35
Elias Santiago Paghihiwalay sa Kasalanan A VERBATIM TRANSLATION ISOLATION OF SIN By R. B. Thieme Jr. Isinalin ni B. A. oblefias MGA NILALAMAN Paunang salita Mga Batas ukol sa pagiging Ispirituwal at Karnal Pamumuhay sa Ilalim ng Batas Ispirituwal Rebound Kalimutan ang mga Nakalipas na Kasalanan Umusad nang Patuloy Mapalayo sa Biyaya ng Dios Pagdidisiplina ng Dios Ang Kalansay sa Loob ng Aparador Mga Kasalanang Pangkaisipan Mga Kasalanan sa Pananalita Mga Kasalanang Ginagawa Pagsasaliksik sa Sarili Ang Layunin para Iyong Buhay Balangkas ng mga Prinsipyo Ang Isyu ng Kaligtasan Mga Karagdagan Ang Doktrina ng Rebound Ang Doktrina ng Pagpapalo ng Dios Ang Doktrina ng Pagdurusa MGA BATAS UKOL SA PAGIGING ISPIRITUWAL AT KARNAL Nang winika ng Panginoong HesuCristo, “Sinoman sa inyo na walang kasalanan, mauna na siyang bumato. . .” (John 8:7), walang nambato sa araw na iyon, bagaman ang madla ay binubuo ng maraming nagmamatuwid sa sarili at mga relihiyosong tao! Ito ay kapansin- pansin, na kahit na sa kanya na pinakawalang muwang, na ang bawat isa sa lahi ng tao ay nagkakasala at hindi napantayan ang Panginoon (Rom. 3:23). Kung sakaling sasabihin ng Panginoon sa atin, “Ang walang kasalanan sa inyo ang makapaglilingkod sa akin sa kanyang pamumuhay bilang Kristiano.” Walang sinuman ang makapapasa sa paglilingkod o sa paggawa, at ang Panginoon ay hindi magkakaroon ng mga kinatawan dito sa daigdig. Samakatuwid, ang Dios sa 0

ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Elias SantiagoPaghihiwalay sa Kasalanan

A VERBATIM TRANSLATIONISOLATION OF SINBy R. B. Thieme Jr.

Isinalin ni B. A. oblefias

MGA NILALAMAN Paunang salita

Mga Batas ukol sa pagiging Ispirituwal at Karnal Pamumuhay sa Ilalim ng Batas Ispirituwal Rebound Kalimutan ang mga Nakalipas na Kasalanan Umusad nang Patuloy Mapalayo sa Biyaya ng Dios Pagdidisiplina ng Dios Ang Kalansay sa Loob ng AparadorMga Kasalanang Pangkaisipan Mga Kasalanan sa Pananalita Mga Kasalanang Ginagawa Pagsasaliksik sa Sarili Ang Layunin para Iyong Buhay Balangkas ng mga Prinsipyo Ang Isyu ng Kaligtasan Mga Karagdagan Ang Doktrina ng Rebound Ang Doktrina ng Pagpapalo ng Dios Ang Doktrina ng Pagdurusa

MGA BATAS UKOL SA PAGIGING ISPIRITUWAL AT KARNAL

Nang winika ng Panginoong HesuCristo, “Sinoman sa inyo na walang kasalanan, mauna na siyang bumato. . .” (John 8:7), walang nambato sa araw na iyon, bagaman ang madla ay binubuo ng maraming nagmamatuwid sa sarili at mga relihiyosong tao! Ito ay kapansin-pansin, na kahit na sa kanya na pinakawalang muwang, na ang bawat isa sa lahi ng tao ay nagkakasala at hindi napantayan ang Panginoon (Rom. 3:23).

Kung sakaling sasabihin ng Panginoon sa atin, “Ang walang kasalanan sa inyo ang makapaglilingkod sa akin sa kanyang pamumuhay bilang Kristiano.” Walang sinuman ang makapapasa sa paglilingkod o sa paggawa, at ang Panginoon ay hindi magkakaroon ng mga kinatawan dito sa daigdig. Samakatuwid, ang Dios sa Kanyang biyayaa ay gumawa ng kaparaanan upang mapagtagumpayan ang kasalanan at ang lumang kasalanang likas b, na siyang nangingibabaw at nagdadala sa iyong buhay maliban na maunawaan mo ang kahalagahan ng prinsipyo sa pag-aalis ng iyong mga kasalanan. Ang prinsipyong ito ay salig sa mga batas ukol sa pagiging ispirituwal at karnal na matatagpuan sa Romans 8:2:a Biyaya: Lahat na mga bagay na malayang ipinagkakaloob ng Dios sa tao ayon sa ginawa ni Kristo sa Krus na pagbibigay lugod; ang Plano ng Dios para sa sangkatauhan.

b Lumang Kasalanang Likas: Ang bahagi ng kalikasan ng tao na unang kinasadlakan ni Adan sa kanyang Pagbagsak na naisalin sa pamamagitan ng pisikal na kapanganakan; ang gitna ng pagsalansang ng tao laban sa Dios. Ang LKL ay may bahagi ng kahinaan na sanhi ng kasalanang pansarili; at bahagi ng kalakasan na nagdudulot ng pantaong kabutihan; ang gabay sa pagnanasa; at ang pagnanais tungo sa pagpapabanal o pagwawalang hiya (Eph. 4:22; Rom. 7:8-20; 8:3,4).

0

Page 2: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Sapagkat ang batas ng Ispiritu ng buhay kay Kristo Hesus ay pinalaya akomula sa batas ng kasalanan at kamatayan.

Ang unang batas ay ang batas sa pagiging ispirituwal, o “ang batas ng Ispiritu ng buhay kay Kristo Hesus.” “Kay Kristo Hesus” ay isang patungkol sa kalagayan sa katotohanan. Kailangan mong maging NA KAY KRISTO upang maging makabuluhan ang batas na ito. Walang sinuman ang magiging ispirituwal kung hindi muna siya maliligtas (Acts 16:31). Ang batas sa pagiging ispirituwal, na ito naman ay ang kapuspusan ng Ispiritu (Eph. 5:18), ay pinalaya tayo mula sa isang nagpapatupad na batas sa kaibuturan natin – ang batas sa pagiging karnal. Ang batas na ito ang nagpapawalang saysay sa paggawa, humahadlang sa mga likas na paglilingkod sa Panginoon, at nagdudulot ng kapighatian sa sandaling pangunahan nito ang ating buhay.

Ang ikalawang batas ay “ang batas ng kasalanan” – “ang batas ng kalikasan sa kasalanan at kamatayan.” Ang kalikasang magkasala ay nagdulot ng kamatayang ispirituwal c sa lahi ng tao simula pa sa panahon ni Adan (Rom. 5:12); ngunit kapag tayo ay isinilang na mag-uli (John 3:3, 15), ang nagagawa ng kasalanang likas ay nakapaloob lamang sa kamatayang temporal, na nangangahulugan lamang na labas sa pakikipag-ugnay at samakatuwid ay walang kabuluhan sa Panginoon. Ang batas na ito ay tinatawag na “pagiging karnal” sa 1 Corinthians 3:1.

Sa kalagayan ng pagiging ispirituwal, ang mananampalataya ay napalaya mula sa pangunguna ng lumang kasalanang likas. Ang aorist active indicative ng “ay ginawa akong malaya” ay nagpapahiwatig na naganap ito sa sandali na ang mananampalataya ay puspos ng Ispiritu. Ang pagiging Ispirituwal at karnal ay parehong eksklusibo, at samakatuwid ay mga sukdulan sa Ikalawang Yugto.d Kapag ang mananampalataya ay puspos ng Ispiritu, siya ay ispirituwal, at lumalakad siya sa liwanag (1John 1:7); kapag ang mananampalataya ay nagkasala, siya ay karnal at lumalakad sa kadiliman (1John 1:6). Ang dalawang batas na ito ay patuloy na nagsasalungatan sa bawat mananampalataya. Para sa pagsasagawa ng kaparaanan ng pamumuhay ng Kristiano, ang batas ukol sa ispiritu ay kailangang mangibabaw sa batas ng pagiging karnal.

Sa Romans 8:3, isinulong ang ikatlong kautusan: ang Batas ni Moises, inilalarawan sa pagkakataong ito ang pantaong pagmamatuwid – pagsisikap na matupad ang Batas upang kalugdan ng Dios. Samakatuwid, hindi ito isa lamang pantaong pagmamatuwid; bagkos ito ay isang pantaong pagmamatuwid kasama ng legalismo.

Kung anuman ang hindi kayang gawin ng batas [ni Moises], na ito ay maykahinaan sa pamamagitan [walang kakayahan] ng laman [lumang kasalananglikas – kaya gumawa ang Dios ng kalutasan sa kasalanang likas], ang Dios[Ama – Kumatha ng Plano ng Dios] na nagsugo sa kanyang Anak sa anyo ngmakasalanang laman [katauhan] at para sa kasalanan [haing handog ukol sakasalanan], nahatulan [napagtagumpayan] ang kasalanan [kasalananang likas]sa laman.

Ang Batas ni Moises ay banal, makatarungan at mabuti (Rom. 7:12) at may kaukulang layunin sa ilalim ng tatlong alituntunin (moral, ispirituwal at sosyal); ngunit hindi ito

c Kamatayang Ispirituwal (lahing tao): Pagkahiwalay mula sa Dios sa kapanahunan (sa pisikal na pagsilang); walang anumang kaugnayan sa Kanya (Eph. 2:1) dahil sa hatol ng Dios.d Unang Yugto – kaligtasan; Ikalawang Yugto – pamumuhay ng Kristiano, na pagdakang nagsisimula matapos ang kaligtasan at nagpapatuloy hanggang kamatayan o Rapture; Ikatlong Yugto – sa walang hanggan.

1

Page 3: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

nakapagliligtas o nakapaglalagay sa ispirituwal. Ang Batas ay nauukol lamang sa presensiya ng lumang kasalanang likas.

Si HesuCristo, na isinugo ng Dios Ama, ay hindi lamang nagbayad ng multa para sa kasalanan, kundi winasak pa Niya ang kapangyarihan ng lumang kasalanang likas sa pamamagitan ng Kanyang ispirituwal na kamatayan doon sa Krus.

Upang ang katuwiran ng kautusan [perpektong pamantayan na hinihingi ngbatas] ay magkaroon ng katuparan sa atin, siya [gaya natin] na namumuhayna hindi ayon sa [pamantayan ng] laman [lumang kasalanang likas], kundiayon sa [pangunguna ng] Ispiritu (Rom. 8:4).

Ang mananampalataya ay mananagumpay laban sa kasalanang likas habang namumuhay siya sa ilalim ng “ang batas ng Ispiritu ng buhay kay CristoHesus.”

PAMUMUHAY SA ILALIM NG BATAS NG ISPIRITU

Upang makapamuhay sa ilalim ng batas ng ispiritu, tatlong bagay ang kailangan mong maisagawa kapag ikaw ay nagkasala:

1. Rebound.e

2. Kalimutan ang mga nakaraang kasalanan.3. Magpatuloy.

Rebound

Kung ipapahayag natin [aminin] ang ating mga kasalanan [sa Dios], siya [Dios]ay tapat [nanatili Siyang tapat dahil ang Kanyang katangian ay hidi nagbabago]at makatarungan [ayon sa Krus] na patawarin tayo [burahin nang lubusan] saating mga kasalanan [mga kasalanan sanhi ng ating lumang kasalanang likas],at linisin mula sa lahat nating kalikuan [mga kasalanan na hindi natin nalalaman](1 John 1:9).

Ngayon, balikan natin ang sandali ng kaligtasan. Ang Kaligtasan ay nagmumula sa Krus. Sa sandali na manampalataya ka kay HesuCristo, binigyan ka ng bagong kalagayan “kay Cristo” (2Cor. 5:17), isang kalagayan ng walang katapusang pakikipag-ugnay (Rom.8:38, 39), isinasalarawan ng “bilog sa ibabaw.” Kasabay nito, pumasok ka rin sa “bilog sa ilalim” (panandaliang pakikipag-ugnay). Habang walang kasalanan sa iyong buhay na hindi mo naisasaysay, mananatili ka sa panandaliang pakikipag-ugnay sa Dios, at ikaw ay puspos ng Ispiritu. Subalit, sa sandali na magkasala ka, ikaw ay karnal at nasa ilalim sa pangunguna ng lumang kasalanang likas. Sa sandaling ipahayag mo ang iyong mga kasalanan, kapagdaka kang pinatatawad ng Dios, binubura Niya ang lahat mong mga kasalanan, at hindi ka lamang nanumbalik sa pakikipag-ugany, kundi sa mga sumandali – sa isang segundo, sa pinakamaikli – ikaw ay puspos ng Ispiritu.

e Appendix – Doktrina ng Rebound.

2

Page 4: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Kung nasa ilalim ka ng pagdidisiplinaf dahil sa kasalanan, anumang pagdurusag ang kaugnay ay nagiging pagpapala. Ngunit bago ka man muling makahinga, ay maaaring nasa labas ka na uli ng pakikipag-ugnay dahil sa kabiguan sa ikalawang hakbang.

Kalimutan ang mga Nakaraang Kasalanan

Mga kapatid, hindi ko itinuturing sa sarili ko na nakaabot [nakalampas at nakinabang sa nararanasang pagpapabanal,h o sa tuktok ng pagiging

ispirituwal]: ngunit isang bagay . . . kinakalimutan ang mga bagay nanakalipas. . .(Phil. 3:13).

Ano ang mga bagay na nakalipas? KASALANAN! Sa sandali na nagpahayag ka ng kasalanan, inuutusan ka na kalimutan ito. Ngunit halimbawang hindi. Ngayon, tingnan ang “bilog sa ilalim.” Nasa loob ka ng bilog sa ilalim nang ipahayag mo ang iyong kasalanan; ngunit sa sandali na isipin muli ang mga kasalanang ito – magsalita tungkol dito, mag-alala tungkol dito, paglaruan gaya ng asong nilalaro ang tangay na buto – nawala ka na naman sa pakikipag-ugnay! Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng ilang tao na walang kabuluhan ang rebound. Hindi nila naranasang manatili sa bilog sa ilalim upang malaman ang kabuluhan nito o hindi!

Nakapagmasid na ba kayo sa isang “sugapa sa sigarilyo”? Nagsisindi siya ng bagong sigarilyo mula sa upos – hindi gumagamit ng posporo. Ito ang kalagayan ng maraming mananampalataya; sila ay SUGAPA SA SIGARILYO – karnal na mga mananampalataya – sila na nagsasabi na ang rebound ay walang kabuluhan! Ayos lang, wala nga itong kabuluhan – para sa kanila! Nagkakasala sila, ipinapahayag ang kasalanan, at pagkatapos ay nagaalaala na baka hindi ito pinatawad ng Dios. Ang lumang kasalanan ay nagbunsod ng bagong kasalanan, at ni hindi sila umusad sa kanilang pamumuhay bilang Kristiano. Lumulundag sila paloob at palabas sa bilog sa ilalaim, at walang pinatutunguhan. Kung lumabas ka sa pakikipag-ugnay dahilan sa napatawad na kasalanan, nagsimula ka nang maging sugapa sa kasalanan – nagtatayo ng kasalanan sa iba. Ito ang nagpapanatili sa iyo sa ilalim ng disiplina – hindi sa orihinal na kasalanan kundi sa mga kasalanan na nagaganap at dumadami sa kabiguan na kalimutan ang unang kasalanan.

“Kalimutan” ay nangangahulugan ng paglimot at pagsasa-isangtabi – sa ibang salita, “italaga sa kawalan.” Sa sandali na kayo ay magrebound, kailangan mong italaga ang kasalanang iyon sa kawalan. Ito ay magaganap lamang sa paniniwala sa 1 John 1:9 at sa pag-unawa sa prinsipyo ng 1 John 1:7, “. . .ang dugo ni HesuCristo na Kanyang Anak [nagpapatuloy na] nililinis tayo mula sa lahat na kasalanan.” Ang dugo ni Cristo ay tumutukoy sa kamatayang ispirituwal ni Cristo sa Krus.i Ang nagawa ng “dugo,” o ang Kanyang kamatayang ispirituwal , ay magkalakip: pagpapawalang sala ng hukom sa sandali ng kaligtasan, at nararanasang paglilinis sa isang karnal na mananampalataya matapos ang kaligtasan sa sandali ng rebound.

f Appendix – Doktrina ng Pagpapalo ng Diosg Appendix – Doktrina ng Pagdurusah Pagpapabanal – Sanctification: Inihiwalay tungo sa Dios o sa Kanyang Plano. Mayroon itong tatlong yugto; Unang Yugto – KALAGAYAN SA PAGPAPABANAL: ang mananampalataya ay inihiwalay tungo sa Dios sa sandali ng kaligtasan. Ikalawang Yugto – NARARANASANG PAGPAPABANAL: ang paglago ng mananampalataya sa kapanahunan sa pamamagitan ng kapuspusan ng Ispiritu at sa layunin ng GAP. Ikatlong Yugto – SUKDULANG PAGPAPABANAL: ang mananampalataya sa katawan ng muling pagkabuhay.i Kamatayang Ispirituwal ni Cristo: Hatol ng Dios kay Cristo habang pinapasan Niya ang ating mga kasalanan doon sa Krus (1 Pet, 2:24). “Ang kapalit (kabayaran) ng kasalanan ay kamatayan [ispirituwal]” (Rom. 6:23).

3

Page 5: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Papaanong ang matuwid na Dios ay makapagpatawad ng mga kalikuan? Sapagkat ang Kanyang katuwiran ay natugunan nang ang kapalit ng kasalanan ay nabayaran doon sa Krus. Ito ang nag-uugnay sa 1 John 1:7 at 1 John 1:9. Sa iyong payak na paglalahad ng kasalanan, ipinapahayag mo ang kasalanan na nahatulan na. Kaya, dahil sa gawa ni Cristo doon sa Krus, ang Dios ay lubusang makatarungan at makatuwiran sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan.

Sa sandali na nagpahayag ka ng kasalanan, isinasalalay mo ang iyong mga suliranin sa kamay ng Panginoon; wala kang karapatan na kuhanin itong muli. Dahil binura na ng Dios ang iyong mga kasalanan, ano ang iyong karapatan na ito ay hanguin, iyakan o makaramdam ng pagsurot ng budhi dahil sa kasalanang iyon? Hindi mo na pag-aari ang mga ito! Kung aalalahanin mong muli ang mga ito at mangamba dito, gumagawa ka lamang ng pagpapahirap sa sarili. Kung gusto mong mabuhay ng katulad nito, nasa sa iyo iyan; ngunit upang mag-alaala sa iyong mga nakalipas na kasalanan o magkaroon man ng paninisi ay nagpapanatili sa carnality sa kasalanan sa pag-iisip. Anumang mga pagpapala na nakalaan sa iyo ay nagiging pagpapalo.

Kaya ikaw – pasok labas, pasok labas – nag-iipon ng mga kasalanan. Wala kang ibang nararanasan kundi palo – ni hindi ka man lang makatanggap ng pagpapala! Ito ang kalimitang nagbubukas ng ilang uri ng matinding kalagayan, kagaya ng kawalang pag-asa, pagkalito o pagtalikod sa doktrina, at hindi napapansin, tumapak ka na sa unang yugto ng reversionism. j

Napakahalaga na mag-rebound ka at kalimutan ang iyong mga kasalanan sa bahaging ito bago mo abutin ang malalim na bahagi ng reversionism na dito naman ay napakahirap na makapanumbalik pa.

Ang mga panandalian at ispirituwal na pagpapala ay parehong naka-amba sa bisa ng ating kalagayan sa bilog sa itaas (nakay Cristo), ngunit ito’y nagkakaroon lamang ng kaganapan sa bilog sa ilalim (pakikipag-ugnay). Ang naaabot ng pagpapala ay nakasalalay sa ugali tungo sa doktrina ng Biblia at pag-usad tungo sa paglago sa ispiritu. Ang doktrina na tumitira sa kaluluwa ay nagiging “saro” kung saan ibinubuhos ng Dios ang Kanyang pagpapala. Magkaganuon man, ang pagkatuto ng doktrina ay kailangang kaagapay ng kapuspusan ng Ispiritu sa pamamagitan ng rebound at paglimot ng kasalanan.

Ang mga gawain sa pamumuhay ng mga Kristano ay naisasakatuparan lamang kapag tayo ay nasa loob ng bilog sa ilalim. Bakit? Sapagkat wala tayong ginagawa na mapapahalagahan ng Dios kapag ang lumang kasalanang likas ang nangunguna sa buhay natin. Bawat mabubuting gawa na nagmumula sa lumang kasalanang likas ay kabutihang pantaok at ganap na hindi katanggap-tanggap sa Dios (Jer. 17:9; Heb. 6:1). Samakatuwid, ang tangi lamang na pinagmumulan ng gawaing banall ay ang paglilingkod ng Banal na Ispiritu; at ang Banal na Ispiritu ay gumagawa lamang sa ating buhay habang tayo ay ispirituwal. Minsang magpahayag tayo ng ANUMANG uri ng kasalanan, ang pinakamabigat nating suliranin ay ang pananatili sa bilog sa ilalim; kailangan nating kalimutan ang kasalanang yaon upang makapagsimula tayo na magamit ang mga kasangkapan ng ispiritu at magpatuloy sa layunin ng paglago.

Umusad nang Patuloy

. . . at abutin ang mga bagay na darating [nasa harap mo] . . .patuloy na tahakinang tanda para sa gantimpala ng matayog na pagtawag ng Dios kay CristoHesus

j Reversionism: Ang baligtad na kalagayan ng mananampalataya sa Ikalawang Yugto: pag-atras sa anumang kalagayan sa paglago sa ispiritu. Ipinaliliwanag ng taliwas na pagnanais tungo sa doktrina, todong emosyon sa paglaban ng kaluluwa at kalyo.k Kabutihang Pantao: Ang paggamit at bunga ng kasamaan na alituntunin ni Satanas.l Gawaing Banal : Ang bunga ng kapuspusan ng Ispiritu at/o ang ganap na miyembro ng Maharlikang Pamilya ng Dios (nagagawa lamang ng sukdulan sa kalagayan ng super-grace).

4

Page 6: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

[mga gantimpala at mga karangalan sa darating na walang hanggan](Phil. 3:13b,14).

Ang layunin ng Dios para sa bawat mananampalataya ay sumulong tungo sa paglago at abutin ang buhay na super-grace.m Sa katuparan ng ganitong mithiin, pumasok ka sa larangan ng tunggalian ng anghel;n nabubuhay ka bilang normal na mananampalataya na patuloy na nagbubunga ng kabutihan ng Dios. Ang pangunahing balakid sa ganitong layunin ay ang kabiguan na ipahayag at kalimutan ang mga kasalanan. Kailangan mong gamitin sa tuwina ang biyayang kaloob ng Dios – rebound at magpatuloy sa pag-usad! Kalimutan mo ang iyong mga kabiguan!

Ni hindi mo rin kailangang huminto doon, kundi magpatuloy na umusad tungo sa layunin – paglago o nararanasang kabanalan! Ang Dios ay gumawa ng kaparaanang biyaya ukol sa pagkaalam sa pamamagitan ng kaloob ng isang pastor-titser, na siyang nagpapahayag ng doktrina ng Biblia, at sa pamamagitan ng malayang kapasiyahan ng mga mananampalataya, na nakikinig ng doktrina habang puspos ng Ispiritu. Ito ang layunin ng “biyayang makinarya sa pang-unawa.”o

Hindi tayo nananatili sa ating kinatatayuan sa buhay Kristiano; maaari tayong umaatras o sumusulong. Ang kaparaanan ng ating paglakad at ang bilis ng ating pag-usad ay nakasalalay sa ating pagpapatuloy o sa kabiguan na mag-aral ng doktrina ng Biblia.

MAPALAYO SA BIYAYA NG DIOS

Pagmasdang mabuti baka ang sinuman ay mapalayo sa biyaya ng Dios; bakamay anumang ugat ng kapaitan na nagsisimulang bumagabag sa inyo, at sanhinito ay marami ang sumuway (Heb. 12:15).

Ano itong “biyaya ng Dios” na tinutukoy? Kapag inamin mo ang isang kasalanan, nang ipahayag mo ito sa Dios, pinatawad ka Niya. Yon lang! Ang kasalanan ay binura (Isa.44:22); nanumbalik ka sa bilog sa ilalim at napuspos ng Ispiritu. Ganuon ang biyaya! Walang sinuman sa atin ang ginagantimpalaan o may karapatan man lang.

Ang biyaya ng Dios ay hindi lumalayo sa ATIN, ngunit TAYO ang lumalayo sa biyaya ng Dios. Ito ay nagpapahayag, una sa lahat, na hindi natin nauunawaan kung ano ang Dios. Ang Dios ay mahabagin! Kapag pinatawad Niya ang mananampalataya na gumagamit ng kaparaanan ng rebound, isinasakatuparan Niya ang prinsipyo ng pagpapatawad na nag-alis ng ating mga kasalanan sa Krus. Hindi tayo sinusuklian ng pagpapatawad doon sa Krus, hindi rin tayo sinusuklian pagkatapos. Pagkatapos ng kaligatasan, kinakailangan na lang natin ang pagpapahayag ng mga kasalanan. Ang pinakamahirap na kalagayan para sa ilang tao na maunawaan ito ay tanggapin na sa sandali na ipahayag nila ang kasalanan sa Dios, nagpatawad

m Buhay na Super-Grace: Ang pasimulang kalagayan ng paglago sa loob ng estraktura ng kaluluwa; ang kalakarang pamumuhay ng mananampalataya at katungkulan ng Maharlikang Saserdote. Ang lugar ng pinakamataas na paggamit ng biyaya maging sa kahirapan o kasaganaan. Ultra Super-Grace: Ang huling bahagi ng paglago sa ispiritu; kinakikitaan ng patuloy na pagdiin ng demonyo at pagsalungat na may kasabay na kagalakan at pagpapala.n Tunggalian ng Anghel: Hindi nakikitang digmaan ng ispiritu kung saan ang hukbo ni Satanas ay nakikipagtunggali sa hukbo ng Dios.o Biyayang Makinarya sa Pang-unawa (BMP): Isang kaparaanang biyaya para sa paglago sa ispiritu at pagsulong na kaloob ng Dios, na dito ay may kakayahan ang bawat mananampalataya na maunawaan ang kabuoan ng doktrina ng Biblia, anuman ang pinag-aralan o kakayahan sa isip, na kanya namang nakukuha ang maraming doktrina ayon sa kanyang paggamit ng kalayaan sa pagpapasiya.

5

Page 7: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Siya at pagdakang inalis lahat ito. Para sa iba ay waring napakahirap unawain ang bagay na ito. Pero ganuon ito kasimple – ganito kumilos ang biyaya ng Dios!

Mapalayo sa biyaya ng Dios (HUSTEREO sa salitang Griyego) ay marami ang kahulugan: hindi umabot, kapos sa pamantayan, matumbang patalikod, naiwanan; sa ilang pananalita, itoy nangangahulugan ng kabiguan na mapakinabangan ang biyaya ng Dios; pagtanggi na gamitin para sa sarili ang kaloob na biyaya ukol sa paglago, ang layunin ng pamumuhay Kristiano at ang dahilan kung bakit tayo ay nananatiling buhay dito sa daigdig. Para sa katuparan ng Hebrews 12:15, kailangan mong magpasimula sa REBOUND, sumunod ay PAGLIMOT SA IYONG MGA KASALANAN, at matapos ito ay MAGPATULOY tungo sa layunin. Ang pagkalimot o pagtanggi sa nakalatag na prinsipyong ito ng doktrina ay nagdudulot ng paghinto sa paglago at kung hahayaang magpatuloy, ay maghahatid sa inyo sa iba’t ibang antas ng reversionism.

Hindi maaari na paglingkuran si HesuCristo, isakatuparan ang pagiging ambasador o ang iyong pagiging saserdote malibang gamitin mo ang biyaya ng Dios. Ngunit hindi ito ang lahat-lahat. Ang kamaliang ito ay may mga bunga: ito ay isang katiyakan na magdudulot ng kapighatian sa buong buhay mo. Maaari kang magpaka-aba; maaari kang gumawa ng; “lihim na pagpapakahirap”; maaari kang gumawa ng ilang nakakakiliti at emosyonal na karanasan; maaari mong subukan ang magpasting at manalangin, gumawa ng mabubuting gawain at magkaloob o baguhin ang mga nakagawian; subalit hindi mo maunawaan kung ano ang tumama sa iyo! Kung nais mong magtamasa ng kaligayahan, kapayapaan, pagpapala, kagalakan, kalakasan na ipinagkaloob ng Dios sa iyo, kailangan mong pahalagahan ang BIYAYA! Kung iniisip mo na matutulungan mo ang Dios na mabura ang iyong kasalanan sa pagbabagong buhay o sa dahilang ikaw ay isang “banal” o gumagamit ng mga salitang may “kabanalan”, kung IPINAGGIGIITAN mo ang paggawa ng kabutihan, sa gayon ay nabigo ka sa biyaya ng Dios.

PAGPAPALO NG DIOS

Ang unang labinlimang talata ng Hebrews 12 ay nagsasalarawan ng iba’t-ibang kalagayan ng pagpapalo. Magkaganon man, kailangan nating mapaghiwalay ang pagpapalo para sa mga mananampalataya at hatol ng Dios para sa di-mananampalataya, na ito naman ang tinatalakay sa mga talatang 16 – 29. Ang pagpapalo ay pagsansala ng Dios sa mga mananampalataya sa kanilang carnality at reversionism at nakapaloob lamang dito sa kapanahunan. Ang Paghatol, ay kaparusahang iginagawad ng Dios sa mga di-mananampalataya, na magpapatuloy sa kawalang hanggan (John 3:18). Ang Hebrew 12:15 ay tumutukoy sa kabiguan ng mga mananampalataya na nagbunga ng pagpapalo sa kapanahunan.

Ang isang palatandaan ng ating kaligtasan ay pagpalo ng Dios sa ating kasalanan:

Na sa kanila na minamahal ng Dios ay kanyang pinapalo, at hinahampas[sinasaktan sa pamamagitan ng hagupit] bawat anak na kanyang tinatanggap(Heb. 12:6).

Kapag pinapalo ng Dios ang Kanyang anak, hindi Niya nais na tayo ay pahirapan o kaya ay paiyakin ng “tito!” “Sapagkat hindi niya nais na maghirap o palungkutin man ang mga anak ng tao” (Lam. 3:33). Iniibig tayo ng Dios nang walang hanggang pag-ibig; na kung may anumang bagay na hindi nais ng Dios na gawin, ay saktan tayo kahit na sa ano mang kaparaanan. Magkaganon man, ukol sa ating pakinabang sa pagkatuto at biyaya, ang Kanyang pag-ibig ay kailangang ipahayag sa pamamagitan ng pagpalo.

6

Page 8: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Kapag hinayaan mong ang itinatagong kasalanan ay ilagay ka sa sunod-sunod na pagpalo, imposible para sa iyo na lumago sa ispiritu, na makagawa ng mabuting bagay na tanggap ng Dios o maisakatuparan man lang ang layunin bilang kinatawan ni Cristo. Ang kabiguang mag-rebound ay naglalagay sa huli sa reversionism. Ipalagay natin na kinilala mo ang kasalanan sa iyong buhay at ipinahayag mo ito sa Dios. Ano ba ang nangyari ngayon? Ikaw ay napatawad na, at ang pagpalo sa iyo, kung ito ay nagpapatuloy ay naging pagpapala. Ngayon, maaaring sampung taon na ang nakalipas, ay mayroong isang pangyayari sa buhay mo. At iniugnay mo ang iyong kasalanan doon sa nakalipas – isang naipahayag at NAPATAWAD NA KASALANAN! Ipinapalagay mo sa iyong sarili, na nagtitiis sa pagkurot ng budhi (na isang napakagrabeng kasalanan) o kaya ay kapaitan, o paninibugho, o matinding galit o anumang nakagigibang kasalanang pangkaisipan na lumalaki sanhi ng ibang mga kasalanan. Maaaring hindi mo ito napaguunawa na ang mga ito ay pawang mga kasalanan. Ngunit nang matutunan mo at inamin na ang mga ito ay kasalanan at naipahayag na ang mga ito, ikaw AY NAPATAWAD NA – nararamdaman mo o hindi! Kaya tumindig ka at magpatuloy!

ANG KALANSAY SA APARADOR

Tawagin natin yaong mga lumang kasalanan na “kalansay sa aparador.” Iniuugnay mo pa ang lahat na pagpalo doon sa kalansay sa loob ng aparador sampung taon na ang nakalilipas sa halip na sa mga kasalukuyang kasalanan. Wala ka sa pakikipag-ugnay sa lahat nang panahon. Miserable ka, at hindi ka lamang miserable, nalilito ka pa! Parati kang nagkakaroon ng suliranin sa iyong buhay na hindi mo mawari kung bakit. Wala nang mas masama pa sa pananatili sa parusa o kalungkutan, o paghihirap, o pagsubok, masakit sa damdamin o mga suliranin na walang anumang kadahilanan kung bakit. Maaaring sinubukan mo ang magpenitensiya. Maaaring sinubukan mo na ihinga ito sa kaibigan, sa isang sikolohiyo o sikotroyo – kahit na ano maibsan man lang ang mapait na ala-ala tungkol sa mga nakalipas mong kasalanan, na ang mga ito naman ay patay na at naglaho na. Sa katotohanan nga, hindi na ito pinaguusapan pa sa iyong buhay sa anumang kadahilanan .

Isang kamangha-mangha at di-kapanipaniwalang memorya na mayroon ang tao – higit na memorya ng Dios! Ang ilang tao ay nakakaalala ng mga bagay sa maraming taon. Mga pangyayari na kinalimutan na ng Dios at binura na. Kanilang iniuugnay ang kanilang pagdurusa sa mga nakalipas na pangyayari, na ang dahilan naman ng kanilang paghihirap ay sanhi ng kasalukuyang kaganapan. Ang Dios ay matiyagang naghihintay (Isa. 30:18) na palitan ang pagpapalo ng pagpapala upang sila naman ay lumago! Ngunit sila’y nananatiling musmos – bansot na mananampalataya. Ang ilang mananampalataya ay hindi lumalago sa kadahilanang ayaw nilang kalimutan ang mga nakalipas na kasalanan.

Ang bawat isa ay may kalansay sa loob ng aparador. Kung mayroong bagay na nakaririmarim, ito ay ang kalansay – at ganuon dapat ang pananaw mo dito. Ngunit minsan ay sumasandal ka sa iniingatan mong kalansay. Bawat pagkakataon na magkaroon ng suliranin, kapagdaka mong iniisip yung kalansay sa aparador. Ito ang huwaran: mayroong mapait na pangyayari sa buhay mo; kapagdaka ay naaalaala mo ang pinakagrabeng kasalanan na iyong nagawa. (Hindi ganoon iyon, ayon sa pamantayan ng Dios, dahil ang kasalanan ay kasalanan; ngunit sa iyong paniniwala ito na ang pinakagrabe.) Ipinapalagay mo na ang kasalanang ito ang dahilan ng kahirapan na iyong nararanasan na nakalimutan ang isang alituntunin na napakaraming dahilan ang pagdurusa, at sa lahat nang ito, isa lamang ang sanhi ng parusa.

Ipagpalagay sumandali na ang nararanasan mo AY pagpalo sa ilang nakaraang kasalanan na hindi naipahayag (maaaring inaakala mo na ang mga ito ay hindi naman gaanong masama, kagaya ng kasalanang pangkaisipan na pagkainggit, tsismis, at iba pa.); ngunit inilabas mo ang

7

Page 9: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

kalansay sa aparador – ang kasalanang iyon, ang pinakagrabe na IYONG INIISIP na nagawa mo – at ipinalagay mo na ito ang dahilan. Sa ganitong pangangatwiran, isinasantabi mo ang ilang kasalanan na nagagawa mo sa kasalukuyan na siya namang sanhi ng pagdurusa. Dahil binabalik-balikan mo ang mga kasalanan na ilang taon na ang nakalipas, ang suliranin ay hindi nagkaroon ng kalutasan.

Mayroong tatlong kategorya ng mga kasalanan na maaari mong magamit sa pagpapatuloy na magkasala: pangkaisipan, pananalita at mga kasalanang nagagawa.

MGA KASALANANG PANGKAISIPAN

Kalagayang paninisi. Maaari mong alagaan ang iyong kalansay sa aparador sa pamamagitan ng kasalanang pangkaisipan. Kabilang sa mga kasalanang ito ay pagka-inggit, pagyayabang, paninibugho, kapaitan, mapaghiganti, walang pakundangan, muhi, habag sa sarili, pag-aalaala at mapanisi. At tandaan na ang mga kasalanang ito ang pinakamasamang kasalanang pangkaisipan, kung isasaalang-alang ang mga bagay na binura na ng Dios. Kapag naalaala mo ang kasalanan, wala ka sa pakikipag-ugnay, maaaring sa kadahilanang hindi ka NANINIWALA na binura na ito ng Dios, o maaaring hindi mo NADARAMA na nabura na ito. Ang pag-alaala sa kasalanan ay nagdudulot ng masasamang pangyayari. Sa malimit na pagkakataon, naaalaala mo ito nang may pagkatakot; nagdudulot ng mga bangungot, nawawalan ka ng pag-asa at nawawalan ng kabuluhan ang lahat ng bagay; nabuo na sa iyo ang kalagayang paninisi – ang pinakamapanganib na bagay na maaaring mangyari sa kaisipan ng isang mananampalataya, na ito ang pumipigil sa iyo upang lumago at manatiling lito sa buhay.

Isaayos natin ang kalagayang ito ngayon. Kapag mayroon kang nadaramang paninisi sa ano pa mang bagay sa iyong buhay – ANUMAN ANG LAHAT NANG ITO - wala ka sa pakikipag-ugnay at malungkot ka. Bigo ka. Hanggang dinadala mo ang paninisi sa iyong sarili, hindi mo maipapahayag o mapaglingkuran man ang Panginoon o makagawa man lang ng makadios na kabutihan. Sa sukdulan ng iyong kakayahan, maaari mong matakpan ang nararamdamang kamalian sa pagsisikap na gumawa ng mabubuting bagay – lahat na bunga ng lumang kasalanang likas – kahoy, talahib at dayami! Gaanong pag-aaksaya ng panahon! Ang iyong mga pagsisikap ay walang kabuluhan dahil hindi ka naniwala sa Salita ng Dios; hindi mo ginamit ang 1 John 1:9! Magkaganon man, andito ka pa rin sa daigdig at nabubuhay, at ang layunin ng Dios para sa iyo ay nagpapatuloy.

Pagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong “pagpaparusa sa sarili,” o “pagpapahirap sa sarili” – at hindi mo mapapahirapan ang iyong sarili nang mas matindi kaysa pagtapak sa baga o pagtusuk ng kawayan sa iyong mga kuku. Magagawa mong mas matindi ang pagpapahirap sa sarili sa IYONG SARILING KAISIPAN kaysa magagawa ng iba para sa iyo, gaano mang katinding pahirap ang gawin nila sa iyo.

Noong Kalagitnaang Panahon, nang hindi nadarama ng mga tao na ang kanilang kasalanan ay napatawad na, nakikiusap sila sa ibang tao na sila ay hagupitin, o hinahampas nila ang kanilang sarili; o gumagawa ng ilang bagay upang parusahan ang sarili, gaya ng paghiga sa banig na puno ng mga bubog o mga panusok nang ilang oras. Sa ganito ay nagkakaroon sila ng kaisipan na, “nasaktan ako; samakatuwid, ako ay nagkaroon ng kapatawaran!”

Siyempre, ang lahat nang ito ay walang katotohanan. Ang iyong nadarama ay hindi sukatan ng pagpapatawad ng Dios. Pinatawad ka dahil sa kung Sino at Ano ang Dios, hindi dahil nasaktan ka. Ito ang dahilan kung bakit maraming Kristiano ang hindi nakagagawa ng mga bagay

8

Page 10: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

para sa Panginoon; at ito rin ang dahilan, na anuman ang kanilang gawin o saan man sila magtungo o ano man ang mangyari sa kanila, hindi nila mararanasan kahit na isang sandali ang tunay na kaligayahan sa kanilang buhay. Ipinagkakait nila sa kanilang sarili ang mga pagpapala na inihanda ng Dios para sa kanila. Binigo nila ang biyaya ng Dios.

Isipin lamang ang mga bagay na ito! Nag-aalok ang Dios sa bawat mananampalataya, sa anumang kalagayan ng buhay, ng ganap na kapayapaan ng kalooban, ganap na kalakasan, lahat na uri ng kasaganaan para sa pagpapala, gaya din naman ng lahat na uri ng paghihirap para sa pagpapala. Hindi kinakailangang malayo sa layunin ang isang mananampalataya, at magkakaroon siya ng masaganang bunga para sa Dios! Ngunit ano ba ang nangyayari? Napaka-kaunting mananampalataya ang napupuspos ng Ispiritu! Bakit? Sapagkat matapos nilang ipahayag ang kanilang kasalanan, hindi nila natutunan na iwaglit ang kanilang mga “kalansay.”

Muhi, Karahasan, Paninibugho. Marahil sa ilang pagkakataon sa nakalipas ay nakapagsinungaling ka sa isang tao. Inamin mo ang iyong pangangatha, subalit ipinagpatuloy mo ang iyong kasalanan sa kanya sa paninibugho at pagkamuhi. Kapag hinayaan mo ang isang kasalanan na pag-ugatan ng paninibugho, ang paninibugho ay nagiging mas malalang kasalanan; at kung hindi ito mabibigyan ng kalutasan, pumasok ka na sa isang kalagayan ng patuloy na pagpapalo. Ngunit pinapalo ka sanhi ng kasalukuyang kasalanan ng paninibugho, hindi sa orihinal na kasalanan ng pagsisinungaling!

Narinig mo ang ilang tao na nagpapahayag ng kamangha-mangha ang buhay ng isang Kristiano, ang kagitingan ng biyaya ng Dios at paano ito nagaganap, kapayapaan sa kalooban, kagalakan sa kalooban at kaganapan; ngunit hindi mo nararanasan ang mga bagay na ito. Bakit hindi? Sapagkat inaaksaya mo ang iyong panahon sa pag-iisip ng kalungkutan sanhi ng ginawa mong kasalanan, nag-iisip ka ng mga bagay upang mapatawad ka sa kasalanang iyon, sinisikap mong magiba ang panunurot ng budhi samantalang ni wala kang karapatan na ito man ay ALALAHANIN man lang! Lahat nang ito na patuloy mong iniisip ay bumibigo sa iyo na kalimutan ang kasalanan. Para mong sinasabi, “Ang kasalanan ay patay na! Mabuhay ang kasalanan!” Tunay nga, ang KASALANAN AY PATAY, sapagkat IBINAON NA ITO NG DIOS! Ngunit hinuhukay mo pa uli!

Kapaitan. Sa pagpapakita mo ng kapaitan ng kalooban ay gumawa ka ng “pantapal” na pinalalabas na ang may pananagutan sa iyong kasalanan ay ang taong iyon. At minsan ay sinisisi mo pa ang Dios, at nagkakaroon ka - pansinin ito - ng kapaitan tungo sa Dios! O maaari din namang mangyari na may kapaitan ka tungo sa ibang mananampalataya. Hanggang may iniingatan kang kapaitan sa sinumang tao dulot ng iyong kasalanan, mananatili ka na walang pakikipag-ugnay; pinili mo ang batas ng carnality at ang mga kaagapay nitong kasiphayuan, at ang iyong mga pagdurusa ay hindi magiging pagpapala. Ito ay mananatiling pagpapalo dahil nagpapatuloy ka nang walang pakikipag-ugnay dahil sa iyong iniisip.

“. . . baka may ugat ng kapaitan ang umusbong . . .” – ang salitang “umusbong” ay nangangahulugang “UMUSBONG sa kaisipan.” Upang may anumang bagay na umusbong, una sa lahat ay kailangan muna ang binhi. At ano naman ang ginagawa ng binhi bago ito umusbong? Kailangan muna itong mamatay! Kapag namatay ang binhi, nagkakaroon ng ugat na tumutubong pababa at may ubod na umuusbong na pataas.

Ang saknong na ito sa Griyego ay nagsasabing, “Tingnan ninyo – ano ang dahilan ng kapaitan? Isang binhi na namatay – isang kasalanan na tapos nang ipahayag, patay at inilibing!” Isaalang-alang mo ang isang kasalanan na patay na at nakalibing, napatawad na at kinalimutan, at pinanatili mo ang kasalanang ito sa iyong buhay sa pamamagitan ng pag-iisip ng kapaitan,

9

Page 11: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

pagkamuhi, panunurot ng budhi, pagpapahirap sa sarili, paninisi sa sarili, pagmamalaki. Ano ang inaasahan mong umusbong? Damo ng kasalanan, kalungkutan, palo!

Hindi ka pinapalo sanhi ng kasalanan na PATAY na – pinapalo ka sanhi ng mga USBONG na naglabasan; dito ay may namumulaklak, diyan ay may namumulaklak – kapaitan, tsismis, paninirang puri, pagpaplano ng masama, pang-aasar, paghihiganti, pagalipusta! Ang mga kasalanang ito ay nagbubunsod ng palo ng Dios, hindi sa kasalanan na tapos na kundi sa mga kasalanan na “nagmula” doon sa isang natapos na kasalanan. Narito ang isang talata na nag-uutos sa iyo na kalimutan ang kalansay sa aparador! Hayaan mong manatili ito kung saan ito inilagak ng Dios: “Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon kalayo na inalis niya ang ating pagsalangsang” (Ps. 103:12). Hindi mo kailangang balik-tanawin ito. Hindi ka inuutusan na alalahanin pa ito.

May dalawang uri ng mananampalataya: yaong magigiting na mananampalataya na nakinabang sa kanilang kabiguan at mga mananampalataya na inilugmok ng kanilang kabiguan. Ang magigiting na mananampalataya ay hindi lumingon. Hindi lumingon si David. Hindi lumingon si Abraham. Hindi lumingon si Joseph. Ang mga taong ito ay nangabigo ngunit hindi nila inalala ang kanilang mga kasalanan na naitapon na; nagpatuloy sila – at pinapurihan ang Dios.

“. . . na anumang ugat ng kapaitan ang umusbong na bumagabag sa iyo . . .” “Bumagabag sa iyo” ay present active subjunctive, nangangahulugang nagpapatuloy na bumabagabag sa iyo. Ngayon narito ang kabiguan na kalimutan ang kasalanan na nabura na. Patuloy itong bumabagabag sa iyo; nagiging miserable ka. Ngunit mayroong isang sinag ng liwanag – ang subjunctive mood! Ang subjunctive mood ay maaari, na nangangahulugang ang kapaitan ay HINDI dapat na bumabagabag sa iyo. Ipahayag mo ang iyong kasalanan at kalimutan ito! Kapag bagabag ka dahil sa mga usbong na ito, ito ay sa kadahilanang hinahayaan mo ang ilang nakalipas na kasalanan na takutin ka, kahit na ito ay naihayag mo na. Kaya ang nangyayari, ang kapaitan ay umuusbong mula sa ugat nito; at mula sa kapaitang ito ay lumabas ang maraming hindi kanais-nais na bunga.

Ang mga kasalanang ito ang sanhi ng mga pagpalo kaya ikaw ay nag-aalaala.. Karagdagan pa dito, nahahawahan mo ang iba na magkasala din; inilalayo mo ang iba mula sa Salita; ginagawa mo ang iba na magkaroon din ng kapaitan; bumubuo ka ng gawaing paghihiganti; hinihila mo ang iba na magtsismis at manirang puri; nagpapasimula ka ng pagkabalisa, kalagayang paninisi at nagiging palabaya. Sa tuwinang mabigo ka na kalimutan ang iyong kasalanan, patuloy kang hahabulin ng anino nito. Ang iyong kabiguan ay humahawa sa iba na nakapaligid sa iyo; hindi lamang ikaw ang nagiging malungkot kundi sila rin na mga kasama mo.

Ang mga tao na pinakamamahal mo ang parating nasasaktan sa tuwinang mapasailalim ka ng ganitong uri ng carnality. Una, sinasaktan mo ang Panginoong HesuCristo sa hindi pagpansin sa Kanyang Plano para sa iyong buhay; sumunod dito ay sinasaktan mo ang iyong minamahal sa iyong “Operation Fallout.” Hanggang nabibigo kang ihiwalay ang iyong kasalanan, mananatili kang alanganin; makakakita ka ng “panapal” at mamumuo sa iyo ang galit at paghihiganti, ang iyong kapaitan at pagkamuhi, pagtitsismis at paninirang puri laban sa taong iyon at sa iba pa. Hindi mo lang inilalayo ang tao sa IYO, inilalayo mo rin sila sa PANGINOON.

Magkaganon man, habang ikaw ay nabubuhay, hindi pa ito huli. At ang sandali ng paghinto ay ngayon! Sa sandaling mamatay ang kasalanan dahil sa pagpapahayag, ang Dios ang namamahala, at magpapasimula kang makagawa ng mabubuting bagay. Balik sa pakikipag-ugnay, mayroon kang ibang uri ng pag-usbong. Nagkakaroon ka ng bagong kaisipan –

10

Page 12: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

PAGMAMAHAL. Wala ka nang kinamumuhian; lubusan ang iyong kapayapaan, at hinahayaan mo ang iba na mabuhay gaya mo naman na namumuhay!

Anuman ang iyong nagawa, hindi ka makakabalik upang bawiin ito; ngunit hindi ito nangangahulugan na pababayaan mo na ang iyong pananagutan. Kung may pagkakautang ka, katungkulan mo na ito ay bayaran. Magagampanan mo ang iyong pananagutan nang hindi na isinasaalang-alang ang mga nakalipas na kasalanan kaugnay dito. Ipinahayag mo na ang iyong kasalanan, huwag mo nang lingunin ito at magpatuloy ka. Mula sa puntong ito, makakaranas ka ng kaligayahan, kagalakan ng kalooban, kapayapaan, katatagan ng kalooban, panloob na kagandahan. Mayroon ka na nang kalakasan ng Ispiritu, na maipamumuhay mo sa ilalim ng GAPp, lumago at magbunga.

Bawat magiting na mananampalataya sa Biblia ay nagkasala o nabigo sa ilang pagkakataon sa kanilang buhay. Walang sinumang magiting na mananampalataya sa Biblia na hindi nakaranas ng kabiguan. At ano ba naman ang kanilang ginawa – maupo at magmukmok dahil dito? Hidi sila ganoon! Ipinahayag nila ito, kinalimutan ito, at sila’y nagpatuloy. Sila’y naging magiting dahil kinalimutan nila ang kanilang mga kasalanan. Nang ipahayag nila ang kanilang mga kasalanan, nalalaman nila na pinatawad na sila ng Dios at kinalimutan na ang mga ito. Hindi sila lumingon; hindi nila tinandaan. Ang nangyari, nang dumating sa kanila ang paghihirap ito ay pawang mga pagpapala mula sa Panginoon (Psa. 119:67). Sa kasalatan o kasaganaan, mayroon silang kagalakan sa loob. Bakit? Dahil sila’y puspos ng Ispiritu; nasa loob sila ng bilog sa ilalim, at sila’y lumalago! Ang isa sa pinaka malakas na sagabal sa paglilingkod sa Panginoon ay ang kabiguan na kalimutan ang kasalanan – hayaang pigilan ka ng iyong mga nakalipas na kasalanan.

Ang mga kasalanang pangkaisipan na hindi pa naipapahayag at hindi pa nalilimutan ay nagsasanga sa dalawa pang gawi – mga kasalanang ipinapahayag at mga kasalanang ginagawa.

MGA KASALANAN SA PANANALITA

Kung ang bunga ng anumang kasalanang pangkaisipan (kalagayang paninisi, pagnanais na maghiganti, hindi mapaliwanagan, mapanibughuin, kapaitan, pagkamuhi, at iba pa) ay nagtulak sa iyo upang magsimulang magsalita tungkol sa taong pinaguukulan mo ng panibugho, pagkamuhi o kapaitan, tatahakin mo ang isa sa tatlong landas, alinman dito ay maglalagay sa iyo sa miserableng buhay.

1. Paninirang puri o Panghahatol. Dito o doon, ang iyong kasalanan ay pawang nasa kaisipan mo lamang; ngunit ngayon ay ipinapahayag mo ang iyong iniisip, at ito ay lumalabas bilang paninirang puri, pagtitsismis at paghahatol. Ang paninirang puri ay bahagi ng panghahatol. Ito ay nangangahulugang “siraan” ang sinuman na pinatutungkulan ng iyong pagkamuhi at kalupitan. Ipinapataw mo sa kanya ang ilang kasalanan. Maaaring ang magagaspang na bagay na sinasabi mo tungkol sa kanya ay totoo, ngunit hindi ito ang mahalaga – hinahatulan mo pa rin siya.

Maaaring maging masama ang pakiramdam mo kapag nakita mo siyang masaya, at ito ang nagpapalala ng kalagayan. Siya na iyong kinamumuhian, siya na nagdudulot sa iyo ng kapaitan ang waring walang suliranin, at hindi mo ito matanggap. Nagsimula ka nang mangampanya na siraan siya at akusahan ng kasalanan sa totoo man o gawa-gawa lamang. At sinisiraan mo siya sa isang kadahilanan lamang – upang pagalitan siya ng iba; upang mapahiya

p GAP: Grace Aparatus for Perception – Biyayang Makinarya sa Pang-unawa (BMP)

11

Page 13: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

siya at masaktan. Sa ganitong gawain, inihahalili mo ang iyong kapasiyahan sa tungkulin ng Dios sa paghatol at pagparusa.

Mga minamahal ko, huwag kayong maghiganti, kundi ipagkatiwala ninyo ang inyong galit: sapagkat nasusulat, sa akin ang paghihiganti; ako angmaniningil, sabi ng Panginoon (Rom.12:19).

Kung anuman ang nakikita mo sa ibang tao ay hindi mahalaga. Kahit na totoo ang iyong sinasabi tungkol sa kanya, mali ka pa rin – dahil nanghahatol ka! Ito ang dahilan kung bakit nasusulat sa Biblia, “Huwag kang humatol, upang hindi ka hatulan” (Matt.7:1). Ang literal na salin mula sa salitang Griyego ay makakatulong sa iyo na maunawaan ito ng mas malalim:

Sapagkat sa hatol na ginagawad mo [ang kasalanan na iyon iniaakusa], sa iyoito ihahatol: at kung gaano man ito kalala na iniukol mo sa kanya, babalik itosa iyo.

Posible na ang paninira mo sa kanya at paghatol ay sumabay na dumating sa kanya bilang pagpapala. Papaano? Ang parusa na iuukol ng Dios para sa kanya ay sa iyo na ibinigay! Kaya, tinatanggap mo na ang parusa ukol sa iyo, at tinatanggap mo rin ang parusang nauukol sa kanya na iyong sinisiraan – para bang ang kaparusahan mo ay hindi sapat! Karagdagan pa, ang sabayang parusa ay hindi humihinto hanggang hindi mo hinihintuan ang panghahatol at paninira. Kaya akuin mo ang mga parusa ng iba – kung gusto mong maging miserable ang buhay mo bilang Kristiano! Bago mo malaman ito, nasa ilalim ka na ng tatluhang kaparusahan:

(1) Parusa ukol sa kasalanan sa kaisipan(2) Parusa ukol sa panghahatol (Matt. 7:1).(3) Parusa ukol sa mga kasalanan na iniaakusa mo sa taong nagdulot ng iyong kapaitan

(Matt. 7:2).

Kung hindi lamang isang tao ang sinisiraan mo sa ganitong pagkakataon, pinaparami mo ang iyong kaparusahan hanggang mawala ka na sa iyong sarili. Ito ang kalimitang tinatawag na “hiningi mo ito”! Ito ang dahilan kung bakit tatlo sa mga kasalanan na sinasabing kinamumuhian ng Dios (Prov. 6:16-19) ay mga kasalanan sa dila. Isa lamang kasalanan na ginagawa ang nakasaad, at ito ay ang murder. Lahat nang paninira, pagpuna o “panis na ubas” ay nagdudulot ng tatluhang kaparusahan, na nagbibigay ng pinakamatinding kapighatian at paghihirap na maaaring danasin sa buhay ng isang mananampalataya. Ang pag-mamatuwid sa sarili na ginagamit bilang dahilan upang umakto na “hukom” ang nakasasakit sa iyo nang higit sa sakit na nararanasan ng iba. Ang paghihirap na ipinapataw sa sarili ay idinaragdag sa parusa, at sa ganitong kalagayan, isinalalay mo ang iyong sarili sa patuloy na kapighatian na kagagawan mo naman.

2. Tsismis. Ang tsismis ay pagsasabi ng nakakasirang bagay tungkol sa isang tao na HINDI TOTOO. Kaya, inaakusahan mo siya ng kasalanang hindi naman niya ginagawa. Kung ikaw ang pinatutungkulan ng ganitong tsismis, kung ang pangyayaring ito ay may katotohanan o wala; ang isyu ay privacy: ipinamumuhay mo ang sarili mong buhay para sa Panginoon na ganoon din ang dapat na iukol mo para sa iba. Ang tanging bagay na iyong nakukuha ay saktan ka – ang kaparusahan ng Dios ay itinuon sa iyo, hindi sa taong itsinismis. Kung ikaw ang biktima, huwag mong subukang magpaliwanag. Ang tao ay naniniwala sa gusto nilang paniwalaan; sa katotohanan nga, ang pagpapaliwanag ay kalimitang nagpapalala pa ng kalagayan. Sila na namumuhay sa pakikipag-ugnay sa Panginoon at lumalago ay nakauunawa na wala silang pakialam sa iyong buhay; ito ay isang bagay na tanging ang Dios lamang ang may karapatan na hawakan ang ganitong bagay (pagsasakatuparan ng doktrina ng privacy).

12

Page 14: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

3. Gumagawa ng hidwaan. Ang kasalanang ito ay dulot ng kabiguan na lutasin at kalimutan ang di pagkakaunawaan sa ibang mananampalataya. Mapagpansing uri ng tao na nagrereklamo sa iba na walang kaugnayan upang matanggap ang kanilang pagdamay at tulong. Ang maybahay ay inirereklamo ang kanyang asawa; ang manggagawa ay nagpapahayag ng di patas na trato ng kanilang amo; mga kasapi ng kongregasyon ay nagpapakita ng tampo sa kanilang pastor. Hinihikayat nila ang ilang tao na walang kaugnayan at walang nalalaman laban sa kanilang kinamumuhian at kinaiinisan, na ang bunga ay kalituhan sa kanilang kapaligiran.

4. Paghahayag ng kasalanan sa publiko. Ang ika-apat na kaparaanan upang manatili ka sa labas ng pakikipag-ugnay ay magpasimula ng apoy sa paggamit ng iyong dila. James, Chapter 3, ang magiting na talata patungkol sa pagkontrol sa sarili.

Dahil sa maraming bagay ay natitisod ang lahat [nagkakasala tayo sa maraming larangan]. Kung ang sinuman ay hindi makatisod sa pananalita [pansinin, kung ang sinuman ay hindi magkasala sa kanyang mga dila], siya ay isang ganap [o marunong na] na tao . . .(Jas. 3:2).

Mapapansin mo kaagad ang isang marunong na mananampalataya. Hindi siya nanghahatol, naninira o nagtitsismis. Hindi siya namumukol ng putik o kasamaan sa ibang tao. Hindi siya nagkakasala sa tinaguriang “mahabang ilong.” Ganoon din siya na “may kakayahang gabayan ang buong katawan” (James 3:2). Ang isang marunong na mananampalataya ay nagtataglay ng pinakamalakas na uri ng pag-kontrol sa sarili, na ito naman ang kanyang kakayahan na gabayan ang bawat bahagi ng kanyang buhay, pati na ang kanyang dila!

Isang nakakatakot na bagay na mapagunawa ang kasiraan na nagagawa ng dila ng tao. Isang napakaliit na bahagi ng ating katawan, na may kakayahang hilahin ang landas ng ating buhay gayon din naman na wasakin ang buhay ng iba. Ang mga kabayo ay nahihila sa pamamagitan ng sungka, ang barko ng timon; ang mabangis na hayop ay napapaamo; ngunit isang bagay lamang ang makapagpapaamo sa dila – pinakamaraming natutunang doktrina ng Biblia sa kaluluwa, na isinasakatuparan sa buhay.

Narito, tinatalian natin ang bibig ng kabayo, upang sumunod sila sa atin[at sumusunod naman sila]; at naiikot natin ang buo nilang katawan.Ganuon din naman ang mga barko, na kahit na sila ay napakalaki, atbagaman na itinutulak ng malakas na hangin ay napaliliko ng isang napakaliit na timon saan man naisin ng piloto na ito ay tumungo(literal na salin ng James 3:3,4).

“Gayon din naman ang DILA AY ISANG MALIIT NA BAHAGI, at nagyayabang ng mga malalaking bagay. . .” Ngayon narito tayo: “Tingnan ninyo, gaano kalaking bagay [gaano kalaking bilang ng tao] ang nasusunog ng maliit na apoy!” (Jas. 3:5). Ang dila ay isang maliit na bagay sa katawan, ngunit nagpapasimula ito ng malaking suliranin. Ang pag-sasaysay ng kasalanan sa publiko ay bumabagsak sa kategoriyang ito.

Ang ilang tao ay nag-iisip na ang revival ay nagsisimula sa bukas na pagpapahayag ng mga kasalanan – isang maling pagkaunawa sa salita ng Dios na isinasagawa sa buong kasaysayan. Ang pagpapahayag ng kasalanan sa publiko ay naglalagay ng kasalanan sa kaisipan ng lahat na nakakarinig nito, at ito ang nagiging dahilan upang sila ay malayo sa pakikipag-ugnay sa Dios nang mahabang panahon. Sa halip na magdala ng revival, ang pagpapahayag ng kasalanan sa publiko ay makagigiba ng buong iglesia. “Ngunit,” sinasabi mo “nakagiginhawa ito

13

Page 15: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

ng aking kalooban!” Maaaring maginhawahan ka sumandali, ngunit hindi ito nakapag-aalis ng pag-aalaala; na kalimitan ay nagdudulot ng permanenteng kasiraan, pareho sa iyong sarili at sa ibang mananampalataya. Dagdag pa dito, wala itong nagagawa upang maalis ang parusa; hindi ito nangangailangan ng tulong ng tao! Kaya nga ito ang dahilan upang ang Pastor ay hindi dapat payagan ang sinuman na tumayo at ipahayag ang kanyang kasalanan sa iba sa isang lugar na isinasakatuparan niya ang kanyang pananagutan. Ang pagpapahayag ay isang bagay sa pagitan ng tao at Dios.

MGA KASALANANG GINAGAWA

Ang ikatatlong larangan na kung saan ay nabibigo tayong alisin ang kasalanan ay sa paggawa. Ang pagpapatuloy ng paghahayag ng kasalanan ay kalimitang ginagawa salig sa kaparaanan ng paghihiganti – GINAGAWA ang ilang mga bagay na nalalaman mong makasasakit sa iba. Ang layunin ng pagpapaimbabaw at di tunay na pagmamahal ay nagdudulot ng pagkawala ng pang-unawa at maging mapaghiganti. Kung matalino ka, makakaisip ka ng maraming kaparaanan upang makasakit ng iba.

Kapag nagpasimula kang magplano ng paghihiganti, kalimitang tumutungo ito sa isa sa dalawang bagay: pang-aasar o pang-aaway, o pareho; alinman sa mga ito ay hindi makalulutas ng suliranin. Isa kang bigo o nalilitong mananampalataya na nag-iisip ng away bilang katugunan sa iyong mga suliranin. Kaya sinuntok mo siya sa ilong! Ano ang iyong nalutas? Wala! Nagukol ka lang ng parusa para sa iyong sarili. Hindi mo magagawang magkaroon ng kagalakan sa kapighatian ng iba. Ang dalawang pagkakamali ay hindi nagiging tumpak! Inilagay mo lamang ang iyong sarili sa patuloy na kasakitan; nabigo kang makapaglingkod sa Panginoon, at samakatuwid ay nabigo kang maunawaan ang layunin kung bakit nananatili ka pang buhay – upang marating mo ang kalagayang puspos ng biyaya.

Makikita mo na ngayon ang isang mabigat na hamon sa buhay ng Kristiano na kalimutan na ang naipahayag na mga kasalanan. KALIMUTAN LAHAT NANG LUBUSAN! Ano ang kailangan mo para magawa ito? Isang bagay na mayroon ka o wala pa – ang faith-rest technique.q

Kailangan mong maniwala sa 1 John 1:9! Kung nagpapasimula ka na namang isipin ang mga naipahayag na kasalanan, pinasisimulan mo ang isang kasalanan mula sa isa. Hinahayaan mong mag-apoy ang isang kasalanan mula sa isang kasalanan, nagsisimula sa iyong kaisipan, pagkatapos ay ipapahayag at sa huli ay isasagawa mo ang iyong naiisip na kasalanan. Sinimulan mong magdanas nang patuloy na kabiguan at pagbaligtad na dito naman ay napakahirap makapanumbalik.

PAGSASALIKSIK SA SARILI

Tingnan ang unang dalawang salita sa Hebrews 12:15 muli: “Pagmasdang mabuti.” Ito ay pahayag tungkol sa gawi ng kaisipan. Ito ay nasa bahaging pangkasalukuyang pagkilos – MAGPATULOY NA TUMINGIN NANG MASINSINAN. Ito ay nangangahulugan ng “sakyan mo ang iyong sarili”; “patuloy mong suriin ang iyong sarili.” At bakit mo ba susuriin ang iyong sarili? Upang hindi mo hayaang manatili ang kasalanan sa iyong buhay. Upang matiyak mo na wala kang iniingatang kasalanan sa pag-iisip tulad ng pagkamuhi o pagkagalit sa ibang tao.

q Faith-Rest Technique: Paglalakip ng mga pangako at doktrina ng Salita ng Dios na may pananampalataya. Nararanasan lamang nang lubos sa buhay na sukdulang-biyaya.[Kaparaanan ng Kapahingahan sa Pananampalataya – KKP].

14

Page 16: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Sa pagsusuri sa iyong kaisipan, tanungin ang sarili, “Ako ba ay may nararamdamang panunurot ng budhi tungkol sa kasalanan? Patuloy ko bang iniisip ang mga bagay na ito? Patuloy ko bang ipinapamuhay ang kalagayang ito? Ako ba ay nag-aalala at iniuugnay ito sa bawat suliranin sa buhay ko? Ninanais ko bang ipagsabi ko ito sa iba upang makadama ako ng kasiyahan? Iniisip ko ba na maghiganti? Magiging maligaya ba ako kung makita kong naghihirap ang gumawa ng mali sa akin?”

Huwag mong hayaan na ang isang kasalanan sa iyong buhay ay maging pasimula ng iba pang kasalanan! Kapag gumagawa ka ng “pagtatakip” sa iyong mga kasalanan at sinisisi ang lahat mong kahinaan at kabiguan at kahirapan dito, malayung-malayo ka sa katotohanan, maliban na lamang na alam mo na ikaw ay nagdurusa.

Ang Biblia ay punong-puno ng kamangha-manghang doktrina, ngunit hindi mo mauunawaan ang mga bagay na ito. Ang Biblia ay naglalaman ng lahat na prinsipyo ng kagalakang panloob, panloob na kapayapaan, panloob na kasiyahan, ngunit hindi mo nararanasan ang mga ito. Patuloy kang nagtataka, “Ano ba ang nangyayari sa akin?” Pagkatapos mong maranasan ang paghihirap sa maraming taon, ninanais mo nang mamatay; naiisip mong magpakamatay. Iniisip mo na wala nang kabuluhan ang buhay. Ikaw ay isang ispirituwal na “yagit,” at walang sinuman ang makapagpapanumbalik sa iyo! Iniisip mo na walang sinuman ang nakakaunawa!

Ngunit ngumiti ka naman! Ang Biblia ay nakakaunawa sa iyo, sapagkat ang Biblia ay “kaisipan ni Cristo” (1 Cor. 2:16), at sinabi Niya, “Hindi ito isang bagay na walang nakakaunawa sa iyo – AKO (Cristo) ang hindi mo nauunawaan o ang Aking Salita (ang Biblia). Hindi mo nauunawaan kung ano ang pag-ibig. Wala kang guni-guni kung ano ang Aking Biyaya! Iniisip mo na ang lahat na pagdurusa ay sanhi ng mga ginawa mo sa nakalipas. Ay, hindi! Ito ay pagdurusa sanhi ng mga ginagawa mo NGAYON. Ito ay palo dahil sa nakagawiang kasalanan sa isipan; kasalanan ng dila; at sa paghihiganti.”

Kapag hindi mo naalis ang naipahayag na kasalanan sa pamamagitan ng faith-rest technique, nagtatayo ka ng makinarya na gumagawa ng kasiphayuan na nagpapatuloy. Kasalanan sa kaisipan at mga kasalanan sa dila ay gumagawa ng sariling kalungkutan. Hindi mo dapat sinasabi na hinahabol ka ng demonyo, dahil hindi – wala siya sa lahat ng dako! Ngunit alam mo ba kung SINO ang humahabol sa iyo? (Baka ma-shock ka!) IKAW ang “halimaw” na tumutugis sas iyo!

Ang katugunan ay nagsisimula sa paglimot ng iyong kasalanan. Minsan pa ang kaparaanan: una sa lahat, nang ipahayag mo o binanggit mo ang iyong kasalanan sa Dios, ito ay napatawad na – maniwala ka man o hindi. Sa karapatan ng Salita ng Dios, masasabi ko nang tahasan, NAPATAWAD NA ITO! Ni hindi nga ito salig sa iyong pananampalataya. Salig ito sa Salita ng Dios! Pinaniniwalaan mo man o hindi ang 1 John 1:7 ay nagpapalagay kung MAGAGALAK ka sa mga ibinunga ng kapatawaran ng mga kasalanan. Ang kakayahan na magalak ay nangangailangan ng paniniwala na nang ipahayag mo ang kasalanan sa Dios, ito ay pagdakang nalinis at nabura magpakaylanman. Ang kakulangan ng iyong pananampalataya ay walang kinalaman sa hindi pagbabago at katapatan ng Dios, ngunit magdudulot ito sa iyo ng pagkabalisa. Katawa-tawa na makaramdam ng masama tungkol sa isang kasalanan na nabura na!

Maaaring nakikita mo na ngayon na ang Hebrews 12:15 ay isang susing talata ukol sa pagkaunawa ng mananampalataya tungo sa pamumuhay Kristiano. Lahat tayo ay may nararanasang pressure, pagdurusa, pagsubok, pagdaramdam at paghihirap. Kung paanong ang kalamnan ng katawan ay lumalaki sa ilalim ng paghihirap, gayon din naman ang kalamnan ng ispiritu ay lumalaki sa ilalim ng pagdurusa. Samakatuwid, ang nakararaming dahilan ng

15

Page 17: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

pagdurusa ay nakalaan para sa pagpapala; isa lamang para sa pagpapalo. Kailangan mong mabatid kung ang pagdurusa ay para sa pagpapalo o para sa pagpapala. Kung ito ay para sa pagpapalo, kung magkagayon kailangan mong saliksikin ang iyong buhay at magtanong, “Ano ang kasalanan? Saan ako nagkamali? Ano ang hindi ko naipapahayag?” Kapag nalaman mo na at naipahayag ang kasalanang iyon, ang talaan ay nalinis nang lubusan. Kung ang pagdurusa ay nagpatuloy, hindi ito para sa pagtutuwid; ang sumpa ng pagpapalo ay napalitan ng pagpapala. Paano ito nagawa ng Dios? Mayroong isang salita na katugunan, at kung ito ay nauunawaan mo, ay naunawaan mo na ang alituntunin ng bawat bagay na nabanggit. Ang salitang ito ay BIYAYA. Ito lamang!

Ano ba ang ipinapahayag ng salitang biyaya? Ipinapahayag nito ang isang katotohanan na lahat tayo bilang mananampalataya ay nagkakasala ngunit hindi ito dahilan upang tayo ay malugmok. Sinabi ni David, “Ano ang tao, na iyong pinapansin? at ang anak ng tao na iyong pinapasyalan?” (Psa. 8:4). Ang salitang “pinapasyalan” ay nangangahulugan ng pinagpapala sa biyaya. Ano ang tao? Ano ba tayo upang pagukulan ng pansin ng Dios upang pakinabangan? Ang kasagutan ay, WALA TAYONG KABULUHAN! Kung wala tayong kabuluhan, bakit PINANSIN tayo ng Dios? Dahil sa ating kalagayan sa katotohanan! Dahil ang bawat mananampalataya ay inilagay “kay Cristo,” minahal tayo ng Dios Ama katulad ng pagmamahal Niya na iniukol sa Dios Anak. Lahat nang bagay ay sumasailalim sa isang alituntunin – bawat pagpapala, anoman ang maaari nating matawag na magiting, o pagtatagumpay, o kalakasan, o pagpaparangal sa Panginoon – ay hindi batay sa kung ano at sino tayo, ngunit lahat nang ito ay dahil sa SINO SIYA at ANO ANG KANYANG IPINAGKAKALOOB!

ANG LAYUNIN PARA SA IYONG BUHAY

Ang nilalaman ng mensaheng ito ay hindi upang tapakan ang iyong hinlalaki, bagaman tumatama! Ngunit narito ang layunin: isang trahedya ang mawalan ng kapayapaan at kagalakan at pagpapala sa ating pamumuhay bilang Kristiano dahil nabigo tayo sa biyaya ng Dios! Ang biyaya ng Dios ay hindi tayo binibigo! Paano natin malalaman na ang Kanyang biyaya ay hindi tayo binibigo? Sapagkat nabibigo tayo sa maraming pagkakataon, ngunit narito pa tayo at nabubuhay – mayroon pa ring layunin ang Dios sa ating buhay! Nais Niya na makaranas tayo ng kaligayahan, payapang kalooban, kalakasan ng kalooban at mga bunga na madadala doon sa kawalang hanggan.

Sa isang lugar sa iyong kapaligiran, mayroong isa na nangangailangan kay Cristo, mayroong isa na naghihintay ng lakas, ang kapayapaan at ang kaligayahan na nararanasan mo sa iyong paghihirap; naghihintay na makita ang katatagan ng isang super-grace na mananampalataya sa kapanahunang ito ng kasaganaan; naghihintay na masaksihan ang kahusayan ng Dios Banal na Ispiritu sa iyong buhay. Ngunit sa kabiguang mapakinabangan ang biyaya ng Dios, “pinagsusupladuhan” mo ang Banal na Ispiritu; pinalulungkot mo o sinasansala Siya (Eph.4:30; 1Thess. 5:19). Ibinilanggo Siya sa isang maliit na silid; imposible na makagawa Siya sa iyong buhay. Kaya, hindi mo nararanasan ang mga magigiting na pagpapala na dala ng biyaya ng Dios.

Kaya ang usapin ay naging katulad ng usapin na mayroon tayo sa Romans, kabanata 8: “piliin mo kung anong batas ang iyong susundin.” Ang pagsunod sa batas ng ispiritu ay nangangahulugan na ang kasalanan ay patay na at nailayo at ang Banal na Ispiritu ang nangunguna at nagpapabunga. Ang pagsunod sa batas ng carnality ay nangangahulugan na ang kasalanan ang nagbubunsod sa iba pa hanggang sunugin ang sarili mong buhay at ang nakapaligid sa iyo – ginigiba ang iyong sarili at iba ng iyong carnality o reversionism.

BALANGKAS NG MGA PRINSIPYO

16

Page 18: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Sa kalahatan, nais ko na pansinin ninyo ang maraming prinsipyo na makakatulong sa inyo na sundin ang batas ng ispiritu nang patuloy at marating ang super-grace.

1. Pag-aralan ang Doktrina ng Hamartiology (kasalanan). Maraming kategorya ng kasalanan na hindi nalalaman ng mananampalataya hanggang masuri ang maraming pamantayan ng Biblia.

2. Kabisaduhin ang Doktrina ng Spirituality. Mahalaga na maunawaan kung paano makapanumbalik mula sa carnality at mapanatiling matagal sa loob ng spirituality.

3. Unawain ang retroactive positional truth – ipinakilala kay Cristo sa panahon ng Kanyang kamatayan – at ang katotohanan na ang makataong kabutihan ay hindi isinama sa Krus.

4. Magpasimulang lumago sa ispiritu sa pamamagitan ng kaalaman at pagkaunawa sa doktrina at makabisa ang biyaya, na ito ang nagdudulot ng katatagan, ang buhay ng super-grace at pinakamaraming naibubunga. Iwasan ang huwaran sa 1 Timithy 5:13 – “Operasyon Mahabang Ilong”; matutunan na pansinin lamang ang sariling gawain (Rom. 14:4a) at ipamuhay ang sarili para sa Panginoon.

ANG ISYU SA KALIGTASAN

Ang mensaheng ito ay nauukol sa kanila na nananampalataya kay HesuCristo. Marahil ay hindi ka pa nakagagawa ng pinakamahalaga sa lahat mong pagpapasiya. Dinala ng Panginoong HesuCristo sa Kanyang sariling katawan doon sa Krus ang bawat kasalanan na iyong nagawa at gagawin pa (1 Pet. 2:24). Sa Kanyang kamatayang ispirituwal ay nagkaloob din siya ng kaparaanan na mapagtagumpayan ang kalikasang makasalanan at maipahayag at maisantabi ang bawat kasalanan sa pamumuhay bilang Kristiano. Walang anuman sa pagitan mo at ng Dios – kahit na ang kasalanan – tangi lamang ang iyong PAGTANGGI!

Mapapasaiyo ang buhay na walang hanggan ngayon sapagkat mapapasaiyo ang Dios Anak bilang iyong tagapagligtas. Paano? “Sinumang MANAMPALATAYA sa Kanya ay hindi mapapahamak, kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan” (John 3:15). Kagaya din naman ng pangungumpisal, ay gayon din sa kaligtasan, ang pagtanggap ay hindi salig sa binibigyan.

Sapagkat sa biyaya kayo ay nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya;at hindi sa pamamagitan ng iyong sarili: ito’y KALOOB ng Dios: hindi sapamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay hindi magyabang (Eph. 2:8,9).

Sa pagkakaroon lamang ng pananampalataya kay HesuCristo, ikaw ay isisilang na muli; ikaw ay magiging anak ng Dios at kabilang sa Kanyang Maharlikang Pamilya magpakaylanman. Matatanggap mo ito. Sinabi ni Hesus, “Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na napapagal at nabibigatang lubha, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan” (Matt. 11:28). “Siya na lumalapit sa akin sa anumang paraan ay hindi ko siya itataboy” (John 6:37).

Ito na ang iyong pagkakataon. Makapananalangin ka nang matahimik: “Ama, nananampalataya ako kay HesuCristo. Tinatanggap ko Siya na aking Tagapagligtas.” Ang kabaligtaran ay maliwanag na isinasaysay sa John 3:36:

Siya na nanampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: ngunit siya na hindi nanampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay; bagkos ang poot ng Dios ay mananatili sa kanya.

17

Page 19: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

MGA KARAGDAGAN

ANG DOKTRINA NG PANUNUMBALIK

1. Ang panunumbalik ay nangangahulugan ng pananauli ng pakikipag-ugnay sa Dios at pagbabalik ng pagpuspos ng Banal na Ispiritu (Prov. 1:23; Eph. 5:14 cf. Eph. 5:18).

2. Ang panunumbalik ay kailangang maunawaan sa liwanag ng kaugnayan sa Dios (Jer. 3:13) o sa liwanag ng kalagayan sa katotohanan (Rom. 8:1).3. Ang pinagbabatayan ng panunumbalik ay ang bisa ng kamatayan ni Cristo sa Krus, kung saan binayaran Niya ang ating mga kasalanan (2 Cor. 5:21; 1 Pet. 2:24; 1 John 1:7).4. Ang walang hanggang kaligtasan ang kinakailangan upang maunawaan ang paraan ng panunumbalik (Rom.8:38,39).

a. Ang mga kasalanan ng mananampalataya pagkatapos ng kaligtasan, na ang mgaito ay nasa bansag ng CARNALITY, hindi pagkawala ng kaligtasan (1 Cor. 3:1-3;1 John 1:8, 10).

b. Ang carnality at reversionism ay mga kalagayan sanhi ng pagtanggi o hindi pag-tanggap sa kaparaanan ng panunumbalik.

5. Ang pagsasagawa sa kaparaanan ng panunumbalik: ipahayag ito (1 John 1:9); kalimutan ito ( Phil. 3:13, 14); ilayo ito (Heb. 12:15).

6. Ang kahalili ng panunumbalik – pagpapalo ng Dios (1Cor. 11:31; Heb. 12:6).7. Ang pagwawalang bisa sa panunumbalik: legalismo at ibang mga Kristiano (Luke 15:11-32).8. Mga biyayang kaloob upang tulungan ang ibang mananampalataya upang manumbalik

a. Ang pagsasagawa (Gal. 6:1).b. Pag-uugaling kaisipan sa biyaya (Matt. 18:23-35).c. Kasanayan sa biyaya (Col. 3:13).d. Gawad sa pag-gabay sa iba (Jas. 5:19,20).

9. Kahalintulad na tawag ng panunumbalik sa Bibliaa. Ipahayag (1John 1:9).b. Hatulan ang sarili (1 Cor. 11:31).c. Iparaya (Pangkapanahunang anyo) – (Rom. 6:13;12:1).d. Iwanan ang bawat pabigat (Heb. 12:1).e. Magpasa-ilalim ng Ama (Heb. 12:9).f. Itaas ang nangalay na kamay (Heb. 12:12).g. Ituwid ang mga landas (Matt. 3:3; Heb. 12:13).h. Bumangon mula sa kamatayan, sa literal, “tumayo uli mula sa kamatayan (Eph. 5:14).i. Tanggalin ang lumang tao (Eph. 4:22).j. Aminin ang iyong kasamaan (Jer. 3:13).

10. Mga atas ukol sa panunumbalik sa Lumang Tipan (Psa. 32:5; 38:18; 51:3,4; Prov. 28:13).

ANG DOKTRINA NG PAGPAPALO NG DIOS

1. Ang pagpapalo ng Dios ay ang kabuoang total ng kaparaanan ng pagpaparusa na kung saan ay itinutuwid at hinahatulan ng Dios ang mga mananampalataya habang siya ay nabubuhay (Heb. 12:5).a. Ang pagpapalo ay kahalili ng pagpapala.

18

Page 20: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

b. Nakabatay ito sa pag-ibig ng Dios sa mananampalataya (Heb. 12:6; Rev. 3:19).2. Ang pagpapalo ng Dios ay nagaganap sa dalawang kalagayan ng buhay ng mananampalataya; carnality at reversionism. a. Ang pagpapalo dahil sa carnality ay panandalian lamang at naaalis sa pamamagitan ng panunumbalik ( 1 John 1:9).

b. Ang pagpapalo dahil sa reversionism ay nananatili habang nabubuhay atnatatapos sa kamatayang dulot ng kasalanan maliban na lamang kung siyaay manumbalik.

3. Ang layunin ng pagpapalo ng Dios ay upang ituwid ang mananampalataya at akayin siya upang manumbalik o makabangon mula sa reversionism.4. Ang pagpapalo ng Dios gaano man katindi, ay hindi nangangahulugan ng pagkawala ng kaligtasan (Gal. 3:26; 2 Tim. 2:11-13).5. Ang pagpapalo ay kaugnay sa prinsipyo ng biyaya na pinapalitan ng pagpapala ang sumpa.

a. Ito ay nagaganap sa paghatol sa sarili (1 Cor. 4:30,31).b. Kung manumbalik ang mananampalataya ngunit ang sakit ng palo ay hindi naalis o

nabawasan man lang, dito ang nararamdamang sakit ay nagpapatuloy bilang pagpapala at hindi kaparusahan (Job 5:17, 18).

6. Lahat ng pagpapalo ng Dios ay dito lamang sa buhay. Walang pagpapalo sa mga mananampalataya sa langit (Rev.21:4).7. Ang tatluhang pagpapalo ay may kalakip na pagkasiphayo at kahatulan ng Dios.

a. Ang kasalanang pangkaisipan ay nagbubunsod ng mga kasalanan sa dila. Ang mga kasalanang ito sa pagiisip ang sanhi ng pagpapalo. b. Ang mga kasalanan sa dila ang batayan ng napipintong kilos ng Dios (Matt. 7:1).

c. Anumang pagpapalo ang nakalaan sa kasalanan ng biktima ng kasalanan ng dila ay idinaragdag sa naninira (Matt. 7:2).

8. Mayroong tatlong kalagayan ng pagpapalo ukol sa reversionism. a. Ang babala – “kumakatok sa pintuan” (Jas. 5:9; Rev. 3:20): Ito ang pangkalahatang kalagayan ng pagpapalo, na maaari namang mawala sa paggamit ng kaparaanan sa panunumbalik. b. Ang pina-igting na kalagayan, na dito ay kasama ang pagkawala ng kalusugan at iba pang napakasakit na latay ng palo: pagkawala ng tamang kaisipan (Psa. 38:1-14); ang paggaling ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na pag-aaral ng Doktrina.

c. Ang yugto ng kamatayan: ang mananampalataya ay nasa ilalim ng kamatayangdulot ng kasalanan (1 John 5:16); kung magpapatuloy siya sa reversionism aymagtatapos siya sa kamatayang dulot ng kasalanan (Jer. 9:16; 34:12; Phil. 3:18;Rev. 3:16).

ANG DOKTRINA NG PAGDURUSA

1. Mga dahilan ng pagdurusa. a. Pagkawala ng kalusugan, kayamanan, minamahal, at iba pa. b. Pagpapataw ng katarungan ( mabilanggo, at iba pa). c. Mga tao (tsismis, digmaan, hindi pakikipagkasundo, at iba pa). d. Napabayaan (kagutuman, kauhawan, at iba pa). e. Kalikasan (init, lamig, buhawi, bagyo, t iba pa). f. Pangkaisipan (pag-aalaala, takot, panibugho, at iba pa). g. Malayo sa sambayanan (kalungkutan, pagkatalo, at iba pa). h. Kasalanan sa isip (pag-papahirap sa sarili).

19

Page 21: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

i. Reversionism (pagani sa iyong itinanim). j. Pagsuway sa namumuno.2. Mga uri ng Pagdurusa a. Sa kapanahunan. (1) Hindi mananampalataya (dalawang uri). (a) Paglabag o pagtanggi sa batas ng gobyerno. (b) Pag-papahirap sa sarili. (2) Mananampalataya (tinggnan sa ika-apat). b. Sa walang hanggan. (1) Hindi mananampalataya – Dagat-dagatang Apoy (Rev. 20:12-15). (2) Mananampalataya – wala nang pagdurusa (Rev. 21:4).3. Mga Paliwanag tungkol sa Pagdurusa. a. Ang lahat nang pagdurusa ay inilaan lamang ukol sa pagpapala sa kapanahunan (1 Pet. 1:7, 8; 4:14). b. Hindi kabilang ang ukol sa pagpapalo (Heb. 12:6) c. Ang nauukol sa pagpapalo ay inaalis sa panunumbalik mula sa carnality (1 Cor. 11:31; 1 John 1:9), at paglisan mula sa reversionism. d. Ang pagdurusa ay naaayon sa prinsipyo ng biyaya, kung saan ang sumpa ay nahalinhan ng pagpapala (Rom. 8:28; ! Thiss. 5:18)4. Mga layunin ng pagdurusa ng Kristiano a. Pagpapalo (karampatan). (1) Ukol sa carnality (Psa. 38) at reversionism (Ecclesiastes) (2) Dahil sa pakikisama (1Sam. 2:1; Rom. 14:7; 1 Cor. 12:26). (3) Dahil sa maling pagpapahalaga (Ecclesiastes; Song of Solomon). (4) Mula sa pagsurot ng budhi (1 Tim. 1:5, 6, 19, 20; 3:9; 4:1, 2; Tit. 1:15). (5) Sa pamamagitan ng pambansang pagpapalo (Lev. 26:14-39; Isa. 33; 59; Hosea). (6) Mula sa di pagsang-ayon sa prinsipyo ng tugmang lalaki – tugmang babae (Jer. 12:7; 15:7-12, 17, 18; Ezek. 16;23). (7) Mula sa kabiguang limutin ang kasalanan (Heb. 12:15). (8) Mula sa panandaliang pagkawala ng pamantayang biyaya (Jer. 2:24, 25). (9) Mula sa digmaan o pag-aaklas. (10) Dahil sa reversionism (idinulot na kapighatian sa sarili) (Psa. 77). b. Pagpapala (di-nararapat).

Pagsurusa upang maluwalhati ang Dios sa kapanahunan ng tunggaliang Angheliko (Job; Luke 16:20, 21; 1 Pet. 1:12; 3:17).

Upang matutunan ang pagsunod at disiplina sa sarili (Phi. 2:8; Heb. 5:8). Upang ipahayag ang kasapatan ng biyaya (2 Cor. 12:1-10). Upang maalis ang mga balakid sa buhay tulad ng pagmamataas at kayabangan

at upang maiugnay ang pagdurusa sa kasapatan ng biyaya (2 Cor. 11:24-33; 2 Cor. 12:1-10).

Upang mabuo ang kinakailangang pananampalataya ukol sa kaparaanan ng kapahingahan sa pananampalataya (1 Pet. 1:7, 8).

Upang mapadali ang pagbuo ng struktura sa kaluluwa (mga kalikasan ng malagong pananampalataya) at upang makapasok sa kalagayan bilang super-grace (Jas. 1:1-6).

Upang matulungan ang ibang nagdurusa (2 Cor. 1:3-5). Upang matutunan ang halaga ng doktrina ng Biblia (Psa. 119:67, 68,71). Ukol sa impluwensiya at pagsulong ng doktrina (2 Tim. 1:12-14). Bilang

kaparaanan ng patotoo kay Cristo (2 Cor. 3, 4). 5. Kapahayagan ng pag-ibig ng Dios sa pamamagitan ng pagdurusa

20

Page 22: ISOLATION OF SINdikaosune.com/documents/PaghihiwalaysaKasalanan... · Web viewPagpapahirap sa sarili: Ang isang bunga ng paninisi sa sarili ay gawaing pangkaisipan na tatawagin kong

Dahil wala nang pagdurusa ukol sa mananampalataya sa kawalang hanggan, ang panahon ay isa lamang pagkakataon na maipahayag ng Dios ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagdurusa (1 Pet. 4:14, 16).

Walang napakabigat na pagdurusa na higit pa sa Plano ng Dios. Ang mga ipinagkakaloob ng Dios sa gitna ng pagdurusa ay higit na malakas sa

alinmang pagsubok sa buhay Ang pag-ibig ng Dios na ipinapahayag sa pamamagitan ng pagdurusa ay nararanasan lamang ng higit ng mga malago sa pananampalataya.

Ang mananampalatayang super-grace ay karapat-dapat sa pamamagitan ng nananahanang doktrina upang malampasan ang alinmang bagyo ng buhay.

6. Ang naiibang pagdurusa ni Cristo (Isa. 53). 7. Mga dahilan ng pagdurusa ng isang pastor-titser. a. Upang manatili sa pakikipag-ugnay kay Cristo (2 Tim. 2:8). b. Upang lubos na maunawaan ang doktrina ng Biblia (2 Tim. 2:9). c. Upang maisakatuparan ang layunin ng biyaya sa kapanahunan (2 Tim. 2:10). 8. Mga prinsipyo ukol sa pagdurusa ng mga ultra super-grace.

a. Ang mga ultra super-grace na mananampalataya ay nakakaranas ng mga pagdurusang di-nararapat bilang pinakamataas na karangalan sa kanilang kapanahunan – mga pagsalungat mula sa devil at sa lahat na kalipunan ng pwersa ng satanas (Phil. 3:10; 2 Tim. 3:8-12).

b. Ang mga pagdurusa ng mga ultra super-grace na mananampalataya ay mgapagpaparangal, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay sa mananam-palataya sa kanyang kapanahunan.

c. Ang mga pagdurusa ay pinatitindi ang mga pagpapala na nakapaloob sa kanyang tanging pagpapala.

This page is posted at our websites:www.JRCBDM.com

21