Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
0
Kagawaran ng Edukasyon
Music 4 G-clef (Treble Clef),
Mga Pitch Names
at Daloy ng Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Edrick Ramier G. Balleta
Manunulat
Raul T. Felix Ph. D. Enrico C. Madarcos
Rebecca V. Kondo
Tagasuri/Patnugot
Maria Hazel B. Hernandez Evangeline M. Aman
Edison C. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
G-clef (Treble Clef) at Mga Pitch Names
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang mabilis mong
mauunawaan ang kahulugan ng G-clef at matukoy ng wasto
ang mga pitch names.
___1. . A.
___2. B.
___3. C.
___4 . D.
___5.
E.
___6. F.
F.
Panuto: Tukuyin ang wastong pitch name mula sa Hanay A
patungong Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang
2
Sagutin: Ano ang pagkakaiba ng accented beat
at unaccented beat? __________________________________________________________________________________________________________________________________________
Magbigay ng tig- dalawang halimbawa nito. 1. 2.
1. 2.
Ang G clef ay isang simbolo ng musika na ginagamit upang
ipahiwatig ang tunog ng mga nakasulat na nota sa isang staff o
limguhit. Ipinapahiwatig nito ang pangalan at pitch ng mga nota.
Ang simbolong ito ay nagsisilbing isang sanggunian kung saan
maaaring matukoy ang mga pangalan ng mga nota sa iba pang
linya o puwang ng staff.
Isa rin itong simbolo na matatagpuan sa simula ng limguhit
upang ipahiwatig ang pitch ng mga nota na nasa linya at pu-
wang ng limguhit. Ang G clef ay napangalanan dahil ang simbo-
lo nito ay naihahalintulad sa letrang "G" na pumapalibot sa linya
ng limguhit.
Ang bawat linya ng staff ay kumakatawan sa isang pitch.
Ang isang pitch ay ang taas o baba ng isang tunog. Ang mga
pitch ay binibigyan ng mga pangalan ng letra mula sa A hang-
gang G. Tinatawag itong "musikal na alpabeto". Ang mga pitch
names sa musikal na alpabeto ay: A, B, C, D, E, F, at G.
Tulad ng mga linya at espasyo na nagsisimula sa ilalim ng
limguhit, ang mga alpabeto / pitch na pangalan ay nagsisimula
3
din sa ibaba. Ang unang linya ng limguhit ng treble ay E. Ang
susunod na puwang ay F, susundan ng linya para sa G, kasunod
ang puwang na A, at susundan naman ng B,C,D at F. Ito ang
pagkakaayos ng mga letra ayon sa alpabetong musikal.
Upang mas matandaan ang mga pitch sa isang staff o lim-
guhit ay kailangang kabisaduhin ang mga linya at puwang. Sa
staff ng treble clef, binabaybay ng mga pangalan ng puwang
ang salitang FACE. Madaling tandaan ang mga linya ng staff ng
treble clef kung kabisado mo ang isang kasabihang Every Good
Boy Does Fun. Ang unang letra ng bawat salita sa kasabihan ay
ang pitch name ng isang linya.
4
Ang G clef ay simbolong matatagpuan sa simula ng linya
upang ipahiwatig ang tono(pitch) sa staff. Ang mga letra ng
alpabetong A B C D E F G ang bumubuo sa pitch name.
Ang isang madaling paraan upang matandaan ang mga
pitch sa isang staff ay ang kabisaduhin ang mga linya at puwang.
Sa staff ng treble clef, binabaybay ng mga pangalan ng puwang
ang salitang FACE. Ang unang letra ng bawat salita sa kasabi-
hang Every Good Boy Does Fun ay ang pitch name ng bawat
linya.
Iguhit ang G-clef sa simula ng staff at ilapat ang mga nota ng
mga sumusunod na pitch name.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap kung
Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.
____1. Ang G-clef ay simbolong makikita sa simula ng linya upang
ipahiwatig ang tono o pitch.
____2. Ang G-clef ay maihahalintulad sa letrang B.
____3. Ang bawat linya ay kumakatwan sa isang pitch.
____4. Ang mga pitch ay binibigyan ng mga pangalan ng liham
mula sa A hanggang Z.
5
____5. Binubuo ang pitch names ng mga katagang FACE at
EGBDF.
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Ang ____ay isang simbolo ng musika na ginagamit upang
ipahiwatig ang tunog ng mga nakasulat na nota.
A. staff B. clef C. tono
2. Ang ____ ay simbolong matatagpuan sa simula ng linya upang
ipahiwatig ang tono(pitch) sa staff.
A. G-clef B. pitch name C. linya
3. Ang isang _____ ay ang taas o baba ng isang tunog.
A. tono B. pitch C. staff
4. Anu-anong mga pitch names ang bubuo sa guhit ng staff?
A. FACE B. EGBDF C. ABCDEFG
5. Ano ang pitch names ng mga nota na nasa ibaba?
A. FBFC B. FABC C. BFCE
PAGKILALA SA DALOY NG MELODIYA
Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang mabilis na makiki-
lala ng mga mag-aaral ang wastong daloy ng isang melodiya.
A. Panuto: Pagtambalin ang mga sumusunod ayon sa daloy
ng melodiya. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
6
A. umuulit
B. pahakbang
C. palaktaw
D. patalon
B. Panuto: Lagyan ang mga sumusunod na limguhit ng tig-
aapat na buong nota na nagpapakita ng iba’t ibang
daloy ng melodiya.
A. Umuulit C. Pahakbang pababa
B. Palaktaw-pataas D. Patalon
C.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng G clef?__________________________
______________________________________________________
2. Saan inilalagay ang G clef?__________________________
3. Ano ang mga letrang nakapaloob sa pitch names?
_______________________________________________________
Ang pagdaloy ng mga tunog ay ang siyang nagbibigay ng
damdamin at kabuluhan sa musika. Ang pagdaloy na ito ay tina-
tawag na “Daloy ng Melodiya”.
____ 3.
____ 2.
____ 1.
7
Ang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaring
dumaloy ng pataas, pababa, palaktaw at maaring inuulit.
DALOY NG MELODIYA
Ang daloy ng tunog nito ay di
nagbabago.
Umuulit
Pahakbang
Pahakbang -pataas Pahakbang -pababa
Ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o di kaya’y
pababa. Ito ay ang pahakbang na tunog sa paraang
magkakasunod.
Palaktaw
Pataas-palaktaw Pababa-palaktaw
Ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas o di kaya’y paba-
ba.
Ang daloy ng tunog nito ay maari ding
pataas, pababa o di kaya’y pataas-
pababa. Ito ay lumalaktaw ang tunog
ng mahigit pa sa isang linya o espasyo sa iskala. Patalon
Pagmasdan ang awiting “Run and Walk”.
8
Panuto: Punan ng mga wastong letra ang mga sumusunod na
espasyo upang mabuo ang salita.
1. P__ __ A __ __ A __
2. U __ __ __ L __ __
3. PA __ __ KB __ NG
P ___ BA ___ ___
4. P __ T __ L __ N
Ang Daloy ng Melodiya ang siyang nagbibigay kulay sa
isang awitin o komposisyon. Mayroong apat na uri ng daloy ng
melodiya. Inuulit, ang daloy ng tunog nito ay hindi nagbabago.
Pahakbang, ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o
pababa. Ito ay may tunog sa paraang magkakasunod. Palaktaw,
ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas o di kaya’y paba-
ba. Patalon, ang daloy ng tunog nito ay maaring pataas, paba-
ba o di kaya’y pataas-pababa. Ito ay lumalaktaw ng tunog ng
mahigit pa sa isang linya o espasyo sa iskala.
Panuto: Gumuhit at ilapat ang mga nota ayon sa hinihinging
daloy ng melodiya.
PATALON PATAAS-PALAKTAW PAHAKBANG-PABABA
9
UMUULIT PAHAKBANG-PATAAS
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang ______ ang siyang nagpapaganda sa at nagbibigay
buhay sa isang awitin.
A. G-clef B. melodiya C. tunog
2. Ang pagdaloy ng tunog ay tinatawag na “_______”.
A. Nota B. Pitch name C. Daloy ng Melodiya
3. Mayroong ____ na uri ng daloy ng melodiya.
A. 4 B. 5 C. 3
4. Ang daloy ng tunog nito ay di nagbabago.
A. Palaktaw B. Inuulit C. Pahakbang
5. Ang daloy ng tunog na ito ay maaring pataas o pababa.
Ito ay mayroon ding tunog sa paraang magkakasunod.
A. Patalon B. Pahakbang C. Inuulit
6. Ang daloy ng tunog nito ay maari ding pataas, pababa o di
kaya’y pataas-pababa. Ito ay lumalaktaw ng tunog ng ma-
higit pa sa isang limguhit o espasyo sa iskala.
A. Palaktaw B. Inuulit C. Patalon
7. Anong daloy ng melodiya ang ipinapakita
sa limguhit?
A. Patalon B. Pahakbang pataas C. Palaktaw pataas
8. Anong daloy ng melodiya ito?
A. .Palaktaw B. Inuulit C. Patalon
9. Ano naman ang daloy ng melodiya ito?
A. Pababang Palaktaw B. Pahakbang pababa C. Patalon
Anong daloy ng melodiya ang
10. ipinapakita sa limguhit?
A. Palaktaw B. Pahakbang pababa C. Patalon
Sanggunian
Musika,Sining at Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan 4, ph. 46-48
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: A. 1.C 2A 3D
B.( iba-iba ang sagot)
Pangwakas na Pagsusulit: 1B, 2C, 3B, 4B, 5B, 6A, 7C, 8B, 9A 10C
Susi ng Pagwawasto:
Unang Pagsubok: 1.A 2.C. 3. F 4. E 5. D 6. B
Pangwakas na Pagsusulit:A.1.T,2.M,3M,4T,5T
B. 1B.2B,3B.4B,5A