Impromptu

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tanong sa impropmtu

Citation preview

Anong trabaho o propesyon ang ayaw mong gawin o pasukin kahit na magkano pa ang maaaring ibayad sa yo?

Kung maisusulat mo ang sarili mong kahulugan ng salitang TAGUMPAY, ano ito at bakit?

Kung pwede kang mamili sa pagitan ng pagiging mayaman at pagiging kilala o popular, anong pipiliin mo a bakit?

Kung maaari mong balikan at baguhin ang mga bagay-bagay sa buhay mo, anong babaguhin mo sa isang linggong nakalipas?

Anong tatlong katangiang hinahanap mo sa isang kaibigan? Ipaliwanag.

Kung mamamatay ka nang hatinggabi, anong gagawin mo nang 11:45 ng gabi?

Kung may kakayahan kang magkintal o magtatak ng isang payo sa bagong silang na bata, anong payo ang iyong ibibigay at bakit ito?

Anong kahalagahan ng pagiging tao? Ipaliwanag ang sagot.

Anong mayroon sa yo na hindi mo kayang mawala at bakit?

Anong hindi mo kayang isuko sa P1 bilyon at bakit?

Kung mayroong makapagsasabi ng eksaktong araw at oras ng iyong kamatayan, gugustuhin mo bang malaman ito at bakit?

Kung iiwan mo ang mundong ito,, paano mo gustong maalala?

Anong gagawin mo kung maaari mong baguhin ang susunod na 24 oras ng iyong buhay?

Anong silbi mo bilang tao? Ipaliwanag.

Alin ang mas pipiliin mo ang makita mo muna bago mo paniwalaan o paniwalaan mo muna bago mo makita? Bakit?

Kung ito na ang huling araw mo, gugustuhin mo pa bang gawin ang dapat mong gawin sa araw na ito? Bakit?

Sino sa mga kilala mo ang itinuturing mong pinakamatapang? Bakit?

Kailan nagiging kahinaan ang pag-ibig?

Kung puwede kang bumalik sa nakaraan at makakausap ang batang bersyon mo, anong gusto mong sabihin sa kanya at bakit?

Anong kagandahan ng pagtanda?

Anong mga kalakasan at kahinaan mo?

Paano mo makikita ang sarili mo sampung taon mula ngayon?

Kung puwede kang maging ibang tao, sino ka kaya? Bakit?

Kung puwede kang mabuhay nang walang hanggan, gugustuhin mo ba? Bakit?

Kung mabibigyan ka ng P45,000.00 at gagastusin mo ng isang araw, anong bibilhin mo? Bakit ang mga ito?

Kung magbibigay ka ng mensahe sa sarili mo bago ka bawian ng buhay, ano ito? Ilahad.

Seryoso ka ba sa iyong pag-aaral? Bakit?

Kung isa kang asignatura (subject), ano ka kaya? Bakit?Kung puwede kang mamili sa pagitan ng pagiging mayaman o pagiging popular, anong pipiliin mo at bakit?

Kung maaari mong balikan at baguhin ang mga bagay-bagay, anong babaguhin mo sa isang linggong nakalipas?

Anong tatlong katangiang hinahanap mo sa isang kaibigan? Ipaliwanag isa-isa.

Kung may pagkakataong bigyan ka ng isang linggo para mahalin ka ng taong nagugustuhan mo, papayag ka ba o hindi? Bakit?

Tatlong ugali na kinaaayawan mo sa iyong sarili at ipaliwanag kung bakit.

Kung ang buhay mo ay bantas (punctuation mark), anong bantas ka at bakit?

Kailan nagiging mabuti ang pagsisinungaling? Ipaliwanag.

Papayag ka bang maging legal ang pangongopya twing may pagsusulit? Bakit?

Bibigyan ka ng isang araw para pamahalaan ang DMMMSU, anong iyong gagawing pagbabago rito? Bakit?

Anong pagkakaiba ng kaligayahan sa kasiyahan? Ipaliwanag.

Ano ang pagtuturo para sa yo? Ipaliwanag.

Kung maaari mong taglayin ang isa sa mga kapangyarihang ito ang makontrol ang oras, makateleport, o mabasa ang iniisip ng iba, anong pipiliin mo at bakit?

Relihiyon o pag-ibig, alin ang iyong pipiliin at bakit?

Kung magiging magaling kang scientist, anong iimbentuhin mo at bakit?

Anong pinakamatamis na salita para sa yo at ano rin ang pinakamalungkot na salita? Ipaliwanag ang sagot.

Bibigyan ka ng isang kahilingan ng genie. Anong hihilingin mo at bakit?

Kung magiging presidente ka sa loob ng dalawang araw at may kakayahan kang gawin ang gusto mong gawin sa mga araw na ito, anong gagawin mo at bakit?

Maging matalino sa Math o maging matalino sa Language? Bakit?

Tatlong tao na gusto mong makasama kung halimbawang na-stranded ka sa isang isla. Ipaliwanag ang sagot.

Tatlong tao na gusto mong makilala sa nakaraan at mga itatanong sa kanila.

Para sa yo, anong tatlong prinsipyo ang kailangan sa buhay upang maging masaya? Ipaliwanag ang sagot.