13
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. B. PAG- AARAL Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina. Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions. Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng pagyoyosi. Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya ng Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito. Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng Oktubre. Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang forum ang kagawaran kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng anim na distrito ng Maynila. Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo ang “Ang Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay. Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at sa kanyang lungsod. C. LAYUNIN Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.B. PAG- AARALNalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo.Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions.Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng pagyoyosi.Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya ng Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito.Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng Oktubre.Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang forum ang kagawaran kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng anim na distrito ng Maynila.Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo ang “Ang Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay.Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na nagpapakita ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at sa kanyang lungsod.

C. LAYUNINAng layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo.D. HALAGAAng halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

Page 2: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

E. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

F. METODOLOHIYAGumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo.Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang “internet” balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik.G. SAKLAW/ DELIMITASYONAng pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paninigarilyo” ay sumasakop lamang sa epekto ng paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang Pilipinas. Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.H. DALOY NG PAG- AARALNegatibo lahat ang epekto ng paninigarilyo na nabanggit ng mananaliksik dahil ang paninigarilyo ayon sa mga natanungan ay masarap sa pakiramdam ngunit mali talaga. An paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong gumagawa nito kung hindi na rin sa taong naka paligid sa naninigarilyo mismo.Ayon sa mga suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na tugunan at ipaalam sa mga mambabasa ang malaking epekto ng paninigarilyo sa mga Pilipino. Layunin din ng pananaliksik na ito ang makatulong sa pamamahagi ng mga impormasyon tungkol sa masamang epekto nito.

Gumawa ang mga mananaliksik ng mga paraan upang matagumpay na maipamahagi ng pananaliksik na ito ang impormasyon tungkol sa mga epekto ng paninigarilyo sa mga gumagawa nito. Gumamit ng mga kasanayan sa pagsulat ng akademikong papel at naghanap ng mga taong makakapanayam upang kunin ang sariling pananaw ng bawat isa bilang representasyon ng publiko tungkol sa ppaninigarilyo at nangalap din ng karagdagang impormasyon sa mga internet sites bilang pang-suporta sa pananaliksik na ito.II. INTRODUKSYON SA PAKSAANG SIGARILYO· Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.· Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.· Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito.· Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mg tambutso ng sasakyan.· Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.III. KATAWANAyon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low

Page 3: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok.Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang Nicotine na nasa usok ng sigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil ditto, nagiging mas mabilis ang pagtibk ng puso, at mangangailangan ng mas maraming Oxygen, ngunit dahil sa Carbon Dioxode, ang kemikal na nasa usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% ang Oxygen na nakakaating sa puso. Ang Nicotine ay sanhi ng mga build up ng taba sa mga ugat, na nakapagpapababa ng blood pressure. Ang iba naming mga kemikal ay pumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa normal na sirkulasyon ng katawan. Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga sakit at atake sa puso. Maaari ring magkaroon ng pananakit ng paa, at pamamaga ng hita.Kapag ang mga ugat sa utak naman ang inatake nito, maari ring magkaroon ng problema sa paningin tulad ng pagkabulag.Ano ang relasyon ng paninigarilyo sa Kanser?Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay sa Lung Cancer ng hanggang 20 bese, ayon sa Lung Center of the Philippines. 9 sa 10 taong namamatay sa lung cancer ay naninigarilyo. Ang paninigarilyo rin ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at esophagus ng 2 hanggang 20 beses. Ang pagkakaroon ng kanser ay tumataas rin maging sa mga bahaging hindi diretkang apektado ng usok ng sigarilyo tulad ng pancreas, kidneys, urinary bladder at cervix.Ano pa ang maaring maidulot ng Paninigarilyo?Ang mga naninigarily ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, lagging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Nakaaapekto ba ang usok nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo?Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. ANg mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.Ang mga bata/ anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.

Nakalulungkot sa tao ang laging paninigarilyoAng paninigarilyo ay hindi nakapagpapasaya - ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna ni Dr. Lain Lang hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao.Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo.Ayon pa rin sa kanilang pag-aaral, ang pleasure na nararanasan ng mga Smokers ay dahil lamang

Page 4: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

sa adiksyon sa patuloy na paghithit ng sigarilyo. Ipinapayo rin ng mga dalubhasa na kung nais ngisang tao na makaranas ng kasiyahan, mabuting pangangatawan at satisfaction sa buhay ay mas maiging tigilan na ang paninigarilyo.

IV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay nakamamatay.Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay.Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics.Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.

Marami na talagang klase ng bisyo ang pumapanahon ngayon. Andyan ang sigarilyo, alak ,

minsan nagiging bisyo na din ang kompyuter at ang lahat ng ito ay hindi nalalagay sa lugar.

Ito ay patok lalong lalo na sa mga kabataan ngayon. Lalong lalo na ngayon, ang dami dami

ko na talagang nakikitang mga kabataan ang nagyoyosi, mapababae man o lalaki ay

makikita mong may hawak ng kanya-kanya nilang stik ng yosi, at kung hindi man st

Page 5: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

ik ang hawak,

isang kaha na ang hawak ng mga ito. Anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit marami na

ang nalulong sa ganitong bisyo? May maganda kayang nadudulot ang yosi sa katawan? eh

sa pang-pisikal na katangian ng gumagamit nito? nakakatulong ba ang yosi sa

pagpapaganda at pagpapagwapo? Yan ang ating aalamin!

Hindi lang sigarilyo ang nagiging bisyo ng mga tao ngayon, pumapangalawa ang alak. Ang alak ay di talaga nawawala sa uso. Lalo na pag may okasyon hindi mawawala ang alak o kahit na ordinaryong araw lamang at trip -trip din magpainom ay talagang hindi nawawala ang alak. May maganda din kayang naidudulot ang alak para satin? Ano- ano kaya ang mga epekto nito? Halina't atin ring aalamin!

Hindi na lingid sa ating kaalaman na madami na ngayong mga kabataan ang nalululong sa mga bisyo. Nakakatawa nga at sa loob ng gate ng mga Unibersidad dito sa Pilipinas, may mga nakalagay na bawal manigarilyo ngunit paglabas na paglabas ng gate ay makikita mo ang mga kabataan na nakapila sa labas. At ano ang ginagawa nila? Inuubos ang pera para sa usok na nilalanghap-langhap nila.

Page 6: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Masama sa katawan

ang paninigarilyo, paglalasing sa alak, pagdrudrugs at kung ano pa man. Ngunit kung masama ito,

bakit pa kaya ito ginagawa ng mga kumpanya? Para saan kaya ang mga ito? Ito ay ilan lamang sa mga

bagay na may kinalaman sa bisyo na nais naming magkaroon ng linaw. Nais naming malaman kung

tunay nga ba itong kaibigan para sa mga nalulong dito o kung tunay ba talaga itong demonyo ng

lipunan na nagpapasama sa atin. Ano nga ba ang bisyo? Ang bisyo ang ang mga pampalipas oras na

pag lagi ng ginagawa o ginamit ng sobra ay nagiging masama na para sa tao. Sabi naman ng mga

taong nalululong sa bisyo, nagsimula lang ito ng maging curious sila kung ano ba ang lasa ng alak,

sigarilyo at drugs. Hanggang ang pagtikim na iyon ay naging pang-araw-araw na gawain na at hindi na

makatiis ng isang araw na wala ito sa kanilang buhay. Ang iba naman ay ginagawa ang mga ito bilang

scapegoat para makalimot sa kanilang problema.

Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kasama ang bisyo ngunit nagiging masama lang ito pag sobra

na. Hindi ba at may kasabihan na lahat ng sobra ay masama? Layunin ng paksa naming ito ay upang

ipamulat ang mga kabataan na nalululong sa bisyo nahabang maaga ay ituwid na nila ang kanilang

buhay sa pamamagitan ng pagtigil sa bisyo. Maaaring wala pang masamang naidudulot ang mga ito

sa ngayon ngunit kailan ititigil ang bisyo? Pag may sakit na ang isang taong nalulong sa bisyo?

Ito ang dahilan kung bakit namin pinili ang paksang ito. Sana ay may matutuhan kayo sa pagbabasa

ng pinaghirapang naming pananaliksik para makapagbigay-linaw sa ating mga kabataan sa ngayon.

Kami ay nangalap ng ng mga datos sa pamamagitan ng internet at sa mga taong may mga bisyo.

Inalam namin kung anu-ano nga ba ang mga epekto ng bisyo at kung ano rin ang mga kadahilanan

bakit maraming tao ang nalululong sa iba't-ibang klase ng bisyo.

Page 7: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Dapat ay maging magpagmasid tayo sa mga bagay-bagay na ginagawa natin, kung itp ba ay masama

o nakakabuti sa ating sarili. Alam naman na natin kung ano ang tama o mali para sa atin.

Makikita sa tsart na ito ang ugnayan ng mga bisyong alak at sigarilyo na nag-rersulta sa masamang

epekto nito sa ating kapaligiran at lipunan, partikular na sa kalusugan ng tao.

MGA PATOK NA BISYO NGAYON!

ito ang mga larawan ng mga bisyong pumapatok ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan,

ang tanong. Kaya pa bang pigilan ang mga to?!!

Page 8: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

LAKLAK SA ALAK Ito ang mga alak

na patok ngayon, hindi lang yan ang alak na makikita nating binebenta sa merkado, ito ay iilan lang ito

sa napakaraming alak na pwedeng inumin at kahiligan. May mga dahilan ang mga tao kung bakit

nakahiligan nila ang alak.. malamang ito ang oras kung san nakakapagsaya sila ng kanilang barkada..

hindi na kasi nawawala ang alak sa mga okasyon. Sabi nila, hindi naman daw masama ang alak, sa

totoo pa nga daw ay meron itong magandang naidudulot sa katawan, yun naman ang paliwanag ng

iba, siguro nga ay hindi naman talagang masamang uminom, basta wag lang sosobra dahil ito rin kasi

ang sanhi ng mga sakit pagtanda ng isang tao, at kung minsan pa nga ay kahit bata bata ka pa ay

natatamaan ka na agad ng sakit pag nasosobrahan ka na. Ako nga ay nagtataka kung bakit marami

ang nahuhumaling sa alak kahit na mapait ito sabi ng nakararami, siguro nga'y sa unang tikim hindi

mo ito magugustuhan. Sinasabi din na ang alak ay isang pampainit.

Page 9: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

SOSY PAG YOSI

Page 10: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Sigarilyo, kilala sa tawag na YOSI, isa sa mga kanahihiligan ng nakararami kahit na mga kabataan

ngayon. madali lang kasi ang magyosi, sisindihan mo lang, at pag nasindihan mo na, hithit-buga lang

ang kailangan mong gawin at pmwesto ka na kung san mo gustong gawin ang yosi session mo!

bakit kaya maraming nagyoyosi? ayon sa aming pagreresearch, nakakahumaling daw ang amoy nito,

totoo yan, kasi ang yosi, merong drug na tinatawag na nicotine. ito ang dahilan kung bakit marami ang

nahuhumaling sa amoy at usok ng sigarilyo. ito rin ang dahilan kung bakit mahirap pigilan ang paghihit

at buga sa yosi.

Meron pa nga akong nabasang blog ng isang lalaki kung saan tinawag niya ang yosi bilang isang

kaibigan na hindi ka iiwan kahit kailan. Kaya niya nasabi na kaibigan nia ang yosi dahil sa mga pagiisa

niya nakapagyosi siya at nakakalimutan niya daw ang takot,problema agiisa pag nagyoyosi siya. Isa

rin siya sa taong nahumaling sa amoy ng yosi.

Page 11: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

isa yan sa mga kilalang kumpanya ng yosi. siguro super yaman na ng may ati ng kumpanyang yan, sa

dinami dami ba naman ng konsyumer nia, kulang n alang humiga siya sa sobrang yaman niya,pero

syempre hindi rin naman natin alam dahil hindi lang naman siya ang kumpanya ng sigarilyo na

gumagawa ng tabako. pero biruin mo nga naman, sabhin natin Piso ang halaga ng isang stik ng yosi at

kung sa isang araw, 5 milyon ang taong humihithit ng yosi na ginagawa nila, eh di sa isang araw lang

may 5 milyong piso na agad siya at dito pa lang sa pilipinas yun!

Meron pang mga dahilan kung bakit ang iba ay nagyoyosi, sa babae, kalimitan nakakadagdag daw ito

sa pagiging sosyal kapag nagyoyosi sila, o kaya ung iba naman, kung kaya ng lalaki, kaya din nila. sa

lalaki naman, lumalabas daw ang pagkalalaki nila pag nagyoyosi sila, nagiging matipuno siguro sila sa

pakiramdam nila at kung hindi man ito ang dahilan nila, siguro ay nagrerebelde sila o may problema

sa bahay.

iilan lang siguro ito sa mga dahilan kung bakit marami na ang tunatangkilik sa gawang-yosi ngayong

panahon.

Page 12: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

UY! DOTA TAU!!

Ang larong DotA ay nilalaro sa isang

kompyuter shop na may LAN o kaya sa bahay na may Battlenet o GG client. Sa kadahilanang naka-LAN

ang isang kompyuter shop, nagkakaroon ang isang manlalaro ng ugnayan sa kapwa manlalaro. Kung

mapapansin, habang naglalaro at pinindot ang ENTER sa keybord, nagkakaroon ng pagkakataon

makipag-usap ang manlalaro sa kapwa manlalaro. Ang chat sa DotA ay halos walang pinagkaiba sa

chat sa text messaging o sa pagchachat sa internet. Tulad ng text messaging at chat, nagkakaroon ng

bagong varayti ng wika sa larong DotA. Ginagamit ng bawat manlalaro ang chat para maging mabilis

ang komunikasyon sa bawat isa. Ginagamit din dito ang istilo ng text messaging, ang pagpapaikli ng

mga salita. Ayon sa website na http://www.angelfire.com/va/pinoydude/fliptest.html,ang mga Pilipino

daw ay mahilig mag paikli ng mga salita tulad ng O.A. (over acting) o kaya ay ang salitang air-con (air

conditioner). Kung minsan ang mga Pilipino ay pinapaikli pa ang salitang napakaikli na. Ayon sa aking

mga nakapanayam na manlalaro, pinapaikli nila ang mga salita dahil sila ay nakikipagchat habang

naglalaro. Kailangan daw masabi sa mga kakampi ang nais sabihin sa mabilis na paraan. Ginagamit

din ang chat sa DotA upang makipagusap ng palihim sa kalaban. Madalas ginagamit ang chat para

gumawa ng plano kung paano papatayin ang isang hero. Dahil sa ganitong pagkakataon nakakabuo ng

bagong termino sa pamamagitan ng DotA.

Page 13: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

Ayon sa ilang mga kabataang nakapaglalaro ng Dota, ito ay may positibong epekto. Una,

nagkakaroon sila ng kasiyahan sa kanilang sarili, pangalawa ay natututong makisalamuha

sa ibang tao ang mga manlalaro nito, sunod ay natututong dumiskarte ang mga mahilig

maglaro nito at marami pang iba. Sa kabilang banda, may mga negatibong epekto ito lalo

na sa mga kabataang manlalaro nito. Nagiging mapangahas ang bawat kilos at salita ng

mga kabataang naglalaro dito dahil na rin sa mga naririnig nilang iba't ibang salita mula sa

kanilang mga kalaro. Pangalawa, nagiging adik ang mga kabataan dito, binubuhos na nila

ang kanilang oras sa paglalaro ng dota kaysa sa iba pang mas mahalagang bagay at

pangatlo ay hindi natututunan ng mga kabataang magtipid dahil sa pagbabayad sa mga

kompyuter shops sa paglalaro nito.

EPEKTO NG BISYO

Ang Bisyo ay maraming epekto, halimbawa na lamang sa sigarilyo, paghina ng baga,

pagkakaroon ng ubo na hindi normal, at sa masamang palad maaari ka pang magkaroon ng

kanser sa baga o sa bibig. Ang paninigarilyo ay walang naidudulot na mabuti sa halip, ito

ay nakakasama. kapag ang isang tao na nalulong na sa bisyo ng paninigarilyo, mahihirapan

na siyang makaiwas o mapigilan ito. Nakakabaho rin ito ng hininga ng tao at

nakakapangitim ng labi. Maraming rin na lamang-loob ang napipinsala sa sobrang

pagyoyosi. Maaari siyang maka eksperiyens ng pagkatuliro, depresyon, hindi mapakali,

hindi makatulog at marami pang iba. Ang mga ito ay tinatawag din na " Withdrawal

Symptoms "