42
1 Ang Suliranin at ang Kaligiran nito Introduksyon Ang laryo ay isang bloke na ginagamit sa pagmamason o sa pagkokonstrak ng isang istraktura, maaari itong gawa sa clay soil, lime, buhangin, o konkretong materyal. Ito ay isang mahalagang gamit sa konstraksyon ng mga gusali. Ngunit ng dahil sa kakulangan sa pagkukunan ng sangkap at kamahalan ng gastos sa produksyon nito kailangan ng ibang pang paraan upang mas patagalin, at patibayin ang kalidad nito. Ang kalidad ng isang laryo ang magdidikta kung gaano katibay ang isang gusaling ginamitan nito, kung mas matibay ang isang laryo mas matibay at mas matagal magagamit ang isang gusali at maiiwasan ang agad na pagguho nito. Ang ideya sa likod ng pagaaral na ito ay ang pagdadagdag ng buhok sa komposisyon ng laryo. Ang buhok ay isang magandang pampalakas sa paggawa ng mga laryo dahil sa

Hello from

Embed Size (px)

DESCRIPTION

The other side

Citation preview

Page 1: Hello from

1

Ang Suliranin at ang Kaligiran nito

Introduksyon

Ang laryo ay isang bloke na ginagamit sa pagmamason o sa pagkokonstrak ng

isang istraktura, maaari itong gawa sa clay soil, lime, buhangin, o konkretong materyal.

Ito ay isang mahalagang gamit sa konstraksyon ng mga gusali. Ngunit ng dahil sa

kakulangan sa pagkukunan ng sangkap at kamahalan ng gastos sa produksyon nito

kailangan ng ibang pang paraan upang mas patagalin, at patibayin ang kalidad nito. Ang

kalidad ng isang laryo ang magdidikta kung gaano katibay ang isang gusaling ginamitan

nito, kung mas matibay ang isang laryo mas matibay at mas matagal magagamit ang

isang gusali at maiiwasan ang agad na pagguho nito.

Ang ideya sa likod ng pagaaral na ito ay ang pagdadagdag ng buhok sa

komposisyon ng laryo. Ang buhok ay isang magandang pampalakas sa paggawa ng mga

laryo dahil sa natural na kakayahan ng buhok na mag-absorb ng tubig. Mas tatagal at

titibay ang isang laryokung mapipigilan ang weathering na dulot ng tubig at araw.

Mapipigilan ang pagkasira dulot ng weathering sa mga laryo kung mahahaluan ang

komposisyon nito ng bagay na makakapagabsorb ng tubig kaysa ito ay mapunta sa iba

pang nilalaman ng laryo.

Ayon kay Ankush Gupta (2014), ang buhok ng tao ay madalas na walang halaga

sa iba’t ibang lipunan. Ito ay nakadadagdag pa sa mga problemang may kaugnayan sa

Page 2: Hello from

2

kalinisin at kaayusan ng ating kalikasan. Ang buhok ng tao ay nagtataglay ng mga

kemikal na nagpapabagal rito na maagnas. Sa kabilang banda naman, ang buhok ng tao

ay isang epektibong pampalakas sa paggawa ng semento dahil sa taglay nitong kemikal

na mayroong mataas na antas ng kalakasan at kaganitan. Ito rin ay masasabing

nakakapagpabawas sa madaling pagkasira ng mga kongkreto.

Ang mga mananaliksik ay nakaisip ng paraan upang mas patibayin ang laryo na

ginagamit sa konstraksyon sa pamamagitan ng pagpapapalakas dito gamit ang buhok ng

tao. Ito ay makatutulong upang maresolba ang mga problema sa kakulangan ng sangkap

at kamahalan ng gastos sa produksyon nglaryo. Ang solusyon na ito ay walang

masamang epekto sa kalikasan dahil hindi ito gagamitan ng synthetic na materyales.

Bagkus ito ay makakatulong pa sapagkat ang hindi naaagnas na buhok imbes na

nakakalat kung saan-saan ay magagamit na bilang parte ng paggawa ng laryo.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng tesis na ito ay ang maipresenta ng bagong inobasyon ng

komposisyon ng isang laryo. Layunin ng mga mananaliksik na makagawa at

mapatunayan na ang pagdadagdag ng buhok ng tao sa komposisyon ng isang laryo ay

makakapagdulot ng pagtibay nito. Ang pag-aaral na ito ay layuning maipresenta sa mga

mambabasa ang bagong komposisyon ng laryo sa pamamagitan ng mga karampatang

kasagutan sa mga katangungang:

Page 3: Hello from

3

1. Ang pagdadagdag ba ng buhok ng tao sa komposisyon ng laryo ay mabisang

pampalakas?

2. Ang laryo ba na hinaluan ng buhok ng tao ay hindi agad nasisira?

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sumusunod:

1. Makagawa ng laryo sa pamamagitan ng paghahalo ng buhok ng tao at iba pang

kasangkapan sa paggawa nito.

2. Mapasuri ang kaganitan at katibayan ng laryong gawa sa buhok ng tao.

3. Mabawasan ang kalat dulot ng buhok sa pamamagitan ng paggamit nito sa

makabuluhang bagay sapagkat ito ay hindi nalalansag.

4. Makagawa ng laryo na mas matipid sa karaniwan ng hindi nababawasan ang

kalidad nito.

5. Mapaebalweyt ang kabisaan ng paggamit ng buhok ng tao sa paggawa ng laryo sa

mga respondente.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagan ng pag-aaral na ito na isinasagawa ng mga mananaliksik ay para sa

mga taong nagnanais na magkaroon ng alternatibong kasangkapan sa pagkokonstrak ng

gusali. Ito ay para rin sa mga taong bukas ang kaisipan sa sa mga isyung pang-kalikasan.

Mahalaga rin ito para sa mga taong nagnanais makapagnegosyo sa mababang halaga. Isa

sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang matulungan ang ating lipunan na umusbong sa

malinis at mahusay na paraan ng hindi nakakaapekto sa ating kalikasan.

Page 4: Hello from

4

Ikatutuwa ng mga taong nangangalaga sa ating kalikasan ang ganitong pag-aaral

sapagkat ito ay makakatulong sa pagwaksi ng mga bagay at kalat na hindi nalalansag at

naaagnas. Isa rin itong malaking kontribusyon sa ating kalikasan sapagkat ang pag-aaral

na ito ay hindi lamang nakatulong sa paglinis ng kalat na dulot ng mga di-naaagnas na

buhok kundi pati na rin sa pagbuo ng organiko at makabagong kasangkapan sa paggawa

ng laryo. At dahil sa paggamit dito, maiiwasan ang mga masasamang epekto dulot ng

mga delikadong kemikal o synthetic na materyales.

Gayundin naman ang kahalagahan nito para sa mga negosyante at sa mga nagbabalak

pa lamang na magtayo ng negosyo sa maliit na mahalaga. Ang paggawa ng tindahan na

bumubuo ng laryo ay isang magandang pagkukunan ng hanapbuhay. Ito rin ay

makakatulong sa industriya ng ating komersyo sapagkat madaragdagan ang ating mga

may potensyal na negosyente. Makakabuo ka ng isang negosyong hindi mo na

kailangang alalahanin ang mga mahal na kagamitan dahil ito ay maaaring gawin gamit

ang iba’t-ibang kasangkapan na puwede nating makita sa loob ng ating tahanan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagpresenta makabagong inobasyon pagbuo

ng laryo na may halongbuhok ng tao. Iikot ang buong pag-aaral na sa dalawang ideya:

una ay ang pagdagdag ng buhok ng tao bilang mabisang pampalakas sa komposisyon ng

isang laryo at pangalawa ay ang pagtukoy kung ito ay epektibo bang alternatibo sa

pagkokonstrak ng gusali sa murang halaga nang hindi nababawasan ang kalidad nito.

Page 5: Hello from

5

Nilimitahan ang pananaliksik nito sa mga estyudante ng Kolehiyo ng Inhinyerya at

Arkitektura lamang. Ibig sabihin tanging mga estudyante ng departamentong ito ang mga

magiging respondente sa pag-aaral na ito.

Sa paggawa naman ng mismong laryo, nakapokus ang pagbuo nito sa mga

sumusunod na kasangkapan tulad ng buhok ng tao, semento at kahoy na maaaring

gamitin bilang lalagyanan ng gagawing laryo. Nilimitahan ang buhok ng tao sa kahit

anong haba o kapal nito. Sa pagpili naman ng semento, nilimitahan ito sa kahit anong

tatak ng semento. Nakadepende na ito sa mga taong gagawa ng laryo. Hindi rin

makakaapekto ang laki ng paglalagyan ng nasabing laryo.

Depinisyon ng Terminolohiya

Para sa layunin ng ganap na pag-unawa sa pagbasa ng pag-aaral na nito, ang mga

mananaliksik ay binigyang-pansin ang mga terminolohiya na hindi madaling mauunawan

ng mga mambabasa sapagkat ito ay mga salitang jargon. Ang mga sumusunod na

terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal kung paano ito ginamit sa riserts:

Weathering.Ito ang kemikal o mekanikal na proseso kung saan ang mga

bagay ay nalantad sa iba’t-ibang lagay ng panahon na maaaring makapagdulot

ng pagkasira at pagkawasak.

Page 6: Hello from

6

Synthetic. Ito ay produkto ng kemikal na sintesis. Ito ay kahit anong bagay na

nagmula sa kahit anong bagay na dumaan sa proseso ng sintesis at hindi

natural. Ito ay mga bagay na gawa ng tao mula sa kemikal na proseso.

Kaganitan. Ito ang estado ng isang bagay kung saan ito ay nasa pinakarurok

na ng kalakasan. Ito rin ay ang pagtukoy sa kalakasan at katibayan ng isang

bagay.

Page 7: Hello from

7

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabanatang ito tatalakayin ang iba’t-ibang mga literatura, at mga artikulo na

nanggaling sa mga libro at internet may kaugnayan sa paksang napili ng mga

mananaliksik. Tatalakayin din ang mga kaugnay na pag-aaral o tesis at ang mas malawak

na pagpapakahulugan sa pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa ginawang pag-aaral nina Ochia et. al, ang paggamit ng fiber-

reinforced method sa paggawa ng laryo ay isa sa mga pinakaepektibong paraan ng

pagpapalakas sa isang laryo.

“Ang kumakailan na pag-aaral na isinigawa base sa mataas na gawa sa fiber-reinforced na konkreto sa bloke na nakita sa pag dadagdag ng fibers na tinustusan ng residwal na kalakasan at pagkontrol ng basag. Residwal na kalakasan na direkto sa pag hahati-hati sa bahagi ng fiber.” (Ochia et. Al, 2007)

“Ang fibers ay kadalasang ginagamit sa konkretong pagkontrol sa basag sa mga pagpapatuyo ng shrinkage. Kadalasan din binabawasan ang permeability ng kongkreto at ang pagbawas ng pagtagas ng tubig. Meron din ibang uri ng fibier na naglalabas ng mas mataas na impak, ambrasyon at pagkabasag ng konkreto.” (Ochia et. Al, 2007)

“Ang buhok ng kabayo ay ginagamit sa mortar at mudbricks.” (Ochia et. Al, 2007)

Page 8: Hello from

8

Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Ankush Gupta(2014), ang kalat na dulot ng

buhok ng tao ay isa sa mga problema na kinakaharap ng iba’t ibang lipunan. Ito ay

nakakapagdulot ng malawakang kalat sapagkat ang buhok ng tao ay hindi naagnas. Ayon

din sa kanyang pag-aaral, ang buhok ng tao ay mabisang pampalakas sa mga kongkreto

sapagkat ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng kaganitan at mayroon itong kemikal na

tinatawag na keratin na mas nakakapagpatibay sa komposisyon ng kongkreto.

“Dahil sa mataas na antas ng kaganitan at mataas na antas ng friction coefficient, ang buhok ng tao ay maaaring gamitin bilang pampalakas sa mga kongkreto na hinaluan ng clay. Sa iba’t ibang lugar sa Bangladesh, Syria, at India, ang buhok ng tao ay hinahalo sa kongkreto na mayroong clay upang mabawasan ang mabilis na pagkasira ng mga kongkreto.” (Ankush Gupta, 2014)

Base sa ginawang pag-aaral ni Bob Bennett (2004), napatunayan na ang paggamit

ng buhok ng kabayo at unggoy ay mabisang pampalakas sa komposisyon ng isang laryo.

Ang buhok ng hayop ay napatunayan na may taglay na kemikal na tinatawag na keratin

na mas lalong nagpapatibay sa komposisyon ng laryo. Sa pag-aabsorb ng buhok sa tubig,

hindi madaling nasisira ang laryo kahit na pabago-bago ang panahon.

“Fiber-reinforced bricks are advantageous over conventional clay bricks as per following aspects: Less water absorption, less weight, better finishing, high strength, less mortar consumption for joints filling, less number of bricks required, reduced wastage.” (Bob Bennett, 2004)

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Yu Wang (2000) sa kanyang librong Journals of Materials in Civil

Engineering, epektibo ang paggamit ng kahit anong klase ng fiber tulad ng buhok ng tao,

Page 9: Hello from

9

buhok ng hayop, sintetik na fiber at iba pa bilang pampalakas sa laryo. Nakakatulong ito

sa pagtaas ng tenacity o kalakasan ng isang laryo.

Ayon sa libro nina Binici et. Al(2007) na Construction and Building Materialsang

mga natural fibers tulad ng buhok ay makakatulong sa pagbawas ng pagkasira ng isang

laryo.

“Pati ang natural na fibers ay nagagamit na din sa adobe at ibang tradisyonal na bagay ng anyong lupa sa matagal na panahon para mabawasan ang pag-kabsag ng shrinkage at mas mapatibay ang tensile at kalidad.” (Binici et. Al,2007)

Ayon naman kay  Biol Macromol et. al(2000), ang buhok ng tao ay nagtataglay

ng keratin. Ang keratin ay isang kemikal na nagtataglay ng libo-libong protina kaya ang

buhok ng tao ay hindi madaling maputol o masira.

“Ang pangunahing kailangan ng buhok ay keratin. Ang keratin ay isang protina ng amino acids. Ang keratin bahagi ng selula ng epidermis ng buhok, kuko, pakpak, hooves, horny tissues at enamel na ngipin.” (Biol Macromol et. Al,2000)

“Ang matitigas na keratin ay napaka mainam na pang bawas. Hindi din ito madaling natutunaw sa tubig at ito din ay mataas na resistibo dahil sa proteolytic enzymes. Sa iyong makikita, ang buhok ay mula sa matigas na keratin proteins.” (Biol Macromol et. Al,2000)

Ayon naman sa libro nina Chee-Ming Chan, et. al(2011), nakatutulong ang

komposisyon ng buhok ng tao sa pagpapataas ng antas at kaganitan ng isang kongkreto.

Sinasabi rito na ang buhok ng tao ay nag-aabsorb ng sobrang tubig upang mabawasanang

mabilis na pagkasira ng mga kongkreto. Ito ay dahil ang buhok ng tao ang nagbibigkis

Page 10: Hello from

10

sa iba’t ibang parte ng laryo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nasisira agad

ang laryong hinaluan ng buhok ng tao.

“Ang buhok ng tao ay isang materyal na may mataas na antas ng kaganitan at kalakasan na katumbas ng isang copper wire na may parehong haba at kapal.” ( Chee-Ming Chan, 2011)

Page 11: Hello from

11

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasaga sa pamamaraang pang-eksperimentong

pananaliksik o mas kilala sa Ingles bilang experimental research. Ang mga mananaliksik

ay ieeksamin ang dalawang uri ng laryo. Isa ay ang simpleng laryo na gawa sa semento at

ang ikalawa naman ay ang laryo na may buhok ng tao. Ito ay isasalin sa pressure test

upang mapatunayan ang kabisaan ng nasabing pananaliksik. Nais ng pag-aaral na ito ang

maipresenta ang paggawa ng laryo na may halong buhok ng tao bilang isang bagong sa

inobasyon sa industriya ng paggawa ng laryo. Nais ring malaman ng mga mananaliksik

ang palagay ng tao sa nasabing paksa.

Respondente

Ang mga napiling respondente ng mga mananaliksik ay ang mga piling

estudyante mula sa Kolehiyo ng Inhinyeriya at Arkitektura sa Unibersidad ng Banal na

Anghel. Nakakatiyak ang mga mananaliksik na angkop at naaayon ang mga nasabing

estudyante dahil ang paggamit ng buhok bilang pangunahing kasangkapan sa paggawa ng

laryo ay isa sa mga kapakipakinabang na kontribusyon ng mga napapanahong inhinyero

sa kasalukuyan. Ito ay isang mahalagang inobasyon na makakatulong sa mga inhinyero

lalo na sa mga may kaugnayan sa pagbuo ng iba’t-ibang gusali at estraktura. Isa pa sa

Page 12: Hello from

12

mga magiging respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga pagawaan ng laryo sa

siyudad ng Angeles. Kailangan ring isasaalang ang palagay at pananaw ng mga eksperto

na at matagal na sa industriya ng paggawa ng mga laryo. Dahil sa kadahilanang ito, ang

mga magiging kasagutan ng mga respondante ay walang pagdududang magagamit ng

mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang instrument upang mapatunayan

ang pananaliksik na ito. Una ay ang pagsasalin ng mga ginawang laryo sa pressure test

upang maipresenta ang kaibahan ng simpleng laryo sa laryo na may halong buhok ng ito.

Ang mga nasabing laryo ay ipepresenta naman sa mga nasabing respondente. Ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey na ginagamitan ng mga kwestyoneyr

upang alamin ang magiging palagay ng mga respondante tungkol sa paksang hinain.

Upang mas maging mabisa ang paggamit ng sarbey para makakalap ng impormasyon at

upang makakuha ng tama na mga datos, lubos na pagtutuunan ng pansin ng mga

mananaliksik ang paggawa ng mga tanong sa nasabing sarbey. Ang mga ito ay mula at

hango sa mga iba’t-ibang maaasahang hanguan ng kaalaman tulad ng libro, internet,

artikulo at iba pa.

Tritment ng Datos

Page 13: Hello from

13

Ang mga nakalap na datos at resulta sa magaganap na eksperimento at sarbey

masusing pag-aaralan at bibigyang pansin ng mga mananaliksik. Ang mga kasagutang ng

mga respondante ay itatara gamit ang istatistiks. Upang mas maunawaan at maintindihan

ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, gagamit ang mga mananaliksik ng mga biswal

na representatsyon tulad ng grap at talahanayan upang lubos na maipaliwanag ang mga

datos at resulta ng pag-aaral.

Page 14: Hello from

14

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Matapos maisagawa ang eksperimento at ang pagsasarbey, ang mga nakolektang

datos ay itinara at ipinagsamasama upang mapakita ang kabisaan ng nasabing

pananaliksik sa paggamit ng buhok ng tao sa paggawa ng matibay na laryo.

Ang unang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik na ito ay ang

eksperimentasyon kung saan may dalawang laryo. Ang isa ay ang karaniwang laryo at

ang isa naman ay ang laryong hinaluan ng buhok ng tao. Ang dalawang laryo ay

parehong ieeksamin sa pamamagitan ng “pressure test”.

Talahanayan 1

Presyur na Inilagak

(Kilonewton)Karaniwang Laryo

Laryo na may Halong Buhok ng

Tao

100 kN Pumasa Pumasa

200 kN Pumasa Pumasa

300 kN Pumasa Pumasa

400 kN Hindi Pumasa Pumasa

Makikita sa datos na ito na ang dalawang konkreto ay parehong pumasa hanggang

sa tatlong libong newton na presyur na inilagak sa kanila. Sa huling parte ng datos,

tanging ang laryo na may halong buhok ng tao lamang ang pumasa sa apat na libong

newton na presyur. Ang karaniwang laryo ay umabot sa tatlong daan at apat napu newton

Page 15: Hello from

15

na presyur ( 340.1 kN) habang ang laryo na may halong buhok ng tao ay umabot sa apat

na daan at walumpu newton na presyur ( 480.6 kN).

Grap 1

40%60%

Kalakasan ng Laryo

Karaniwang Laryo Laryo na may buhok ng tao

Sa pinakahuling datos naman na nakalap na nagmula sa pagpapaeksamin ng

kalakasan ng mga laryo, nakakuha ng 340.1 kN ang karaniwang laryo habang 480.6 kN

naman ang laryo na may halong buhok ng tao. Kung saan mas mataas ng dalawampung

porsyento ( 20% ) ang kalakasan ng laryo may halong buhok ng tao kumpara sa

karaniwang laryo. Pinapatunayan lamang na higit na mas matibay ang laryo na hinaluan

ng buhok ng tao.

Ang mga sumusunod na datos naman ay nagmula sa pagsasarbey gamit ang mga

kwestyoneyr. Ito ay isinasagawa sa walumpung (80) estudyante ng Unibersidad ng Banal

na Anghel na kumukuha ng kursong Inhinyeriya. Ang sarbey ay naglalaman ng sampung

katanungan at itinara ang mga kasagutan ng mga respondante upang mailatag ang resulta

ng sarbey.

Page 16: Hello from

16

Grap 2

57%

33%

10%

Mabisang Pampalakas sa Paggawa ng Laryo

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa unang katanungan, pitumpu’t pitong porsyento (57%) o apatnaput anim (46)

na respondente ang sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao bilang mabisang

pampalakas sa paggawa ng laryo. Habang tatlumput tatlong porsyento(33%) naman o

dalawamput anim (26) na respondante ang hindi sumasang-ayon at sampung porsyento

(10%) o walong (8) respondent ang nag-aalangan. Makikita na mas mataas ang

porsyento at bilang ng mga respondante na sumasang-ayon na ang paggamit ng buhok ng

tao ay isang mabisang pampalakas sa paggawa ng laryo.

Grap 3

45%

47%

8%

Maaaring Gamitin sa Paggawa ng Gusali

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Page 17: Hello from

17

Sa ikalawang tanong sa ginawang pagsasarbey, apatnaput limang porsyento (45

%) o tatlumput anim (36) ang sumasang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao bilang

epektibong alternatibo sapaggawa ng gusali. Habang apatnaput pitong porsyento (47%) o

tatlumput walong (38) respondente ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento ( 8 %)

at anim(6) na respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta na mas marami

ang hindi sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao bilang epektibong alternatibo sa

paggawa ng gusali sa murang halaga ngunit hindi nababawasan ang kalidad nito.

Grap 4

70 %10%

20 %

Ang Laryong Hinaluan ng Buhok ng Tao ayMadali Lamang Gawin

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa pangatlong tanong na inihain ng mga mananaliksik, pitumpung porsyento

( 70% ) o limampu’t anim na respondante ang sumasang-ayon na ang paggawa ng

laryong hinaluan ng buhok ng tao ay madali lamang gawin. Habang sampung porsyento (

10% ) o walong respondante(8%) ang hindi sumasang-ayon at dalawampung porsyento (

20% ) 0 labing anim(16) na respondante ang nag-aalangan. Masasabi na marami sa

respondante ang sumasang-ayon na madali lamang gawin ang laryong may halong buhok

ng tao. Ito ay maaaring magawa sa madaling pamamaraan.

Page 18: Hello from

18

Grap 5

75%

5%20%

Kapaki-pakinabang sa Kasalukuyang Industriya sa Paggawa ng Laryo

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa ikaapat na katanungan, pitumpu’t limang porsyento ( 75% ) o animnapung (60)

respondante ang sumangsang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao sa paggawa ng

laryo ay naayon at kapaki-pakinabang sa kasalukayang industriya ng paggawa ng laryo.

Limang porsyento ( 5% ) o apat (4) na respondante ang hindi sumasang-ayon at

dalawampung porsyento ( 20% ) o labing anim (16) na respondante ang nag-aalangan.

Masasabi na mas mataas ang porsyento at bilang ng mga sumasang-ayon na malaking

kontribusyon ang pagdagdag ng buhok ng laryo sa pagbuo ng laryo sa industriya nito.

Grap 6

63%25%

12%

Mas Matagal at Hindi Madaling Masira ang Laryongmay Halong Buhok ng Tao

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Page 19: Hello from

19

Sa ikalamang katanungan, animnapu’t tatlong porsyento (63%) o limampun’t

isang (51) respondante ang sumasang-ayon na mas matagal ang buhay ng laryong

hinaluan ng buhok ng tao kay sa karaniwang laryo. Habang dalawampu’t limang

porsyento (25%) o dalawampung (20) na respondante ang hindi sumasang-ayon at

labingdalawang porsyento (12%) o siyam (9) na respondante ang nag-aalangan. Makikita

na mas mataas ang bilang ng mga respondante na sumasang-ayon na mas matagal at hindi

medaling masira ang laryong hinaluan ng buhok ng tao kumpara sa karaniwang laryo.

Grap 7

72%

20%8%

Solusyon sa MadalingPagkasira ng Laryo dulot ng "Weathering"

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa ikaanim na katanungan, pitumpu’t dalawang porsyento (72%) o limampu’t

walong (58) respondante ang sumasang-ayon na ang pag-aaral na ito ay isang solusyon sa

medaling pagkasira ng mga laryo dulot ng weathering. Habang dalawampung porsyento

(20%) o labing anim (16) na respondante ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento

(8%) o anim (6) na respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta na ito na

mas madami ang sumasang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao bilang pampalakas sa

laryo ay isang solusyon sa mabilis na pagkasira ng mga laryo dulot ng weathering.

Page 20: Hello from

20

Grap 8

75%

22% 3%

Makatutulong sa Pagbawas sa Kalat na Dulot ng Buhok ng Tao

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa ikapitong katanungan, pitumput limang porsyento (75%) o animnapung (60)

respondente ang sumasang-ayon na ang pag-aaral na ito ay isang saolusyon sa

malawakang kalat na dulot ng buhok ng tao. Habang dalawamput dalawang porsyento

(22%) o labing walong (18) na respondante ang hindi sumasang-ayon at walong

porsyento (3%) o dalawang (2) respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang

resulta na ito na mas madami ang sumasang-ayon na ang pag-aaral ay makakatulong sa

pagbawas sa kalat na dulot ng buhok ng tao sapagkat ito ay hindi naaagnas.

Grap 9

83%

16% 1%

Gumagamit ng Organiko at MakakalikasangKasangkapan

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Page 21: Hello from

21

Sa ikawalong katanungan, walumput tatlong porsyento (83%) o animnaput anim

(66) na respondente ang sumasang-ayon na ang pananaliksik na ito ay hindi gumagamit

ng mga kasangkapan na may halong delikadong mga kemikal. Habang labing anim na

porsyento (16%) o labing tatlong (13) respondente ang hindi sumasang-ayon at dalawang

porsyento (2%) o isang (1) respondente ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta

na ito na higit na mas madami ang sumasang-ayon na ang pag-aaral na ito ay gumagamit

ng organiko at makakalikasang kasangkapan.

Grap 10

65%25%

10%

Magandang Oportunidad para sa mga Nagnanaisna Magnegosyo

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa ikasyam na katanungan, animnaput limang (65%) o limamput dalawang (52)

respondente ang sumasang-ayon na ang pananaliksik na ito ay isang magandang

oportunidad sa mga nagnanais na magnegosyo. Habang dalawamput limang porsyento

(25%) o dalawampung (20) respondente ang hindi sumasang-ayon at sampung porsyento

(10%) o walong (8) respondente ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta na ito na

mas mataas ang porsyento ng mga sumasang-ayon na pananaliksik na ito ay isang

magandang oportunidad sa mga taong nagnanais na magnegosyo.

Page 22: Hello from

22

Grap 11

58%38%

4%

Ito ay mas Matibay kaysa sa Karaniwang Laryo

Sumasang-ayon

Hindi Sumasang-ayon

Pag-aalangan

Sa panghuling katanungan naman, limamput walong (58%) o apatnaput anim

(46) na respondente ang sumasang-ayon na ang pagdadagdag ng buhok ng tao sa

komposisyon ng laryo ay mas matibay sa karaninwang laryo. Habang tatlumput walong

porsyento (38%) o tatlumpung (30) respondente ang hindi sumasang-ayon at apat na

porsyento (4%) o apat (4) na respondente ang nag-aalangan. Masasabi sa naging resulta

sa sarbey na mas madami sa mga respondente ang sumasang-ayon na mas matibay ang

laryo na may halong buhok ng tao kaysa sa karaniwang laryo.

Page 23: Hello from

23

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Sa ginawang pag-aaral na ito, ang pangunahing layunin ng mga

mananaliksik ay ang makuha ang palagay ng mga respondante bilang isang inobasyon at

bagong pamamaraan sa paggawa ng laryo sa pamamagitan ng pagbibigay konsiderasyon

sa paggamit ng buhok ng tao bilang pangunahing kasangkapan sa pagbuo ng isang

matibay na laryo. Dalawang pamamaraan ang ginamit ng mga mananalik sa pag-aaral na

ito. Una ay ang paglalarawan-patakarang pagsusuri (descriptive-trend analysis) o

feasibility study at ang ikalawa ay ang pang-eksperimentong pananaliksik o experimental

research. Magsasagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey gamit ang mga

kwestyoneryr upang malaman ang palagay ng mga respondante paksang inihain at

iprinisenta.Upang mas maging mabisa ang mga resulta ng pananaliksik, lubos na

pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang paggawa ng mga tanong sa nasabing

sarbey. Ang mga ito ay mula at hango sa mga iba’t-ibang maaasahang hanguan ng

kaalaman tulad ng libro, internet, artikulo at iba pa. Ito ay isinagawa sa taong- akademiko

2014-2015.

Sa kabuuan, sa walumpung respondente na sumagot ng inihaing sarbey, mas

mataas ang bilang ng sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao bilang pangunahing

komposisyon sa paggawa ng isang matibay na laryo.

Page 24: Hello from

24

Kongklusyon

Mula sa mga nakalap na mga datos sa pag-aaral na ito, humantong ang mga

mananaliksik sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Ang karaniwang laryo ay umabot sa tatlong daan at apat napu newton na presyur (

340.1 kN) habang ang laryo na may halong buhok ng tao ay umabot sa apat na

daan at walumpu newton na presyur ( 480.6 kN). Makikita sa datos na ito na ang

dalawang konkreto ay parehong pumasa hanggang sa tatlong libong newton na

presyur na inilagak sa kanila. Sa huling parte ng datos, tanging ang laryo na may

halong buhok ng tao lamang ang pumasa sa apat na libong newton na presyur.

2. Sa pinakahuling datos naman na nakalap na nagmula sa pagpapaeksamin ng

kalakasan ng mga laryo, nakakuha ng 340.1 kN ang karaniwang laryo habang

480.6 kN naman ang laryo na may halong buhok ng tao. Kung saan mas mataas

ng dalawampung porsyento ( 20% ) ang kalakasan ng laryo may halong buhok ng

tao kumpara sa karaniwang laryo. Pinapatunayan lamang na higit na mas matibay

ang laryo na hinaluan ng buhok ng tao.

3. Pitumpu’t tatlong porsyento ( 74%) o limampu’t siyam (59) na respondante ang

sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao bilang mabisang pampalakas sa

paggawa ng laryo. Habang walong porsyento (8%) naman o anim(6) na

respondante ang hindi sumasang-ayon at labing walong porsyento (18%) o

labinlimang (15) ang nag-aalangan. Makikita na mas mataas ang porsyento at

Page 25: Hello from

25

bilang ng mga respondante na sumasang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao

ay isang mabisang pampalakas sa paggawa ng laryo.

4. Pitumpu’t pitong porsyento (57 %) o apatnapu’t anim (46) ang sumasang-ayon na

ang paggamit ng buhok ng tao bilang epektibong alternatibo sapaggawa ng gusali.

Habang tatlumpu’t limang porsyento (35%) o dalawampu’t walong (28)

respondante ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento ( 8 %) at anim na

respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta na mas marami ang

sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao bilang epektibong alternatibo

sapaggawa ng gusali sa murang halaga ngunit hindi nababawasan ang kalidad

nito.

5. Pitumpung porsyento ( 70% ) o limampu’t anim na respondante ang sumasang-

ayon na ang paggawa ng laryong hinaluan ng buhok ng tao ay madali lamang

gawin. Habang sampung porsyento ( 10% ) o walong respondante(8%) ang hindi

sumasang-ayon at dalawampung porsyento ( 20% ) 0 labing anim(16) na

respondante ang nag-aalangan. Masasabi na marami sa respondante ang

sumasang-ayon na madali lamang gawin ang laryong may halong buhok ng tao.

Ito ay maaaring magawa sa medaling pamamaraan.

6. Pitumpu’t limang porsyento ( 75% ) o animnapung (60) respondante ang

sumangsang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao sa paggawa ng laryo ay

naayon at kapaki-pakinabang sa kasalukayang industriya ng paggawa ng laryo.

Limang porsyento ( 5% ) o apat (4) na respondante ang hindi sumasang-ayon at

dalawampung porsyento ( 20% ) o labing anim (16) na respondante ang nag-

aalangan. Masasabi na mas mataas ang porsyento at bilang ng mga sumasang-

Page 26: Hello from

26

ayon na malaking kontribusyon ang pagdagdag ng buhok ng laryo sa pagbuo ng

laryo sa industriya nito

7. Animnapu’t tatlong porsyento (63%) o limampun’t isang (51) respondante ang

sumasang-ayon na mas matagal ang buhay ng laryong hinaluan ng buhok ng tao

kay sa karaniwang laryo. Habang dalawampu’t limang porsyento (25%) o

dalawampung (20) na respondante ang hindi sumasang-ayon at labingdalawang

porsyento (12%) o siyam (9) na respondante ang nag-aalangan. Makikita na mas

mataas ang bilang ng mga respondante na sumasang-ayon na mas matagal at hindi

medaling masira ang laryong hinaluan ng buhok ng tao kumpara sa karaniwang

laryo.

8. Pitumpu’t dalawang porsyento (72%) o limampu’t walong (58) respondante ang

sumasang-ayon na ang pag-aaral na ito ay isang saolusyon sa medaling pagkasira

ng mga laryo dulot ng weathering. Habang dalawampung porsyento (20%) o

labing anim (16) na respondante ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento

(8%) o anim (6) na respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta

na ito na mas madami ang sumasang-ayon na ang paggamit ng buhok ng tao

bilang pampalakas sa laryo ay isang solusyon sa mabilis na pagkasira ng mga

laryo dulot ng weathering.

9. Pitumput limang porsyento (75%) o animnapung (60) respondente ang sumasang-

ayon na ang pag-aaral na ito ay isang saolusyon sa malawakang kalat na dulot ng

buhok ng tao. Habang dalawamput dalawang porsyento (22%) o labing walong

(18) na respondante ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento (3%) o

dalawang (2) respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta na ito

Page 27: Hello from

27

na mas madami ang sumasang-ayon na ang pag-aaral ay makakatulong sa

pagbawas sa kalat na dulot ng buhok ng tao sapagkat ito ay hindi naaagnas.

10. Walumput tatlong porsyento (83%) o animnaput anim (66) na respondente ang

sumasang-ayon na ang pananaliksik na ito ay hindi gumagamit ng mga

kasangkapan na may halong delikadong mga kemikal. Habang labing anim na

porsyento (16%) o labing tatlong (13) respondente ang hindi sumasang-ayon at

dalawang porsyento (2%) o isang (1) respondente ang nag-aalangan. Makikita sa

itinarang resulta na ito na higit na mas madami ang sumasang-ayon na ang pag-

aaral na ito ay gumagamit ng organiko at makakalikasang kasangkapan.

11. Animnaput limang (65%) o limamput dalawang (52) respondente ang sumasang-

ayon na ang pananaliksik na ito ay isang magandang oportunidad sa mga

nagnanais na magnegosyo. Habang dalawamput limang porsyento (25%) o

dalawampung (20) respondente ang hindi sumasang-ayon at sampung porsyento

(10%) o walong (8) respondente ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta

na ito na mas mataas ang porsyento ng mga sumasang-ayon na pananaliksik na ito

ay isang magandang oportunidad sa mga taong nagnanais na magnegosyo.

12. Limamput walong (58%) o apatnaput anim (46) na respondente ang sumasang-

ayon na ang pagdadagdag ng buhok ng tao sa komposisyon ng laryo ay mas

matibay sa karaninwang laryo. Habang tatlumput walong porsyento (38%) o

tatlumpung (30) respondente ang hindi sumasang-ayon at apat na porsyento (4%)

o apat (4) na respondente ang nag-aalangan. Masasabi sa naging resulta sa sarbey

na mas madami sa mga respondente ang sumasang-ayon na mas matibay ang

laryo na may halong buhok ng tao kaysa sa karaniwang laryo.

Page 28: Hello from

28

13. Pitumput limang porsyento (75%) o animnapung (60) respondente ang sumasang-

ayon na ang pag-aaral na ito ay isang saolusyon sa medaling pagkasira ng mga

laryo dulot ng weathering. Habang dalawamput dalawang porsyento (22%) o

labing walong (18) na respondante ang hindi sumasang-ayon at walong porsyento

(3%) o dalawang (2) respondante ang nag-aalangan. Makikita sa itinarang resulta

na ito na mas madami ang sumasang-ayon na ang pag-aaral ay makakatulong sa

pagbawas sa kalat na dulot ng buhok ng tao sapagkat ito ay hindi naaagnas.

14. Sa kabuuan, makikita sa mga ginawang pagsusuri at pagsisisyasat ng mga

mananaliksik mas marami ang sumasang-ayon sa paggamit ng buhok ng tao

bilang pangunahing kasangkapan sa pagbuo ng laryo.

3. Rekomendasyon

1. Para mga inhinyero na naghahanap ng matibay na kagamitan sa pagtatayo ng iba’t

ibang gusali, ang paghahalo ng buhok ng tao sa pagbuo ng laryo nakakadagdag sa

kalakasan ng nasabing laryo.

2. Para sa mga negosyante na nais makabuo ng isang negosyo, ang paggamit ng

buhok ng tao sa pagbuo ng laryo ay isang negosyo na nangangailangan lamang ng

maliit na halaga ng kapital. Ito ay magandang pagkakakitaan at pagkukuhanan ng

hanapbuhay.

3. Para sa ekonomiya ng bansa, makakatulong ang pananaliksik na ito ay isang

malaking kontribusyon sa industriya ng paggawa ng laryo. Sa inobasyong ito, mas

maraming negosyante ang tatangkilik sa ganitong negosyo na magdudulot ng

paglago ng ekonomiya n gating bansa.

Page 29: Hello from

29

4. Para sa mga naghahanap ng tarabaho, ang paggawa ng laryo na may halong buhok

ng tao ay isang oportunidad sa pagbuo ng negosyo sa murang halaga. Ito ay

maaring magawa sa madaling paraan.

5. Para sa mga makakalikasan, ang paggamit ng buhok ng tao sa pagbuo ng laryo ay

makakatulong sa pagbawas sa kalat ng dulot ng buhok ng tao dahil ito ay hindi

nalalansag. Sa pamamagitan nito, nalinis na ang kapaligaran, nakagawa ka pa ng

kapaki-pakinabang na bagay.

6. Para sa mga susunod na mananaliksik na magsasagawa ng pag-aaral na may

kaugnayan sa pananaliksik na ito, inirerekomenda na masusing pag-aralan ang

mga pakinabang at benepisyo na dulot ng paggamit ng buhok ng tao sa paggawa

ng laryo. Inirerekomenda rin ang pagdagdag sa bilang ng mga respondante upang

mas maging mabisa at akyureyt ang resulta ng nasabing pananaliksik.