Upload
others
View
46
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
DEPED COPY Musika
Yunit 1
4
Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
ii
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected]
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMusika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. ParakikayMga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. AndresMga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. VillenaTagatala: Richilo L. LacedaNaglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng:
•mapanuri at replektibong pag-iisip;•mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;•mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at•mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
iv
Talaan ng Nilalaman
MUSIKA
Yunit 1 – RhythmAralin 1: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika........... 5Aralin 2: Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern at Time Signature..................................... 8
Aralin 3: Ang Rhythmic Pattern at ang 24 Time Signature...... 12
Aralin 4: Ang Rhythmic Pattern sa 34 Time Signature............ 15
Aralin 5: Ang Accent at Rhythmic Pattern sa 34 Time
Signature.............................................................. 19
Aralin 6: Ang Rhythmic Pattern sa 44 Time Signature...... 22
Aralin 7: Ang Accent sa mga Recorded Music................... 28Aralin 8: Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas ..... 31Glossary .............................................................................. 267Appendix .............................................................................. 274
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
3
Yunit I Rhythm

Gaya ng musika, ang mga bagay sa paligid ay mayroon ding
rhythm. Ang patak ng ulan, tunog ng orasan, paghampas ng alon
sa dalampasigan, at ang tibok ng ating puso ay ilan lamang sa
mga bagay na may rhythm.
Ang rhythm ay isa sa mga elemento ng musika na
tumutugon sa pagpapangkat-pangkat ng tunog ayon sa time
signature.
Sa yunit na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagkilala ng iba’t ibang uri ng mga note at rest, kasama ang iba
pang simbolong pangmusika. Gayundin ang pagbabasa at
pagsusulat ng rhythmic pattern sa mga meter na dalawahan,
tatluhan, at apatan, gamit ang mga time signature na at na
kasabay ang galaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagtapik,
pagmartsa at pagsayaw o iba pang paraan ng pag-indak o pag-
indayog ng katawan, na akma sa rhythm.
Tatalakayin din sa yunit na ito ang pamamaraan sa
pagkumpas ng mga awitin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
5
Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika
Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibang
note at rest at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawat
note ay may katumbas na rest. Sa araling ito, matututuhan ang
pakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ng
rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang note at rest.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahan, tatluhan, at apatang kumpas:
2
3
4
Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin ang
tamang titik at tono. Tandaan ang mga kailangan sa maayos
na pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, at
paghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa lalamunan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
6
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang
chant.
Gawin 2
Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahin
ang titik ng awit at awitin sa pangunguna ng guro.
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit.
Pag-aralan kung paano napangkat ang mga note at rest
sa bawat measure.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
7
Tandaan na ang bawat note ay may katumbas na rest.
Mga Uri ng Note
Simbolo Bilang ng Kumpas Mga Uri ng
Rest Simbolo
Quarter note
1 kumpas Quarter rest
Eighth note
½ kumpas Eighth rest
Half note
2 kumpas Half rest
Whole note
4 kumpas Whole rest
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika?
Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong
sagot.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?
3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note?
4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng
awiting “Magandang Araw”?
5. Ano ang hitsura ng quarter rest? Iguhit mo ang iyong
sagot.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
8
Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern, at Time Signature
Ang meter ay isa sa mga elemento ng rhythm. Ito ang
pagkaka-pangkat ng mga kumpas o pulso sa musika.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahang kumpas:
Pangkat A – Ipalakpak ang beat.
Pangkat B – Ipalakpak ang rhythmic pattern.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
9
Gawain 2
Pangkatang gawain:
Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo ang
bawat pangkat ng rhythmic pattern sa dalawahang kumpas.
Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern.
Gawain 3
Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!”
- Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit sa awitin?
- Ano ang meter ng awitin?
- Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure?
- Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure?
- Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga
tunog?
- Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang
beat ng awit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
10
Gawain 4
Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayon
sa time signature.
Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga note at rest at ginagamitan ng barline
upang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na time
signature.
Ano ang mangyayari kung may sinusunod tayong mga
patakaran sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay?
Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmic
pattern na matatagpuan o ginamit sa awiting “Tayo Na!”.
1.
2.
3.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
11
4.
5.
Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ng
kaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest ng awitin.
UMAYKA TI ESKUELA
Umayka ti eskuela, tapno lumaing ka, Adu ti masursuro, maestro ti pangulo. Tungpalem ti ‘bagana paginbagan ida, Taragsak da nanang mo, ken ni pay tatang mo.
COME TO SCHOOL
Come to school so you’ll be wise Many things you will learn The teacher is the head Do what she says, it is for your own good It is your mother’s joy and your father’s too.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
12
Ang Rhythmic Pattern at ang Time Signature
Ang ay may time signature na dalawahan ang bilang ng
kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pang
martsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│. Napapangkat ang
mga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline.
Gawain 1
Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod.
1) 4)
2)
3)
Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”.
Hatiin ang rhythm nito ayon sa time signature.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
13
Gawain 2
Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”.
- Ilang measure mayroon ang awit?
- Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng
mga measure?
- Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
- Paano nabuo ang mga measure?
- Ano ang time signature ng “Baby Seeds”?
- Ilang bilang mayroon ang bawat measure?
Gawain 3
Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop na
salita ang bawat rhythmic pattern.
1. ______
2. ______
3. ______
4. ______
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
14
Gawain 4
Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagtapik/
pagpalakpak ng rhythmic pattern ng awitin.
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note at
rest na naaayon sa isang nakatakdang time signature.
Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag-
unawa sa aralin?
Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at batay
sa tamang bigkas ng mga salita. Gumamit ng barline.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
15
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Ang rhythmic pattern sa time signature na ay
pagpapangkat ng mga tunog sa tatluhan. Ito ay karaniwang
sinasabayan ng sayaw na balse o waltz, at may bilang na 1, 2,
3.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
1) 4)
2) 5)
3)
Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikita
ang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara.
(Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”)
We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head.
We have here a hollow head and we call it a whole note.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
16
Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it.
Then we put a stem on it and we call it a half note.
Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it.
Then we put a shade on it and we call it a quarter note.
Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it.
Then we put a flag on it and we call it an eight note.
Gawain 2
Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng
“Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw o
magkumpas ang mga bata habang nakikinig.
Gawain 3
Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”.
- Ano-anong uri ng note at rest ang makikita sa awit?
- May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o
pagkakasulat ng awitin? Saan nakita ang measure na ito?
- Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa
bawat measure?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
17
Tukuyin ang bilang ng kumpas ng bawat note.
Gawin nang sabay ng bawat pangkat.
Pangkat 1: Ipalakpak at suriin ang rhythmic pattern ng
unang apat na measure ng awitin.
Pangkat 2: Itapik ang beat ng awitin.
Gawain 4
Awitin ang “Will You Dance With Me?” at sabayan ng
nababagay na dance step.
Gawain 5
Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuo
ang mga rhythmic pattern sa time signature.
1.
2.
3.
4.
5.
T. Martinez Mel Santos
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
18
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga
note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature.
Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyong
naramdaman? Bakit?
Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ng
awitin na may meter?
Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ng
awitin.
Ba- hay ku -bo ka- hit mun- ti
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
19
Ang Accent at Rhythmic Pattern sa Time Signature
Upang makasunod sa daloy ng rhythm o ritmo ng isang
musika, kinakailangang matukoy ang unang kumpas ng beat
nito. Ang diin o accent ay karaniwang inilalagay sa unang
kumpas upang maging malinaw na makasunod sa daloy ng
awitin o tugtugin.
Bersiyong Bicol Bersiyong Ingles
Kon dili sin abaniko If hand fan is not with me
Tapus na ining buhay ko My life will be miserable
Lawas ko, ay,ay! My body! Oh! My body
Madedesmayo Fainting will happen,
Kun dili sin abaniko If hand fan is not with me
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
20
Gawain 1
Awitin ang “An Sakong Abaniko”.
Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”.
Ipalakpak ang rhythm ng awitin.
Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse,
umaawit at ipinapalakpak ang rhythm ng awit?
Ano ang time signature ng awit? Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito?
Gawain 2
Lagyan ng panandang diin (>) ang unang kumpas ng
bawat measure ng awit na “An Sakong Abaniko”.
Gawain 3
Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ng
accent ang bahaging binigyang diin sa awit. Gawin ito sa
sagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent.
Gawain 4
Sumayaw habang inaawit ang “An Sakong Abaniko.”
Bigyang-pansin ang bahaging may accent.
Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpas
ng bawat measure ay binibigyan ng accent (>) o diin.
Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa ay
nagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse.
Tulad sa musika, mahalaga ang makasunod sa daloy o
ritmo ng nangyayari sa buhay ang isang mag-aaral na tulad
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
21
mo. Kung tahimik ang klase dahil nag-aaral ang mga kamag-
aral mo, dapat na tahimik ka rin. Magbigay ka nga ng iba pang
halimbawa kung kailan ka dapat makasunod sa daloy ng
nangyayari sa iyong paligid.
Pagmasdan ang musical score ng “Ang Huni ng Ibong
Pipit”. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat na
may diin.
R. Tecson L. Villanueva
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
22
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Sa time signature na , may apat na bilang ang bawat
measure.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
Bigkasin ang mga rhythmic syllable.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
23
Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit ang
kaliwa at kanang kamay. Pakinggan ang “Pop Goes the
Weasel” at sabayan ang kumpas nito.
Awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit” (tingnan sa Aralin).
Bigyang pansin ang tamang lugar ng accent. Lapatan ng
angkop na galaw ang awitin.
Gawain 2
Bigkasin ang lyrics ng awiting “We’re on the Upward
Trail” ayon sa tamang rhythm. Awitin din ito.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
24
- Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit?
- May bagong note ka bang nakita? Ano ito?
- Ilan ang bilang ng isang whole note?
Gawain 3
Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin.
Ano ang time signature ng awitin?
Ilan ang bilang sa bawat measure?
Bigkasin ang rhythmic syllable ng una at pangalawang
linya ng awit.
Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya.
Gawain 4
a. Awiting muli ang “We’re on the Upward Trail”.
Lapatan ng galaw ng katawan ang bawat note.
- takbo - lakad
- slide - talon
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
25
b. Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure o mga
measure ng sumusunod na rhythmic pattern sa awiting
“We’re on the Upward Trail”.
1)
2)
3)
4)
Gawain 5
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit na
“Inday Kalachuchi”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
26
Visayan Version English Translation
Inday Kalachuchi Inday Kalachuchi
may langgam tamsi, there’s a sunbird,
Iyang balhibo and it has feathers
pula ug berde, bright red and green,
Ayaw’g hingkalimti, Don’t you ever forget,
Ang baryo dinhi, Here in the barrio,
Daghang dalaga, Are many maidens,
daghang dalaga, many maidens
Ako ay gwapa But I’m the prettiest
Ang rhythmic pattern na may time signature na ay may
kaukulang mga note at rest na pinagsasama-sama upang
makabuo ng apat na bilang.
Bakit mahalaga ang kaalaman sa iba’t ibang note, rest, at
time signature?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
27
Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ng
time signature na
(note) 1.
(rest) 2.
(note) 3.
(note) 4.
(rest) 5.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
28
Ang Accent sa mga Recorded Music
Ang rhythm at tiyempo ng mga awitin at tugtugin ay
madaling natutukoy sa pamamagitan ng accent na naririnig at
nararamdaman sa unang kumpas nito.
Gawain 1
Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes the Weasel”.
Sa anong salita maririnig ang accent?
Ipakita ang tsart ng awiting “Ano-ano.” Awitin ito.
Ano ang time signature ng awitin?
Tungkol saan ang awit?
Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
29
Tukuyin ang mga lugar sa awitin na nabigyan ng mas
malakas na bigkas o pag-awit bunga ng paglalakad.
Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang
pansin ang mga accent.
Gawain 2
Gumawa ng rhythmic pattern na angkop sa mga time
signature na makikita sa ibaba. Gamitin ang sumusunod
na uri ng note at rest.
Gawain 3
Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon sa
time signature na at sa titik ng awitin.
Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ng
measure o sa unang kumpas/beat ng isang measure.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
30
Ang maayos na pakikinig ay nagdudulot ng malawak na
pag-unawa. Paano ito naipakikita sa loob ng silid-aralan?
Itapik ang sumusunod na mga rhythmic pattern sa Hanay
A. Piliin sa Hanay B ang awitin na ginamitan ng naturang
rhythmic pattern.
An Sakong Abaniko
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
31
Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas
Sa bawat araw na may pasok sa paaralan, umaawit ng
“Lupang Hinirang” ang mga mag-aaral habang nakatingin sa
itinataas na watawat. Inaawit naman ang “Pilipinas Kong
Mahal” tuwing ibinababa ito.
Madalas na may isang lider na nangunguna sa pag-awit
nito habang siya ay kumukumpas.
Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong kumumpas ng
alinman sa dalawang awit na ito?
Pakinggang mabuti ang awiting “Lupang Hinirang”.
Tingnan sa tsart ng awitin kung ang lyrics nito ay pareho
sa binibigkas mo tuwing aawit ka nito. Pansinin ang mga
pagkakaiba at isulat ito sa kuwaderno.
Batay sa napakinggan, ano ang pamagat ng ating
Pambansang Awit?
Nasa anong palakumpasan ang “Lupang Hinirang”?
Sa anong kumpas nagsisimula ang “Lupang Hinirang”?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
32
Narito ang mga paalaala kung paano ang pagkumpas ng
“Lupang Hinirang”.
Tumayo ng tuwid at tumingin sa mga gagabayan ng
iyong pagkumpas.
Itaas ang braso at ang mga kamay na katapat at
kasintaas ng dibdib.
Kailangang maramdaman at makita ang unang
bagsak ng beat sa bawat measure.
Kung nais mong maging malakas ang pag-awit,
lakihan ng bahagya ang kumpas. Samantala, liitan
lamang ang kumpas kung nais mong hinaan ng mga
umaawit ang kanilang boses sa pag-awit.
Ibukas ang mga palad upang maging malakas at
may diin din ang gagawing pag-awit at itaob ang
mga ito para hinaan ang pag-awit.
Bigyang kahulugan ang bawat galaw ng kamay sa
pagkumpas, ngunit hindi dapat nagdidikit sa gitna
ang mga kamay.
Sabayan ng kumpas ang recorded music ng “Lupang
Hinirang.” Gayahin ang larawang nasa ibaba.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
33
Isagawa rin ang pagkumpas sa “Pilipinas Kong Mahal”
habang sinasabayan ang recorded music.
Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang
“Pilipinas Kong Mahal” sa palakumpasang .
Simulan ito sa pataas na kumpas o sa ikatlong bilang.
Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metric
pulse ng awit o tugtuging napakikinggan. Isa itong uri ng
komunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ng
tumutugtog.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
34
Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitan
ng mang-aawit o manunugtog at ng tagakumpas. Hindi lamang
sa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-usap.
Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ng
pakikipag-usap?
Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa nais
mong sabihin?
Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno.
Kasanayan
Napakahusay
Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
Nanganga-
ilangan ng
Tulong
1. Nakakumpas ako
nang tama sa
rhythm
2. Naunawaan ng
mga umaawit ang
kahulugan ng
aking pagkumpas
3. Nakasunod ako sa
pamantayan ng
pagkumpas
4. Tama ang
posisyon ng aking
katawan at
kamay habang
kumukumpas
5. Naging maganda
ang pag-
awit/pagtugtog
dahil sa aking
pagkumpas
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
267
GLOSSARY MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent Phrase
nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono
Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin
Consequent Phrase
nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase
Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig
Di-magkatulad na musical phrase
binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
268
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis na kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na tubong labindalawang talampakan ang haba at nababago ang tono sa pamamagitan ng mga piston at valve
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic Interval
tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog nang sabay
Harmonic Third Interval
binubuo ng dalawang magkaugnay na note na may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2 step
Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
Instrumental Music
musikang galing sa mga musical instrument
Interval ang pagitan ng dalawang tono
Kalaleng o Tongali
instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing
Kodaly Hand Sign
isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay
Largo tempo na mas mabagal sa andante
Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
269
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ng kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic Ostinato
isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiya
Melodic Phrase
pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melody
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical Phrase
ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipan
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do
Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon
Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog
Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
270
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic Ostinato
rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic Pattern
ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at kahalintulad ng panpipes
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notation
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin
Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-sulong ng slide nito
Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
271
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses
Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
274
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
275
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
276
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies; Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos, Copyright St. Mary’s Publishing Corp.
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42 J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications, Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p. 52, 1963 by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
277
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs Compiled and edited by Damiana L. Eugenio Sanayang Aklat sa Musika 4 Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger Parker and the Badke Quartet https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
Celso Espejo Rondalla Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2 https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
Dabakan Solo https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
278
Hudhud (Ifugao) https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco) https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y
Kudyapi Master Samaon Sulaiman https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI
Leroy Anderson - The Syncopated Clock https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
Loboc Children's Choir The Prayer https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan Duet by Raye Lucero and Peping de Leon https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
Mindanao Kulintang Ensemble https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
279
Ode to Joy - Piano sheet music https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU
Percussion Family https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen) https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla - https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings. https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2 https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
280
Street Parade at Tagaytay City, Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0
Woodwind instruments https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c
Vivaldi Spring The Four Seasons https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw