4
Kahulugan ng Wika Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason) Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle) Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra) Kahalagahan ng Wika Mahalaga ang wika sapagkat: 1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; 2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; 3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; 4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. May iba’t ibang katangian ang wika 1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo 2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika 3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad

Kahulugan Ng Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

testupload

Citation preview

Page 1: Kahulugan Ng Wika

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Page 2: Kahulugan Ng Wika

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

Page 3: Kahulugan Ng Wika

Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal