91
Aralin 1 Ang Aking Buhay: Kaloob ng Diyos Petsa PSSLC 1.1 Napalalalim ang pagkilala sa kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos sa Kanyang mga Batas, sa Batas Kalikasan at Batas Moral I. Mga Tiyak na Layunin A. Nakikilala at napatutunayan ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga Batas. B. Nakatutugon sa mga Batas na itinakda ng Diyos na may positibong pananaw. C. Naitatalaga ang sarili tungo sa mapanagutan pagsunod sa mga Batas na itinakda ng Diyos sa kanya bilang tao. II. Nilalaman ng Aralin Ang Diyos at ang Kanyang mga Batas Batas ng Diyos Batas ng Kalikasan Batas Moral III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon, ilahad sa mga mag-aaral ang ilang pagpapatunay ng Kadakilaan ng Diyos. Maaaring gumamit ng slides o powerpoint presentation para rito. Hikayin ang mga mag-aaral na magbahagi pa ng kanilang mga kaalaman at karanasan ukol sa kadakilaan ng Diyos. B. Gawain 1. Ipagawa ang pagsusuri ng mga sitwasyon 2. Pangkatin ang mga mag-aaral nang may lima o anim na kasapi. Hikayatin sila na ibahagi sa pangkat ang kanilang mga resulta ng pagsusuri. 3. Magtalaga ng isang tagapag-ulat para sa bawat pangkat.

Janet Espulgar Lima

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Janet Espulgar Lima

Aralin 1

Ang Aking Buhay: Kaloob ng Diyos

Petsa

PSSLC1.1 Napalalalim ang pagkilala sa kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos sa

Kanyang mga Batas, sa Batas Kalikasan at Batas Moral

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nakikilala at napatutunayan ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga Batas.

B. Nakatutugon sa mga Batas na itinakda ng Diyos na may positibong pananaw.C. Naitatalaga ang sarili tungo sa mapanagutan pagsunod sa mga Batas na

itinakda ng Diyos sa kanya bilang tao.

II. Nilalaman ng Aralin

Ang Diyos at ang Kanyang mga Batas

Batas ng Diyos Batas ng Kalikasan Batas Moral

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon, ilahad sa mga mag-aaral ang ilang pagpapatunay ng Kadakilaan ng Diyos. Maaaring gumamit ng slides o powerpoint presentation para rito. Hikayin ang mga mag-aaral na magbahagi pa ng kanilang mga kaalaman at karanasan ukol sa kadakilaan ng Diyos.

B. Gawain

1. Ipagawa ang pagsusuri ng mga sitwasyon2. Pangkatin ang mga mag-aaral nang may lima o anim na kasapi. Hikayatin

sila na ibahagi sa pangkat ang kanilang mga resulta ng pagsusuri.3. Magtalaga ng isang tagapag-ulat para sa bawat pangkat.

C. Pagsusuri

1. Layunin ang mga naging resulta ng kanilang pagsusuri.2. Talakayin ang mga tanong sa pagsusuri. Palalimin ang kanilang mga kaisipan

at damdamin ukol sa mga sitwasyon.3. Ituon ang kanilang mga pansin sa dahilan kung bakit nangyayari ang mga

sitwasyon ito. Ugatin ang mga salik na maaaring sanhi nito. Hayaang magbahagi ng kanilang saloobin at karanasan ang mga mag-aaral ukol dito.

D. Paghahalaw

1. Hayaang magbigay ng sariling paghahalaw ang mga mag-aaral ukol sa aralin.2. Ipaliwanag ang Konsepto ng Pagpapahalaga.

Page 2: Janet Espulgar Lima

3. Talakayin ang konsepto ng Kadakilaan ng Diyos at ang kahalagahan ng pagsunod sa Kanyang mga Batas.

E. Paglalapat

Ipagawa ang gawin para sa paglalapat. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatalaga ng sarili tungo sa pagsasabuhay ng mga Batas ng Diyos.

F. Pagbabalik-aral

1. Nilikha ng Diyos ang buong sansinukuhan batay sa Kanyang Kadakilaan at Karunungan. Pinamamahalaan ang lahat ng pagkilos at paggalaw ng mundo at ng tao ng mga batas na siyang nagdudulot ng kaayusan at pangkalahatang sistema para dito.

2. Ang Batas ng Diyos o ang Batas Eternal ang siyang pangkalahatang plano at disenyo ng buong sansinukulan na siyang gumagabay sa lahat ng pagkilos at paggalaw ng mga ito batay sa kanilang pagkalalang.

3. Sinasakop naman ng Batas ng Kalikasan ang pagkilos at paggalaw ng bawat nilikha patungo sa kaganapan na nakaugat sa kanilang mga natatanging kalikasan. Para sa tao isang tungkulin at gampanin niya ang magpakatao dahil siya ay nilikhang tao.

4. Kinapapalooban ang mga Batas Moral ng mga etikal at di nagbabagong prinsipyo na gumagalaw sa pagkilos at gawain ng tao. Isang halimbawa nito ang Sampung Utos ng Diyos

May kakayahan ang bawat tao na mahubog at malinang ang mga ito dahil ang mg autos na ito ay likas sa kanyang pagkatao o nakaukit na sa kanyang puso bilang tao. Kailangan lamang na maitalaga ng tao ang kanyang sarili upang lubos niyang mapahahalagahan ang mga batas na ito para sa pagpapabuti at kaganapan ng kanyang sarili.

IV. Pagtataya

1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Pagtataya.2. Iskoran ang kanilang mga kasagutan batay sa mga sumusunod

Sitwasyon Epekto sa Tao Mundo Batas na Nilabag1. pagkagumo sa bisyo (droga, sugal at

alak)2. pagguho ng lupa3. flash flooding4. polusyon sa hangin5. pagbebenta ng aliw6. pagpapalit ng seks (sex transplant)7. pagpapaayos o retoke ng bahagi ng

katawan na di gusto8. cloning at cross breeding ng mga

hayop9. pagkaubos ng mga halaman

pagkagutom10. pagpapabago sa atmosphera ng

kalawakan.

Krimen

Pagkasira ng kalikasanPagkasira ng kalikasanPagkasira ng kalikasanSakit at kamatayanSakit at kamatayan

Sakit

Kalikasan

Pagkasira ng kalikasan

Moral

KalikasanKalikasanKalikasanMoral

Page 3: Janet Espulgar Lima

Aralin 2

Tama o Mali, Paano Ba Pipili?

Petsa

PSSLC

1.2 Napatutunayan na ang Batas Moral ay pamantayag gabay tungo sa maayos na pamumuhay

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyu at pangyayari batay sa pagpapahalaga sa Batas Moral B. Napatitibay ang sariling pagpapahalagang moral sa pamamagitan ng

paglalahad ng iba’t ibang pananaw at pagkilala sa tamaC. Nakagagawa mg mga hakbangin upang mapatatag ang pagpapahalagang

moral sa pamamagitan ng mga posters.

II. Nilalaman ng Aralin

Kritikal na Pagsusuri sa mga Isyung MoralBatas Moral Bilang Pamantayan, Tungo sa Maayos na Pamumuhay

Kagamitan

Papel (8 kulay,) gunting, pandikit, mga babasahin kaugnay ng mga isyung moral sa gawain, orasan (stop watch o relos).

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Tumawag ng ilang mag-aaral upang dugtungan ang pag-uusap ukol sa ilang isyung nasa Batayan Aklat. Isulat sa pisara ang mga sasabihin at itanong ang mga katanungan sa Panimula.

B. Gawain

1. Para sa pagpapangkat, gupitin ang mga papel na may walong kulay. Ang dami ng pisaro ng ginupit na papel ay ayon sa dami ng bata sa klase. Tiyakin na magkakasindami ang piraso sa bawat kulay. Bago pumasok ang mga mag-aaral sa kwarto, idikit sa ilalim ng mga upuan ang mga piraso ng papel at ipakuha ito sa kanila sa panahon ng Gawain,. Ang mga batang makakakuha ng magkakatulad na kulay ng papel ang magkakasama sa pangkat.

2. Paliiin o pabunutin ang bawat pangkat ng isyu na nais nilang talakayin. Dalawang pangkat ang itatatalaga sa bawat isyu. Hayang magpalabununtan ang dalawang pangkat kung sino sa kanila ang Panig at Laban para sa debate.

3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang paraan ng pagdedebate. Tingnan ang bilang 3,4,5,6 at 7 sa Gawain sa Batayang Aklat para rito.

4. Papiliin ang bawat pangkat ng isang myembro na makakasama sa Board of Judges.

5. Bigyang ng panahon ang mga bata para sa paghahanda sa kanilang posisyon . Maaaring bigyan sila ng ilang babasahin ukol sa kanilang paksa.

Page 4: Janet Espulgar Lima

6. Isulat sa pisara ang mga mananahong posisyon sa bawat pagdedebate.

C. Pagsusuri

Pasagutan sa mga mag-aaral ang katanungan sa Batayang Aklat. Hayaan ding maikumpra nila ang mga resulta ng pagdedebate sa pisara sa kasalukuyang pananaw ng mga Pilipino ukol dito at gayon din ang pananaw ng pananampalatayang Pilipino. Anuman ang manalo sa debate, dapat ipaunawa sa mga mag-aaral na ang mga isyung tinalakay, bagamat may mga magagandang naidudulot, ay lumalabag pa rin sa mga batayan ng moralidad.

D. Paghahalaw

Itanong sa mga bata ang kanilang natutuhan sa pagtatalakayan sa aralin ukol sa mga isyung moral. Talakayin ang batayan ng moralidad ng lipunan ayon sa Pagpapayaman ng Konsepto sa Batayang Aklat.

E. Paglalapat

Ipagawa ang gawain sa Paglalapat at hayaang ipakita ang ginawa ng mga pangkat sa klase bago ito ipaskil sa bulletin board.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang kabutihan ng pagkatao ang tinatawag na kabutihang moral. Nasasalamin sa kilos ng tao ang kabutihan o kasamaan ng kanyang pagkatao.

2. May pamantayan ang kilos at gawain ng bawat tao. Sinasakop ito ng Batas Moral na batayan ng tama o mali. Isa itong matibay na batayang gawa ng tao sapagkat nagmumula ito sa Karunungan at Kalooban ng Diyos. Unibersal at pangkalahatan ang sinasakop ng Batas Moral. Obhetibo ito at nananatiling totoo sa anumang pagkakataon at alinmang panahon sapagkat ito ang nagbubuklod sa kaisipan at kalooban ng lahat ng tao tungo sa kanyang kaayusan, kaligayahan, kaganapan at kabutihang panlahat.

3. Maaaring matuklasan ng tao ang Batas Moral sa bisa ng kanyang kaisipan at kalayaang magpasya.

4. Maaari ring magkamali ang tao sa kanyang kilos o gawi kapag sumasalungat o lumilihis ito sa Batas Moral at kapag ginamit niya ang kanyang kaisipan at kalayaang magpasya sa maling paraan. Kung kaya mahalagang malinang ng tao ang patuloy na paghubog ng kanyang kaisipan at kalayaan upang higit niyang mapahalagahan ang kanyang sarili at kapwa. Nasa pagsunod sa Batas Moral ang tunay na magdadala sa tao sa kanyang kaganapan. Isa itong matibay na gabay tungo sa maayos na pamumuhay.

G. Pagtataya

1. Walang maling kasagutan sa mga aytem. Hayaang maging Malaya ang mga mag-aaral na ibigay ang tunay nilang saloobin sa aralin. Makatutulong ito sa atin uang higit na mataya pa ang maaari nating gawin upang mapatibay pa ang pagpapahalagang moral ng mga mag-aaral.

Page 5: Janet Espulgar Lima

2. Sa mga aytem na ito malalaman ang antas ng nagpapahalaga ng bata sa gawaing moral. Ang mga sumusunod a ideal na sagot ng isang taong may mataas ng pagpapahalaga sa gawaing moral.

Hindi ako magkokodigo. Kung bumagsak man ako sa pagsusulit at hindi ako makapagtapos, sasabihin ko sa magulang ko ang totoo dahil kasalanan ko ang nangyari.

Gagamutin ko at ililigtas ang buhay ng pasyente dahil katungkulan ko bilang doktor na magligtas ang buhay at kasalanan sa Diyos ang pabayaan kong mamatay ang isang tao kung may magagawa naman ako.S

Page 6: Janet Espulgar Lima

Aralin 3

Sa Hamon ng Buhay: Diyos ang Aking Gabay

Petsa

PSSLC

1.3 Naihahayag ang pananalig sa buhay na kaloob ng Diyos, ang pinanggalingan at patutunguhan at ang sarling pilosopiya sa buhay.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nalilinang ang pag-unawa sa buhay at pagsusuri ng sariling pilosopiya sa buhay batay sa mga karanasan.

B. Bakapagpapakita ng pananalig sa Diyos at masigasig na pagsisikap upang matugunan ang mga hamon sa buhay.

C. Nakapagbabalangkas ng mga plano upang mapatibay ang pananalig sa Diyos sa pagharap sa mga hamon ng buhay

II. Nilalaman ng Aralin

Pag-unawa sa sariling PilosopiyaPagpapatatag ng Pananalig sa Diyos

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Gabayan ang mga mag-aaral upang mag-isip ng mga konseptong may kaugnayan sa buhay. Sa tulong ng concept webbing hikayatin sila na magbigay ng kanilang mga kaisipan at damdamin ukol sa buhay. Tumawag ilang mag-aaral upang magtala sa pisara.

2. Ipasuri sa kanila ang kinalabasan ng kanilang mga kasagutan. Ituon ang kanilang pansin sa posibleng dahilan at batayan kung bakit sila nagkaroon ng ganitong mga pagtingin sa buhay.

B. Gawain

1. Hikayatin ang mga mag-aaral na suriin ang kanilang sariling buhay. Gabayan sila na balikan ang mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay, positibo o negatibo man ito.

2. Ipasuri sa kanila ang naging epekto nito sa kanilang pananaw at pagtingin sa buhay.

3. Atasan silang pumili ng isang malapit na kaibigan upang ibahagi ang kanilang linya ng buhay. Bigyan sila ng sapat na panahon upang maisagawa ito. Hayaan silang matuto mula sa pagbabahaginan.

C. Pagsusuri

Gabayan ang mga mag-aaral upang suriin ang kanilang mga linya ng buhay. Linawin ang mga katanungang nakatala sa batayang aklat. Hikayatin sila na magbahagi ng kanilang kaisipan at mga damdamin o saloobin ukol sa

Page 7: Janet Espulgar Lima

sarili nilang buhay. Hayaan din sila na maglahad ng kanilang mga pilosopiya sa buhay batay sa naing karanasan nila.

D. Paghahalaw

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng Konsepto ng Pagpapahalaga. Pagtibayin ito sa tulong ng isang panayam ukol sa Hamon ng Buhay bilang sandigan ng pagpapatibay ng pananalig sa Diyos at sa pagkakaroon ng matibay na paninindigan sa buhay.

E. Paglalapat

Ipagawa ang pagpaplano ukol sa pagpapatatag ng pananalig sa Diyos. Maglaan ng sapat na panahon upang maihanda ito ng mga mag-aaral.

F. Pagbabalik-aral

1. May layunin at dahilan ang bawat pangyayari sa buhay ng tao.

2. Bawat karanasan ng tao, positibo o negatibo man ay may dulot na aral at nagbibigay-direksyon sa ating buhay.

3. Upang mapagtagumpayan ng tao ang mga hamon ng buhay, mahalagang linangin niya ang mga sumusunod:

a. pagtataas ng kamalayan ukol sa sarili at kakayahang matuto mula sa mga karanasan o tinatawag na panloob na karunungan

b. pagkakaroon ng mabuti at malalim na ugnayan sa kapsa at

c. pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos

G. Pagtataya

Ipagawa ang sanaysay bilang takdang aralin. Mga inaasahang kasagutan: pananalig sa sarili at sa Ditos, pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at iba pang kahawig na kasagutan

Page 8: Janet Espulgar Lima

Aralin 4

Buhay na Pananampalataya: Aking Panata

Petsa

PSSLC

1.4 Naipapakita ang pananampalataya sa Diyos sa lahat ng kanyang gawain

1.5 Nagagamit ang angkop na paraan ng pagsamba at paglilingko sa Diyos.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Naipapaliwanag at nasusuri ang mga pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya

B. Napagninilayan at nagpapakita ng pagsisikap na mapagtibay ang pagsasabuhay ng pananampalataya bilang bahagi ng buhay

C. Nakalalahok sa mga gawaing nagpapatibay ng pagsama at paglilingkod sa Diyos

II. Nilalaman ng Aralin

Pagsasabuhay ng Pananampalataya Pagkakapatiran

Kagamitan

Isinulat na porma ng ulat-panayam sa pisara.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Gabayan ang ga mag-aaral na tayahin ang kanilang antas ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa isang sagutang papel.

2. Hikayatin sila na maging matapat sa pagsagot sa bawat aytem. Atasan silang bilangin ang mga aytem na may LKS, KS at DKS. Ipasuri sa kanila ang mga aytem na di kasiya-siya at ngangailangan pa ng pagpapatibay. Ituon ang kanilang pansin sa mga pamamaraang maaari pa nilang gawin upang maisabuhay ang pananampalataya. Ipaliwanag sa kanila ang mga detalye ng susunod na gawain.

B. Gawain

Pakikipanayam sa mga Puno ng Iba’t Ibang Pananampalataya

1. Gabayan ang klase na kapanayamin ang kani-kanilang puno ng simbahan.

a. Alamin kung alin-alin ang mga uri ng pananampalataya o relihiyon sa pamayanan na kinaaniban ng mg mag-aaral.

b. Pangkatin ang mga mag-aarl upang maging kasapi ng isang grupo ng kakapanayam sa mga puno ng pananampalataya sa pamayanan.

2. Ipaliwanag ang inaasahang impormasyon na inaasahang maitala mula sa panayam tulad ng: mga samahang naglulunsad ng mga gawain sa pagtulong sa mga

kaawa-awang kasapi ng pamayanan. mga layunin ng samahang pansimbahan o panrelihiyon; mga gawain ng

samahan na naganap na, mga kasalukuyang ipinatutupad at mga balak sa hinaharap.

Page 9: Janet Espulgar Lima

C. Pagsusuri

1. Talakayin ang mga tanong ng pagsusuri na nasa Batayang Aklat. Bigyang diin ang mga sumusunod na positiong pagpapahalaga sa pagsasakripisyo ng sarili, pag-ibig sa kapwa para sa ikauunlad ng mga kaawa-awang kasapi ng pamayanan (kagalingang panlipunan).

2. Linangin sa mag-aaral ang kaalaman na ang pagsisilbi sa pagsasakripisyo sa ikabubuti ng mga kaawa-awa sa lipunan sa katotohanang espiritwal ay isang paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang guro ay maaari nilang makatulong sa layunin nilang makatulong sa mga kagalingang panlipunang ipinatutupad ng kani-kanilang simbahan.

D. Paghahalaw

1. Ipabasa at pagnilay-nilayin ang Konsepto ng Pagpapahalaga sa Batayang Aklat. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pagpapaliwanag ng iba pang mga paraan ng pagtulong sa mga pangangailangan ng tulong sa kanilang kapitbahay.

2. Talakayin ang Pagpapayaman ng Konsepto. Ang mga pangkatang simbahan at ang mga layunin ng mga ito ay maaaring isulat sa pisara o ipaskil bilang tsart sa pisara.

E. Pagpapalapat

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng mga liham para sa puno ng simbahan o relihiyon o puno ng samahang pansimbahan na nagpapahayag ng hangaring sumanib at makiisa sa isang samahan ng simbahan. bigyang-diin ang paglalahad ng kanilang mga layunin sa pagnanais na sumanib sa samahan.

F. Pagbabalik-aral

1. Ipinapahayag ng tao ang kanyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang aktwal na pagsasabuhay nito. Pinatutunayan ng aing mga kilos at gawa ang ating matibay na pananampalataya sa Diyos.

2. Bilang kabataan, marami kang maisasagawang pagpapatunay ng iyong pananampalataya. Mula sa ating mga pansariling pagsisikap tulad ng regular na ugnayan sa Diyos sa bisa ng ating panalangin at pagdarasal tuwirang maipapakita din natin ito sa ating pangungusa sa mga gawain ng ating kapatiran o kongregasyon. Gayundin naman sa pagsapi natin sa mga samahang mapagkwanggawa na nagtataguod ng kapakanan at kabutihan ng ilan nating kapatiran na nangangailangan.

3. Mahalagang malinang ng tao sa panahon ng kabataan ang pagsasabuhay ng pananampalataya sapagkat ito ang magiging sandigan sa pagharap sa mga hamon ng buhay at maging susi tungo sa kahulugan at tunay na kaganapan sa buhay.

Page 10: Janet Espulgar Lima

ARALIN 5

Pagkamaka-Diyos: Sandigan ng Pambansang Pagpapahalaga

Petsa

PSSLC

1.5Nagagamit ang angkop na paraan ng pagsamba at paglilingkod sa Diyos.

1.6 Naipapakita ang paggalang at pagsasabalikat ng mga alituntunin at aral ng iba’t ibang relihiyon.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga gawain/tradisyon ng iba’t ibang relihiyon sa Pilipinas tungo sa pagsasabuhay ng matibay na pananampalataya.

B. Natatanggap nang may paggalang ang iba’t ibang paraan ng pagsamba at paglilingkod sa Diyos.

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagsasabalikat ng mga aral ng relihiyon na nakatutulong sa pagpapatibay ng pambansang pagpapahalaga.

II. Nilalaman ng Aralin

Pangunahing Relihiyon sa Pilipinas

Espiritwalidad ng Pilipino: Kasaysayan at Pagpapahalaga

Mga Pagpapahalaga (Saloobin At Tradisyon) na nakatutulong at nakasasagabal sa pagpapanatili ng Pambansang Kaunlaran at Kapayapaan.

Kagamitan

Kartolina o manila paper sa bawat pangkat, pangguhit, krayola, marker pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipabasa ang mga impormasyon tungkol sa mga relihyon na naitatag ng mga Pilipino sa pangunahing bahagi ng aralin. Maaaring punuan ng mga mag-aaral ng iba pang impormasyon tungkol sa iba pang relihyon gaya ng Iglesia Filipina Independiente na itinatag ni Aglipay.

2. Pag-usapan ang mga reaksyon ng mga mag-aaral sa panimulang impormasyong ito ngunit tiyakin ituon ang pansin sa katangiang maka Diyos ng mga nagtatag, at hindi sa pagkaiba-iba ng ritwal o paniniwala ng mga relihyon.

B. Gawain

1. Ipagawa ang pangkatang gawain.

2. Bigyan ng sapat na panahong maihanda ang malikhaing paglalahad ng nabasa.

Page 11: Janet Espulgar Lima

3. Ituon ang pasin sa kahulugan ng ritwal o seremonya at ang mga pagpapahalagang maaaring mahinuha mula rito.

C. Pagsusuri

1. Pag-usapan ang mga tanong para sa Pagsusuri.

2. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pagpapahalaga, saloobin at tradisyon ng mga relihyon sa kanilang palagay ay nakatutulong sa pagpapanatili ng pambansang kaunlaran at kapayapaan. Hingan ng paliwanag ang mga mag-aaral sa mga tinutukoy na pagpapahalaga/tradisyon.

3. Ipatukoy ang ilang tradisyong ng iba’t ibang relihyon na sa palagay ng mga mag-aaral ay nakapagpapabagal ng inaasam na pambansang kaunlaran at kapayapaan. Hingan sila ng pagpapaliwanag tungkol sa kanilang tinukoy na tradisyon.

D. Paghahalaw

1. Ipabasa ang Pagpapayaman ng Konsepto.

2. Bigyang diin na may espiritwalidad na ang mga Pilipino noong kaunaunahang panahon ng ating kasaysayan.

3. Gabayan ang mga maga-aaral na ang lahat ng relihiyon ay may kani-kanilang paraan ng pagtulong sa pagpapaunlad ng pambansang kaunlaran at kapayapaan. Masasalamin ito sa kanilang mga pagpapahalaga, saloobin at tradisyon.

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang mga Pilipino bilang isang bansa ay may likas at malalim na pagkamaka-Diyos. Bago pa man sinakop ng Espana ang ating bansa ay nasasalamin na ang pagiging pagkamaka-Diyos ng ating mga ninuno.

2. Patuloy opa rin ang paniniwala at pananampalataya ng mga Pilipino sa mga nasimulang relihyon upang ipahayag ang kanilang espiritiwalidad.

Ang paniniwala sa relihyon Islam ay malakas sa katimugan ng bansa, sa Mindanao at Sulu.

Ang malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay nananampalataya sa Kristiyanismo. Ang mga relihyon ng mga Katoliko at mga Portestante ay pawang tumatanggap kay Cristo na isang Diyos.

Ang mga sektang tulad ng Iglesia Watawat ng Lahi (Rizalista,) ang Lapiang Malaya at ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. (PBMA) ay may kani-kanilang pinaniniwalaang Panginoon o Diyos o anak ng Diyos.

3. Walang maituturing na perpektong relihyon ayon sa opamantayan at paniniwala ng tao. Ito ay sa dahilan ang pananampalataya ng isang tao ay hinuhubog ng mga pamantayan ng relihyon kanyang kinaaaniban.

4. Malakas na puwersa ang pagkamaka-Diyos ng tao upang makatulong ang mga mamamayan na makamit ng maunlad at mapayapa.

Page 12: Janet Espulgar Lima

5. Makatutulong ang bawat relihyon na palakasin ang mga pagpapahalaga, saloobin at tradisyon ng kanilang ma kasapi sa pagpapabuti ng pambansang kaunlaran at kapayapaan. Ang pagtutuwid ng hindi angkop o mga immoral na kilos o asal na nakasasagabal sa pagakamit ng pambansang layunin na maging maunlad at mapayapa ay maaaring magampanan ng lahat ng uri ng relihyon. Ang kinakailangan lamang ay magbuklud-buklod at magtulungang mapabuti ang buhay ng mga naghihuirap sa lipunan.

6. Makatutulong din nang malaki ang mga paaralan na palakasin ang pagkamaka-Diyos na pinalalakas ng bawat relihyon. Magaganap ito sa pamamagitan ng maingat at angkop na pamamaraan sa paghubog ng kaasalan ng mga mag-aaral kung sila ay nasa kani-kanilang paaralan.

7. Ang pagsasabuhay ng likas na pagkamaka-Diyos ng bawat mamamayan sa tahanan, sa paaralan at sa kani-kanilang pook-pananampalataya ang sandigan o pundasyon ng pambansang kapayapaan at kaunlaran.

G. Pagtataya

1. Ipasagot ang pagsasanay.

2. Hingin ang opinion ng mga mag-aaral sa kawastuhan o kamalian ng piniling sagot.

Page 13: Janet Espulgar Lima

Aralin 6

Isang Diyos ang Nagbubuklod sa Lahat ng Relihiyon

Petsa

PSSLC

1.6 Naipapakita ang paggalang at pagsasabalikat ng mga alituntunin at aral ng iba’t ibang relihiyon

I. Mga Tiyak Na Layunin

A. Nasusuri at mapapatunayan ang pagkakahawig ng iba’t ibang relihiyon tungo sa malalim na pagsasabuhay ng pananampalataya.

B. Natatanggap nang bukas sa loob at paggalang ang mga alituntunin at aral ng iba’t ibang relihiyon

C. Nakalalahok sa isang malikhain at makatotohanang pagsasadula na may angkop at wastong pagsasaalang-alang sa mga paraan ng pananampalataya at alituntunin ng iba’t ibang relihiyon.

II. Nilalaman ng Aralin

Pananampalataya ng Iba’t Ibang Relihiyon

Kagamitan

Malinis na mga papel na gagamitin sa paglikha ng lihal-pahintulot

Mga kostyum sa pagsasadula ng pamamaraan ng pananampalataya ng iba’t ibang relihiyon.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Himukin ang mga mag-aaral na sagutin ang kanilang kaalaman ukol sa iba’t ibang relihiyon (RQ)

2. Iskoran ang kanilang mga kasagutan batay sa sumusunod:

a. Taoismo e. Islam b. Confucianismo f. Kristyanismo c. Buddhismo g. Judaismo d. Hinduismo

3. Ipasuri sa kanila ang kahulugan ng kanilang mga iskor at naging batayan nila sa kanilang mga kasagutan.

B. Gawain

1. Gabayan ang klase sa pagplano ng pagbisita sa isang banal na lugar ng pananampalataya (simbahan, moske, templo at iba pa na naiiba sa kanilang relihiyon).

2. Ilahad at ipaliwanag sa klase ang mga mungkahing hakbang na nakatala sa bilang 1.1 hanggang 1.4 ng Gawain.

3. Upang maisakatuparan ang pagbisita, pangkatin ang klase upang maging kabilang sa gaganaping gawain. Patnubayan ang bawat pangkat na pag-isipan din ang kani-kanilang mga paraas ng pag-uulat ng nasaliksik na impormasyon mula sa pagbisitang pangkatan.

Page 14: Janet Espulgar Lima

C. Pagsusuri

1. Talakayin ang mga tanong sa Pagsusuri ng aralin.

2. Bigyan nang higit na pansin ang pagkakahawig-hawig ng iba’t ibang relihiyon sa kahulugan ng buhay ng isang tao.

3. Ipaunawa sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng pagbibigay-galang sa pananampalataya ng ibang relihiyon na naiiba sa sariling relihiyong kinabibilangan.

4. Bigyang diin sa talakayan ang mga dahilan kung bakit ang tao ang pinkamahalagang nilalang ng Diyos sa sanlibutan.

D. Paghahalaw

1. Ipabasa at pagnilay-nilayan ang Konsepto ng Pagpapahalaga at mga karagdagang kaalaman sa Pagpapayaman ng Konsepto tungkol sa kahulugan ng buhay aon sa iba’t ibang relihiyon.

2. Ipaunawa rin sa mga mag-aaral ang manipestasyon ng Dakilang Pag-ibig sa pamamagitan ng iba’t ibang relihiyon at paniniwala.

E. Paglalapat

1. Pangkatin ang klase upang magplano sa pagsasadula ng mga kaugalian ng iba’t ibang relihiyon sa pagpapahayag ng kanilang pananampalataya.

Maaaring itakda sa mga binuong pangkat ang mga sumusunod na pangunahing pananampalataya:

Kristyanismo Islam Confucianismo Buddhismo Hinduismo Judaismo Taoismo

2. Ipaliwanag ang mga gabay sa paghahanda para sa pagsasadula sa bahaging paglalapat ng aralin.

3. Maaaring ganapin ang pagsasadula sa susunod na sesyon kung kukulangin ang oras para sa paghahanda ng dula.

F. Pagtataya

Maaaring wakasan ang pagtatanghal ng mga pangkat sa pamamagitan ng sumusunod na awit:

Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan

Katulad ng mga butyl na tinitiponUpang maging tinapay na nagbibigay-buhayKami nawa’y matipon din at maging bayan mong giliw. Iisang Panginoon, Iisang katawanIsang bayan, isang lahiSa iyo’y nagpupugayKatulad din ng mga ubas na piniga at naging alakSino mang uninom nito, may buhay na walang hanggan Kami nama’y maging sangkapSa pagbuo nitong bayang liyag.

Page 15: Janet Espulgar Lima

G. Pagbabalik-aral

1. Naipahahayag ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng relihiyon. Bagamat may iba’t ibang relihiyon at pamamaraan ng pananampalataya, mahalagang igalang ang mga ito. Higit na mahalaga kaysa sa pagkakaiba ng mga katuruan at doktrina ang pagkakatulad ng layunin ng lahat ng relihion na mailapit ang tao sa Diyos na kanyang sinasamba at pinaniniwalaan.

2. Masusuri na ang lahat ng relihyon ay nagkakaisa sa paniniwala ukol sa sumusunod:

a. Nababatay ang kahulugan ng buhay sa diwang espiritwal

b. Mahalaga ang wastong paggamit ng katalinuhan upang mapabuti ang kalagayan ng tao.

c. Bunga ng labis na pagkamakasarili, kasakiman, matinding pagnanasa, pagkamuhi at labis na pagpapahalaga sa mga material na bagay ang paghihirap at pagdurusa ng tao.

d. Makabuluhan ang pamumuhay at ganap ang pagkatao ng mga taong nagpapahalaga sa kapwa, kabutihan at pag-ibig.

e. Ang kaganapan ang tunay na tungkulin ng tao.

Page 16: Janet Espulgar Lima

Aralin 7

Yaman ng Bansa, Ako ang Katiwala

Petsa

PSSLC

1.7 Napatutunayan sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay na ang tao ay katiwala ng Diyos sa kanyang kapwa at kapaligiran.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga kalagayan at suliraning may kaugnayan sa kapaligiran at kalikasan

B. Naipahahayag ang pagmamalasakit ukol sa kalagayan ng kapaligiran at kalikasan

C. Nakikilahok sa mga pagsisikap at mga proyekto ukol sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng sarili tungo sa responsableng paggamit ng mga pinagkukunang yaman

II. Nilalaman ng Aralin

Matalino at Wastong Paggamit ng Pinagkukunang YamanMga Istratehiya Tungo sa Pangangalaga sa Kapaligiran

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panimula ng Aralin sa Batayang Aklat. Itanong kung ang mga pangyayaring ipinakikita sa larawan ay nararanasan na nila.

2. Hingan ng opinion ang mga bata ukol sa mga katanungan sa Panimula.

3. Iugnay ang resulta ng kapabayaan at kawalan ng disiplina sa kalinisan at ang kapabayaan at kawalan ng disiplina sa paggamit ng pinakukunang yaman.

B. Gawain

Ipagawa ang Gawain sa Batayang Aklat. Kung walang sapat na kaalaman ang mga bata ukol sa mga pinagkukunang yaman, sabihin sa kanila na amay dalawang pinagkukunang yaman ang bansa – tao at likas na yaman. Tukuyin na ang likas na yaman ay tulad ng kabundukan, isda, mineral at iba pa.

Sa pagpapangkat sa talakayan, maaaring ipabigkas sa mga mag-aaral ang mga salitang TAO at LIKAS NAYAMAN.

C. Pagsusuri

Tawagin ang tagapag-ulat ng dalawang grupo at hayaang iulat ang naging bunga ng kanilang pagtatalakayan. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kanilang maaaring gawin upang mapangalagaan ang pinagkukunang yaman ng bansa.

Page 17: Janet Espulgar Lima

D. Paghahalaw

Ilahad ang pagkakaiba ng dalawang pinagkukunang yaman at kung paano ito nakatutulong sa bansa. Ipaunawa rin sa kanila ang maaaring gawin nila bilang mga mag-aaral sa matalinong paggamit at pangangalaga sa pinagkukunang yaman.

Ituon ang kanilang pansin sa kaisipan na may malaking kinalaman at tuwirang epekto ang personal na paggamit ng pinagkukunang yaman ng bawat bansa sa pandaigdigan balance ng ekonomiya.

E. Paglalapat

Tumawag ng ilang mag-aaral upang malaman ang mga resolusyong isinulat nila.

F. Pagbabalik-aral.

1. Mayaman sa pinagkukunang yaman ang ating bansa bilang katiwala ng kanyang kapwa at ng kanyang kapaligiran, nakasalalay ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.

2. Sapat sa lahat ng pangangailangan ng tao ang yaman ng ating bansa. Malaki ang maitutulong ng ating sama-samang pagsisikap na mapangalagaan ang mga ito. May tuwirang kaugnayan ang ating personal na paggamit ng mga pinagkukunang yamang sa sustainability at kabuuang balance ng kapaligiran.

3. Upang higit na mapahalagahan ang yaman ng ating bansa, hinihikayat ang mga tao bilang katiwala nito na: boluntaryong piliin ang simpleng istilo ng pamumuhay. Magbalik-gamit (recycle and reuse) Magbawas ng paggamit at pagkunsumo; Magbagong bihis (restructure) at Magbalik-tanaw sa industriya at ginagamit na teknolohiya

G. Pagtataya

Ilan sa mga gawaing maaaring isulat sa sanaysay ay ang:

1. paggamit sa sariling mga talento at kakayahan.2. pagtuklas sa mga nakatago pang kakayahan.3. pangangalaga ng kalusugan ng iba.4. paghimok sa iba na gawin ang mga aytem sa itaas.

Page 18: Janet Espulgar Lima

Aralin 8

Pagpapakatao: Kabutihang Loob na Alay Ko

Petsa

PSSLC

2.1 Naipakikita na ang pagkatao ay pagpapamalas ng kagandahan loob ng Diyos sa tao.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang sariling kalooban batay sa kagandahan nito at kaugnayan sapagpapakatao.

B. Naipahahayag ang sarili nang may katapatan.

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagpapabuti ng kalooban sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga tiyak na hakbangin.

II. Mga Nilalaman

Ang Kabutihang loob ng TaoMga Kardinal na Katangian ng Tao

Kagamitan

Malaking drowing ng “loob” ng tao

Mga napapanahong balita na nagpapakita ng pagtapak at pagwawalang halaga sa katapatan at integridad ng tao.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipagawa ang gawaing panimula na nasa Batayang Aklat sa mga mag-aaral. Bigyan sila ng limang minuto.

2. Tagubilinan ang mga mag-aaral na matamang suriin ang nilalaman at mensahe ng mga hedlayn ng balita.

3. Kumuha ng ilang kasagutan mula sa mga mag-aaral. Iugnay ang kanilang mga kasagutan sa kalagayan ng sariling kalooban.

B. Gawain

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain.

2. Humukin angmga mag-aaral na suriing malalim ang kanilang kalooban sa bisa ng mga pagpapahalaga, birtud, at maaring mga negatibong katangiang mayroon ito.

3. Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral sa kanilang ka-partner sa loob ng sampu hanggang labinlimang minuto (10-15).

C.Pagsusuri

Itala sa isang malaking replica ng “loob ng tao” ang mga kasagutan ng mag-aaral . Gumamit ng pabuod na pamamaraan sa pagtatala ng mga datos at kasagutan.

Page 19: Janet Espulgar Lima

Katangian at Pagpapahalaga Mga Negatibong Katangian

D. Paghahalaw

1. Pagyamanin ang konsepto sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling panayam.

2. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kahulugan ng loob ng Diyos at ang pagpapaunlad ng mga cardinal na katangian sa sariling pagkatao.

E. Paglalapat

1. Ipagawa ang gawain.

2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang maaaring gawin upang maisakatuparan ang mga balak upang mabigyang –solusyon ang kanilang mga naging kasalanan at pagkukulang sa iba o kapwa.

F. Pagbabalik-aral

1. Likas ang kabutihan ng bawat tao. Nasa tao ang lahat ng pagkakataon upang mapatingkad at maipamuhay niya ang kabutihang loob. Sa pamamagitan nito, makikita ng ating kapwa ang kagandahan ng Diyos sa ating mga gawa.

2. Mahalagang askpeto ng kabutihang loob ng tao ang pagpapahalaga sa kapatan at integridad.

3. Maipapamalas ng tao ang kanyang mga cardinal na katangian kung patuloy niyang sisikaping buksan ang kanyang loob sa Diyos at sa kanyang kapwa tao.

G. Pagtataya

1. Halimbawa ng mga sagot:

a. Sasanayin ang sarili na maging mapagtimpi.b. Iiwasang maging maiinggitin sa kapwa.c. Hindi magtatanim ng galit, sa halip ay kakausapin ang kapwa upang

maayos ang hidwaan.

2. Ang ilan sa mga halimbawang sagot ay:

Pangyayari

a. Pagtulong sa mga naaapi o biktima ng karahasan.

b. Pagsasauli ng mga napulot na bagay

Page 20: Janet Espulgar Lima

Aralin 9

Kaya Kong Kumilos nang Maayos

Petsa

PSSLC

c. Naisasaalang-alang ang mga prinsipyo o pamantayan ng moral na kilos at ang pananagutan sa anumang gawain at pagpapasya.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyu at sitwasyon batay sa tamang prinsipyo at pamantayan ng kilos.

B. Naipapahayag nang may kalayaan at pananagutan ang mga pananaw at saloobin ukol sa isyung moral.

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagtataguyod ng mga gawaing moral.

II. Nilalaman ng Aralin

Mga Batayan ng MoralidadPagpapatibay ng Pagpapasyang Moral

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ilahad sa mga mag-aaral ang kasi ni Ana.

2. Atasan sila na pag-aralan at suriin ang mga naging epekto ng mga pangyayari sa buhay ni Ana at ang kaugnayan nito sa kanyang pagpapasya.

3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan, reaksyon at obersbasyon.

B. Gawain

1. Gabayan ang mga maga-aaral sa pagsagiot sa Sarbey ng Kilos at Gawi. Bigyan sila ng sagutang papel upang itala ang kanilang mga kasagutan.

2. Pangkatin sila upang magbahagi ng kinalabasan ng gawain.

Magtakda ng isang pinuno ng pangkat upagn siyang mangasiwa sa pagbubuod ng kanilang mga kasagutan. Kung maaari ay itala ang kanilang mga kasagutan sa pisara.

C. Pagsusuri

Suriin ang kanilang mga kasagutan sa tulong ng mga katanungang nakatala sa batayan aklat. Hayaang magbahagi ng kanilang kuru-kuro at sa loobin ang mga kabataan. Gawing Malaya ang pagpapalitan ng pananaw.

D. Paghahalaw

Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglagom ng talakayan. Ituon ang kanilang pansin sa mga batayan ng moralidad. Pagyamanin ang konsepto ng aralin sa tulong ng isang paglalahad ng tunay na batayan ng moralidad.

Page 21: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aral upang balikan ang naunang gawain ukol sa surbey ng kilos at gawi. Ipasuri sa kanila ang mga gawi at kilos na nais nilang baguhin. Magpagawa sa kanila ng isang Panata para sa Mabuting Gawa. Ipaulat sa kanila ang resulta nito pagkatapos ng dalawa o apat na lingo (isang buwan).

F. Pagbalik-aral

1. May dahilan at batayan ang bawat gawi at pagkilos ng tao. Nakaugat sa kalikasan ng tao at sa Batas ang tunay na batayan ng pagkilala sa tama o mali.

2. Mahalagang maisaalang-alang ang mga tamang prinsipyo at pamantayan ng moral na pagkilos at pagharap sa pananagutan sa anumang gawain at pagpapasya.

3. Maaaring magpasya kung tama o mali batay sa mga sumusunod.

a. layunin ng aksyonb. layon o motibo ng may aksyonc. mga pangyayari o circumstances na naglalarawan sa gawa o aksyon

4. Ang pagpapasya ng tao para sa tama o mali ay maaring mabago at maapektuhan ng mga sumusunod na salik:

a. kamangmanganb. matinding pag-asam o pagnanasac. tahasang pamimilit o paggamit ng marahas na pwersa upang takutin ang

isang tao na kumilos ng labag sa kanyang kalooban at pagpapasyad. mga nakaugaliang masama o bisyo

5. Upang makapagpasya ng tama at gumawa ng mabuti, maaaring hubugin ng tao ang kanyang kaisipan at patatagin ang kanyang pagpapasya.

G. Pagtataya

Pasagutan ang mga aytem sa mga mag-aaral

1. Para sa pagtalakay ng mga isyung moral inaasahan ang mga sumusunod na kasagutan. Maaari ring bigyan ng puntos ang mga argumento batay sa tunay na batayan ng moralidad.

a. Aborsyon at Euthanasia – Maling Pagpapasyab. Sugal – Maling pagkilos at Gawi

2. a. Hikayatin ang kaibigan na osoli ang kanyang kinuha.b. Pakikiusapan ang kapatid na ipaliwanag sa barkada ang maaaring maging

suliranin nila kapag itinago ang ninakaw na cellphone.c. Tatanggi sa alok ng kamag-aral.

Page 22: Janet Espulgar Lima

Aralin 10

Batu-bato sa Langit…Ang Tamaa’y Dapat Mag-asal-matwid

Petsa

PSSLC

2.3Napatutunayan na ang mabuting asal ay napauunlad sa pakikipagkapwa, sa pangangasiwa ng damdamin at sa pagpapanatili ng dangal bilang tao.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mabuting asal..B. Nasusuri ang sariling asal at gawi nang may katapatan.C. Nakapagpapamalas ng interest at pagsisikap upang isaayos ag sariling asal

at gawi.

II. Nilalaman ng Aralin

Pag-aayos ng Asal (Pagpapahalaga at Saloobin) upang Mapanatili ang Minimithing Lipunan.

Kagamitan

Mga krayola, manila paper para sa pahayagan, marker pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pagninilay-nilay ng mga katanungang inihanay sa panimula ng aralin. Ituon ang kanilang pansin sa kanilang mga kaasalan bilang Pilipino.

2. Talaga ang mga kasagutang ibinigay ng mga mag-aaral ayon sa pagkapositibo o pagkanegatibo ng mga kaasalang nabanggit.

3. Iugnay ang mga kaasalang ito sa gawain.

B. Gawain

1. Sabihin sa mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tig-aanim na kasapi.

2. Gabayan sila sa malikhaing pagbuo ng “Pahayagan ng Asal-Pilipino.”

3. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan gayundin naman ang maaari nilang maging source ng mga balita.

4. Kung kinakailangan ay magpakita ng halimbawa ng pahayagan upang maging maliwanag ang gawain.

5. Ipokus ang kanilang pansin sa pagtalakay ng magaganda at di mabubuting kaasalan na bumubuo sa pagkataong Pilipino.

6. Bigyan ang mga mag-aaral ng labinlima hanggang dalawampung (15-20) minuto upang tapusin ang gawain.

7. Ganyakin ang mga mag-aaral na maging malikhain sa paggawa at pagdidisenyo ng pahayagan.

Page 23: Janet Espulgar Lima

C. Pagsusuri

1. Hayaang mag-ulat ang ilang mag-aaral ukol sa kanilang nabuong proyekto.

2. Itala ang mga kasagutan ng mag-aaral sa pabuod na pamamaraan. Maaaring gamitin ang talahanayan sa ibaba.

3. Bigyang –kahulugan ang mga nakatalang datos na nasa tsart. Tumawag ng ilang mag-aaral upang maghalaw ng mga konsepto mula sa tsart.

Mga Kaasalang PilipinoMga Pinagmulan ng Kaasalan Positibo Negatibo

4. Hayaan ang isang kasapi ng bawat grupo na isalaysay ang mga pamaraang ginawa/sinunod nila upang mabuo ang bahagi ng pahayagan. Bigyang tuon ang kahalagahan ng pagtutulungan (teamwork) upang mabuo ang itinakdang gawaing pangkatan.

5. Isa-isahing suriin at ipaliwanag ang mga kahulugan ng konsepto ng asal kay Dr. Jocacano.

6. Hingan ng paliwanag at mga halimbawa ng mga sitwasyon sa buhay ng kabataang Pilipino ang mga katangian ng taong may mabuting asal.

Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng halimbawa ayon sa mga Korporal at mga Espiritwal sa Gawa ng Awa.

Tanungin kung paano isinasabuhay ito ng mga Pilipino sa iba’t ibang relihyon.

D. Paghahalaw

Pagyamanin ang mga konseptong nalinang sa Pagsusuri. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng kaasalang Pilipino at mga pamamaraan kung paano mapangangasiwaan ang mga negatibong kaasalang Pilipino.

Bigyang tuon ang pagkakatulad ng mga pagpapahalaga at mga saloobin ng mga di-Kristyano at ng mga Kristyano sa pagsasabuhay ng mabuting asal.

- sa iba’t ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay- sa panahon ng kalamidad- sa mga labis na nagdarahop na mga kababayan

E. Paglalapat

1. Ipagawa ang gawain.

2. Ganyakin ang mga mag-aaral na maging malikhain sa pagbuo ng isang tula na tumatalakay sa pagbabagong anyo ng kabataang Pilipino para sa mabubuting kaasalang Pilipino.

3. Tumawag ng mga pangkat upang itanghal ang kanilang nabuong tula.

Page 24: Janet Espulgar Lima

F. Pagbabalik-aral

1. Ang taong amay mabuting asal ay masasalamin sa kanyang mga ugali, kilos at gawa.

2. Ang kabataang may mabuting asal ay:

magalang, wasto at angkop ang pananalita sa bawat sitwasyon. kumikilala at gumagalang sa karapatan ng kanyang kapwa. kumikilos ayon sa mga batas ng kanyang relihyon o pananampalataya. nag-iisip na mabuti bago kumilos o gumawa ng desisyon sa

pagpapabuti ng sarili. naisasakripisyo ang mga personal na mithiin kung ikasasama o

ikababagal ng mga layunin ng kanyang bansa o pamayanan.

3. Sa pamamagitan ng Lipunang Pilipino, ang isang ulirang mamamayan na may mabuting kaasalan ay namumuhay na tunay na MAKA-Diyos MAKATAO, MAKABAYAN at MAKAKALIKASAN.

4. Ang mga Korporal na Gawa ng Awa ay ipinapahayag sa pamamagitan ng:

Pagpapakain sa mga nagugutom. Pagpapainom sa mga nauuhaw Pagbibigay ng mga damit sa mga walang saplot o kulang sa saplot ng

katawan Pagdalaw sa mga preso sa piitan Pagbibigay ng matutuluyan sa mga walang tirahan. Pagdalaw sa mga maysakit at may karamdaman.

5. Espirtwal na Gawa ng Awa ang mabuting asal na ipinakikita ng tao na: Nagtuturo at nagbibigay ng gabay sa mga taong nagkakasala. Nagpapasaya sa mga dumaranas ng lungot o trahedya sa buhay Nagpapatawad sa mga taong nagkasala sa kanya Tumutulong na mapabuti ang labis na paghihirap ng kapwa upang

mapanatili ang kanyang dangal at pagrespeto sa kanyang pagkatao.

G. Pagtataya

1. Ipagawa ang aytem para sa Pagtataya.2. Magbigay ng mga halimbawa kasagutan tulad ng mga sumusunod:

Asal Kahulugan Pagkilos2.1 Asal - tuko Kung kumapit ay

Aralin 11

Page 25: Janet Espulgar Lima

Magpasya nang Tama Upang Lumaya

Petsa

PSSLC

2.4Nakahaharap nang may kapanatagan sa anumang dilemmang moral o pagsubok sa buhay.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang kawastuhan ng intension, kilos at pasya batay sa tamang konsyensya

B. Nakapagpapamalas ng mapanuring kaisipan sa pagharap sa mga dilemang moral

C. Nakababalangkas ng isang plano upang magamit ang proseso ng paglutas ng dilemang moral sa sariling karanasan.

II. Nilalaman ng Aralin

Proseso ng Paglilinaw ng Dilemang Moral

Paggamit ng Tamang Konsyensya sa Pagpapasya

Paghubog ng Tamang Konsyensya

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahayag ukol sa balintunan ng ating panahon. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng mensahe ng pahayag. Hayaang magbigay sila ng kanilang sariling pananaw, karanasan at oberbasyon ukol dito.

B. Gawain

1. Pangkatin ang mga mag-aaral. Ipasuri sa kanila ang mga dilemma. Bigyan ng isang dilemma ang bawat pangkat upagn malalim nilang masuri ito.

2. Magtakda ng tagaoag-ulat sa bawar pangkat upang magbahagi ng kanilang napag-usapang pagpapasya.

C. Pagsusuri

1. Suriin ang mga naging pasya ng bawat pangkat batay sa mga katanungang nakatala sa batayang aklat.

2. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang mga panig ukol sa mga dilema.

3. Ituon ang talakayan sa ginawa nilang batayan sa pagpapasya.

D. Paghahalaw

Pagyamanin ang konsepto sa pagbibigay ng mga batayan ng tamang pagpapasya.

E. Paglalapat

Page 26: Janet Espulgar Lima

Ipagawa ang gawain. Gabayan ang mga mag-aaral na magbalangkas ng isang plano upag magamit ang proseso ng paglutas ng dilemang moral sa kanilang sariling mga suliranin.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang konsyensya ng tao ang siyang pinakadirekta at malapit na batayan ng moralidad. Mahalagang mahubog ng tao ang kanyang tamang konsyensya upang magabayan siya sa paglilinaw ng mga dilemang moral at pagpapasya batay sa katwiran at katotohanan.

2. Mahuhubog ng tao ang tamang konsyensya sa pamamagitan ng:

a. pagpapatalas ng kanyang kaisipan at kakayahang suriin ang tama o mali.

b. Pagtanggap sa katotohanan ng buhay at pagtuklas pa sa tunay na kahulugan nito.

c. Pagsisikap na gumawa ng kabutihan at pa-iwas sa masamad. Pagsasanay upang mapatatag ang mga negatibong emosyon e. Pagpili sa mga taong makatutulong sa pagbibigay ng solusyonf. Pagpapatibay ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos

G. Pagtataya

Mga Inaasahang Kasagutan:

A. 1. maling konsyensya2. tamang konsyensya3. tiyak na konsyensya4. di-tiyak na konsyensya

B. 1. pagtanggap sa katotohanan ng buhay 2. pagpapatalas ng kaisipan

3. pagpapatatag ng emosyon 4. ugaliing gumawa ng kabutihan 5. makipag-ugnayan sa Diyos at sa mga taong may mabuting kalooban

bilang modelo ng tamang pagpapasya

Aralin 12

Page 27: Janet Espulgar Lima

Diwang Malaya…Laan Ko sa Mabuting Gawa

Petsa

PSSLC

2.5 Nagaga ang kalayaan at katotohanan bilang batayan ng pagpapasyang moral

I. Mga Tiyak ng Layunin

A. Nasusuri ang kaangkupan at kawastuhan ng pagpapasya batay sa katotohanan

B. Naipapahayag nang Malaya ang sariling saloobin ukol sa isyung moral at nakapagpapamalas ng paggalang sa pananaw ng iba

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagsasabuhay ng mga gawaing nagtataguyod ng katotohanan

II. Nilalaman ng Aralin

Mga Pagpapahalagang Moral Kalayaan sa PagpapasyaAng Pananagutan ng Tao sa Kalayaang Magpasya

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pasagutan ang pagtataya sa Panimula sa jornal.

a.) Basahin ang mga aspekto ng buhay na nakalista sa unang hanay.b.) Sabihing tatayain nila kung gaano ang antas o digri ng importansya ng

bawat aspekto sa kanilang buhay.c.) Ipaliwanag na ang digri ng importansya ay tatayain ng iskala na mula sa

1 puntos hanggang sa 5 puntos. Ang pinakamababang impluwensiya ay bibigyan ng 1 puntos. Kung napakaimportante ang aspekto sa kanilang sariling buhay ay maaaring bigyan ito ng 5 puntos.

d.) Kumbinsihin ang bata na iwasan ang pagbibigay ng 3 puntos. Nangangahulugan ito na hindi sila tiyak kung mahalaga o hindi mahalaga ang aspekto ng buhay na kanilang sinusuri.

e.) Magbigay ng ilang halimbawa upang matiyak na maunawaan ng klase ang panuto sa gawain.

2. Tingnan ang resulta ng pagtataya. Tanungin ang bilang ng mag-aaral na nagbigay ng marka sa bawat antas o iskala (1 hanggang 5) ng digri ng Paniniwala (P) at Pagsasabuhay (B).

3. Tanungin ang klase sa resulta ng pagtataya. a. Ang mga pagpapahalagang may pinakamataas na P sa iskalab. Ang mga pagpapahalagang may pinakamababang P sa iskala c. Ang mga pagpapahalagang may pinakamataas na B sa iskalad. Ang mga pagpapahalagang may pinakamababang B sa iskala

4. Pagbigayin ang klase ng implikasyon ng resulta (ng, a, b, c at d sa bilang 3 ng Pagsusuri) sa kanilang kasalukuyang buhay para sa pagpapabuti ng kanilang kinabukasan.

B. Gawain

Page 28: Janet Espulgar Lima

Ipasuri ang kaso ni Martin sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakalista sa Pagsusuri.

- Isyung ipinahihiwatig sa kaso ni Martin- Tunay na magiging saloobin nila sa sitwasyon ni Martin- Paraan ng pagpapatunay ng matalinong pagpasya at kakayahan kung sila ay

nasa katayuan o sitwasyon ni Martin.- Mga opinion kung bakit maituturing ma mahina ang pagkatao ni Martin kung

mapipilitang magbenta ng shabu

C. Pagsusuri

1. Lagumin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pabuod na pamamaraan.

2. Itala ang buod ng kanilang mga kasagutan ayon sa sumusunod na mungkahing talahanayan.

Pasya Mga Batayan ng Pagpapasya Dagliang Epekto sa mga Nasasangkot sa Kaso

D. Paghahalaw

1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang bigyan ng pagpapakahulugan ang mga datos sa talahanayan.

2. Pagtibayin ang kanilang mga pagpapakahulugan sa pamamagitan ng paglalahag ng mga konseptong may kinalaman sa pagpapahalagang moral.

3. Payamanin ang talakayan sa pamamagitan ng pagbanggit sa iba’t ibang antas ng pakikisangkot ng tao sa kanyang gawa.

E. Paglalapat

1. Ipagawa ang Eternal Plan sa mga mag-aaral. Magbigay ng ilang halimbawa upang matiyak ang pagkaunawa ng mag-aaral sa panuto para sa gawain.

2. Pumili ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natapos na eternal plan.3. Ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng sinseridad at katapatan sa pagsasabuhay

ng eternal plan. Himukin silang maging masigasig sa pagtataguyod nito.

F. Pagbabalik-aral

Normal sa kabataan na makaranas ng mga sitwasyon o suiliraning dapat nilang lutasin na n g may hustong talino at pagdedesisyon. Ang karamihan nito ay mga isyu ng moralidad na nangangailangan ng solusyong tama o moral at di tama o imoral.

Ang kabataang Pilipino ay kilala sa pagiging mabait at palasunod sa mga payo ng magulang at nakakatanda. Alam niya na hangad ng bawat magulang na Pilipino ang maayos at payapang kinabukasan sa kanilang mga anak.

Masasalamin ang uri ng pag-isip na nabuo sa mga kilos, gawi o ugali ng tao. Halimbawa, isang kabataaang babae na sumasama sa isang katipan sa mga di kanais-nais na lugar ay nag-iisip na hindi masama o okey lang na gawin niya ang mga kilos na iyon. Sa iba namang kapwa niya mag-aaral na babae, ay maari itong tingnan na isang di magandang asal. Ito’y dahil pinahahalagahan niya ang kanyang integridad at ang mga maaaring maging resulta sa kanyang sarili at mga kapamilya.

Page 29: Janet Espulgar Lima

Biniyayaan tayo ng Diyos ng kakayahan mag-isip, sumuri at pumili ng pinakamabisang solusyon sa ating mga problema sa buhay. Malaya rin tayong gawin ang piniling mga solusyon sa ikalulutas ng mga ito. Ang kalayaan ng tao sa pag-iisip at pagsasabuhay ng kanyang mga pagpapahalaga ay tinatawag na free will.

Sa Batas ng Diyos, ang ating mga magulang ay may responsibiliad na magturo sa ating ng mga paraan sa buhay na may amang moralidad. Ngunit ang mga aral na ating natutuhan sa kanila ay maaaring hindi laging sapat o hindi laging makatutulong sa ating pag-unlad. Dahil dito, iniatas ng Diyos ang responsibilidad ng pagtuturo ng moralidad ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng mga paaralan. Ito ang dahilan kung bakit nilalayon ng lahat ng paaralan sa Pilipinas na maturuan at magabayan ang mag-aaral na laging piliin at isabuhay ang mga Batas Moral ng Diyos at ng Lipunan.

Ginaganap ng paaralan ang pagtuturo ng moralidad sa mga mag-aaral sa maraming paraan. Pormal ang paraan ng pagtuturong moral sa pamamagitan ng patuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga bilagn isang aralin/subject. Ang pagmomodelo ng guro (role modeling) ng mga tamang pagpapahalaga sa kanyang sarili ay isang impormal o di pormal na paraan sa pagtuturo ng mga wastong pagpapahaaga sa kanilang mga mag-aaral.

G. Patataya

1. Ipagawa ang Pagtataya A at B.2. Bigyan ang mga mag-aaral ng tagubilin na suriing mabuti ang bawat kaso.3. Narito ang ilang halimbawa sagot para sa Pagtataya A.

Kaso Responsibilidad ng Maygawa Mga Batas na Sinuway NitoLuisa-maagang nag-asawa

Buong-buo dahil mayroon siyang sapat na kamalayaan sa kanyang maaaring kahihinatan

Batas ng pag-aasawa

Victor-kinalimutang i-set ang alarm clock

Buong-buo dahil alam na niya ang ibubunga ng kanyang pagwawalang bahala

Batas ng kaisipan at pagkawalang determinasyon

Edna – ang nagresponde sa mga parunggit ng kaklase.

Buong-buo dahil mayroon siyang impormasyon sa maaaring mangyari

Mabuting pakikipagkapwa-tao maging mahainahon at mapayapa

4. Ang mga posibleng sagot naman sa Pagtataya B ay:

4.1 Tama. Ang tao ay may sapat na kontrol. Maari niyang gamitin ang kanyang likas na pagiging mahinahon at makatwiran kung gugustuhin niya.

4.2 Mali. Ang bawat ay may pananagutan sa bawat gawain at tunguhin niya. Biniyayaan siya ng talino ng isip upang gamitin ito sa pagsusuri ng mga bagay na mabuti at masama.

4.3 Tama. Ang konsyensya ay laging tama. Kung ito man ay nagiging mali sa pagtingin ay sapagkat nagiging subhetibo tayo.

Aralin 13

Pagtanggap at Pagpapatawad, Aking Hangad

Page 30: Janet Espulgar Lima

Petsa

PSSLC

2.6 Naitatalaga ang sarili sa paghingi ng tawad at pagpapatawad sa mga nagawang di moral

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Natutukoy at napagninilay-nilayan ang nagawang mga kasalanan at pagkukulang.

B. Natatanggap nang may pagsisisi ang mga nagawang kasalanan at pagkukulang

C. Naisasabuhay ang mga pamamaraan upang humingi ng tawad at magbigay ng kapatawaran sa mga nagawang pagkukulang.

II. Nilalaman ng Aralin

Pagtatalaga ng Sarili Tungo sa Pagpapatawad at Paghingi ng TawadProseso ng Pagpapatawad

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Gabayan ang mga mag-aaral na tukuyin ang kanilang mga gawain na maituturing nilang kasalanan Humukin silang maging matapat sa pagsasagawa nito.

2. Iparusi sa kanila ang kinalabasan ng gawain. Ituon ang kanilang pansin sa maaari nilang gawin sa mga nagawang kasalanan. Ihanda sila para sa isang meditasyon.

B. Gawain

1. Sa saliw ng isang malamyon na musikang instrumental,. Hikayatin ang mga mag-aaral na sumailalim sa isang malalim na pagsusuri ng kanilang mga nagawang kasalanan.

2. Simulan ang meditasyon sa pagrerelaks ng kanilang kaisipan at kalooban at paghinga nang malalim.

3. Ipaalala sa kanilang isip at damdamin ang mga di kanais-nais na pangyayari sa kanilang buhay, mga kasalanang nagawa nila at mga taong nasaktan nila. Ipokus din ang kanilang isip sa mga taong mahalaga sa kanila at sa nagawa nilang mga kasalanan dito at maging sa mga naging pagkukulang nila sa mga taong ito.

4. Ipadama sa kanila ang Diyos sa gitna ng mga pangyayaring ito. Himukin silang makipag-usap sa Diyos at humingi dito ng tulong upang makahingi ng kapatawaran sa kanilang nagawa at maging sa pagpapatawad sa pagkakasala ng iba.

5. Sa pagtatapos ng meditasyon, muling irelaks ang kanilang mga kalooban at kaisipan.

6. Ipasulat sa kanilang jornal ang mga sinariwa nilang kasalanan at pagkukulang. Pagkatapos nito, atasan silang pumili ng isang malapit na kaibigan at ibahagi ang kanilang naisulat.

C. Pagsusuri

Page 31: Janet Espulgar Lima

Linawin ang kanilang mga repleksyon ukol sa katatapos na gawain. Itanong ang mga katunungan nasa batayan aklat. Hikayatin silang magbabahagi ng kaniolang mga saloobin at kaisipan ukol sa mga nagawa nilang kasalanan.

D. Paghahalaw

Ituon ang talakayan sa kahalagahan ng pagpapatawad at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang o naging pagkukulang.

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-iisip ng mga paraan upang humingi ng tawad sa pagkakasala at paano magpapatawad ng iba.

F. Pagbabalik-aral

1. May dulot na kaligayahan at kapanatagan ng kaisipan at kalooban ang pagsisi ng kasalanan at pagbibigay ng kapatawaran sa kapwa.

2. Napaghihiloam at napagagaling nito ang anumang sugat at sama ng loob na hatid ng pagkakahiwalay at di pagkaka-unawaan.

3. Ang pagpapatawad, paghingi ng paumanhin at pagpupuno sa kakulangan ng iba ay mga paraan upang makapagpanibagong loob at magbalik-loob ang tao sa Diyos.

4. Dahil sa ang pagsisisi sa nagawang kasalanan at paghingi ng kapatawaran ay isang komplikadong proseso, mahalaga na puspusin ng tao ang kanyang sarili ng pinakamalalim na pag-ibig sa kapwa, at bukas-loob na pagtanggap sa sarili at sa limitasyon ng kapwa. Kailangan ding ito ay gustuhin niya upang mapalaya ang saili sa pagkakabilanggo sa poot, galit, sama ng loob at pagkasuklam. Ito ang tanging magpapaligaya sa tao.

G. Pagtataya

Ipagawa ang Monitor Tsart para sa Bantay Kasalanan. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang imonitor ang kanilang pagsisikap at pagbabago. Kung maaari ay magkaroon ng isang kaibigan na siyang regular na magpapaalala nito sa mag-aaral. Maaari niyang gawing saksi ang kapartner niya sa pagbabaganihan ng mga repleksyon sa ginawang meditasyon.

Aralin 13

Page 32: Janet Espulgar Lima

Pagmulat sa Katotohanan, Pagtaya sa Kamangmangan

Petsa

PSSLC

3.1 Nakakikilala ng katotohanan at karunungan sa gitna ng masalimuot na kalakaran

II. Mga Tiyak na Layunin

A. Napatutunayan ang katotohanan ng isang isyu at pangyayari sa pamamagitan ng masusing pananaliksik

B. Napaghahalagahan ang patuloy na pananaliksik bilang daan tungo sa katotohanan at karunungan

C. Naitatalaga ang sarili sa paghahanap ng katotohanan at karunungan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kredo.

III. Nilalaman ng Aralin

Pagpapahalaga sa KatotohananPagsisikap at Katapatan sa Pananaliksik ng Kaalaman

Kagamitan

Mga kopya ng ulat mula sa dyaryo, mga rolyo ng papel ayon sa dami ng mag-aaral

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Ipabasa ang teksto na hinango sa panulat ni A.D. Simpson.

B. Gawain 1

1. Ipasagot ang Gawain 1. Itama ang kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagbibigay ng puntos. Para sa mga aytem 1 at 10 ang mga sumusunod na: LS5; S-4; DT-3; DS-2; LDS-1. Para naman sa mga aytem 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, at 9, bigyan ng puntos ang kanilang mga kasagutan ayon sa sumusunod: LS-1; S-2; DT-3; DS-4; LDS-5. Upang makuha ang kanilang kabuuang puntos ay atasan silang pagsamahin ang kanilang mga puntos sa lahat ng aytem.

2. Bigyan ng interpretasyon ang kanilang mga kabuuang puntos ayon sa mga sumusunod na batayan: 1-12 - Kailangang magsaliksik ka pa sa katotohanan13-25 - Katamtaman. Paghusayan mo pa ang paglinang ng katotohanan26-37 - Mahusay 38-50 - Kahanga-hanga ang iyong matalino at masusing pag-aanalisa ng mga bagay-bagay

3. Hayaan silang magbigay ng kanilang mga obserbasyon at damdamin ukol sa kanilang puntos.

Gawain 2

1. Sumipi ng isang artikulo o ulat sa dyaryo tungkol sa isang katiwaliang naganap sa lipunan. bigyan ng kopya ang mga mag-aaral. Tanungin ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa binasa at isulat ito sa pisara.

2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim. Sulatan ang mga rolyo ng papel ng bilang mula isa hanggang anima upang pabunutin ang mga

Page 33: Janet Espulgar Lima

mag-aaral. Itanong sa bawat grupo ang mga taong nais nilang kapayanamin. Ipagawa ang Gawain 2.

C. Pagsusuri

Ipasagot ang mga tanong sa Pagsusuri. Bigyang diin ang kahalagahan ng katotohanan sa pagkakaroon ng kaalaman.

D. Paghahalaw

Talakayin ang kahalagahan ng katotohanan at karunungan ayon sa isinasaad at isulat ito sa bahagi ng silid kung saan maaaring mabasa ito ng lahat.

E. Paglalapat

Matapos gawin ng mga mag-aaral ang kredo o batas, alamin ang konsensus ng klase at isulat ito sa bahagi ng silid kung saan maaraing mabasa ito ng lahat.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang katotohanan ay nagpapalaya sa ating maling paniniwala, kaisipan at maling gawa.

2. May dalawang pagpapahalaga ang kaugnay upang makamtan ang katotohanan.

2.1 Ang pagsisikap o pagtitiyagang makamtan ang kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay; at

2.2 Ang katapatan sa pananaliksik ng mga kaalamang may kinalaman sa mga isyu, pananaw, kalakaran at gawi upang mailabas ang katotohanan.

3. Malik ang kapakinabangan at nakatutulong sa pagtatamo ng kaunlaran ng lipunan ang mga mamamayan kinikilala at nagtataguyod sa katotohanan.

4. May mga hadlang sa pagkilala sa katotohanan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng: a. pagsunod sa isang liko at hindi karapat-dapat na lider o tagapanguna; b. patuloy na pagsasagawa ng mga nakasisira at hindi naaayong

kaugalian; c. padalus-dalus na pagpapasya at pag-aakala (paniniwala at kaisipan) ng

mga tao tungkol sa iba’t ibang grupo ng tao o mga pangyayari (popular prejudice) at

d. pagkakaroon ng kaunting kaalaman at ng kamangmangan.

5. Kayamanan at kaagapay ng lipunan at ng bansa ang mga mamamayang nabubuhay sa katotohanan. Maraming pamamaraan upang malinang ang kakayahang magsaliksik at mamuhay sa katotohanan. Kabilang dito ang:a. pagbababa ng mga tao at napapanahong babasahin

at literature:b. paghuhubog sa kahiligan sa pagtatanong o

pagkakaroon ng mapanuring kaisipan.c. Pagiging mahinahon at matalino sa pagtanggap ng

mga impormasyon o balita.d. Pagsisikap na magsaliksik at mag-imbestiga sa mga

isyu at pahayag.e. Pagpapatangkat at pagpapasigla ng partisipasyon sa

mga debate at malayang talakayan ukol sa samut-saring isyung panlipunan;

Page 34: Janet Espulgar Lima

f. Pagkakaron ng obhetibo at moral na batayan sa paghahanap ng katotohanan at.

g. Pananalangin at paghingi ng inspirasyon mula sa Diyos.

G. Pagtataya

Upang maipakita ang katapatan sa katotohanan, ang dapat na sagot ng mga mag-aaral ay:

1. Sabihin sa guro ang pangungodigo ng kaibigan.2. Sabihin sa kinauukulan ang nangyari sa laboratoryo.3. Hindi basta maniniwala sa sinabi ng kagalit o kaibigan, kundi salamin ang

katotohanan ng kanilang sinabi.4. Magbasa ng mahahalagang impormasyon ukol dito. Manalangin na huwag

itong mangyari pang muli.

V. Mga Karagdagan Gawain

A. Para sa Sarili at Pamilya

1. Himukin ang mga mag-aaral na tayain nang makatotohanan ang kanilang mga sarili batay sa kanilang mga paniniwala, maling gawi at haka-haka. Ipatala sa kanila ang kanilang mga pagtataya sa sumusunod na Imbentaryo ng Katotohanan.

Panuto: Tayain ang sarili sa mga sumusunod na sitwasyon at karanasan. Maging matapat at makatotohanan sa iyong pagsagot. Ilagay ang tsek sa hanay o kolum na nagpapakita ng iyong kasagutan.

SitwasyonKadalasan/

lagi-lagiMadalas

Paminsan-minsan

Bihirang-bihira

2. Pagsasabi ng katotoha-nan.

3. Pagpatol at madaling paniniwala sa mga tsismis.

4. Pagtupad sa pangako.5. Padalus-dalos na

interpretasyon sa anumang nakita, narinig o nabalitaan.

6. Panghuhusga sa kapwa.

7. Pagbibiro at panloloko sa kapatid

8. Pagtatago o pagtatakip sa katotohanan o totoong nangyari.

9. Pangongopya sa mga pagsusulit.

10.Pangungupit ng pera sa magulang.

11.Pagbibigay ng bansag sa kapwa (Hal. Negro.)

2. Hikayatin din ang mga mag-aaral na bumuo ng isang slumbook o scrapbook ukol sa katotohanan. Tagubilinan sila na maaari silang

Page 35: Janet Espulgar Lima

kumuha ng mga pahayag, talinghaga, kasabihan at iba pa mula sa Bibliya, mga babasahin, at iba pang literature. Maaari ring bigyan sila ng tiyak na pokus o dimension ng katotohanan. Halimbawa nito ang mga pahayag na may kinalaman sa:a. Makatotohanang Pagmamahal at Pag-ibig.b. Pamumuhay sa Katotohanan.c. Ang Katotohanan Ukol sa Tunay na Kapayapaand. Ang Makatotohanang Pagmamahal sa Anak

3. Mula sa resulta ng Imbentaryo ng Katotohanan, maaari ring gumawa ang mga mag-aaral ng isang AGENDA NG KATOTOHANAN (Truth Agenda). Papiliin sila ng isa o dalawang gawi na nais nilang baguhin. Gabayan silang magtaya at magtala ng mga tiyak na hakbangin at pagsisikap upang maipamuhay ang katotohanan. Sa ganitong gawain, maaaring gawing gabay ang sumusunod na halimbawa o pormat:

AGENDA PARA SA KATOTOHANAN

Agendum:__________________

(nais na baguhin)

Mga Dahilan:Saan at Kailan:Ulit at Dalas ng Paggawa (sa loob ng isang lingo)Paano Babaguhin: (balangkas ng hakbangin)

1.2.3.4.

4. Mula sa Gawain: 1, pumili ng isang isyu o pahayag na kailangan pagtu-unan ng pansin at saliksihin ang katotohanan nito. Gabayan ang mga mag-aaral sa mga pamamaraan na maaari nilang maisagawa upang maipalabas ang katotohanan sa likod ng mga pahayag na ito. Maaari ring pangkatin ang mga mag-aaral batay sa napili nilang pahayag.

B. Para sa Paaralan

Magplano ng isang debate o pagpapaligsahan ng katwiran at katotohanan. Pumili ng mga isyu o pahayag na napapanahon. Ilang halimbawa nito ay ang mga isyung may kinalaman sa:

a. isyung kinasasangkutan ng pamilya (family life issued) tulad ng aborsyon, live-in, diborsyo at iba pa.

b. buhay ng tao (life issues) kagaya ng death penalty o euthanasia.c. Kababaihan (gender issues) gaya ng pagkakaroon ng macho mentality ng mga

kalakihan, pantay na karapatan at iba pa.

Page 36: Janet Espulgar Lima

Aralin 15Alay-gawa Para sa Kapwa

Petsa

PSSLC

3.2 Naipakikita ang pagmamahal sa gitna ng kahirapan

I. Mga Tiyak na layunin

A. Nasusuri ang lawak at lalim ng puso ukol sa kapwaB. Nakapagbabahagi ng sarili nang may kasiglahan sa kapwa sa panahon ng

kahirapanC. Nakapagbabalangkas at nakikilahok sa mga gawain para sa kapwang

nangangailangan ng tulong

II. Nilalaman ng Aralin

A. Panimulang Gawain

Isagawa ang pagbabahagi ng puto/kalamay sa tulong ng pagkuha ng bilang ng klase. Kunin ang 70%, 20% at 10% nito. Ibigay sa higit na marami (70%) ang maliit na bahagi ng puto samantalang sapat lamang para sa 20% at ang pinakamalaking bahagi sa natitirang 10%. Pansinin ang mga magiging reaksyon ng klase. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan.

4.1 Gawain

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsusuri ng laman, lawak at lali ng kanilang puso. Pangkatin sila na may apat na kasapi. tagubilinan sila na ibahagi sa kanilang pangkat ang kinalabasan ng kanilang puso para sa iba.

C. Pagsusuri

LInawin ang kanilang mga kasaguitan sa mga katanungan. Hikayatin silang magbahagi ng kanilang mga saloobin at pananaw ukol sa gawain. Ituon ang talakayan ukol sa pagpapalawak ng kanilang puso para sa iba.

D. PaghahalawIbigay ang Konsepto ng Pagpapahalaga. Hayaan ang mga mag-aaral na

magbahagi ng kanilang mga tunay na karanasang may kaugnayan sa paksa.

E. PaglalapatGabayan ang mga mag-aaral para sa pagsasagawa ng isang outreach

program. Himukin silang isagawa ito sa isang lugar na higit na nangangailangan.

F. Pagbabalik-aral

1. Likas sa bawat tao ang kabutihan at pagmamahal. Malaki ang puwang sa puso ng Pilipino ang pagtulong sa kanyang kapwa. Masasalamin ang kabutihang loob ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang taos-pusong pagbibigay ng sarili sa mga gawaing tulad ng pagkakawanggawa, pagboboluntaryo at pagbabahagi ng kanyang oras at talento para sa mga nangangailangan.

Page 37: Janet Espulgar Lima

2. Maraming paraan ng pagpapakita ng kabutihan sa ating kapwa. Kailangan lamang na maging bukas ang ating kalooban sa pagtulong at pagsasagawa ng mga ito.

G. Pagtataya

Ipagawa ang gawain sa mga mag-aaral. Bigyan sila ng sapat na panahon upang mabuo ang sandaang (100) paraan upang makatulong sa kapwa. Ilagay ang talaan sa bulletin board upang madagdagan ito araw-araw.

Maaaring ipaskil din dito ang may pinakamagandang kwento tungkol sa bukas palad at taos-pusong pagtulong sa kapwa.

Page 38: Janet Espulgar Lima

Aralin 16Sa Pagsubok ng Buhay, Kaya Kong Magtagumpay

Petsa

PSSLC

3.3 Naisasabuhay ang katatagan ng loob sa gitna ng suliranin at pagsubok

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri at natataya ang sariling katatagan ng loob sa tulong ng mga karanasan sa buhay.

B. Nakapagpapamalas ng katatagan at positibong pananaw sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

C. Nakababalangkas ng mga istratehiya tungo sa pagpapatatag ng kalooban sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

II. Nilalaman ng Aralin

Katatagan ng Loob sa Gitna ng PagsubokMga Istratehiya sa Pagpapatatag ng Kalooban

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Pasagutan sa mga maga-aaral ang pagtataya ukol sa katatagan ng kalooban. Bigyan sila ng sagutang papel. Talakayin ang kinalabasan at resulta ng kanilang pagtataya. Bigyan din sila ng pagkakataong magbahagi ng kanilang mga karanasan kaugnay dito.

B. Gawain

1. Atasan ang mga mag-aaral na kumuha ng kanilang kapartner.

2. Hikayatin silang ibahagi ang kanilang pinakamahirap na karanasang pinagdaanan sa buhay.

3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan sa harap ng klase.

4. Hayaan silang magpalitan ng kanilang mga karansan ukol sa pagharap sa pagsubok sa buhay.

C. Pagsusuri

1. Suriin ang mga pagpapalitan ng mga karanasan sa buhay.

2. Ituon ang pagsusuri sa naging epekto nito sa kanila at mga natutuhan mula rito.

D. Paghahalaw

Payamanin ang mga pagbabahaginan sa tulong ng maikling panayam ukol sa pagpapatatag ng kalooban sa gitna ng kahirapan at pagsubok sa buhay.

E. Paglalapat

Ipagawa ang gawain. Hikayatin sila na isagawa ang kanilang mga naisip na pamamaraan upang mapatatag ang kalooban.

Page 39: Janet Espulgar Lima

F. Pagbabalik-aral

1. Bahagi ng buhay ng bawat tao ang makaranas ng pagsubok. Nagbibigay ng mabubuting aral at nagsisilbing gabay ang mga ito tungo sa katatagan ng loob at magandang kinabukasan.

2. Maraming paraan upang mapatatag ang kalooban ng isang tao sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Kabilang sa mga ito ang:

Pagkakaroon ng magandang ugnayan sa mga taong nagmamalasakit at tunay na nagmamahal.

Pagkakaroon at paghahanap ng kahulugan sa buhay sa gitna ng mga pagsubok at

Pagkakaroon ng pag-asa sa buhay

G. Pagtataya

Ipagawa ang panayam sa mga mag-aaral. Maaaring pumili ng isang magandang kasaysayan at imbitahin ang taong ito upang magbahagi sa klase. Magbigay ng insentibo sa may pinakamagandang sanaysay ukol sa pagharap sa buhay.

Page 40: Janet Espulgar Lima

Aralin 17

Pagtitimpi sa Gitna ng Pagtutunggali

Petsa

PSSLC

3.4 Naipamamalas ang matalinong paghuhusga sa gitna ng kaguluhan.3.5 Naipapakita ang pagtitimpi sa gitna ng alitan.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Natataya ang sariling antas ng pagtitimpiB. Nakapagpapamalas ng pagtitimpi sa pangkatang gawain at nakapagpapakita

ng pagsisikap na mapataas ang antas ng pagtitimpi.C. Nakababalangkas ng isang resolusyon para sa mapayapang pangangasiwa ng

sariling hidwaan.

I. Nilalaman ng Aralin

Pagsasaayos at Paglutas ng HidwaanDekalogo ng Mapayapang Pagsasaayos ng Hidwaan Katangian ng Maka-Pilipinong Pakikipagkasundo

II. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Hikayatin ang mga mag-aaral na tayahin ang kanilang antas ng pagtitimpi. Bigyan sila ng sagutang papel.

2. Ipasuri sa kanila ang kinalabasan ng gawain. Ituon ang pansin sa kanilang saloobin at mga pagkakataong nawawalan sila ng pagtitimpi.

B. Gawain

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga kwento ng buhay-buhay.2. Atasan silang buuin ang kwento batay sa kanilang inaasahang pangyayari.

Pangkatin sila nang patrayad at pag-usapan ang kinalabasan ng mga sitwasyon.

3. Tumawag ng ilang trayad upang magbahagi ng kanilang kasagutan. Bigyan din sila ng pagkakataong magbahagi ng kanilang mga tunay na karanasan at kwento.

C. Pagsusuri

1. Suriin ang kinalabasan ng bawat kwento o istorya.2. Pagtuunan ng pansin ang mga pamamaraan kung paano naisaayos ang

mga hidwaan. 3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag ang batayan ng kanilang

mga kasagutan. 4. Ipokus ang talakayan sa kahalagahan ng pagtitimpi at pagiging mahinahon

sa panahon ng alitan at tunggalian.

D. Paghahalaw

1. Buuin ang Konsepto ng Pagpapahalaga.

2. Ituon ang pansin sa Pagpapayaman ng Konsepto hindi lamang sa sariling paglutas ng mga hidwaan kundi sa mga katangian ng maka-Pilipinong pakikipagkasundo sa pangkalahatan.

Page 41: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Ipagawa ang Paglalapat sa kanilang jornal. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsaliksik ng mga samahang maaari nilang lahukan o itaguyod bilang kasapi ng nagtataguyod ng unawaan at kapayapaan.

F. Pagpapalik-aral

1. Sa panahon ng hidwaan ng mga prinsipyo at tunggalian ng mga lakas, mahalaga ang pang-unawa, pagtimbang-timbang ng mga pangyayari at kasanayan sa paglutas.

2. Ang anumang hidwaan ay nangangailangan ng mga pamamaraan ng paglutas na nagbubunsod ng pagkakaisa, kapayapaan at pandaigdigang ugnayan.

G. Pagtataya

Ang bawat letra ay kumakatawan sa kategorya ng pagtugon sa hidwaan. Ang mga letrang A sa mga aytem ay pawang pag-iwas, ang letrang B ay diffusion, lahat ng letrang C ay komprontasyon. Alamin ang karaniwang pamamaraan ng pagtugon ng iyong estudyante batay sa kanilang sagot.

Page 42: Janet Espulgar Lima

Aralin 18

Katarungang Panlipunan: Batayan ng Kapayapaan

Petsa

PSSLC

3.6 Natatanggap na ang katarungan ay tungo a kapayapaan

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang isang kaso at nakapagbibigay ng pagpapasya batay sa katwiran at katarungan

B. Napahahalagahan ang pagtatanggi at pananaig sa katarungan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng malasakit sa mga taong pinagkaitan ng katarungan

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagtataguyod ng katarungan sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng kaso

II. Nilalaman ng Aralin

Kahulugan ng Katarungan Uri ng Katarungan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Ipakita sa mga mag-aaral ang simbolo ng katarungang panlipunan o maaaring tanungin sila kung ano ang simbolo ng katarungan. Ano ang kahulugan ng simbolo? Iugnay ang katarungan sa lipunang ginagalawan kung mayroon bang katarungan. Iugnay ito sa gawain.

B. Gawain 1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain. Pagkatapos, hatiin an mga mag-

aaral sa apat na pangkat. ipaliwanag sa bawat pangkat ang kasong kailangan nilang hatulan.

2. Bigyan ang bawat grupo ng posibleng paglalarawan sa nasasakdal at suspek. Halimbawa:

Pangkat A – Unang Paglalarawan(Attractive Victim – Attractive Defendant)

Pangkat B – Ikalawang Paglalarawan(Attractive Victim – Unaatractive Defendant)

Pangkat C – Ikatlong Paglalarawan(Unattractive Victim – Attractive Defendant)

Pangkat D – Ikaapat na Paglalarawan(Unattractive Victim – Unattractive Defendant)

3. Bigyan sila ng pagkakatao (mga sampung minuto) upang matalakay ang kaso bago nila ibigay ang kanilang hatol at ang mga kadahilanan sa naging hatol.

4. Pag-ulatin ang bawat pinuno ng pangkat sa kanilang tinalakay.

C. Pagsusuri

1. Suriin ang kanilang ginawa sa dalawang bahagi: Una – batay sa indibidwal na sagot.

Page 43: Janet Espulgar Lima

Ikalawa – batay sa pagtalakay at hatol na ibinigay ng bawat pangkat.

2. Maaaringilagay sa isang tsar tang kanilang mga sagot tulad nito:

Kaso Hatol Kadahilanan Taon ng

Pagkabilanggo

1. (AV - AD)2. (AV - UD)3. (UV - AD)4. (UV - UD)

3. Suriin ang kanilang ginawa batay sa mga katanungan sa Batayang Aklat.

4. Maaaring bigyang tuon ang ang posibilidad na nangyayari ito sa lipunan batay sa kanilang mga pagmamasid at karanasan. Magbigay o ipalahad ang ilang tunay na pangyayaring katulad nito. bigyang diin sa pagsusuri ng gawain na hindi nararapat tumingin sa panlabas na anyo o sa katayuan sa buhay sa paghatol sa kapwa.

D. Paghahalaw

1. Ipabasa at ipapaliwanag ang Konsepto ng Pagpapahalaga. 2. Bigyang diin ang lawak na nasasakop ng katarungang panlipunan at kung

paano makakamit ito mula sa pagbasa ng Pagpapayaman ng Konsepto.

E. Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang orihinal na pangkat. bigyan sila ng pagkakataong makapamili ng isang sector ng lipunan kung saan maaari nilang isagawa ang isang mini-survey o case study. Bigyan sila ang panahon sa pagpaplano at pagsasagawa nito. kung magawa na ang resulta, maaari na itong iulat sa klase.

F. Pagbabalik-aral

Ang isang lipunang makatarungan ay walang kinikilingan at tinitingnan. Ito ay isang lipunan kung saan ang lahat ay may pantay na pagkakataon at karapatan.

Ang katarungang panlipunan ay nakabatay sa apat na prinsipyo:

a. Kainaman ng buhay – tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay kagaya ng pagkain, damit at tirahan pati na rin ang mga pangunahing serbisyo ng pamamahalaan.

b. dignidad at pagkilala sa sarili – ang dignidad ay ipinagkaloob sa lahat, kaya ang lahat ng tao ay dapat bigyan ng tamang pagkilala sa lipunan.

c. pakikilahok – ang bawat tao ay binigyan ng sapat na karunungan upang magkaroon siya ng pagkakataon na makibahagi sa pagpapabuti ng takbo ng buhay sa lipunan.

d. pagkakabuklod at pananagutan – bilang mga nilalang na kailangan ang bawat isa, may pananagutan tayo sa ating kapwa tulad ng pagbibigay-tulong, pagtataguyod ng katarungan at pagpapabuti ng buhay sa lipunan.

Page 44: Janet Espulgar Lima

G. Pagtataya

Halimbawa ng mga inaasahang sagot:

1. may pinatay, ninakawan, street children na nagkalat sa iba;t ibang lugar sa Metro Manila

2. may piring na mga mata, timbangan, paglilitis sa korte

Sa bilang 3, 4, 5, ang mga sagot ay batay sa nilalaman at mga konseptong napag-aralan.

3. Halimbawa ng maaaring sagot:

Ang katarunganng panlipunan ay isang kalagayan ng lipunan kung saan umiiral ang pantay na pagkakataon para sa lahat at nagbibigay sa bawat kasapi ang dapat sa kanya. Ito ay nakabatay sa pagkakaroon ng kainaman ng buhay, dignidad at pagkilala sa sarili, pakikilahok, at pagkakabuklod at pananagutan.

4. Halimbawa ng maaaring sagot:

Maaaring manaig ang katarungan sa lipunan kung kikilalanin ng lipunan ang pangangailangan ng bawat kasapi sa apat na batayang karapatan – Kainaman ng Buhay, Dignidad at Pagkilala sa Sarili, Pakikilahok, Pagkakabuklod at Pananagutan.

5. Halimbawa ng maaaring sagot:

a. Igagalang ko ang karapatan ng aking kapwa.

Halimbawa: Hihingi ako ng permiso bago ko gamitin ang gamit ng iba.

b. Kikilanin ko ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

Halimbawa: Hindi ako titingin sa kalagayan sa buhay sa pagbibigay ng malasakit sa aking kapwa.

k. Igagalang ko ang opinion at paniniwala ng iba.

Halimbawa: Hindi ako maninira/mamimintas ng relihiyon ng iba.

d. Susunod ako sa mga ipinatutupad ng batas ng paaralan at pamayanan gaya ng pagtawid sa tamang tawiran.

e. Igagalang ko ang dignidad ng ibang tao.

Halimbawa: Hindi ako magkakalat ng mali at masamang balita ukol sa iba.

H. Karagdagang Gawain Para sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga

1. Panayam-talakayan

a. Para sa dagdag na kaaalaman ukol sa kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan, talakayin ang konsepto ng Etnosentrismo – sa literal sa pagsasabi, ito ay nangangahulugang “ang ating grupo ay nasa sentro.” Ayon kay Summer, ito ay ang pananaw sa mga bagay-bagay kung saan ang sariling grupo ay nasa sentro o gitna ng bagay, at lahat ng iba pa ay sinusukat at tinatasahan ng mga reprensya rito (Panopio, 1992). Ito ay tumutukoy rin sa paghuhusga na ang sariling kultura at pamamaraan ay mas mabuti, mas tumpak, angkop, at moral kaysa iba. sa konseptong ito itinuturing na ang sariling grupong kinabibilangan ng isang tao ay nangingibabaw, bunga nito, maaaring tingnan naman ang iba pang grupo nang may pagdusta. Ayon kay Panopio, ang pananaw na ito, bagamat

Page 45: Janet Espulgar Lima

nagpapalakas at nagbubuklod sa magkakagrupo, ay nagiging dahilan naman ng pagkatiwalang (alienation) ng ibang grupo, may killing na pananaw (prejudice) at kawalan ng pagkakapantay at katarungan.

(1) critical thinking – ang mga mag-aaral; ay dapat na tingnan ang mga isyu nang may bukas na isip at may kahandaang magbago ng opinyon sa harap ng mga bagong matibayan.

(2) Cooperation – ang mga mag-aaral ay dapat na handing gumawa nang may pagtutulungan upang makamit ang mga layunin

(3) Empathy – ang mga mag-aaral ay dapat na igalang ang mga pananaw at damdamin ng mga taong mula sa ibang grupo, kultura at bansa

(4) Communication – kailangang magkaroon ng kakayahan ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa iba.

2. Mga Gawain at Proyektong Pampaaralan

a. Atasan ang mga mag-aaral na sundan ang mga nagaganap na pangyayari sa bansa. Hayaang isulat nila sa kanilang jornal ang mga pangyayari na nagpapakita ng kawalan ng katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay.

b. Pasulatin ang mga mag-aaral ng kanilang puna at reaksyon sa naitalang mga pangyayari at hayaan silang magpadala ng mga sulat sa local na pahayagan at magiging sa pahayagan ng paaralan. Isang paraan ito upang turuang makibahagi at maging mulat ang mga mag-aaral sa mga nagaganap sa paligid.

3. Mga Gawaing Pampamayanan

a. Maglunsad ng isang eksibit sa tulong ng ilang organisasyon sa pamayanan na ang layunin ay mapanatili ang katarungan sa lipunan. ipakita sa eksibit ang mga larawang nagpapakita ng kawalang katarungan sa lipunan. sa kabilang banda, maaari ring ipakita ang mga ginagawa ng pamahalaan at pribadong grupo upang makamit ang katarungang panlipunan.

b. Magpagawa sa mga mag-aaral ng case studies ukol sa mga marginalized groups gaya ng mga trabahador sa pabrika o mga plantasyon, mga batang lansangan, at mga nakatira sa ilalim ng tulay. Sabihin sa mga mag-aaral na alamin nila ang kalagayan sa buhay (ekonomiko, panlipunan) ng mga taong ito. Alamin din sa kanila ang kanilang mga suhestyon upang matulungan sila ng pamahalaan na pamabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

c. Kaugnay ng Gawain B, alamin din ng mga mag-aaral kung ano naman ang ginagawa ng pamahalaan upang matulungan ang mga taong mahihirap tulad ng kanilang nakapanayam. Kung makakaya ng klase, maaari silang mag-organisa ng isang paghaharap ng mga kinatawan ng dalawang grupo sa pamayanan upang marinig ng bawat isa ang panig ng kabila.

Page 46: Janet Espulgar Lima

Aralin 19

Simpleng Buhay Tungo sa Likas-kayang Pag-unlad

Petsa

PSSLC

3.7 Nakikilala na ang simpleng pamumuhay ay tungo sa likas-kayang pag-unlad

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang sariling istilo ng pamumuhay at ang kaugnayan nito sa kapaligran

B. Nakapagpapahayag ng malasakit sa kalagayanng kapaligiran

C. Nakababalangkas para sa ikabubuti ng kapaligiran

II. Nilalaman ang Aralin

Etika ng Simpleng Pamumuhay Tungo sa Likas-kayang Pag-unladMga Istratehiya Para sa Simpleng Pamumuhay

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ihanda ang klase para sa isang slide presentation. Gawing maganda ang presentasyon upang mapukaw ang saloobin at damdamin ng mga mag-aaral.

2. Bigyan ng tagubilin ang mga mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran at epekto nito sa kabuuang kalagayan ng ating mundo.

3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga saloobin at pananaw sa mga nakita sa slides presentation. Maaari rin silang magbanggit ng mga sitwasyon batay sa kanilang mga obserbasyon at personal na karanasan.

B. Gawain

1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtataya ng kanilang istilo ng sariling pamumuhay.

2. Pangkatin sila upang talakayin ang kanilang mga kasagutan. Magtakda ng isang tagapag-ulat upang lagumin ang kanilang mga kasagutan sa pangkat.

3. Ituon ang kanilang pansin upang masuri ang kinalabasan ng gawain,

C. Pagsusuri

1. Suriin ang kinalabasan ng kanilang mga kasagutan sa tulong ng mga katanungan na nakatala sa batayang aklat.

2. Gabayan sila upang makagawa ng paglalagom at masuri ang kabuuang larawan o profile ng kanilang istilo ng pamumuhay. Hayaan silang gumawa ng mga lagom at mga kaisipan ukol sa epekto nito sa kapaligiran at likas-kayang pag-unlad.

3. Ituon ang talakayan sa maari nilang gawin upang makatulong sa pangangalaga sa kapaligiran.

D. Paghahalaw

Ipabasa at humingi ng pagpapaliwanag mula sa mga mag-aaral ukol sa Konsepto ng Pagpapahalaga. Palawakin ito sa tulong ng panayam kaugnay ng likas-kayang pag-unlad at istilo ng pamumuhay.

Page 47: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Tagubilinan ang mga mag-aaral na balikan ang naunang resulta ng kanilang pagtataya ng istilo ng pamumuhay. Mula sa resulta nito, pumili ng mga personal na gawaing hindi nakabubuti sa kapaligiran. Himukin silang magbalangkas ng isang plano kung paano maiwawasto ito. Hikayatin din silang imonitor ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Maglaan ng isang sesyon/ aralin upang maibahagi nila ito sa klase.

F. Pagbabalik-aral

1. Malaki ang kaugnayan ng ating personal na pagpili at pagkilos sa kinabukasan ng ating kapaligiran.

2. Makatutulong tayo sa ikakalutas ng mga suliranin ukol sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatalaga sa ating mga sarili para sa boluntaryo at simpleng uri ng pamumuhay. Sa ganitong paraan, mapangangalagaan natin ang ating kapaligiran at ang ating kinabukasan.

3. Kabilang sa mahahalagang aspekto ng simpleng pamumuhay ang mga sumusunod:

Pagkakaroon ng kakayahang magmuni sa mga personal na pagpili at gawain.

Pagiging kritikal at responsible sa paggamit ng mga likas at pinagkukunang-yaman

Pagpili ng mga libangang makatutulong sa kapaligiran gaya ng pagtatanim at pagdalaw sa mga pook pasyalan na may magagandang tanawin.

Pakikisangkot sa mga samahan at organisasyong nagtataguyos ng mga gawain ukol sa pangangalaga ng kapaligiran.

G. Pagtataya

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang proyekto. Tagubilinan sila sa mahahalagang aspekto ng pagsasabalikat ng isang proyektong pampamayanan o pampaaralan. Tayain ang kanilang performance batay sa kalidad ng kanilng naisakatapurang proyekto at kabuuang epekto nito sa paaralan o sa pamayanan.

Page 48: Janet Espulgar Lima

Aralin 20

Pagsunod sa Batas, Tugon Ko Para sa Kaayusan

Petsa

PSSLC

3.8 Napatutunayan na ang pagsunod sa batas ay tungo sa kaayusan

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Natutukoy at naipapaliliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa batas

B. Nakapagpapamalas ng disiplina at kritikal na kaisipan sa pagsusuri ng kaso at napaninindigan ang pasya batay sa katotohanan.

C. Naitatalaga ang sarili sa pagsasagawa ng mga hakbangin tungo sa pagsunod sa batas

II. Nilalaman ng Aralin

Kahulugan at Batayan ng BatasMga Katangian ng Batas Kahalagahan ng Pagsunod sa Batas

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang alituntunin para sa gawaing Paint a Scene. Hikayatin sila na maging malikhain sa pagpapakita ng mga paglalarawan.

2. Ipasuri sa mga mag-aaral ang naipakitang mga senaryo sa gawain. Ituon ang kanilang pansin sa mga kilos at gawa ng mga tao sa bawat senaryo. Pansinin din ang kaayusan o kawalan ng kaayusan ng mga ito. Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga pananaw at obserbasyon.

B. Gawain

1. Atasan ang mga mag-aaral na manatili sa kanilang mga pangkat. Bigyan sila ng isang kaso na pagpapasyahan nila bilang pangkat.

2. Hikayatin silang magbanggit ng mga batas na may kaugnayan sa kaso. Atasan silang maghanda para sa isang pagdinig sa korte. Magtakda ng isang tagapagsalitang maglalahad ng pasya at desisyon ng pangkat.

C. Pagsusuri

1. Palalimin ang talakayan sa tulong ng mga gabay na katanungan sa batayang aklat. Gawing kawili-wili ang pagpapalitan ng kuru-kuro upang higit na malinaw ang bawat panig.

2. Ituon ang kanilang talakayan sa kahalagahan ng batas at pagsunod dito. Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng ilang kwento ukol sa paksa.

D. Paghahalaw

Ipabasa ang Konsepto ng Pagpapahalaga at palawakin ito sa tulong ng maikling panayam at latatanungan ukol sa kahulugan at katangian ng batas. Maaari ring mag-imbita ng isang tunay na abogado upang siyang magbigay ng panayam.

Page 49: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Atasan ang mga mag-aaral na magtala ng konkretong hakbangin upang makatulong sa pagpapairal ng batas sa paaralan, tahanan at pamayanan.

F. Pagbabalik-aral

1. Ginawa ang mga batas bilang ordinansa ng katwiranpara sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Nilikha rin ang mga batas ng tao upang mapangalagaan at mabigyang proteksyon ang karapatan at dignidad ng bawat is.

2. Nakabatay sa unibersal at moral na mga prinsipyo at pamantayan ang mga itinatadhana ng batas sapagkat ito ang tunay na saligang katwiran at katarungan sa lipunan. Bilang mamamayan, dapat nating igalang ang mga bata sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito.

3. Maituturing na mabuti ang isang batas kung ito ay:

konsistent sa Eternal at Moral na Batas ng Diyos may tunguhin para sa pagtatamo ng kabutihang panlahat makatarungan at walang kinikilingan napaiiral at sinusunod ng mga tao

G. Pagtataya

Ibigay ang gawain bilang take home upang higit na mapaghandaan at masusing mapag-aralan ng mga mag-aaral.

Page 50: Janet Espulgar Lima

Aralin 21

Bigkis-kilos Tungo sa Pandaigdigang Pagkakaisa at Toleransya

Petsa

PSSLC

3.9 Napahahalagahan ang pandaigdigang pagkakaisa at toleransya

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t ibang pamamaraan tungo sa pagpapa-unlad ng pandaigdigang pagkakaisa at toleransya.

B. Nakapagpapamalas ng paggalang at toleransya sa pakikisalamuha sa ibang kultura at relihiyon.

C. Nakalalahok sa mga proyektong magtataguyod ng pandaigdigang pagkakaisa at paglinang ng toleransya

II. Nilalaman ng Aralin

Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagpapayabong ng Pandaigdigang Pagkakapatiran

Pananagutan ng Bawat Bansa Tungo sa Pandaigdigang Pagkakaisa at Pagkakapatiran

III. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang space photo ng mundo.

2. Bigyang tuon ang pagkakalarawan dito gaya ng kawalan ng hangganan sa pagitan ng bawat bansa.

3. Pabigyang kahulugan sa kanila ang nakikita sa mundo at pagkakaayos nito.

B. Gawain

1. Ihanda ang mga mag-aaral para sa isang UN Conference. Papiliin sila kung anong bansa ang nais nilang katawanin sa pandaigdigang kumperensyang ito.

2. Atasan din silang magdala ng kanilang mga agenda para sa mga sitwasyong nakaaapekto sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa. Maghalal ng isang UN Secretary General upang mamuno sa talakayan.

3. Inaasahan ding makapaghahanay sila ng mga resolusyon upang mapaya-bong pa ang pagkakaisa ng bawat bansa sa gitna ng mga alitan at di pagkakasundo.

C. Pagsusuri

Gabayan ang mga mag-aaral upang suriin at palawakin ang kinalabasan ng gawain. Ihanay ang kanilang mga natukoy na suliranin at resolusyon ukol dito.

D. Paghahalaw

Ibigay ang Konsepto ng Pagpapahalaga. Palawakin ito sa tulong ng maikling panayam ukol sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpapayabong ng ugnayan at pagkakaisa ng bawat bansa.

Page 51: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang mga proyekto para sa pagpapayabong nga pandaigdigang pagkakaisa at pagpapahalaga sa toleransya.

F. Pagbabalik-aral

1. Sa gitna ng maraming kaguluhan at alitan, maraming pamamaraan upang mapayabong ang pandaigdigang pagkakaisa at pagkakapatiran.

2. Malaki ang pananagutan ng bawat bansa upang mapayabong ang pagkakaisa sa pamamagitan ng:

paggalang at pagpapakita ng toleransya sa kultura at relihiyon ng iba

at

mapanagutang pagpapalitan ng mga kaalaman sa sining, agham at teknolohiya.

G. Pagtataya

Mga Inaasahang Kasagutan:

1. insidente ng terorismo dayalog

2. pagkasira ng kalikasan pagpapanibago ng istilo pamumuhay

3. AIDS moral na batayan ng seks

4. giyera pagbababa ng armas

5. kahirapan ekwitableng distribusyon ng kabuhayan

Page 52: Janet Espulgar Lima

Aralin 22

Modernisasyon: Oryentasyon Direksyon

Petsa

PSSLC

4.1 Nakikilala ang mga isyung materyalismo at konsumerismo sa panahon ng impormasyon at teknolohiya

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang epekto ng teknolohiya sa pagpapahalaga ng taoB. Nakapipili nang wasto at nakagagamit ng teknolohiya nang may pananagutanC. Nakababalangkas ng mga hakbangin tungo sa responsible at balanseng

paggamit ng teknolohya.

II. Nilalaman ng Aralin

Pagpapatibay ng Pagpapahalaga sa Panahon ng Teknolohya

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Atasan ang mga mag-aaral na sagutin ang Techno Puzzles.2. Tagabilinan sila na may mahigit sa sampung konsepto na may kinalaman sa

teknolohya. Pabilugan ang mg kasagutan.3. Bigyan sila ng pagkakataong ipaliwanag ang ibig sabihin ng kanilang mga

nakuhang iskor.4. Mga inaasahang sagot. Text, ATM, web, caller ID, e-mail, fax, internet, CD-ROM,

genome, virtual reality, AI, roboticsm VCRm video conference, chat, cell at surf.

B. Gawain

1. Pangkatin ang mga mag-aaral. Atasan silang talakayin sa kanilang pangkat at suriin ang epekto ng paggamit ng Internet at mga video games.

2. Ipatala sa kanila ang lagom ng kanilang kasagutan.

C. Pagsusuri

1. Linawin at palalimin ang talakayan sa kinalabasan ng gawain sa tulong ng mga katanungan naihanay sa batayang aklat.

2. Suriin ang mga kasagutan batay sa mga napiling pananaw at saloobin ng mga mag-aaral. Hayaan silang magkwento ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng teknolohiya.

3. Ituon ang talakayan sa responsableng paggamit ng teknolohiya.

D. Paghahalaw

Payamanin ang Konsepto ng Pagpapahalaga sa tulong na maikling panayam tungkol sa Pagpapahalaga at Teknolohya. Maaari ring mag-imbinta nmg isang tagapagsalita upang magbahagi ng kanyang kaalaman sa teknolohya at wastong paggamit nito.

Page 53: Janet Espulgar Lima

E.Paglalapat

Ipagawa ang Resipe ng Balanseng Paggamit ng Teknolohya. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang resipe.

F. Pagbabalik-aral

1. Maraming pagbabagong dulot ng teknolohya. May malaking kapakinabangan sa buhay ng tao ang mga nito. Ilan sa maaaring dulot nito ang.

pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

Napauunlad nito ang sistema ng komunikasyon at transportasyon. Nabibigyang lunas nito ang ilang suliranin ukol sa karamdaman at

kalusugan ng tao.

2. Sa kabilang banda, may dulot ding di magagandang epekto ang teknolohya gaya ng:

pagkakaroon ng oryentasyong kunsumerismo. Pagkagumon sa mga libangan at bisyo. Pagnanais na magkaroon ng marangya at maluhong buhay.

G. Pagtataya

1. Ipagpaliban ang pagvi-video game. Unahin muna ang pag-aaral para sa pagsusulit.

2. Maging maingat sa mga ka –text. Alamin ang pagkatao bago makipagkita dito.

3. Pagsabihan ang mga kabarkada na unahin muna ang paghahanap ng assignment.

Page 54: Janet Espulgar Lima

Aralin 23

Buhay: Ipaglaban at Pahalagahan

Petsa

PSSLC

4.3Naipaglalaban ang sariling paninindigan sa mga isyu na may kinalaman sa kasagraduhan ng buhay, halimbawa: aborsyon, euthanasia at iba pa.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa buhay.B. Napahahalagahan ang buhay sa pamamagitan ng lantarang pagtatanggol

at pangangalaga dito.C. Nakalalahok sa mga proyektong nagtataguyod sa buhay.

II. Nilalaman ng AralinPag-unawa sa mga Isyung May Kinalaman sa Buhay

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang nilalaman ng ilang balita ukol sa buhay. Hangga’t maaari kumuha ng mga bagong balita na may ganitong mga isyu.

2. Hayaang magbigay ng kanilang mga reaksyon at saloobin ang mga mag-aaral.

B. Gawain

1. Pangkatin ang mga mag-aaral upang magsagawa ng malalim na pagsisiyasat ukol sa mga isyu ng aborsyon, euthanasia, genetic engineering at pagpapataw ng parusang kamatayan.

2. Bigyan sila ng sapat na panahon upang makakalap ng mahahalagang impormasyong ukol sa isyu. Hikayatin din sila na maging malikhain sa paglalahad ng mga isyung ito. Makatutulong ito upang makabuo sila ng matibay na paninindigan ukol sa isyu.

C. Pagsusuri

1. Talakayin nang malalim ang mga argumentong nailahad ng bawat pangkat. Hangga’t maaari ay ipaunawa sa kanila ang epekto at bigat ng kanilang mga argumento.

2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang lagumin ang mahahalagang argumento.

D. Paghahalaw

Buuin ang Konseptong ng Pagpapahalaga. Tayahin ang mga argumento nila batay sa mga moral na prinsipyo.

Page 55: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Gabayan ang bawat pangkat sa pagsasaawa nila ng kanilang mga proyekto para sa pagtatanggol sa buhay. Hikayatin silang mag-isip ng malilikhaing paraan upang maisagawa ang mga ito.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang buhay ang pinakamahalagang biyaya ng Diyos.

2. Nakaukit sa buhay ng bawat tao ang kanyang likas na karapatan at dignidad. Isa itong biyayang ibinigay sa ating upang kalingain, pagyamanin at paunlarin.

3. Sa kabila ng mga umuusbong na isyu laban sa buhay tulag ng aborsyon, euthanasia, genetic enginnering at iba pa, mahalagang magkaroon ng matibay na paninindigan ang tao na ipaglaban at ipagtanggol ang buhay.

G. Pagtataya

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain. Ipatala ang mga hakbanging maaari nilang maisagawa upang maipagtanggol ang kasagraduhan ng buhay.

Page 56: Janet Espulgar Lima

Aralin 24

Sekswalidad: Bigyang ng Dignidad

Petsa

PSSLC

4.2 Naipaliliwanag nang may mapanuring kaisipan ang mga isyung may kinalaman sa sekswalidad, e.g., pre-marital sex, live in, homosexual union, prostitusyon, child abuse at iba pa.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa sekswalidad.B. Napahahalagahan ang sariling sekswalidad sa pamamagitan ng

responsableng pagsasaalang-alang ng mga gawaing nakabubuti rito.C. Naitatalaga ang sarili tungo sa marangal na pagpapahayag ng sariling

sekswalidad sa pamamagitan ng isang komitment.

II. Nilalaman ng Aralin

Mga Batayan Tungo sa Marangal na Sekswalidad

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ipakita ang collage sa mga mag-aaral.2. Hikayatin silang suriin ang nilalamang ng collage. Hayaan silang

magigay ng kanilang malayang saloobin ukol dito.

B. Gawain

1. Ipaliwanag ang gawain. Papiliin ang mag-aaral ng sitwasyong nais niyang bigyan ng pagpapayo. Sa ganitong paraan, makapagbibigay sila ng mainam na payo.

2. Ipasulat sa pisara ang kanilang mga kasugatan. Upang maging mabilis ang kanilang pagpapaskil, magbigay ng piraso ng papel upang doon nila isulat ang kanilang kasagutan. Ihanay ang mga ito sa pisara.

C. Pagsusuri

Itanong ang mga nakahanay sa katanungan sa batayang aklat. Suriing mabuti ang mga sitwasyong at paying ibinigay nila. Hayaan silang lagunin ng kanilang kasagutan. Bigyan din sila ng pagkakataong magpalitan ng kanilang mga kuru-kuro at pananaw ukol sa mga sitwasyon.

D. Paghahalaw

Ibigay ang Konsepto ng Pagpapahalaga. Palawakin ito sa tulong ng maikling panayam ukol sa batayan ng marangal na sekswalida.

Page 57: Janet Espulgar Lima

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral upang gawin ang kanilang komitment ukol sa marangal na sekswalidad. Maaari ring isulat ito sa kanilang jornal.

F. Pagbabalik-aral

1. Mahalagang bahagi ng ating pagkatao ang sekswalidad.

Kinapapalooban ito ng personal nating karanasan sa ating kalikasan bilang babae o lalaki. Gayundin naman ng ating mga saloobin, pananaw at gawi sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa iba.

2. Mahalaga na magkaroon tayo ng mga etikal na prinsipyo upang maging gabay sa pagpapahayag at pagsasabuhay ng ating sekswalidad. Maaaring maging gabay ng kabataan ang mga sumusunod:

Pahalagahan ang sekswalidad bilang isang sagrado at banal na bahagi ng pagkatao. Iwasang tratuhin ito na isang laruang pwedeng gawing libangan. Hindi rin ito isang produkto o commodity na ipinagbibili.

Maging matalino at kritikal sa mga isyung kinasasangkutan ng sekswalidad. Iwasang magpadala sa agos ng nauusong mga sex practices at.

Linangin ang pagkakaroon ng mainam at positibong pananaw at oryentasyon sa sariling sekswalidad at maging sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Makatutulong ito upang itaas natin ang dignidad ng bawat isa.

G.Pagtataya

1. Magpakita ng mga halimbawa sa mga mag-aaral ng bookmarks.

2. Mga mungkahing solusyon sa suliranin.

a. prostitusyon kahirapan, kakulangan ng sapat na edukasyon;

seminar ukol sa sekswalidad at hanapbuhay na marangal.

b. pornograpiya kawalan ng disiplina sa sarili pagbabawal ng

malalaswang babasahin.

c. pang-aabusong sekswal kawalan ng edukasyon ukol sa tamang

sekswalidad batas at edukasyong mag-aangat ng tamang

pananaw sa sekswalidad.

Page 58: Janet Espulgar Lima

Aralin 25

Katiwalian: Iwasan at Solusyon

Petsa

PSSLC

4.4Nakalalahok sa mga isyung may kinalaman sa pang-aabuso ng kapangyarihan kagaya ng graft ang corruption at nepotismo.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyung nakaaapketo sa kalinisan at integridad ng lipunan/bayan

B. Napangangalagaan ang katapatan at integridad ng lipunan sa pamamagitan ng personal at pangkatang pagsisikap.

C. Nakababalangkas at nakalalahok sa mga gawaing nagtataguyod ng katapaan at integridad.

II. Nilalaman ng Aralin

Pambansang Karangalan at MoralidadMarangal na Indibidwal Para sa Pagtataas ng Panlipunan MoralPaghubog ng Katatagan Moral sa Harap ng Umiiral na Katiwalian

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang speech balloon.2. Atasan silang kumuha ng kapareha at isadula ang mga sitwasyon.

Pumili ng dayad na maaaring magsadula ng bawat sitwasyon. Pansinin ang kanilang mga kasagutan sa bawat sitwasyon.

B. Gawain

1. Pasagutan ang gawain sa bawat mag-aaral. Pabalikin sila sa kanilang kapartner upang ibahagi ang kanilang mga naisip na solusyon sa bawat sitwasyon.

2. Bigyan sila ng sapat na panahon upang magpalitan ng kanilang mga kasagutan.

C. Pagsusuri

Suriin ang kanilang mga kasagutan batay sa mga katunungan sa batayang aklat. Hayaan silang magpalitan ng kuru-kuro sa mga sitwasyon.

D. Paghahalaw

Ilahad ang Konsepto ng Pagpapahalaga

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral upang isagawa ang Pagkilala sa Taong Marangal. Upang mapadali ang gawain, bumuo ng mga komite at magtakda ng kanilang mga kaukulang gampanin.

Page 59: Janet Espulgar Lima

F. Pagbabalik-aral

1. Nasasalamin sa pang-araw araw na kilos at awa ng tao ang kanyang karangalan. Anumang posisyon, lider man o tagasunod, mahalagang pairalin ang katapatan sa lahat ng pagkakataon.

2. May dulot na katiwasayan ng isip at kalooban ang pagiging marangal ng tao. Nagbubunga rin ito ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan.

3. Bilang kabataan, mayroon kang pananagutan upang mapanatili ang katapatan at mapataas ang karangalan ng tao at ng lipunang ginagalawan niya. Maaari kang:

magpasimula ng mga kampanya sa paaraln at pamayanan ukol sa kapatatan at pagtuligsa sa katiwalian gaya ng pagkilala at gawad parangal sa mga taong marangal. Kadalasan kasi ang nakikilala ngayon ay ang mga tao o mga pangkat na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kanyang kapwa.

Sumulat at magpabatid sa tamang kinauukulan ang mga tiwaling gawain sa pamayanan o barangay.

Kumuha ng suporta ng iba sa tulong ng signature campaign at iba pang katulad na gawain, at higit sa lahat;

Sikapin mong maging magandang halimbawa ng katapatan at karangalan sa iyong paaralan at pamayanan. Isabuhay mo ang karangalan sa pamamagitan ng pang-araw-araw mong gawain. Sa ibang salita, maging bayani araw-araw.

G. Pagtataya

Pasagutan ang gawain sa mga mag-aaral. Tumawag ng ilan sa kanila upang magbabahagi ng kanilang kasagutan.

Katiwalian Mga SanhiPosibleng Solusyon

Mga Kakailangain (Resources)

Sa PaaralanHalimbawa: pangongopya

Di handa sa test Magkaroon ng class review sa pamumuno ng isang kamag-aral

Bakanteng oras at kwarto

Sa PamayananHalimbawa: sa piloting paghingi ng mga donasyon

Kahirapan, maling pananaw sa buhay katamaran

Seminar para sa livelihood program

TESDA, DSWD at local na barangay/pamahalaan

Aralin 26

Page 60: Janet Espulgar Lima

Balanseng Kapaligiran: Aking Pananagutan

Petsa

PSSLC

4.5Nakapagbabahagi ng sariling kaalaman hinggil sa mga isyu na may kinalalamn sa kapaligiran gaya ng balanseng ekolohikal at illegal na pagtotroso.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kapaligiran.B. Nakapagpapamalas ng malasakit at pananagutan sa pangangalaga ng

kapaligiran.C. Nakapagsasagawa ng mga kongkretong hakbang tungo sa pangangalaga ng

kapaligiran.

II. Nilalaan ng Aralin

Pangangalaga at Pangangasiwa ng KalikasanMga Istratehiya sa Pangangalaga ng Kalikasan.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng aralin. Bigyan sila ng mga alituntunin sa pagsasagawa at gabay sa pagmamasid ng proseso.

2. Suriin ang kinalabasan ng gawain sa tulong ng mga gabay na katanunan.

B. Gawain

1. Ilahad ang mensahe ng kwento. Hikayatin ang mga mag-aaral na damhin ang bawat linya ng pahayag. Kung maaari ay maghanda ng isang slides presentation para dito upang higit na maging kawili-wili ang kanilang gawain.

2. Himukin din silang magbigay ng mga observasyon ukol sa mga sitwasyong nailahad sa kwento.

C. Pagsusuri

1. Suriin ang kinalabasan ng gawain sa tulong ng mga katanungang nasa batayang aklat.

2. Ipokus ang talakayan sa naging saloobin at kaisipan nila ukol sa mensahe at ipinapahayag ng kwento.

D. Paghahalaw

Ipabasa ang Konsepto ng Pagpapahalaga. Payamanin ito sa tulong ng maikling panayam ukol sa tamang pangangalaga ng kalikasan. Maaari ring mag-imbita ng tagapagsalita upang magbigay ng panayam.

E. Paglalapat

Page 61: Janet Espulgar Lima

Papiliin ang klase ng isa o dalawang gawain sa paglalapat na nais nilang isagawa. Patnubayan sila sa pagpaplano nito.

F. Pagbabalik-aral

1. Isang malaking sistema ang daigdig. Tulad ng isang sapot, bawal bahagi nito ay magkakaugnay. Anuman ang amangyari sa isang bahagi nito ay may epekto sa kabuuan.

2. Bilang bahagi ng malaking sistema ng kalikasan, malaki ang Pananagutan ng tao upang mapangalagaan at panatilihing baanse ang kabuuang sistema ng kalikasan at kapaligiran. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap na ito magiging maayos ang daloy ng buhay sa buong daigdig.

3. Malaki ang magagawa ng tao upang mapangalagaan ang kaayusan at balanseng sistema ng kalikasan at kapaligiran. Ilan sa maaaring maisagawa ng bawat isa sa atin ang mga sumusunod.

Sa personal na antas pumili ng istilo ng buhay na simple, natural at di nakasisira sa kapaligiran.

Magkaroon ng komitment na mag-recycle, reuse at reduces sa paggamit at pagkunsumo sa mga kasangkapan, gamit at iba pang mga bagay.

Sumali at makisangkot sa mga gawain nagsusulong at nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran gaya ng pagtatanim ng puno pagsagip sa mga endangered species tulad ng ibon at iba pa. Maaari ring sumapi sa mga organisasyon may katulad na layunin.

Magpasimuno sa paaralan at pamayanan o barangay ng mga gawain na naglalayong magbahagi ng mga kaalaman ukol sa wasto at tamang pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.

G. Pagtataya

Mga inaasahang sagot ng mag-aaral

Ako Ito Hindi Ako Ito

1. 2. 3. 4. 5.

Aralin 27

Page 62: Janet Espulgar Lima

Pagkilos ng Tapa, Tunay na Karapat Dapat

Petsa

PSSLC

4.6Nakalalahok sa kampanya laban sa intellectual piracy / dishonesty

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Natutukoy at nasusuri ang mga gawaing lumalabag sa intellectual property rights

B. Napahahalagahan ang paggalang sa akda ng iba.

C. Naitatalaga ang sarili tungo sa pagtataguyod ng mga gawaing nagpapahalaga sa intellectual rights

II. Nilalaman ng Aralin

Pagpapahalaga sa Tunay na May-akda at Pagkilala sa Karapatan Batayan ng Copyright Law

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Ibasa ang tula ukol sa paghahanap ng orihinal at ng huwad.

2. Ipasuri sa mga mag-aaral ang nilalaman at mensahe nito.

3. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang karanasan ukol dito.

B. Gawain

Gabayan ang mga mag-aaral ukol sa paghahanda ng isang panayam-talakayan. Himukin silang maging aktibo sa panayam. Upang maisaayos ang gawain, magtakda ng mga komiteng maghahanda ng mga detalye ng panayam.

C. Pagsusuri

Suriin ang mga kasagutan ng mag-aaral batay sa mga katanungan sa batayang aklat. Palalimin ang pagbabahaginan sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang tunay na mga karanasan. Ituon ang kanilang pansin sa mga gawaing lumalabag sa intellectual property rights.

D. Paghahalaw

Payamanin ang talakayan batay sa Konsepto ng Pagpapahalaga.

E. Paglalapat

Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang komitment sa pagtangkilik sa mga bagay na tunay at totoo. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga kasagutan.

F. Pagbabalik-aral

1. May karampatang karapatan ang bawat orihinal na may-akda ng anumang likha o gawa sa iba ng intellectual property rights law.

2. Sinasakop ng batas na ito ang lahat ng uri ng likha o gawa mula sa pasulat hanggang sa mga likhang bunga ng talino at pagsisikap ng iba.

Page 63: Janet Espulgar Lima

3. May malaking kapakinabangan sa ating lipunan at kalakalan ang paglikha at paggawa ng mga produkto. Natutugunan ng mga ito ang bawat pangangailangan ng tao mula sa pisikal hanggang sa aestitikong larangan.

4. Mahalagang mapatibay natin ang ating kampanya laban sa mga huwad, peke at di totoong produkto upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga may-akda at gayundin naman ang kagalingan ng bawat mamamayan.

G. Pagtataya

Ipasagot ang mga aytem sa pagtataya. Mga inaasahang kasagutan:

1. Gagawa na lamang ng sariling term paper.

2. Ipaliliwanag sa kanya na di makatarungan ang kanyang hiling.

3. Hindi na lamang bibili.

4. Sasabihin sa ama ang pag-aalala. Mas mabuti na iyong tama ang mga papeles.

5. Hindi papayag na gamitin ang sariling identity dahil hindi ito makabubuti sa kanya at maaaring magkaroon pa ng kaso ukol dito.

Aralin 28

Karapatan at Karangalan, Kaya Kong Pagmalasakitan

Page 64: Janet Espulgar Lima

Petsa

PSSLC

4.7Nakapagpapakita ng malasakit at paggalang sa karapatan at dignidad ng tao na makikita sa mga isyu kaugnay ng child labor, slavery at sugal.

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Nasusuri t naipaliliwanag ang mga pangyayaring may kinalaman sa paglabag sa karapatan at karangalan ng tao.

B. Nakapagpapamalas ng malasakit at paggalang sa karapatan at dignidad ng kapwa sa pamamagitan ng lantarang pagtutol dito

C. Nakababalangkas ng mga kongkretong hakbang upang mapangalagaan ang karapatan at dangal ng kapwa sa tahanan at sa pamayanan.

II. Nilalaman ng Aralin

Dangal ng Tao Bilang Batayan ng Kaayusan ng BuhayMga Antas ng Pagpapatibay ng Dangal PantaoPaggalang sa Dangal Pantao

Kagamitan

Token para sa bawat mag-aaralCoin para sa isang pangkat ng manlalaroBiyahe ng Pakikipagkapwa (nasa Batayang Aklat)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Basahin ang Panimula sa Batayang Aklat.

B. Gawain

1. Unawaing mabuti ang mga panuto sa paglalarong “Biyahe Tungo sa Kaayusan” bago magsimula ng laro.

2. Maaaring magkaroon muna ng Triad Game sa simula.3. Maglaan ng sampung (10) minuto lamang para sa laro.

C. Pagsusuri

1. Pag-usapan muna ang kasiyahan ng mga mag-aaral at ginawang laro. 2. Talakayin ang mga katanungan bilang 1 hanggang 4 na nauukol sa proseso

ng kanilang paglalaro. Ituon ang pansin sa pagpapanatili ng kaayusan ng paglalaro dahil sa pagkakaroon ng paggalang sa karapatan ng bawat manlalaro.

3. Gabayan ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng mabuting paraan para sa pagtatamo ng kaayusan sa buhay.

4. Talakaying isa-isa ang mga nakalistang sitwasyon sa laro. Ituon ang pansin sa pagpapanatili ng kaayusan dahil sa paggalang sa dangal pantao at karapatan at ang pagkakaroon ng alitan kapag may paglabag sa karapatan.

5. Iugnay ang talakayan sa sariling karanasan at ang naging epekto ng mga ito.

D. Paghahalaw

Page 65: Janet Espulgar Lima

1. Gabayan ang mga mag-aaral upang bumuo ng sarili nilang paghahalaw o konsepto ng pagpapahalaga batay sa gawain at naging talakayan. Iugnay ito sa konsepto ng pagpapahalaga sa Batayang Aklat. Linawing mabuti ang paliwanag ng mga mag-aaral na ang batayan ng kaayusan ay ang paggalang sa karapatan ng tao at pagsasanggalang ng kanyang dangal pantao.

2. Talakayin o pag-usapan ang mga kaugnay na konsepto sa pagpapayaman ng konsepto.

E. Paglalapat

Ipagawa sa mga mag-aaral ang paglalapat tungkol sa kanilang mga hakbang upang mapanatili at mapagtibay ang dangal ng kapwa sa pamamagitan ng paggalang sa kanilang karapatan, sa pamilya, sa paaralan.

F. Pagbabalik-aral

1. Ang dangal at paggalang sa karapatan ay maaaring maging batayan ng kaayusan ng buhay ng tao. Ang dangal ng tao ay mapagtitibay kapag ginagamit ng karapatang paunlarin ang kanyang sarili.

2. May tatlong antas ng pagpapatibay ng dangal ng tao: Pansarili – ang mabuting buhay; Pakikipagkapwa-mabuting ugnayan at Panlipunan-karapatang pantao at ang batas.

3. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang karapatan na dapat igalang sapagkat ang tao sa kanyang kalikasan ay may karangalan at dignidad na dapat pangalagaan.

G. Pagtataya

Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga paraan kung paano nila igagalang ang dignidad ng mga bata, babae, matanda at iba pa. Gumawa ng tatlo bawat isa.

Mga Halimbawa:

1. Bata

Inaagawan ng puwesto sa pila. Pumunta sa dulo ng pila.

2. Babae

Pakikipagtalakayan-makipag-usap nang mahusay sa kanila

3. Matanda

Pakikinig – bigyan ng sapat na panahon upang magpahayag

4. Guro

Karapatang maging magulang sa paaralan – sundin ang mabuting payo sa paaralan.

5. Magulang

Karapatang pangaralan Ang anak – unawain ang motibo ng mga anak Ang pangangaral ng magulang

H. Mga Karagdagang Gawain Para sa Pagpapatibay ng Pagpapahalaga

Page 66: Janet Espulgar Lima

1. Panayam-talakayan

Maaaring pag-usapan ang mga sumusunod na paksa upang higit pang mapalalim ang konsepto ng pagpapahalaga: a. Mga Batayan ng Karapatang Pantao mula sa Sipi ng International

Declaration of Human Rights. Ito ay binubuo ng pangunahing mga karapatang pantao tungkol sa pagpapataas ng kanyang dignidad, pagkatao at pag-unlad bilang tunay na tao.

b. Maaari ring talakayin at uriin ang mga karapatang ito sa apat na kategorya ng mga karapatang pantao: Ito ay ang mga sumusunod:

(1) Mga Karapatang Pang-ekonomiya

Mga karapatang may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng isang tao tulad ng karapatan sa paghahanapbuhay, magkaroon ng kita, karapatan sa pagkakaroon ng pag-aari at iba pa.

(2) Mga Karapatang Sibil

Binubuo ito ng mga karapatang sibiko o lahat ng may kinalaman sa pagkamamamayan ayon sa itinatadhana ng batas. Sakop ng mga karapatang ito ang pagtatanggol sa kanyang sarili kung siya ay naapi.

(3) Mga Karapatang Pulitikal

Mga karapatang may kinalaman sa pulitika o pag-ugit ng gobyerno o pamahalaan tulad ng karapatan sa pagboto, kalayaan sa pamamahayag at iba pa.

(4) Mga Karapatang Sosyo-kultural

Binubuo ng mga karapatang may kinalaman sa mga panlipunan at kultura na pagtugon sa pangangailangn ng tao tulad ng karapatan sa maayos na serbisyong maaaring makuha sa iba’t ibang institusyon ng pamahalaan, karapatan sa pagpili ng relihiyon at iba pa.

Maaaring magsaliksik ang mga mag-aaral ng mga halimbawa ng karapatan sa bawat kategorya upang maunawaan nila ang mga ito.

2. Gawaing Pampaaralan

Maaaring gumawa ang mga mag-aaral ng isang Freedom Wall na ipapaskil nila sa kanilang VE bulletin board. Ang Freedom Wall ay para sa mga mag-aaral na maaari nilang sulatan ng nais nilang isulat tungkol sa kanilang mga karapatan bilang mga mag-aaral. Maaari nilang i-address ang kanilang sulat sa kanilang mga kaklase, guro, kawano, o mga administrayon ng paaralan na gusto nilang maipaabot ang kanilang damdamin at kaisipan.