Upload
mary-ann-encinas
View
1.222
Download
36
Embed Size (px)
Citation preview
Entrepreneurship Aralin 5
Matagumpay na Entrepreneur sa ating Bansa
DAY 1Naiisa-isa ang
matatagumpay na entrepreneur sa ating
bansa
•Kilala ba ninyo ang mga nasa larawan?
•Alam ba ninyo kung ano ang kanilang mga negosyo?
Sino-sino ang makapagbibigay ng iba’t-
ibang negosyo na kanilang pagmamay-ari?
Alamin Natin
Siya ang nagmamay-ari ng Philippine Airlines na pangunahing paliparan sa bansa. Siya rin ang nasa likod ng Asia Brewery at Fortune Tobacco
LUCIO TAN
Siya ang punong tagapamahala San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng pagkain, inumin at iba pang produkto na may mga tanggapan pa sa China, Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam.
EDUARDO “DANDING” COJUANGCO
Ang Pampanga’s Best ang nangunguna sa pagbebenta ng tocino at iba iba pang produktong gawa sa karne
LOLITA HIZON
CECILIO PEDRO
Si Cecilio Pedro ang sinasabing isa sa mga matagumpay na negosyante sa Pilipinas . Siya ang nagmamay-ari ng Hapee Toothpaste. Ang kaniyang pagiging malikhain sa paggawa ng panlinis ng ngipin ang naging susi sa kaniyang pagiging maunlad
ALFREDO YAO
Ang paglalagay ng juice sa pakete ay naisip ni Alfreo Yao noong 1980. Nagsimula ang interes niya sa negosyo sa pagpapakete hanggang naisip niya ang naisip niya ang pagpapakete ng juice na Zest-O
SOCORRO RAMOS
Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong-barong ng pamilyang Ramos pagkatapos ng pananakop ng mga Hapon sa maynila
DAVID CONSUNJI
Si David Consunji ay ang namamahala sa pinakamalaking kompanya sa konstruksiyon sa bansa na gumagawa ng mga produktong konstruksiyon sa bansa na gumagawa ng mga produktong konkreto at mga gawaing elektrikal. Ang DMCI Holdings Inc. ay abala rin sa paggawa ng mga konstruksiyon at pangangasiwa at pamumuhunan ng mga power plant.
JOHN GOKONGWEI JR.
Umabot ang kita niya sa 680 milyong dolyar noong 2008. Ang kaniyang mga ari-arian ay iba-iba gaya ng; pananlapi, kemikal na galing sa petrolyo, pagpapalipad ng eroplano tulad ng Cebu Pacific Air, telekomunikasyon tulad ng Digital Communications Philippines, pagpapalaki ng mga baboy, tulad ng Universal Robina Corporation, at pagnenegosyo sa lupa tulad ng Robinson’s Land
TONY TAN CAKTIONG
Noong 1975, napagpasiyahan ni Tony at ng kaniyang mga kapatid na lalaki na magtayo ng ice cream parlor hanggang ito’y lumago at nabuo ang pinakamalaking kainan sa bansa. Ito ang Jollibee.
MANNY VILLAR
Siya’y nagsimula sa kapital na P10 000 na ginamit sa pagpapatayo ng isang maliit na negosyong pangkonstruksiyon na kinalaunan ay lumaki at naging isang malawakang proyektong pabahay
HENRY SY
Hawak niya ang ilan sa mga nagungunang bangko sa bansa: ang Banco de Oro at China Banking Corporation. Siya rin ang kinilalang pinakamayamang negosyante noong 2008 dahil sa paglaki ng kita ng mga bangko at ng SM supermalls na kaniyang pagmamay-ari
Pagpapalalim ng Kaalaman
ENTREPRENEUR
Punan ang dyagram ng mga pangalan ng entrepreneur o negosyanteng tinalakay.
Paglalahat
Ibigay ang mga pangalan ng mga matatagumpay
na Entrepreneur sa ating Bansa
Pagtataya
• Paghambingin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno
A.1.Danding Cojuanco2.Socorro Ramos3.Lucio Tan4.Henry Sy5.David Consunji6.Tony Tan Caktiong7.Alfredo Yao8.Cecilio Pedro9.John Gokongwei Jr.10.Lolita Hizon
B.
A.AklatanB. Konstruksiyon at power plantC. Sa pananalapi, kemikal na galing sa
petrolyoD.Panlinis ng ngipinE. Pinakanangungunang bangko sa bansaF. JuiceG.Kainan hango sa BeeH.Produkto gawa sa karneI. Pinakamalaking korporasyon ng pagkainJ. Pinakaunang kompanya ng eroplano
Pangwakas na Pagtatasa
• Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang. Piliin ang sagot mula sa hanay B.
_____1. pinamayamang negosyanteng Pilipino na nagmamay-ari ng Asia Brewery, Allied Bank, Philippine Airlines, at Fortune Tobacco_____2. May-ari ng Jollibee. Tinaguriang Best Pilipino Entrepreneur._____3. Siya ang may-ari ng SM malls._____4. Nagmula sa mahirap na pamilya na ngkaroon ng malawakang proyektong pabahay._____5. May-ari ng National Bookstore._____6. Nakaisip at nagmamay-ari ng Zest-O juice._____7. Matagumpay na negosyante na may-ari ng Hapee Toothpaste_____8. Tagapamahala ng SannMiguel Corporation_____9. Pampaga’s Best ang kaniyang negosyo_____10. May-ari ng DMCI Holdings Inc.
A.Manny VillarB. Henry SyC. Socorro RamosD.David ConsunjiE. John Gokongwei Jr.F. Tony Tan CaktiongG.Eduardo “Danding”
CojuangcoH.Lolita HizonI. Ceclio PedroJ. Alfredo YaoK. Lucio Tan
Takdang Aralin• Isabuhay ang natutunan sa aralin. Kung ikaw ay isang
entrepreneur, anong negosyo ang iyong sisimulan?• Sumulat ng isang talata sa iyong kuwaderno tungkol dito
DAY 2Natutukoy ang mga pamamaraang
maaaring magamit para sa tagumpay
DAY 2Natutukoy ang mga pamamaraang
maaaring magamit para sa tagumpay
•Ano-ano kaya ang mga dapat gawin upang magtagumpay bilang isang
Entrepreneur•Napapahalagahan ang mga kuwento ng
pag-asenso na naranasan sa pamamagitan ng indibidwal at sama-
samang pagkilos
Pagganyak
Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
Ayon kay Dr. Stephen Krauss, isang sikat na dermatologist sa Atlanta, dapat daw nating tandaan ang limang elemento ng tagumpay.
1. Vision- marapat na ating tukuyin kung ano ang gusto nating marating sa buhay.
2. Estratehiya- upang matupad natin ang ating pangarap sa buhay ay dapat na mayroon tayong malinaw na layunin at plano
Alamin Natin
3. Tiwala sa Sarili- Kailangang magkaroon ng tiwala sa sarili ng kakayahan. Dapat nating alamin ang magaganda nating katangian na tutulong sa atin upang makamit natin ang ating pangarap sa buhay.
4. Tiyaga – “kung may tiyaga may nilaga.” Ito ang kasabihan na dapat nating tandaan. Ang mga pagkabigo na tin sa buhay ay dapat hindi maging dahilan upang panghinaan ng loob. Ipagpatuloy natin ang pagtitiyaga dahil ito ang susi sa tagumpay.
5. Pagtutuwid sa Pagkakamali- Kailangang matuto sa mga naging pagkakamali
Pagpapalalim ng Kaalaman
•Magsulat ng mga karagdagang elemento upang magtagumpay
1.____________________________2.____________________________3.____________________________
Paglalahat
Ano-Ano ang limang elemento na
natutunan mula sa aralin?
Pagtataya
• Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagtupad ng ating gustong marating sa buhay.
A. Estratehiya C. VisionB. Pagtitiwala sa Sarili D. Pagtitiyaga
2. Ito ang kasabihan na dapat nating tandaan. Ang mga kasawian natin sa buhay ay dapat na hindi maging dahilan upang panghinaan ng loob. Ipagpatuloy natin ang pagtitiyaga dahil ito ay susi sa tagumpay
A. Pagtitiyaga C. Pagtitiwala sa SariliB.Vision D. Pagtuwid sa pagkakamali
3. Isang katangiang maganda na tutulong sa atin upang makamit natin ang ating pangarap sa buhay.
A. Vision C. Pagtitiwala sa SariliB. Estratehiya D. Pagtitiyaga
4. Ito ay pagkatuto sa mga maling hakbang at maisasagaw ang mga pagtatama sa pagkakamali.
A. pagtitiyaga C. pagtitiwala sa sariliB. vision D. pagtutuwid ng pagkakamali
5. Kailangan nating magkaroon ng paniniwala sa sarili nating kakayahan. Dapat nating alamin ang magaganda anating katangian na tutulong sa atin upang makamit ang ating pangarap sa buhay.
A. Pagtitiyaga C. Pagtitiwala sa SariliB. Vision D. Pagtuwid sa Pagkakamali
Tandaan Natin
Hindi sagabal ang kahirapan upang maging matagumpay sa buhay. Maaaring indibidwal o sama-samang pagkilos ang susi sa tagumpay. Ang tagumpay ay hindi batay sa suwete kundi sa ilang hakbang na maaaring gawin ng indibidwal o grupo.
Pangwakas na Pagtatasa
• Kung ikaw ay isa entrepreneur, anong elemento ng tagumpay ang iyong isasaalang-alang at bakit?• Gumawa ng talata na mayroong 5 pangungusap o higit pa. • Ihayag ito sa klase
Takdang Aralin• Ilapat ang mga natutunan sa aralin. Paano mo gagamitin ang 5
elemento ng tagumpay sa iyong pag-aaral. Ipaliwanag ang iyong mga kasagutan.
1. Vision2. Estratehiya3. Tiwala sa Sarili4. Pagtitiyaga5. Pagtutuwid sa Pagkakamali