4
Isang Dipang Langit by Amado V. Hernandez A poem written by Amado V. Hernandez Isang Dipang Langit Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay.

Isang Dipang Langit

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A poem written by Amado V. Hernandez

Citation preview

Page 1: Isang Dipang Langit

Isang Dipang Langit by Amado V. Hernandez

A poem written by Amado V. Hernandez

Isang Dipang LangitAko'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

Page 2: Isang Dipang Langit

ay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may

sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang

makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

Page 3: Isang Dipang Langit

sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang

sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;

kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

Page 4: Isang Dipang Langit

piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang

luha,sisikat ang gintong araw ng

tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!