8
Paigtingin at palawakin ang paglaban sa pahirap na rehimeng US-Aquino! JANUARY 2015 Labanan ang dagdag bayarin sa pamantasan, bilihin at pamasahe! Labanan ang pribitisasyon at deregulasyon! Ipatuloy sa p2 >>> Sa pagpasok ng taon, isinalubong agad ng rehimeng US-Aquino sa mamamayan ang biglaang pagtataas ng pamasahe ng MRT-LRT. Ang napakalaking halagang itinaas ay matinding pagpiga sa milyong mananakay, na kalakhan ay mga manggagawa, maralita, at kabataan. Kasabay nito ang nakaambang mga pagtataas ng iba pang mga singilin gaya ng kuryente, tubig, at matrikula. Ang pagtataas ng pamasahe, gaya ng sa iba pang mga singilin, ay regalo ni Aquino sa mga malalaking kapitalistang amo niya, gaya nina Ayala at Pangilinan, Sinalubong ang bagong taon ng 2015 sa malawakang protesta ng mamamayan laban sa MRT-LRT fare hike. Larawan galing sa Tudla Productions. Sa pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Panagutin ang rehimeng US-Aquino sa palpak na operasyon sa Mamasapano Pambansang kampanya laban sa kontraktwalisasyon ikinasa Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970! 3 5 6 7

JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

  • Upload
    lyngoc

  • View
    228

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Paigtingin at palawakin ang paglaban sa pahirap na rehimeng US-Aquino!

J A N U A R Y 2 0 1 5

Labanan ang dagdag bayarin sa pamantasan, bilihin at pamasahe! Labanan ang pribitisasyon at deregulasyon!

Ipatuloy sa p2 >>>

Sa pagpasok ng taon, isinalubong agad ng rehimeng US-Aquino sa mamamayan ang biglaang pagtataas ng pamasahe ng MRT-LRT. Ang napakalaking halagang itinaas ay matinding pagpiga sa milyong

mananakay, na kalakhan ay mga manggagawa, maralita, at kabataan. Kasabay nito ang nakaambang mga pagtataas ng iba pang mga singilin gaya ng kuryente, tubig, at matrikula.

Ang pagtataas ng pamasahe, gaya ng sa iba pang mga singilin, ay regalo ni Aquino sa mga malalaking kapitalistang amo niya, gaya nina Ayala at Pangilinan,

Sinalubong ang bagong taon ng 2015 sa malawakang protesta ng mamamayan laban sa MRT-LRT fare hike. Larawan galing sa Tudla Productions.

Sa pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino

Panagutin ang rehimeng US-Aquino sa palpak na operasyon sa Mamasapano

Pambansang kampanya laban sa kontraktwalisasyon ikinasa

Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970!

3

5

6

7

Page 2: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

mamamayan para masiguro ang kita ng iilan at dayuhan habang nangungurakot ng pondo para sa halalan.

Ang patakaran ng pribitisasyon at deregulasyon na nasa likod ng pagtataas ng singil ng kuryente, tubig at matrikula ay malaking pasakit sa bayan. Sa pagpapatupad nito, higit na pinabababa ang halaga ng sahod ng manggagawa at pinipiga ang mamamayan para kumita ang malalaking negosyo. Ang pondo para sa mga serbisyong publiko ay

kinakaltas at ipinangsusubsidyo sa kita ng malalaking kumpanya. Itinutulak din nito ang malawakang demolisyon ng mga komunidad para magbigay daan sa mga proyekto ng malalaking kapitalista.

Malakas nating labanan ang pribitisasyon at deregulasyon sa ilalim ng rehimeng Aquino. Ilunsad natin ang malalaking pambansang pagkilos laban sa mga pagtaas ng pamasahe sa MRT/LRT, tubig at kuryente, dagdag bayarin at matrikula sa mga paaralan,

Sa darating na February 13, ilunsad natin ang Protesta ng Kabataan at Bayan laban sa taas-pasahe, dagdag bayarin, at pahirap na mga patakaran ni Aquino. Magtipon ng malaking bilang, mangalampag, at magprotesta sa iba’t ibang mga lugar at sentro.

Sa February 27 at March 13, ilunsad natin ang mga Pambansang Protesta ng Kabataan laban sa Deregulasyon at Pribitisasyon. Ilunsad ang mga walk-out, boykoteo at malalaking martsa.

na binigyan niya ng kontrata para sa operasyon at extensyon ng LRT. Pinahihintulutan ng kontratang ito na tuloy-tuloy na magtataas ng pamasahe kasabay ng pagsiguro ng gobyerno sa napakalaking kita ng mga kapitalistang kroni ni Aquino.Ganito rin ang matagal nang kalakaran sa MRT: ang malalaking kapitalista at mga maintenance contractor na dikit kay Aquino na gumatas na nga ng husto sa kontrata sa MRT, lalo pang kikita sa pagtaas ng pamasahe.

Hindi na bumenta ang pagsisinungaling ng gobyerno na pupunta sa mas maayos na mga tren ang pagtaas ng pamasahe. Inamin mismo ng DOTC na sa bulsa ng malalaking negosyo mapupunta ang makokolekta sa taas-pasahe. Maging ang sinasabing “subsidyo” o badyet ng gobyerno para sa MRT at LRT ay matagal nang pumupunta lamang sa kita ng malalaking negosyo at contractor.

Ang mga kontratang ito sa pagitan ng gobyerno at private contractors ay bahagi ng nagpapatuloy na patakaran ng pribitisasyon at deregulasyon. Sa huling taon ni Aquino, at habang papalapit ang eleksyong 2016, lalong tintindi ang pagpapatupad ng mga “Private-Public Partnerships.” Pipigain ni Aquino ng higit ang

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN2

Pipigain ni Aquino ng higit ang mamamayan para masiguro ang kita ng

iilan at dayuhan habang nangungurakot ng pondo

para sa halalan.

demolisyon sa komunidad at iba pang mga pahirap ng rehimen. Kasabay nito, ipanawagan natin ng malakas ang P16,000 pambansang minimum wage at pagtigil sa kontraktwalisasyon.

Ngayong Pebrero, nakatakda ang mga sarswelang konsultasyon para sa muling pagdadagdag ng mga bayarin at pagtataas ng matrikula sa mga pamantasan. Dapat natin itong salubungin ng malalaking protesta at ipanawagan na boykotin ng mga mag-aaral ang prosesong nagpapahintulot sa lalong pagtataas pa ng mga bayarin. Ilunsad natin ang malaking pambansang nagkakaisang pagkilos para ipanawagan ang pagbabasura ng mga dagdag bayarin sa pamantasan at ng deregulasyon sa matrikula.

Tinatawagan din ang lahat na malakas na ilunsad ang panawagan ng mga manggagawa para sa P16,000 minimum wage at paglaban sa kontraktwalisasyon. Tipunin natin ang mga kabataang manggagawa, organisahin sila, at pakilusin sa kampanya.

Ang mga paglaban na ito ay higit na magpapalakas sa kilusan ng pagpapatalsik sa rehimeng US-Aquino at pangkalahatang kilusan para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Page 3: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Sa pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng

rehimeng US-Aquino

Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang rehimeng Aquino sa pagdating ni Pope Francis, pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko, nitong Enero.

Layunin ng pagbisita ni Pope Francis na makita ang tunay na kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda at magbigay sa kanila ng kanyang suporta.

Pero todo-todo ang pagsisikap ng gobyerno na pagtakpan ang mga krimen nito sa mamamayan. Bago pa man dumating si Pope Francis, nagpakawala na ng mga gawa-gawang "panganib sa seguridad" si Aquino para ilihis ang usapin mula sa kalagayan

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN 3

Sinalubong ng mamamayan ang pagbisita ni Pope Francis bitbit ang panawagan laban sa korupsyon at kahirapan. Larawan kuha ni Fred Dabu ng Bulatlat.com.

ng bayan at bigyang dahilan ang pagtatambak nito ng sangkatutak na pulis at sundalo para pigilan ang anumang pagpapahayag at mga protesta.

Binarikadahan nila ang Santo Papa at pinigilang makalapit ang mga mahihirap. Pinatay din nila ang mga signal ng telepono para pigilan ang mga paghahayag. Hinarang ng mga pulis ang delegasyon ng "People's Welcome" na naglayong maghayag kay Pope Francis ng tunay na kalagayan ng bayan at pinagbawal ang paglaladlad ng mga panawagan sa pagdaan ni Pope Francis.

Ipatuloy sa p4 >>>

Page 4: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Pinalayas din ang mga maralita sa mga lansangan na dadaanan ng Papa. May mga balita na ikinulong ang mga batang namamalimos at "pinaglaho" sila at dinala sa m a l a l a y o n g lugar sa panahon ng p a g b i s i t a ng Papa. Umamin ang Department of Social Work and Development (DSWD) na dinala nila ang ilang maralita sa malayong resort sa panahon ng pagbisita ng Papa.

Ngunit hindi mapagtatakpan ni Aquino ang tunay na kalagayan ng bayan at ang kanyang kurap at pahirap na pamumuno. Habang ang Papa ay naghahayag ng mga progresibo at maka-mahirap na mga kataga, si Aquino ay naghambog ng sarili at nangantyaw pa ng mga obispo.

Sampal sa gubyerno ni Aquino, na patuloy sa pork barrel at kurupsyon, ang paghahayag ng Papa na "dapat itakwil ang anumang porma ng kurupsyon

na nagkakait ng rekurso mula sa mahihirap." Ang paghahayag din ng Papa na "dapat ilaan ang mga serbisyong panlipunan" ay kabaliktaran ng pagtataas ng

pamasahe sa MRT at LRT.

Ang pagpunta din ng Papa sa Tacloban at pagsasabi na kaisa niya ang

mamamayan ay kabaliktaran ni Aquino na ni hindi pumunta sa Tacloban para makasalamuha ang mga biktima ng trahedya at may kriminal na pananagutan at pagpapabaya sa mamamayan. Ang panawagan ng Papa na unahin ang mahihirap at itakwil ang mga patakarang neoliberal ay kabaliktaran din ng hacienderong pamumuno ng rehimen.

Habang payak at walang garbo ang Papa, ang mga gabinete naman ng gobyernong Aquino ay nalantad na nag-arkila pa ng VIP plane para sa kanilang pagsama sa Papa.

Kaya naman naging mainit ang

pagtanggap ng mamamayang Pilipino kay Pope Francis. Kabaliktaran ng mga patakaran ng bulok na gubyernong Aquino ang progresibong mga tindig ng Papa.

Ang iba't ibang sektor ay nagsagawa ng mga pagkilos para ihayag ang kanilang mga isyu at mga panawagan sa pagbisita ng Papa. Itinampok ng mga kabataan sa Youth Camp ang mga usapin ng edukasyon at serbisyong panlipunan. Nag fasting at hunger strike ang mga detinidong pulitikal at mga biktima ng karapatang pantao. Ipinanawagan din ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Ipinanawagan ang P16,000 minimum wage at paglaban sa kontraktwalisasyon.

Ang mga mensahe ni Pope Francis sa mga kabataan, lalo na sa mga Katoliko, na maglingkod at matuto mula sa mahirap, kumilos para sa pagbabago, at itakwil ang bulok na sistema ay nagbibigay ng mas mainam na pagkakataon para higit pang palawakin ang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mas marami pang kabataan at mamamayan.

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN4

Para sa mga suhestyon, komento, at kontribusyon, mag-email sa [email protected]

Para sa iba pang babasahin, bisitahin lamang ang:www.anakbayan.org

Dapat itakwil ang anumang porma ng korupsyon na

nagkakait ng rekurso mula sa mahihirap. - Pope Francis

Page 5: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Nakikiisa ang Anakbayan sa sambayanang Pilipino sa panawagang pagbitiwin ang Pangulong Aquino para sa papel nito sa madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Umabot sa 44 miyembro ng SAF, 17 rebeldeng Moro, at ilang sibilyan ang namatay habang 1,500 mga residente ang nagsilikas sa kanilang mga tirahan dahil sa nasabing pagsalakay ng mga tropa ng SAF sa Mamasapano.

Duguan ang kamay ng US at ni Aquino sa operasyon. Itinalaga ni Aquino ang kabarkada na

Panagutin ang rehimeng US-Aquino sa palpak na operasyon sa Mamasapano

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN 5

Kilos-protesta ng mga mag-aaral sa UP Diliman upang manawagan sa pagbitiw sa pwesto ni BS Aquino matapos ang madugong labanan sa Mamasapano.

si PNP Chief Alan Purisima sa operasyon kahit pa suspendido na ito. Inilunsad ang operasyon sa kilalang teritoryo ng mga rebeldeng Moro sa kabila ng tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Malinaw na nalalantad ang direktang pangingialam ng tropang Amerikano sa operasyon. Nakunan ng mga larawan at bidyo na kasama sa retrieval operations upang kunin ang mga katawan ng mga nasawing pulis at inilahad ng mga testigo na sila ang nagplano at nagdirehe ng operasyon.

Tinutugis diumano ng SAF ang

teroristang si Zulkifli Bin Hir alias Marwan sa nasabing lugar nang nakasagupa nila ang mga kasapi ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Isinakripisyo ng rehimeng US-Aquino ang mga nasawing pulis sa panunulsol ng gobyernong Estados Unidos na may pabuyang US$5 Milyon sa ulo ni Marwan at kanyang mga kasamahan.

Bumuhos ang galit ng mamamayan sa walang saysay na pagkapatay ng 44 tropa ng SAF. Binatikos nila ang pagmistulang “Pontio Pilato” ni Aquino sa kagustuhan nitong iligtas ang sarili at mga kaalyadong susing opisyal sa anumang pananagutan sa trahedya.

Kinundena rin ng marami ang di-pagsalubong ni Aquino sa pagdating ng mga labi ng mga nasawing SAF sa Villamor Air Base sa Pasig City, samantalang nagawa niyang makapunta sa pagbubukas ng pagawaan ng sasakyan ng Mitsubishi sa Sta. Rosa, Laguna.

Nakikidalamhati ang Anakbayan sa mga pamilya ng mga pulis at lahat ng Pilipino na nasawi sa madugong sagupaan sa Mamasapano. Nananawagan ang Anakbayan na itulak ang pagbibitiw ng tuta at traydor na si Aquino at labanan ang interbensyong militar ng US sa bansa.

Page 6: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Atake rin ang kontraktwalisasyon sa karapatang mag-organisa at mag-unyon.

Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga patakarang neoliberal na ipinalaganap ng mga imperyalistang bansa simula noong huling bahagi ng dekadang 1970 upang mawasak ang kilusang paggawa at makapagkamal ng mas malaking tubo sa harap ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo.

Bahagi ito nga paglikha ng tinatawag na “flexible labor” sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga ligal na karapatan sa seguridad sa trabaho at walong oras na trabaho kada araw,

pagtulak pababa ng sahod, at pagbawal ng pagtayo o pagsali ng mga unyon at asosasyon. Ito ay pagbaliktad sa mga tagumpay ng uring manggagawa sa mga dakilang pakikibaka mula ika-19 siglo.

Sa pangunguna ng All Workers’ Unity, isang alyansa ng mga unyon, asosasyon, pederasyon, at mga indibidwal na manggagawa sa pampubliko at pampribadong sector, inilunsad ang pambansang kampanya para ipagbawal at gawing krimen ang kontraktwalisasyon.

Tinatawagan ng Anakbayan ang lahat ng mga kasapi nito sa buong bansa na malakas na lumahok at mag-ambag sa tagumpay ng kampanyang ito sa pamamagitan ng mahusay na pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng mga kabataan lalo

na sa manggagawa at mala-manggagawa.

Dapat kundenahin ang rehimeng BS Aquino sa pagpatupad ng mga batas at polisiya na nagpapahintulot sa kontraktwalisasyon, kagaya ng 1974 Labor Code, Department of Labor and Employment Order No 18-A Series of 2011 at Executive Order 366.

Ang pagtaguyod ng gobyernong Aquino ng kontraktwalisasyon ay isang patunay sa kontra-manggagawa at kontra-mamamayang katangian nito. Imbes na ipatupad ang pambansang industryalisasyon upang makapaglikha ng mas maraming trabaho sa loob ng bansa at makapagbigay ng disenteng sahod sa mangagawa, pinapaboran ng gobyernong ito ang mga dayuhan at lokal na malalaking kapitalista.

Madilim ang kinabukasan ng kabataang Pilipino sa ilalim ng patakarang kontraktwalisasyon.Karamihan sa kanila ay dumaranas ng lumulubhang kalagayan sa paggawa, murang sahuran, at walang katapusang siklo ng pagiging “endo.”

Napapanahon ang pambansang kampanya upang labanan ang kontraktwalisasyon. Dapat makibahagi ang mga kabataan at mag-aaral sa makasaysayang labang ito.

Pambansang kampanya laban sa kontraktwalisasyon ikinasa

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN6

Inilunsad ang pambansang kampanya para ipagbawal at gawing krimen ang kontrakt-walisasyon sa pangunguna ng All Workers’ Unity, isang alyansa ng mga unyon, aso-sasyon, pederasyon, at mga indibidwal na manggagawa. Ambag na larawan ni Dexter Aserdano.

Page 7: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN 7

Apatnapu’t limang taon na ang nakalipas nang pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto o First Quarter Storm (FQS) ng 1970, isang pagdaluyong ng malalaking kilos-protesta mula Enero hanggang Marso ng taong 1970. Sa kasalukuyan, nananatiling makabuluhan ang makasaysayan mga aral at inspirasyon ng FQS sa pagsusulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.

Rurok ito ng pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos mula pa ng itinatag ang Kabataang Makabayan (KM) noong 1964. Pinaalingawngaw nito sa buong bansa ang panawagan ng Pambansa Demokratikong Pakikibaka na may Sosyalistang Perspektiba.

Ang demonstrasyon ng libu-libong mag-aaral, maralitang kabataan, manggagawa, at magbubukid sa harap ng Kongreso kung saan nagtatalumpati si dating pangulong Ferdinand Marcos noong Enero 26, 1970 ang hudyat ng pagsimula ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970.

Dahas ang naging tugon ng rehimeng US-Marcos laban sa mapayapang pagkilos na ito. Ngunit hindi natinag ang mga kabataan, estudyante, at masang anakpawis sa pangunguna noon ng grupong Kabataang Makabayan (KM).

Sa kabila ng panunupil ng estado, libu-libong katao ang dumagsa sa Malakanyang noong Enero 30, 1970 upang kondenahin ang mga pasistang patakaran at kontra-mamamayang programa ng gobyernong Marcos. Bumuhos ang galit ng mamamayan. Ang mga kabataang kasali sa protesta ay nakakuha ng isang firetruck at ibinangga sa gate ng Malakanyang para buksan ito.

Nasundan ito ng malalaki at sunud-sunod na ang mga kilos-protesta hanggang Marso. Linggu-linggo, mahigit 50,000 hanggang 100,000 ang pumupuno sa mga plaza ng kamaynilaan at nagmartsa sa mga lansangan patungong Malakanyang at US Embassy.

Mainit ang naging pagtanggap ng mamamayan sa mga protesta. Sumigla ang kilusan ng paglubog ng mga kabataan at estudyante sa mga manggagawa at magbubukid sa mga piketlayn, pagawaan, maralitang komunidad, at sa kanayunan. Naglunsad din ng maraming mga pagkilos ang mga kabataan sa mga kabisera at mayor na lungsod ng iba’t ibang probinsya.

Ang mga kondisyon para sa makasaysayang daluyong na ito ay ipinundar ng isang dekada ng walang pagod na pagpakilos, pagorganisa, at pagpataas

ng kamulatan kamalayan ng kabataan at mamamayan ng mga grupong pambansa-demokratiko.

Nagluwal ang FQS ng 1970 ng libu-libong kadre’t masang aktibista na naging muog ng kilusang rebolusyonaryo sa pambansang saklaw, ang muog na namuno sa paglaban at kalauna’y pagpapatalsik sa pasistang diktadurang US-Marcos.

Apat na dekada ang nakalipas, patuloy na lumulubha ang kalagayan ng sambayanang Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, lupa, edukasyon, karaptang sibil, at serbisyo sosyal.

Tumtindi ang pagsasamantala at pang-aapi habang lumalala ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng lokal na kaayusang kontrolado ng dayuhang kapital, walang sariling industriya at atrasado ang ekonomya.

Marapat na magpunyagi at paghusayin ang pagpukaw, pag-organisa, at pagpapakilos ng mas maraming pang kabataan at mamamayang Pilipino para sa pambansang demokrasya.

Marapat na harapin at labanan ang rehimeng US-Aquino at ang bulok na sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal tangan ang insipirasyon ng mapangahas at mapanlabang diwa ng FQS ng 1970.

Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970!

Page 8: JANUARY 2015 7 Isabuhay ang diwa ng Sigwa ng Unang ... pagbisita ng Santo Papa, higit na nalantad ang kabulukan ng rehimeng US-Aquino Higit na nalantad ang pahirap, kurap, at pasistang

Kami ang kabataang makabayanBisig ng manggagawa´t magsasaka.Lakas at pag-asa ng buong bayanSa lunsod at sa mga lalawigan.

Aming layuni'y paunlarin ang ating bayanIbagsak ang asenderong salot ng bayan.Kami'y lumalaban sa kaaway ng bayanMapang-aping kapitalistang dayuhan.

Kami ang kabataang makabayanSagisag at ningning ng kalayaan.Kami ang kabataang makabayanApoy ng pagkakaisang walang hanggan.

Kami ang kabataang makabayanBisig ng manggagawa´t magsasaka.Lakas at pag-asa ng buong bayanSa lunsod at sa mga lalawigan.

Aming layuni’y paunlarin ang ating bayanIbagsak ang asenderong salot ng bayan.Kami’y lumalaban sa kaaway ng bayanMapang-aping kapitalistang dayuhan.

Kami ang kabataang makabayanSagisag at ningning ng kalayaan.Kami ang kabataang makabayanApoy ng pagkakaisang walang hanggan.

AWIT NG KABATAANG MAKABAYAN

J A N U A R Y 2 0 1 5

JANUARY 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN8

PATNUGUTAN

PUNONG PATNUGOT: Orion Yoshida

MGA KAWANI: Andrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo, Ina Nacario, Jacque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua, Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi

PAGLALAPAT: Edward Pastor, Alya Simone Mongaya

www.anakbayan.org • facebook | Anakbayan Phils • twitter | @anakbayan_ph

Mga eksena galing sa “Kabataang Makabayan: Panglingkuran ang Sambayanan” na isinadula at itinanghal sa UP Diliman noong Enero 30 bilang selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkatatag ng KM. Larawan kuha ni Tonyo Cruz.