1
Repleksyon sa Horoscope ni Eli Rueda Guieb III Sadyang natural na sa tao ang pagpapahula.Kung iisipin,ang tao ay sadyang di mapakali at maalahanin sa kapalaran.Kaya ang mga manghuhula ay laganap sa mga dyaryo at sa mga kalsada-dito kahit papaano ay naiibsan ang ating paranoia na malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga araw. Nakakaaliw na ginamit ng may-akda ang horoscope bilang pundasyon sa kanyang akdang Horoscope. Ang mga zodiac signs,sumisimbulo sa isang “tauhan” ang siyang naging sentro ng akda at kung paano nila haharapin ang kanilang mga suliranin sa kani-kanilang mga relasyon.Bawat araw sa isang linggo ay binibgyan sila ng payo ng manghuhula,madalas ang mga payo ay magkakakunekta sa isa't isa. Kapag binasa mo sa unang pagkakataon ang akda ay aakalain mong basta-bastang “hula” lang ang mga ito.Ngunit kung tutuusin,ang mga hula na nasa akda ay salamin ng ating lipunan at ang iba't ibang relasyon na nabubuo-relasyong magkasintahan,,relasyong pangmag-asawa,relasyong “cougar” (bata't matanda na magkarelasyon),pati mga relasyong homosekswal.Ang mga hula ay parang patama na rin sa mga mambabasa-bawat situwasyong hinaharap ng mga tauhan sa akda ay para ding mga nararanasan natin sa tunay na buhay,at sa bawat payong ibinibigay ng manghuhula para na rin tayo ang nabibigyan ng payo. Higit na nakakaaliw na malaman sa pagbabasa ng akda na malaman na magkakakunekta pala ang buhay ng mga tauhan: Gemini-ang iniwan ng girlfriend na si Libra para sa kapwa babaeng si Capricorn Aquarius at Scorpio-kapwa lalaking umiibig sa isa't isa Pisces at Taurus-magkasintahang nagkahiwalay Aries at Cancer-mag-asawang humaharap sa banta ng karamdaman Virgo at Sagittarius-magkasintahang namomoblema sa isa't isa pati sa pageksena ni Leo,ang kanilang gusto na crush ni Virgo Sa pagtatapos ng akda,nalinawan ang mambabasa na ang kanilang kwento ay di magkakahiwalay-anupa't ang kanilang mga istorya ay magkakadugtong sa isang parte o iba pa.Ang misteryo ng horoscope ay parang misteryo din pala ng buhay-bawat relasyong binubuo natin ay may kuneksyon,at ang bawat desisyon na nagagawa natin ay may epekto sa lahat ng ating mahal sa buhay.

Horoscope (Review)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sadyang natural na sa tao ang pagpapahula.Kung iisipin,ang tao ay sadyang di mapakali at maalahanin sa kapalaran.Kaya ang mga manghuhula ay laganap sa mga dyaryo at sa mga kalsada-dito kahit papaano ay naiibsan ang ating paranoia na malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga araw.

Citation preview

Page 1: Horoscope (Review)

Repleksyon sa Horoscopeni Eli Rueda Guieb III

Sadyang natural na sa tao ang pagpapahula.Kung iisipin,ang tao ay sadyang di mapakali at maalahanin sa kapalaran.Kaya ang mga manghuhula ay laganap sa mga dyaryo at sa mga kalsada-dito kahit papaano ay naiibsan ang ating paranoia na malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga araw.

Nakakaaliw na ginamit ng may-akda ang horoscope bilang pundasyon sa kanyang akdang Horoscope. Ang mga zodiac signs,sumisimbulo sa isang “tauhan” ang siyang naging sentro ng akda at kung paano nila haharapin ang kanilang mga suliranin sa kani-kanilang mga relasyon.Bawat araw sa isang linggo ay binibgyan sila ng payo ng manghuhula,madalas ang mga payo ay magkakakunekta sa isa't isa.

Kapag binasa mo sa unang pagkakataon ang akda ay aakalain mong basta-bastang “hula” lang ang mga ito.Ngunit kung tutuusin,ang mga hula na nasa akda ay salamin ng ating lipunan at ang iba't ibang relasyon na nabubuo-relasyong magkasintahan,,relasyong pangmag-asawa,relasyong “cougar” (bata't matanda na magkarelasyon),pati mga relasyong homosekswal.Ang mga hula ay parang patama na rin sa mga mambabasa-bawat situwasyong hinaharap ng mga tauhan sa akda ay para ding mga nararanasan natin sa tunay na buhay,at sa bawat payong ibinibigay ng manghuhula para na rin tayo ang nabibigyan ng payo.

Higit na nakakaaliw na malaman sa pagbabasa ng akda na malaman na magkakakunekta pala ang buhay ng mga tauhan:✔ Gemini-ang iniwan ng girlfriend na si Libra para sa kapwa babaeng si

Capricorn Aquarius at Scorpio-kapwa lalaking umiibig sa isa't isa✔ Pisces at Taurus-magkasintahang nagkahiwalay✔ Aries at Cancer-mag-asawang humaharap sa banta ng karamdaman✔ Virgo at Sagittarius-magkasintahang namomoblema sa isa't isa pati sa

pageksena ni Leo,ang kanilang gusto na crush ni VirgoSa pagtatapos ng akda,nalinawan ang mambabasa na ang kanilang

kwento ay di magkakahiwalay-anupa't ang kanilang mga istorya ay magkakadugtong sa isang parte o iba pa.Ang misteryo ng horoscope ay parang misteryo din pala ng buhay-bawat relasyong binubuo natin ay may kuneksyon,at ang bawat desisyon na nagagawa natin ay may epekto sa lahat ng ating mahal sa buhay.