2
Isang Dipang Langit Ni Amado V. Hernandez Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ang bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahi’t buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot- malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may suat, watawat ng aking pagkakapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa puntong may susi’y walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing muog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kalakaladkad ng paang madugo, ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalansing; sa maputlang araw saglit ibibilad sanlibong aninong inuluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo; kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw sa bitayang muog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon— bilanggunang mandi’y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal. Ngunit yaring diwa’y walng takot-hirap at batitis pa rin itong aking puso: piita’y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng hindi pagsuko. Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang ganganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandigang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay… layang sasalubong ako sa paglaya!

Isang Dipang Langit

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tula

Citation preview

Page 1: Isang Dipang Langit

Isang Dipang Langit

Ni Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko,

damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ang bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahi’t buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may suat,

watawat ng aking pagkakapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa puntong may susi’y walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing muog,

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kalakaladkad ng paang madugo,

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalansing;

sa maputlang araw saglit ibibilad

sanlibong aninong inuluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang

magulantang

sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo;

kung minsa’y tumatangis ang lumang

batingaw

sa bitayang muog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon—

bilanggunang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa’y walng takot-hirap

at batitis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang

ganganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandigang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

layang sasalubong ako sa paglaya!

Page 2: Isang Dipang Langit