3
Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal) Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon. Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga. Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo. Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na yung “lizard”. Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil “lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Kapag Lumaki Na

Embed Size (px)

DESCRIPTION

credits to the owner

Citation preview

Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang lizard. Pikit ka na, bababa na yung lizard.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging disente (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan.

Global Warming sa Pilipinas (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung akoy bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na suns rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.