6
Kabanata 2 RESEARCH DESIGN AND METHODOLOGY Ang kabanata na ito ay naglalaman ng disenyo ng pagsasaliksik. Ipinaliliwanag sa disenyo ng pagsasaliksik ang uri ng pamamaraan upang malaman ang wasto at tamang mga detalye mula sap ag-aaral. Ang kapiligiran ng pagsasaliksik matatagpuan ang pook kung saan idadaos ang pagsasaliksik. Ang paksa ng pagsasaliksik ay ang mga napiling tagatugon sa pananaliksik. Ang pagmumulan ng datos ay ang gagamiting instrumentong pampananaliksik na syang gagamitin upang magkalap ng datos at tritment ng mga datos. Disenyong Pampananaliksik Ang ginamit ng mga mananaliksik ay ang eksperimental at deskriptib surbey na kung saan ibinatay ang mga datos na nakalap hinggil sa Kabisaan ng Power Point Presentation Sa Pagkatuto Ng Mga Mag-aaral Sa Colegio de Montalban. Ang nasabing paraan ay tutukoy sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa apat na antas ng pagtatanong (Literal Level, Interpretative Level, Critical Level and Integrative Level), mga bokabularyong salita at iba pa. Ayon kay Adanza(1995) ang deskriptib na pananaliksik ay isang simpleng paraan ng pananaliksik. Ito rin ay matipid sa oras at hindi magastos kapag isinagawa. Ang eksperimental ay isa paraan na ay nakokontrol ang takbo at kalagayan upang makamit ang hangarin sa pag- aaral. Kailangan lamang ng maingat at siguradong paggawa upang maging angkop ang resulta ng pag-aaral. Paksa ng Pag-aaral Ang mga napiling tagatugon para sa pananaliksik ay ang mga mag- aaral na nasa unang taon sa Colegio de Montalban. Mayroong limang seksyon sa unang taon. Bawat seksyon ay mayroong ibat-ibang dami ng mag-aaral. Kukuha lamang dito na tamang dami na magiging tagatugon sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng palabunutan upang malaman ang magiging paksa ng pag-aaral. Ang bawat

Kabanata 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

chapter 2

Citation preview

Kabanata 2Research Design and Methodology

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng disenyo ng pagsasaliksik. Ipinaliliwanag sa disenyo ng pagsasaliksik ang uri ng pamamaraan upang malaman ang wasto at tamang mga detalye mula sap ag-aaral. Ang kapiligiran ng pagsasaliksik matatagpuan ang pook kung saan idadaos ang pagsasaliksik. Ang paksa ng pagsasaliksik ay ang mga napiling tagatugon sa pananaliksik. Ang pagmumulan ng datos ay ang gagamiting instrumentong pampananaliksik na syang gagamitin upang magkalap ng datos at tritment ng mga datos. Disenyong Pampananaliksik

Ang ginamit ng mga mananaliksik ay ang eksperimental at deskriptib surbey na kung saan ibinatay ang mga datos na nakalap hinggil sa Kabisaan ng Power Point Presentation Sa Pagkatuto Ng Mga Mag-aaral Sa Colegio de Montalban. Ang nasabing paraan ay tutukoy sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa apat na antas ng pagtatanong (Literal Level, Interpretative Level, Critical Level and Integrative Level), mga bokabularyong salita at iba pa.

Ayon kay Adanza(1995) ang deskriptib na pananaliksik ay isang simpleng paraan ng pananaliksik. Ito rin ay matipid sa oras at hindi magastos kapag isinagawa. Ang eksperimental ay isa paraan na ay nakokontrol ang takbo at kalagayan upang makamit ang hangarin sa pag-aaral. Kailangan lamang ng maingat at siguradong paggawa upang maging angkop ang resulta ng pag-aaral.

Paksa ng Pag-aaral

Ang mga napiling tagatugon para sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral na nasa unang taon sa Colegio de Montalban.

Mayroong limang seksyon sa unang taon. Bawat seksyon ay mayroong ibat-ibang dami ng mag-aaral. Kukuha lamang dito na tamang dami na magiging tagatugon sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng palabunutan upang malaman ang magiging paksa ng pag-aaral. Ang bawat grupo ay mahahati; ang isa ay nasa eksperimental na grupo at ang isa ay nasa kontroladong grupo gamit ang iisang paraan.

Kapaligiran ng Pananaliksik

Ang Colegio de Montalban na matatagpuan sa Kasiglahan Village, Rodriguez Rizal ay itinatag noong 2004. Ang paaralan ay pinopondonhan ng munisipyo at nagsimula lamang na kakaunti ang mga guro.

Kahit na mahirap ang makapag-aral sa kolehiyo, ang pamahalan ng Montalban na humahawak sa Colegio de Montalban ay naglunsad ng scholarship para sa mga masisipag at karapat-dapat na mga mag-aaral na walang kakayahang pinansyal para makapag-aral. Sa kabilang dako kailangan magkaroon ng tuition fees upang mapanatiling nakatayo at epektibo ang paaralan.

Ang pamahaalan ng Rodriguez ay patuloy na sinusuportahan ang paaralan upang patuloy itong magbunga ng mga gradweyt na kayang sumabay sa patuloy na pagbabago sa bansa ay kayang magkaroon ng trabaho.

Figure 1.

Vicinity Map

Colegio de Montalban

Rodriguez, RizalDATA GATHERING INSTRUMENT

Ang mga instrumentong pampananaliksik ay naglalaman ng checklist na may kaukulang mga tanong upang malaman ang kaangkupan ng Power Point Presentation, Antas ng pagkakaunawa ng mga mag-aaral, tasasyon ng mga ebalwator patungkol sa Power Point Presentation para sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa Colegio de Montalban. Ang instrumentong pampananaliksik na ginamit ay ang tseklist na tanong na nasa-ayos at nabalida sa tulong ng estatistiko at gurong tagapayo bago ang pamamahagi sa mga tagtugonPROCEDURE

Ang unang ginawa ng mga mananaliksik ay makaisip at mabuo ang panukalang tesis, lumikha ng Power Point Presentation na hango sa panukalang pamagat, at mangalap ng mga pag-aaral na susuporta sa panukala ng mga mananaliksik.

Pagkatapos na ang panukalang tesis ay maaprubahan ng Komite sa Pananaliksik sa pamamagitan ng kolokyum, inobserbahan ng mga mananaliksik ang pormal na pamamaraan gaya ng pahingi ng pahintulot sa Dean ng Edukasyon upang magsagawa ng pananaliksik, paghingi ng pahintulot sa nakatakdang gurong tagapayo, tagapayo sa wika at estatistiko, gayundin sa pangulo ng target na klase sa pagdadausan ng pagsasaliksik.

Ang tseklist ng mga tanong ay sinuring mabuti at inaprubahan ng lupon. Sa lalong madaling panahon na ang panukala ay naaprubahan at ang mga pangunahing hakbang ay nasunod, ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng pamamahagi ng tseklist ng mga tanong sa mga tagatugon at mga ebalwator.

Matapos na ang mga datos ay nakalap mula sa tseklist ng mga tanong, ang mga katunayang numero ay sisiyasatin, susuriin at bibigyang kahulugan ang mga datos. ESTATISTIKONG

Para sa wastong resulta at angkop na pakahulugan, ang mga datos ay sisiyasatin at ang mga sumusunod na estatistikong pamamaraan:

1. Malaman ang impormasyon ng mag-aaral batay sa kasarian at edad, frequency distribution, percentage ranking were used.

2. Malaman at masuri ang kabisaan ng Power Point Presentation sa mga mag-aaral sa unang antas, mean were used.

3. Malaman at mabigyang kahulugan ang mga datos na nakalap, ang mga mananaliksik ay gagamit ng weighted mean at T-test.

COLEGIO DE MONTALBAN