Upload
ip-dev
View
54
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Féfégétuwan: IpaalamNewsletter mula sa TANGGAPAN NI KOMISYONER FROILYN “TUTUT” TENORIO-MENDOZA ng BANGSAMORO TRANSITION COMMISSION (BTC)
Citation preview
usapin ng mga katutubong pama-yanan, gaya ng: 1. Ancestral Domain 2. Customary Law 3. Protection of indigenous peo-ples 4. Land registration, land man-agement, and land use Para maseguro ang maayos na relasyon ng National Govern-ment at ang bubuing Bangsamoro Government, itatayo ang Inter-governmental Relations Body. Ito ang mekanismo na gagamitin sa pagpapatupad ng mga kapangyari-han ng dalawang partido ayon mga napagkasunduang prinsipyo
Pinirmahan na ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Annex on Power Sharing noong December 9, 2013. Naka-paloob dito ang balangkas at detalye ng kasunduan tungkol sa hatian ng kapangyarihan ng Na-tional Government at at ita-tayong Bangsamoro Govern-ment, bilang bahagi ng kabuuang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB). Malaki ang interes ng mga katu-tubong pamayanan sa Annex on Power Sharing dahil kasama dito ang kanilang mga lupaing ninuno o “ancestral domain” na matatag-puan sa loob ng panukalang teri-toryo ng Bangsamoro. Tatlong uri ng kapangyarihan ang binigyan detalye sa loob ng An-nex on Power Sharing. Una, inisa-isa ang kapangyarihang
mananatili sa poder ng National Government. Tinatawag itong “reserved powers” na nanganga-hulugang tanging ang National Government lamang ang gagamit ng mga kapangyarihang ito. Pangalawa, nakasaad ang mga kapangyarihan na sabay na ga-gamitin ng National Government at Bangsamoro government. Tinatawag naman itong “concurrent powers”. Pangatlo, may mga kapangyarihan na tanging ang Bangsamoro Gov-ernment lamang ang gagamit o ang tinatawag na “exclusive pow-ers”. Ibig sabihin, ang itatayong Bangsamoro Government ang may “authority” at “jurisdiction” sa mga kapangyarihang ito. Nakapaloob sa “exclusive pow-ers” ng Bangsamoro Govern-ment ang ilang mahahalagang
“Tungkulin ng gobyerno ang
ipagtanggol ang karapatan
at kapakanan ng mga katutubong
pamayanan.” Ito ang mensahe ni
Komisyoner Froilyn “Tutut”
Tenorio-Mendoza kay Chairper-
son Miriam Coronel-Ferrer,
pinuno ng negotiating panel ng
gobyerno sa usapang pang-
kapayapaan o “peace talks” sa
pagitan ng gobyerno at ng MILF.
Bago pa lumipad papuntang Kuala
Lumpur si Chairperson Ferrer
noong nakaraang August 15,
2013, nagpadala ng liham si Ko-
misyoner Froilyn upang sabihin
ang posisyon ng mga katutubong
pamayanan sa Annex on Power
Sharing. Ayon sa liham, dapat
kilalanin ng gobyerno at MILF ang
karapatan ng mga katutubong
pamayanan sa loob ng mga lu-
paing ninuno o “ancestral do-
mains.” Anumang pakikipag-
negosasyon ay dapat manindigan
sa mga nakalatag nang karapatan.
Annex on Power Sharing pinirmahan na
Panawagan ng mga Katutubong Pamayanan: Protektahan ang mga Karapatan
T A N G G A P A N N I
K O M I S Y O N E R
F R O I L Y N “ T U T U T ”
T E N O R I O - M E N D O Z A ,
B A N G S A M O R O
T R A N S I T I O N
C O M M I S S I O N ( B T C )
FéfégétuwanFéfégétuwanFéfégétuwanFéfégétuwan 1 2 D E C E M B E R 2 0 1 3 V O L U M E 1 , I S S U E 1
MGA
BAL ITA
TUNGKOL
SA :
• Annex on Power
Sharing
• Annex on Wealth
Sharing and Reve-
nue Generation
• Bangsamoro Transi-
tion Commission
• Mga Gawain ng
Tanggapan ni Tutut
Tenorio-Mendoza,
Kinatawan ng mga
Katutubo sa BTC
...sundan sa p2
...sundan sa p4
P A G E 2
“Si Komisyoner
Froilyn Tenorio-
Mendoza ay kasapi
ng Committee on
Political Autonomy,
Committee on
Justice and
Security, at
Committee on
Fiscal Autonomy”
Iba’t ibang Komite ng BTC itinayo na
Annex on Power Sharing...
at iba pang laman ng Annex on Power Sharing. Ayon din sa Annex on Power Sharing, anuman ang hawak na kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan o local govern-ment units (LGUs) ay hindi babawasan. Ang kapangyarihan at katayuan ng mga lokal na pamahalaan ay maaaring ma-bago kung ito ay nakalagay sa bubuuing Bangsamoro Basic Law (BBL) at Bangsamoro Local Government Code. Ayon din sa Annex on Power Sharing, bubuo ng Bangsamoro
Parliament na may kom-posisyong limampung (50) kinatawan mula sa “districts, party lists, sectoral representa-tives.” Ang mga kinatawan na ito ay ihahalal ng lahat ng mga botante sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro. Pagkaraan mabuo ang Parlia-ment, ang 50 kinatawan naman ang maghahalal ng Chief Minis-ter at Deputy Minister. Sila ang mamumuno at magsisilbing liderato ng Bangsamoro Gov-ernment. Ang majority ng mga partido sa loob ng Parliament ang siyang bubuo ng gobyerno.
Sa pagkakataon na wala ng suporta ng mga tao ang nai-tayong gobyerno, maaari itong palitan sa pamamagitan ng “no confidence” vote ng mga kina-tawan ng Parliament. Ang paglagay ng detalye ng mga probiso na ito ay nakasalalay na ngayon sa Bangsamoro Transition Commission (BTC). Itatakda ng panukalang Bang-samoro Basic Law kung paano ipapatupad at isasabuhay ang Annex on Power Sharing.
“basic principles” na gagabay sa pagbuo ng Bangsamoro Gov-ernment. Tutukuyin dito ang opisyal na pangalan ng Bang-samoro Government at ang sakop na teritoryo. Pag-aaralan din ang mga usapin tungkol sa pagbuo ng Bangsamoro Gov-ernment at ang Bangsamoro Parliament, ang sistema ng eleksyon at paraan ng pagboto ng liderato sa loob ng Bang-samoro. Sa komite na ito din pag-uusapan ang lupaing nin-uno o “ancestral domain” ng mga katutubong pamayanan. Sa Committee on Fiscal Autonomy, pag-uusapan ang pagkukunan ng buwis at iba pang pondo sa loob ng teri-toryo Bangsamoro at ang sis-tema ng hatian sa pagitan ng National Government at Bang-samoro Government. Sa Committee on Justice and Security pag-uusapan ang iba’t ibang sistema ng pangangasiwa ng katarungan o “administration of justice” sa loob ng Bangsamoro. Partiku-lar dito ang Shari’ah Courts, Tribal Justice, at iba pang Al-ternative Dispute Resolution (ADR). Sa komite na ito din pag-aaralan ang iba’t ibang
paraan ng pagkakaroon ng seguridad sa loob ng Bang-samoro. Sa Committee on Basic Rights and Social Justice pag-uusapan ang mga batayang karapatan ng mga tao o “basic rights” at mga “civil, political, social at cul-tural rights.” Sa Committee on Constitu-tional Amendments pag-uusapan ang mga posibleng panukalang pagbabago sa 1987 Philippine Constitution batay sa karanasan ng iba-ibang mga tao sa bahaging ito ng Min-danao. Sa Committee on Transitional Arrangements and Modalities pag-uusapan ang iba-ibang mekanismo na kailangan itayo upang itawid ang pagpapatupad ng BBL mula sa kasalukuyang ARMM Regional Government papunta sa Bangsamoro Gov-ernment. Nakapaloob dito ang detalye ng plebisito na gagawin upang makuha ang pag-sang ayon ng mga tao sa BBL. Na-kalagay din dito ang detalye ng pagboto ng Bangsamoro Tran-sition Authority (BTA) na siyang magsisilibing pansaman-talang tagapangasiwa ng teri-
Nagkasundo ang mga komisyo-ner ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bumuo ng iba’t ibang komite upang mapabilis ang pagsusuri, pag-aaral at pagbuo ng mga panu-kalang probisyon para sa bi-nubuong Bangsamoro Basic Law (BBL). Sa kasalukuyan, mayroong anim (6) na komite ang BTC: 1. Committee on Political
Autonomy 2. Committee on Fiscal
Autonomy 3. Committee on Justice and
Security 4. Committee on Basic
Rights and Social Justice 5. Committee on Constitu-
tional Amendments 6. Committee on Transi-
tional Arrangements and Modalities
Si Komisyoner Froilyn Tenorio-Mendoza ay kasapi ng Com-mittee on Political Autonomy, Committee on Justice and Security, at Committee on Fiscal Autonomy. Sa Committee on Political Autonomy, Pag-uusapan ang mga batayang prinsipyo o
F É F É G É T U W A N
Iba’t ibang Komite ng BTC...
P A G E 3 V O L U M E 1 , I S S U E 1
toryo ng Bangsamoro mula sa pagpasa ng BBL hanggang sa magkaroon ng regular na eleksyon ng mga kinatawan o representatives sa Bangsamoro Parlia-ment.
Kalikasan? Wika nga, kung noon,
umaasa tayo sa kalikasan. Ngayon,
ang kalikasan ang umaasa sa atin.
“Mother earth is now in great pain
and agony”. Malakas ang panawa-
gan ng Katutubong pamayanan na
dapat: Kilalanin ang natatanging
pagkatao o identity ng mga katu-
tubo sa loob at labas ng core areas,
kasama sa pagkilalang ito ang pinaka
-mahalangang usapin tungkol sa
lupaing ninuno, at ang kanilang in-
herent rights. Ito ang mga usapin na
nanatiling tahimik sa FAB at an-
nexes. Kapag ito ay nabigyang linaw,
magiging malinaw din sa katutubo
ang sistema ng hatian ng yaman.
Mga tanong na naghihingi ng kasagu-
tan: (1) Paano ba tinitingnan ng
katutubo ang mga pumapasok na
“Hinahanap ko sa bawat pahina ng
Annex on Wealth Sharing kung may
mga titik ba na nagsasabi sa pagpa-
pahalaga sa Inang Kalikasan. Subalit
wala: wala sa lahat ng nakasulat
tungkol sa hatian, pagbubuwis at
kita na mababasa dito.” Ito ang mga
salita ni Komisyoner Froilyn
makaraang makita ang nilalaman ng
Annex on Wealth Sharing.
“Bagamat buo na ang FAB at Annex
on Wealth Sharing, walang nasabi
tungkol sa Katutubong pamayanan.”
dagdag niya. Nakakalungkot at
nakakapangangamba kung ito ang
magiging pamantayan ng magiging
economic package ng Bangsamoro.
Paano mabibigyang proteksyon ang
lupain mula sa mga anumang banta
gaya ng malawakang pagmimina at
kalaunan ay pagkasira ng Inang
development projects sa kanyang
lupaing ninuno? (2) Paano ba tini-
tingnan ang usapin ng “native title”
at ang mga batas na meron na at ang
karapatan ng katutubo hinggil dito?
Malinaw na sinasabi sa FAB na ang
pagbalangkas ng Bangsamoro Basic
Law ay dapat umayon sa mga pan-
daigdigang pamantayan katulad ng
United Nation Declaration on the
Rights of Indigenous Peoples
(UNDRIP) at ILO 169. Makikita ang
pagpapatupad nito sa Pilipinas sa
pamamagitan ng IPRA. Sinasabi ng
batas na ang katutubo ay mayroong
royalty share at priority rights ka-
sama ang free and prior informed
consent sa kung ano mang pumapa-
sok na mga developement projects
lalo na sa konteksto ng lupaing nin-
uno ng mga katutubo.
Bangsamoro.
Ayon sa kasunduan, may ilang uri ng
buwis na ang National Government
lamang ang maaaring magpataw
(tulad ng buwis sa kita o “income
tax”) at ang iba naman ay binigay
ang pagpataw sa bubuuing Bang-
samoro Government, (tulad ng
buwis sa bentahan ng lupa o “capital
gains tax” at buwis sa pag-mana o
“estate tax”).
Sa makokolekta na buwis, fees at
charges sa loob ng Bangsamoro,
25% ang mapupunta sa Central
Government habang 75% naman sa
Bangsamoro. Sa kita mula sa likas
na yaman, ang mga non-metallic
minerals tulad ng buhangin, graba,
ay mapupunta lahat sa Bangsamoro
at mga lokal na pamahalaan. Sa mga
metallic minerals, 75% ang mapu-
punta sa Bangsamoro. Sa fossil fuels
tulad ng petroleum, natural gas, at
coal, kasama ang uranium, hati ang
Central Government at Bang-
samoro. May block grant din na
ibibigay ang National Government
sa Bangsamoro bawat taon.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan
kung paano mapapanatili ang kon-
trol ng mga katutubong pamayanan
sa mga lupaing ninuno.
Bilang pagtupad sa kasanduang naka-
paloob sa Framework Agreement
on the Bangsamoro (FAB), nagka-
sundo ang Government of the Phil-
ippines (GPH) at Moro Islamic Lib-
eration Front (MILF) sa sistema ng
hatian ng yaman o “wealth sharing”
at paglikha ng yaman o “revenue
generation” sa loob ng teritoryo ng
Annex on Wealth Sharing and Revenue Generation pinirmahan na
Panawagan ng mga Katutubong Pamayanan: Likas Yaman ay Protektahan
“Mother earth
is now in great
pain and
agony”.
P A G E 4
“Subalit, laking
gulat ng
karamihan ng
pinirmahan ang
Annex on Power
Sharing na hindi
Makita ang
posisyon ng mga
katutubo.”
Partisipasyon ng mga Katutubo sa mga Public Hearings ng BTC
Panawagan sa Annex on Power Sharing (mula Page 1)
Anumang posisyon sa pakiki-
pag-negosasyon ay hindi dapat
makabawas sa karapatan ng
mga katutubo, lalo na kung
nakasaad na sa 1987 Philippine
Constitution at sa Indigenous
Peoples Rights Act o IPRA.
Nakasaad din sa liham ni Ko-
misyoner Tenorio-Mendoza na
ang mga katutubong pamaya-
nan ang siyang may kapangyari-
han at kontrol sa loob ng mga
lupain ninuno batay sa “native
title” at kasaysayang limot na
ng gunita o “since time imme-
morial.” Sa pagpapatuloy ng
negosasyon sa pagitan ng
gobyerno at ng MILF nitong
December 2013, muling ipi-
naabot ni Komisyoner Men-
doza ang posisyon ng mga
katutubong pamayanan hindi
lamang kay Chairperson Ferrer
kung hindi kay Chairperson
Mohagher Iqbal, ang Chairman
ng negotiating panel ng MILF.
Kung kaya’t hindi naitago ng
karamihan ang kanilang
pagkagulat nang mapirmahan
ang Annex on Power Sharing
na waring hindi nanindigan sa
karapatan ng katutubo. Kung
kaya, malaking katanungan
kung bakit sa Bangsamoro
Government mapapapunta ang
“authority” at “jurisdiction” sa
lupaing ninuo, customary laws,
karapatan ng mga katutubong
pamayanan o indigenous peo-
ples, at proteksyon ng kalika-
san.
tional Arrangements and Mo-
dalities ang mga usapin tungkol
sa Plebisito, nagbigay ng mung-
kahi si Timuay Santos Unsad ng
TJG. Nito namang nakaaraang
December 7, 2013, habang
dinidinig ng Committee on
Fiscal Autonomy ang mga
usapin hinggil sa mga buwis at
iba pa na pagkukunan ng pondo
sa loob ng Bangsamoro, nagbi-
gay ng mungkahi sina Timuay
Nagkaroon ng pag-
kakataon ang kinatawan
ng mga katutubong
pamayanan na makilahok
sa mga pampublikong
pagdinig o “public con-
sultations” ng Bang-
samoro Transition Com-
mission (BTC). Noong
November 14, 2013,
habang dinidinig ng
Committee on Transi-
Alim Bandara ng TJG at Heidi
Mokudef ng TLWO.
Sa ngayon ay pinaghahandaan
ng iba’t ibang kinatawan ng mga
tribo, kasama ang Tanggapan ni
Komisyoner Froilyn Tenorio-
Mendoza, ang mga susunod na
Public Consultations sa darat-
ing na taong 2014.
F É F É G É T U W A N
Konsultasyon sa mga komunidad umandar na
Habang abala ang Bangsamoro Transition Commission sa pag-buo ng sarili nitong organisas-yon, opisina at mga sistema, nagdaos ng mga konsultasyon sa mga katutubong pamayanan si Komisyoner Froilyn Tenorio-Mendoza. Nakilahok din siya sa mga kon-sultasyon at oryentasyon na idinaos ng ilang mga organisas-yon kung saan nagbigay siya ng balita tungkol sa mga ginagawa ng BTC at ang pagsulong ng interes ng mga katutubong pamayanan.
IP Women Summit 2013, Building Unities Towards En-gaging the Bangsamoro Basic Law noong March 10, 2013 sa South Upi, Maguindanao. Babaehon Consultation noong May 4, 2013, sa Bayanga, Ca-gayan de Oro City. Indigenous Peoples Consulta-tion on the Framework Agreement on the Bang-samoro noong May 23-24, 2013 sa Pacific Heights, Cota-bato City.
Sa mga konsultasyon na ito ay lumalabas ang mga usapin tung-kol sa natatanging pagkatao o “identity” ng mga katutubong pamayanan mula sa Bang-samoro; ang pagkakaroon ng sariling uri ng “governance” at “justice system” sa loob ng mga lupaing ninuno o “ancestral domain”; ang tung-kulin ng bawat isa na pangala-gaan ang kalikasan; at ang ma-halagang papel na ginagam-panan ng mga kababaihan sa pagtaguyod ng kapayapaan, kabuhayan at karapatan.
[Timuay Alim Bandara sa isa sa mga public hearings ng BTC.]
Pahayag ng pagkakaisa ng Katutubong Kababaihan sa binubuong Bangsamoro Basic Law
P A G E 5 V O L U M E 1 , I S S U E 1
Kinikilala ang batayang karapatan ng mga katutubong pamayanan sa kanilang lupang ninuno bilang salalayan ng kanilang buhay, kultura, katauhan at pagkakakilanlan, at batayan ng kanilang karapatan sa sariling pagpapasya;
Tinataguyod ang isang proseso ng ka-
payapaan na nakaugat sa pagkilala, katuparan, at proteksyon ng kara-patang pantao ng lahat, na walang tinatangi batay sa kasarian, kultura, lahi o kulay, edad at iba pang katayuan sa buhay;
Isinusulong ang lipunang may pagkaka-
pantay-pantay at dumidinig sa boses ng lahat, lalo na ng mga maliliit at kadala-sang naisasangtabi na pamayanan at grupo sa lipunan;
Nananawagan ang mga lider kababaihan
ng mga tribung Teduray, Lambangian, Dulangan Manobo, at Higaonon, na tiyakin ang mga sumusunod na kara-patan ng mga katutubong pama-yanan sa loob ng binubuong Bang-
samoro Basic Law; Malaya at Mapayapang pamumu-hay sa loob ng Lupaing Ninuno. Makakamtan ang lubos na kalayaan at kapanatagan o seguridad sa loob ng mga lupaing ninuno kung naririyan ang:
Tukoy na teritoryo ng mga katutubong
komunidad, may tiyak na mga hangga-nan o territorial boundaries sa pagi-tan ng mga tribu. Nararapat na ito’y pangasiwaan ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) na matagal nang dapat isinakatuparan sa loob ng Bang-samoro core areas. Kaalinsabay nito ang pagbibigay tulong sa mga tribu sa kanilang pagbubuo ng aplikasyon para sa ancestral domain claims at pagpa-patibay ng mga dokumentasyon ng mga kasaysayan at tradisyon, gaya ng isinusulong na Bangsa Mamalu;
Pagkilala sa katutubong sistema ng
pamamahala at hustisya, kung saan naisasabuhay at napapalago ng tribu
ang kanilang mga tradi-syon, kasaysayan at paniniwala. Sinasakop ng sistemang pangkul-tura ang buhay pam-pulitika, pangekonomiya, at panlipunang relasyon ng mga kababaihan at kalalakihan sa tribu, kaya nararapat lamang na ito’y palaguin ayon sa mga batayang kara-patang pantao. Ga-yundin nararapat na ituring ang katutubong sistema bilang lehitimong batayan sa pagresolba ng mga maaring di-pagkakasundo sa pagitan ng magkakaibang katawhan sa tribu, Moro at settlers;
Paggalang sa patuloy na pag-oorganisa
ng mga samahan ng mga katutubo, lalong higit sa bahagi ng mga katu-tubong kababaihan, tungo sa isang demokratiko at malusog na pamama-hala;
lan, Transition of the Bureauc-
racy
• January 29, 2014, Civil, Politi-
cal, Economic and Cultural
Rights
• February 6, 2014, Public Or-
der and Security
• February 21, 2014, Economy
Sa mga gusto dumalo, making at
magbigay ng mga mungkahi sa mga
pampublikong pagdinig o public
consultations ng BTC, ito ang mga
iskedyul:
• December 19, Cotabato City
Basic Rights
• January 16, 2014, Isabela, Basi-
and Patrimony
• February 27,
2014, Social Jus-
tice
• March 3-7, 2014,
Ancestral Do-
main, Indigenous
Peoples, Tribal
Justice
tungkol sa Shari’ah Law. Malinaw
mula sa mga dalubhasa o “experts”
na ang sistema ng batas na ito ay
sakop lamang ang mga Muslim.
Hindi nito saklaw ang mga hindi
Muslim. Sa pagkakataon na may
alitan o hindi pagkakaunawaan ang
mga hindi Muslim, hindi gagamitin
ang Shari’ah Law.
Subalit, batay sa karanasan ng mga
katutubo, may mga alitan sa pagitan
ng katutubo at moro o Christian. Sa
ganitong pagkakataon, mung-
kahi ni Komisyoner Tutut na
bumuo ng isang mekanismo
kung saan ang mga elders at
leaders ng mga partidong
may hidwaan ang siyang
didinig at lulutas sa prob-
lema. Ang panukalang ito ay
tinanggap ng mga ustudz at
sinabing maaari pang palalimin ang
mga kaugnay na pag-aaral.
“Kung ang hidwaan ay sa pagitan ng
katutubo at moro o kaya ay katu-
tubo at Christian, kaninong justice
system ang gagamitin?” Ito ang ta-
nong ni Komisyoner Froilyn Teno-
rio-Mendoza sa mga ustudz at
Shari’ah Court judges noong De-
cember 9, 2013 na sesyon ng Com-
mittee on Justice and Security.
Layunin ng pag-uusap na ito ang
pagtukoy ng mga probisyon sa
bubuuing Bangsamoro Basic Law
Mekanismong Tri-People para sa Justice
Schedule of BTC Public Hearings
“Kung ang hidwaan ay sa
pagitan ng katutubo at
moro o kaya ay katutubo at
Christian, kaninong justice
system ang gagamitin?”
Pagbabawal sa anumang gawain na makakasira o magsisilbing banta sa kalusugan, pinagku-kunan ng pagkain at tubig-inumin, tirahan at kultura ng tribu, lalong higit kung magiging banta sa salalayan ng buhay ng susunod na henerasyon;
Palakasin ang mga tradisyon na nagpapakita ng
payapang palitan ng mga produkto sa lipunan, na namamagitan sa mga katutubo at Moro. Ang prinsipyong nakapaloob sa kasaysayan o tradisyon na ito ay maaring batayan ng isang maktwirang pagbabahagi-nan ng likas na yaman;
Pagpapalakas sa mga Kababaihan. Bigyang halaga ang kontribusyon ng kababai-han sa pagpapanatili at pagbubuo ng mga paya-pang komunidad sa pamamagitan ng: Patuloy na suporta sa pag-oorganisa ng mga
kababaihang katutubo at pagseseguro ng kanilang karapatang maging bahagi ng pagdedesisyon at pamamahala sa lahat ng antas;
Pagbibigay halaga at suporta sa gawain ng mga
lider kababaihang katutubo – mga Kefedu-wan Libun, Boi, Datu Bai – na sa maraming pagkakataon ay susi sa pagreresolba ng mga kaso at di-pagkakasundo sa komunidad;
Patuloy na proteksyon sa kababaihan mula sa
anumang uri ng pang-aabuso, karahasan at diskriminasyon – dulot man ito ng hindi-na
Makataong pamamahala na naghahatid ng serbisyong edukasyon at pangkalusugan sa mga liblib at napag-iwanang komuni-dad ng mga katutubo – lalo na sa mga kabundukan at mga baybaying komuni-dad. Ang akses sa edukasyon ang siyang nakikitang paraan upang lumaya sa ka-hirapan at magsilbing depensa sa patu-loy na pang-aabuso, gaya ng pagiging biktima ng mga kabataang kababaihan sa illegal recruitment at trafficking, o di kaya ay ang pagkaagaw ng mga katu-tubong lupain dahil sa mga pribadong korporasyon. Serbisyong pangkalusu-gan naman ang magtitiyak na maam-patan ang mataas na inisidente ng pagka-matay sa mga babaeng nagbubuntis (maternal mortality) at ang mga ka-bataang malnourished sa tribung komu-nidad.
Proteksyon sa Likas na Yaman. Sa pagpapanatili ng integridad ng lupaing ninuno bilang simbolo ng buhay, mahalaga ring maisakatuparan ang:
Makatwirang gamit sa yamang lupa, kabun-
dukan at katubigan, na may permiso mula sa katutubong pamayanan at pa-munuan. Ang makatwirang paggamit ay nangangahulugang nakabatay sa likas na kapasidad ng pisikal na kapaligiran na matugunan ang batayang pangangailan-gan ng mamamayan, lalo na ang pagse-seguro ng pagkain;
-angkop na tradisyon (hal.maagang pag-aasawa sa batang kababaihan) o di kaya ay dulot naman ng mapanlinlang na mga kalakaran (hal.trafficking at prostitusyon).
PINAGKAISAHAN at pinagtibay ng higit
300 kababaihang katutubo, kasama ang ilang
lider kalalakihan, sa isinigawang “IP
WOMEN SUMMIT 2013: BUILDING UNITIES
TOWARDS ENGAGING THE BANGSAMORO
BASIC LAW” noong ika 10- Marso 2013 sa
Bayan ng South Upi, Maguindanao.
Sa mga inyong saloobin, huwag mag-atubiling
kumontak sa sumusunod:
Tutut Mendoza - 09197484018
Romeo Saliga - 09983377599
Miguel Musngi - 09276482681
IP Women Summit...
Mensahe
Sa mga minamahal ko at kinakatawan kong pamayanan ng katutubo sa bubuuing Bangsamoro, Meuyag at pagbati na rin ng Paskong darating sa ating lahat. Kamakailan lamang pinirmahan na ng pamahalaan at MILF ang dalawa sa natitirang Annexes on Power Sharing at ito ay nagtatakda ng kapangyarihan at sasakuping kapangyarihan ng Bangsamoro. Sasaklawin ng kapanyarihang ito ang usapin ng lupaing ninuno, customary law, proteksyon ng katu-tubo, proteksyon sa kalikasan at kapangyarihang may kinala-man sa lupa at mga pagpaparehistro. Mahalagang matingnan ang mga balangkas na ito at maisu-long ng katutubo ang sa tingin natin ay naayon sa ating “kefiyo fedew” o peace of mind na isa sa pinaka mahalan-gang prinsipyo at batayan ng hustisya at kaunlaran ng katu-tubo.
Tutut Tenorio-Mendoza
[Nakiisa ang mga grupong gaya ng PKKK at IP Dev sa pagtitipong ito ng IP Women.]