Upload
others
View
14
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
1
1
Kagawaran ng Edukasyon
Araling Panlipunan 4
Pagkakakilanlang Heograpikal
ng Pilipinas Unang Markahan - Modyul 5
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Rhea D. Dula
Manunulat
Edsel B. Basilla
Tagasuri
Mariel Eugene L. Luna
Editor at Layout
2
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat
para sa iyo, upang maging gabay sa pag-aaral. Ito ay
makakatulong upang malinang nang wasto ang
iyong kaalaman. Ang saklaw ng modyul na ito
pinahihintulutang magamit sa iba’t ibang
sitwasyong may kinalaman sa pag-aaral. Kinikilala
ng lengguwaheng ginamit ang pagkakaiba-iba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay iniwasto upang
masunod ang pamantayan ng pagkakasunod-sunod ng kurso.
Ang modyul na ito ay tatalakay sa Pagkakakilanlang
Heograpikal ng Pilipinas.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:
(a) Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at anyong tubig)
(b) Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura, at industriya)
2. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.
3. Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa
at anyong tubig sa bansa.
4. Natutukoy ang rehiyon na may pinakamalaki at pinakamaliit
na populasyon sa bansa.
3
A. Populasyon F. Kapatagan
B. CAR G. Tag-ulan at Tag-
init C. Panahon H. Bundok
D. Chocolate Hills I. Karagatan
E. Klima J. CALABARZON
Subukin
Panuto: Basahin ang pangungusap at piliin sa loob ng
ulap ang letra ng tamang sagot. Magsimula ka dito.
______1. Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon ng isang
lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura at
iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang
dito.
______2. Ang pinakamataas na anyong lupa
______3. Tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran.
______4. Ang pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa
lahat ng anyong tubig.
______5. Tumutukoy sa bilang ng mga tao na naninirahan sa
isang tiyak na lugar o rehiyon.
______6. Malawak na lupain na patag at mababa.
______7. Ang rehiyon na may pinakamaraming naninirahan.
______8. Klimang nararanasan sa ating bansa.
______9. Ang pinakatanyag na burol sa bansa. _____10. Ang rehiyon na may pinakamaliit na bilang ng
naninirahan.
Mahusay, nakuha mo ang unang pagsubok sa iyo!
4
Sa araling ito, aalamin ang klima at panahon sa lokasyon ng
Pilipinas sa mundo. Inaasahan din na mapaghahambing mo ang
iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ng bansa. Gaano ba kalaki
ang populasyon ng bawat rehiyon? Yan ang mga tatalakayin sa
modyul na ito.
Balikan
Panuto: Tingnan ang mapa sa ibaba. Basahin ang pangungusap at piliin ang salita o impormasyong bubuo ng diwa nito. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
Pinagkunan: https://pdfslide.net/documents/katangiang-pisikal-ng-asya-561ab51e491e3.html
1. Ang bansa na nasa hilaga ng Pilipinas ay ____. A. Thailand C. Indonesia B. Taiwan D.Vietnam
Aralin
5 Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas
5
2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ____________. A. Timog Asya C. Silangang Asya B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya 3. Anyong tubig na nasa silangan ng bansa ay ang _____________. A. Dagat Celebes B. Bashi Channel C. Karagatang Pasipiko D. Dagat Kanlurang Pilipinas
4. Ang bansa na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay __________. A. Laos C. Indonesia B. Vietnam D. Malaysia 5. Ang anyong tubig na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa ay ang ________.
A. Bashi Channel B. Dagat Celebes C. Karagatang Pisipiko D. Dagat Kanlurang Pilipinas
B. Punan ang tsart sa ibaba gamit ang mapa na nasa itaas.
Direksyon Anyong Tubig
Hilaga 1. _______________________
2. ____________________ Karagatang Pasipiko
Timog 3. ________________________
4. ________________________
5. ___________________ Dagat Kanlurang Pilipinas
6
Tuklasin
Panuto: Ayusin ang jumbled letters. Sagutin ang mga tanong at bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. Ganito ang klima kung ikaw ay pinagpapawisan at naiinitan. __________________________ 2. Ang klima sa lugar kapag kailangan mong magsuot ng makakapal na damit at uminom ng malamig na tubig. ____________________________ 3. Madalas na nagbabaha at nagagamit ang kapote, pa- yong at damit panlamig kung ganito ang panahon. ____________________________ 4. Ang panahon na nararanasan tuwing bakasyon at walang pasok sa paaralan. Marami ang nagpupunta sa beach. _____________________________ 5. Tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar. _____________________________
Tuklasin
Ang Pilipinas bilang isang arkipelago ay isang anyong lupa
na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo
T I A M I N
G I M A L A M
G A T- N A L U
T G A- T I N I
NOYSALUPOP
7
Suriin
Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging
nakapaligid sa mundo, temperatura o ang sukat ng init o lamig ng
paligid at iba pang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang
dito.
Ang panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng
kapaligiran, halimbawa, taglamig at tag-init. Ang klima ng bansa
ay nakabatay sa kinalalagyan nito sa mundo.
Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang
latitud kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito. Ano-ano ang
mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig?
Mga Pangunahing Anyong Lupa
KAPATAGAN https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-anyong-lupa/
Malawak na lupain na patag at mababa. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay dito. Angkop na taniman ng gulay, mais at palay. Halimbawa: Gitnang Luzon
BUNDOK APO https://www.britannica.com/place/Mount-Apo
Ang pinakamataas na anyong lupa. Pagmimina ang hanapbuhay isa sa hanapbuhay sa lugar na ito. Ang pinakamahabang hanay ng bundok ay ang Sierra Madre. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Bundok Apo na matatagpuan sa Lungsod ng Davao.
8
BUROL
https://theculturetrip.com/
Isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa bundok. Pabilog ang hugis ng itaas nito. Pinakatanyag na burol sa bansa ang nasa larawan ang Chocolate Hills
na matatagpuan sa Carmen, Bohol.
TALAMPAS
https://philnews.ph/
Mataas na bahaging lupa ngunit patag sa ibabaw. Pagtatanim ng prutas at gulay ang karaniwang hanapbuhay. Pinakatanyag na talampas sa bansa ay ang Lungsod ng Baguio sa Benguet at malakas na atraksiyon sa mga turista.
BULKAN https://philippineslifestyle.com/
Ang bulkan ay isang aktibong bundok na may bunganga sa tuktok. Pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at turismo ang ilan sa pakinabang ng mga naninirahan malapit sa Mayon. Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag sa Pilipinas samantalang ang Bulkang Taal ang pinakamaliit na nag-albuto noong Enero 12, 2020.
9
Mga Pangunahing Anyong Tubig
KARAGATAN https://facts.net/
Pinakamalalalim, pinaka-malawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig. Maalat ang tubig dito. Ang Pilipinas ay malapit sa Karagatang Pasipiko na matatagpuan sa dakong silangan ng Pilipinas.
DAGAT https://mgabayani.ph/mga-anyong-tubig/
Ang dagat ay malawak na anyong tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. May mga produktong dagat din na ginagawa ng maliliit na industriya tulad ng bagoong, patis, tinapa, at daing.
JAMBOREE LAKE https://www.top-destination-choice-th e-philippines.com/muntinlupa-
city.html
Anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa. Ang pinakamalaking lawa ay ang Lawa ng Laguna na may malaking pakinabang tulad ng punlaan ng isda tulad ng bangus at tilapia, taniman ng gulay tulad ng kangkong at pwede na ring pagkakitaan ang mga nakatanim na water lily samantalang ang pinakamaliit na man-made lake ay ang Jamboree Lake na nasa larawan na matatagpuan sa New Bilibid Prisons (NBP) compound sa Muntinlupa City.
10
Matapos nating malaman ang mga pangunahing anyong lupa
at anyong tubig dumako naman tayo sa populasyon ng Pilipinas.
Ano nga ba ang populasyon?
ILOG PASIG http://www.phtourguide.com/
Mahaba at paliko-likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat. Ilog Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas at ang pinakamalaki ay ang Rio Grande de Mindanao. Ang nasa larawan ay ang Ilog Pasig. Ginagamit ang ilog sa kalakalan at pakikipag-ugnayan.
TALON
http://www.phtourguide.com/
Tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok. Tunay na kaakit-akit pagmasdan at nakahihikayat na maligo sa napakalinis na tubig nito lalo na tuwing tag-init. Ipinagmamalaki ang Talon ng Maria Cristina dahil narito ang plantang hydroelektriko na nagtutustos sa maraming industriya sa lungsod ng Iligan.
LOOK NG MAYNILA
https://www.esquiremag.ph/
Ito ay bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin nito. Ang Look ng Maynila ay itinuturing na may pinaka- mahusay na daungan sa dulong silangan. Dito dumadaong ang mga barkong pampasahero at pang-kargamento o mga produkto na galing sa iba’t ibang bansa.
11
Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na
naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Ang Pilipinas ay
binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang bilang ng populasyon.
Tingnan ang sumusunod na impormasyon sa ibaba.
https://www.slideshare.n et/p atrickc elso1/distribusyon-ng-populasyon-sa-pilipinas
Pigura 1. Distribusyon ng Populasyon sa Pilipinas
Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV-A na may sukat
na 16386 kilometro kuwadrado ang may pinakamalaking bilang
na naninirahan. Pumapangalawa ang National Capital Region
(NCR) na may sukat na 638.55 kilometro kuwadrado samantalang
ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may sukat na
GOLPO NG LINGAYEN
https://touristspotinthephilippines.wordpress.com/
Tulad ng look na halos naliligid din ng lupa. Ito ay bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat. Halimbawa nito ay ang Golpo ng Albay sa Luzon, Golpo ng Leyte sa Bisaya at Golpo ng Davao sa Mindanao.
12
18294 kilometro kuwadrado ang may pinakamaliit na bilang ng
naninirahan.
Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa paglaki ng
populasyon ng isang lugar ay ang oportunidad sa hanapbuhay at
edukasyon sa NCR.
Dahil pinakamalapit sa NCR ang CALABARZON at Gitnang
Luzon kaya ito ang mga ito rin ay may malalaking populasyon
dahil marami ang sektor ng industriya at agrikultura sa mga lugar
na ito na nakapagbibigay ng mga magpagkakakitaan at
hanapbuhay sa mga mamamayan nito. Pinagkunan: (Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral, 2015, p.91)
Pagyamanin
A. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Ano ang klima na nararanasan sa ating bansa? Bakit ito
ang klima na nararanasan sa ating bansa? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
2. Gumawa ng paghahambing sa mga anyong lupa at anyong tubig. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ipinaghahambing. a. Kapatagan at talampas Pagkakakatulad: ____________________________________ _____________________________________________________ Pagkakaiba: ________________________________________ _____________________________________________________
13
b. Look at golpo Pagkakakatulad: ____________________________________ _____________________________________________________ Pagkakaiba: ________________________________________ _____________________________________________________ B. Unawain at sagutin ang kalagayan sa ibaba. Gawing gabay ang rubric sa pagsagot. Isulat ang iyong paliwanag sa patlang. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa ay ikinababahala na ng maraming tao. Kailan nagiging suliranin ang paglaki ng populasyon sa isang lugar? Ipaliwanag ang iyong sagot sa patlang.
Pamantayan 3 2 1 Iskor
Nilalaman/ Pagkamaka-
totohanan
Punong-puno ng mga ideya at
makatotohanan
(7)
Maganda ang ideya ngunit
hindi
makatotohanan
(5)
Nagbangggit ng isang
ideya ngunit
hindi maka-
totohanan (3)
Organisasyo
n
Napakaayos ng
pagkakalahad
(3)
Maayos ang
pagkakalahad
(2)
Magulo ang
pagkakalahad
(1)
Kabuuang
Puntos= 10
________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
14
Mahusay! Mula sa iyong mga sagot ay
natitiyak kong kaya mo na ang susunod
na mga katanungan kaya dumako ka
nasa bahaging Isaisip.
Isaisip
Panuto: Punuan ng angkop na salita ang bawat patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Ang Pilipinas ay nakakaranas ng dalawang uri ng
panahon _____________ at _______________. Ang ating bansa ay
sagana sa anyong lupa tulad ng __________________, ___________,
_____________ at ________________. Maging sa anyong tubig tulad
ng _________________, _________________, _____________________
at _________________.
15
Panuto: Isulat sa unang hanay ang magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang tropikal at sa ikalawang hanay naman ang hindi.
Maganda Hindi Maganda
Magaling, nasiyahan ka ba sa naging resulta ng iyong gawain? Huwag mag-alala nais lamang nitong sukatin ang taglay mong kaalaman tungkol sa paksa.
Isagawa
Basahin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. Sa panahon ngayon na nakakaranas tayo ng pandemyang Covid-19, sa paanong paraan mo pangangalagaan ang iyong sarili tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan? Tag-init: ________________________________________________________________
________________________________________________________________ Tag-ulan: ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
16
2. Gumuhit ng isang anyong lupa at anyong tubig na nais mong
bisitahin pagkatapos ng pandemya. Kulayan ito at magsulat ng
paraan kung paano mo pangangalagaan ang ating likas na yaman.
Anyong Lupa Anyong Tubig
3. Sa paglibot mo sa Lungsod ng Muntinlupa, may napansin ka
bang kahali-halinang tanawing angkop sa mga napag-aralan
mong anyong lupa at tubig na minsan ay nagkakaroon ng
pagbabago ang hitsura dahil sa pabago-bagong klimang dinaranas
natin? Paano kaya naaapektuhan ang mga ito dulot ng pagbabago
ng klima?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
17
Tayahin
Sa bahaging ito masusubok na ang iyong kaalaman sa mga paksang iyong binasa, ihanda na ang iyong sarili.
A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang sa hanay A. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
HANAY A HANAY B _________1. Bilang o dami ng tao sa isang lugar. _________2. Pinakatanyag na bulkan sa bansa. _________3. Tumutukoy naman sa kalagayan ng kapaligiran _________4. Ang pinakamaliit na man-made lake sa bansa.
_________5. Pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig
A. Karagatan B. Populasyon C. Jamboree Lake D. Bulkang Mayon E. Panahon
B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot. _________1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa? A. Napakainit sa Pilipinas. B. Napakalamig sa Pilipinas. C. Malamig at mainit sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas. _________2. Saang rehiyon ang may pinakamataas na populasyon? A. National Capital Region o NCR B. CALABARZON C. Gitnang Luzon D. Cordillera Administrative Region o CAR
18
_________3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
pangkat? A. Kapatagan C. Dagat
B. Burol D. Talampas _________ 4. Ang angkop sa pagtatanim ng gulay, mais at palay.
A. Bundok C. Talampas B. Burol D. Kapatagan _________ 5. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang makapag-aral at kumita.
B. Dahil maraming nagagandahang gusali rito. C. Dahil nasa sentro ito ng bansa. D. Dahil makabago dito.
19
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa
ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka
pa lubos na naunawaang paksa, maari mong
balikan ang modyul na ito. Kung malinaw na sa
iyo ang lahat maaari ka nang magpatuloy sa
susunod na modyul.
Karagdagang Gawain Panuto: Sumulat ng pangako ng wastong pangangalaga sa mga anyong lupa at anyong tubig.
Ako si _________________________________ay
nangangakong____________________________
_________________________________________
________________________________________.
20
Sanggunian Learner’s Material, p.21-22, 53-62, 89-91
https://pdfslide.net/documents/katangiang-pisikal-ng-asya-561ab51e491e3.html
https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-anyong-lupa/
https://www.britannica.com/place/Mount-Apo
https://theculturetrip.com/
https://philnews.ph/
https://philippineslifestyle.com/
https://facts.net/
https://mgabayani.ph/mga-anyong-tubig/
https://www.top-destination-choice-the-philippines.com/muntinlupa-city.html
http://www.phtourguide.com/
https://www.esquiremag.ph/
https://touristspotinthephilippines.wordpress.com/
https://www.slideshare.net/patrickcelso1/distribusyon-ng-populasyon-sa-pilipinas
Mga Clip Art na ginamit https://www.google.com/search?q=teacher% 20cartoon&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=il% 3Acl&ved=0CBQQrNwCKABqFwoTCLCCo
viS0-oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=667#imgrc=XMGc4AlbgPlIgM
https://www.google.com/search?q=very+good+s tar+stickers+for+teachers&tbm=isch&hl=en&hl=en&ved=2ahUKEwjwiIe0k9HqAhV
G15QKHaRaAMYQrNwCKAJ6BAgBEH4&biw=1349&bih=667#imgrc=9A05Aax7eLQYwM
Susi sa Pagwawasto