32
K12 SA PILIPINAS, SOLUSYON BA? Tagged with: K- 12 K12 Philippine Curriculum\ Philippine Education System Isang malaking hamon sa Administrasyong Aquino kung paano mapapaunlad at higit pang mapapataas ang antas ng edukasyon ng ating bansa kaya inilunsad nito ang K12 o karagdagang dalawang taon sa Kurikulum ng Sekundarya. Subalit ito nga ba ang sagot sa problema ng edukasyon? Tama ba ang programang ito? Sa aking pananaw, dapat pag- isipang mabuti ang programang ito

k12 Sa Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

k12 Sa Pilipinas

Citation preview

Page 1: k12 Sa Pilipinas

K12 SA PILIPINAS, SOLUSYON BA?Tagged with: K-12    K12    Philippine Curriculum\    Philippine Education System

Isang malaking hamon sa Administrasyong Aquino kung paano mapapaunlad at higit pang mapapataas ang antas ng edukasyon ng ating bansa kaya inilunsad nito ang K12 o karagdagang dalawang taon sa Kurikulum ng Sekundarya. Subalit ito nga ba ang sagot sa problema ng edukasyon? Tama ba ang programang ito?

Sa aking pananaw, dapat pag-isipang mabuti ang programang ito kung ito man ay ipapatupad at isaalang-alang ang kasalukuyang problema ng edukasyon. Maaring maganda ang programang ito subalit dapat pa ring isaalang-alang ang mga sumusunod;

1.      Budget – sapat ba ang pundo ng Department of Education upang tustusan ang

Page 2: k12 Sa Pilipinas

pangangailanganng bawat paaralan. Sa kasalukuyan ay marami pang paaralan ang nangangailangan ng mga silid aralan at ilan sa kanila ay nagkakasya na lamang sa ilalim ng puno, stage at ilang lugar na puwedeng kanlungan ng mga estudyante.

2.      Imprastraktura – karagdagang taon, karagdagang silid-aralan, ito ang problemang posibleng kaharapin ng gobyerno lalo na’t magdagdag sila ng taon sa Sekundarya.

3.      Guro – sapat ba ang guro sa bawat paaralan? Sa panahon ngayon ay marami pang mga paaralan ang nangangailangan ng mga guro na hindi mabigyan dahil na rin sa kakulangan ng pundo ng Department of Education. Kaya kung ipapatupad ito mangangailangan  muli ng karagdagang mga guro na siyang magtuturo sa dagdag na dalawang taon.

Maaring ilan lamang ito sa aspetong dapat tutukan ng Department of Education at ilang sangay ng gobyerno upang maayos na maipatupad ang K12 subalit ipatupad man ito

Page 3: k12 Sa Pilipinas

ay patuloy na sisiklab ang protesta ng mga magulang at mag-aaral na direktang maapektuhan ng programang ito.

Nakikita man ng gobyerno ang problema sa edukasyon ngunit katanungan pa rin kung tama ang solusyong K12 upang ito ay matugunan. Ano nga ba ang problema n gating edukasyon bakit patuloy at patuloy ang pagbaba ng kalidad nito sa ating bansa?

Balikan natin ang panahon na kung saan nakilala ang Pilipinas na isa tayo sa tinitingala pagdating sa edukasyon. Marami noong mga dayuhang pumupunta sa ating bansa upang mag-aral at ngayon ay unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga ito.

Ano ba ang sekreto noon, at ano ba ang kulang ngayon?

Kung ako ang tatanungin hindi solusyon ang K12 program ng Department of Education, maaring ito ay isa sa solusyon ngunit hindi pa napapanahon. Dapat silipin natin o kaya naman pakinggan ang daing ng mga

Page 4: k12 Sa Pilipinas

kabataan, mga magulang at maging mga guro upang higit na mapaganda ang kalidad ng edukasyon. Kung pagbabatayan natin ang problema sa isang silid aralan ay posibleng makuha natin ang sagot kung paano magkaroon ng de-kalidad na uri ng edukasyon.

1.      Bawasan ang pupil/student – Teacher ratio sa isang silid aralan – Higit na matutukan ng mga guro kung kukunti ang kanilang mga tinuturuan sa loob ng silid aralan. Dapat ding sundin ang 25 – 30 mag-aaral sa isang silid aralan upang mabawasan ang hirap ng mga guro sa pagtuturo at mabigyan ng atensiyon kung ano ang kakulangan ng bawat mag-aaral.

2.      Dagdagan ang Budget ng Deped – Dapat ding dagdagan ang budget ng DepEd. Bigyan ng karagdagang sahod ang mga guro at allowances na higit pa sa natatanggap ng mga sundalo. Kung nagagawa nilang magbigay ng allowances sa mga sundalo

Page 5: k12 Sa Pilipinas

bakit hindi nila maibigay sa mga guro na siyang nagsisilbing limot na bayani.

3.      Karagdagang Guro – Isa sa target n gating pamahalaan ang magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan subalit patuloy na ipinagkakait sa mga lisensiyadong guro na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring trabaho. Ilan sa kanila ay nagtratrabaho sa mga department store, retail store at ilang kompanya na walang kinalaman sa kanilang natapos na propesyon. Sayang ang ating mga guro. Sayang ang kanilang pagod sa pag-aaral kung sa ganyang trabaho lang sila masasadlak.

4.      Karagdagang Silid Aralan – Ilan ba ang tamang sukat ng isang silid aralan? Ano ba ang laman ng isang silid-aralan? Ito ang senaryo na dapat Makita n gating pamahalaan upang mamulat ang kanilang isipan na ang isang silid aralan na Conducive to Learning ay yaong malayang nakakakilos ang mga bata sa kanilang kinauupuan taliwas sa ating makikita ngayon. Mga batang

Page 6: k12 Sa Pilipinas

nagsisiksikan sa isang desk, guro na hindi makapagturo dahil sa kasasaway sa mga estudyante, at maging mga instructional materials ay wala nang mapaglagyan.

5.      Kurikulum – maganda ang adhikain ng K12 na tutukan ang Agham, Matematika at English subalit mas higit na dapat palakasin ang Kagawaran ang EPP at TLE sa elementarya at Sekundarya. Dapat itong ihiwalay sa MAKABAYAN upang mabigyan ng pansin ng mga mag-aaral at matutukan ng mga guro ang mga kasanayang dapat ituro sa isang bata. Naalala ko noong ako ay nag-aaral sa sekundarya ay kinuha ko ang asignaturang Graphic Arts at ito ay nagagamit ko hanggang sa kasalukuyan. Mula sa mano-manong pagtatak sa T-Shirt at ngayon Digital na ang aking gamit. Ang pagpapalakas sa asignaturang EPP at TLE ay higit na masasandalan ng mga mag-aaral upang maging dekalibre silang mag-aaral at magkaroon ng sariling pag-iisip na  maging responsible sa sarili nilang pamamaraan at makatayo ng mag-isa ano man ang estado

Page 7: k12 Sa Pilipinas

nya sa buhay. Sa panahon ngayon ay kailangan na ito ng mga kabataan dahil marami ngayon ang nawawala sa klase dahil na rin sa problemang pinansiyal, pamilya at personal na buhay. Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang moral ng mga mag-aaral at mabuhay ng naayon sa batas na may lakas na loob at pagmamahal sa paggawa na naayon sa misyon at bisyon ng edukasyon. Kailangan natin sa ating bansa ang mga Skilled Workers kaya dapat simulan ito sa elementarya at mas lalo pang palakasin sa sekundarya.

Ito ay ilan lamang sa dapat tutukan n gating pamahalaan upang higit na maging maganda, de-kalidad at globally competitive sistema n gating edukasyon. Kahit anong programa ng Edukasyon ang ipatupad ng pamahalaan kung hindi pa rin natutugunan ang pangangailangan ng bawat paaralan at guro ay patuloy at patuloy pa rin itong bubulusok at darating ang panahon na higit pa tayong mapag-iiwan ng mga karatig bansa natin.

Page 8: k12 Sa Pilipinas

written by:Michael A. Montuya Teachers IJose Panganiban Elementary School

Jose Panganiban East DistrictDivision of Camarines Norte

http://guroako.net/?p=29

K + 6 + 4 + 2 = K12October 12, 2010By Angel Jaurigue48Share

Isa sa pinagdedebatihan ngayon ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education (elementaryo at hayskul) sa Pilipinas. Para daw ito sa dalawang bagay. Una, para mas maging handa ang mga nag-aaral para sa kolehiyo. Pangalawa, at mas higit na rason, ay para mas handa sa mundo ng pagtratrabaho ang mga nakatapos nito

Page 9: k12 Sa Pilipinas

na hindi nagtuloy sa kolehiyo (sa anumang dahilan). Inilabas din ang mga datos na maraming maunlad na bansa na ang nagpatupad ng ganitong sistema. May isa pa akong nabasang pahayag na mayroong paaralan sa bansa na sumubok magdagdag ng isang taon sa hayskul na nakikita ng magandang resulta.

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Marahil dahil pinalaki ako ng aking mga magulang na bigyang halaga ito. At sa biyaya ng Diyos, nakatapos at nagkatrabaho. Matindi ang paniniwala ko na malaki ang kinalaman ng edukasyong nakuha ko sa pagkakatanggap ko sa trabaho at sa iba pang oportunidad na natamo sa buhay.

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Kahit pa sabihin ng iba na marami namang drop-out ang umasenso. Naging bilyonaryo pa kamo. Tulad ni Bill Gates ng Microsoft at

Page 10: k12 Sa Pilipinas

Mark Zuckerberg ng kilalang Facebook. Pero kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng drop-out umaasensong tulad nila. Dahil kung ganun e di sana wala na lang nag-aral sa paaralan. Baka sa sanlibong tumigil sa pag-aaral, isa lang doon ang aasenso. Kaya pasensya ka na lang kung naisip mong magdrop-out at nabilang ka sa siyamnaraan at siyamnapu’t siyam. (At isa pa, naniniwala akong nagtuloy sa pag-aaral ang mga nag-drop-out kahit hindi pumasok sa paaralan kaya umasenso).

Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Pero dapat ba talagang dagdagan ang taon ng pag-aaral?

Bakit hindi natin tingnan ang mga sumusunod?

1. Dahil sa naging trabaho ko dati (na hindi ko na ibibigay ang detalye), nalaman ko na sa mga pampublikong

Page 11: k12 Sa Pilipinas

paaralan sa buong bansa, marami ang nakakarating sa hayskul na hindi marunong bumasa o sumulat. At ang mas nakalulungkot na balita, mahigit sa 90% ng nasa Grade 6 ang hindi pumapasa sa High School Readiness Test (na ibinibigay para malaman kung maaaring magpatuloy ang mag-aaral sa hayskul). Dahil dito, nagkaroon ng ‘Bridge Program’ kung saan dinagdagan ng isang taon sa pagitan ng grade 6 at hayskul para sa mga mag-aaral na hindi pumasa sa test na ito. Pagdaragdag kaya ng dalawang taon ang solusyon sa problemang ganito?

2. Tanggap ng nakararami na magkaiba ang kalidad ng edukasyon sa mga pribado at pampublikong paaralan. (At maging ang mga gumagastos para sa pribadong paaralan, iba iba pa din ang kalidad. Mas mahal ang bayad, mas maganda daw ang kalidad). Hindi dahil sa mas binibigyang kong pansin ang

Page 12: k12 Sa Pilipinas

nasa pribado dahil dapat naman talagang tuunan ng pansin ang mas nakararaming nasa pampubliko, ngunit di ko maiwasang isipin kung ano ang magiging epekto ng panukalang ito sa mga pumapasok sa de kalidad na pribadong mga paaralan. Hindi ba tatagal lang ang panahon bago sila maging produktibong mamamayan ng bansa?

3. Magastos ang hakbang na ito. Sulit naman kaya? Wala tayong sobrang pera. Marami pa nga tayong utang. Nararapat na gastusan at bigyan ng hustong budget ang edukasyon pero dito ba talaga natin dapat gugulin? Dapat yatang pag-isipang mabuti ang pagkakagastusan.

4. Pag ang mga mag-aaral ang tinanong, sila ang malamang na malaki ang pagtanggi sa panukalang ito. Kung nag-aaral pa tayo, malamang ganito din ang opinyon natin. Bakit hindi natin ito

Page 13: k12 Sa Pilipinas

bigyan ng konsiderasyon sa pagpataw ng desisyon. Medyo mababaw pero hindi ba marapat lamang na huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa ‘yo?

Pero kung mag-aaral ka at…

+ humusay at naging inspirado ang iyong guro dahil mas nabigyan sila ng tamang pagsasanay (at sapat na sahod)+ mas nagkaroon ng atensyon ang iyong guro sa iyong pangangailangan dahil mas kaunti na ang bilang ng mag-aaral sa bawat klase+ nabago ang curriculum at natutunan mo ang mga bagay bagay na kailangan sa pagtratrabaho sa mas maagang edad+ mas gumanda at mas naging ligtas ang iyong paaralan (o sa wakas ay nagkaroon na ng gusali ang iyong paaralan)

…tatanggi ka ba sa ganitong pagbabago?

Page 14: k12 Sa Pilipinas

Para dalhin sa simbahan ang prusisyon, nais ko lang ipahayag na malaki ang paniniwala ko sa halaga ng edukasyon at pag-aaral pero hindi ako naniniwalang ang pagdaragdag ng taon ang unang hakbang sa paglutas ng problema sa edukasyon. Dapat naman talagang may baguhin para umunlad pero mukhang mas marami pa tayong dapat unahin. Kalidad bago bilang. Ano ang opinyon mo?

http://kuro-kuro.org/index.php/archives/2007

SULIRANIN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

-mababang kalidad

-kahirapan

-kakulangan sa silid-aralan at kagamitan

-sobrang dami ng mag-aaral

-hindi angkop ang kasanayan

Page 15: k12 Sa Pilipinas

-kakulangan sa pagka-makabayan

-komersyalismo

-kakulangan sa pondo

-mababang teknolohiya

KALUSUGAN-1995

-sa kabuuang bilang ng mga namamatay, wala pang sa kalahati nito ang napatignan sa doctor

-ratio ng mga doctor sa kabuuang populasyon 1:1016

-tayo ang nagunguna sa buong mundo sa pagpapadala ng mga nerses sa ibang bansa & pangalawa tayo sa mga doctor

-ang pangunahing sanhi ng kamatayan, lalo na sa mga bata, ay mga simpleng sakit na madaling lunasan

Page 16: k12 Sa Pilipinas

-pulmunya, sakit sa puso at sakit sa vascular system ang mga nangungunang sakit sa ating bansa, aksidente

PANDARAYUHAN- pag-alis ng mga propesyonal at mga manggagawa sa ating bansa patungong ibang bansa para magtrabaho

PANDARAYUHAN NG MGA MANGGAGAWA (Labor Export)

Mga salik ng pandarayuhan (push-pull factor)

I. Mga salik na Patulak (push factor)-kahirapan

-kaguluhan

-kawalan ng Trabaho

-pagtakas sa responsibilidad

-personal na dahilan

Page 17: k12 Sa Pilipinas

II. Mga salik a Pahila-mataas na antas ng pamumuhay

-tahimik at payapang buhay at paligid

-mataas na kita

-personal na dahilan

DATOS SA EDUKASYON

=Mula 2001-2003, bumaba ang bilang ng mga mag-aaral na nakapasok sa elementaryo

Page 18: k12 Sa Pilipinas

=6 sa 10 na Grade 1 ang nakakatapos ng Grade 6

=5 sa 10 na Grade1 ang nakapagpapatuloy ng HS, sa 5, 2 lang ang nakakatapos ng HS

=9 sa bawat 100 mag-aaral sa elementarya; 14 sa bawat 100 ng HS ay drop-out noong 2003

=Batay sa NAT noong 2004-2005, 59% ay naitalang average na grado sa elem. at

47% sa HS

FIL.-elem 61.75%

ENG.-HS 51.33%

=mababang budget for education

=”Edukasyon para sa dayuhan”

$200Mil utang sa WB BERSA(Basic Educ. Reform Agenda)

Layunin:Paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Eng., Math at Science

Page 19: k12 Sa Pilipinas

Tugon sa pangangailangan ng dayuhang mga kumpanya

Less:pagpapahalaga sa kultura, kasanayan at values aducation, at kasanayan sa pagpapaunlad ng Phil. Economic (malaki ang role ng mga graduate ng kolehiyo)

SAGOT SA SULIRANIN

Literacy:

-embodies reading ang writing

-includes ability to count, make dicisions, and to contribute to socio economic dev. (FUNCTIONAL LITERACY)

-gives people the tools, knowledge and confidence to improve their lives, participate more activities and make informed choices

Page 20: k12 Sa Pilipinas

Causes of lack of Literacy

1.lack access to education facilities2.high poverty incidence3.lack of “qualified” teachers

Solutions

1.Education must ALWAYS be on top budget2.No to privatization

low Corporations source of profit mataas in school feesinaccessible to the poor students

3.Information Campaigne to make people conscious of the need for social change, respect for human rightshttp://www.google.com.ph/#hl=tl&biw=1024&bih=645&q=SULIRANIN+NG+EDUKASYON+SA+PILIPINAS

12-taon basic na edukasyon na programa sa mga pampublikong paaralan hunhon By Maila Ager 

Page 21: k12 Sa Pilipinas

INQUIRER.net First Posted 16:41:00 2008/07/15 

Filed Under: Kongreso , Pagbabatas , Edukasyon MANILA, Pilipinas - Ang isang sapilitan pagpapatupad ng isang 12-taong pangunahing edukasyon na programa para sa mga pampublikong paaralan ay na-revived ng Kagawaran ng Edukasyon upang mapabuti ang "antas ng pag-aaral" sa bansa.

Sa panahon ng pagdinig Martes ng komite ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Edukasyon director Milagros Talino nagsiwalat na ang Pilipinas ngayon ay ang tanging bansa na may pangunahing edukasyon ng 10 taon - anim na taon sa elementarya at apat sa mataas na paaralan.

Siya inaangkin na ito ay isa sa dahilan kung bakit ang bansa ay may isang mababang antas ng pag-aaral kung ikukumpara sa ibang bansa.

"Ang isang mas bagong impormasyon kung bakit ang mga antas ng pag-aaral ay isang bit mababa sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa, ay nalaman na ito ay lamang sa Pilipinas ngayon na may 10 taon para sa mga pangunahing edukasyon," Talino Sinabi ng komite.

"Ang lahat ng iba ay may alinman sa 12 o 13 [taon ng pangunahing edukasyon] kaya ito ay isa sa mga item agenda na gusto namin na itulak sa ilalim ng aming 'edukasyon-para-sa lahat' [programa]," kanyang sinabi, pagtugon sa Parañaque Representative Roilo Golez's query .

Itinanong Golez bilang sa kung bakit, batay sa mga

Page 22: k12 Sa Pilipinas

nakaraang survey, ang Pilipinas mula sa 45 bansa, niraranggo 41 at 42 lamang sa Math at Science, ayon sa pagkakabanggit.

Eto na INQUIRER.net sa sideline ng pagdinig, Talino sinabi ang ahensiya ay itulak para sa isang sapilitan 11 o 12-taon basic na edukasyon para sa mga pampublikong paaralan alinman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isa pang taon sa elementary - pre-school level o grade 7 - o isa pang taon sa sekundaryang antas.

"Oo naman, matagal na naming agenda na mag-inirerekumenda ng 12 taon pangunahing edukasyon [Oo, ito ay naging sa ating agenda sa pinapayo na 12 taon ng pangunahing edukasyon]," kanyang sinabi.

"Kulang na kulang yung pag-aaral na nangyayari sa mga bata Ngayon [Ano ang mga anak ay pag-aaral ay hindi na sapat] kung ikukumpara natin sa mga ibang bansa kaya pagka sa mga [na dahilan kung bakit sa] internasyonal na mga pagsusulit, napag-iiwanan tayo [namin ay kaliwa sa likod], "ang kanyang sinabi.

Sa katunayan, ang kanyang sinabi, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpasimula ng isang opsyonal na mataas na paaralan ng tulay programa bago ngunit ay agad na naka down sa pamamagitan ng mga magulang dahil ito ay pagsama karagdagang gastos para sa kanilang mga anak.

"Kasi ito ay nangangahulugan Dagdag na baon, Dagdag na uniporme, pasahe kaya pampulitika naging opsyonal yung pagpapatupad kaya, nawala ng nawala [Dahil ito ay nangangahulugan ng karagdagang mga probisyon, ang

Page 23: k12 Sa Pilipinas

mga karagdagang uniporme at pamasahe kaya pampulitika, ang pagpapatupad ay naging opsyonal hanggang ito ay unti nawala]," siya sinabi.

"Kaya Ngayon, gusto naming Maging [Kaya ngayon, gusto naming ito upang maging] sapilitan para sa lahat ng tao na pumunta sa 11 o 12 taon ng pangunahing edukasyon," kanyang sinabi sa karagdagang.

Talino sinabi kahit Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay supportive ng proposal na ito na siya kahit na wanted ang mga pre-school level na kasama sa basic education ng bansa na programa.

Ngunit habang lahat ay maaaring sumang-ayon sa mungkahing ito, ang kanyang sinabi ay ito ay "pampulitika" mahirap na ituloy ito sa puntong ito.

Siya ay sinabi ang proposal ay kailangan pakongreso approval muna bago maaaring ito ay ipinatupad.