11
1 Talaan 1. Tradisyon ........................................................................................................................................................................ 2 2. Mga events atbp. impormasyon ........................................................................................................................... 6 3. Eksibit ............................................................................................................................................................................. 7 4. Ski Resorts..................................................................................................................................................................... 8 5. Musika at Konsiyerto ................................................................................................................................................ 9 6. Iba pang impormasyon ......................................................................................................................................... 10 Maligayang Bagong Taon! Taon ngayon ng Tupa. Malalaman sa lathalang ito ang It is the Year of the Shega tradisyon sa bagong taon ng mga Hapones, mga lugar kung saan maaaring makapag-ski at marami pang iba Nawa`y biyayaan kayo ng saya sa taon ng 2015. Enero 2015 Maligayang Pagbati mula sa NIC Out & About! Alamin nating ang iba`t ibang kaganapan sa loob at kalapit na lugar ng Nagoya sa buwan na ito. Pattern by Timothy Takemoto

Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

1

1

Talaan 1. Tradisyon ........................................................................................................................................................................ 2

2. Mga events atbp. impormasyon ........................................................................................................................... 6

3. Eksibit ............................................................................................................................................................................. 7

4. Ski Resorts ..................................................................................................................................................................... 8

5. Musika at Konsiyerto ................................................................................................................................................ 9

6. Iba pang impormasyon ......................................................................................................................................... 10

Maligayang Bagong Taon!

Taon ngayon ng Tupa. Malalaman sa lathalang ito ang It is the Year of the Shega tradisyon sa bagong taon ng mga Hapones, mga lugar kung saan maaaring makapag-ski at marami pang iba

Nawa`y biyayaan kayo ng saya sa taon ng 2015.

Enero 2015

Maligayang Pagbati mula sa NIC Out & About!

Alamin nating ang iba`t ibang kaganapan sa loob at kalapit na lugar ng Nagoya

sa buwan na ito.

Pattern by Timothy Takemoto

Page 2: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

2

1. Tradisyon

Ang Taon ng 2015 ay taon ng Tupa.

Ang Chinese Zodiac na nanggaling sa China ay hinahati sa 12 ang oras at direksyon at ang bawat isa ay may katumbas na pangalan ng hayop. Ganundin naman sa bansang Hapones. Ang taong ito ay Taon ng Tupa.

Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong taon Simula katapusan ng Disyembre hanggang simula ng Enero (Nenmatsunenshi) ay

naghahanda ang bawat tahanan sa pagdating ng bagong taon at nagkakaroon ng

pagdiriwang dito sa Japan. Nasa ibaba ang iilan sa mga ito.

*Pangkalahatang Paglilinis Sa katapusan ng taon ay nililinis ang bawat sulok sa loob at paligid ng tahanan. Tinatanggal ang namuong dumi sa nakaraang taon. Ito ay paghahanda para sa diyos ng taon na pumoprotekta sa mga tahanan.

*Dekorasyon sa Bagong Taon

Kadomatsu Kagamimochi

Sinasalubong ang diyos ng bagong taon sa pamamagitan ng paglalagay ng dekorasyon na kagaya ng Kadomatsu (dekorasyon sa pintuan o pasukan na gawa sa pinya), Shimekazari (ikinakabit na dekorasyon sa harap na pintuan ng tahanan, alkoba at poste) , Kagamimochi (puti at bilog na mochi na inaalay sa diyos) .

Page 3: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

3

*Toshikoshi Soba Disyembre 31 (Bisperas ng Bagong Taon)

Ito ay ang mahaba at manipis na soba na kinakain sa bisperas ng bagong taon upang magpatuloy sa mahabang panahon ang kasaganaan at upang magkaroon ng mahabang buhay.

*Osechi Ryori at Otoso -Enero 1 ( Sa Umaga ng Bagong Taon)

Ang “Osechi Ryori “, matapos ialay sa diyos ng bagong taon, ay kinakain bilang pagdiriwang ng bagong taon. kahit na ito ay malamig dahil sa preserbasyon, ito ay masarap at makulay, ito ay popular na inihahanda sa Bagong Taon. Ang “Otoso” ay alak ng pagdiriwang na iniinom sa selebrasyong ito.

*Fukubukuro Simula Enero 1

Ibinebenta sa bagong taon sa maraming mga tindahan ang Fukubukuro. Hindi malalaman kung ano ang nasa loob ng supot subalit sikat ito dahil mas mahal pa ang kabuuang halaga ng mga laman nito nito kaysa sa presyo ng bawat isang item na laman nito.

*Hatsumode Ang Hatsumode ay ang pagpunta sa shrine o Jinja at Templo sa simula ng taon at pagdadasal upang maging malusog at masaya sa loob ng isang taon. Maraming tindahan sa daan patungo sa Jinja at maraming tao ang nagdiriwang. Maaring masiyahan sa tradisyunal na ambience ng Japan kung kaya subukang pumunta dito. Sa paligid ng Nagoya ay maraming pinupuntahan para sa Hatsumode at ito ay ating ipapakilala sa inyo.

Atsuta Jingu(Nagoya Shi, Atsuta Ku)

Direksyon: Sumakay ng Meitetsu at bumaba sa estasyon ng Jingumae, JR at bumaba sa

estasyon ng Atsuta, subway at bumaba sa estasyon ng Jingu Nishi

Oosu Kanon (Nagoya Shi, Naka Ku) Direksyon: Sumakay ng subway Tsurumai Line at bumaba sa estasyon ng Oosukanon

Fukagawa Jinja(Aichi Ken, Seto Shi)

Direksyon:Sumakay ng Meitetsu Seto Line at bumaba sa estasyon ng Owari Seto.

Mularito ay maglalakad ng 10 minutos.

Toyokawa Inari (Aichi Ken, Toyokawa Shi) Direksyon: Sumakay ng Meitetsu Honsen at bumaba sa estasyon ng Toyokawainari. Mula rito ay maglalakad ng 5 minuto.

Tsushima Jinja (Aichi ken, Tsushima Shi) Direksyon:Sumakay ng Meitetsu Tsushima Line at bumaba sa estasyon ng Tsushima.

Mula rito ay maglalakad ng 12 minuto.

Mga Ritwal sa Bagong Taon ng Atsuta Jingu Pinalaki ang mga Hapones sa kultura ng mga kagubatan diyoskung saan pinaniniwalaang nakatira ang mga . Sa bagong taon ay nagpupunta sa mga jinja ang mga hapon para sa Hatsumode

Page 4: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

4

at ipinagdadasal ang pagiging masagana at ligtas sa nasabing taon. “Jingu” ang tawag sa bawat jinja na may mataas na pagpaparangal. Maraming jinji o traditional events ang gaganapin sa Atsuta-Jingu sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Hatsubisu Enero 5 (Lunes) 12:00 AM~

Kumade

Ito ay pista ng pagdadasal para sa kasaganahan sa negosyo at kaligtasan sa loob ng

tahanan. Dinarayo ng mga mananampalatayang gustong makatanggap ng Ichibanfuda at Kumade ang pagtitipong ito. Ito ay idinaraos sa harapan ng Kamichikama Jinja,

malapit sa South Gate nito.

Yodameshi Shinji Enero 7 (Miyerkules) 2:00 PM

Dito ay ipinagdarasal ang masaganang pagpatak ng ulan at ani ng palay atbp. butil para sa susunod na taon. Ito ay idinaraos sa harapan ng Oosakida Jinja.

Touka Shinji Enero 11 (Linggo) 10:00 AM~ 1:00 PM

Ang pagdarasal ay ginagawa sa pamamagitan ng sayaw at pagtapak sa lupa habang

nakasuot ng mga kostyum nung kapanahunan ng Nara at Heian, na pinaniniwalaang

nakakapagpa-kalma ng mga ispiritu at naghahatid ng kaligayahan para sa mga

mananampalataya. Ito ay popular sa buong bansa at itinuturing na espesyal na ritwal

taun-taon.

Hosha Shinji Enero 15 (Huwebes) 10:00 AM ay ang Houkoku no Gi at sa 1:00 PM

naman ay ang Hosha no Gi.

Ang Hosha no Gi na idinaraos sa hapon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpana sa

napakalaking target ay ipinagdarasal ang ligtas at masaganang bagong taon.

Inaabangan ng lahat ang paglipad ng huling pana, at ang lahat ay mag-uunahan

patungo sa target upang makakuha ng piraso ng kahoy at gawing good luck charms.

Saan:Atsuta Jingu(Atsuta Ku, Nagoya City)

Direksiyon:Sumakay ng Subway Meijou Line at bumaba sa Jingu Nishi Sta., Meitetsu Line sa Jingu Mae Sta. O kaya naman ay JR Line Atsuta Sta. at maglakad ng mga 5 minuto.

Bayad: Libre

Page 5: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

5

Fire Service Demonstration

Ang demonstrasyong ito pagdiriwang at hudyat ng simula ng panibagong taon para sa mga

bumbero at departamento nito. Dito ay ipinapakita ang iba`t-ibang klase ng makinang pang-apula ng sunog, bapor, at helicopter. Ipapakita din ang aktuwal na drill ng pag-apula ng sunog at pagre-rescue na lubhang ikasisiya ng madla.

Kailan: Enero 11 (Linggo) 10:00 AM~ 11:30 AM Ang iba`t-ibang sasakyan at makinang pamatay-sunog ay idi-display sa Jetty Plaza mula

9:30 AM~1PM at maaring hawakan at subukan kung saan ay meron ding unipormeng pambata na ipasusuot para sa mga batang partisipante na tiyak na lubos nilang ikalulugod. Saan: Nagoya Port Garden Pier (Minato ku, Nagoya City) Direksiyon: Sumakay ng Subway Meikou Line at bumaba sa Nagoya Kou Sta. Mula sa No.1 Exit o

No. 3 Exit ay maglakad ng 1 minuto. Bayad: Libre

Seijin no Hi (Piyesta Opisyal ) Taun-taon bawat ikalawang Lunes ng Enero ay Piyesta Opisyal sa bansang Japan. Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang pagtuntong sa edad 20 anyos ng mga kabataan kung saan sila ay magsisimulang ituring na adulto. Ang selebrasyong ito ay ginaganap sa buong bansa. Ang bawat partisipante ay nakasuot ng formal suits, marangyang Kimono o Hakama sa pagdalo sa seremonya. Ito ay gaganapin sa Enero 12 (Lun.) sa taong 2015.

Page 6: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

6

Ang Sagichou (Dondoyaki)

Ang Sagichou o Dondoyaki ay ginaganap tuwing kalagitnaan ng Enero sa iba`t-ibang lugar sa

buong bansa. Sa pagdiriwang na ito ay sinusunog ang mga lumang new year ornaments katulad ng kadomatsu at shimekazari pagkatapos itong dasalan ng mga pari at mongha. Ipapakilala ang isa sa popular at madaling puntahang lugar kung saan ito gaganapin. Ito ay ang Oosu Kannon, atbp. pang events dito.

Kailan: Enero 12 (Lunes at Piyesta Opisyal) Magsisimula ng 1:00PM

Saan: Oosu Kannon (Naka Ku, Nagoya City)

Direksiyon: Sumakay ng Subway Tsurumai Line at bumaba ng Oosu Kannon.

2. Mga events atbp. impormasyon

Ang Nagoya Castle at ang mga pagdiriwang sa Bagong Taon Maraming events ang ginaganap sa Nagoya Castle sa simula pa lamang ng taon. Araw-araw ay magbubukas ng eksibit ng magagarbong obra ng kaakit-akit na mga hardin, wall paintings na itinuturing na pag-aaring kultural ng bansa. Kailan:Enero 2 (Biyernes)~ Pebrero 8 (Linggo) 9:00 AM ~ 4:30 PM Events sa Bagong Taon Enero 2 8:45 AM ay magbubukas ang kastilyo 10:00 AM at 1:00 PM ay magtatanghal ang Omotenashi Bushotai sa Nishi no Maru 2:00 PM at 3:00 PM ay ang Owari Manzai (tradisyonal na kwelang dayalogo) Enero 2~4 naman ay mayroong tea ceremony sa Nishi no Maru (540 Yen ang tsaa)

Saan:Nagoya Castle (Naka Ku, Nagoya City)

Direksiyon: Sumakay ng Subway Meijou Line at bumaba ng Shiyakusho Sta. at mula Exit No. 7 ay maglakad ng 5 minuto.

Bayad: Ang bayad sa pagpasok sa Nagoya Castle ay 500 Yen para sa mga Adulto at

libre naman mula sa mga edad Jr. HS pababa. http://www.nagoyajo.city.nagoya.jp/02_events/26/270102/index.html

Amateur Performers Festival Magtatanghal ang iba`t-ibang grupo ng amatyur na artista kung saan itatampok ang mga tradisyonal na

sayaw, awitin at mga instrumento ng bawat lugar sa bansa. May espesyal na partisipasyon ang

Mongolian Matoquin player na si Ripo, tenor na si Poujinzon, at gayundin naman si Butou Dogara.

Page 7: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

7

Ang proceeds ng pagtatanghal na ito ay gagamitin sa pagpapadala ng mga picture books sa

Cambodia, Laos, Myanmar at Afghanistan. Ang mga artista at manonood ay magkasamang

magtatanghal kaya inaasahang lubos na masisiyahan ang mga bibisita sa araw na ito lalo na ang mga

bata.

Kailan: Enero 25 (Linggo) 11:30AM Umpisa ng palabas

Saan: Aichi Prefectural Arts Theater, Main Hall (Higashi Ku, Nagoya City)

Bayad: Libre ngunit kailangang magdala mula 1 pirasong gamit na postcard

(nadumihan o nagkamali sa pagsusulat na postcard). Pwede rin ang hindi gamit

na postcard, selyo, book coupons bilang donasyon sa World Terakoya

Movement.)

Ramen Festival Magtitipon sa Nagoya ang mga napiling popular na Ramen Shops mula sa iba`t-ibang lugar sa

bansa. Itatampok din ang ilang original na klase ng ramen. Ang lahat ng klase ng ramen ay 850 Yen ang bawat isang order. Kinakailangang bumili ng tiket sa pagpasok sa venue.

Kailan:Enero 8 (Huwebes) ~ 12 (Lunes at Piyesta Opisyal)

Saan:Hisaya Oodori Park Hisaya Plaza (Naka Ku, Nagoya City)

Direksiyon:Sumakay ng Subway Higashiyama Line at bumaba ng Sakae. O kaya naman ay

Meijou Line at bumaba ng Yaba Chou at maglakad ng 5 minuto.

Bayad:850 Yen ang Ramen

Ang Nagoya City Touring Theater Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating sa mga kabataan ng siyudad ng Nagoya

ang kasiyahang maihahatid ng teatro. Hangga`t maaari ay ibinibigay ang pagkakataong makapanood sa murang halaga at sila`y umiikot sa iba`t-ibang lugar sa Nagoya. Ang halaga ay 700 Yen para sa bata at adultong mag-kasama.

https://www.bunka758.or.jp/id_kodomozyunkai.html

Ang Hello Orchestra ng Central Aichi Orhestra

Enero 31 (Sab.) , Meitou Bunka Shogekijou (Meitou ku, Nagoya City), sumakay ng Subway Higashiyama Line at bumaba sa Kamiyashiro Sta. Malapit na mula dito.

Pebrero 1 (Lin) Nakagawa Bunka Shogekijou, sumakay ng Aonami Line at bumaba sa Arako Sta. at maglakad ng 1 minuto. Oras:11:00 AM ang umpisa at 2:00 PM naman ang ikalawang pagtatanghal.

Tumawag lamang sa:052-581-3851(Central Aichi symphony Orchestra)

3. Eksibit

Higuchi Kazunari ~Mga laruang kahoy~ Itatampok sa eksibit na ito ang galaw at tunog ng mga laruang gawa sa kahoy. Mga pinalaking laruang kahoy na gawa ni Higuchi Kazunari na isa ding propesor sa Aichi University of Education. Ang mga bisita ay pwedeng hawakan at paglaruan ang mga naglalakihang laruan at masiyahan sa kakaibang galaw at tunog na maririnig dito. Kailan: Hanggang Marso 1 (Linggo) 9:00PM~ 4:30PM

Page 8: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

8

Sarado ng Lunes Bukas ng Enero 12 (Lunes)

Sarado ng Enero 1~3, at araw na kasunod ng Piyesta Opisyal, Enero 13 (Mar), Pebrero 12 ( Huwebes) Saan : The World Children`s Art Museum sa Okazaki (Okazaki City, Aichi Ken)

Direksiyon:Sumakay ng Meitetsu Line at bumaba sa Miai Sta. 5 minuto kapag nag-taxi.

Halaga: Adult 300 Yen Elementarya at Jr. HS 100 Yen

Info:0564-53-3511

http://www.city.okazaki.aichi.jp/300/305/p017191.html

Visual Deception II: Into the future Ang series na ito ay sinimulan 5 taon na ang nakakaraan. Ngayong taon ay hindi lamang mga

obrang ipininta ang itatampok kundi meron ding iskultura, litrato, at mga video. Pakaaabangan ang mga obra ng popular na artists na sina Salvador Dali, Rene Magritte, M.C, Escher. Gayundin ang isa sa mga pioneer ng Japanese illusion art na si Shigeo Fukuda at iba pang pambatong illusion artist mula sa iba`t-ibang panig ng mundo.

Kailan: Enero 10 (Sab) ~ Marso 22 (Lin)

9:30 AM~5PM (Hanggang 8 PM kapag Biyernes)

Sarado kapag Lunes(Bukas ng Enero 12, sarado ng a-13)

Saan: Nagoya City Art Museum(Naka Ku, Nagoya City)

Direksiyon:Subway Higashiyama Line o Tsurumai Line at bumaba sa Fushimi. Maglakad ng mga 8 minuto mula sa Exit No. 5.

Bayad: Adulto 1400 Yen Sr. HS at Kolehiyo 900 yen Elementarya at Jr. HS Libre

Info:052-212-0001 http://www.art-museum.city.nagoya.jp/tenrankai/2014/damashie/

4. Ski Resorts

Ang taglamig ay panahon para sa Skiing. Ipapakilala ang mga Ski resorts na malapit

mula sa Nagoya kung saan masisiyahan sa Skiing at Snowboarding. Puwede din namang

masiyahan sa maraming Ski Bus Tour sa panahong ito subalit ipinapayong i-tsek muna

ang kondisyon ng mga snow o niyebe sa mga lugar na binabalak puntahan.

*Ciao Ontake Snow Resort

Saan:Ciao Ontake Snow Resort(Takayama City, Gifu Ken)

Page 9: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

9

Direksiyon: Train: JR Chuo Line Limited Express Wideview Shinano 1 or 2 papuntang

Kiso-Fukushima at mula dito`y sumakay ng Ciao shuttle bus. Mga 1 oras mula sa

Kiso-Fukushima papuntang Ciao.

Sariling Sasakyan: Mula Chuo Highway ay mag-exit sa Nakatsugawa IC,

baybayin ang Route 19 papuntang Shiojiri, kumaliwa sa Kiso-Ohashi at magpatuloy

papuntang Takayama mula sa Route 361. Mula Nakatsugawa IC ay 105 Km. ang layo.

website:http://www.ciao.co.jp/

*Yabuhara Kougen Ski Resort

Saan: Yabuhara Kougen Ski Resort(Kisomura, Nagano Ken)

Direksiyon: Train: Sumakay ng JR chuo Line papuntang Yabuhara Sta. Mula dito ay

sumakay ng 100 Yen Yabuhara-Kougen shuttle bus papunta sa mismong venue.

Sariling Sasakyan: Mula Chuo Highway ay mag-exit sa Nakatsugawa IC. Baybayin

ang Route 19 papuntang Shiojiri, kumaliwa sa Suge at magpatuloy ng mga 10

minuto .

website:www.yabuhara-kogen.jp/

*Winghills Shirotori Resort Saan:Winghills Shirotori Resort (Gujou Sity, Gifu Ken)

Direksiyon:Sariling Sasakyan: Mula sa Tokai-Hokuriku Highway ay mag-exit sa

Shirotori IC. Kumaliwa sa ikalawang traffic light at magpatuloy ng mga 18 Km.

website:http://winghills.net/

*Jibuzaka Kougen Ski Area

Saan:Jibuzaka Kougen Ski Area (Achimura, Nagano Ken)

Direksiyon:Sariling Sasakyan: Mula Chuo Highway ay mag-exit sa Sonohara IC. Ang

venue ay humigi`t-kumulang 15.6 Km, mga 23 minuto kapag binaybay ang Route

256 o 153 mula sa Sonohara IC

website:http://www.jibuzaka.co.jp/

*Skiing Ground Hirugano Kougen

Saan:Hirugano Kpougen Skiing Ground (Gujou City, Gifu Ken)

Direksiyon:Sariling Sasakyan: Mula Tokai-Hokuriku ay mag-exit sa Takasu IC,

baybayin ang Route 156 ng mga 15 minuto (ordinaryong sasakyan ay walang

ECT) o kaya naman ay 5 minuto mula sa Hirugano-Kougen Smart IC (sasakyang

merong ECT)

website:http://www.hiruganokogen.com/

5. Musika at Konsiyerto

New Year Concert 2015

Viennese Waltz Orchestra (Palace Celebration Concert Minsang maramdaman ang maging Viennese sa pakikinig ng konsiyertong ito. Itatampok ang mga

klasikong musika ng Strauss Family at Vienna kung saan pangungunahan ng konduktor na si Sandro Cuturello. Kasama ang 4 na mananayaw na naka-kostyum ayon sa tugtuging itatampok at ang magandang tinig ng soprano singer ay magdadagdag kulay sa pagtatanghal na ito.

Program:The Blue Danube

Tritsch-Tratsch-Polka Radetzky March Comic Opera “Die Fledermaus” Overture

Polka “In the Forest of Krapfen” atbp.

Page 10: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

10

Kailan: Enero 10 (Sab) Mag-uumpisa ng 1PM1月がつ

10日と お か

(土ど

)午後ご ご

1時じ

開演かいえん

Saan: Aichi Prefectural Art Theater, Concert Hall (Higashi Ku, Nagoya City)

Direksiyon: Sumakay ng subway Higashiyama Line o Meijou Line at bumaba sa Sakae. Mula dito ay maglakad ng mga 3 minuto.

Bayad: 4000 Yen~ 6800 Yen

Info:Chukyou TV Office: 052-957-3333(Lun.~Biy.)10AM~17PM)

Para sa iba pang detalye: http://cte.jp/detail/15/150110/index.html

Ang Nijiiro Ongakutai Concert

Ang koinsiyertong ito ay inilaan para sa mga bata mula 0 gulang hanggang sa lolo at lola. Isang

konsiyertong lubos na masisiyahan ang buong pamilya. Ang mga bata mababa sa eded 3 taon ay

kinakailangang kandungin ng mga magulang. Kasamang itatampok sa programa ang Mickey

Mouse March, Csardas (Hungarian Dance) atbp.

Kailan: Enero 10 (Sab.) 1:30 PM~2:30 PM

Saan: Minato Bunka Shogekijou Theater (Minato Ku, Nagoya City)

Direksiyon: Sumakay ng Subway Meiko Line papuntang Minato Kuyakushou Sta. at maglakad ng mga 3 minuto mula sa Exit 1 sa direksiyong South.

Bayad: 700 Yen para sa lahat ng edad全自由席ぜんじゆうせき

大人お と な

・子供こ ど も

ともに700円えん

Info:052-654-8214 Para sa iba pang detalye: http://www.bunka758.or.jp/scd08_top.html

Haydn: London Set Zyklus Ang konsiyertong ito bilang bahagi ng Shirakawa series ng Nagoya Philharmonic Orchestra ay itatampok ang bantog na musika ni Haydn. Pangungunahan ng konduktor at violinist na si Rainer Honeck .Kasama sa programa ang Haydn`s Violin Concerto No. 4 in G major, Symphony No. 96 in D major at ang Symphony No. 102 in B flat major .

曲きょく

:ヴァイオリン協 奏 曲きょうそうきょく

第だい

4番ばん

ト長 調ちょうちょう

交 響 曲こうきょうきょく

第だい

96番ばん

変へん

ニ長 調ちょうちょう

交 響 曲こうきょうきょく

第だい

102番ばん

変へん

ロ長 調ちょうちょう

Kailan :Enero 17 (Sab.) Mag-uumpisa ng 4PM

Saan:Shirakawa Hall(Naka Ku, Nagoya City)

Direksiyon:Sumakay ng subway Higashiyama Line o Tsurumai line at bumaba sa Fushimi.

Mula sa Exit No. 5 ay maglakad ng mga 5 minuto. Bayad:S seats5100Yen a seats3600Yen B seats2100Yen

Yseats1000円えん

(Ang mga edad 24 pababa ay makabibili ng tiket sa mismong araw

ngkonsiyerto)

Telepono:052-339-5666(Mei Phil)

6. Iba pang impormasyon

Libreng konsultasyon tungkol sa Income Tax Ang Nagoya Certified Public Tax Accountant`s Association ay magsasagawa ng libreng konsultasyon para sa mga dayuhang kinakailangan mag-deklara ng income tax. Ito ay gaganapin sa Nagoya International Center at walang bayad. Ang sinumang nagnanais magpatulong tungkol sa usapin ng tax ay maaring mag-inquire sa NIC Information counter. Kinakailangan ang reserbasyon.

Page 11: Japanese Pattern Template for NIC Out and · PDF fileay Taon ng Tupa. Kaugalian tuwing magtatapos at magsisimula ang bagong ... Inumpisahan ang pagtatanghal na ito upang maiparating

11

Kailan:①Konsultasyong Indibiduwal: Peb. 14 (Sab.), 15 (Lin.), 28 (Sab.), Mar. 1 (Lin.), 7

(Sab.),8(Lin.) 1PM~ 5PM

②Konsultasyong Pangkalahatan : Peb。22(Lin.) 10 AM~4PM

Saan:①Nagoya International Center 3F Information Service Counter(Nakamura Ku, Nagoya

City)

②Nagoya International Center 4F Exhibit Room 1 -3

Bilang ng maaring dumalo:①36 katao

②30 katao

Bayad :Libre para sa ①at ②

Reserbasyon: Mula Enero 13(Mar.) 9AM, sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong

(052-581-0100)o kaya naman ay magpalista mismo sa naturang venue.

※ First come, first served po ang konsultasyong ito. Hindi puwedeng kumonsulta ang may

sariling negosyo. Pakatandaan po lamang na hindi magbibigay ng anumang opinion o kasagutan tungkol sa tax declaration ang mga taong nasa information counter.

Thank you and have a great month!

As always, you can download our podcast from the NIC website and ask more information by telephone: 052-581-0100.

NIC is closed on Mondays.

NIC will be closed till January 3 (Sat), and will reopen on January 4 (Sun), 2015.