Upload
others
View
135
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
0
masaligRepublic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2 Pasya mo, Buhay mo
Zest for Progress
Zeal of Partnership
7
Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________
Baitang at Seksyon:______________________________
Paaralan:_______________________________________
1
Alamin
Magandang araw mga butihing mag-aaral!
Sa araling ito, iyong matututuhan kung paano magiging gabay ang pag-aaral o edukasyon sa paggawa ng mabuting pagpapasiya na magiging daan
patungo sa makabuluhang buhay. Mayroong isang kasabihan na nagsasabing, “Ang ating buhay ay ang
kabuuan ng ating mga ginagawa at pinagpapasyahan.” Gaano nga ba katotoo ang kasabihang ito? Malaki nga ba ang epekto sa ating buhay ng
mga bagay na ating pinagpapasyahan?
Ang tao ay nilikha ng Diyos na katangi-tangi at naiiba sa lahat ng nilalang sapagkat ang tao lamang ang may kakayahang magpasya o magdesisyon sa kaniyang buhay. Napakapalad natin sapagkat pinagkalooban tayo ng Diyos
ng kakayahang ito na ating magagamit upang makapamuhay ng tama, maayos at makabuluhan.
Ang mga inihandang gawain sa modyul na ito ay naglalayon na patnubayan
kayong makamit. EsP7PB-IVc-14.1 Ikalawang Linggo
➢ Naisusuri ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya.
➢ Nakagagawa ng graphic organizer na may malinaw na posisyon kaugnay sa mabuting pagpapasya.
➢ Natutunan ng mag-aaral ang kahalagahan ng matuwid at tamang pagpapasya ay sapagkakaroon ng makabuluhang buhay.
Subukin
Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot at bilogan ang tamang sagot.
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa?
A.Upang sa tuwing tayo ay hihingi ng pabor, sila ay hindi makatanggi.
B.Paglalayang gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay
ng inspirasyon na tularan ng iba.
Bago tayo magsisimula sa ating gawain, sagutin muna natin ang maikling
pagtataya upang tayahin ang lawak ng kaalaman lalo na sa nilalaman ng
aralin. Handa ka na ba?
2
C.Masayang tumulong lalo na kung may ibibigay na kapalit.
D.Para may matatanggap na grasya.
2. Alin ang nagpapakita ng kabutihan sa kapwa?
A. Pagtulong na walang hinihintay na kapalit.
B. Pagpapakopya sa kaklase para pareho kayo ng iskor.
C. Pagtulong sa guro para may makuhang puntos.
D. Paghuhugas ng pinggan sa bahay tapos hihingi ng pera kay Tatay.
3. Aling pangangailangan ng mga matatanda na maaari mong tugunan?
A. bigyan ng bahay at lupa C. pag-aaruga at malasakit
B. pera D. pabayaan na lamang
4. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa
buhay na may kalakip na pagtitiis, at determinasyon.
A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
A. Mapabibilis ang paggawa
B. Magkaroon ng sense of Achievement
C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa
D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
6.
Anong paraan ka makatutulong?
A.Mamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa
kapaligiran.
B.Walang magawa dahil estudyante pa lamang.
C.Liliban sa klase.
D.Hayaan ang iba na siyang gumawa ng paglilinis ng kapaligiran.
7. Ano ang dapat gawin ng isang taong may pangarap sa buhay?
A. magbuwis ng buhay . C. magsumikap at magtiyaga
B. maghintay kung anong mangyari D. magsawalang bahala
8. Saan nakatali ang katuparan ng ating pinipiling pangarap bilang tao?
A. bagay B. puntahan C. bokasyon D. tao
Bilang isang boy scout at girl scout natutunan mo sa paaralan ang kahalagan ng
kalinisan ng pangangalaga sa kapaligiran.
3
9. Ano ang gagamitin sa mabuting pagpapasya?
A. isip at damdamin C. kaisipan at kalagayan
B. pera at kayamanan D. kaibigan at impluwensya
10. Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso sa
pagpapasya
A. isip C. panahon
B. damdamin D. magandang mithiin
Balikan Gawain 1: Bunga ng pagpapasya Panuto: Lagyan ito ng tsek (√) sa kahon kung ito ay nagpapakita ng wastong
pasya. Lagyan ng ekis (X) kung hindi. Punan ng angkop na salita ang bawat patlang para mabuo ang pasyang bunga ng masusing pag-aaral.Piliin ito sa loob ng kahon.
. Pagkakalat sa daan
Source:http://camnortenews.com/page/wp-
content/uploads/2018/01/basura2.jpg
Ang pagbuo ng proyektong makakatulong para mapanatili
ang kalinisan sa paligid ay isang halimbawa ng ______________
para makatulong sa ______ .
Paggamit ng reusable na
bayong tuwing namimili
Source:https://poshmark.com/listing/Philipppines-
Native-Bayong-Bag-5c6aae33a31c33dd2aba1ed8
. Ang paggamit ng reusable na
bayong ay isa sa mga _________ng pasyang nabuo mula sa mga
________ nakalap na ang mga plastics ay naiipon sa karagatan
na siyang pumapatay ng mga yamang tubig at siya ring
dahilan ng acid rain.
Modyul 2
Pasya mo, Buhay mo
1
2
Pagsasangguni, Pagkakataon Payo,Gabay
Sitwasyon,Batas
Bunga, Impormasyon Pagkakataon, Lipunan
4
. Pagkukumpuni ng mga sirang gamit
Para muling gamitin. Source:ttps://manilatoday.net/wp-content/uploads/2017/02/16427292_
119947178519810_259139576484962637_n.jpg
. Ang pagkukumpuni ng mga sirang
gamit ay isang _________na tumutugon sa pasyang may pagsaalang-alang sa mga_______
pangkalikasan, mga mabuti,malalim, kritikal at
pagkamalikhaing pag-iisip.
. Pakikipagpalitan ngkaisipan sa
kapwa Source:https://seekersportal.files.wordpress.com/2010/11 /paskongmgabata.jpg
Ang pakikipagpalitan ng kaisipan sa
kapwa ay isang paraan ng pangangalap ng mahahalagang _____ o ____ para
lalong luminaw ang isasagawang pagpapasya.
.
Pagsangguni sa titser
kung may hindi na unawaan
sa aralin. Source:https://blog.uad.ac.id/ummu1400005263/
files/2015/01/BelajarDanMengajar.jpg
. Ang _________________sa guro o
nakatatanda ay isang matalino at maingat
na hakbang sa pagbuo ng pasya dahil sa mga payo o gabay na
kanilang ibibigay. Ito’y isang________sa buhay ng mga kabataan na kailan ma’y hindi
dapat isinasantabi.
Tuklasin Gawain 2: Ginawa Mo Kahinatnan Mo!
Panuto:May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating gumawa ng agarang pagpapasiya. Ipaliwanag ang larawan na nasa ibaba,
ano ang tamang pagpasya ang dapat gawin?
3
4
5
Hello! Naging madali ba ang pagsagot sa mga katanungan? Sa ngayon
maglalakbay tayo tungo sa kaalaman hingil sa mga pasyang nakikita natin
sa ating kapaligiran Halikana ating tutuklasin!
5
https://www.freepik.com/free-vector/dirty-toilet-
scene_3787123.htm#page=1&query=dirty&position=7
https://www.freepik.com/freehahn-vect
Sagutin:1. Ano ang naging pagpapasya mo sa mga ibinigay na sitwasyon?
a. _____________________________________________
b. _____________________________________________
c. _____________________________________________
2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging mga pasya? Pangatwiranan.
3. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga
nito bago tayo gumawa ng pasya?
Rubrics sa Pagmamarka
MgaBatayan
Antas ng Pagmamarka
5 3 2
1. Nilalaman
Naipahayag sa
talata ang
opinion.
Hindi
masyadong
naipahayag ang
opinion.
Malayo sa paksa
ang naisulat na
talata.
2.Organisasyo
n
Maayos ang
pagkasulat ng
talata.
Nagkasunod-
sunod ang
mgaideya. May
panimula,
katawan at
konklusyon.
Di gaano
maayos ang
pagkasulat ng
talata. May
panimula at
konklusyon
Hindi maayos ang
pagkasulat ng
talata. Walang
panimula,
katawan at
konklusyon.
6
Suriin
Tandaan
Ang pagpapasya ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon
Sa kinakaharap na sitwasyon. Maaring tama o mali ang pasya ng isang tao.
Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya;
• Ang mabuting pagpapasya - isang proseso kung saan malinaw na
nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
• .Panahon - ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso
sa pagpapasya
• Isip at damdamin - ang mga instrumento o gamit sa mabuting
pagpapasya.
1. Isip
• Pinagninilayan natin ang sitwasyon.
• Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga
kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilihan.
.
2. Damdamin
• Tiyaking kagustuhan nga natin ang ginawang pagpili.
• Kung kaya’t sinasala ng ating damdamin ang anumang natuklasan ng ating isip.
3.Maaring tayong humingi ng pagpili upang gawin natin ang pagpapasya, ngunit hindi natin
dapat hayaang maimpluwensyahan tayo ng opinyon ng iba sa paraang nawawalan tayo ng
kalayaan.
• Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya.
• Ang proseso ng mabuting pagpapasya sa maikling salita ay batay sa ating
pagpapahalaga. Ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng
sapat na panahon ang ating pasya.
.
7
Pagyamanin
Gawain 3: Pangako mo Tuparin Mo!
Panuto:Basahin ang kwento at ipaliwanawag ang kahalagahan ng matuwid
at tamang pagpapasya.
Si Aamir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na
Makasama sa isang camping. Nangako sa kaniya ang kaniyang ama na
papayagan siyang sumama kung siya ay makaiipon nang sapat na pera
para
rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni Joe sa pagtitinda ng
diyaryo. At
nakaipon ng sapat na halaga ng kailangan para sa camping at may
kaunti pang
halaga na natira para panggastos para sa kaniyang sarili. Ngunit
nagbago ang
isip ng kaniyang ama bago dumating ang araw ng kanilang camping.
Ang ilan
sa kaniyang mga kaibigan ay nagpasiyang mangisda sa ibang lugar.
Kapos ang pera ng kaniyang ama upang ipang gastos sa pangingisda.
Kaya, kinausap niya si Aamir upang hingin dito ang perang kaniyang naipon
para sa kaniyang camping. Iniisip ni Aamir na tumanggi na ibigay sa kaniyang
ama ang kaniyang naipong pera.
Ang malinaw na posisyon kaugnay sa mabuting pagpapasya ay ang sumusunod;
➢ magkalap ng kaalaman
➢ magnilay sa mismong aksyon
➢ hingin ang gabay ng Diyos
➢ Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
Bawat isa sa atin ay araw-araw na bumubuo ng pasya. Mula sa mga karaniwan
hanggang sa masalimuot na pagpapasya. Ang pagbuo ng pasya ay maaring tama o
kaya naman ay nangangailangan ng pagtatama ng kakayahang magpasya o gumawa
ng desisyon ay natatanging biyaya ng Diyos sa tao.
Bilang tao, ang ating pasya ang isa sa nagbibigay ng katangian sa atin. Ito ay
sumasalamin sa ating pag-iisip, saloobin at mga mahalagang paniniwala o prinsipyo
sa buhay. Lahat ng ating tinatama sa buhay ay bunga lamang ng ating pagpapasya,
mas nabubuo ang ating pagkatao kung mabuti ang pangyayari sa ating buhay. Hingil
dito,dapat na alahahanin na kung mabuti ang pasya para mabuti din ang resulta at
tayo ay magkaroon ng sapat na importansya, Dito nalilinang ang ating misyon sa
buhay na susi din ng ating ganap na pagkatao
8
Mga tanong:
1.Dapat bang tumanggi si Aamir na ibigay ang kaniyang naipong pera sa
kaniyang ama? Pangatwiranan ang sagot.
2. May Karapatan ba ang ama ni Aamir na hingin ang perang naipon ng
kaniyang anak na si Aamir? Pangatwiranan.
3.Ang pagbibigay ba ng perang naipon ni Aamir ay maaaring maging
sukatan ng pagiging mabuting anak? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-
alang ng isang ama pagdating sa kaniyang relasyon sa kaniyang anak?
5. Sa kabuuan, bakit mahalagang tuparin ang isang pangako?
9
Isaisip
GAWAIN 4: Isipin mo ang pasya mo!
Panuto: Aling pasya ang bunga ng masusing paggamit ng mga salik ng
pagpapasya? Ihanay ang mga pasya sa nakasunod na kahon.
•Paggawa ng
pagkasunud-sunod
ng pang-araw-araw
na gawain.
•Pagkakaroon ng
prinsipyo o
panuntunansabuhay
•Paggawa ayon sa
iniuutos lamang
•Pagkilos ayon sa
kagustuhan ng mga
kaibigan
•Pangangalaga sa
kalusugan
•Kusang pagsali sa mga
organisasyong may
layuning mangalaga sa
kalikasan.
•Pagsunod sa mga batas
kung may nakakakita
Tamang pasya
Pasyang nangangailangan ng
Payo/Gabay
Isagawa
GAWAIN: Posisyon ko pasya ko!
Panuto: Isulat sa loob ng graphic organizer ang malinaw na posisyon
kaugnay
sa mabuting pagpapasiya.
Posisyon ng
Mabuting pagpapasya
10
Rubrics sa Pagmamarka
MgaBatayan Antas ng Pagmamarka
5 3 2
1. Nilalaman Maayos na
naipahayag ang
opinyon
Hindi gaanong
maayos na
naipahayag ang
opinyon
Malayo sa
paksa ang
nasulat na
opinion.
2. Organisasyon Mahusay ang
pagkasulat ng
naipahayag na
opinion.
Di gaano
mahusay ang
pagkasulat ng
naipahayag na
opinion.
Hindi mahusay
ang pagkasulat
ng naipahayag
na opinion..
Tayahin PANUTO: Piliin ang tamang pasya sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Saan nagsisimula ang lahat ng tagumpay ng tao?
A. pangarap B. pagnanasa C. panaginip D. pagpapasya
2. Kumpletuhin ang pangungusap sa 2 Corinto 12:9. “At siya’ynagsabi sa
akin, ang aking ____ ay sapat na saiyo: sapagkat ang aking kapangyarihan
ay nagiging sakdal sa kahinaan.”
A. biyaya B. paanyaya C. paubaya D. pagkakataon
3.Ano ang dapat gawin ng isang taong may pangarap sa buhay?
A. magbuwis ng buhay . C. magsumikap at magtiyaga
B. maghintay kung anong mangyari D. magsawalang bahala
4. Saan nakatali ang katuparan ng ating pinipiling pangarap bilang tao?
A. bagay B. puntahan C. bokasyon D. tao
5. Ano ang gagamitin sa mabuting pagpapasya?
A. isip at damdamin C. kaisipan at kalagayan
B. pera at kayamanan D. kaibigan at impluwensya
6. Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso sa
pagpapasya?
A. isip B. damdamin C. panahon D. magandang mithiin
11
7. Bakit sinasabi na isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral ang pakikipag-
usap sa guro?
A.Magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan
B.Ang komunikasyon ng guro at mag-aaral ay nararapat na bukas at
maayos
C.Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na
tama ang pagka-unawa sa mga takdang-aralin at sa paghahanda sa mga
pagsusulit
D.Mahirap kausapin ang guro
8.
Anong paraan ka makatutulong?
A.Mamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa
kapaligiran.
B.Walang magawa dahil estudyante pa lamang.
C.Liliban sa klase.
D.Hayaan ang iba na siyang gumawa ng paglilinis ng kapaligiran.
9. Bakit marami ang nagkakasakit sa isang lugar?
A.Malinis ang kapaligiran.
B.Nakikilahok sa pangangalaga ng kapaligiran.
C.Pinababayaang marumi ang kapaligiran.
D.Nagsasagawa ng proyektong pangkalinisan.
10. Bakit mahalagang humingi ng opinyon sa mga taong nakatatanda sa
iyo?
A.Di na kailangan dahil sapat na ang aking natutunan.
B.Upang hindi mapapagalitan
C.Dahil kailangan
D.Dahil hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa katotohanan
Bilang isang boy scout at girl scout natutunan mo sa paaralan ang kahalagan ng
kalinisan ng pangangalaga sa kapaligiran.
12
Karagdagang Gawain 1
Panuto: Isulat ang katangian ng guro na nagpapakita o naglalarawan ng kanyang pagkatao. Paano bibigyan ng depinisyon ang salitang mabuti sa
kanyang katauhan? Pumili ka kung sino ang pinakamagaling na guro para sa iyo?
13
Karagdagang Gawain 2
Panuto: Isulat ang katangian ng iyong Nanay na nagpapakita o naglalarawan ng kanyang pagkatao. Paano bibigyan ng depinisyon ang
salitang mapag-aruga sa kanyang katauhan?
14
Sanggunian Google, August 10, 2018, https://github.com/googlei18n/noto-emoji/tree/v2018-08-10-unicode11/svg/emoji_u1f917.svg Educational Programs Simply Made Just for You, Grade 7 Learner’s Materials, May 5, 2017, http://educationalprojams.weebly.com/lms-cgs-and-tgs/grade-7-learners-materials-lm , EdukasyonsaPagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaralpahina 97-120EdukasyonsaPagpapakatao7Modyul para sa Mag-aaralpahina 2 https://www.healthyschoolsbc.ca/media/22228/hlf-parent-filipino-final.pdf https://e-edukasyon.ph/filipino/sa-kabuuuanbakit-mahalagang-tuparin-142594 Photos courtesy of Ricky Pera and MENRO Daet FB Page January 02, 2018 https://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/01/basura2.jpg
February 18, 2019 https://di2ponv0v5otw.cloudfront.net/posts/2019/02/18/5c6aae33a31c33dd2aba1ed8/m_5c6aae898ad2f99891dd0f84.jpg
Wednesday, December 9, 2020 https://manilatoday.net/wp-
content/uploads/2017/02/16427292_119947178519810_259139576484962637_n.jpg
2010/11/paskongmgabata https://seekersportal.files.wordpress.com/2010/11/paskongmgabata.jpg
Blog.UAD December 29, 2014 https://blog.uad.ac.id/ummu1400005263/files/2015/01/BelajarDanMengajar.jpg
https://www.freepik.com/free-vector/dirty-toilet-scene_3787123.htm
https://www.freepik.com/freehahn-vect
15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: RUBY G. SIARZA, MPA
Teacher- III Buug NHS
Tagasuri: GLOCEL P. DINGCONG
Teacher II Titay Natonal High School
JIMLYN Y. REMERTH Teacher II
Pioneer National High School
Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS Education Program Supervisor
Editor/s: ROWENA D. QUIBOYEN
Master Teacher -11
Malagandis ES
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS
Aurelio A.Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jeanelyn A. Aleman, CESO VI
OIC-Schools Division Superintendent