classroom...
Habang nag lalakad ako sa may corridor. Napapansin kong bawat dinadaanan
kong estudyante. Napapatigil sa pag lalakad at parang pinag uusapan ako.
Hindi ko nalang pinansin kase..
WALA AKONG PAKE SA SASABIHIN NILA. Mga ibang tao kase ngayon, masyadong
judgemental.
KINABUKASAN...
Maaga akong pumasok dahil may duty pa ako sa radio marié ng school namin.
''good.....'' natigilan ako ng makita ko kung sino na yung nasa loob.
Anong ginagawa niya dito???
He is wearing a v-neck long sleeves na kulay white, naka tupi ito
hanggang sa elbow niya. with matching khaki pants na naka tupi din ng
kaunti,then naka suot ng kulay blue'ng keds na sapatos.. Yung buhok niya
kulay red pa rin.. pinapaikot ikot niya sa kamay niya yung cap niya.
Kahit naka side lang siya ang gwapo niyang tignan!!!
''Hey.. Hello goodmorning..'' bati niya.. tumayo ito, nginitian ako.. At
nakipag shake hands.. pag ka sarado ko ng pinto.. Dire-diretso diretso
lang ako sa upuan ko.
Nakaka adik ang amoy niya! >_<
''Uhmm, pwede ba kitang matanong?? Anong kailangan mo? I mean, anong
ginagawa mo dito? Bat nandito ka??'' ngumiti muna ito bago sinagot ang
tanong ko. Alam niyo yung ngiti niya??
Yung ngiting makalaglag panty!!
''uhm, your supreme student president asked me if I can be your guest vj
for today.. '' Si Natahsia? Aba himala ata at nag ka interest siya sa mga
lalaki ngayon???
Ano toh? Nag papalakas siya para next year siya ulit president?? Tss..
pathetic.
''Ahh I see....''sagot ko.
''hmm, I'm Tingzhe nga pala.. Nice to meet you Jane Drillon.'' linend
niya ulit yung kamay niya.. Sa pang apat na pag kakataon.. Ngumiti
nanaman siya.
''Ulitin mo nga pangalan ko??''
''huh????'' gulat na pag ka sabi niya, at bakas sa mukha niya na puzzled
na puzzled siya..
''auhmmm... I mean, Bat kakilala mo ako??''
''Naka post kase yung pangalan mo dun..'' itinuro niya yung bulletin
board. Kung saan naka post yung mga naka assign na Dj every day. Tumango
nalang ako at nag start na..
After ng duty ko sa R.M lumabas na kaming dalawa.. Isinakbit ko na yung
bag ko... Kahit kase na gwapo siya.. Wala akong interest sakanya.
''Sige.. Mauna na ako.. May klase pa kase ako. Ingat nalang..'' nag
paalam na ako dito.. ''Ayaw mo bang ihatid kita sa classroom mo?''
''hah?? e.. Huwag na! Baka mamaya, saktan ako nung mga taga hanga mo.''
pag tatanggi ko. Ikinabit niya na yung sumbrero niya. Isinuot niya na din
yung ray ban niyang vintage.
''No, mababait naman sila... Tara? Tsaka namiss ko na kase yung pag schu-
school..''
''okay..'' sagot ko.. Nauna akong mag lakad, sumunod naman siya. Nasa may
side ko siya.. At sabay kaming mag lakad. Naka yuko lang ito..
Samantalang ako naka Chin up.
Sabagay, hindi naman ako artista.. Artistahin lang. So bakit ko pa
gagawin yung ginagawa niya..
''O M!! Si...'' napatingin ako kay Tingzhe at inayos niya ang sumbrero
nito. Kase naman e!!!
''TINGZHEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!'' at napa bite sa lower lip niya..
''sorry..'' napa pikit nalang ito..
nang marinig naming may sumigaw sa pangalan niya.. Nag ka tinginan lang
kame. Hinahuwakan ko yung isang kamay niya....
''where are we going??''
''mamaya kana mag tanong! Kailangan nating umalis dito. Masyadong
dangerous ang mga fans niyo..''
nag madali kaming tumakbo, tutal din naman malapit lang yung SSCO dito..
At naniniwala akong, doon lang ang safe place na pwedi niyang pag stay-
yan.
Pina-una ko siyang pumasok, kung nag kataon kase.. Dios ko.. hindi ko
alam kung anong mang yayare sa akin.
Pag ka lock ko sa pintuan.. Napasandal ako dun, akala ko kase hindi kami
makaka abot. Nakakatakot sila!
*pagggg!pagggggg!paaggggggggggggg!!!*
''ano ba naman tong mga babaeng toh! Kung maka katok parang wawasakin na
yung pintuan.. Tsss kailangan silang mabigyan ng warning slip.''
''sorry..'' lumapit sa akin si Tingzhe.
''sa susunod huwag ka ng pupunta dito. Kahit itago mo yung katauhan mo
wala ka paring lusot sa mga Fans.. Tsaka isa pa.. agad ka nilang
mapapansin kase yang kulay ng buhok mo!'' napahawak ito sa buhok niya..
(AUTHORS NOTE!!!
TINGZHE pronounced as TING-XE)
''OMG!!!!!!!!!!'' napatingin kaming dalawa sa sumigaw... Nako po.....
''TINGZHE!!!!!!!!!!!!!!'' Bago paman siya tuluyang maka lapit kay
Tingzhe.. Humarang ako sa harapan niya. At hinipan ang pito ko.
''aray ko naman...''
''OFF LIMITS.. BAWAL LUMAPIT SAKANYA.'' napansin kong may lumabas na
masamang aura kay Isra. Pero hindi ako tinatablan nun..
''Isra.. Umayos ka nga! Tinatakot mo e!'' ng matauhan na ito.. Pumirmi na
at kumuha ng mauupuan ni TingZhe..
''Hello..'' halos kumislap ang mata ng Isra ng kausapin niya si Tingzhe.
''hi...'' sabay smile nito..
''Uhmm tumawag na ako sa guards quarter. At papunta na sila ngayon dito.
Kailangan mo ng umalis! Makaka gulo ka sa mga students.'' sabay tingin ko
sakanya.
''Drillon, bakit naman pinag tatabuyan mo? Minsan lang yung may dumadalaw
na ganto sa school.. Right Tingzhe???'' ngumiti lang ito kay Isra. At
obvious naman na natatakot siya dito.
maya-maya pa'y pumasok si Natahsia.. Kasama yung iba pang member ng
CITHM. Hindi maiwasang manikip ng dibdib ko pag nakikita ko silang mag
kasama..
''Hey Dee! Kailangan nating pumunta sa pictorial nila, after nun diretso
tayo sa bahay..'' sabay lapit nito sa akin, at abot nung isang record
book.
''alam mo Natahsia? Gusto mo talagang ginugulo yung mga tao dito sa
school ano??'' napakunot ito ng noo..
''hah?? What do you mean???''
''look, alam mo namang marami silang taga hanga sa school natin tama bang
papuntahin sila dito ng normal na araw?? I mean class hour?????'' tumawa
ito.
''chill Dee, minsan lang naman ako mag invite ng stars.. At isa pa.. Wala
namang masama na imbitahin ko sila diba? Mga kaibigan ko sila..'' pinag
mamasdan ko lang si Natahsia.. Hanggang sa nabaling ang tingin ko kay
Clarkson.
''pwede bang sa susunod na mag imbita ka ng mga artista dito o kahit sino
pamang mga kilalang tao.. Pwedeng hingin mo muna yung mga reactions
namin????''
''Ano bang pinuputok ng butchi mo diyan??'' tanong ni Clarkson. Anong
isasagot ko???
''Its none of your business.. Di ikaw yung kinakausap ko..'' bakas sa
mukha nito ang pagka bigla.
''Ano namang ikinagagalit mo?? Kung galit ka pwedeng huwag mo ng idamay
ang lahat? Kung galit ka.. Edi magalit ka!''
''SINUNGALING!'' sabay walk out ko sa SC office.. Nag tungo sa radio
marié at nag labas ng sama ng loob..
''E kung sabihin ko kaya sakanya kung gaano kasakit mag mukhang tanga?!''
''sabi ko na nga ba.. Ikaw nga si Jane Drillon. Ang kababata ni Mahck.''
napatigil ako sa pag iyak ng marinig ko nanaman yung boses niya. Teka..
Ibig bang sabihin nun...
Kakilala niya na ako simula't sapul pa lang???
''hah?? Anong ibig mong sabihin??'' may kinuha ito sa wallet niya.
''ikaw toh diba??'' kinuha ko yung litratro.. At yun yung picture nung
unang nag ka sundo kami. ''bakit nasayo ito??'' tumawa ito..
''how come hindi mo ako nakikilala? You used to bully me back then..''
bully??? Ako?? Sa sobrang salbahe ko ng bata ako.. Hindi ko na matandaan
kung sino lahat ng binully ko.
''bully? Hindi kita kakilala.. Mabait kaya ako nung bata ako!!'' pag
dedepensa ko sa sarili ko.
''hmm sige, ganto nalang.. Para maalala mo. nung bata pa tayo binigyan mo
ng glue yung upuan ko. At madalas mong binibigyan ng bubble gum yung
buhok ko. Kaya, kahit ayaw ko.. Nag pakalbo ako.''
''O MY GOD! Lim ikaw naba yan??'' ngumiti ito. ''ako nga...''
TingZhe Lim ang buong pangalan niya. Naalala ko na!
''Ikaw yung dalawang linggo lang sa school diba? At nag transffer ka din
after mong mag pakalbo diba?!??'' tumango ito.
''Nakita ko yung nangyare..'' napa look down ako. Kase back to reality
nanaman..
''He was denying you? Right?'' hindi na ako maka sagot. Kase kung mag
sabi ako ng ibang dahilan.. Parang linoloko ko lang yung sarili ko.
''Alam mo ba kung anong nangyare sakanya? Bat.. Bat bigla siyang naging
ganun??? I mean bakit siya nag bago??''
''Hindi ko rin maintindihan. Basta ang inulit ulit niyang sinabi sa
amin... Galit daw siya sa mundo.'' galit sa mundo?? Ano kaya ang
dahilan??
''Bakit magkakilala niya si Natahsia?? Anong meron sakanila??''
''huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko.. Pero.. Si Natahsia yung
secret girlfriend ni Machk.'' secret girlfriend...
Secret girl friend.........
''tumahimik ka??'' ngumiti lang ako.. Ikaw kayang lumagay sa posisyon
tignan ko lang kung makaka imik kapa.
''masaket??''
alam mo yung pakiramdam na nasasaktan ka na nga.. Pero tinatanong kapa?!
Hello!!??! Obvious naman diba?? Ano ba ako?? gawa sa bato para hind
masaktan?!
Tumayo ako.. At dahan dahang nag lakad papalayo sakanya.
''Tutulungan kitang mabawi mo siya..''
''bakit pa?'' lumingon ulit ako sakanya..
''hindi pa naman ganun ka tinde ang damage sa utak niya. Kaya pa nating
remedyuhan yun. Bukas may mall tour kame.. At after ng mall tour may
swimming party kame sa isang private resort, pupunta si Natahsia.''
''o? Tapos anong gagawin ko??'' ngumiti ito at binulungan ako..
''basta ako ng bahala dun. Sisiguraduhin ko sayong babalik siya sayo..''
ano kayang binabalak nitong lalaking toh? Papayag ba ako sa gusto niya? O
aayaw????
H B A M 3
JANE
''CITHM! CITHM! CITHM!!!!'' cheer ng mga tao habang nag pe-perform sila
stage.. Samantalang kaming tatlo ni Natahsia, Isra at ako ay nag hihintay
sakanila dito sa loob ng backstage..
''grabe, hindi ko expect na isasama mo ako. Sarap lang ng pakiramdam na
abot kamay ko si Ichirou'' sabay ngiti ni Isra habang pinag mamasdan niya
yung VIP id niya. ''tapos mamaya.. Kasama pa ako.. I'm so lucky to have
you talaga...'' sabay yakap sa akin ni Isra.
''uy Drillon, huwag mong ipag kalat sa iba na isinama ka hah??'' ohh
please Natahsia.. Hindi ikaw ang nag invite sa akin kaya pwede ba. :/
Pagkatapos nun tumayo si Natahsia, lumabas.. Kung hindi ako nag
kakamali.. nanunood siya.
''Jane.. Akala ko ba ayaw mo sakanila?? Bat bigla bigla, sumama ka?? Bute
hindi ka tumanggi sa alok ni Natahsia??''
''tss, hindi naman siya yung nag invite sa akin. Si TingZhe.'' sabay
kabog niya sa akin. Naka ng!
''ibig sabihin ba nun?? Liniligawan ka niya??'' ipinantakip ko yung palad
ko sa bibig niya. ''Sira, hinde.. Hindi kagaya ng iniisip mo. May gagawin
lang kame.. Kay---''
''don't tell me.. Mag....'' bago niya pa tuluyang matapos yung sasabihin
niya. Sinapok ko na siya.
''Hindi yun! Ikaw ha.. Kung ano ano yung naiisip mo. Basta, mamayang gabi
ko nalang i kwe-kwento sayo.''
''bakit hindi pa ngayon??''
''tatahimik ka? O bibigkwisan kita?!''
''tatahimik.''
di rin nag tagal pumasok na sila.. Ano pa nga ba yung bago?? Mag ka hawak
pa rin yung mga kamay nila. Samantalang si Isra, napakabilis nawala sa
tabi ko..
Pag katapos ibigay ni TingZhe yung jacket niya, kung hindi ako nag
kakamali.. P.a niya, linapitan niya agad ako.
''ready kana ba sa balak natin??'' tumango ako.
''paano kung hindi mag work.?'' pag aalala ko.
''Basta ako bahala...'' sabay tap nito sa balikat ko..
Pag katapos ng landian at lahat lahat.. Dumeretso na kame sa parking
lot... As usual, mag katabi sila. Kung pwede lang mag goma-goma yung
kamay ko sasabunutan ko yang pesteng Natahsia na yan.
''Annyong Haseyo Noona.. Chonun Hyun Soo-imnida..''
''pasensya kana.. Hindi ko naiintindihan. Do you speak english??'' tumawa
ito..
''Nag tatagalog naman ako.. Gusto ko lang mag korean..'' sabay ngiti nito
sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang gawin toh. Sabagay,
sino bang nag paka tangga at umasa na babalikan pa niya ako?? Lalo na
ngayong abot kamay na siya.
Ng nasa venue na kami..
Dumeretso kami agad sa kwarto namin.. Habang inaayos ko yung mga gamit
ko. Hindi tumitigil si Natahsia na ngumiti at mag kwento.
''Natahsia.. ang swerte mo naman yung boyfriend mo artista.'' sabi ni
Isra..
''maswerte? Siguro.. Pero nakaka sigurado kaba na ikaw lang yung
girlfriend nung lalakeng yun?! Alam mo naman kase yung mga lalake ngayon,
minsan pinag sasabay sabay yung mga girlfriend nila. Huwag kang masyadong
mag paka-kampante Natahsia.'' pag sabat ko.
''tapos kana??'' na iinis na sabi nito sa akin.
''wina-warningan lang naman kita e.''
''ang sabihin mo na iinggit kalang. Right Isra??''
''oo nga Drillon, huwag ka ng masyadong high blood sakanila.. Liniligawan
ka naman yata ni Ting Zhe e. Okay na yun!''
''really? Liniligawan siya ni TingZhe? That's nice.. Mabait yun. Sobra..
Pero mas mabait si Machk..'' nag form ng fist yung kamay ko.. Hindi kase
nila ako naiintindihan.
*beep.beep*
''akong mag bubukas.'' pag bobolontaryo ni Isra.. mabilis itong naka tayo
at binuksan yung pintuan.
''Ohhh.. Machk hinahanap mo si Natahsia??.'' tumigil ako sa pag aayos ng
gamit ko ng marinig ko ang pangalan niya.
''ready kana babe??'' tanong ni Clarkson kay Natahsia.
''hindi pa.. Pasok ka muna.. Mag bibihis muna ako.''
''sabay na ako sayo!'' sabi ni Isra.
''sige.. Ikaw Jane hindi ka ba sasabay?'' umiling lang ako.. At itinuloy
ang pag aayos sa gamit ko. Nang maka pasok na sila sa banyo, tuloy pa rin
ako sa pag aayos ng mga gamit ko.
''kamusta kana?'' nang marinig ko siyang mag salita.. Nanlamig yung
katawan ko. Pero kailangan ko siyang tiisin. Baka pag umiyak ako sa
harap niya, isipin niya hanggang ngayon may nararamdaman pa ako sakanya.
Pero.. Meron naman talaga e. Tanga nga ako diba?!
''Jane..'' nararamdaman kong papalapit ito sa akin..
''huwag mo akong lalapitan diyan ka lang. Hindi tayo mag kakilala.''
please God, give me enough strenght para hindi siya pansinin.
''pasensya kana kung ganun yung nangyare. Sana maintindihan mo..'' tumayo
ako at hinarap ito.
''diba nga.. Hindi tayo mag ka kilala? So wala kang dapat I explain.''
nang mag kuros ang mga mata namin, gusto kong umiyak.. TT__TT
''Per----'' hindi natuloy ni Clarkson yung sasabihin niya. Dahil lumabas
na sina Isra at Natahsia.
''excuse me.'' kinuha ko na yung damit ko at mabilis na pumasok sa banyo.
Pag ka lock na pag ka lock ko ng pinto, hindi ko na napigilan pa yung
sarili ko.
NOW PLAYING:DO YOU KNOW-SOMEDAY
''Jane.. After mo diyan.. Diretso kana sa pool ha?'' pag papa alam ni
Natahsia..
''OO!'' sigaw ko, pero dire-diretso pa din yung luhang kanina ko pa
pinipigilang bumagsak.
Sa totoosin parang suicidal na tong ginagawa ko e. Pero may mali din
naman kase ako, masyado akong nag expect. Masyado akong nag assume..
Masyado akong nag tiwala.. Kaya ngayon, masyado kung masaktan ako.
Nang kumalma kalma na ako..Lumabas na din ako, at dumeretso na sa pool.
''Jane..'' linapitan agad ako ni TingZhe. Nag smile naman ako dito..
''Umiyak kaba??''
''hah?? Hindi aahh.. Ano, nag hilamos ako. Tapos nabigyan ng bula ng body
wash yung mata ko.. Kaya ayun..'' mukhang na convince ko naman siya.
''tara.. Punta tayo dun sa loob. Kumakain sila..'' pag yaya nito sa akin.
Pero tumanggi ako..
''hinde, busog pa ako e.''
''drinks?? Gusto mo ikuha kita??'' tumango nalang ako.. ''sige.. ikukuha
kita, diyan ka muna hah??''
''ge..'' mailking sagot ko.
habang nakatayo ako malapit sa pool. May kung sinong nag takip ng mata
ko..
''sino ka?!'' kinapa kapa ko kung sino ito.. naramdaman kong may humawak
pa sa wrist ko.. pati sa paa ko. Nang tanggalin niya yung pag kakatip ng
mata ko, nang makita ko kung sino yung humahawak sa akin..
Sina Hyun-soo at Ichirou! Tumatawa sila.. Hindi ako maka palag dahil
buhat buhat nila ako.
''one...''
''two..''
''HINDI AKO MARUNONG LUMA----''
''THREE!!!!!''
nang bumagsak na ako sa tubig, agad pumasok yung tubig ng pool sa ilong
at naka inom pa ako ng napaka raming tubig! Tinakpan ko yung ilong ko at
pinilit kong lumangoy papataas pero hindi ako lumulutang! Mamatay naba
ako???
Nang ipipikit ko na yung mata ko.. May nakita akong isang lalake..
Papalangoy sa akin.. Tinapik-tapik yung mukha ko.. inalog alog ako....
At..
At..
Hindi ko na alam.
CLARKSON
''sino bang pwedeng mapag tripan at pwedeng itulak sa pool??'' sabi ni
Ichirou habang nag hahanap ng tao sa paligid ligid.
''oo nga! Yung tipong hindi niya alam!'' dagdag pa ni Hyun-soo
''ayan.. Si Drillon! Sakto ohh papunta siya sa pool.'' nag katinginan
sina Ichirou at Hyun-soo.
''AYOS!'' ng mag ka apiran sila.. Mabilis nilang nilapitan si Jane.
''Machk.. Tuloy ba yung date natin sa saturday??''
hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon niya.. Marunong ba siyang
lumangoy???
''Machk..'' winave-wave ni Natahsia yung kamay niya sa mukha ko. ''ahh
yeahh..'' sagot ko nalang dito.
ng maitulak na nina Ichirou at Hyunsoo si Jane sa pool. Sigaw naman ni
Isra yung narinig namin.
''HINDI SIYA MARUNONG LUMANGOY!'' hindi ko mapigilang tumakbo at sagipin
siya.
''Kaya na nina Ichirou yan..'' hinawakan ako ni Natahsia sa braso.
''Kailangan ko siyang...''
Pero huli na.. Agad na nag dive si TingZhe at iniahon si Jane. ''wait
lang kukuha akong towel sa loob...'' sabi ni Natahsia.
mabilis akong tumakbo papunta sakanya..
''Jane!'' tinapik tapik ni TingZhe yung pisngi ni Jane.
''JANE!!!'' pero hindi pa rin ito nagigising..
''anong gagawin mo??'' tanong ko kay TingZhe. Hindi niya ako sinagot, at
minouth to mouth niya ito.
Pagkatapos i-ubo ni Jane yung tubig na nainom niya.. nagising na si Jane.
''Mga gago kayo! Bat kailangan nyo pang gawin yun?! Paano kung namatay
siya!?!'' sabay batok sakanila ni Chenglai.
''malay ba naming hindi pala siya marunong lumangoy? Tsaka 5 feet lang
naman yan e!'' panga-ngatwiran pa ni Ichirou.
''Tanga kaba?! Hindi mo nakikita 8feet ang lalim ng swimming pool na
toh?! hindi kaba nakikinig kaninang sinasabi nung owner ng resort na
toh?!?!''
''Tumigil na kayo. Mamaya ko na kayo kakausapin'' pag babanta ni TingZhe.
''dadalhin ko muna siya dun sa kwarto ko.''
''SA KWARTO MO?!'' sigaw nilang lahat.
''oo. Dun muna siya.. Babantayan ko.'' binuhat ni TingZhe si Jane..
''Tulungan na kita..'' sabi ko dito.
''hindi na bro.. Salamat nalang. Isra, magdala ka ng damit niya, at
bihisan mo siya. Room 38 sa 2nd floor.. Sa may righ side.'' tumango itong
si Isra at nag madaling pumunta sa kwarto nila..
Habang buhat buhat ni TingZhe si Jane, gusto ko din siyang buhatin. Pero
sa sitwasyon ngayon, wala akong karapatan..
Kase may kasalanan ako….
*Sighs*
SUPER MEGAH ULTRA SORRY DAHIL ANG TAGAL BAGO KO NA UPDATE YUNG HBAM,
NAWALA KO KASE YUNG DATING MEMORY CARD KO KUNG SAAN NAKA SAVE YUNG MGA
UPDATES.
HINDI KO ALAM KUNG NAWALIS BA OR SAAN NAPADPAD. =(
[H B A M] 4
JANE
Nang magising ako sa hindi pamilyar na lugar.. Napabangon tuloy ako ng di
oras.
''Gising kana pala. Tamang tama lang yung pag ka dating ko..'' inabot sa
akin ni TingZhe yung gatas na nasa baso.
''nasaan ako?? Nasaan sina Isra??''
''nasa kwarto kita.. sina Isra, siguro natutulog pa yung mga yun sa mga
oras na toh.'' edi ibig sabihin nun....
''ohh.. Huwag kang sumigaw. Hindi naman ako dito natulog, natulog ako dun
sa kwarto nila Ichirou. Dito muna kita pinatulog para may mag bantay
sayo.. Pag katapos ka kasing bihisan ni Isra.. Natulog ka.'' napa kamot
nalang ako..
''ganun ba? Pasensya kana pala sa abala....'' nginitian ko lang to ng pa-
alangan.
''hmm, salamat ha?'' kumunot ang noo nito at dahan-dahang ngumiti.
''wala yun.. Alam mo bang nag alala sayo si Mahck kagabi? Pabalik-balik
siya kagabi dito.'' pabalik-balik? Anong masamang hangin ang nalanghap
niya at napad-pad siya dito? Posible kayang nag alala din siya sa akin??
Pero, bakit? Diba dapat si Natahsia lang yung inaalala niya?? Tapos
ngayon, ang labo niya!
''GoodMorning!'' biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Ichirou na
kasama si Hyungsoo.
''Uhm, Sorry pala last night. Hindi ko naman alam na hindi ka pala
marunong lumangoy. Akala kase namin na sporty ka.. Yun pala, di ka
marunong.'' pag papaliwanag netong si Ichirou.
''sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.'' Sabi naman ni
Tiangzhe.
''Anyway, muntik ko ng makalimutan. Baba na daw tayo kakain na...'' sabi
ni Hyungsoo.
''Ikaw Jane, diyan ka muna. Mag pahinga ka muna daw diyan.'' sabi naman
ni Chenglai. ''dadalhan ka nalang namin ng pag kain.''
''Hinde, kaya ko naman. Tsaka okay na ako.'' tatayo na sana ako kaya lang
pinigilan ako ni Tingzhe.
''hindi kapa okay. Hinatayin mo nalang ako.. Okay? Mahiga ka muna diyan.
Babalik din ako.'' wala na akong magawa kung hindi hintayin nalang siya.
Habang nag hihintay kay Tingzhe, chineck ko muna yung cellphone ko kung
may nag text. Pero Wala! Maliban sa mga group messages na galing sa ibang
tao, 'tas wala na nun.
Suddenly,
''Heto na yung breakfast mo.''
''bat ang---'' natigilan ako sa pag sasalita ng makita ko si Clarkson na
dala-dala yung tray ng breakfast ko.
''Nasaan si...''
''Inutusan siya nung manager namin para samahang bumili ng props yung
road manager namin. Kaya ako yung nag dala ng breakfast mo.''
''ahh.. Ganun ba?'' bumalik ako dun sa bed, dahil sobrang awkward ng
atmosphere.
''Yeah.'' linapag niya yung tray dun sa may bed.
''kain kana.'' kinuha ko lang yung spoon and fork sakanya. At pinag
masdan yung pag kain na dinala niya.
Nanatili lang kaming tahimik. Walang imikan, di tulad ng dati. Sapukan
asaran at kung ano-ano pang ka tangahan na pwedeng gawin.
''Jane.. Gusto ko sanang mag usap tayo.'' napahigpit yung hawak ko dun sa
kutsara.
''gusto ko sanang malaman mong.....''
''Malaman? Yung??'' nag kunwari akong walang alam. Dahil sa totoo lang,
ang dami kong gustong itanong sakanya.
At sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan uumpisan.
''reason kung bakit ako naging ganto.'' hindi ako kumibo.. Hinayaan ko
lang siyang mag kwento.
''9 years old ako nun nung ma admit ako sa hospital, dahil ilang araw na
akong lina-lagnat. Ilang araw din akong walang kasama sa kwarto, dahil
alam mo naman kung gaano kabusy yung mga magulang ko.. Hanggang sa isang
araw, nakita ko si Natahsia. Nasa kabilang room siya, pareho kami..''
So, sa ibang bansa pa talaga sila nag kakilala?
''actually, parang nakikita ko yung katauhan mo kay Natahsia, nung mga
panahon na miss na miss kita. The way na paano mo ako insultuhin? The way
na suntukin mo ako parehong pareho kayo. She even buy me yougurt drinks
tuwing nag kaka barya siya.'' matawa-tawang sabi neto sa akin.
''yun nga lang may kaibahan kayo.. Ikaw di marunong umiyak.. Siya iyakin.
Lagi kase siyang nasa hospital nun.. Laging naka swero, pag umaalis ako..
Umiiyak siya. Kaya simula nun naging close kami.. Halos sakanila na ako
tumira. '' so? Anong point?! Anong kinalalaman ni Natahsia para kalimutan
mo ako? At i deny ako sa mga friends mo?!
''Hindi naman talaga kita gustong saktan. Pero nag promise lang kase ako
kay Natahsia na pag dumating kami sa tamang edad, liligawan ko siya.
Kase, pag sinasabi ko yun.. Tumatahan siya sa pag iyak. Alam ko naman na
maiintindihan mo e, atsaka, alam na din ng magulang niya na ganun yung
mang yayare. Hindi ko na nasabi sayo, kase.. Alam ko naman yung
mararamdaman mo.'' hinawakan niya yung kamay ko. Ayokong mag salita
muna.. Dahil ayokong umiyak sa harapan niya.
''Jane...''
''Edi congrats.'' sabi ko sakanya.. At tinanggal ang pag kakahawak neto
sa kamay ko.
Tignignan ko siya sa mata, para malaman niya kung gaano kalaki yung galit
ko sakanya.
''Congrats kase naghintay pala ako sa wala. Alam mo, dapat inabisuhan mo
ako e.. Ng hindi ako nag hintay ng ganung katagal. 7 years?... Sa 7 years
na yun, sana naisipan mong ikwento sa akin. Nag mukha pa akong tanga e,
salamat hah?'' nginitian ko ito, at kumain nung tinapay.
''Alam ko naman na mali ako e. Na hindi ko sinabi sayo..''
''Hinde, okay lang. 7 years lang naman yun e.'' sabi ko habang tuloy
padin ako sa pag kain nung tinapay. Naka smile pa nga ako sakanya e.
''ok tayo?'' sabi niya sa akin. Sarap niyang sakalin..
hello, halos durog-durog na yung puso ko, 'tas tatanungin mo ako kung
okay tayo? Adik kaba?!
''Mapapatawad mo ba ako??'' nginitian ko siya yung ngiting may halong
luha sa mata.
''sa tingin mo ganun lang kadaling patawarin ka? Kung maibabalik mo yung
7 years na pag hihintay ko sayo.. Sige, Baka sakaling patawarin pa
kita.''
''Jane.. Anong gusto mong gawin ko mapatawad mo lang ako??'' pag
mamakaawa neto sa akin.
''LUMAYAS KA SA HARAPAN KO. HUWAG MO AKONG KAKAUSAPIN.''
''Pero..''
''KUNG HINDI MO KAYA, AKO NALANG ANG LALAYAS SA HARAPAN MO. The more na
nakikita kita, the more na ipina-aalala mo kung gaano ako nag pakatanga
kaka hintay sayo.'' nag punas ako ng luha at tumayo.
''dapat nakinig nalang ako sa sinabi ng ninang beki ko e. Na kinalimutan
mo na ako. Ako lang naman tong mapilit na, naniniwala na babalikan mo pa
ako. Pero ngayon, natauhan ako.. Salamat sayo.''
Sakto namang papalabas ako ng kwarto papa-pasok si Natahsia.
''Uy, Jane. Bat umiiyak ka?? Okay kalang ba??'' tinignan ko lang ito.
''Ano? Okay kalang??'' tumango ako, at yinakap ko ito.. Pagkatapos ko
itong yakapin, lumayo na ako kung nasaan siya.
Ang daya-daya niya! Ako yung una niyang nakilala e, pero, bakit si
Natahsia yung linigawan niya?
Diba dapat kung sino yung una mong minahal, siya yung magiging first at
last priority?? Pero bakit ganito??
''ang tanga ko.'' sabi ko sa sarili ko, habang papalabas ako ng resort.
Sakto naman pag ka labas ko ng resort papasok si TingZhe. Tumakbo ako
papunta dito, at yinakap siya.
''sige.. Iyak ka lang..'' sabay tap ni TingZhe sa likod ko.
''Kung lagi ka lang iiyak sa twing nakikita mo siya, lalo mo lang
sinasabi mo sarili mo, na di mo kayang mawala siya sa piling mo.. Hindi
naman pwedeng ganun lagi..'' hinawakan niya yung mag kabilang pisngi ko.
''hindi lang siya yung pwede mong mahalin Jane. Dapat i consider mo din
yung mga taong nag mamahal sayo.. Masyado mong kinulong yung sarili mo sa
pangakong wala namang kasiguraduhan'' dun sa sinabi ni TingZhe, medyo
natauhan ako ng bahagya.
''tandaan mo, 7 years yung nag daan.. Maraming bagay ang pwedeng mag bago
lalo na't mag kaiba kayo ng mundong ginagalawan. Kaya, ang dapat mong
gawin.. I enjoy mo ang buhay mo.. Huwag kang mag stick sa past mo.. Focus
ka sa magiging future mo.''
Sabagay may punto rin naman si TingZhe. Ang dali naman kasing sabihan
yung iba na mag move on sa taong mahal nila, Pero hindi naman madaling
gawin yun e.
Maaring sa mata ng iba, nag mumukha ka ng martir at tanga, pero ang alam
mo sa sarili mo na... Dun ka masaya kahit minsan, sobrang nasasaktan ka
na..
Pero kaya ko pabang ipag patuloy toh? Ngayong wasak na wasak na yung puso
ko?
MONDAY MORNING
''Hoy Drillon, what happened to you last time? Bat bigla kang nawala?
Don't tell me yinaya ka ng mag date ni TingZhe??'' sabay sundot niya sa
tagiliran ko.
''Ewan ko.. Pero siguro ma co-consider na rin na date yun. Kami lang
dalawa e.. Walang ibang involve.''
''Pero huwag nating ibahin yung usapan.. Alam mo ba yang si Natasha??''
natigilan ako sa pag babasa ng biglang si Natasha ang magiging topic.
''Ang land* niya grabe.. Biruin mo.. Nag kiss sila sa harap namin! Ang
swerte-swerte mo talaga girl sa boyfriend mo. Ikaw na!''
So, ipinagkakalandakan pa talaga nila na mag shota sila??
''MALAND* talaga siya.'' mula sa pag ngiti nila.. Biglang nag iba yung
reaksyon ng mga mukha nila..
''Parang may galit yung tono ng boses mo ah Drillon?'' tumayo si Natasha
at linapitan ako.
''Nako, joke lang yun no! ‘Di kana nasanay sa akin'' sabay tawa ko..
Pero totoo yung sinabi ko.
''Umamin ka nga, may gusto ka ba sa Boyfriend ko?? Napansin ko lang kase
na naging mainitin yung ulo mo ng malaman mo na yung boyfriend ko
artista.''
E kung sabihin ko kaya sayo na pinangakuan niya ako 7 years ago, na
liligawan niya ako?! Sa tingin mo magagawa mo pa kayang mag yabang ng
ganyan??!
Pero hindi ko na yun sinabi.. Baka sabihin ni Clarkson na nag hahabol ako
sakanya.
''Bat naman ako mag kaka gusto sa boyfriend mo? May boyfriend na ako no..
At hindi ko kayang saktan yung boyfriend ko'' napa nga-nga sila sa sinabi
ko.
''SERIOUSLY??'' halos mag freak out si Natasha ng sabihin ko sakanya na
may boyfriend ako.
''Kayo na ba ni TingZhe??'' ngumiti lang ako at umalis na ng SCC office.
“WOAH…. Kayo ha, sige sige. Set tayo! Double date. Okay ba sayo yun
DRILLON?” tinignan ko lang ito at nag shrug
DOUBLE DATE? Tsss..
“Lalabas na muna ako.” Pag papaalam ko sakanila.
Habang nag lalakad ako papunta sa main gate ng campus, bigla namang may
tumawag.
*calling...
TingZhe....
Agad kong sinagot yung twag niya.. Dahil kailangan ko siyang abisuhan..
Kung hinde, aawayin lang ako ni Natasha.
''TingZhe, nasaan ka??? Pwede ba tayo---''
''I was going to ask the same question. Hmm, nasa tapat ako ng school
niyo..''
''sige. Mag kita tayo” pag ka end ko ng call agad na akong lumabas. Wala
na akong pake kung mag absent ako.. Minsan ko lang naman gawin toh e.
-MALL
“ANO? Sinabi mo sa kanila na tayo? Pero..” pinag lapat ko yung dalawang
palad ko.
“Wala kasi akong choice e, kaya please?”
Sumandal ito sa upuan niya at nag dekwatro ng upo.
“Ano pa nga ba..” tsaka niya ako nginitian.
“Pero, may problema tayo..”
“Anong problema?” tanong ko dito.
“Paano pag nalaman ng girlfriend ko na nag papanggap tayong tayo?” halos
masamid ako ng sabihin niyang may girlfriend siya. “May girlfriend ka?”
tumango lang ito…
“sabihin mo nalang sakanya… na mag papanggap tayo. Aacting lang… Tsaka,
hindi naman tayo maiinlove sa isa’t isa diba? Kase.. wala lang to.
Tutulungan mo lang ako kase… Nag mamalasakit ka lang diba?”
“Yeah… Don’t worry understanding naman yun.Ako ng bahala..” ngumiti ito
at nag wink sa akin.
Ngayon.. makaka hinga na ako ng maluwang… May kasangga na ako e!
KAYA KO TOH.
*hanggang diyan na muna mga pips… Sa susunod na update hahabaan ko
nalang.. ♥
.Since natapos na yung L.A, mas bibigyan ko na ng pansinin ang Hanging
by a Moment. Sorry kung super slow yung pag uupdate ko dito. Pero gagawin
ko yung best ko..
Para maging worth it ang pag hihintay niyo.
-
HBAM 5
''Jane, tungkol dun sa binaggit kong girlfriend.'' napalingon ako kay
TingZhe habang kumakain ako ng popcorn. Inilibre niya kase ako ngayon,
nanuod kaming sine.
''Hah? Anong sinabi mo??'' kahit madilim, halata pa rin sakanya na naka
ngiti ito. Kumikinang kase yung ngiti niya.
''Tara, labas na tayo. Malapit na rin namang matapos yan..''
''Per....'' hindi na ako naka tanggi ng hawakan ni TingZhe yung kamay ko.
Habang nag lalakad kami sa madilim na sinehan, parang hindi pa rin ako
makapaniwala sa ginagawa ni TingZhe. Nagu-guilty ako kase parang mali din
tong ginagawa namin.
Tutulungan niya akong mag move on kay Clarkson, pero paano kung sakanya
naman ako mainlove?? Edi ako naman yung mahihirapan? Sino nang tutulong
sa aking mag move on?
Napahampas nalang ako sa may noo ko.
''Jane, okay ka lang??'' sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na napansin na
nasa labas na pala kami ng sinehan ng MAG KA HOLDING HANDS.
Sa pag labas namin sa sinehan, unti-unti ng dumami yung tao, unti-unti
kaming pinalibutan nung mga babaeng kanina pa nag hihintay sakanya. Pina
reserve niya kase yung buong sinehan.. Para daw walang makaka istorbong
fans.
''TingZhe! Pakiss!''
''Pa autograph!! Waaaaaaaah!!!''
*tulak sa akin doon, tulak sa akin dito*
''TingZheeeeee! Marry me!!''
Nginitian lang ito ni TingZhe.
''Excuse me ha? Pero.. hindi ako artista ngayong araw na toh. Kaya sana
ituring niyo ako na kagaya niyong normal na tao..'' sumunod naman yung
mga fan girl niya sakanya. Pero pakiramdam ko, anong oras kakainin nila
ng buhay itong si TingZhe.
''Salamat..'' pag kasabi niya ng thank you sa mga ito,
''Uhmm.. Excuse me.. Hah??'' nginitian ni TingZhe yung mga fans niya..
Nag lakad ito papalapit sa akin..
''tara Jane?''
*gulp*
''Tara??'' bigla akong nanigas sa kinatayuan ko.. Hinawakan niya yung
kamay ko.. At hinila papalayo sa mga fans niya.
Tinignan niya lang ako, yung normal na tingin.. Pero ewan ko, siguro na
dadala lang ako ng mga fans niyang nandito. Sabagay, hindi naman malayong
mag ka crush ako sakanya.
Gwapo siya, mabait..
''Sorry hah? Gusto ko kaseng maging normal kahit ngayong araw lang..
Napakahirap kase..''
''De, okay lang.. Nahihiya nga ako e.. Kase baka isipin nung iba
ambisyosa ako.'' Ngumiti lang ulit ito sa akin..
''Hayaan mo sila.. Alam mo naman at alam ko na hindi ka ganun..'' kahit
papaano hindi ko maiwasang mapangiti sa mga maliit na bagay na ginagawa
sa akin ni TingZhe.
Kung hindi ko lang nakilala yung gag0ng lalaking yun, hindi naman malayo
na mag ka gusto talaga ako sakanya.
Nung pababa na 'SANA' kame sa escalator, sakto naman paakyat sina..
Sino pa ba??
''Uyyy! Drillon! Nandito rin pala kayo. Wait huwag muna kayong bababa!
Sabay sabay na tayo.'' nag kurus yung mga mata namin ni Clarkson,
nginitian niya ako, inisnob ko lang siya.
''Kayo ha, hindi niyo pinapaalam sa amin na may lakad kayo. Gusto niyo
talagang mag solo.. Sa susunod nga huwag kayong manarili.. Right baby?''
Baby? Disgusting.
Hinintay ko kung anong magiging reaksyon ni Clarkson, naka ngiti ito.
Yung ngiting abot hanggang langit.
''Yeahh..'' napa ngisi lang ako sa sagot niya.
''Saan kayo pupunta niyan? Tara.. Sama-sama nalang tayong apat. May date
plan kase kami.. Tsaka para pag usapan natin yung gagawing party sa bahay
namin.'' nag sta-start ng mag form ng fist yung kamay ko.
''Uy, Drillon.. Huwag mong kakalimutan hah? Baka mamaya hindi ka nanaman
mag attend. Don't worry invited yung CHITM. Kaya walang reason para dika
pumunta. Next week na yun....''
''Oo, Nat.. Pupunta kami.. Right Jane??''
''Oo..'' matipid na sagot ko. Pero sa totoo lang ayokong pumunta.
''Good.. Tara na! Umaandar yung oras oh! Double date.. Para masaya''
excited na sabi ni Natasha.
''Hinde, may date plan kase akong ginawa para kay Jane.'' inakbayan ulit
ako ni TingZhe,
''Kailangan ko pa siyang bilhan ng roses, chocolates at kung ano-anu pa.
Siguro next time nalang.'' bigla akong nanlamig. Pakiramdam ko nag flush
yung mga internal organs ko. Lalo pang nag pa kaba sa akin, ng hinawakan
ULIT ni TingZhe yung napaka lamig kong kamay.
''every second, every minute, every hour at every day na kasama ko siya
gusto ko sinusulit ko. Napaka special kasi ni Jane, hindi siya dapat
binabaliwala at iniiwanan ng basta basta. Kaya sorry guys, mag so-solo
muna kami ni Janey. Next time nalang..''
''Talaga lang hah?!'' sabat ni Clarkson habang naka tingin ng napakasama
kay TingZhe. ''Siyempre naman, alam mo ako Clarkson pag dating sa girls..
faithful''
''O sige na.. Kung may plano pala kayo.. Mauuna na kame..'' nakangiting
pag papaalam sa amin ni Natasha.
''Ge..'' tinap ni TingZhe sa braso si Clarkson, at bumeso naman itong si
Natasha sakanya.
Nang mag simula na kaming mag lakad papalayo sakanya, biglang hinila ni
Clarkson yung braso ni TingZhe. Tumingin lang ako sakanya..
Yung tingin na, 'anong gagawin natin?'
''Ako bahala..'' he mouthed.
''Anong problema?'' naka tingin sa akin si Clarkson, habang hawak-hawak
niya sa braso si TingZhe.
''wala ng date na magaganap. Na alala ko, may photoshot tayo para sa
isang magazine.''
''ngayon ba yun?? Sa pag kaka alam ko.. Ikaw lang yung may photoshoot.
Kaya sige, mauna na kame.. Ingat ka nalang dre. Nat una na kami..''
At sa wakas, nakawala na din kami! Kaya lang.. Hindi ko maiwasang
mapalingon kay Clarkson..
Kahit naman kasi gago yun.. Minahal ko, hinitay ko nga diba?? Yun nga
lang nalihis ng daan ang peste, imbis na dumeretso sa akin. Kumorba pa,
at hindi na nahiya.. At nakuha pang mamingwit ng isda!
''Jane..'' winave ni TingZhe yung kamay niya sa mukha ko. Nag sisimula
nanaman kaseng mag alboroto yung utak ko, at nag simula naanaman akong
mag isip ng mga bagay-bagay.
''Nag seselos kaba?''
''Hah??''
''Kahit hindi mo sabihing nag seselos ka.. Napaka halata sa mga kilos
mo.''
''ako? nag seselos? Kanino?? Dun sa Natashang yun?! Nako! Hinde! Tsaka
bat naman ako mag seselos dun?! Sino ba sila?!!''
''Wala akong binanggit na pangalan.''
''Ginu-goodtime mo ba ako?? Hello, siguro hindi naman ganun kadali na
tanggapin yung mga bagay bagay.''
''Naninigurado lang..'' tsaka na ito na unang nag lakad sa akin.
*sa isang fast food chain..
''Tungkol pala dun sa sinasabi ko tungkol dun sa sinabi ng girlfriend
ko..''
''Anong sinabi niya?''
''Well, hindi siya pumayag.'' napatingin nalang ito sa burger na kinakain
niya, at halata sa mukha niya na hindi siya masaya sa sinabi ng
girlfriend niya.
''ganun.. Edi kung ganon, ipalabas nalang natin na nag break tayo? Okaya
sabihin mo nakipag break ka sa akin, kase ayaw mo na sa akin dahil pangit
ako.''
''hinde, kung wala namang mag sasabi sakanya na itinuloy natin yung
binabalak natin.. Hindi naman niya malalaman diba??''
''pero.. paano kung mag away kayo ng dahil sa akin??''
''ako nalang nung yung bahala.. Basta sumunod ka nalang sa gusto ko.
Itutuloy natin toh..
Napa yuko nalang ako kase pakiramdam ko.. Sa lahat ng bagay lagi akong
may kahati..
Ganun ba talaga dapat? Hindi lahat ibibigay sayo ni God yung isang bagay
na gusto mo hangga't hindi mo ito pinag hihirapan.
''Tapos kana?? Tara may pupuntahan pa tayo..''
''saan nanaman??''
''Basta..'' nauna itong tumayo, at para naman akong asong bumuntot
sakanya.
Pumasok ito sa isang Botique. Kung hindi ako nag kakamali, sponsor nila
yung sikat na designer ng mga ball gowns at mga coat and ties.
''Si Audrey Grey Smith??''
sino daw? Audrey Grey Smith??? Yung napaka gandang babae na nakikita ko
sa T.V??
''Wait lang sir TingZhe, nasa loob po siya ng office. Tatawagin ko lang
po.''
''Sige..'' at umalis na yung parang OIC nung botique.
''Anong gagawin natin dito??'' tanong ko kay TingZhe.
''Birthday ni Natasha next week, at kung hindi ako nag kakamali Romeo and
Juliet yung theme nung party.'' lahat talaga ng ka cheapan alam nung
babaeng yun.
''Oh TingZhe! Kamusta??'' lumabas na yung napakandang babae, at bumeso
ito kay TingZhe. ''Anong pakay mo at naparito ka? Kailangan mo ba ng
susuotin sa red carpet??''
''Hindi para sa red carpet Audrey, para sa isang party. Romeo and Juliet
kase yung theme ng party.''
''ganun ba?? Para sayo??'' nabigla ako ng bigla akong hatakin at
inakbayan ni TingZhe.
''Para sa aming dalawa.''
''Hah? Para.. Sa...''
''Yes.. Para sa ting dalawa.'' tumanggi ako dahil nakakahiya. Isa lalng
naman akong isang ordinaryong tao. Hindi naman ako kagaya nung si
Natasha, na kung mag damit e napaka gara.
''Don't worry.. Wala kang dapat ikahiya.. She is my cousin. Hindi kawalan
sakanya ang isang ball gown. Right Audrey??'' ngumiti ito sa akin..
''oo.. Kaya tara na sa show room ko??''
''ano kase..''
''gusto mong gumanti diba?? Then.. Sumunod ka sa mga gusto ko.. Akong
bahala sayo.. Hindi kita papabayaan.. Nasa mabuting kamay ka.. Walang
mangyayaring masama sayo.''
Nako, Tingzhe, huwag mo akong sanayin sa ganto.. baka mamaya hindi ko
mapigilan yung sarili ko..
Pero maiba tayo..
Wala naman sigurong masama kung hangaan mo yung isang tao kase, Humahanga
ka lang naman diba? Magulo ba?
Ah ewan!!
[H B A M 6]
TINGZHE'S POINT OF VIEW
''TingZhe.. Hindi ba nakakahiya na ganito yung..'' pag katapos nang halos
isa't kalahating oras na pag hihintay natapos na rin ito.
NOW PLAYING:PROMISE BY URBAN ZAKAPA JUNG IL KWON
''Hah??'' tumigil muna ako sa pag babasa ng maramdaman kong lumabas na si
Jane sa fitting room ni tita Audrey, dito na rin kase siya inayusan.
Halos hindi ako mapag salita ng makita kong naka ayos si Jane. Naka kulot
kase ang mahaba niyang buhok at may parang bulaklak na headband naka-
kabit sa buhok neto, litaw yung mga collar bones niya..Parang tube kase
yung damit na ginawa para sakanya.
''Ano? Pangit ba??''
umiling lang ako at nag thumbs up. Nung makita ko yung ngiti ni Jane,
pakiramdam ko bumalik yung naramdaman ko sakanya.
''Tara??'' ikinabit ni Jane yung kamay niya sa may braso ko.
Bakit kase hindi ko siya nagawang hinatayin? Sana, siya na yung
girlfriend ko ngayon..
KAYA LANG.. HULI NA ANG LAHAT..
JANE'S POINT OF VIEW
Grabe ang kaba ko, dahil first time kong dadalo sa birthday party.
Kadalasan kase, hindi ako nag aattend.. Sa kadahilanang ayoko at
masyadong maingay.
One more thing, ayoko sa amoy ng alak.
''Jane, nandito na tayo.. Ready kana ba???''
''Siguro..'' inalalayan akong bumaba ni TingZhe, pero infairness naman..
Feel na feel ko ang pagiging prinsesa sa damit na sinusuot ko..
pagkababa palang namin dun sa parang limousine na sasakyan, sabay-sabay
ang pag flash ng camera sa amin.
''Ngumiti ka lang..'' payo sa akin ni TingZhe..
Sinunod ko naman yung payo niya, grabe lang.. Ang daming artista na
nandito.. Hindi na ako mag tataka kung bakit maraming ganito, at take
note.. Nag lalakad kami ngayon sa black carpet.
CLARKSON'S POINT OF VIEW
''ang ganda nung kasama ni TingZhe!'' sabi ni ChengLai,
''Sino?? Kasama ni TingZhe?? Yung Drillon yung apelido nun no?'' tumango
lang itong si Chenglai.
''Oo pare, grabe! Ang ganda niya! Kung hindi lang sila niyang si Tingzhe
baka hindi rin ako mag dalawang isip na ligawan siya.'' Sabi naman ni
Hyun Soo.
''Maganda rin naman tong kamasa ko ahh??'' pag bibida naman ni Ichiru.
''Oo, maganda siya.. Kaya lang masyadong maingay!''
At nag tawanan kami..
''Teka, diba dapat nasa loob ka?? Sabay kayong lalabas ni Natahsia??
Anong ginagawa mo ditto??'' tanong ni Ichirou sa akin..
''Oo nga, huwag mong sabihing iniwanan mo siya dun mag isa??'' sabat
naman nitong si HyunSoo.
''Hinde, babalik din ako dun.. Nagutom lang ako kaya kumuha ako ng
makakain ko.''
''Ahhh..'' buti naman at na convinced sila. Pero sa totoo lang,
hinihintay ko lang naman ang pag dating ni Jane. Dahil gusto kong makita
kung gaano kaganda ang kakalabasan ng itsura ni Jane.
Hindi ko pa kase siya nakitang naka ayos.
''Ayan na pala sina TingZhe oh!'' napatigil ako sa pag inom ng tubig ng
makita kong malapit na sila sa table namin.
Naka hawak ito sa braso ni TingZhe, at kung ngumiti abot langit. Napaka
ganda niya, bagay sakanya ang damit na sinusuot niya.
''Yow!'' bati sa amin ni TingZhe, nakipag apir ito sa amin.
''Hi Drillon!'' bati nila kay Jane, nag smile naman ito sakanila.
''Machk hindi mo lang ba siya babatiin??'' tanong sa akin ni TingZhe,
Naka tingin ng diretso sa akin si Jane.
''Hi..'' ngumiti lang ito, at binaling na ulit ang atensyon kay TingZhe.
Halos hindi maalis ang pagkaka hawak ni TingZhe sa kamay ni Jane. Para
bang sinasabi niya sa mga tao dito na pag aari niya si Jane, at hindi
niya ito papakawalan.
''Machk, pare! okay ka lang?? Bat natameme ka diyan??'' tanong sa akin ni
Chenglai.
Tumingin ulit si Jane sa akin, at nakaka asar lang dahil hindi siya
binitawan ni TingZhe,
''Wala, sige papasok na ako sa loob. Baka walang kasama si Natahsia
dun.''
''Sige..'' sabi naman ng mga ito sa akin..
Habang nag lalakad na ako papalayo sakanila.. Gusto kong hilain si Jane,
papalayo dun kay TingZhe.. Kaya lang..
Urghhh, Bahala na nga!
JANE'S POINT OF VIEW
Nag paalam saglit sina TingZhe, sa kadahilang dumating yung manager nila
at yung iba pa nilang kasama sa industry.
''Hoy Drillon, infairness.. Ang ganda mo sa suot mo'' bati sa akin ni
Isra na busy'ng busy sa pag kain.
''Ahh.. Thank you.''
''Pero maiba tayo, ikaw hah... Mukhang nag kakamabutihan na talaga kayo
ni TingZhe, kame kase ni Ichirou sakto lang. Medyo nahihiya pa kase kame
sa isa't isa..''
''ang saya mo kase? Crush mo yun diba??''
''Shhh!!'' hinampas niya ako ng mahina sa braso.
''oh? Baket mo ako hinampas?? Kahit naman malaman nila na crush mo siya e
ano naman ngayon sakanila??''
''sabagay.. Pero sirosyo Drillon.. Bagay na bagay kayo ni TingZhe. Parang
si Natahsia at Mahck lang..'' okay na sana e! Bakit kailangan niya pang
isama yung pangalan nung dalawa??
Hindi rin nag tagal, at lumabas na si Natahsia.. Bumalik na rin sina
TingZhe at yung iba pa dito.
Maya-maya pa'y may nag play ng slow music. Inapproach ni Clarkson ni
Natahsia para isayaw niya..
NOW PLAYING: PROMISE BY URBAN ZAKAPA
Tinitignan ko lang silang tumawang dalawa, sapat na para masaktan na ako
ng sobra. Alam ko wala na akong karapatang mag selos, pero.. Hindi ko pa
rin mapigilan, dahil minsan sa buhay ko
minahal ko yang taong yan.. Kahit na pinaasa niya lang ako ng parang
tanga.
''Bagay na bagay talaga sila..''
''Gwapo tsaka maganda perfect couple talaga''
Puri pa sakanila ng mg tao dito. Wala akong magawa,
kung hindi mag panggap.. Mag panggap na hindi nasasaktan kase hindi ko na
pag aari si Clarkson.
''Stop thinking too much..''
Napatingin ako sa may side ko at nakita kong naka ngiti sa akin si
TingZhe. At walang sabi niya akong hinila kung saan sumasayaw sina
Clarkson at Natahsia.
''ready??'' bulong nito sa akin..
Napatingin ako dun sa mga taong nanunood at nahiya ako bigla..
''sabi ko, akong bahala sayo.. Akin na yung mga kamay mo.'' umiling lang
ako, dahil ang lamig-lamig ng mga ito.
''dali na, akin na yung mga kamay mo..'' dahil ayaw kong ibigay yung mga
kamay ko, siya na mismo ang mga humawak nun.
Ipwinesto niya yung kamay ko, yung isa naka hawak sa bewang niya, at yung
isa naman hawak hawak niya. Tipong parang nag sasayaw kami ng waltz.
''huwag kang kabahan Jane, ako lang toh.''
Nang mag ka titigan ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dahil
pakiramdam ko.. Unti-unti ng nahuhulog yung loob ko sa taong ito..
Habang nag sasayaw kami, sumali na rin yung iba pa nilang kasama.
''nakatingin sa atin si Mahck ngayon'' lilingon sana ako.. Kaya lang
''Huwag kang lilingon sakanya. Hayaan mo lang siyang mag isip.'' pero
bakit naman yun lilingon dito?? Anong tini-tingin niya??
Huwag niyang sabihing nag seselos siya.. Pero hinde, hindi yun mag
seselos.
Dumating sa puntong napag disisyunan nina Ichirou na mag switch ng
kasayaw..
''huwag kang papadala sa agos.'' at pag katapos nun inikot na ako ni
TingZhe at napunta naman ako kay Ichirou, sumunod kay Chenglai,
pagkatapos kay Chenglai..
Sunod naman kay Hyungsu..
''Ready kana Jane??'' tanong sa akin ni HyunSu..
''Oo,.'' pero sa totoo lang, gusto kong umikot pabalik kang TingZhe.
Dahil ayoko siyang maka sayaw.
Nang inikot na ako ni Hyungsoo, pakiramdam ko babaligtad yung sikmura ko.
Dahil, siya na ang kasayaw ko.
Nung oras palang na mag kasalubong yung mga mata namin, wala na natatalo
nanaman ako ng mga emotions ko.
''bagay mo yang suot mo'' naka ngiti niya itong sinabi sa akin.
''Thanks'' tipid na sagot ko naman..
Pag katapos nun wala ng kibuan, hindi na ako muling kumibo pa kahit
nararamdaman kong humihigpit yung hawak niya sa kamay ko.
''Jane... I still love you..'' pag ka bulong niya sa akin nun.. Napatigil
ako sa pag sasayaw.. At nag madaling umalis sa gitna ng sayaw.
''ang kapall kapal ng pag mumukha niya para sabihin sa akin yun! I still
love you niya mukha niya! Tapos pagkasama niya si Natahsia, hindi niya
ako kakilala?! Lokohin niya lelang niya!''
Natigilan ako sa pag lalakad ng maramdam kong may nakasunod sa akin,
''Ano ba TingZhe.. Wala ako sa moo--'' pag lingon ko dun sa taong
sumusunod sa akin, nakita ko si Clarkson. Na naka ngiti..
''Hi..''
''Hi?! Hi your face!'' itinaas ko yung ball gown ko at nag lakad ng
mabilis.. Sa sobrang bilis ng pag lalakad ko, naiwanan ko yung isang
pares ng sapatos ko.
''anak ka naman ng, wrong timing!'' pag ka lingon ko dun sa kapares ng
sapatos ko..
''Looking for this??'' hawak hawak ito ni Clarkson.
''Akin na nga..'' itinaas niya yung kamay niya, dahill matangkad ito
hindi ko na abot yung kapares ng sapatos ko.
''Sige!'' sa sobrang inis ko tinaggal ko na yung kabila pang pares nung
wage shoes ko, at ipininagsik-sikan ito sa dibdib niya.
''Sayo na! Pati itong isa!'' muli, binuhat ko ulit yung ballgown ko at
nag lakad papalayo sakanya.
Pero hindi pa doon natatapos ang kalbaryo ko.. Dahil naririnig ko pa rin
na tinatawag niya yung pangalan ko. Bakit ko pa siya papansinin?! Ginusto
niya yun e!
''Jane!!!!''
''ganyan kaba kakulit na peste ka?!'' sabi ko sa sarili ko habang nag
lalakad pa rin ako ng mabilis.
''Jane, ano ba.. Nasa labas na tayo ng venue. Bumalik na tayo sa loob!''
nagbingi-bingian pa rin ako.
Hanggang sa tumakbo ng mabilis at biglang humarang sa dinadaan ko.
''Ano ba?! Tumabi ka nga! Pag di ka tumabi diyan sa dinadaan ko sisipa---
-'' hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.. Ng bigla itong lumuhod, at
kinuha yung isang paa ko.
''Sa susunod, huwag kang mag susuot ng sapatos na ganito. Tignan mo.. Nag
kasugat-sugat yung mga toenails mo.''
''E anong pak--'' naputol nanaman yung sasabihin ko, kuhanin niya yung
panyo niya, at pinunasan yung paa ko.
''Huwag ka na ulit mag lalakad ng walang sapin sa paa.. At susunod na
tawagin ko ulit yung pangalan mo.. Lumingon ka, dahil wala naman akong
masamang gagawin sayo.''
Napa tingin nalang ako kung saan dahil, pakiramdam ko ako si Cindirella..
''Ayan malinis na ulit yung paa mo..'' inayos niya yung sapatos ko, at
isinuot ito sa mga paa ko.
''Mauna ka ng bumalik sa Venue..''
''Paano ka??'' hindi ko na napigilang mag salita.
''Okay lang ako..'' ngumiti ito sa akin.. Yung ngiting nakikita ko sa
mukha niya noong mga bata pa kami..
''Sigurado ka??'' tumango lanag ito habang naka pa rin.
Tumalikod na ako dito, ngunit tinawag niya ulit yung papngalan ko.
''Jane!'' lumingon naman ako..
At may hinagis ito sa akin, nakabalot ito ng pulang...
Bonnet, at may kasama pa itong Mogu-Mogu.
Ang favorite drink namin date, nung mga bata-bata pa kami.
''Bati na tayo ha?'' imbis na tumango ako, napa ngiti naalang ako. Akala
ko pati yung Mogu-mogu nakalimutan niya na..
Hindi pa pala siya tuluyang nag babago.. Hindi pa siya masyadong infected
sa virus ni Natahsia, that means to say may chance pa na bumalik yung
dating kami.
Pero posible paba kaya yun?? Kung siya na mismo ang gumawa ng paraan para
mabago ang lahat ng yun..
''Jane! Machk saan kayo galing??'' nag madali si Natahsia na tumakbo
papunta kay Clarkson at pinusan yung pawis niya.
''Jane okay ka lang ba?? Gusto mo i uwi na kita??'' pag aalala naman sa
akin nitong si TingZhe.
''Okay lang ako..''
Habang nakikita kong mag kasama sina Natahsia at Clarkson, hindi ko
talaga mapigil yung sarili.
Hindi ko mapigil yung sarili ko sa pag seselos.
HBAM 7
JANE
''The.......'' natigilan ako sa pag babasa ng notes ko ng maramdaman kong
parang may kumakatok sa may bintana ng kwarto ko.
Nung una hindi ko pinansin dahil ayokong isipin na minumulto ako.
''Janeee!!'' maya-maya pa'y may naririnig akong may bumubulong ng
pangalan ko..
Marahan kong isinara ang librong hawak ko ng mapansin kong lumalakas yung
katok. 12:00 am na kase, at nakaugalian kong mag basa ng notes bago
matulog.
Dapat talaga kanina pa ako natutulog, sabi kase ni Isra di raw siya
makakapasok bukas dahil linalagnat ito. Kaya ang lagay sa akin naiwan
lahat ng trabaho niya..
''Jane~~''
kahit natatakot ako, pinilit kong tumayo at lumapit sa may bintana ng
kwarto ko.Sinilip kung may tao..
''Sino yan??'' pasimple kong kinuha yung trophy ko at pinosisyon ito na
para bang mag lalaro ako ng baseball.
''Jane!!''
*tuk!*tuk*
''Sino sabi yan e!''
*tuk*tuk*
Bahala na kung anong mangyayare, basta kung sino man tong gagong
tumatawag sa pangalan ko, sa oras na may ginawa siyang di kanais-nais
ihahampas ko ito sa pag mumukha niya.,
''Sino ka?!'' pag kaa bukas ko ng bintana wala namang tao..
''Jane! Nandito ako sa baba!!!'' tumingin ako sa baba..
At nakita ko si...
Clarkson.
''Anong ginagawa mo?? Bat nandito ka??''
''Papaukin mo muna ako..''
Bumaba ako ng kwarto at dali-dali siyang pinag buksan ng gate. Pero anong
ginagawa niya ditto??
''Pasok..'' pag yayaya ko dito..
''Ano ba kasing gusto mo?? Bakit hindi ka nalang nag text? Akala ko tuloy
kung sinong baliw yung kumaakatok sa bintana ng kwarto ko''
''pasensya ka na ha?? Hindi kase abot yung bintana ng kwarto mo.. Kaya
yung mga bato nalang sa labas yung ginamit ko''
''alam ba ni Natashia na nandito ka??'' umiling lang ito.
''Alam mo?? Ang mabuti pa.. Umuwi ka na. May pasok pa kami bukas..'' ng
akmang tatayo na ako hinila niya yung kamay ko.
''Huwag mo muna akong pauwiin. Gusto ko lang na mag kausap tayo tsaka may
dinala ako..''
Sa mga oras na hawak-hawak niya yung kamay ko, pakiramdam ko ang saya-
saya ko. Matagal tagal na rin kaseng panahon nung hawakan niya ng ganto
yung kamay ko.
''Dali.. Dito kana..'' hinila niya yung kamay ko at inupo dun sa isa pang
swing.
''Taran!!!''
May linabas ito sa plastic..
Dalawang balot ng cracklings at lays.. Tsaka yung paborito naming iniinom
nung mga bata pa kami.. Yung Chukie.
''Heto sayo.. Heto akin..''
''Akala ko..'' hindi ko kayang lokohin yung sarili ko sa mga oras na toh.
Dahil, pakiramdam ko.. Bumalik kami sa dati.
''Kumain kana.. Ang tagal ko na ring hindi kumakain ng cracklings..''
bakas sa mukha nito ang pag eenjoy, samantalang ako hindi pa rin
makapaniwala. Na mauulit yung ganito..
''Clarkson..'' tumigil ito sa pag nguya, at binigyan niya lang ako ng
'Baket' look.
''Bakit ba nag ka ganito tayo?? Bakit.. Nevermind.. Huwag mo nalang
isipin yung sinabi ko.. Wala lang yun, tutal may kanya-kanya na tayong
buhay.. Di na mahalaga yung sasabihin mo.''
nag madali akong buksan yung cracklings para hindi maipahalata sakanya
na, nalulungkot pa rin ako sa mga nangyari sa amin.
''Ahh yun ba?? Huwag kang mag alala.. Wala ka namang kasalanan..
Kasalanan ko naman lahat ng 'to''
NOW PLAYING:GOODBYE MELODY
''Mahal mo ba si Natahsia??'' siguro pag narinig ko na yung gusto kong
marinig, titigilan ko na talaga siya.
♫Oh I love you,Endless time, I lose my mind, Because of you♫
''Oo mahal ko si Natahsia...'' hindi ko ipinahalata dito na nasaktan ako
sa isinagot niya. Dahil kailangan ko ng tanggapin na wala na talagang pag
asa..
♫oh I want to kill myself,you are the only love
in my life the only thing there is night
my love you are every
breath that I
take oh I love you♫
''Haha! Nako, naging serious na tuloy tayo.. Sarap nito ahh!'' at dire-
diretso akong kumain ng cracklings, para maipakita lang sakanya na OKAY
LANG AKO.
''Jane..'' Lumingon ito sa akin, at tinignan ng diretso sa mata..
''Oo mahal na mahal ko si Natahsia..'' nung inulit ni Clarkson yun, hindi
ko na napigilan yung sarili ko..
♫if you go say good bye but you know this
I will always love you bye bye ♫
Dahil kahit paano sabihan yung puso ko na okay lang ako.. Yung utak ko
naman hindi pinakinggan yung sinasabi ng puso ko.
kase daw mas alam ng Utak ko yung totoong nararamdaman ng puso ko.
''Jane, mahal na mahal ko si Natahsia... Kaya lang'' hinawakan niya yung
isaa kong kamay..
♫if you go say goodbye but you know this I will always love you♫
''kaya lang mas mahal kita.''
Hinila niya ako, at hinalikan niya ako sa may labi.
“I'm sorry if I was the reason why you're crying every night” at
ikinulong niya ako sa mga bisig niya.
“Jane.. Please forgive me.”
♫When it’s hard to say anything And when I want to see you Can’t say
anything Can’t do anything I can’t do anything at all) ♫
“kung sasabihin mo ngayon na iiwanan ko si Natahsia.. Sige, iiwanan ko
siya.. maging okay lang tayo”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil hindi naman ako selfish na
tao.. Pero ito na yung hinihintay ko. Anong gagawin ko??
♫everyday every night every single day I want you please don't leave me
alone don't leave me alone
I want you I need you love you I'm gonna take you♫
KINABUKASAN….
“Ninang beki, hindi ko napo alam yung gagawin ko..”
“kung ako sayo jane, kakalimutan ko nalang si Clarkson. May girlfriend na
siya.. tsaka matagal-tagal napanahon na yung lumipas.. mag move on
kana..”
“ang dali lang sabihin no ninang beki? Pero bakit ganun.. ang hirap
gawin..”
“alam mo nak? Wala namang masama kung yung desisyon mo yung susundin mo..
kaya lang, matitiis ba ng konsensya mo na manira ng relasyon ng iba?
Sabihin na nating.. Ikaw yung mahal niya.. pero sa maniwala ka sa hindi
mahal din ni Clarkson yung si Natahsia.. Gaya niyo.. May pinag samahan
din sila..”
“e pero ninang beki..”
“Jane, hindi ko hawak yung puso mo. Huwag mo akong tanungin… Basta kung
saan ka Masaya doon ka. Okay?”
Di rin nag tagal at linisan ko na rin yung bahay naming at pumasok na ng
school..
*Calling…
TingZhe
“hello??”
“Jane.. nasaan ka?” tumungin-tingin ako sa paligid…
“kapapasok ko lang sa school.. Baket?”
“may good news ako sayo.. Dun ka sa may tapat ng flag pole, huwag kang
aalis dun ha?”
“sig--- hello?” tama bang pag babaan niya ako ng tawag???
Pag ka sarado o ng bag ko, dumeretso na ako sa may flag pole.. At doon
nakita si TingZhe na may dalang bulaklak ng santan.
“Hoy, anong gimik yan??” nagulat ako ng bigla itong tumakbo papunta sa
akin at yinakap ako ng pag kahigpit..
“Jane!!!” sunod pa’y hinawakan niya ako sa mukha…
“Ano?! Bat ang saya mo yata??”
“Break na kami ng girlfriend ko..”
“ha? Bre…” hindi ko ulit natuloy yung sinabi ko, dahil muli niya akong
yinakap…
“Finally, pwede nang maging tayo.”
“Maging…”
“Maging tayo..”
Itutuloy…
HBAM 8
CLARKSON
''mga dre, may ikukumpisal ako sa inyo.. Sana, huwag kayong magagalit.
Ano kase e..'' halos hindi mapakali si Ichirou sa pwesto niya, habang
hinihintay naming bumalik si TingZhe.
Biglaan kasi itong umalis, at ang paalam niya kay Ichirou pupuntahan niya
daw si Jane.
''tungkol nanaman saan yang ikukumpisal mo??'' tanong ko dito.
''Tungkol kay TingZhe. Hindi na kase kaya ng konsensya ko na makita ko
siyang kasama niya si Jane, pero wala pa silang official break up ni
Gabby.'' napakunot ang noo ko, at liningon ito.
''Anong ibig mong sabihin??''
''May secret girlfriend si TingZhe?'' nag katinginan sina Hyunsoo at
Chenglai.
''Di ba nung nasa China pa tayo, Pana'y yung pag babakasyon ni TingZhe?
Gabby is my childhood bestfriend. Ipinakilala ko siya kay TingZhe 3years
ago.. Nung hindi kayo sumama dahil mas pinili niyong matulog at kumain
nalang sa hotel nun.'' napaisip tuloy ako bigla..
Edi ibig sabihin nun?? May girlfriend na si TingZhe?
''Tapos??''
''Ayaw naman kasi talagang sumama ni Tingzhe sa akin nun.. Pinilit ko
lang siya.. Ayun, ako nakipag sayawan nun dun sa mga models na nandun,
tas' iniwanan ko silang dalawa.. Ang sabi sa akin ni TingZhe.. Hindi niya
naman daw inakalang, maiinlove siya kay Gabby.'' napalook down si
Ichirou.
''Dun na tayo sa main point mo Ichirou! Ini-is-spoil mo kami e!'' saad ng
mainiping si Chenglai.
''Kagabi, nakausap ko si Gabby. Ang sabi niya.. Nakikipag break na daw si
TingZhe. Hindi niya naman daw alam kung anong dahilan at humihingi siya
ng break up.''
''Edi ibig sabihin nun.. Natamaan talaga si TingZhe dun sa Drillon??''
pumalakpak si Hyunsoo. ''Iba din pala si TingZhe, makakita lang ng bagong
isda, huhulihin na at papakawalan yung nauna.''
''Sinabi mo ba dun sa Gabby na may nagustuhan dito si TingZhe?''
umiling lang ito, at huminga ng malalim.
''Ang hirap pala no? Lalo na, pag yung inaakala mong miss right si miss
wrong pala. Yung alam mo sa sarili mo na siya na, pero hindi pa pala..
Kase mas nakikita mong mas perfect yung nalate yund dating.'' saad naman
ni Chenglai.
''Pero hindi naman recycable yung mga babae. Ano sila tissue? Na pag
katapos gamitin, itatapon na?? Pag nakita ko yang TingZhe'ng yan..
Kukutusin ko siya! Masyado siyang madugas! Ganda pa naman ni Drillon''
sabi naman ni Hyunsoo habang nag hahand-gesture pa.
''Ano ba kayo? Masisisi niyo ba si TingZhe? Nag mahal lang yung tao..
Natural lang naman siguro kung doon ka sa taong alam mong makaka kompleto
sayo, hindi ko naman sinasabing hindi siya naging masaya kay Gabby pero,
panigurado ako.. Mas masaya yung mokong na yun sa piling ni Jane''
Kinuha ko yung susi ng kotse ko, at nag madaling lumabas. Makakatikim sa
akin yang TingZheng yan! Ang lakas ng loob lokohin si Jane!
Pagkadatin ko sa tapat ng school nila, agad ko itong tinawagan. Honestly,
ito palang yung unag pag kakataon na matatawagan ko si Jane.
''Hello?? Sino 'toh?''
''NASAAN KA??'' tumakbo papasok ng campus nila, at hinaluglog ang bawat
sulok na pwede niyang puntahan.
''Sino toh??''
''Si CLARKSON. Nasaan ka Jane? May importante akong sasabihin sayo.''
''ahh, ikaw pala. Nasa may tapat ako ng Principals Office. May isusubmit
akong report. Baket?? Anong sasabihin mo??''
Sakto naman pag lingon ko sa may right side ko, nakita ko si Jane.
Nakatalikod ito at may hawak-hawak na envelope.
''Hello?? Clarkson?? Nan...'' ibinaba ko na yung call.. At sa walang
kadahilanang rason, tumakbo ako papunta kay Jane at yinakap ito.
''Cla..''
''Jane....'' hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.
Hinawakan ko ito sa mag kabilang pisngi..
''Okay ka lang?'' bakas sa mukha nito na nabigla siya sa ginawa ko.
''Sigurado kang ako yung tinatanong mo niyan?? Ikaw okay ka llang??''
tinanggal nito ang pag kakahawak ko sa mukha niya.
''Anong sasabihin mo??'' habang tinitignan ko lang ito, hindi ko
maiwasang mapangiti.
''Alam mo ba na linoloko ka lang ni TingZhe?? May girlfriend siya..''
''Alam ko.''
''Sinong nag sabi sayo??''
Maya-maya pa'y biglang sumulpot si TingZhe, at hinila papunta sakanya si
Jane.
''AKO.''
''Sinabi ko na lahat sakanya, kaya wala ka ng dapat pang problemahin.
Wala na kami ni Gabby. Kaya hindi ko siya linoloko..''
''Hey, what's happening?? Mahck nandito ka pala, bakit hindi mo man lang
sinabi sa akin na darating ka? Na touch naman ako babe.'' bigla namang
dumating si Natahsia, na noo'y kagagaling lang sa Principals Office.
''Sige, Natahsia.. Mauna na kami...'' ani TingZhe.
Nakatingin lang sa baba si Jane, habang naka akbay dito si TingZhe.
''Jane..'' hinawakan ko ito sa braso..
Tumigil sila sa pag lalakad,
''Listen to me..''
''Wala siyang dapat marinig na kasinungalingan Mahck!''
''Jane! Listen..''
''Babe? Anong nangyayare?? Drillon??''
''Please, comeback to me.'' inangat ni Jane yung tingin niya sa akin.
''Let her go!'' naka tingin lang sa akin si Jane, pero halata sa mga mata
niya na maiiyak na siya.
''Come back to you?? Wait.. What's the meaning of this??'' tanong ni
Natahsia. ''Jane, bumalik ka lang sa akin.. Itutuwid ko lahat ng mga mali
ko..'' pagmamakaawa ko dito.
''Omy, you're cheating behind my back?! Drillon?! Mag salita ka! Sabi ko
na nga ba, may tinatago kang kalandian! Paano mo nagawa sa akin toh?! I
mean.. We're bestfriends right??'' pumanta si Natahsia sa harapan ni
Jane. At umiyak..
''Jane?! Mag salita ka!''
''WALA AKONG DAPAT SABIHIN.'' pag kasabi niyang yun kay Natahsia,
lumingon naman ito sa akin.
''Sorry Mahck, aalis na kami ni TingZhe.'' tinaggal nito ang pag
kakahawak ko braso niya. Wala na akong nagawa, kundi pagmasdan nalang
silang umalis, at lumayo sa akin.
TINGZHE'S POINT OF VIEW
NOW PLAYING MAGPAKAILANMAN by TOP SUZARA
(pakinggan niyo nalang.. nandyan sa may side ^___^)
Pagkapasok na pag kapasok namin sa kotse, sinubukan pang itago ni Jane
yung totoong nararamdaman niya. Sinubukan niya pang tumawa, kahit bakas
naman sa mga mata niya yung totoong nararamdaman niya.
''Hahahha! Nakakatawa talaga yung ginawa niya kanina.. Comeback to him
daw.. Hahahahha!!'' tuloy pa rin ito sa pag tawa, pero ng hawakan ko na
yung kamay niya, atsaka sinabing
''Jane, okay lang kahit umiyak ka.. Hindi naman ako magagalit.'' tumingin
ito sa akin, at hindi na niya napigilan pa yung sarili niya.
Gamit ng kamay niya, sinubukang itago ni Jane yung pag iyak niya. Kahit
naman kasi itanggi niya na wala na siyang gusto kay Clarkson, alam ko
parin yung totoo.
''Jane..''
Tuloy pa rin ito sa pag iyak..
''Sana, payagan mo akong mahalin ka. Kahit lamok, hindi ko hahayaang
dumapo sayo. Pro-protektahan kita, aalagaan ng tama, gagawing first
priority.. At kahit hindi tama na piikutin sayo yung mundo ko.. Gagawin
ko. Ganun kasi kita kamahal.. Kahit imposible.. Gagawin kong posible,
basta makita lang kitang masaya, kahit mahirapan ako.. Okay lang.. Kasi
alam ko, yung mga gagawin ko para sayo. Kaya sana, tulungan mo ako, para
makalimutan mo na si clarkson.''
JANE'S POINT OF VIEW
Simula kahapon, minabuti ko na munang hindi pumasok. Gusto ko kasi sa
bahay muna ako.. Pero kahit nasa bahay lang ako, oras oras akong
binibisita ni TingZhe.
''Jane, boyfriend mo ba yung si TingZhe?? Kase kung oo.. Ang swerte mo!''
sabi sa akin ni ninang beki habang kumakain ito ng ponkan.
Dapat ko ba talagang bigyan ng pag kakataon si TingZhe? Natatakot kase
ako.. Baka ganun nanaman yung mangyare.
''Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin si kulot?'' hindi ko liningon si
ninang beki.
''Urghh, Jane! Ano kaba.. Oo alam ko, hindi naman madaling gawin yung mga
sinasabi ko, pero Jane. Ito na yung reality, lumipas na yung 7years. May
napala kaba?? Wala diba?? '' pero hindi naman ganun kadali yun e.
''Atsaka, bata pa kayu nung mga panahon na nangako siya kayo. Hindi niyo
pa alam yung tama sa mali. Mga musmos pa kayo 'nun to be exact. Hindi
niyo pa rin alam yung ginagawa niyo nun. Kaya anak, huwag ka ng mag mumok
diyan.. Keri lang ang life.'' tsaka isinuklay ni ninang beki yung mga
daliri niya sa buhok ko.
Ang sabi kasi ng puso ko, pwede pa.. Pero sabi naman ng utak ko.. Tama
na..
Napa buntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko na rin
kase alam yung gagawin ko.. Gulong gulo na ako.. Sarap iumpog ng ulo ko
sa pader.
Nag paalam ako kay ninang beki na lalabas muna ako ng bahay para
makalanghap ng sariwang hangin, pag kase nasa loob ako ng bahay mas
nararamdaman ko yung lungkot.
“Buti naman at lumabas kana..” kamuntik akong maiipit sa gate ng biglang
may lalaking nag salita.
“Kanina kappa diyan? Akala ko bang may recording kayo ngayon?”ngumiti
lang ito sa akin
“Oo, meron nga.. Halos katatapos lang namin, gusto ko sanang marinig mo
yung solo song ko. Sinulat ko yung para sa babaeng napaka importante sa
akin” bahagya kong kinurot yung mukha ni Tingzhe.
“Baket totoo naman ah?”
(see TingZhe’s Facial reaction ---à)
“Huwag ka ngang gumanyan..” pag katapos nun tumawa na ulit ito.
“Ngayon ko lang nalaman may pagka pikon ka pala..” kumunot yung noo ko.
“Pikon? Hindi ahh.. Haba kaya ng pasensya ko..”
“Sabi mo e, tara! Diba sabi ko may ipaparinig pa ako sayo?”
“saan?”
Ngumiti muna ito bago nag salita,
“basta, tara?”
NOW PLAYING: MY FIRST CHOICE ORIGINAL SONG BY ALEX THAO :
♫Look at the way he treats you now How is it that you can't even see the
wrong he does to you, And all the things that he says to you Girl you
know you deserve much better, than that♫
Bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya para bang mga baling ligaw na
tumatama sa puso ko. Dapat ko nab a talaga siyang bigyan ng chance?
♫(so) Don't cry for someone who won't wipe those tears away, And fight
the feeling of "there's never gonna be, anyone else for you" , I wanna
keep you safe and warm, as I hold you [tight] (cause) In my book, in my
life, you were always, my first choice ♫
Parang unti-unti natata uhan na ako.. Unti-unti parang handa na yung puso
ko na pakawalan pa siya.
♫Don't be afraid to try, You know you're much stronger than this, There's
no one holding you down but yourself, Just know that I'm right here for
you, With me by your side you will never ever have to ♫
Siguro naman hindi ako sasaktan ng taong ‘toh. Dahil marami siyang
qualities na wala si Clarkson, pero.. mali diba? Mali na ikompara ko
silang dalawa.. Dahil mag kaiba naman sila.
♫Cry for someone who won't wipe those tears away, And fight the feeling
of "there's never gonna be, anyone else for you"
I wanna keep you safe and warm, as I hold you [tight], (cause) In my
book, in my life, you were always, my first choice♫
Siguro, kaya hindi binigay sa akin ni God si Clarkson, kase.. nay Tingzhe
na mas mag mamahal.. at aalagaan ako.
Pero sana, tama yung magiging desisyon ko…
Kase kung nag kataon na mali..
AKO RIN YUNG KAWAWA SA HULI.
Sorry kung ang tagal kong mag update.. Ang busy ko kase ngayon.. dami
kong inaasikaso.. Kaya pag may free time dun lang ako nakakapag type.
Don’t worry by next week tapos na toh.
Xoxo
Asrah028
HBAM 9
JANE
2 weeks ko nang hindi nakikita si Clarkson, ang sabi kase nina Ichirou
bumalik daw ito pansamantala sa Paris. Hindi ko na rin inalam kung
bakit.. Dahil wala namang sense kung itatanong ko pa.. Hindi rin ako
kinakausap ni Natahsia, dahil according kay Isra.. Galit daw ito sa akin,
''Lalim ng iniisip mo..'' bumalik ako sa reyalidad ng pindutin ni TingZhe
yung pisngi ko. ''Hah??''
''Sabi ko ang lalim ng iniisip mo. May problema ba??'' ngumiti ako ng
bahagya sakanya.. ''Wala naman..'' tipid na sagot ko dito.
''Jane may itatanong ako.. Pero sana sagutin mo ng seryoso..''
''Tungkol ba saan yang itatanong mo? At kailangan pa ng seryosong
sagot?'' hinawakan nito ang kamay ko.
''Kailan mo ba ako sasagutin?''
Nung itananong niya sa akin yan, para bang bahagyang nag stock-up yung
utak ko.
''Hindi ko alam... Hindi ko muna kase iniisip yan ngayon..''
Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. At tumingin ng deretso sa mata ko..
''Jane, mahal kita.. Hindi kita sasaktan. Hindi kita papabayaan, iingatan
kita. Please, fall inlove with me.''
Hindi naman sa ayaw ko siyang sagutin, kaya lang natatakot na din kase
akong bumalik sa umpisa. Baka mamaya kase gaguhin lalng ako ng gagong
toh.
''Pag iisipan ko pa.'' tumayo ako at nag pagpag, sa totoo lang, parang
kami na din ni TingZhe.. Yun nga lang wala nga lang label.
Pero paano kung bigyan ko siya ng Pagkakataon?? Wala naman sigurong
mawawala diba?? Paano kaya kung sagutin ko na siya bukas?
Wala naman kasing masama kung sagutin ko na siya, siguro hindi naman niya
ako bre-breakan.. Sige! Bukas.. Sasagutin ko na siya..
''Drillon.. May naghahanap sayo.'' parehas kaming napatingin kay Isra
nung tawagin niya ang pangalan ko.
Minabuti na ni TingZhe na umalis na, dahil may meeting daw sila..
Tahimik akong sumunod kay Isra. Ang sabi niya kase hindi niya daw
kakilala yung tumatawag sa akin.
Pero sino naman kaya yun??
''Ayun siya Drillon.'' itinuro niya sa akin yung babaeng nakatalikod at
naka harap sa may statue ng owner ng school.
''Excuse me..'' lumingon ito sa akin.. At ngumiti ito..
''Ikaw si Jane Drillon right??''
''Ako nga.. Pero.. Sino ka?? At anong kailangan mo?'' ngumiti ulit ito at
iniabot yung kamay niya.
''I'm Gabrielle Fuentez.. Gabby for short.'' Gabby?? Siya ba yung
girlfriend ni TingZhe?? Pero, anong ginagawa niya dito??
''Uhm, pwede ba tayong mag usap?? I mean.. Yung tayong dalalwa lang.''
Sa walang kadahilan, sumunod nalang ako sa gusto niya. Pumasok kame sa
isang coffee shop.
''Uhmm.. You know TingZhe right?'' tumango lang ako. Hindi ko alam kung
bakit bigla akong kinabahan ng makita ko siya. Para bang hindi ako
komportable na kasama ko siya..
''Paano ko ba sasabihin??'' nagulat ako ng bigla nitong hawakan yung
kamay ko. ''Jane, mahal mo ba si TingZhe?''
Pakiramdam ko ng tinanong niya yun, automatic na bumilis yung tibok ng
puso ko. Madalas na sabihin ko sakanya na hindi ko siya gusto.. Pero
bakit ganito??
Ang lakas ng tibok ng puso ko..
''Jane.. Mahal mo na ba si TingZhe??''
Siguro, pero hinde.. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko.
''Jane..'' maya-maya pa'y may mga luha ng bumagsak mula sa mata niya..
''Jane, I'm begging you.. Iwanan mo na si TingZhe. I love him.. At una
niya akong minahal. Nag promise siya sa akin na hindi niya ako iiwanan,
pero ng makilala ka niya.. Nag bago ang lahat. Please Jane.. Nag
mamakaawa ako sayo.. Iwanan mo na si Tingzhe, ako naman yung unang
minahal niya..''
Sa mga oras na toh, para bang.. Nakikita ko yung sarili ko kay Gabby.
Ganito ba yung naramdaman ni Clarkson nung makita niya si Natahsia?? Na
kahit hindi niya ginusto.. Nahulog pa rin ito sakanya.
''Jane.. Kung gusto mong lumuhod pa ako sa harapan mo.. Gagawin ko..''
''Ga.. Gaby..'' lumuhod ito sa harapan ko at nag makaawa. Anong gagawin
ko?? Bakit ngayon ka pa dumating..
Ngayong natututunan ko na siyang mahalin. T__T
Kinabukasan...
''Aalis na po ako..'' hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pakiramdam ko
kasi pinaglallaruan ako ni God.
''Jane!'' pagkabukas ko ng gate bumulaga sa akin si TingZhe.
''Hahatid na kita..'' pag yayaya nito.. Habang nakikita ko siyang
ngumingiti hindi maalis sa isip ko si Gabby. Hindi ko na alam yung
gagawin ko. Sana bigyan niyo ako ng sign.. Kase hirap na hirap na yung
utak, katawan at puso ko.
Wasak na wasak na po ako.
''Jane.. Okay lang kahit hindi mo agad ako sagutin. Willing naman akong
mag hintay. Kahit matagal..'' dapat ngayong araw na to, ngayon ko siya
sasagutin.. Kaya lang..
''Tingzhe.. Bakit mo iniwan si Gabby? Hindi mo na ba siya mahal? Hindi ka
na ba masaya sakanya??'' napawi yung mga ngiti nito sa labi.
''Si Gabby? Hindi ko alam.. Mahal ko si Gabby, mahal na mahal.. Pero
hindi ko maintidihan yung sarili ko pag nakikita kita.. Masaya naman ako
kay Gabby, pero mas masaya ako sayo.''
Ganun din ba si Clarkson?
''Bakit mo naitanong??'' umiling lang ako. Kung totoosin, pareho kami ng
kalagayan ni Gabby.
Ako iniwanan ni Clarkson para kay Natahsia... Siya Tingzhe iniwan si
Gabby para sa akin..
''Hindi mo na ba mahal si..''
''Mahal ko si Gabby, pero mas mahal kita.'' bumitaw ako sa pagkakahawak
niya sa kamay ko..
''Siguro nga mahal mo ako.. Pero alam ko, si Gabby pa rin ang gusto mo.
Hindi naman basta mawawala yun. Hindi kaba na kokonsensya? Iniwanan mo
siya ng dahil sa akin?'' umiling ito..
''Ipinalinawag ko na sakanya lahat lahat..''
''Siguro madaling ipaliwanag sakanya na ayaw mo na. Pero naisip mo ba
kung anong naramdaman niya matapos mong ipaliwanag ang lahat?? Siguro,
sinabi niya okay.. Pero hindi porke sinabi niyang okay, okay na yun.
Sinabi niya lang yun para hindi ka ma guilty.. Sinabi niya yun kahit
labag sa kalooban niya.. Sinabi niya yun kase mahal na mahal ka niya,
kahit iiwanan mo na siya.''
''Pero..''
''Hinde, mali tong ginagawa natin. Kahit natutunan na kitang mahalin,
kahit saan'g angulo ko tignan.. Mali. Maling mali yung ginagawa natin.''
''Jane.. Ikaw yung mahal ko. Tsaka wala ng mali dun, wala na kami ni
Gabby.'' pag kasabi niya nung mga katagang yun, hindi ko na napigilang
napaluha.
''TingZhe.. Linigawan mo si Gabby, nag pakahirap ka para makuha yung oo
niya.. Kaya sana..'' nag punas muna ako ng luha bago itunuloy yung
sasabihin ko.
''Bumalik kana sakanya, kase kung kailangan kita.. Mas kailangan ka
niya.'' pagkatapos nun, lumayo na ako dito.
Ayokong mag paka selfish, ayokong maging mang-aagaw. Naranasan ko rin
yung naranasan ni Gabby, kaya naiintindihan ko siya..
Kaya lang, bat ganun??
bat sobrang sakit? T_T
CLARKSON
''Welcome back bro!'' bati sa akin nina Ichiroo.
''Buti naman at naisipan mo ng bumalik..'' ngumiti lang ako bilang sagot.
Kamusta na kaya siya?? Okay na kaya siya??
Miss ko na kase siya..
JANE
Buong araw lang akong nakatingin sa kawalan, pakiramdam ko rin na kahit
anong oras pipikit ng kusa yung mga mata ko.
''Drillon okay kalang??'' tanong sa akin nung bestfriend kong si Isra.
''Okay lang ako..''
''Sure ka?? Namumutla ka kase..'' hinipo nito ang noo ko. At ikinopare
niya sa noo niya.
''Hala! Drillon! Linalagnat ka!''
''Hah??''
''Halika! Dadalhin kita sa clinic..''
Pag kadating namin sa Clinic, nakita ko dun si Natahsia. She was sick
too. At ang masaklap pa nito kasama niya si Clarkson, mag kahawak pa yung
mga kamay nila.
Kahit hindi ko siya tignan, nararamdaman ko na nakatingin ito sa akin.
''Dun sa kabilang bed mo nalang siya ihiga miss Ramos, dun sa katabing
bed ni Natahsia.''
NOW PLAYING: JEALOUS BY NINA
♫Jealous of the girl who caught your eye, One of my darker days, When you
looked at her where was I? Shoulda been in her place. Here I am, All
alone imagining what might have been, What could have been
If I had been there♫
Pagkahiga ko dun sa bed.. Sumikit ng kusa yung dibdib ko.. Kasabay ng pag
pikit ko yung pag bagsak ng luha mula sa aking mata.
Ang hirap pala pag yung taong mahal mo nasa tabi mo lang, pero pakiramdam
mo napakalayo niyo sa isa't isa.
Gusto mo man siyang hawakan, kaya lang hindi pwe-pwede.. Dahil katabi
niya yung taong mas mahal niya, yung taong mas pinili niyang makasama
kesa sayo.
“Jane.. Babalik na ako sa classroom ha? May quiz kase tayo.. ipagpapaalam
nalang kita kina Sir at Miss.. Pati ikaw Natahsia..”
♫Jealous of the one who's arms are around you, If she's keeping you
satisfied, Jealous of the one who finally found you, Made your sun and
your stars collide .. La la la la la la la, She's a very very lucky girl
La la la la la la la♫
Ang sabi ko pa naman dati sa sarili ko, hinding hindi na ako mag seselos
o maapektuhan. Pero heto nanaman ako, ako nanaman yung talo. Samantalang
siya, heto sa tabi ko pangiti-ngiti at hindi niya alam na dahan dahan
nasasaktan ako.
She’s a very very very lucky girl……..
This one is dedicated to Ela :)
Ela! Thank you dun sa message mo ha?? Super na touch talaga ako dun sa
ginawa mo. Basta pag ikaw naman yung may problema.. Nandito lang si ate
sarah for you û
HBAM FINAL CHAPTER
JANE
Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko, unang bumungad sa akin ang mukha
ng ate kong si Jasmine. Hinipo niya yung noo ko, pag katapos nun ngumiti
na ito.
''Mabuti naman at bumaba na yang lagnat mo. Ngayon sigurado na ako na
hindi ka alien, tao ka.''
''Pwede ba..'' pag kalingon ko sa may side nakita ko naman si Zach-zachan
ng kayabangan.
''Bat nandito yang ungas na yan?!'' mabilis akong bumangon, at binato
siya ng unan.
''Hi sister in law.. Huwag kang brutal, alam ko na miss mo ako kaya
gumaganyan ka. Well kung tinatanong mo kung anong ginagawa ko dito..
Simple lang, may hinatid akong batang kulot pauwi ng Pilipinas.'' kagaya
pa rin siya ng dati.. Malakas pa rin ang kanyang arrive.
''Sige lalabas muna ako.. Sa tingin ko kailangan niyong mag usap.''
kinuha ni ate Jasmine yung mga gamit na towels at lumabas na..
''ATE HUWAG MO AKONG IIWAN SA PANGIT NA TOH!!''
''Hoy! Huwag mo ngang ipasa sa akin yung pangit. Mas pangit ka sa akin''
kahit hindi pa ako ganun kalakas, sinipa ko ita. Kaya lang dahil mabagal
pa ako, nakailag siya.
''Hay nako Jane, napaka childish mo pa rin.''
''Kesa naman sayo, authistic! Bakit ba?! Bakit kailangan nating mag
usap??'' inis na sabi ko sakanya. Wala pa man din ako sa mood para
kausapin siya..
''Siguro hindi mo alam kung paano kana nakauwi dito no??''
Oo nga pala, ang alam ko nasa clinic ako kanina.. Bat bigla bigla nandito
ako??
''Sinundo mo ako. Huwag mo na ngang gawing komplikado yung mga bagay-
bagay. O sige na, thank you! Masaya kana?!''
Pagkabukas nung pintuan sa Cr sa kwarto ni Jasmine.. Nagulat ako ng
nakita kong basa pa yung buhok ni Clarkson at bagong ligo ito.
*Flashback...
Clarkson's Point of View
''Jane..'' tinapik ko ng mahina yung mukha niya, pero mahimbing ang tulog
nito.
''Jane, gumising kana.. Ihahatid na kita sa inyo..'' nabigla ako ng
hawakan niya yung braso ko.
''Clarkson.. Ang sakit.. Bakit kailangan mo akong iwanan?'' hinawakan ko
yung kamay niya.
''Jane, pasensya kana. Alam ko hindi sapat yung sorry. At alam ko kahit
paano ako humingi ng tawad sayo, hindi mo naman ako madaling mapapatawad.
Alam ko Jerk ako.. Pero Jane, kahit si Natahsia ang kasama ko ngayon..
Ikaw pa rin yung may hawak ng puso ko.''
''Jane.. Mahal kita, mahal na mahal kita. Kahit alam kong nasaktan
kita..'' tumayo ako, at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
''I love you, Jane Drillon.''
*end of Flashback*
CLARKSON
''Mabuti naman at gising kana..'' ngumiti ito ng paalangan.
''I think, kailangan niyo talagang mag usap.'' tumayo si Kuya, at lumapit
sa akin.
''Kung ano yung idinidikta ng puso mo, yun yung sundin mo. Huwag mong
pakinggan yung sinisigaw ng utak mo. Kase kahit pag bali-baliktarin mo
man yung mundo. Mas matimbang pa rin yung sinisigaw ng puso kesa utak.''
pag ka tap ni kuya sa balikat ko.. Lumabas na rin ito ng Kwarto.
Tahimik lang si Jane. At hindi nag sasalita..
''Okay kana niyan??'' awkard.
''Hmm..''
Mag isip kapa ng sasabihin mo Clarkson. Mag isip kapa.
''Ahh Jane, sige.. Lalabas na muna ako.'' bumalik lang ito sa
pagkakahiga, hindi na rin ito sumagot pa. Paano ko ba uumpisahan toh,
lalo na't pag nakikita ko siya.. Pakiramdam ko napakasama kong tao.
Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Kuya Zach.
''Ano kulot? Okay na kayo??''
''Hindi pa? Ewan ko kuya.. Ang gulo kase ng utak ko ngayon.'' tinap niya
ako sa balikat, at maya-maya pa'y umakbay na ito sa akin.
''Halika, doon tayo sa terrace sa taas mag usap. Alam ko naman na
kailangan mo ng makakausap sa mga oras na ito.'' siguro nga kailangan ko
ng makakausap..
Pagkadating namin sa terrace. Agad akong tinanong ni kuya Zach.
''Mahal mo??''
''Si Jane??'' ngumiti ito bago itinuloy yung sasabihin niya.
''Kita mo na.. wala akong binanggit na pangalan, pero siya yung lumabas
diyan sa bibig mo.'' napalook down tuloy ako.
''Diba ang sabi mo ipinaliwanag mo na lahat kay Natahsia?'' tumango ako
at hindi ko pa rin alam kung ano yung isasagot ko. ''Ano pang
prinoproblema mo?''
''E kase kuya.. Ano e..''
''Don't tell me mahal mo Jane, tas mahal mo pa si Natahsia? Nako,
Clarkson.. Huwag na huwag mong gagawin na pag sabayin yung dalawang
babae. Maniwala ka sa akin, napag daan ko na yan.'' iba naman kase yung
pinagdaan niya kesa sa pinag dadaan ko ngayon e.
''Kuya, hindi ko kase alam...'' ngumiti muna ito bago sumagot.
''Siguro nga hindi mo alam kung sino, pero naniniwala ako.. Na may iisang
tao diyan na namumukod tanging sinisigaw ng puso mo.''
Ano ba kase itong pinasukan ko?? Bakit naging ganito kagulo?? Sabagay,
kasalanan ko rin naman e.
''Tsaka Clarkson, hindi mo masasabing pag ibig, kung walang masasaktan sa
inyo.. Kaya tanging payo ko sayo, kung ano yung idinidikta ng puso yun,
yung sundin mo. Kase yun yung tama. Normal lang na may masaktan.. Kase,
that's life.''
Pagkaalis ni kuya Zach, napaisip tuloy ako.
Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?
KINABUKASAN...
JANE
Kasalukuyan kaming nag kwe-kwentuhan ni Isra ng biglang pumagitna si
Natahsia.
''Pwede ba tayong mag usap?''
''Anong pag uusapan natin??'' mahinahon na tanong ko dito.
''Pwedeng sa labas nalang tayo??''
''Ahh!? Sige, ako nalang yung lalabas.'' pag boboluntaryo ni Isra sa
akin.. Nang makaalis na si Isra nanatili kaming tahimik ni Natahsia sa
una.
''Uhm, Jane..'' hinawakan nito yung kamay ko.
''Sorry sa lahat ng mga masasakit na bagay na sinabi ko sayo. Hindi ko
naman kase alam na.. Ganun pala yung story niyo ni Clarkson.. Pasensya na
kung nag mukha tuloy akong kontrabida sa inyong dalawa.'' habang sinasabi
yon ni Natahsia, unti-unti itong naluluha.
''Jane, ikaw na bahala sakanya ha?''
Nang sinabi niya yun, nakaramdam ako ng kaunting saya sa aking puso. Ibig
sabihin ba nito....
Pinapalaya niya na si Clarkson?
''Mahal ko si Clarkson.. Pero kahit mahal ko siya, wala ding kwenta yun.
Kase, kahit ako yung kasama niya.. Ikaw yung nakikita niya, hindi niya
man sabihin sa akin yun.. Pero kase Jane, hindi naman ako manhid para
hindi maramdaman yun.''
''Drillon, alam ko mahal na mahal mo siya.. Kaya sana lang huwag mo
siyang sasaktan. Kase mahal na mahal ko siya. dahil mahal ko siya..''
''Kahit masakit,handa akong mag paraya.. Makita ko lang siyang masaya..
Kahit sa piling na ng iba.''
Bakit ganun? Pinapakawalan niya na nga si Clarkson, pero na gu-guilty pa
rin ako?? Diba ito yung gusto ko.. Pero bakit pakiramdam ko..
Napaka selfish ko?
Pagkaalis din ni Natahsia, pakiramdam ko parang binuhusan ako ng yelo.
Bakit ganto??
Diba dapat masaya ako??
.......
NOW PLAYING: I PROMISE YOU BY FRANKIE J
Pakiramdam ko pati yung kalangitan nakiki dalamhati sa nararamdaman ko.
Lakas kase ng ulan, wala paman din akong dalang payong ngayon.. Itetext
ko sana si Isra ng mapagtanto ko na hindi ko nga pala dala yung phone ko.
PESTE NAMAN.
Lulusubin ko na sana yung ulan.. ng biglang…
''Kagagaling mo lang sa sakit, huwag mong sabihing mag papaulan kana
agad. Nako, wala ka paring pag babago.. Nag papakabayani ka parin. Anong
tingin mo sa sarili mo?? Water proof?!'' nang marinig ko yung lalakeng
nag mamagaling..
Tumaas agad yung prisyon ko.
Lintik na.....
''Wala kang pake kung mag ka saki-----'' ng makita ko kung sino yung
nagsalita.. bahagya akong napaatras. At nanginig..
''hmmm..'' inabot niya sa akin yung payong niyang naka bukas na.
''Ayoko nga.. Ayokong kasabay ka. Tsaka ano bang pake mo?!'' lumayo ako
ng kaunti sakanya..
''Hay nako,'' kinuha niya yung kamay ko, at isiniksik doon yung payong na
dala dala niya. ''Don't worry hindi naman ako sasabay sayo. Alam ko naman
na ayaw mo akong kasabay. Sige Jane.. Babay!''
pagkatapos nun, tumakbo sa ulan ang hayop na si Clarkson.
Anong tingin niya sa sarili niya? Water proof din?! -_________-“
''Bumalik ka nga dito! Umuulan oh!!'' sigaw ko sakanya habang sinusubukan
ko itong habulin.
''Kulot! Ano ba!!''
Hanggang sa tumigil ito sa pagtakbo at humarap ng nakangiti sa akin.
''Hoy! Ano yang ngiting yan?!'' Sigaw ko sakanya.
''Ngiting masaya, yung ngiting walang pag aalala.''
''Hah?? Huwag ka ngang mag paulan!'' ngumiti ulit ito at hinawakan yung
kamay ko na may hawak ng payong.
''Okay lang sayo kung susukob ako??'' pagkasabi niyang yun. Sumilong siya
sa payong ko.. At ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
''Actually matagal ko ng gustong gawin toh.'' humigpit yung pag kakahawak
niya sa kamay ko. At nakaka sigurado ako na nakatingin ito ng diretso sa
mukha ko.
''Lumayo ka nga!'' ng itutulak ko na sana ito. Bigla niyang tinabig yung
mukha ko, sa sobrang pag kabigla nabitawan ko yung payong na hawak hawak
ko.
''Jane..'' this time.. Hinawakan niya na yung magkabilang pisngi ko..
''Sorry for being a jerk.'' habang linalapit nito ang labi niya sa labi
ko.. Pakshet lang, dahil parang naka super glue yung paa ko sa lupa.
Hindi ko magalaw yung paa at kamay ko.
''Don't worry.. Nag paalam na ako sa ate mo about this. You can close
your eyes if you want to, pero may okay if hindi ka nakapikit.''
habang papalapit ng papalapit yung labi niya.. Ipinikit ko nalang yung
mga mata ko.
Pag katapos magtagpo ang mga lips namin.
''Jane, this time.. Hindi ko na sisirain yung pangako ko sayo. Dahil
ngayon pa lang..''
May inilabas itong sing-sing..
''ito yung sign na..'' habang isinusuot niya sa akin yun, hindi ko na
napigilang maiyak.. ''Ikaw na yung abaeng papakasalan ko.''
''Tsaka Jane??'' tumingin ulit ito ng diretso sa mata ko.
''Pag nasaktan ulit kita, okay lang kahit sampal-sampalin mo ako.. Hindi
ako magagalit..'' ngumiti ako..
''Siguro nga minsan nasasabi ng iba na kalalake kong tao napaka landi
ko, pero ito ang tandaan mo Jane.''
''Malandi man yung mga mata, pero itong puso ko??'' kinabog niya yung
dibdib niya.. ''Stick to one na yata toh. Kaya sana maging okay na ulit
tayo..''
''Tsaka huwag kang mag alala, sinabi ko na lahat kay Natahsia. Kaya, okay
na ang lahat.. Kaya Jane??''
''Bati na tayo ha?''
Pagkatapos din ng araw na yun, naging okay na lahat kami.
Tingzhe kay Gabby.. Nagpasalamat din sa akin si Tingzhe dahil tama nga
naman daw yung sinabi ko. At buong buhay niya daw siyang mag papasalamat
sa ginawa ko.. Ganun din naman si Gabby, naging kaibigan ko rin siya..
Salamt kay Tingzhe..
Si Natahsia masaya na.. Although nung una naiilang pa siya.. Pero
natanggap din niya na hindi talaga siya ang mahal ni Clarkson.. At mas
naging close na kami ngayon….
Sina ate at kuya? Malapit na silang mag ka baby =) Siyempre ninang ako..
♥Ü♥Ü♥
SIMULA Noon,
Napag disisyunan ko na kailangan muna akong ligawan ulit ni Clarkson.
Siyempre, natural lang yun noh.. Pero siyempre pinatagal ko lang ng 2
weeks para eksena.
Siguro nga mahirap yung pinag daanan ko, pero kahit gaano kahirap yung
pinag daanan ko.. Kita niyo naman yung resulta.. Hindi naman siguro
ibibigay ni Lord yung mga pasakit nay un kung wala siyang purpose.
Tsaka kung hindi talaga para sayo, kailangan tanggapin mo. Kase mas
masakit kung ipagpipilitan mo yung sarili mo sa mga bagay na, wala ng
space para sayo. Masasaktan ka, kahit hindi mo naman gusto..
Pero kahit gaano ka saktan ng mga taong mahal mo, tandaan mo.. Mas okay
pa rin na patawarin sila, kahit na sobrang bigat ng mga kasalanan nila
sayo.
Matuto kang mag patawad.
Dahil ang buhay ng tao ay hindi perpekto.
Bumalik na rin kami dati ni Clarkson, yung laging nag aaway at nag
babangayan, pero after nun.. Yung walang katapusan na lambingan…
“Jane! I love you so much..”
“I love you more than much Clarkson..”
The End.
Sana nagustuhan niyo ang love story nina CLARKSON at JANE.
PAALAM! ^_____________^