1
Huwag balewalain ang pagkahilo Noel Sales Barcelona Hindi dapat basta balewalain na lamang ang pagkahilo, laluna kung masyado na itong madalas dahil baka sintomas na pala ito ng malalalang problemang pangkalusugan. “Dizziness is the feeling of being lightheaded, woozy, or unbalanced. It affects the sensory organs, specifically eyes and ears. It can cause fainting. Dizziness is not a disease but a symptom of other disorders,” sabi ng isang artikulong nailathala sa Healthline.com. Hindi dapat ipag-alala ang pagkahilo kung minsan lamang itong nangyayari. Pero, gaya nga nang nasabi na, kung madalas, dapat na itong patingnan sa inyong duktor dahil maaaring dulot na ito ng biglaang pagbaba ng antas ng dugo; sakit sa kalamnan ng puso; pagbaba ng antas ng dugo; kondisyong neurological; side effect ng iniinom na gamot; anxiety disorders; hypoglycemia o pagbaba ng asukal sa dugo; anemia o kakapusan sa iron; impeksiyon sa tainga; pagkaubos ng tubig sa katawan (dehydration); heat stroke; masyadong pagod; at motion sickness. Mahalaga na magpatingin agad sa duktor kapag napapansin na madalas ang pagkahilo. Sa pagsusuri kasi ng duktor maaaring malaman kung ano ang sanhi at kung ano ang maaaring gawin para maibsan ang kondisyong nararanasan. Bukod sa sintomas ng iba pang sakit, maaari ring maging sanhi ng aksidente ang pagkahilo na may kasamang pagkahimatay. Maaari kasing makabangga ang isa kapag nagmamaneho; maipit ng makina kapag nagtatrabaho; at mabagok ang ulo kapag bumagsak ang nakararanas ng pagkahilo.

Huwag Balewalain Ang Pagkahilo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A Filipino piece about dizziness and the probable root cause of this.

Citation preview

Page 1: Huwag Balewalain Ang Pagkahilo

Huwag balewalain ang pagkahiloNoel Sales Barcelona

Hindi dapat basta balewalain na lamang ang pagkahilo, laluna kung masyado na itong madalas dahil baka sintomas na pala ito ng malalalang problemang pangkalusugan.

“Dizziness is the feeling of being lightheaded, woozy, or unbalanced. It affects the sensory organs, specifically eyes and ears. It can cause fainting. Dizziness is not a disease but a symptom of other disorders,” sabi ng isang artikulong nailathala sa Healthline.com.

Hindi dapat ipag-alala ang pagkahilo kung minsan lamang itong nangyayari. Pero, gaya nga nang nasabi na, kung madalas, dapat na itong patingnan sa inyong duktor dahil maaaring dulot na ito ng biglaang pagbaba ng antas ng dugo; sakit sa kalamnan ng puso; pagbaba ng antas ng dugo; kondisyong neurological; side effect ng iniinom na gamot; anxiety disorders; hypoglycemia o pagbaba ng asukal sa dugo; anemia o kakapusan sa iron; impeksiyon sa tainga; pagkaubos ng tubig sa katawan (dehydration); heat stroke; masyadong pagod; at motion sickness.

Mahalaga na magpatingin agad sa duktor kapag napapansin na madalas ang pagkahilo. Sa pagsusuri kasi ng duktor maaaring malaman kung ano ang sanhi at kung ano ang maaaring gawin para maibsan ang kondisyong nararanasan.

Bukod sa sintomas ng iba pang sakit, maaari ring maging sanhi ng aksidente ang pagkahilo na may kasamang pagkahimatay. Maaari kasing makabangga ang isa kapag nagmamaneho; maipit ng makina kapag nagtatrabaho; at mabagok ang ulo kapag bumagsak ang nakararanas ng pagkahilo.