Upload
others
View
25
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Ota City Navigation
●Petsa/Oras: Feb. 24, 2019 (Sun)
10:00a.m ~ 3:00p.m
●Lugar: Ikegami Baien(plum garden) ( 2-2-13 Ikegami Otaku)
●Nilalaman:
◇Mararanasan ang tradisyonal na kultura ng Japan.
*Tea Ceremony
*Tatami Workshop
*Picture Letter
* Bonkei o Tray Landscape (paglalagay ng mga bato, buhangin,
halaman sa tray upang gumuhit ng tanawin)
*Mga Laro sa Japan
* Hayashi o pagsasayaw sa tradisyonal na musika ng Japan at
Shishimai o Lion Dance
◇Maaring makipag-ugnay sa mga tao mula sa iba’t-ibang bansa sa
international tea party.
● Nararapat: Mga dayuhang naninirahan sa lungsod. Maari rin
sumali ang mga mamamayang Hapones.
● Bayad sa Pagpasok: Bayad sa Pagpasok sa Ikegami Baien,
Matanda=¥100, Bata=¥20
● Bayad sa Pagsali: May bayad ang ilang bahagi sa karanasan ng
kultura ng Japan.
● Paraan ng Pag-apply: Mag-apply sa sumusunod na homepage.
https://www.ota-goca.or.jp/
Maari rin magpadala ng application form sa pamamagitan ng FAX
o dalhin sa reception desk.
※ Maaring magkaroon ng bunutan o raffl e kapag dumami ang bilang
ng aplikasyon. Ipapaalam sa lahat ang resulta hanggang Feb. 12
(Tue).
●Petsa ng Pag-apply: Dec. 11, 2018 (Tue) ~ Feb. 4 (Mon)
SanggunianGlobal City Ota Cooperation Association
☎03-6410-7981 FAX 03-6410-7982
Japan Day ~Kasiyahan sa Japan~
2018.12 & 2019.1 Vol.77
Impormasyon para sa mga dayuhan
Tagalog
2
Pagsasanay ng mga Boluntaryo sa Lungsod Ng Ota, Magiliw na Pagtanggap ng mga Dayuhang Bisita
【1】Boluntaryo sa wikang banyaga para sa magiliw na pagtanggap ng mga dayuhang bisita (Tokyo Metropolitan Cooption Project)
Boluntaryo na tutulong sa mga dayuhang bisita sa paggabay ng mga direksiyon at ibang bagay upang maging maayos ang pananatili ng mga bisita. Ang mga boluntaryo ay kukuha ng kurso sa pagsasanay, magpapa-rehistro, at inaasahang masugid na magbo-boluntaryo sa pang-araw-araw na pamumuhay.[Sanggunian] Internationalization and Multiculturalism Promotion Division ☎ 03-5744-1227 FAX03-5744-1323
Mangyaring tumawag sa Global City Ota Cooperation Association Multilingual Consultation Desk (☎03-6424-8822) kung hindi
marunong ng wikang Hapon.
1 Suporta sa Pagbayad ng Malaking Pang-medikal na Gastos
Bilang miyembro ng National Health Insurance (Kokumin Kenkou
Hoken), maaring mag-apply na maibalik ang nabayarang halaga ng
gastos sa pagpapagamot ng sakit o pinsala sa katawan na humigit sa
nakatakdang bahagi ng pansariling-bayad (※1). Ang mga aplikante
ay makakatanggap ng application form mula sa National Health
Insurance and Pension Division makalipas ang 3 buwan mula sa
buwan ng pagpapasuri.
※1 - Ibabatay sa kita (income) ang halaga.
Tandaan: Kapag lumipas ng mahigit 2 taon mula sa unang araw ng
sumunod na buwan ng pagpapasuri, hindi na maaring mag-apply at
hindi na mababalik ang nabayaran.
2 Pag-issue ng Sertipikasyon ng Pagpapatunay ng Limitasyon
sa Gastos
Kapag ipinakita ang sertipikong ito sa reception desk ng medikal
na institusyon kasama ang health insurance card o hokensho, ang
halaga ng pansariling-bayad sa isang buwan ay limitado hanggang
sa nakatakdang pansariling-bayad ng insurance sa bawat medikal
na institusyon o ospital (maaring hindi maisyuhan nito kapag hindi
binabayaran ang health insurance).
●Nararapat: napapasailalim sa alinman sa mga sumusunod na
kategoriya.
①Hindi hihigit sa 69 yrs. old②70-74 yrs. old na nabibilang sa
tahanang may iksemsyon sa pagbabayad ng buwis sa paninirahan③
70-74 yrs. old na nabibilang sa tahanang nagbabayad ng buwis sa
paninirahan, katumbas ng kasalukuyang nagtatrabaho Ⅰat Ⅱ.
●Mga Kinakailangan sa Pag-apply:
①National Health Insurance Card (hokensho)
②Sertipiko ng Pagkaka-kilanlan(ID) na may larawan
③Dokumento ng My Number
④ Personal Stamp o Hanko (hindi maari ang pangkaraniwang stamp)
※Ang mga lumipat sa lungsod pagkatapos ng Jan.2, 2018 ay
maaring kinakailangang magsubmit ng sertipiko ng buwis mula sa
dating tirahan o address.
Ang mga indibidwal na nagpa-miyembro sa Health Insurance
sa kumpanyang pinagtatrabahuan o lumipat sa ibang distrito ay
nararapat na magpahayag ng pagtigil sa pagiging miyembro ng
National Health Insurance at tiyakin na masauli ang health insurance
card o hokenshou.
Kapag ginamit sa pagpapasuri sa medikal na institusyon o ospital ang
Ota City National health Insurance (hokenshou) sa panahong nawala
ang kwalipikasyon sa pagiging miyembro nito, kailangang ibalik sa
lungsod ang gastos na pang-medikal at hilingin ito sa kumpanya ng
health insurance na kinabibilangan.
Mangyaring sumangguni sa kumpanya ng health insurance na
kabibilangan kapag nagpasuri sa medikal na institusyon o ospital nang
hindi pa natatanggap ang bagong health insurance card o hokenshou
at ipaalam rin sa medikal na institusyon o ospital na kasalukuyan
pinoproseso pa ito.
Maaring magpasuri ang mga residente sa lungsod ng Ota na mahigit
40 yrs. old at ※hindi pa sumasangguni sa doktor at nagpapasuri at
walang nakatakdang iskedyul ng medikal na pagsusuri sa lugar ng
trabaho.
※Ayon sa edad sa kaarawan ng taong 2018. Para sa mga indibidwal
na may ibang partikular na pagsusuri, mangyaring isabay na ito.
Posible rin na isang medikal na pagpapasuri lang.
●Nilalaman: Panayam, Pagsusuri ng Dugo
●Walang Bayad
●Huling Araw ng Pagsusuri: March 31, 2019
●Lugar: Itinalagang medikal na institusyon
●Paraan ng Pag-apply: Pinadala sa mga nararapat na indibidwal ang
gabay sa pagsusuri para sa taong 2018 kalakip ang [Notipikasyon
ng Pagsusuri ng Kanser at Numero ng Pagpapasuri] noong buwan
ng Hunyo. Mangyaring tiyakin ang nilalaman nito at direktang
sumangguni sa medikal na institusyon na nagsasagawa ng pagsusuri.
Notisya mula sa City Office
大田区生活展Suporta sa Pagbayad ng Malaking Pang-medikal na Gastos
大田区生活展Pagbabalik ng Pang-medikal na Gastos sa Pagkawala ng Kwalipikasyon sa National Health Insurance
大田区生活展Pagpapasuri ng Hepatitis B at C Virus
Sanggunian
National Health Insurance and Pension Division
Insurance Benefits Section
☎03-5744-1211 FAX03-5744-1516
Sanggunian
National Health Insurance and Pension Division
Insurance Benefits Section
☎03-5744-1211 FAX03-5744-1516
Sanggunian
Health Promotion Division Health Care for Adults
Section
☎03-5744-1265 FAX03-5744-1523
©Ota City
3
【2】Ota Welcome Volunteer (Ota City’s Independent Project)
Mga boluntaryo para sa proyekto ng lungsod ng Ota sa paghahanda sa darating na Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020.Magiging bahagi ng mga gawain tulad ng paggabay ng mga direksiyon sa mga lugar at sightseeing spots sa lungsod, suporta para sa pamamahala ng camp bago dumating ang Brazil Olympic Team, international events, at iba pa. [Sanggunian] Sports Promotion Division Tokyo Olympic and Paralympic Promotion Section ☎ 03-5744-1189 FAX03-5744-1539
Apat na buwan na ang lumipas mula ng dumating ako dito sa lungsod ng Ota. Sa pagsisimula
ng aking tungkulin noong unang linggo ng Agosto,unti-unti kong natututuhan ang paraan ng
pagsasalin ng wika para sa mga bisita mula sa Salem City na tinaguriang Sister City ng lungsod
ng Ota, nagkaroon ako ng pagkakataon na malibot at higit na magkaroon ng kaalaman tungkol
sa lungsod ng Ota at ang kasaysayan nito.
Sa pagtatapos ng buwan ng September, nakatuon ako sa ika-5 pagsasaganap ngayong taong
ito ang tinatawag na “Sora no Hi”. Mula dito, sumali ako sa iba’t-ibang kaganapan tulad ng
Pagsasanay para sa Emerhensiya, Ota Fureai Festa, tea ceremony, at marami pang iba.
Parang kahapon lang nagsimula ang panahon ng taglagas ngunit nasasabik na rin ako na
makita ang mga iluminasyon sa panahon ng taglamig at uminom ng hot wine habang nanonood
ng Love Actually. Ano pa ang inaasahan ninyo? Sana ay magdulot ng kasiyahan sa inyo ang
panahon ng taglamig
[Sanggunian]
Internationalization and Multiculturalism Promotion Division
☎03-5744-1227 FAX03-5744-1323
大田区生活展Pagbubukas ng Junior High School and Senior High School Students Lounge (Chukosei Hiroba)
sa Haneda
大田区生活展Proseso ng Child Allowance (jidouteate) sa Pagtatapos /Pagsisimula ng Taon
Bethany’s Corner – International Relations Coordinator
Sanggunian
Child-rearing Support Division Child-rearing
Support Section
☎03-5744-1273 FAX0-5744-1525
Sanggunian
Child-rearing Support Division Children’s Medical
Care Section
☎03-5744-1275 FAX03-5744-1525
Ito ay isang lugar o space para sa mga bagong mag-aaral sa junior at
senior high school para sa pakikipag-ugnay, pagsali sa mga aktibidad
at pagbibigay ng payo sa mga konsultasyon.
●Kabuuran ng Pasilidad:
Lounge (Walang Bayad): magagamit para sa pakikipag-usap kasama
ang kaibigan, pagbabasa ng libro, pag-aaral ng leksiyon, games,
pagkain at iba pa.
Music Studio (May bayad): pagtatanghal ng banda, pag-eensayo ng
chorus, at iba pa.
●Lugar:
1-18-13 Haneda Otaku Haneda Regional Comprehensive Promotion
Center 3F
●Mga Oras ng Pagbubukas:
10:00a.m~9:00p.m (maliban sa mga sumusunod na araw ng
pagsasara)
●Mga Araw na Nagsasara:
*Year-end, New Year Holidays (Dec.29~Jan.3)
*Petsa ng Inspeksyon at Pagpapanatili
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang official
homepage (Wikang Hapon lamang).
URL: https://www.city.ota.tokyo.jp/shisetsu/kodomonoie/chukousei-
hiroba-haneda.html
Aplikasyon para sa pagtatapos/pagsisimula ng taon .
Hindi tumatanggap ng aplikasyon para sa child allowance (jidouteate)
mula Dec. 29~Jan. 3. Ang mga sumusunod na petsa ay mga huling
araw ng aplikasyon para sa mga batang ipinanganak ng December at
mga lumipat sa lungsod.
Araw ng
Paglipat※Huling Araw ng Aplikasyon para sa「January ang
simula ng Pagtanggap ng Allowance」
Dec.1~13 Hanggang Dec.28
Dec.14~20 Hanggang Jan.4
Dec.21~31 Hanggang ika-15 araw mula sa sumunod na araw
ng paglipat(sumunod na araw ng pagbubukas ng
tanggapan kapag nataon sa Sabado, Linggo at pista
opisyal ang ika-15 araw).
※Araw ng Paglipat: Araw ng panganganak, paglilipat mula sa dating
tirahan, at iba pa.
Simula ng Pagbigay ng Child Allowance:
Ayon sa tuntunin, matatanggap ito sa susunod na buwan matapos
ang aplikasyon. Gayunpaman, kahit na ang petsa ng aplikasyon ay
magiging sa susunod na buwan pagkatapos ng petsa ng paglipat,
kapag nag-apply sa loob ng 15 araw mula sa sumunod na araw
ng paglipat, kasamang matatanggap ang allowance magmula sa
buwan ng aplikasyon. Ang pagsubmit ng mga kalakip na dokumento
ay maaring gawin sa ibang araw, ngunit mangyaring mag-apply ng
maaga.
4Ota City Navigation 2018/12/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto)
Issued by Internationalization & Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office
144-8621 5-13-14, Kamata, Ota ☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Sanggunian
Global City Ota Cooperation Association
Multilingual Consultation Desk
☎ 03-6424-8822 FAX 03-5710-6330
②Mangyaring i-access ang nakasulat na URL sa tugon na e-mail at
sundin ang paraan ng pagpapa-rehistro na nakasulat sa screen.
※Kapag hindi nakatanggap ng tugon sa ipinadalang blank e-mail:
*Mangyaring i-set ang inyong e-mail address na makatanggap mula sa
domain na 「anzen.city.ota.tokyo.jp」
*Mangyaring i-set ang inyong e-mail na makatanggap ng e-mail na may
kalakip na URL.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang
homepage ng lungsod ng Ota.
Tagalog
https://www.city.ota.tokyo.jp /seikatsu/chiiki/bousai/suigai/tagalogmail.
html
Para sa iba pang detalye, tignan ang website ng Ota ku sa katapusan ng
Disyembre.
Nagbibigay ng konsultasyon sa iba’t-ibang wika. Huwag mag-atubiling
sumangguni kapag walang kaalaman o nagkaroon ng problema
tungkol sa wika, tungkol sa anak, pagpapakasal, pakikipag-hiwalay,
visa, trabaho, at iba pa.
●Suportadong Wika at Oras
Wika Araw/Oras
Ingles Mon~Fri/9:00a.m-12:00p.m/1:00p.m-5:00p.m
Intsik Mon~Fri/10:00a.m-12:00p.m/1:00p.m-5:00p.m
Tagalog Mon,Tue,Thu,Fri/10:00a.m-12:00p.m/1:00a.m-5:00p.m
Nepalese Wed/1:00p.m-5:00p.m
Vietnamese Thu/9:00a.m-12:00p.m
Espesyal na
Konsultasyon
1st, 3rd Sunday/1:00p.m-5:00p.m
●Lugar: 5-13-26 Kamata Otaku Consumer Center 1F (may mapa)
●Anong mga impormasyon ang ipapamahagi?
① Panahon
Kapag nagkaroon ng mga sumusunod na alarma o espesyal na babala.
Babala: Malakas na ulan, baha, bagyo, pagbuhos ng niyebe o snow,
malakas na pag-ulan ng niyebe o snow, alon, storm surge
Espesyal na Babala: Malakas na ulan, bagyo, pagbuhos ng niyebe o
snow, malakas na pag-ulan ng niyebe o snow, alon, storm surge
② Lindol
Kapag lumindol sa lungsod ng Ota ng mahigit sa seismic intensity 3
(katindihan ng pagyanig).
③ Tsunami
Kapag naghayag ng babala para sa tsunami, great tsunami sa Tokyo
Bay.
※Ang lungsod ng Ota ay sakop ng Tokyo Bay.
●Paano magpa-rehistro?
①Magpadala ng blank e-mail sa mga sumusunod
e-mail address. Maari rin basahin ang mga sumusunod
na QR code para malipat sa blank e-mail screen.
[email protected](Tagalog)
Mula Dec. 29, 2018 (Sat) hanggang Jan. 3, 2019 nagsasara ang public
office ng lungsod ng Ota, special branches at Global City Ota Cooperation
Association Multilingual Consultation Desk.
Simula ng Pamamahagi ng Impormasyon tungkol sa Panahon, Lindol at Tsunami sa wikang Ingles, Intsik, Koreyano at Tagalog
Global City Ota Cooperation Association Multilingual Consultation Desk
Paalala tungkol sa Pagtatapos ng Taon at Bagong Taon
Tokyu Line
RJ
to Kawasaki
Kampachi Ave.
東口East Exit
Kamata Sta.
Ota City Office
East Exit
To Kawasaki
Counsumer
Center
Inquiries
Community Safety, Disaster Preparation and Crisis
Management Division
☎03-5744-1634 FAX 03-5744-1519