13
34 JONATHAN VERGARA GERONIMO Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas Sa pagsibol at pamamayagpag ng huwad na disposisyong malaya sa kalakarang pampelikula na ‘indie’ (pagpapaikli sa independent films), napapatindi ang pagtataguyod sa mga kampanyang neoliberalismo at globalisasyon na nagsisilbing pakete at pangunahing politikal na interes ng pambansang larangan ng sining pampelikula sa Pilipinas. Hindi mapigil ang paglaganap at impluwensiya ng kalakarang ito sa mga institusyong panlipunan lalo sa akademya na pinagmumulan ng mga gitnang-uring manonood o kabataang filmmaker mismo na pangunahing tagatangkilik ng popular na kulturang ito. May nakababahalang epekto sa mga Pilipinong tagatangkilik ang kawalan ng malinaw na adyenda sa mga itinatanghal na pelikulang indie para sa alternatibong adhikain nito sa pangakong pagpapalaya. Sa ganitong krisis, kinakailangan ang mahigpit na pagtugon ng akademya na magsisilbing gabay sa pagpanday ng kamalayan at oryentasyong makabansa. Malaki ang maiaambag ng akademya sa pagbubukas ng mga potensyal nitong makaalinsabay sa panlipunang kalakaran/trend at maisangkot ang kanyang pamamaraam sa mapanghamong sitwasyon sa isang inobatibong silid-aralan. Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy indie alinsunod sa historikal na pagbalikwas nito at potensyal na gamit bilang awtentiko at makabuluhang materyales sa pagtuturo ng mga varayti ng wika at panlipunang diskurso. Gayundin, nilalayon ng papel na makapagmungkahi ng pedagohiyang balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal na pag-iisip ukol sa pag-uugnay ng pagkakaiba-iba ng wika at diskurso nito sa kalagayan ng lipunang Pilipino. Pokus bilang sampol sa papel ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na susuriin gamit ang mungkahing balangkas na nakasentro sa pagtuturo ng mahahalagang aspekto sa pag-aaral ng varayti ng wika, kasabay ng pagsusuri sa panlipunang diskurso nito sa tulong ng pagbanghay sa mga implikasyong kultural, politikal at ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika sa pelikula. Sa huli, ang paglikha ng mga mag-aaral ng sariling maikling pelikula ang magsisilbing produkto sa pagtataya ng pag-unawa at komunikatibong kasanayan na nalinang sa kanila sa proseso ng pagsasanib ng akademya at sining pambansa bilang magkatuwang na pwersa sa pagsasabansa, ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya. Mga susing salita: pinoy indie film, varayti ng wika, pedagohiya, panlipunang diskurso e

Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

34

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas

Sa pagsibol at pamamayagpag ng huwad na disposisyong malaya sa kalakarang pampelikula na ‘indie’ (pagpapaikli sa independent films), napapatindi ang pagtataguyod sa mga kampanyang neoliberalismo at globalisasyon na nagsisilbing pakete at pangunahing politikal na interes ng pambansang larangan ng sining pampelikula sa Pilipinas. Hindi mapigil ang paglaganap at impluwensiya ng kalakarang ito sa mga institusyong panlipunan lalo sa akademya na pinagmumulan ng mga gitnang-uring manonood o kabataang filmmaker mismo na pangunahing tagatangkilik ng popular na kulturang ito. May nakababahalang epekto sa mga Pilipinong tagatangkilik ang kawalan ng malinaw na adyenda sa mga itinatanghal na pelikulang indie para sa alternatibong adhikain nito sa pangakong pagpapalaya. Sa ganitong krisis, kinakailangan ang mahigpit na pagtugon ng akademya na magsisilbing gabay sa pagpanday ng kamalayan at oryentasyong makabansa. Malaki ang maiaambag ng akademya sa pagbubukas ng mga potensyal nitong makaalinsabay sa panlipunang kalakaran/trend at maisangkot ang kanyang pamamaraam sa mapanghamong sitwasyon sa isang inobatibong silid-aralan. Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy indie alinsunod sa historikal na pagbalikwas nito at potensyal na gamit bilang awtentiko at makabuluhang materyales sa pagtuturo ng mga varayti ng wika at panlipunang diskurso. Gayundin, nilalayon ng papel na makapagmungkahi ng pedagohiyang balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal na pag-iisip ukol sa pag-uugnay ng pagkakaiba-iba ng wika at diskurso nito sa kalagayan ng lipunang Pilipino. Pokus bilang sampol sa papel ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na susuriin gamit ang mungkahing balangkas na nakasentro sa pagtuturo ng mahahalagang aspekto sa pag-aaral ng varayti ng wika, kasabay ng pagsusuri sa panlipunang diskurso nito sa tulong ng pagbanghay sa mga implikasyong kultural, politikal at ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika sa pelikula. Sa huli, ang paglikha ng mga mag-aaral ng sariling maikling pelikula ang magsisilbing produkto sa pagtataya ng pag-unawa at komunikatibong kasanayan na nalinang sa kanila sa proseso ng pagsasanib ng akademya at sining pambansa bilang magkatuwang na pwersa sa pagsasabansa, ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya. Mga susing salita: pinoy indie film, varayti ng wika, pedagohiya, panlipunang diskurso

e

Page 2: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

35

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Pagbaklas Tungo sa Malayang Identidad: Pagbanghay sa Maikling Kasaysayan ng Pelikulang Indie sa Pilipinas Simula’t sapul nang maisilang ang konsepto ng alternatibong pelikula sa laylayan ng pelikulang komersiyal sa kalagitnaan ng dekada ’70, kakambal na nito ang pagpapakahulugan ng pagbalikwas sa sistema ng naglalakihang istudyo ng Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at LVN. Hanggang sa tuluyang nagkahugis ang pormulang ‘avant-grande’ sa pagsasapelikula, na tumutukoy sa tuluyang pagbukod ng likhang pelikula sa pagiging komersiyal nito. Pinangunahan nito (avant-grande sa pelikula) ang modernistikong kilusan ng mga filmmaker sa pagtuklas ng sari-saring posibilidad sa midyum ng pelikula na kaiba sa kumbensyon ng pelikulang komersiyal. (De Ocampo 17). Naipamalas sa pormulasyon ng ideyang avant-grande sa pelikula ang maagang pagkamulat sa limitadong potensyal ng midyum pampelikula. Napabantog ang baguhang pangalan na Kidlat Tahimik sa pelikulang Mababangong Bangungot (Perfumed Nightmares) noong 1977 na lumikha ng ingay lalo nang magwagi ng International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival. Dumaluyong ang kanluraning estetika ng ideyang art film at naibandila ang eksperimental, abstrakto at malaswang tipo ng panoorin upang mapagtakpan at pansamantalang makalimutan ang mga panlipunang kapansanan at pambansang paniniil. Sa panahong iyon na ambisyosong itinatayo ng diktaduryang rehimen ang kanyang “Bagong Lipunan”. Itinayo ang Experimental Cinema of the Philippines (ECP) ng diktaduryang Marcos noong 1982 upang hindi lubusang malantad ang panunupil nito. Nagpondo ito ng mga pelikulang de-kalidad, at mga obrang ibinunga ay gamit na pantapal sa mga pilat ng panunupil sa industriya. (“Ang Pelikula sa Lipunang Filipino” Lumbera 59). Pinasimulan ng ECP ang pagtatayo ng mga arkibong pampelikula para sa lokal na industriya, naipakilala ang sensura sa porma ng “film rating” at itinaguyod ang alternatibong pelikula.

Naipamana ng ECP ang mga obrang Oro Plata Mata (1982) ni Peque Gallaga, Himala (1982) ni Ishamael Bernal, Misteryo sa Tuwa (1984) ni Abbo de la Cruz at Soltero (1984) ni Pio de Castro III. Nagpanibagong-hubog sa porma at paghahain ng bagong panlasang pang-estetika ang mga pelikula na nagbihis naman sa katawagang “alternatibo” na sinasabing malaki ang naging igpaw sa larangan ng kasiningan kung ihahalintulad sa pelikulang komersiyal (Reyes 8). Sa pamamayani ng mga kalakarang virtual gaya ng internet at iba pang teknolohiyang digital kasabay ng pagtindi ng mga sensitibong isyung panlipunan na naging potensyal na paksa ng mga baguhang filmmaker, penomenal na sumulpot ang mga festival sa lokal at internasyunal na arena na nagtakda ng bagong pamantayan sa pagsasapelikula na tinawag na “independent films” at naideklara na gintong panahon ng alternatibong pelikula ang dekada ‘90. Tumataas taon-taon ang pampublikong interes sa indie film lalo sa hanay ng gitnang-uring mamamayan at mga akademista na pangunahing tumatangkilik batay sa prinsipyo ng popularidad at petiburges. Pinanday ang bagong mukha ng independent filmmaking sa imbitasyon ng mga kapitalista na sinakyan ang init ng gitnang-uring aspirasyon para sa pangako ng kalayaan sa kapwa porma at nilalaman na bumabaklas sa karaniwang tipo ng komersyalisadong pelikula ng mainstream. Itinatag ang Cinemalaya Film Festival noong 2005 na may ganitong deklarasyon: “Cinemalaya Philippine Independent Film Festival is a film competition and festival that aims to encourage the creation of new cinematic works by Filipino filmmakers – works that boldly articulate and freely interpret the Filipino experience with fresh insight and artistic integrity…” (2009) Kapansin-pansin na taon-taon ay matagumpay na nakapagpapamalas ng varyasyon ng panlasang artistiko ang mga lahok na pelikula sa nasabing festival. Ngunit, ang pinakamalaking hamon dito na makatakas sa anino ng kapitalistang pamantayan at pangako ng mapagpalayang oryentasyon ng progresibong sipat sa lipunan ay

Page 3: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

36

JONATHAN VERGARA GERONIMO

higit pang pinababaw ng abstraksyon at binigo ang manonood sa aliw ng pagtakas/eskapismo. Sinang-ayunan ang ganitong ideya ng huwad na kalayaan sa espasyo ng Pinoy indie sa nosyon ng artikulong “Politikal na Filmmaking,”na ang tunay na indie filmmaking ay hindi umaasa sa film festival circuit at basbas ng institusyong kultural para makagawa ng pelikula, ang politikal na kolektibong pampelikula ang nagpapaiba sa moda ng produksyon at resepsyon ng pelikula (Tolentino, 2009). Sa obserbasyon naman sa artikulong “Mula Indio Hanggang Indie: Kakaibang Kaindiehan ni Eulalio R. Guieb, Jr., bihirang makapanood ng indie films na may malinaw, lapat-sa-lupa at alternatibong kamalayang politikal kung kaya’t masasabi na hindi alternatibo ang diskurso ng kalakhan sa binabansagang pelikulang indie (2011). Bagaman sang-ayon kina Tolentino at Guieb na hindi pa natatamo ang ganap na paglaya ng indie film sa bansa, masasabing may pagsusumikap naman itong umigpaw sa ilang katangiang kinasanayan sa mainstream. Ang bahagyang paglaya sa porma at nilalaman na idinidikta ng mga kapitalistang produksyon at hayagang pagsipat ng lente sa aktwal na kalagayang panlipunan ay ilan lamang sa matingkad na pagtatangka sa kalakaran ng Pinoy indie film na bumaklas sa tradisyon ng mainstream. Sa ganitong pagdodokumento ng awtentikong materyal na hango sa aktwal na panlipunang set-ap, nabubuksan ang panibagong potensyal ng kalakarang ito sa anggulo ng pag-aambag ng mga Pinoy indie film sa pagsusulong ng wikang Filipino. Ang pagkukulang na malalimang busisiin ang politikal na konteksto sa kasalukuyang Pinoy indie film ay maaaring pansamantalang punan ng kritikal na pagsusuri ng mga manonood sa ibang potensyal na perspektiba nito. Ang wika bilang diskurso ng lipunang Pilipino at matingkad na gamit sa Pinoy indie film ay posibleng makatugon sa kahingiang ito. Binigyang-diin ni Jose, ang wika ay isa lamang sa mga instrumentong ginagamit sa pagpapalaya. Ibigsabihin ang malayang gamit ng Filipino sa pelikula ay munting ambag lamang sa matagalang adhikain ng pagpapalaya (56).

Ngunit gaya ng ibinubukas na posibilidad ng pahayag na ito, sinasabing maaaring magsisilbing instrumento ang wikang Filipino sa nasyunalisasyon/pagsasabansa ng mahahalagang larangang pambansa na panimulang hakbang sa malaong katuparan ng kahingiang politikal sa kalakaran ng paglikha ng indie film sa bansa. Ang pagsasabansa bilang panawagang ibalik ang kapangyarihan sa sambayanan sa pamamagitan ng nasyunalistang larangan ng politika, ekonomiya at kultura ay mahalagang mekanismo sa pagtatamo ng isang tunay na malayang lipunan para sa lahat. Kung lalagumin ang naging depenisyon ng Pinoy indie sa kasaysayan, makikita na nakaugat sa hangarin ng paglaya ang panig ng mga manlilikha nito. Paglaya sa dikta ng malalaking produksyong komersyal, paglaya sa kumbensyunal na porma ng paglalahad at paglaya para sa indibidwalistikong ekspresyon. Bagaman katotohanang hindi tahasang tinutugon ng umiiral na kalakarang ito ang hamon at tunguhing maging alternatibo tungo sa kolektibong identidad na mapagpalaya, may pagtatangka namang magluwal ito ng ilang panimulang potensyal. Sa ganitong mga kabatiran ukol sa depekto ng isang lumalaganap na kalakarang pangkultura sa bansa, mahalaga ang papel na ginagampanan ng akademya sa pangunguna ng mga mapanuring guro na makapagtasa sa itinatakbo ng namamayaning kilusang pansining. Ang kapwa guro at sining na may malaking impluwensya sa pagpanday ng makabayang kamalayan ng ating mga mag-aaral. Sa ating pagiging malikhain at mapanuring pag-iisip, magagawa nating balangkasin ang mga kahinaan ng isang materyal upang bumuo ng positibong silbi at makabuluhang gamit sa ating krusada para sa pagsasabansa- ang panimulang manipestasyon sa sumusulong na wikang Filipino at pambansang identidad sa larangan ng Pinoy indie na munting binhi sa pagsibol ng pambansang pagpapalaya.

Page 4: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

37

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Pinilakang Pisara: Potensyal ng Pelikulang Indie sa Pagtuturo ng Varyati ng Wika at Diskursong Panlipunan Malalim ang relatibong ugnayan ng edukasyon at pelikula bilang makapangyarihang larangan sa paghubog ng kaisipan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ayon na rin kay Remollino, “Education is one of the most powerful tools for the molding of minds.” (9) Maaaring sabihin na may malaking epekto ang mapagpalayang edukasyon sa paglikha ng mapagpalayang pelikula. Hindi maitatanggi na kapwa nagtataglay ng pananaw sa paghubog ng pambansang kasaysayan ng isang lahi ang pelikula at edukasyon sa katangian ng akademya. Binigyang-kahulugan ang pelikula ni Lumbera na isang kulturang nagtataglay ng salik na minsa’y makabayan at kung minsan nama’y kolonyal samantala, ang akademya ay itinuturing na isa sa makapangyarihang pwersa na nagtatatak sa pelikulang Filipino (“Ang Pelikula sa Lipunang Filipino” 62). Kung susuriin ang inihahatag na ugnayan ni Lumbera, mababalangkas ang ideya na ang edukasyon at pelikula ay nagtataglay ng pananaw na kapwa hinubog sa pangkasaysayang danas nito, mula sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyang kalakaran ng neoliberalismo at panliligalig ng globalisasyon. Sa ganitong kaayusan mapatutunayan ang obserbasyon ni Rolando Tolentino, integral ang kolonialisasyon ng Pilipinas sa transformasyon ng tunguhin ng pelikula [maging ng akademya]. (2010) Sa patuloy na siklong ito ng pakikipagtunggali ng pelikula at akademya sa kolonyal na kamalayan at adhikain ng nyutralisasyon nito, mahigpit na maimumungkahi ang pagsasanib ng dalawang larangan sa pagsusulong ng kolektibong tunguhing pambansa higit sa aspekto ng pagsusulong ng pagsasabansa bilang pangunahing hakbang at ambag sa matalagang proseso ng pagpapalaya sa indie film sa bansa at lipunang Pilipino sa kalakhan. Nilalayon ng pambansang kurikulum sa Filipino sa buong kapuluan ang pagtuturo ng

wika sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo upang magamit sa realidad at pagtatamo ng pambansang kamalayan. Gayundin, inaasahan ang kalinangan ng mga makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan sa kritikal na pagsusuri at pagpapahalagang pangkultura. Bagaman, may malinaw na layunin ang kurikulum ay hindi naman maitatanggi ang malawak na pagkakanya-kanya sa implementasyon at walang malinaw na tunguhing pambansa. Batay na rin sa pagususri ni Lumbera: “Ang Akademya, bagama(t)n namamalayan ang pag-iral nito sa mga institusyon ng mataas na edukasyon, ay walang tinig at walang iisang tunguhin” (“Ang Pelikula sa Lipunang Pilipino” 62). Kung mapagsasanib ang dalawang disiplina sa akademya ay epektibo nitong mapapalakas ang identidad ng pagiging Pilipinong mag-aaral at proyekto ng pagsasabansa ng mga indie film na umaayon sa diktum ng pagiging malaya at mapagpalaya sa karanasang Pilipino. Hindi na bagong materyal sa pagtuturo ng Araling Filipino ang pelikula, ngunit sa aking obserbasyon at karanasan ay marami pa ring alinlangan at reserbasyon ang mga guro na gamitin ang indie film kapalit ng tradisyunal na censored at komersyalisadong mainstream. Gayundin, may kababawan pang ginagamit ang pelikula sa bukod na gawain ng tematikong pagsusuri, pagbubuod ng pangyayari at repleksyon sa mensahe. Samantalang bihirang magamit ang sining sa pagtuturo ng mga konsepto ukol sa wika, kung mayroon man, nakatali lamang sa teknikal na pagkakagamit ng wika sa pelikula at kaantasan nito. Kailangang lutasin ang ganitong mababaw na pagbubukod ng papel ng sining pelikula sa pagsusulong ng wika at pagkabansa sa pagtuturo, “…nararapat lamang na ang nalilikhang kultura at panitikan [gaya ng pelikula] ng mga kilusan, grupo at indibidwal na mapagbago at mapagbalikwas sa ating lipunan ay magkapuwang din sa mga silid ng akademya at iskwelahan” (Atienza at Tangco 265)

Page 5: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

38

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Kaalinsabay ng paglalatag sa prinsipyo ng Pinoy indie at pagpapalitaw ng realistikong naratibo at lunan nito, nagagawang pataasin ang eksperimental na dating/impact ng isang indie film na magbubukas sa posibilidad ng sari-saring estilo at pagdodokumento ng awtentikong lipunan na papanig sa makapangyarihang wika na magpapalitaw sa kolektibong danas, sosyolinggwistikong pananaw at politikal na potensyal sa panlipunang diskurso. Malinaw sa ganitong estado ng paggamit ng wika sa kalakarang indie ang pagsulpot ng iba-ibang teknik sa pagtuturo ng mga aralin na may kaugnayan sa diskurso at komunikasyong Filipino, gaya ng pagsusuri sa mga varayti ng wika sa awtentikong sitwasyong panlipunan na itinatampok sa Pinoy indie. Ipinaliwanag ni Constantino, “ang wika ay isang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nililinaw na mahalaga

ito hindi lamang sa indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang kinabibilangan” (61). Sa ganyang paglalahad, nililinaw ang kahalagahan ng awtentikong biswalisasyon ng mag-aaral sa realistikong papel ng wika at indibidwal nitong tungkulin bilang entidad ng lipunan. Mahalaga ang malinaw na pagsasalin ng akademikong konsepto ng varayti ng wika sa proseso ng reyalisasyon sa mga ideya at teorya na posibleng mag-udyok sa makabuluhang partisipasyon nito sa lipunang kanyang nasasaksihan sa iskrin. Ang talakayan sa mahahalagang konsepto, dimensyon at teorya sa pag-aaral ng mga varayti ng wika sa Filipino ay epektibong maisasagawa sa tulong ng materyal na Pinoy indie na kalakhang ginagamit ang wika sa naturalistikong paraan at lumilinang hindi lamang sa kakayahang komunikatibo bagkus kasabay na pinalalakas ang kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa kultura at lipunan.

Tumbukang Pag-unawa at Paglikha: Mungkahing Balangkas sa Pagtuturo ng Varayti ng Wika at Diskursong Panlipunan Gamit ang Pelikulang Indie

Tinatalakay sa itaas ang mungkahing balangkas sa paggamit ng indie film sa pagtuturo ng varayti ng wika at diskursong panlipunan na magkasabay na tinatalakay sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Inilalatag sa ganitong konsepto ang magkasanib na pagpapalakas ng akademiko at panlipunang kamalayan ng mga

mag-aaral na magreresulta sa malikhaing paglalapat ng adhikaing pagsasabansa ng akademya at sining. Bago isagawa ang aktwal na pagtuturo, masinop na isagawa ang pagpili ng pelikulang gagamitin batay sa mga sumusunod na pamantayan: 1) Angkop na nagtataglay ang materyal ng naturalistikong pagdodokumento sa

Pelikulang Pinoy

Indie

Pagsusuri sa Varayti ng Wika sa Pelikula

(Kahulugan,

Dimensyon at Teorya)

Pagsusuri sa Panlipunang

Diskurso sa Pelikula (Ekonomikal,

Politikal at Kultural)

Maikling Pelikulang ukol sa Panlipunang Papel ng

Wikang Filipino

Page 6: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

39

JONATHAN VERGARA GERONIMO

paggamit ng wika; 2) may potensyal na mapalitaw ang mga varayti at varyasyon ng wika at mapatingkad ang mga teorya nito; 3) nagtataglay ng temang may kaugnayang panlipunan; 4) may katangiang maging alternatibo o kahit may pagtatangka sa tipo ang pelikula na sumasalamin sa pambansang kalagayan at kamalayang mapagpalaya.

Sa pagpapakahulugan ni Valerio, ang

tunay na alternatibong pelikula ay isang sandata sa paglaya mula sa kanluraning gahum (15). Sa ganitong pananaw, marapat na sipatin at suriin na ang pagiging malaya ng isang pelikula ay hindi lamang nakakulong sa kuwadradong paninindigan nitong bumaklas sa komersyalisadong dikta ng mainstream, hindi rin natatapos sa abanteng persepsyon sa kumbensyon at elemento ng estetika sa paglikha, bagkus ang pagiging malaya sa konteksto ng indie film ay ang pagbuo nito ng katutubong panlasa na nakasalig sa itinatakbo ng pambansang kultura, politika at ekonomiyang nagpapabagsak sa kanluraning dominasyon/paghahari.

Sa aktwal na pagtuturo, iminumungkahing pasimulan ang talakayan sa panonood ng napiling indie film, bigyan ng gabay ang mga mag-aaral ukol sa mga aspekto ng pelikulang kailangan nilang bigyang-pansin partikular ang gamit ng wika at sosyo-sitwasyunal na implikasyon nito. Bigyang-diin din ang pagtatala ng mga isyung panlipunan na matatagpuan sa pelikula at ang potensyal nitong maging alternatibo at katangiang mapagpalaya batay sa inilahad na konsepto ni Valerio. Mungkahing magsagawa ng pagrerekord ang mga mag-aaral sa mga piling diyalogo at isadokumento ang mga bahagi ng pelikula para masipi bilang batayan sa isasagawang pagsusuri. Matapos ang unang araw ng panonood at indibidwal na pagsusuri, hatiin sa mga pangkat ang klase para sa kolaboratibong pagsusuri. Bilang preliminaryong gawain ng bawat pangkat, talakayin nang pahapyaw ang kaligiran ng indie film na nakapokus tema, istorya at reaksyon ng

bawat kasapi sa kabuuang disenyo ng pelikula. Sa pagpalaot ng mga mag-aaral sa mahalagang bahagi ng pagsusuri, ipasuri ang mahahalagang konsepto, teorya at dimensyon ng varayti ng wika na matatagpuan sa pelikula. Gayundin, ang impact ng wika sa paglikha ng mga sitwasyong panlipunan at pag-unawa sa iba’t ibang diskurso nito parikular ang politikal, ekonomikal at kultural na isyu sa pelikula. Magkakasabay na nangyayari sa yugtong ito ang tumbukang pagsusuri. Mahalagang maging tulay sa pagsusuri ang replektibong pagtatasa ng mga mag-aaral sa sarili nilang karanasan, pananaw at reaksyon na tutungo sa sari-saring realisasyon ng pangkat ukol sa kaayusang panlipunan na kanilang natunghayan sa kabuuan ng pelikula. Tumutugon ang konseptong ito sa pananaw ni Tolentino (2004), “…sa pamamagitan ng kritikal na pagkatuto, kinakailangan nagkakaroon ng ngalan ang mga karanasan, nagkakaroon ng kabuuan ang artikulasyon ng historikal at pang-araw-araw.” Hayaang makapag-ugnay ang mga mag-aaral sa kanilang mga sariling pagtingin, pagsusuri at pagtitimbang sa mga kawalan at kalabisan na kanilang nasaksihan sa pelikula tungo sa konstruksyon ng lipunang nais nilang baguhin. Sa katapusan ng talakayan, pagpapasyahan ng mga mag-aaral sa talakayan ang pagiging alternatibo at potensyal sa pagpapalaya ng pelikula bilang biswalisasyon sa sarili nilang paglikha ng malikhaing awtput.Magsasagawa ng pag-uulat ang bawat kinatawan ng pangkat ukol sa kanilang ginawang pagsusuri at talakayan. Ilalatag din ng kinatawan sa klase ang disenyo ng kanilang pangkat sa lilikhaing maikling pelikula na nagbibigay-diin sa makabuluhang papel ng wika sa pagpapatingkad ng panlipunang kalagayan at krisis na nais nilang baguhin. Sa ganitong proseso naitatampok ang magkasanib na pagpapahalaga ng akademya at sining sa adhikain ng pagsasabansa nito. Alinsunod ang mungkahing gawain na ito sa pananaw ni Hornedo na ang pagtatanghal/perpormatibo ang pinakamataas na pagpapahalaga, gayundin ay hindi ganap ang sining kapag hindi nabibigyang-buay (24).

Page 7: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

40

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Pelikulang Tribu: Paglalapat ng Mungkahing Balangkas sa Pagtuturo ng Varayti ng Wika at Diskursong Panlipunan Gamit ang Pelikulang Indie

Sari-saring karakterisasyon ng wikang

Filipino ang itinatanghal sa mga Pinoy indie na may nakapaloob na rasyunal sa pagtatampok ng realidad at politisasyon ng pagkakagamit nito sa layunin ng malayang diskurso at sentral na paghahatid ng kabuluhan at buhay sa naturalistikong pagsasapelikula.

Batay sa mga itinakdang pamantayan,

napili ang pelikulang Tribu (2007) na maging pokus na pagsusuri gamit ang mungkahing balangkas sa pagtuturo na inilatag sa papel na ito. Ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na naging lahok at itinanghal na Pinakamahusay na Pelikula sa Cinemalaya noong 2007 ay kinilala dahil na rin sa pagtatangka nitong maging matapat at masinop sa realistikong paglalarawan sa mga posibilidad ng aktwal na kalakaran ng partikular na lipunang itinatampok nito. Tinatalakay sa pelikula ang panlipunang tema ukol matingkad na imahe ng mga kabataang Tondo na nasasangkot sa pagkakabuo ng mga ‘gang’ bilang subkulturang konsepto ng kapatiran, bisyo, gawi at kapangyarihan sa teritoryo. Sentrong tampok sa pelikula ang kuwento ng mga kabataang

kasapi ng tatlong malalaking gang sa Tondo (ang SDT, Touch Angel at Diablo San Romano). Ang kanilang namamayaning kultura sa gilid-gilid na eskinita ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang pagkakaisa (sa pamamagitan ng sining ng rap, inuman, droga, ritwal sa rekrutment, seks at paggawa ng sandata). Mga eskinita rin na kung minsa’y madugong pandayan ng kanilang tibay at tapang na sinusukat ng pamantayang pumatay at mamatay para pangalagaan ang bawat kasapi ng grupo. Tinangkang isabuhay sa pelikula ang loob at labas ng pagkataong nabubuo sa isang kasapi ng gang bilang kapatid ng grupong kinabibilangan at ordinaryong kasapi ng kanyang pamilya at lipunan sa kabuuan. Sa pagkamatay ni Totoy Turat na kasapi ng SDT gang at ang paghahangad ng grupo nito ng hustisya sa pamamagitan ng isang madugong rambol, nangyari ang pinakamasidhing yugto ng pelikula na naglalagom sa katwiran at kabuluhan ng tunay na kapatiran na walang iwanan, matira ang matibay, patay kung patay. Sa kabuuan, ang pelikula sa tipo ng pinagsanib na dokumentaryong sosyal at teknolohiyang digital, mabisang nailatag at natamo ang pangako ng pelikula na ihatid tayo sa dilim, ingay, gulo, panulaan, karahasan at depresibong katayuan ng Tondo na kinakatawan din ng kawalang katarungang lipunan sa kabuuan.

Talahanayan 1 - Lagom ng Pagsusuri sa Pelikulang ‘Tribu’

Sitwasyon at siniping dayalogo sa pelikula

Varayti ng Wika (Konsepto, dimensyon at

teorya)

Panlipunang Diskurso (Implikasyong kultural, politikal, ekonomikal)

D1. “Ah, lumalaban, nag-iinarte… arte mo ah, wala pang nakakahawak sa’yo, pa-virgin effect yata ito eh”-Babaeng lider ng iniation ng Touch Angel (Reaksyon sa babaeng nakasalang sa initiation)

Idyolek/Estilo Dimensyong Sosyal Konsepto ng Varyabilidad

Kultural/Politikal

D2. Mabuti pa magsanay na kayong magpaypay ng abaniko dahil kapag kayo ay naputulan, pasensyahan tayo,kung hindi nyo na mapapanood ang paborito nyong telenobela” –

Sosyolek Dimensyong Sosyal Teoryang Sosyolinggwistiks

Ekonomikal

Page 8: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

41

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Empleyado ng Meralco (Reaksyon ng pagkainis sa mga nagrereklamong residente ukol sa mataas na kuryente) D3. “Ang buhay na ito’y ay talagang sa utang at sa utang tayo laging nabubuhay, ay talagang ganyan ang ating bayan, kaya tayo’y sumusulong sa pambansang utang” -Matandang tindero ng ‘pagpag’(Komentaryo sa mga mahilig mangutang sa kanyang tindahan)

Idyolek/Moda Dimensyong Sosyal Teoryang Sosyolinggwistiks

Politikal/Ekonomikal

D4. “E Nay, gusto ko sanang maging arkitekto kaya lang wala tayong pammatrikula” – Gege (kasapi ng SDT, tugon sa tanong ng kanyang Nanay ukol mga plano sa buhay)

Idyolek/Moda Dimensyong Sosyal Teoryang Deficit-Hypotesis

Ekonomikal

D5. “…pasisikatin ka at bibigyan ka ng kontrata basta isusuot mo ang barong na may kurbata…Paglalabas ng album puro naman bwak, maglalabas ulit pare ‘wag na lang” – freestyle rapper ng Diablo San Romano (Pagpuna sa mga mainstream rapper)

Idyolek/Sosyolek Dimensyong Sosyal Teorya ng Akomodasyon

Kultural/Politikal

D6. “Tignan mo ‘yang anak mo, dumating lang saglit,sumubo, hindi pa nag-iinit ang puwet, dumali na naman” – Tatay ni Makoy (Komentaryo ng Tatay sa pag-alis ni Makoy sa hapag kainan)

Idyolek/Estilo Dimesyong Sosyal Teoryang Sosyolinggwistiks

Kultural

D7. “Putang ina pumatay kay Totoy Turat aming ililigpit, tangna bumalik na kayo sa inyong pinagkaputahan… Lahat ng pumatay ay iiwang may saksak. Tang ina nyo ‘wag sa amin magpapakita… Tangna”– freestyle rapper ng SDT (Pagpapahayag ng galit at babala ng SDT sa pumatay sa kasamahang si Totoy Turat)

Sosyolek/Idyolek Dimensyong Sosyal Teorya ng Akomodasyon/Sosyolinggwistiks

Kultural/Politikal

D8. Hindi sa hindi kami tutulong, di nangangahulugang hindi kami sumusuporta sa inyo” – Lider ng Touch Angels (Pagbibigay ng mga gamit/sandata sa paglusob bilang suporta)

Moda Dimensyong Sosyal Teoryang Sosyolinggwistiks

Kultural/Politikal

D9.“Kung pwede sana ika’y makasama, aking panalangin tangi kong pangarap, pinilit kong ‘wag dumikit sa iyo ay ‘wag mapalapit, kahit hindi ko maiwasang

Standard na wika/Moda Dimensyong Sosyal Konsepto ng Varyabilidad/Teorya ng

Kultural

Page 9: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

42

JONATHAN VERGARA GERONIMO

tingin mong kay lagkit ” – grupo ng rapper ng SDT at Touch Angel (Awitin na may mensahe ng pag-ibig)

Akomodasyon

D10.“Makinig kayo ha, ayoko ng may kasamang takot, baka mamaya kakalog-kalog yung bayag nyo kayo pa ang magpahamak sakin, ngayon kung sinong gustong umuwi sa inyo, umuwi na, laban nang patayan ‘to” “Tang ina nyo para kay Turat ‘to” Makoy (kasapi ng SDT, panawagan sa huling pulong ng kasapian bago nangyari ang rambol)

Idyolek/Sosyolek/Estilo Dimensyong Sosyal Teoryang Sosyolinggwistiks

Politikal

Ang talahanayan sa itaas ay lagom ng isinagawang pagsusuri gamit ang mungkahing balangkas sa pagtuturo ng varayti ng wika at diskursong panlipunan gamit ang indie film. Sa unang kolum, inilalahad ang mga piling makabuluhang dayalogo at sitwasyon na sinipi at hinalaw mula sa pelikulang Tribu upang maging batayan at katibayan sa pagsusuri. Sa ikalawang kolum naman, inilalahad ang mahahalagang konsepto, uri, dimensyon at teorya ng varayti ng wika na matingkad na matatagpuan sa mga napiling dayalogo at konteksto ng pagkakagamit sa sitwasyon. Samantala, sa ikatlong kolum naman matatagpuan ang panlipunang dikurso na masusuri sa mga napiling dayalogo na may kolum/impact sa tatlong mahahalagang aspektong kultural, politikal at ekonomikal. Masusuri na ang idyolek bilang uri ng varayti ang pinakamadalas na taglay ng mga dayalogo, ang paraan ng paggamit ng mga tauhan sa wika ay may varyasyong bunga ng kanilang personal at tipikal na pagkakabuo ng pahayag na nagpapagaan sa mensahe at kahulugang nakabatay sa konteksto. Ang ganitong gaan ay mababanghay sa anyo halimbawa ng paggamit ng Taglish na code switching (D1, pa-virgin effect) at mixed switching (D5, album na puro naman bwak). Mabisa ring nagamit ang matulaing paraan bilang kakayanhang personal sa wika sa pagsasalin ng intensipikadong kahulugan (D3) at kumbersasyunal na paraan na maraming

pagkakataong ginamit para sa karaniwang pagkakabuo ng mga pahayag alinsunod sa sitwasyong kaswal (D4, D6, D7 at D10). Kapansin-pansin din ang varayti ng wika sa mga dayalogo ng pelikula na impluwensya ng panlipunang salik at diskurso ng pagpapahayag na ginamit. Sa ilang sitwasyon, mapapansin ang konsepto ng sosyolek na binibigyang-kahulugan bilang varayti ng wikang nakabatay sa lipunang ginagalawan at istatus na kaugnay sa edad, interes, pinag-aralan at iba pa. Mapapansin halimbawa ang pagpili ng salitang abaniko sa halip na pamaypay, at telenobela imbes na teleserye para sa may katandaang empleyado na pinagmulan ng pahayag (D2), ang ispesyal na lingo gaya ng salitang ‘bwak’ na may kahulugang ‘walang kwenta’ batay sa konteksto ng gumamit. Ang pagmumura bilang sangkap ng ekspresyon (D7 at D10) ay nagsisilbing identidad sa pamamaraan ng wika ng kinabibilangang pangkat. Samantala, ang moda na nagpapaiba sa pahayag batay sa paraang pasalita at pasulat ay madalas ding masusuri sa mga dayalogo. Kapansin-pansin ang maluwag na paraan ng paggamit ng mga pasalitang pahayag na walang isinasaalang-alang na kawastuhan sa pagbaybay (D4, pammatrikula) at istruktura (D3, ito’y ay at buong pahayag ng D8). Malayong-malayo ang pagkakabuo ng pasalitang pahayag na D3, D4 at D8 sa pasalitang pagpapahayag ng isinulat na awit na may kaunting pagsasaalang-alang sa

Page 10: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

43

JONATHAN VERGARA GERONIMO

tuntuning gramatikal (D9) dahil may panahon ng paghahanda sa pagbuo nito. Angkop naman ang impormal na estilo at gamit ng wika sa karamihan sa mga sitwasyon gaya ng eksena ng initiation (D1), usapan sa hapagkainan (D6) at impormal na pagpupulong ng gang (D10). Gayundin ang standard na gamit ng wikang Filipino sa awitin ay sapat lamang sa layuning pang-estetika at masining na pagpapahayag ng nararamdaman. Mapatutunayan sa mga naitalang uri ng varayti ang katangian ng dimensyong sosyal, ang pagkakalikha ng mga varayti ng wika sa mga pahayag ay masusuring bunga ng impluwensiya ng seting na lungsod, wikang urban at mga sitwasyong nalinang sa isang umiiral na kalagayang panlipunan sa pelikula, na detalyado pang tatalakayin sa mga susunod na pahina. Malaki ang potensyal na matalakay ang mahahalagang teorya ng varyasyon sa napiling pelikulang indie na Tribu. Mababalangkas ang pananaw ni Sapir ng sosyolinggwistiks sa mga pahayag na gumagamit ng wika bilang instrumento ng sosyalisasyon at mga relasyong sosyal sa umiiral na lipunan. Naitanghal sa pelikula ang ugnayang panlipunan sa pagitan ng empleyado ng Meralco at mga nagrereklamong residente (D2), matandang tindero sa suking mangungutang sa kanyang tindahan (D3) at usapan sa pagitan ng mga kasapi ng isang pamilya (D6). Pinatutunayan naman ang nosyon ni Saussure na ang wika ay umiiral lamang kung nasa loob ng isang kolektibo sa mga sitwasyong pangwika tulad ng pagmumura bilang panandang pangkultura sa gawi ng pangkat (D7), pagpapakita ng pakikiisa mula sa labas ng pangkat (D8) at pagpapakahulugan sa ideya ng kapatiran sa loob ng umiiral na pangkat (D10). Masusuri naman ang dalawang tipo ng linggwistikong pagtanggap sa Teorya ng Akomodasyon ni Giles sa paglilkha ng mga salitang sarili gaya ng ‘bwak’ (D5) at paraan ng pagpapangalan na ‘Turat’ (D7), na kapwa

nagpapakita ng indikasyon ng pagbukod at paglikha ng sariling identidad sa wika labas sa umiiral na istandard na kaayusang panlipunan na tinatawag ding Linguistic Divergence. Sa kabilang banda, masusuri rin sa mga tinukoy na halimbawa ang tipo ng Linguistic Convergence na nagpapamalas naman ng pakikiisa at pakikilahok sa paraan ng pagwiwika ng umiiral na subculture ng gang at nagkakaunawaan sa isang tiyak na pagpapakahulugan ng pakiramdam (D9). Pinatutunayan naman ang teorya ng Variability Concept sa paniniwalang penomenon ang pagkakaiba-iba ng wika sa mga pahayag na umuusbong bunga ng kumbersasyunal at espontanyong paraan sa karaniwang pakikipag-usap (D1). Gayundin, masusuri ang ideya ng teoryang ito sa katwirang pantay-pantay lang ang paggamit ng wika at hindi ito nakabatay sa antas ng pamumuhay gaya ng pormalisado at masining na paggamit ng wika sa awit at rap ng isang gang sa pelikula (D9). Bagamat ipinalalagay na sa ilang pagkakataon ay may tendesiyang makaapekto ang antas ng pagtatamo ng pormal na edukasyon sa kalidad ng paggamit ng istandard na wika, at mapapansinin ang kawalang kabihasaan halimbawa sa tamang pagbaybay ng salita gaya ng salitang ‘pammatrikula’ (D4). May matinding impact/dating ang ginamit na iba’t ibang varayti ng wika sa sinuring pelikula upang makapagpalitaw ng mga panlipunang diskurso sa aspektong kultural, politikal at ekonomikal. Naitanghal sa pelikula ang wika sa pagpapakilala ng umiiral na kultura sa loob ng kalakaran ng gang bilang isang subkulturang isinasantabi, politikal na argumento sa panlipunang imahe at ekonomikal na implikasyon sa kalagayan ng Tondo at lipunang Pilipino sa kabuuan. Wika ang ginamit na kasangkapan para ilantad ang mga isyung pangkultura at pampolitika sa pelikula bilang lente ng lipunan, halimbawa, ang de-kahong pagtingin sa babaeng kasapi ng gang sa laylayan ng pamantayan nitong patriyarkal ay nabubukas sa pagsasamantala ng katawan (D1). Ang politikal na komentaryo ng mga freestyle rapper ukol sa

Page 11: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

44

JONATHAN VERGARA GERONIMO

pamantayan ng musika sa pagkakatanikala nito sa komersyalisadong sistema ng kontrata at oryentasyon ng walang kalidad na album sa mainstream (D5). Matingkad ding binigyang-diin ang pagbura ng kasalukuyang henerasyon sa kahalagahan ng pamilya at ang simpleng hapagkainan bilang pagwiwika sa makabuluhang konsepto ng pagsasama-sama ng mga kasapi nito (D6). Ang paulit-ulit na pagmumura bilang ritwal ay nagtatampok ng kultural na pagsasanib ng loob at labas na impluwensya at nagsisilbing politikal na indibidwalistikong ekspresyon tungo sa kolektibong identidad, sa diwa man ng nagkakaisang kapatiran (D10) o sama-samang paghahangad ng hustisya (D7). Ginamit din ang wika bilang aparato sa kultura ng pakikipag-alyansa (D8) at pagpapahayag ng aspirasyon sa ideyal na pag-ibig at pangarap na kinabukasan (D9). Politikal rin ang bagaheng mensahe ng sarkastikong pagtula bilang kritisismo sa ekonomikong pormula ng pangungutang (D3), sa konteksto man ng taga-Tondo na sa ‘pagpag’ nabubuhay o sa walang pagsulong na bayang kontrol ng malalaking ahensyang multilateral sa kabuuan. Mababalangkas din ang itinatampok na prinsipyo ng katwiran at katarungan sa pananaw ng mga kasapi ng gang (D10), ang paglalapat ng katapangan, pagsandig sa sarili at kapasyahang ilagay ang katarungan sa sariling mga kamay ay produkto lamang ng kawalang-tiwala sa manhid at bulag na mga institusyon ng estado na dapat magpatupad sa katarungang panlahat. May implikasyong ekonomiko ang pagdikurso sa wikang ginamit sa pelikula. Tinatalakay halimbawa ang pangunahing suliranin sa hindi pagtatamo ng edukasyon na batayang karapatan ng bawat kabataan at nagreresulta ng mga misedukadong mamamayan (D4). Ang pagtataglay ng kapangyarihan ng isang empleyado ng Meralco laban sa mga nagrereklamong residente ay representasyonal na tunggaliang sosyo-ekonomiko rin, sa pagitan ng mga kapitalistang nanggigipit at mamamayang patuloy na nagtitiis sa bulok na serbisyo. Ngunit, matutunghayan sa pelikula na hindi laging matiisin ang mamamayan at hindi laging nasa kapitalista ang kapangyarihan, ang

ipinakitang pag-iingay ng mga residente sa anyo ng reklamo ay isang yugto ng pagkibo at potensyal ng subersyon laban sa nagsasamantala sa kanila.

Kapansin-pansin sa sinuring pelikula ang

pagkakagamit ng wikang Filipino lampas sa rasyunal na makapagpalitaw lamang ng natural at realistikong kalakarang panlipunan. Ibinubukas ng isinagawang pagsusuri ang posibilidad na tumbukang matalakay ang panlipunang diskurso at leksikal-semantikal na papel ng wika sa pelikula, tungo sa pagsusulong ng pagpapahalaga sa magkasanib na papel nito sa silid-aralan. Pinatunayan din ng isinagawang pagsusuri sa mga pelikula ang konteksto ng pagpapakahulugan sa wika bilang kasangkapang panlipunan ni Constantino na isang kasangkapang kapwa gamit sa eksploytasyon o pagsasamantala at liberasyon o pagpapalaya (62). Mapapansin ang ganitong argumento sa sari-saring paraan ng pagtatanghal sa pananaw ng pelikula gamit ang wikang Filipino at ang paglilinaw sa papel nito sa pagtatamo ng panlipunang kamalayan. Ang ganitong panlipunang kamalayan ay panimulang hakbang lamang sa mas malalimang pagdikurso sa kalagayang panlipunan na lilinang sa panawagan ng pagbalikwas sa status quo sa pamamagitan ng kongkretong pagkilos. Akademya sa Pelikula at Pelikula sa Akademya: Sanib-Puwersa sa Adhikaing Pagsasabansa Tungo sa Mapagpalayang Lipunang Pilipino

Inihain ni Valeriano, isang makabayang kritiko ng sining sa komunikasyon ang kanyang mga punto ukol sa katangiang dapat taglayin ng isang tunay na makabayan at malayang pelikulang Pilipino na inaasahan sa mga makabagong filmmaker na may hipo ng pagsasabansa: (a) Ang produksyon ay malaya sa komersyalismong gawi; (b) diretsahan man o hindi, tinatalakay o ipinakikita ng pelikula ang masamang epekto ng globalisasyon, imperyalismo at kaisipang kolonyal; at (c) higit sa lahat, ang pelikulang alternatibo ay isang

Page 12: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

45

JONATHAN VERGARA GERONIMO

instrumento tungo sa dekolonisasyon ng ating kamalayan (15). Tunay nga na isang aspekto lamang ng adhikaing pagsasabansa at pagpapalaya ng lipunan ang kilusan sa pagsusulong wikang Filipino sa Pinoy indie, ngunit ang panimulang igpaw na ito ay may malaking ambag sa tinutukoy na dekolonisasyon ng kamalayan. Gayundin, kung progresibong hihimayin sa silid-aralan ay potensyal na lilikha ito ng malalim na ugnayang sosyal na magbubunsod ng pagpapakilos sa Pilipinong mag-aaral at sambayanan. Malaki ang maitutulong ng patuloy na inbensyon ng mga pedagohiyang kritikal sa mga aralin sa wika at komunikasyon na nagsasangkot sa gawain ng pagpapahalagang kultural gaya ng pelikula, na magkasabay na nililinang ang mga inaasahang kasanayan at malalim na pag-unawa para sa pagtatamo ng makabayang paninindigan. Inilahad naman ni Jose, “Napalaki ng magagawa ng akademya sa pagpapaunlad ng Filipino bilang wika ng pagpapalaya, unang-una sa paghubog ng mga bagong tagapagpalaya ng bayan; pangalawa, sa paggamit nito sa pagtuturo…” (59). Samantala, ipinalalagay din niya na kinakailangan ang pagpapaunlad sa iba pang larangan para magkaroon ito ng kaganapan. Kaugnay rin nito ang dilema sa kilusang pagpapalaya sa industriya ng pelikula na ihinatag

ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera sa pagsasabing “Isa lamang anyong pangkultura ang pelikula, at kung mag-isa lamang ito, wala itong kakayahang magbunsod ng pagpapalaya. Nakaugnay dapat ang mapagpalayang pelikula sa isang kilusang magdadala nito sa hanay ng nakraraming mamamayan” (“Pelikula bilang Mapagpalaya” 83). Mapaghihinuha sa tinatakalay na kondisyon nina Jose at Lumbera ang pangangailangan ng pagsasanib-pwersa ng dalawang larangang panlipunan upang mapalakas ang kilusan para sa adhikaing pagsasabansa na daan sa pambansang pagpapalaya. Kinakailangang magkasabay na mapalakas ng guro ang kanyang identidad hindi lamang bilang kritiko ng pambansang kultura at intelektwal na akademista kundi dapat niyang taglayin ang pagiging progresibong mamamayan at makabayang Pilipino na tagapagsiwalat ng tunay na kalagayang panlipunan at kasaysayang Pilipino na nakikisangkot sa adyenda ng pagpapalaya sa ganid na sistema ng kapitalismo, bumabalikwas sa pambansang pagsasamantala at tumututol sa dikta ng imperyalismo at kanluraning ideya. Sa ganyan, ang pagiging artista at guro ng bayan ay napalalakas at napagkakaisa sa tunguhin ng ganap na pagpapalaya sa lipunang Pilipino.

SANGGUNIAN

Cinemalaya Foundation, Inc. About The Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. (2009):

<http://www.cinemalaya.org/about> Constantino, Pamela at Monico Atienza, mga pat. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon City: University of the Philippines Press., 2006. De Ocampo, Nick. Short Film: Emergence of a New Philippine Cinema. Manila City: Communication

Foundation for Asia., 1985. Guieb III, Eulalio “Mula Indio Hanggang Indie: Kakaibang Kaindiehan.” Yccfilmdesk blogspot 4 Disyembre

(2011): 6 pars. Online. 15 Enero 2012, < http://yccfilmdesk.blogspot.com/2011/12/critic-of-the-month-eulalio-r-gueib-iii-on.html>

Page 13: Jonathan Vergara Geronimo University of Santo Tomas · 2018. 9. 4. · makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang batayan

e

46

JONATHAN VERGARA GERONIMO

Infante, Eddie. Inside Philippine Movies 1970 – 1990: Essay for students of Philippine Cinema. Quezon City: Ateneo De Manila University Press., 1991.

Jose, Vicencio. Ang Wika ng Pagpapalaya at ang Papel ng Akademya. mga pat. Constantino, Pamela at

Monico Atienza. Quezon City: University of the Philippines Press., 2006. Lumbera, Bienvenido. Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, ang Lipunang Filipino sa Pelikula. Pat. Rosario

Torres-Yu. Manila City: University of Santo Tomas Publishing House., 2005. _________________. Pelikula bilang Mapagpalayang Sining. Pat. Rosario Torres-Yu. Manila City:

University of Santo Tomas Publishing House., 2005. _________________. Pelikula: An Essay on the Philippine Film: 1961 – 1992. Pasay City: Cultural Center

of the Philippines., 1992. Peregrino, Jovy, Pamela Constantino at Ocampo, Nilo, mga pat. Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at

Varyasyon ng Filipino. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino., 2009. Reyes, Manny. Malikhaing Pelikula: Mga Sanaysay tungkol sa Pelikulang Pilipino. Makati City: Media

Plus Publishing., 1996.

Remollino, Alexander. Philippine Education in the Neocolonial Period. Quezon City: Ibon Foundation Inc., 2007.

Tolentino, Rolando. “Politikal na Filmmaking” Bulatlat.com. 6 Setyembre (2009): 23 pars. Online. 15

Enero 2012, < http://bulatlat.com/main/2009/09/06/politikal-na-filmmaking > __________________. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng

Panitikan. Quezon City: Ateneo de Manila Press. 2010. _____________ Paghahanap ng Virtual na Identidad. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 2004. _____________ Ang Bago, Bawal, at Kasalukuyan. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 2004. Tribu. Dir. Jim Libiran. Perfs. Shielbert Manuel, Karl Eigger Balingit, Honey "Hi C" Concepcion, Malou

Crisologo, Charena Escala, Jamir Garcia, Rey Javier Guevarra, Apollo Labastida, Gilbert Lozano, Ira Marasigan, Albert Moreno at Resty Perez. 8 Glasses Productions. Cinelamaya Entry, 2007.

Valerio, Elvin. “Ang Pelikulang Bukod na Bukod: Ang Pelikulang Alternatibo bilang Mapagpalayang

Sining.” Dalumat E-Journal, Vol 1, No 1 (2010): 15-16.