27
Kabanata 21:Mga anyo ng Taga-Maynila Talakayan Linangin Pumili ng mga angkop na salita na naglalarawan sa Maynila sa panahon ngayon. Moderno Magulo Maingay maraming tao May malalaking gusali BALIKAN AT ISIPIN A. Isulat sa patlang ang tauhang tinutukoy ng mga sumusunod Camaroncocido 1. Bukod tanging hindi nababahala na makapasok sa dulaan Tiyo Kiko 2. Nagdikit ng mga kartel Prayle 3. Tutol sa pagtatanghal dahil ito ay masagwa at labag sa moralidad Ben Zayb 4. Umasam sa mga bayad na bilyeteng ihahandog sa pasulatan Tadeo 5. Bulaan at manloloko B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Anong uri ng libangan ang kinahuhumslingan sa Maynila sa panahon ng Kastila? Panunood ng mga dulaan 2. Bakit lalong naganyak ang mga tao na panoorin ang operatang Prnses? Magbigay ng kaisipan o Kaugaliang Pilipino kaugnay nito/ Dahil maraming magagandang dalaga. Ang mga Pilipino ay maraming bisyo pagdating sa libangan. 3. Sino si Camaroncocido? Paano niya naopatunayan na siya ay isang taong walang pakialam sa mundo? M A Y N I L A

Kabanata 21

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 21

Kabanata 21:Mga anyo ng Taga-Maynila

TalakayanLinangin

Pumili ng mga angkop na salita na naglalarawan sa Maynila sa panahon ngayon.

Moderno Magulo

Maingay maraming tao

May malalaking gusali

BALIKAN AT ISIPINA. Isulat sa patlang ang tauhang tinutukoy ng mga sumusunod

Camaroncocido 1. Bukod tanging hindi nababahala na makapasok sa dulaan Tiyo Kiko 2. Nagdikit ng mga kartel Prayle 3. Tutol sa pagtatanghal dahil ito ay masagwa at labag sa moralidad Ben Zayb 4. Umasam sa mga bayad na bilyeteng ihahandog sa pasulatan Tadeo 5. Bulaan at manloloko

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.1. Anong uri ng libangan ang kinahuhumslingan sa Maynila sa panahon ng Kastila?

Panunood ng mga dulaan2. Bakit lalong naganyak ang mga tao na panoorin ang operatang Prnses? Magbigay ng

kaisipan o Kaugaliang Pilipino kaugnay nito/ Dahil maraming magagandang dalaga. Ang mga Pilipino ay maraming bisyo pagdating sa libangan.

3. Sino si Camaroncocido? Paano niya naopatunayan na siya ay isang taong walang pakialam sa mundo?

isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Dahil hindi niya ina-alam kung anu na ang nangyayari sa dulaan.

4. May buti bang idudulot ang ganitong uri ng tao sa lipunan? Wala, dahil nagpapatunay lamang ito na ang mga tao ay sadyang walang pagmamahal sa kanyang bayan.

5. Sino naman si Tadeo? Sinu-sino ang mga Tadeo sa ating lipunan? Bulakbol siya sa pag-aaral kung kaya't ang kanyang pinakahihintay ay ang panahong walang pasok. Ang mga estudyanteng tamad sa pag-aaral.

Ano ang gagawin mo?

M A Y N I L A

Page 2: Kabanata 21

Sa tuwing magkakaroon kayo ng pagsusulit sa anumang asignatura ay laging may handing kodigo ang ilan sa inyong mga kamag-aral. Alam mo ito dahil nakikita mo sila.

Kakausapin ko sila at sasabihing masamang Gawain ito na hindi dapat ginagawa dahil parang wala ka na ring digdidad sa oras na ginawa mo ito. Sa oras na sinunod nila ang aking mga sinadi ay mapapatunayan ko na tapat silang mga estudyante.

ISABUHAYSumulat ng isang pagsusuri sa isang pelikulang napanood mo na may kaugnayan sa

moralidad.Sundin ang pormat sa ibaba.

Pamagat ng Pelikula: MagnificoMga Artistang nagsiganap: • Magnifico a.k.a. Pikoy – Jiro Manio- Ang bida sa kwento. Isang batang namulat sa kahirapan sa murang edad.• Edna – Lorna Tolentino- Ang Ina ni Pikoy na walang trabaho• Gerry – Albert Martinez- Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero• Lola Magda– Gloria Romero- Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Cancer• Helen – Isabella De Leon- Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.• Miong – Danilo Barrios- Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng ScholarshipTaon ng Pagpapalabas: 2004Uri ng Pelikula:Pang-kabataan (Drama)Mga Katangian nito: Ang pelikulang “Magnifico” ni Mario J Delos Reyes ay patungkol sa buhay ng isang batang nagngangalang Magnifico at ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa kanyang kapwa. Kung saan ang kanyang pag – ibig, pagtitiwala, pananampalataya at lakas ng loob ang nagbigay ng pag – asa sa mga taong nakapalibot sa kanya. Binigyan niya ng kulay at liwanag ang mga buhay na dating nakasadlak sa dilim at dusa.Ipinapakita sa pelikulang ito ang mga responsibilidad na inako ng isang bata kahit musmos pa lamang siya. Pati ang pagsalo niya sa mga suliraning dapat ay sa mga matatanda na lamang. Ang pelikulang ito ay nagbukas sa bagong pananaw ukol sa buhay at sa ating mundo….ito ay sa mata ng isang bata na nagsisimula pa lamang mabuksan ang isip sa tunay na kahulugan ng buhay.Mahalagang kaisipang mapupulot:Kahalagahan nito sa buhay mo:Buod: Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya ay naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship.   Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.Iyong sariling pananaw: Sa aking palagay ay bihira ang mga pelikulang gaya nitong “Magnifico”, sapagkat ito ay isang pelikulang tapat at payak na naglalayong maghatid ng pag – asa at kabutihang walang hinihintay na kapalit. Para sa akin ay tunay ngang nakaaantig ito ng damdamin dahil ang pelikulang ito ay parang hindi isang pelikula lamang, bagkus ito ay isang malaking bintana ng tunay na buhay na nabuksan sa pananaw at paniniwala ng isang musmos na bata. Kung saan ang mundo ay maaaring maging maganda at masaya sa kabila ng mga suliraning ating mga kinahaharap. Ang pelikulang ito ay kapupulutan ng maraming mga aral na tiyak na makakatulong sa bawat isa sa atin.

Kabanata 22:Ang PalabasTalakayanLinangin

Ayusin ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.

Poot

Page 3: Kabanata 21

Suklam

galit

yamot

inis

BALIKAN AT ISIPIN1. Ilarawan ang loob ng dulaan.

Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari.

2. Anu-ano ang mga nagging reaksyon ng mga manonood ng palabas? puno ng tao, naiinip na, walang libreng upuan

3. Sino ang hindi nasisiyahan sa palabas na pinanonood? Bakit ganito ang kanyang nararmdaman? Si Isagani, dahil nakita niyang magksama si Paulita at Juanito Pelaez.

4. Bakit naninibugho rin si Paulita ng mga oras na iyon? Dahil sa sinabi ni Makaraig.

5. Ano kayang mga lihim na ugnayan ang makakabakas? Ang ugnayan nila Makaraig at Pepay.

6. Bakit naging pilit lamang ang mga ngiti ni Makaraig matapos makausap si Pepay? Dahil nasa ilalim pa rin ng mga prayle ang Akademya ng Wikang Kastila.

7. Maglahad ng mga posibleng dahilan kung bakit hindi maaaring pahintulutan ng mga Kastila ang kahilingan ng mga estudyante na magkaroon ng akademya sa wikang kastila? Dahil maraming Pilipino ang maglalakas-loob na pakipag-laban sa mga Kastila dahil may edukasyon na sila.

Ano ang gagawin mo?Paano kung magpatibay ang batas na wikang English na ang gagamiting pambansa?

  Ganito na ang pagtingin ng isang pamahalaang pilit na itinutulak ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa panahon daw kasi ng globalisasyon, magiging susi raw ito ng pag-unlad ng Pilipinas. Kung marunong ka raw mag-Ingles, lahat ng oportunidad ay mapapasaiyo.Anong klaseng oportunidad naman ang naghihintay sa iyo? Basta’t kaya mong gayahin ang   accent   ng mga Amerikano, puwedeng-puwede kang makapasok sa   call center   na mataas ang suweldo. Kung mangingibang-bansa ka naman, mas madali kang makukuha sa anumang trabahong kaya mong gawin dahil alam mo ang wika ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig. Hindi bale nang magkaroon ng reputasyon ang Pilipino bilang dakilang   domestic helper   o caregiver . Ang mahalaga sa gobyerno’y siguraduhing matuto tayong mag-Ingles para makalabas ng bansa at makapagpadala ng dolyar. Lubhang kailangan ang huli para maisalba ang ating ekonomiya.

Page 4: Kabanata 21

ISABUHAYMagsagawa ng isang pakikipanayam sa mga nakakatanda tungkol sa pagkaakiba ng

Maynila noon at ngayon pagdating sa batas, kilos at asal ng mga tao.

Kabanata 23:Isang BangkayTalakayanLinangin

Piliin sa loob ng kahon ang salitang nagbibigay kahulugan sa salitang nakalimbag sa pangungusap. Titik lamang ang isulat.C. 1. Totoong hindi niya MAIKUKUBLI ang kanyang pagdaramdam sa taong iyon.B. 2. Mahal na mahal niya ang lalong NAGKALINGA sa kanya.A. 3. HINIMOK niyang sumama ang kaibigan sa kanilang kilusan.E. 4. Sobrang MAPANIIL ang mga dayuhang iyon.D. 5. Sa ginawa niyang krimen, NADUNGISAN ang kanyang mga kamay.

BALIKAN AT ISIPINSagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anu-anong mga damdamin ang umiiral sa mga tauhan sa kabanatang ito?

Simo Basili

Page 5: Kabanata 21

2. Ano ang nakapagpapaalalang lalo sa karamdaman ni Kapitan Tiyago? Amoy ng opyo.

3. Ano ang paghimok na ginagawa ni Simoun kay Basilio? Pinapili niya ito kung kinabukasan o kamatayan.

4. Bakit pinamagatang “Ang Bangkay” ang kabanatang ito? Kaninong bangkay ang tinutukoy rito? Ipaliwanag ang sagot.

Dahil halos mukhang bangkay na ang nakaratay na ginoo na inaalagaan ni Basilio. Si Kapitann Tiyago.

5. Tama ba ang pagtanaw ng utang na loob ni Basilio kay kapitan Tiyago? Bakit? Ipaliwanag ang sagot. Oo, dahil pinag-aral siya niti at inaruga at dapat lamang na alagaan niya rin ito.

6. Ipaliwanag ang kaisipang nais ipahiwatig ng huling talata ng kabanata. Ang pagtanaw ng utang na loob ay napakahalaga at dapat hindi kalimutan.

7. Lagyan ng tsek () ang patlang ng kaisipang matatgpuan sa kabanatang ito. A. Nagpakita ng malasakit si Basilio kay Kapitan Tiyago. B. Matiyagang mag-aaral si Basilio. C. nakita ni Basilio ang bangkay ni Kapitan Tiyago. D. Lalong nagulo ang isip[ ng mag-aalahas nang malaman ang tungkol sa

kasintahan. E. Hinangaan ni Basilio ang pag-iibigan nina Simoun at Maria Clara.

Ano ang gagawin mo?Nakamatayan na ng ina mo ang malaking halagang inutang niya sa tiyahin mo. Ginamit

niya ang salapi sa pagpapaopera ng kanyang lalamunan. Hininging kabayaran ng tiya mo ay ang paglilingkod mo sa kanya at mga anak.

Page 6: Kabanata 21

Tatanggapin ko ang kabayaran na iyon dahil ginamit naman ng aking ina sa kanyang kalusugan at sisikapin kong mabayaran ito ng buong-buo upang hindi na magalit ang aking tiyahin. Ipagdadasal ko rin na kung saan man ang aking ina ngayn ay magiging masaya siya sa aming magkakapatid.

ISABUHAYSumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang –

Ang pagtanaw ng utang na loob bilang bahagi ng ating kultura.Lapatan ng angkop na pamagat.

Ang Pagkilala ng Utang na LoobSa kultura ng Pilipinas ay uso ang utang na loob. Kung ang isang tao ay nagbigay ng pabor sa iyo, kailangan mong tanawin na utang na loob. Si Kulas pinatuloy si Pedro sa kanyang tahanan nang ito ay bagong salta pa lamang sa Maynila. Inaasahang tumanaw ng utang na loob si Pedro. Si Kulasa nagpuyat para sa proyekto ng mga anak ni Petra noong ang mga ito ay nasa elementarya pa lamang. Ngayong sila ay tapos na sa pag-aaral at may trabaho na, si Kulasa ay umaasa pa rin na sana ay tumanaw man lamang ng kahit na katiting na utang na loob si Petra at ang mga anak nito.

Ngayon ang tanong, dapat ba o hindi dapat tumanaw ng utang na loob? Hanggang saan ba dapat ang pagtanaw ng utang na loob?

May isang kakilala noon ang narinig kong nagsabi na ‘minsang maimbitahan ka sa isang handaan, kahit na miki lamang ang handa, tatanawin mo na itong utang na loob habambuhay’. Hindi kagaya ng mga Amerikano na kapag gumawa ka ng isang bagay na katapat ng ginawang pabor o kabutihang loob ng isang tao ay ayos na, ang mga Pilipino ay sadyang matandain sa kanilang mga itinulong. Sadyang umaasa ang karamihan sa mga Pilipino na gantihan ang kanilang mga mabubuting nagawa.

Isa ring tao ang naringgan ko na nagsabi na ‘bakit pa raw binabanggit ang mga naitulong’? Iba naman ang sitwasyong ito. Ang tao kasing ito ay narinig na nagkwento ng kanyang mga diskarte kaya nakapagtapos sa pag-aaral ang mga anak. Hindi ito nagustuhan ng nakarinig na anak ng taong siyang nagpaaral, sumuporta at umalalay sa kanyang mga anak. Hindi natiis ng anak ng taong totoong tumulong nang malaki sa kanyang mga anak at ito ay sumagot. Nagkaroon ng pagtatalo at naghihinakit ang taong ‘dumiskarte para sa mga anak’ pati na ang mga anak nito.

Sa aking palagay, ang pagbanggit sa mga naitulong ng isang tao ay mahalaga. Kung ang isang aklat nga e may acknowledgment, ganoon din dapat ang isang taong tinulungan. Mahalaga ang pasasalamat sa kahit anong paraan. Mas maganda pa nga kung ang pasasalamat ay ipinapakita sa mga gawa at hindi sa mga matatamis na salita. Sapat na ang mga ito bilang pagtanaw ng utang na loob.

Ayaw ng iba ang isinusumbat ang mga naitulong. Tama sa isang banda. Dahil kung ang isang tao ay tutulong, ito ay dapat gawin ng kusa at hindi umaasa ng anumang kapalit. Ngunit sa isang banda naman, mahalaga na balikan ang mga taong tumulong at ipadama ang pasasalamat, hindi man sa materyal na bagay o sa pera, kung hindi sa pagmamahal at sa respetong nararapat lamang ibigay.

Nararapat na tandaan na sa paglakad sa kalyeng tinahak patungo sa tagumpay ay may mga taong karamay at katulong. Hindi kailanman kinakayang mag-isa ng kahit na sino ang pagtahak sa tagumpay.

Page 7: Kabanata 21

Kabanata 24:Mga PangarapTalakayanLinangin

Bumuo ng mga salita na nagbibigay kaisipan sa salitang PAG-IBIG. Maaaring gamitin ang mga titik sa unahan, gitna o hulihan ng salita.

P agmamahal

A lindog

G abay

Pag I ingat

B uhay

Katang I - tangi

Wa G as

BALIKAN AT ISIPINSagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong mga damdamin ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na pahayag.a. Naalala ni Isagani ang panonood ni Paulita sa tetro na si Juanito ang kasama.

Pagkagalit at pagseselos.

Page 8: Kabanata 21

b. Naisip ni Isagani na napakasuwerte ni Simoun na napagtuunan ng malasakit kaysa sa mga sundalong nasusugatan na di man lang naiisip ninuman.Naiinggit at nanghihinayang.

c. Napansin agad ng binata ang matamis na ngiti ng kasintahan habang pababa ng karwahe.Kasiyahan at pagkasabik.

d. Ayon kay Donya Victorina ay hindi magkakaroon ng katuparan ang kilusang pinapangarap ng mga kabataan.Pang-aasar.

e. Nagkaroon ng pagkakataon si Isagani na makasama ang kasintahan sa mahabang panahon.Kasiyahan.

2. Ilarawan si Isagani bilang isang mangingibig. Tapat at masya maging kasintahan.

3. Bukod kay Paulita, ano pa baa ng pinapahalagahan ni Isagani? Ang kanyang bayan.

4. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Mga Pangarap” ang kabanatang ito? Dahil ang lahat ng sinasabi ni Isagani ay imposible para kay Paulita.

5. Ilahad ang mansaheng nais iparating ng kabanatang ito. Mananatiling mga pangarap ang ating mga nais abutin.

Ano ang gagawin mo?Pinagbawalan ka ng iyong mag magulang na makipag-kasintahan habang nag-aaral pa.

Ngunit dumating sa buhay mo ang isang taong minamahal mo.Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko dahil napakahirap nito ngunit

sa tulong ng aking mga kaibigan ay hihingi ako ng payo kung paano ko ito malalampasan at mananalig ako sa Maykapal.

ISABUHAYSumulat ng isang maikling salaysay batay sa pamagat na

Ang Idealista at ang AmbisyosaNakakatuwang pakinggan ang kawalang malay na kasagutan ng mga batang musmos sa mga katanungan para sa kanilang pinapangarap na karera sa buhay.

Karera o "career" sa wikang Ingles, sadyang tugma ang salitang "karera" dahil sa kasalukuyan ang bawa't mag-aaral at nagsisipagtapos na estudyante ay tila nakikipag-unahan sa bawa't isa na malagpasan ng maaga ang hirap ng buhay na kanilang pinagdadaanan.

At sa takbo ng kasalukuyang pamamalakad ng ating pamahalaan ay tila unti unting ipinagkakait at masasabi nating tila ninanakaw ang katurapan ng mga pangarap ng mga kabataan mula sa pagpapabaya ng Gobyernong tadtad ng kaliwa't kanang kontrobersya sa pangungulimbat sa kaban ng bayan ng mga taong politiko't makapangyarihang nasa pwesto.

Ako'y nag-aalala na kung hindi magkakaruon ng pagbabago ang ating ekonomiya, ang pangarap ng isang bata na nais maging titser, may naghihintay pa kayang kinabukasan sa kanya sa ating bansa o matulad kaya sya sa mga OFW na naging Domestic Helper o Sales Lady sa Gitnang Silangan at sa Europa?

May naghihintay kayang kinabukasan sa mga batang musmos sa kasalukuyan na nangangarap na maging duktor o matulad din kaya sila sa mga OFW na naging Nurse sa Estados Unidos.

Nakakabahala, ang mga pangarap ng ating kabataan ay unti-unting ipinagkakait ng kahirapan at lumalalang antas ng "unemployment" sa ating bansa na naging dahilan kung saan patuloy ang

Page 9: Kabanata 21

paglikas ng kanilang mga magulang, kapamilya at kamag-anak upang sundan ang kanilang mga pangarap na maitaguyod ang kanilang mga pamilya at mapag-aral ang kanilang mga anak at kapatid.

Ang mga magulang na hindi nagkaruon ng pagkakataong makapagtrabaho bilang OFW, at hindi rin pinalad makapaghanapbuhay ng maayos sa ating bansa, karaniwang pangarap sa kanilang mga anak ay mapagtapos ito ng kolehiyo sa mga kursong in-demand sa abroad upang pagka-graduate ay makakita agad ng employer sa ibang bansa bilang OFW. Sila ang mga magulang na nawalan ng pag-asang umasenso ang kanilang buhay kung mananatili silang magtatrabaho sa sariling bansa. Sila ang mga magulang na ayaw nang makita ang kanilang mga anak na masasadlak sa hirap na katulad nila na nananatili at nagtitis sa kakarampot na sahod mula sa pagtatrabaho sa Pilipinas.

Subalit tanungin natin ang nakararaming OFW, gusto ba nila na ang kanilang mga anak ay sumunod sa kanilang yapak bilang mga OFW?

Sa mga ordinaryong OFW na nakaranas ng matinding kalungkutan sa kanilang pangungulila sa ibang bansa, sa mga nakaranas ng panlilibak o pangungutya ng mga banyaga dahil sa ating lahing kayumanggi, sa mga inabuso at pinagsamantalahan, tiyak na hindi nila hahayaan na mag-abroad ang kanilang mga anak.

Subalit ang anumang kalungkutan o kapighatiaan na ating dinanas sa pangingibang bayan ay hindi naman mangangahulugan na kailangan din nila itong sapitin o pagdaanan. maaaring ang tinahak nating daan patungo sa pangingibang bansa ay iba naman ang kanilang tatahaking daan bilang bagong banyaga.

Kung ikaw ay naniniwala na kapuri-puri at marangal na hanapbuhay ang karera bilang OFW at maipagmamalaki ang ating Lahing Pilipino saan mang sulok ng mundo bilang mga dakilang Bagong Bayani ay walang dahilan upang ikaw ay matakot kung pipiliin ng iyong mga anak at magiging anak ang maging OFW tulad ng kanilang mga magulang.

Ang mahalaga, bigyan natin ng maayos na edukasyon ang ating mga anak, gabayan sila sa kanilang paglaki at hubugin ang kanilang kaisipan bilang tunay na Pilipino, mapagmahal sa magulang, sa kapwa at sa Bayan at may hustong pananampalataya at takot sa Dyos. Ito ang ating responsibilidad bilang mga magulang sa ating mga anak.

At kapag sila ay makapagtapos sa kanilang napiling karera, taas nuo nilang harapin ang hamon ng buhay, sa loob man ng bansa o bilang banyaga.

At kung maging OFW man sila, huwag kang matakot o mag-alala, kung hinubog mo ang kanilang katauhan sa wastong pagpapalaki at pananampalataya, sa kanilang dalang talento at edukasyon, at sa kanilang sipag at tyaga, sila'y mananatili pa rin na tunay na Pilipino at sa tamang panahon sila'y magbabalik sa ating Bayang Sinilangan.

Subalit kaibigan, ipanalangin natin na sana sa susunod na mahahalal na lider ng ating bansa, nawa'y matugunan na ang hinaing ng taong bayan sa suliranin ng kahirapan at kawalan ng hustong hanapbuhay upang hindi na kailangan mangibang bayan ng ating mga anak para hanapin lamang ang kasagutan sa kanilang mga pangarap.

Page 10: Kabanata 21

Kabanata 25:Tawanan at Iyakan

TalakayanLinangin

Piliin sa Hanay B ang salitang kasingkahulugan ng nasa Hanay A. Titik laman ang isulat sa patlang.

Hanay A Hanay Bc. 1. Naniniktik a. naakusahan

e. 2. Binabatikos b. nabawasana. 3. Naparatangan c. nanunubokb. 4. Naibsan d. nabahalaf. 5. pinakyaw e. tinutuligsa

f. inubos

BALIKAN AT ISIPIN1. Bakit kakaiba ang kaayusan ng Panciteria Macanista de Buen Gusto na araw na iyon?

Dahil magkakaroon ng pagdiriwang.2. Bakit hindi nasisiyahan sina Makaraig at mga kasama sa pasiyang ibinigay ni Don

Custodio? Dahil kahit naaprubahan na ito ay nakailalim pa rin ito sa kapangyarihan ng mga prayle.

3. Sino ang mga inanyayahang magtalumpati? Paghambingin ang mga talumpating ibinigay. Si Tadeo, hindi handa sa kanyang talumpati at puro walang kwenta ang pinagsasasabi. Si Si Pecson, tinuligsa ang mga baho at kasamaan ng mga prayle.

4. Ano ang mga dahilan ng ikinikilos ng mga tauhan sa kabanatang ito? Dahil sa kalungkutan.

5. Ano ang natuklasan ni Isagani sa pagdungaw sa bintana? May naniniktik sa kanilang pagdiriwang.

6. Bigyang-paliwanag ang huling pahayag sa kabanata. Ang Kapitan Heneral ay ang kanilang Panginoon at kahit anong utos niya ay sinisunod nila ito ng walang pag-aalinlangan.

Page 11: Kabanata 21

7. Bakit nagsisilbing tawanan at iyakan ang “pagdiriwang” na ito? Dahil sa kabila ng kanilang kasiyahan ay ang damdamin nila ay malungkot dahil hindi sila ang magpapatakbo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Ano ang gagawin mo?Kung ikaw si Makaraig sa kasalukuyang panahon, may kahihitnan baa ng inyong

ipinaglalaban? Ipaliwanag ang sagot.Wala, dahil kung hindi lang rin kami ang mamumuno ay mas mabuti pang huwag na

ituloy ang plano at baka mas malala pa ang mangyari sa oras na sila ang mamahala nito. Hindi rin magiging mabuti kung ang mismong pinuno nito ay masama at walang alam kundi ang manakit ng kapwa.

ISABUHAYSumulat ng pagpapatunay na naglalahad sa katotohanan na kaisipang maaaring

mapigilan ang lahat na kaarpatang pantao ngunit kailanman ay hindi ang pag-iisip ng sinuman.

Noong 1948, idineklara ng United Nations ang ika-10 ng Disyembre bilang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao o Universal Human Rights Day. Ito’y bilang tugon sa mga paglabag sa karapatangpantao na umiral noong Ikalawang Daigdigang Digmaan, kung saan sinakop ng Germany ang Poland, pati mga karatig-bansa nito upang ubusin ang buong lahing Hudyo. Sinundan ang mga pananakop na ito ng Fascist Italy at Imperialist Japan. Dahil sa milyun-milyong katao ang namatay sa mga digmaang ito, nagkaroon ng aral ang sangkatauhan. Mahigit apat na buwan nang naitatatag ang bansang Israel, na naging tahanan ng mga Hudyo, nang gumawa ng isang deklarasyon ang mga bansang kasapi ng United Nations upang kilalanin ang mga karapatan ng tao. Kilala ito ngayon bilang Pandaigdigang Pahayag hinggil sa mga Karapatang Pantao o Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Ang karapatang pantao ang mga batayang karapatan kung saan kinikilala ang pagiging tao ng isang tao. Ang kanyang dignidad at karapatang mabuhay ng marangal at may payapang isipan ang iniingatan ng mga karapatang ito. Dito sa ating bansa, maraming human rights organizations ang gumugunita sa Universal Human Rights Day tuwing Disyembre 10 bilang tanda ng paggalang sa mga karapatang ito. Bakit kailangang gunitain ito? Maraming karapatang pantao ang nalalabag, hindi lang ng karaniwang mamamayan, kundi ng mismong mga nasa poder.

Pasimplehin na lang natin: isyu ng manggagawa. Ito ang nakasulat sa UDHR, Artikulo 23: “(1) Everyone has the right to work, to free choice of employment, to just and favourable conditions of work and to protection against employment. (2) Everyone, without any discrimination, has the right to equal pay for equal work. (3) Everyone who works has the right to just and favourable remuneration ensuring for himself and his family an existence worthy of human dignity, and supplemented if necessary, by other means of social protection. (4) Everyone has the right to form and to join trade unions for the protection of his interests.”

Ating pansinin, nakikita ba natin kung may mga ginagawa nga ang maraming human rights organization at advocates dito sa ating bansa laban sa union-busting, kaswalisasyon, demolisyon, paghahagis ng teargas ng mga pulis, hindi pantay na pagtingin sa mahihirap at mayayaman, atbp.? Bakit patuloy pa rin ang paglaganap ng mga paglabag sa karapatang pantao?

Nang sabihin ni Erap Estrada ang nakakainsulto sa mangggawang tanong na “Nakakain ba ang

Page 12: Kabanata 21

CBA?” at nang ninais ng taipan na si Lucio Tan na suspindihin ng sampung taon ang karapatang makipag-CBA ng mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL), walang boses na narinig mula sa maraming human rights organizations sa bansa upang ipagtanggol ang batayang karapatan ng mga manggagawa ng PAL. Maraming human rights organizations at human rights advocates sa ating bansa, pero hindi naman makita sa totohanang labanan, at hindi man lang magawan ng kaukulang aksyon ang usaping pangmanggagawa, gaya ng pakikibaka laban sa union-busting, kaswalisasyon, illegal lock-out, ilegal dismissal, CBA violations, strike ban at marami pang uri ng karahasan sa mga manggagawa. Ahhh, baka talagang walang alam ang mga human rights advocates na ito sa batayang karapatan ng mga manggagawa. Kawawa naman sila.

Ito ang ating hamon. Sa pagsapit ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, ating subukan kung gaano katotoo ang mga human rights organizations na ito sa pakikibaka para sa karapatan ng mga manggagawa. Hindi lang marinig kundi makasama mismo sila sa pakikibaka laban sa mga inhustisyang ito. Pero kami’y nangangamba, baka magsermon pa ang mga human rights advocates na ito at sabihin sa atin: “Bakit ba kayo nakikialam sa aming palakad?”

Sa ating Konstitusyon, may nakasaad tungkol sa karapatang pantao. Ito’y nasa Artikulo III na may pamagat na “Bill of Rights” habang nasa Artikulo XIII naman ay “Social Justice and Human Rights”. Dito’y nasusulat ang mga batayang karapatan ng bawat tao at ng mamamayang Pilipino. Kung tutuusin, paboritong pampalubag sa mamamayan ang mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon. Anuman daw ang depekto ng Konstitusyon, ginagarantiyahan naman daw nito ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan, di gaya noong panahon ng diktadura ni Marcos. Nakasaad sa “Bill of Rights” na pantay ang karapatan ng mahirap at mayaman. Ngunit kung aaraling mabuti ang mga karapatang nakasaad dito, nagsisilbing konswelo-de-bobo lamang ito sa mahihirap, dahil mga dekorasyon lamang ito sa kasalukuyang burgis na Konstitusyon.

Anong klaseng demokrasya ng nakapundar sa Konstitusyong itokung palaging nananaig ang malakas sa mahina? Kahit parehasin mo ang karapatan ng manggagawa sa kapitalista, ng magsasaka sa asendero, ng makapangyarihan sa walang kapangyarihan, tiyak na lalampasuhin ng mayaman ang mahirap. Ito ang reyalidad ng demokrasya sa kasalukuyang Konstitusyon. Kailan ba namayani ang mga maralita sa maimpluwensiya at makapangyarihan?

Sa sistema ng hustisya sa bansa, agad nabibitay ang nagkasalang mahirap kaysa nagkasalang masalapi at makapangyarihan. Sino ba si Leo Echegaray kung ikukumpara kina Lucio Tan at Imelda Marcos? Kahit sa usapin ng repormang elektoral, ang laging namamayani sa eleksyon ay ang mga pulitikong may kakayanang bumili ng boto,armas at mga goons. Posible bang lumustay ang mga mahihirap ng milyun-milyon para lamang manalo sa eleksyon? May magagawa ba ang ilang representante ng sektor na nakaupo sa pamahalaan para isulong ang mga demokratikong interes ng mamamayang Pilipino?

Mananatiling huwad ang “human rights” na ito kung ang mismong sistema ng lipunan ay hindi nagbabago. Hangga’t patuloy na lumalaki ang agwat ng mahirap at mayaman, ang makikinabang lang sa “human rights” na ito ay ang maykayang maka-afford nito.

Kabanata 26:Ang Paskin

Page 13: Kabanata 21

TalakayanLinangin

Sa tulong ng diksyunaryo, bigyang kahulugan ang mga salitang nakalimbag. Gamitin ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.

1. NAKAAMBA ang malaking panganib sa mga kabataan.Kahulugan: nakabantay at nag-aabangPangungusap: Ang daming aso ang nakaamba sa akin.

2. HAYAGAN niyang sinabi ang katotohanan.Kahulugan: walang pagpipigilPangungusap: Nais kong hayagan ang bawat paliwanag ko sa iyo.

3. ITINATWA niya ang pagiging kasapi ng kilusan.Kahulugan: ikinatuwaPangungusap: Itinatwa ko ang iyong pagdating dito.

4. Siya ay NABAGHAN sa mga nakitang pangyayari.Kahulugan: nahabagPangungusap: Ako’y daming aso ang nakaamba sa akin.

5. Ayaw niyang MASANGKOT ang kanayang pangalan sa mga nag-aaklas.Kahulugan: madawitPangungusap: Nais niyang masangkot sa mga gawaing makabubuti sa kanya.

BALIKAN AT ISIPINA. Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1 – 5.

5 1. Pagdakip kina Makaraig at Basilio ng mga guwardiya sibil.4 2. Pagpayo ng guro kay Basilio na umuwi na at punitin ang anumang kasulatang mapapahamak sa kanya,3 3.Pagkatakot ni Baslio sa pagkaalam ng mga pangyayaring kasangkot ang mga estudyante.2 4. Pagsadya sa bahay ni Makraig upang manghiram ng pera.1 5. Pagdalaw ni Basilio sa kanyang mga pasyente sa ospital.

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.1. Ano ang mga naging reaksyon ng mga estudyante hinggil sa kinakaharap ng suliranin>

Natatakot at nalilito.2. Sa inyong palagay, matibay bang ebidensya ang mga nakuhang paskin upang malagay

sa masamang katayuan ang mga estudyante? Oo.

3. May kaugnayan ba ang ginawang pagdiriwang ng mga estudyante sa mga nagaganap na kaguluhan?

Oo.4. Sa iyong palagay, sino ang mga maaaring nasa likod ng mga pangyayaring ito?

Sina Makaraig, Isagani, Pecson at Sandoval.5. Ano ang nais patunayan ng kabantang ito? Ipaliwanag ang sagot.

Ang mga Pilipino ay lahat ay gagawin upang makamit lamang nila ang kayaan. Hindi sila titigil sa paglababan nito dahil ito ang tama at dapat.

Page 14: Kabanata 21

Ano ang gagawin mo?Lider ka ng isang kilusan ng mga kabataan na humihiling na i roll back ang presyo ng

langis. Ibig niyong iparating sa pamahalaan ang inyong karaingan.Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe o liham ay ipapaabot ko na ang

masyadong mataas na presyo ng klangis at nahihirapan na tayong bumuli nito. Imumungkahi ko rin na magkaroon kami ng pagpupulong upang malutas ang problemang ito.

ISABUHAYGumupit/Sumipi ng mga balitang kinasasangkutan ng iba’t-ibang mga samahan o kilusan

na nagpapahayag ng mga karaingan sa pamahalaan. Tukuyin kung nagging makabuluhan ang kanilang mga paraan.

Lihim na nakipulong ang Pangulong Aquino kay Moro Islamic Liberation Front o MILF Leader Al Haj Murad Ibrahim sa Tokyo, noong nakaraang Huwebes sa pag-asang maisulong na ang peace process tungo sa resolusyon ng Muslim separatist issue sa Mindanao.Ayon sa ulat tumagal ng dalawang oras ang pulong ng pangulo’t MILF Leader sa isang hotel sa Tokyo sinamahan sila ng pinuno ng kani kanilang peace panels na muling magpupulong sa Agosto 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.Magsusumite ang Government Peace Panel ng tugon sa panukalang state within state ng MILF matapos maudlot ang peace process sa pagitan ng dating Administrasyong Arroyo at naturang rebele group at nauwai sa karahasan ang pagtanggi ng korte suprema na labag sa batas ang MOA on Ancestral Domain.Ayon sa political observers tinularan ng Pangulo ang pakipag pulong ni yumaong dating Pangulong Corazon Aquino kay Dating MNLF Leader Nur Misuari noong 1986 at nagbunga sa pagkalagda ng peace agreement noong 1996.Desidido ang Pangulong Aquino na mawakasan na ang naturang sigalot sa Mindanao sa ilalim ng kanyang Administrasyong subali’t babala ng mga analysts dapat ring paghandaan ng Pangulo ang political risks sakaling mabigo siya sa layuning ito.

Kabanata 27:Ang Pryle at ang Pilipino

TalakayanLinangin

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na paririla. Gamitin sa pangungusap pagkatapos.1. Katarungan at dignidad

Kahulugan: dangalPangungusap: Mawawala ang iyong katarungan at dignidad sa oras na ginawa mo ito.

2. Parang santong niluluhuran

Page 15: Kabanata 21

Kahulugan: pinupuriPangungusap: Parang santong niluluhuran sa oras na Makita niya ito.

3. Nagbabaon sa kumunoy ng kamangmanganKahulugan: ibinabagsakPangungusap: Lahat ay binabaon niya sa kumunoy ng kamangmngan.

4. Uhaw na karununganKahulugan: walang hustisyaPangungusap: Ang lahat ng mahihirap ay uhaw sa karunugan.

5. Busabos sa sariling bayanKahulugan: madungisPangungusap: Ika’y busabos sa sariling bayan at ang pamilya mo.

BALIKAN AT ISIPINA. Lagyan ng tsek () ang mga pahayag na matatgpuan sa binasang kabanata.

1. Sinabi ni Pari Fernandez na ang mga kabataan ay magaling lamang magsalita sa talikuran at humahalik ng kamay sa harapan.

2. Nangatwiran si Isagani na labis ang ginawang pangungunsinti ng mga prayleng guro sa mga kabataan.

3. Nakramdam ng galit ang pari sa pangangasiwa ni Isagani. 4. Mahigpit ang pagnanais ni Isagani na matuto ang mga kabataang Pilipino.

5. Nangingilid ang luha ni Pari Fernandez dahil naawa siya sa sarili niya. B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1 . Paano ipinamalas ni Isagani ang paninindigan niyang iangat ang karunungan ng mga kabataan?

Sa pamamagitan ng pagsasabi na ang mga prayle ay sadyang binabagsak ang pag-iisip ng mga estudyante.2. Ano ang nagging reaksyon ni Pari Fernandez sa mga pangangatwiran ni Isagani?

Siya’y napabilib sa estudyante.3. Bakit malungkot ang naramdaman ng pari sa papalayong si Isagani?

Dahil may malagim na kasasapiatn ni Isagani.

4. Ano ang binabalak ni Isagani? Tutungo sa gobernador sibil.

5. Ipinakita ban i Pari Fernandez ang paghanga sa estudyante niya? Ano ang pintutunayan nito.

Oo, dahil kinamayan niya ito at nagsabing hinahangaan niya ito.

Ano ang gagawin mo?Ikaw at ang iyong kamag-aral ay pinagpipiliang maging valedictorian sa hayskul. Alam mo

sa sarili mo at paniniwala na iba na nakakaungos ka sa kamg-aral mong ito. Kaya lng napapansin mo na mas pinapaboran ng iyoong mga guro ang kamag-aral mong ito dahil anak siya ng isang pulitiko.

Ipaglalaban ko kung ano ang akin at dapat. Hindi ko hahayaan na mapunta sa iba ang aking pinaghirapan ng ilang taon sa aking pag-aaral. Kakausapin ko ang lahat ang aking mga guro at ipapakita ko na ako dapat ang mas pilin nila sapagkat ako ang nararapat.

ISABUHAYMagsaliksik ng mga talambuhay ng ating mga dakilang bayani. Pumili ng isa sa

masasabing nagtagumpay dahil sa paninindigan at prinsipyo bukod sa pagiging makabayan.

Talambuhay ni Melchora Aquino

Page 16: Kabanata 21

Si Melchora Aquino (kapanganakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero niAndres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)

Kabanata 28:Mga Katatakutan

TalakayanLinangin

Magtala ng mga salitang may kaugnayan sa salitang

mapanganib

Misteryoso kakaiba

KATATAKUTAN

Page 17: Kabanata 21

Hindi alam ang gagawin madilim

Poot

BALIKAN AT ISIPIN1. Bakit naging katatakutan ang mga bali-balitang naririnig sa paligid?

Dahil magdudulotito ng kaguluhan.2. Ano ang nagging reaksyon ni Simoun sa bagay na ito?

Hindi siya nagsalita.3. Bakit mas klalong nabahala si Quiroga sa mga nangyayari sa paligid?

Dahil sa mga armas na kanilang ipinatago.4. Ano ang mga ugaling-Pilipino na ipinamalas ng kabanatang ito?

Ang pagiging mataranta at pagsasawalang bahala.5. Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng sumusunod na paniniwala sa mga pangyayari sa

kabanata.“Ang maniwala sa sabi-sabi, walanag bait sa sarili”

Hindi dapat tayo basta basta naniniwala kung walang ebidensya ang isang pag-aakusa dahil delikado ito at dapat ay sigurado tayo sa lahat ng ating mga sinasabi.

Ano ang gagawin mo?Maraming mga pahayagan ang nagbabalita tungkol sa posibleng coup d’ etat at Martial

Law sa Pilipinas. Naniniwala k aba rito? Bakit oo at bakit hindi?Oo, dahil maraming awayan na ang nangyayari at hindi na ito mapigilan ng

gobyerno. At wala na ring pinapakinggan ang mga tao kundi ang kanilang mga sarili kaya naniniwala ako na magkakaroon ng Martial Law.

ISABUHAYSumulat ng isang paglalahad na nagpapaliwanag sa epekto ng mga kaguluhang

nagaganap sa ating bansa sa mga local at dayuhang mangangalakal.

Epekto sa Pinas ng mga kaguluhan sa ilang bansa sa M.E. dapat daw paghandaan

MANILA – Nanawagan si Senador Manny Villar sa pamahalaan na paghandaan ang magiging epekto sa ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa mga nagaganap na kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan.Dahil sa mga nagaganap na protesta, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on trade and economic affairs, na asahan na maaapektuhan ang presyo ng krudo sa world market at magiging dahilan ng pagtaas sa presyo sa mga produktong petrolyo sa lokal na merkado.Kung magpapatuloy at tumagal ang mga kilos-protesta sa Yemen, Libya, Bahrain, Iran at Morocco, dapat umanong pag-aralan ng gobyerno ang pangmatagalang epekto nito sa pangkalahatang ekonomiya ng Pilipinas.Bukod sa presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi ni Villar na maaaring maapektuhan din ang ipinapadalang remittances ng mga overseas Filipino workers na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa mga kaguluhan.

Page 18: Kabanata 21

Nitong Lunes, tumaas ang presyo ng krudo ng US$2.50 bawat bariles sa pandaigdigang pamilihan dahil sa kaguluhan sa mga bansang pinagkukunan ng langis. “Ang pagtaas ng presyo ng langis ay maaaring maging sanhi ng pagliit ng kita dito sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit dapat maging maayos ang pag-aaral ng gobyerno sa magiging epekto ng matagal na krisis sa Middle East sa presyo ng krudo sa world market at sa remittance ng mga OFW," paliwanag ni Villar.Nangangamba ang senador sa magiging epekto sa ekonomiya kapag naapektuhan ang remittances ng mga OFW kapag nagtagal ang krisis pulitikal sa mga oil-rich Arab countries.Binigyan-diin ni Villar na ang bilyong dolyar na ipinapadala ng mga OFW at kita sa lumalagong business process outsourcing (BPO) o call center ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na mga taon.“Dapat mahigpit na bantayan ng gobyerno ang sitwasyon sa naturang mga bansa para mapaghandaan natin kung ano ang kinakailangang gawin. Lalo na sa repatriation ng mga Pinoy na nagtatrabaho doon," panawagan niya. Sa nabanggit na mga bansa, pinakamalubha ang sitwasyon sa Libya. Nag-alok na ang Pilipinas sa may 30,000 Pinoy doon na ililikas sa mas ligtas na lugar.

Kabanata 29:Mga Huling Salita

TalakayanLinangin

Piliin sa talaan sa ibaab ng salitang pupuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag.

1. Lahat ay humanga sa pagiging magarbo ng kasalang naganap.2. Sinampal niya ang kaibigan bilang bengansa sa ginawang pagtataksil3. Mukha siyang kagalang-galang sa maringal niyang kasuotan.4. Lumisan siyang lulugo-lugo dahil sa pagkatalo ng malaking halaga sa sugal.5. Dahil sa pang-aabuso sa sarili nakikinita na magkaaksakit siya.

BALIKAN AT ISIPINSagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Kapitan Tiyago? Opyo.

2. Ano ang nilalaman ng testamentong iniwan ng namatay? Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Page 19: Kabanata 21

3. Bakit binawi ni Kapitan Tiyago ang pamna kay Basilio? dahil sa kawalang-utang na loob nito.

4. Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na pahayg o kaisipan.a. Walang nagagapi sa langit, dahil ang pagkatalo ay nagdudulot ng kapighatian, sa langit

ay pawing kaligayahan lamang ang nadarama. Ang langit ay hindi nagpapadama ng kalungkutan kundi puro kasiyahan lamang at ang pagkamatay ay isang sagrado at hindi dapat laiitin.

5. Ilarawan ang pagiging magarbo ng burol ni Kapitan Tiyago. Maraming bisita, pagkain at marangal ang libing.

6. Karapat-dapat bang bigyan siya ng ganitong karingal na burol? Bakit? Oo, dahil isa siyang huwaran at mabait na tao.

7. Paano pinatunayan ni Donya Patrocinio ang labis na pagkainngit kay Kapitan Tiyago? Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.

Ano ang gagawin mo?Masamang masama ang loob mo sa pagyao ng iyong pinakamamahal na ate. Halos

parang mo na rin siya dahil sa pag-aarugang ginawa niya sa iyo. Ang gusto mo ay lagi mong iniisip na siya ay lagi mong kapiling.

Mananalangin ako na kung nasaan man siya ngayon ay maging mabuti sana siya at nagpapasalamat ako sa pag-aarugang ibinigay niya sa akin. Lubos rin ang aking kasiyahan sa oras na magpakita siya sa akin kahit multo na siya dahil magpapasalamat ako sa kanya.

ISABUHAYSumulat ng isang paglalarawan ng ginagawang pagdiriwang ng kamatayan ni Dr. Jose

Rizal. Ipaliwanag kung bakit dapat gunitain ang kanyang kamatayan.

Tulad ng alin mang lunsod at munisipyo sa bansa, ang lunsod na  ito ay may inihanda ng palatuntunan sa paggunita sa ika-114 taon ng Pagka-Martir ni Dr. Jose P. Rizal sa darating na Disyembre 30, 2010, isang Araw ng Huwebes. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa harapan ng bantayog ng pambansang bayani sa liwasang lunsod simula sa ganap na ika-7:30 ng umaga.         Batay sa nakahandang palatuntunan, ang doksolohiya at ang pag-awit ng Bayang Magiliw ay pangungunahan ng San Pablo Central School Chorale, at si dating Bise Alkalde Palermo A. Bañagale bilang pangulo ng San Pablo City Cultural Society ang magkakaloob ng pambungad na pananalitam samantala bilang kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon, si City Schools Superintendent Dr. Enric T. Sanchez ang tatalakay sa kahalagahan ng paggunita sa kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal na kinikilalang pinakadakilang bayani ng bansa.

     Inanyayahan din si Congresswoman M. Evita R. Arago na magbigay ng pananalita sa nabanggit na pagtitipon, bago bigkasin ni Alkalde Vicente B. Amante ang kanyang pananalita tungkol sa kahalagahan ng pagdiriwang, na maaaring dugtungan niya ng pahayag kaugnay ng mga palatuntunang  naka-kalendaryong ipatupad pagpasok ng Taong 2011. Si Pangalawang Punonglunsod Angelita E. Yang ang magkakaloob ng pangwakas na pananalita.

     Gaya ng isa ng institusyon sa lunsod na ito, pagkatapos ng maikling palatuntunan ay isusunod kaagad ang pag-aalay ng bulaklak sa paanan ng bantayog ng pambansang bayani.

     Sa isang nauna ng pahayag, nabanggit ni Alkalde Vicente Amante na siya ay isang tagahanga ni Dr. Jose P. Rizal, sapagka’t ang kanyang kadakilaan bilang isang henyo, na may malingas at

Page 20: Kabanata 21

mataas na pagmamahal sa bansang kanyang sinilangan ay inspirasyon sa sangkatauhan. Ang mapaugnay sa Dakilang Pilipinong ito ay isang karangalan, at isang pribilihiyo.

Kabanata 30:SI HuliTalakayanLinangin

Ibuigay ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma. Pagkatapos, gamitin sa madiwng pangungusap.

BALIKAN AT ISIPINSagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang mga damdaming nadama mo sa mga kasawiang sinapit ni Huli?Bigyang kasagutan sa tulong ng EVENT / FEELING TIMELINE.

Ang tsismis sa’yo ay parang apoy

na kumalat.

Mabilis kumalat

Parang apoy na kumalat

Nag-taingang kawali siya ng ako’y nagsalita

nagbingihan

Nag taingang kawali

Bahag ang buntot sa oras na

kaharap ako.

duwag

Bahag ang

buntot

kalungkuta

pananabikpagkagalit

Kalungkutan

Nagugulumihanan si

Huli

Pagliligtas kay Basilio

pagkakulong ni BasilioPagkamatay ni

Kap.Tiyago

Page 21: Kabanata 21

2. Bakit nanghihinayang si Hermana Penchang sa pagpapalayas kay Huli? Dahil wala na itong ibang pamilya.

3. Isa-isang ilahad ang mga pahiwatig na nagpapatuhay na may naganap na di magandang pangyayari sa dalaga.

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento ni Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.

4. Sino sa palagay mo ang naging sanhi ng kasawian sa buhay ng dalaga? Pangatwiranan ang sagot.

Ang labis na pagmamahal niya sa kanyang kasintahan, dahil ditto ay pati ang kanyang buhay ay ianalay niya sa kanyang mahal.

5. Ibigay ang iyong sariling hinuha sa maaaring kahitnan ni Tandang Selo. Dala ng kanyang galit at makakapatay siya ng mga tao at mismo siya ay mamatay.

Ano ang gagawin mo?Kung hindi nalulunasan ang karamdaman ng iyong ina ay ikalalatay niya ito. Wala kayo

kahit kusing. May nagyaya sa iyo na magtrabaho bilang GRO / MACHO DANCER sa isang klab.Hindi koi to tatanggapin dahil puri at dangal ko na ang pinag-uusapa. Napakarami

pang paraan ang maaari kong gawin upang maipagamot ko ang aking ina. Mas mabuti pang nakita kong namatay ang aking ina na malinis ang aking pagkatao.

ISABUHAYBumuo ng isang tula na binunuo ng tatlong saknong na pumapaksa sa pagpaaphalaga sa

puri’t dangal ng isang babe.

Wala

Wala, wala sa mga titik ng nagkikintabang mga pahinaNg mga babasahing pampagandaAng katotohanan, mahal kong Inday.

Wala sa ngiti ng kanilang balingkinitang mga modeloAt sa babaing hindi man lamang masayaran ng alikabok ang mga paaAng sagot sa bugtong na inihihinga ng mundo.

Kahit pagbalibaligtarin mo pa ang mga larawan,Ang mga titik na nagpapatiwarik ng iyong diwaAt nag-uugoy sa iyong muni—hinding-hindi mo matatagpuan ang kasagutan.

kalungkutaKalungkutan

Page 22: Kabanata 21

Oo, aking Inday: Wala sa magagara nilang mga damitAt iniinom nilang mga pampaputi, pampakinis, pamapalibogAng paliwanag sa hiwaga’t mga tanong na naglalaro sa iyong utak.

Wala sa kolumn nina Asia Agcaoiling nagtuturo sa iyoKung paano hahalinghing at titirik ang mata kapag nakikipagniigAng mga karunungang dapat mong mabatid ukol sa iyong pagkatao’t tungkulin sa mundo.

Wala sa mga pahina ng mga women’s magazine, o aking IndayAng kasagutan kung bakit ka inaapi’t pinagsasamantalahanAt kung bakit ang tingin sa iyo ay isang laruan at parausan.

Huwag kang palilinlang sa mantra at orasyonNg makikinang na pahina, Inday! Huwag mong isiping kalakasanAng pamumuhay sa kahalaya’t kasinungalingan.

Na ikaw, Inday, ay pangkusina at pambahay lamang.At ang pakikipagtalo-sira sa kasarian ng mga anak ni AdanAng wastong paraan upang mapawalan ka sa hawlang kinakukulungan, mahal kong Inday.

Sinasabi ko sa iyo: Wala sa pampaburok ng pisngi, pampaganda ng puwit at pampatayo ng susoAng lakas ng iyong pagkatao, iniirog kong Inday.Wala sa bawat bayo at indayog ng balakang sa panahong nakikipagtalik ka, mahal.

Sa mga pahina ng kasaysayan ka maghanap ng sagot, IndayDoon mo malalaman kung bakit ka nila ginawang manyika’t pinahalay.Doon mo makikita ang sagot kung bakit api ka’t tinatapak-tapakan.

Huwag mong hanapin sa mga magasing nagbebenta sa iyong puri at ganda, Inday,Ang sagot sa mga bugtong at palaisipang humihinga sa iyong utak at pagkatao.Wala sa pahina ng women’s magazine,o aking Inday, ang kagandahan ng iyong pagkatao.

Sinasabi ko na  sa iyo. Wala.