33
Inihanda ni: Jella Ericka H. Cortiñas Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Jpr Filipino (1)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

BJNIKO

Citation preview

Slide 1

Inihanda ni: Jella Ericka H. CortiasTalambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Sino nga ba si Dr. Jose Rizal?

Dr. Jose Protasio Rizal Mercado Y Alonzo RealondaA.Pagsilang

1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna

2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.

3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal

4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal

Magulang1. Francisco Mercado- Ipinanganak noong Mayo 11, 1818Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San JoseLumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba.Namatay noong Enero 5, 1898.

2. Teodora Alonzo-Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa MaynilaNag-aral sa Colegio de Santa RosaMayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.Namatay noong Agosto 16, 1911B. Magkakapatid na Rizal

1. Saturnina2. Paciano3. Narcisa4. Olympia5. Lucia6. Maria7. Jose8. Concepcion/ Concha9. Josefa10. Trinidad11. Soledad

1. Ang Kabuhayan ng Pamilya

Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba.Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.

Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.

Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.

Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.

Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.

Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

B. Ang Tahanan ng mga Rizal

1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba.

2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa.

3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.

1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan

Panonood ng mga ibon.Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha.Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan

Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.

Mga Aral na Nakuha ni Pepe sa Kapaligiran

1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura.2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan.3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan at mga alamat.

1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.

2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.

3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.

Tatlong Tiyong Nakaimpluwensiya sa kanya: Bian, Laguna (elementarya) Ateneo de Manila (Bachelor en Artes) Unibersidad ng Santo Tomas(Medisina) Universidad Central de Madrid(Pilosipiya at Letras)

Mga Paaralang Pinasukan ni JoseMga Bansang Nilakbay ni Pepe Macao Hong Kong Hapon Amerika London Paris Brusels Madrid Biarritz (bakasyon) Europa BorneoNoli Me TangereEl FilibusterismoDalawang Libro na isinulat ni Rizal: - Ika- 19 ng Pebrero, 1887, pinasimulan niyang likhain ang kauna-unahang nobela na naglalantad ng pang-aabuso, kasakiman at kawalang-puso ng mga kastila.

Sa maikling panahon, naging tanyag si Rizal, ngunit nagalit ang mga Kastila sa paglilimbag sa Noli Me Tangere. Si Dr. Felipe Zamora, isa sa malapit na kaibigan ni Rizal, ay nagpayong magpalit siya ng pamamayanan. Sa kabila ng mga babalang kanyang kapatid at malalapit na kaibigan na manatili sa Europa umali pa rin siya at bumalik sa Pilipinas Noli Me Tangere- Noong 1889, inilimbag niya ang kanyang pangalawang nobel sa Ghent, Belgium. Inialay niya ito sa mga paring martir, sina Padre burgos, Gomez at Zamora. El FilibusterismoKasama ni Rizak ang kanyang kapatid, si Saturnina, noong siya ay umali patungong Hongkong upang humingi ng pahintulot sa Gobernador Eulogio Despujol para sa katahimikan ng kanyang panilya at kamag-anakan.Pag-aresto at Pagpapatapon

1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.

2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.

3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.

4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.

Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.

Dito rin natagpuan at pinakasalan ni Rizal si Josephine Bracken, isang mestiza. Ang mga Huling Oras ni Rizal

1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.2. Alas 7:00 ng umaga nagsimula siyang tumatanggap ng bisita kabilang ang mga guro, kaibigan, at pamilya

Ang Kagitingan sa Bagumbayan4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere 5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid.

6. Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.

7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko.

8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios .

9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.

11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .

12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.

13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.

14. Alas 5:30- dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.

16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.

17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.

18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.

19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.

20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.

21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.

22. Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.Karagdagan :Noli Me Tngere "huwag mo akong salinginInilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.Sa tulong ng kaniyang kaibigang si Dr. Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal ang nobela. Nailathala ang nobela noong siya ay 26 taong gulangnakahanap sina Rizal at Viola ng palimbagan sa Alemanya. Ito ay ang Berliner Buchdruckrei Action Gesslsschaft. Pinili nila ito dahil mababa ang singil-300 piso para sa 2,000 sipi ng akda.Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.El filibusterism o Ang Paghahari ng KasakimanIsang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891

Mi ultino Adios sulat na ibinigay ni rozal sa kanyang mga magulang