5
HINDUISMO Ang Hinduismo (Sanskrit: Sanātana Dharma o "walang-hanggang batas") ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India. Kasaysayan Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang nagpaumpisa nito. Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo. Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay ang Brahman, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ng Brahman. Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng

HINDUISMO

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: HINDUISMO

HINDUISMO

Ang Hinduismo (Sanskrit: Sanātana Dharma  o "walang-hanggang batas") ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India.

KasaysayanKaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang nagpaumpisa nito. Sinasabi na ang mga Asyano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo. Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay ang Brahman, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib sa Brahman. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ng Brahman.Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos na may ulo ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Sistemang KasteAng Sistema ng Antas ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas na panlipunan, gaya ng: (1) Brahmin (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang antas ay mga patapon, itinatawag na "mga hindi mahahawakan" o "mga hindi masasaling" ("mga hindi mahihipo"). Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada, pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang "hindi mahahawakan" ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may antas.

Page 2: HINDUISMO

HUDAISMO

Ang Hudaismo (Kastila: ju·da·ís·mo; Ebreo: (yahedut ,יהדות ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyongpampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo atIslam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Hudaismong SepardiAng Hudaismong Separdi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa timog Yuropa, Mediteraneo, at kanluran at gitnang Asya. Sa kasaysayan, mas naging kaugalian ng mga Separdi na makihalubilo sa pangkalahatang populasyon kung ihahambing sa mga Askenasi, na mas susceptible sa pagbubukod mula sa mas malawak na lipunan;[2] dulot ito ng magkakaibang klimang pangkultura at pampananampalataya na kinagalawan ng dalawang pangkat na ito.

Hudaismong AskenasiAng Hudaismong Askenasi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa hilagang Yuropa.Sa mga nakaraang dalawang dantaon nahati ang mga Hudyo ng hilangang Yuropa sa ilang mga kilusan o denominasyon; ito ang kabaliktaran ng sitwasyon sa mga Hudyong Separdi, na bagaman iba-iba ang mga pananaw ay nananatili pa ring nagkakaisa. May iba’t ibang pagkaunawa ang bawat isa sa kung anong mga prinsipyo ng paniniwala ang dapat angkinin ng isang Hudyo, at kung paano dapat mamuhay ang isang Hudyo. Hindi tulad sa mga denominasyong Kristyano, hindi pundamental na napapaghati ng mga pagkakaibang pandoktrinang ito ang mga kilusang Hudyo, na tuluyan pa ring nagsasanib sa ilang mga isyu. Hindi pambihira, halimbawa, ang pagsimba ng isang Hudyong Masorti sa isang sinagogang Ortodokso o Repormista.

Page 3: HINDUISMO

BUDISMO

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising") ay isang relihiyon at pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-Silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravāda (Sanskrit: Sthaviravāda), Mahāyāna, at Vajrayāna (uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao.Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon.Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Hiyas (o Three Jewels): ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha), at ang Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230 hanggang 500 milyon ang bilang ng mga Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang lupalop ng daigdig.

PaniniwalaNakatuon ang Budismo sa mga turo ni Siddhartha Gautama o "Buddha", at minsan ding Gautama Buddha, na isang mangangaral na nabuhay noong sirka 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang rehiyon ng Indiya. Nahati rin ang Budhismo sa Theravada, Mahayana, at Vajrayana.