18
1. KATUTUBONG PANAHON Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.Naganap pa ang iba pangmigrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon. Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ngpopulasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ngHilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. [1] Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay angbarangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mgamaharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan. Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia. [2] Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito saMaynila noong 1565. [1] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anitoang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar. [1] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay. Alibata - Noon Panahon ng mga Katutubo Bago pa dumating ang mga Kastila'y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang barangay), may sariling batas, pananampalataya,

KATUTUBONG PANAHON

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KATUTUBONG PANAHON

1. KATUTUBONG PANAHON

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.Naganap pa ang iba pangmigrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.

Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ngpopulasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ngHilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1] Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay angbarangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mgamaharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga timawa;  at ang mga alipin.  Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan. 

Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia.[2] Noong ika-16  dantaon,  matatag   na   ang   Islam   sa Sulu at   lumaganap   ito  mula   sa Mindanao; nakarating ito saMaynila noong 1565.[1] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anitoang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi  lumaganap sa ibang lugar.[1] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.

Alibata - Noon Panahon ng mga KatutuboBago pa dumating ang mga Kastila'y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining,   panitikan, alibata at  wika.   At   ang   kanilang   sistema   ng   pagsulat   ay   tinatawag na Alibata.

2. PANAHONG NG KASTILA

Nang   lumapag   si  Magellan   sa  Pulo  ng   Limasawa  noong   ika-16  ng  Marso  1521,   ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na.Pinatutunayan   din   sa   kasaysayan   na   noong   dumating   si   Legaspi   (ang   pumalit   kay Magellan na napatay ni  Lapu-Lapu),  ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas,   Pampanga,   Mindoro,   Panay,   Catanduanes,   Cebu,   Bohol,   Samar,   Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.

Page 2: KATUTUBONG PANAHON

Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).Ipinagtanggol   ni   Rajah   Soliman   ang   kanyang   kaharian   ng  buong   tatag  hanggang   sa kahuli-hulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata.Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtanggol  sa kanilang mga sarili  hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.Itinatag ng mga Kastila bilang pangunahing lugar ang Manila, at nagplano sila na lusubin ang Visayas.  Sa maikling sandali,  nalupig nila ang Visayas.  Ang mga Muslim na hindi namatay   sa  digmaan  ay  napilitang   talikdan  ang  kanilang   relihiyon  at   tanggapin  ang Kristiyanismo.Pero ang mga matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon ng mga Kastila.Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao. Pero ang iba’t-ibang mga tribu ng mga Muslim ay lumaban at pinigil ang pag-usbong ng pangarap ng mga Kastila. At doon nagsimula ang naging tanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila.

3. PANAHON NG AMERIKANO

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang  labanan ang mga Kastila.[10] Bilang mga magka-alyado,  binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit,  dumistansya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan   ng   Pilipinas.[11] Nagwakas   ang   relasyon   ng   dalawang   bansa   at   tumaas   ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.

Digmaang Pilipino-AmerikanoSumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas   magastos   at   mas   marami   ang   namatay   sa   digmaang   ito   kaysa   sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang  lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali  sa   isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga   kasapi.[12] Sa   pagitan   ng   250,000   at   1,000,000   sibilyan   ang   namatay   dahil   sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]

Page 3: KATUTUBONG PANAHON

Ang   kakulangan   ng  mga sandata ang   naging   sanhi   ng   pagkatalo   ng  mga   Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay   nagwagi   sa   mga   labanang   gerilya.[12] Ang Malolos,   na   kabisera   ng   pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noongMarso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio   Luna,   ang   pinakamagaling   na kumander ni   Aguinaldo,   ay   pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo  sa  mga  labanan sa  Hilagang  Luzon,  pinalitan  ng  di-sentralisadong  mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]

Nadakip  si  Aguinaldo  sa Palanan,   Isabela noong Marso  23, 1901 at  dinala  sa  Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga   labanan   sa   ilang   mga   bahagi   ng   Pilipinas,   lalo   na   sa   Mindanao,   hanggang noong 1913.

Kolonya ng Estados UnidosTinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino   sa  malayang  pamamahala.[14] Itinatag   ang  pamahalaang   sibil   noong 1901,   na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas,   na   humalili   kay Arthur  MacArthur,   Jr. Ang   gobernador-heneral   ang   naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang   tagapagbatas   at   may   limitadong   kapangyarihang   tagapamahala. Nagpatupad   ang   komisyon   ng   batas   na   nagtayo   ng   iba't   ibang   mga   sangay   ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang   halal   na Asamblea   ng   Pilipinas noong 1907 bilang   ang   mababang   kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala,  ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay   na   naging   daan   sa   kalayaan   ng   Pilipinas.   AngBatas   Jones,   na   ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916,  ay naging batayan ng pagtatag ng  isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Page 4: KATUTUBONG PANAHON

Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at  mga komprontasyon ng mga Pilipino   sa   mga   gobernador-heneral   ng   Estados   Unidos,   depende   kung   kaya   ng gobernador-heneral  na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados  Unidos.   Ipinadala  sa Washington  D.C. ang   ilang  mga misyong  pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.Ang pulitika  ng Pilipinas  noong panahon ng kolonyalismo nito  sa  Estados  Unidos ay pinamahalaan ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15] Pinamunuan  ito ni Manuel  L.  Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

4. PANAHON NG HAPON

Naglunsad   ang   bansang Hapon ng isang   sorpresang   pag-atake   sa   Clark   Air   Base   sa Pampanganoong Disyembre   8, 1941,   halos   sampung   oras   lamang  matapos   ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon.  Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at  sinalakay pa rin  ito [18] ito ay pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong  Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20]

Sumama  sina  Quezon  at  Osmeña   sa  mga   sundalong  patungong  Corregidor  at  hindi nagtagal   ay   umalis   sila   patungong   Estados   Unidos,   at   doon   pinamahalaan   ang Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas).   Isinaayos nila  ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil  na batas hanggang Oktubre 1943,  nang  ideklara nila  ang Pilipinas bilang  isang malayang 

Page 5: KATUTUBONG PANAHON

bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[22]

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya.   Lumaban   ang   pangkat   ng   militar   ng Hukbong   Katihan   ng   Komonwelt   ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa   katapusan   ng   digmaan,   kung   saan   kontrolado   lamang   ng   mga   Hapones   ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[22] Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ngHukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[22]

Noong  Mayo   8,   1942   hanggang   Setyembre   2,   1945,   nagsimula   ang   kampanya   ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali  bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.

Dumating si  Heneral  Douglas  MacArthur  at  si  Pangulong Sergio  Osmena kasama ang maraming   mga   Pilipino   at   Amerikanong   sundalo   saLeyte noong Oktubre   20, 1944. Maraming   pang  mga   sundalo   ang   dumating,   at   pinasok   ng  mga  Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942. 

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis  noong Agosto 1, 1944 at si  Osmeña ang humalili  sa kanya.  Kasama siya  ng  mga puwersang  Amerikanong   lumunsad sa  Leyte.  Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos.  Kumandidato siya bilang pangulo,  ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Page 6: KATUTUBONG PANAHON

5. PANAHON NG BATAS MILITAR

Noong una ay marami ang nagmamaliit sa kanila. Hindi raw kaya ng mga Hapones ang ginagawa ng mga kolonyalistang bansa. Hinihintay na lamang ng mga Pilipino na maging malaya matapos ang ilang taong "paggabay" ng mga Amerikano. Ngunit kasabay ng unti-unting   pagpasok   ng   mga   Hapones   sa   bansa   at   ang   pagsiklab   ng   giyera   ay   ang pagkakatuklas sa isang itinatagong katotohanan: hindi tayo kayang ipagtanggol ng mga Amerikano na lubos na inasahan ng maraming kababayan natin noong panahon na iyon.

Matapos mapasok ang Maynila,  iprinoklama agad ang pagpapatupad ng batas militar noong   Enero   3,   1942.   Simula   pa   lamang   ay   nagpahayag   na   kaagad   sila   ng   hindi kagustuhan  sa  mabuting pagtingin  ng  mga Pilipino  sa  mga Amerikano.  Para  daw sa kanila, ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino lamang. Ngunit ito naman ay isa na lamang sa mga istratehiya na ginagamit ng isang manakop upang mabihag ang mga puso ng mga mamamayan ng bansang sinasakop.

Hindi pa nananamnam ng mga Pilipino ang demokrasiyang pinatikim ng mga Amerikano ay   agad   naman   itong   pinalitan   ng   batas  militar.   Ipinakita   ang   pananakot   ng  mga Hapones at  ang pagnanais  ng mga  ito  na disiplinahin  ang mga mamamayan.  Noong panahong   iyon,   ang   mga  miyembro   ng  militar,   mula   sa   pinakamataas   na   ranggo hanggang   sa   pinakamababa,   ay   naging   simbolo   ng   kapangyarihan,   kalupitan   at kasinungalingan. Marami ang inaresto nang wala man lamang sapat na ebidensiya sa ginawang kasamaan. Nakikinig lamang ang mga Hapones sa mga sabi-sabi  lalo na ng mga espiya. Naging problema din ang hindi pagkakaintindihan sa wika. Marami rin mga Pilipino ang naparusahan dahil dito. Ang mg a Pilipino naman ay hindi makaalma dahil sa tinanggalan na sila ng mga armas at sa kaunting pagkanti lamang sa isang sundalong Hapones ay malupit na parusa kundi man pagkakapatay ang katumbas.

Ginawa  ng  mga  mananakop  na   ito   ang   lahat,  makontrol   lamang   ang  mga  Pilipino. Nagpatupad sila ng mga limitasyon sa oras ng paglabas ng mga tao sa kanilang mga bahay, kung saan ang mga hindi susunod ay aarestuhin at ikukulong. Sa pagpapalabas ng mga balita, lahat ay dapat dumaan sa kanilang panunuri. Maraming diyaryo at iba pang babasahin   ang   ipinatigil.   Ang   mga   natira   lamang   ay   iyong   sila   na   ang   siyang namamalakad. Pinakialaman rin ang ang mga organisasyon at institusiyon pati na ang simbahan.   Ipinagbawal   ang   paggamit   ng   ating   watawat   ang   pagpapatugtog   ng pambansang awit. Maging ang mga pangalan ng mga daan at lugar na nagpapaalala sa mga Amerikano ay pinalitan. Pinilit rin nilang ipagamit sa mga tao ang mga perang kung tawagin ay "Mickey Mouse Money."

Page 7: KATUTUBONG PANAHON

Lahat ng ito’y ginawa nila. Walang namang magawa ang mga Pilipino. Isang maliit na pagkakamali nila’y maaaring humantong sa kamatayan. Wala ring nagawa agad ang mga Amerikano.  Naging malakas na ang kontrol  ng mga Hapones sa Pilipinas.  Ang dating binalewala ng maraming Pilipino ay siya namang naging dahilan ng pagkakaroon nila ng isang masamang panaginip.

6. PANAHON NG HIMAGSIKAN

Ang Himagsikang   Pilipino o Himagsikan   ng   1896 (1896—1898)   ay   isang   labanan   sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan.Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran   ng   mga   Kastila   ng divide et impera-hatiin   at   sakupin.   Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga  lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga.   Ito  ang nagpatindi  ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.

Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang  ito-ang mga ilustrado.  Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.

Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol,  tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.

Page 8: KATUTUBONG PANAHON

Nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong Pebrero 17, 1872. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati.

Marami   sa  mga   kakampi   ng  Gomburza   ang  tinapon  papalabas   o   kusang   umalis   sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang   taong   lumipas,   isang ilustradong duktor   na   nagngangalang   Jose   Rizal   ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.

Ang kilusang propaganda

Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ng   Espanya   sa   kanyang   kolonya   sa   Timog-Silangang  Asya.   Layon   ng   kilusang   ito,na pinamunuan   nina   Jose   Rizal,   Marcelo   del   Pilar,   Graciano   Lopez-Jaena,   tulad   ng sekularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungan tungkol   din   ito   sa   economical   state  ng   Pilipinas   noong  panahong   iyon.   Isa   sa  mga patakarang   ito  ay  ang  pagpataw ng  mga Kastila  ng  mataas  na  buwis  sa  mga Tsino, Mestisong   Tsino   at   Pilipino.   Hindi   na   pinagbabayad   ng   buwis   ang  mga   Kastila   at Mestisong Kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaad tungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo naman ang sinulat ni Rizal na tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila ng bansa. Ito ay nagdulot ng pagmamahal ng mga tao sa bansa. Sa pamamagitan ng tuwing gabihang pahayagan na La Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naipahayag nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas.

Sa   kabila   ng   lahat   ng   ito,   sa   huli,   nabigo   ang   Kilusang   Propaganda  na   tuparin   ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksyon at isang maka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-at Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at del Pilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Katipunan ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito.

La Liga Filipina

Page 9: KATUTUBONG PANAHON

Pagkatapos ang pagbalik ni  Rizal  sa "Pilipinas" noong 1892,   itinatag niya ang La Liga Filipina (Samahang   Pilipino)   noong   taong   ding   yaon.   Layunin   ng   kilusang   ito,   na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng Liga, na   naghihikayat   ng   "pagtatanggol   laban   sa   karahasan   at   kawalang-katarungan")   at noong Hulyo 7 ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga.

Nahati  ang   samahan  pagkatapos  ng  pangyayaring   ito.  Ang  makagitnang  pangkat   ay binuo   muli   ang   sarili   nito   na Cuerpo de Compromisarios (Samahan   ng   mga Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad.  Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan.

Noong gabi ng Hulyo 7, 1892,  itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi   ng La Liga Filipina na   sina Ladislao   Diwa,Deodato   Arellano, Teodoro   Plata, at Valentin   Diaz ang Kataastaasang   Kagalang-galang   na   Katipunan   ng   mga   Anak   ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto). (Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlongPangulo.

sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa   isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa  Maynila  na ang kasabay ang lahat ng puwersa ng Imperyong Hapones na tumuloy agad ng puwersang panghimagsik ng mga Pilipino at mga taguyod para sa mga Katipunan para sa huling makikipaglaban sa mga sundalong Kastila - at nabigo.

Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina Candido   Iban   at   Franciso   del   Castillo   (na   parehong   nagtatag   ng   Katipunan   sa Kabisayaan),   ang   pahayagang Kalayaan.   Para   di   malaman   ng   mga   Kastila   ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si Marcelo H. del Pilarbilang "editor" nito at sa Yokohama bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng Diario de Manila.

Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa ilang   mga   bayan   sa   mga   lalawigan   sa   Kabisayaan.   Nagkaroon   din   ng   sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong taong  1893.  Sa  kabuuan,  mula  sa  mahigit  na  300,   lumaki  ang  Katipunan sa  mahigit 30,000 na mga katipunero.

Page 10: KATUTUBONG PANAHON

7. PANAHON NG KASALUKUYAN

Ikalimang Republika (1986-kasalukuyan)Pamamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal  ang  sitwasyon,  na  naging  batayan ang   transisyonal  na Freedom Constitution.[37] Isang  bagong saligang-batas  ang  ipinagtibay  noongPebrero 1987.[38] Ipinagbawal  ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon   sa Cordillera at   sa Timog   Mindanao at   ang   pagbabalik   ng   istilong pampanguluhan   ng   pamahalaan   at   ang   Kongresong   may   dalawang   kapulungan.[39] Umunlad  ang  bansa   sa  pamamagitan  ng  pagtatatag  muli   ng  mga  demokratikong institusyon at respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[40] Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubonoong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[41]

Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan   ang Clark   Air   Base sa Pampanganoong   Nobyembre   ng   taong   iyon,   at ang Subic   Bay  Naval   Base sa Zambales noong Disyembre 1992,   na   nagtapos   sa   halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa Makati medical center sa lungsod ng makati sa kadahilanang Colon Cancer.

Pamamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon   sa   mga   hidwaan   ng   administrasyong   Aquino.[39] Ginawa   niyang   legal ang Partidong Komunistaat nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga   rebeldeng   pangkat,   at   mga   Pilipinong   militar   at   mga   pulis   na   kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde.  Noong Oktubre 1995,  nilagdaan ng pamahalaan   ang   kasunduang   nagtatapos   sa   kaguluhang   rebelde.   Isang   kasunduang pang-kapayapaan   ang   nilagdaan   ng   pamahalaan   at   ng Moro   National   Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa 

Page 11: KATUTUBONG PANAHON

ang Mindanao,  noong 1996,  na nagtapos  sa  pakikipaglaban na nagtagal  ng  24   taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang   pakikipaglaban.   Maraming   mga   malalaking   protesta   ang   kumontra   sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[42]

Pamamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)

Nanalo  si Joseph  Estrada,   isang  dating  aktor  at  naging  bise  pangulong  ni  Ramos,   sa halalan   ng   pagka-Pangulo   noong 1998.   Ipinangako   niya   sa   kanyang   kampanya   ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular   siya   sa  mga  mahihirap.[43] Noong  panahon  ng krisis  na  pinansyal   sa  Asya na nagsimula   noong 1997,   ang   pamamahala   ni   Estrada   ay   nagdulot   ng  mas  malalang kahirapan   sa   ekonomiya.  Maraming   Pilipino   ang   nawalan   ng   trabaho,   lumaki   ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng kronyismo at kurapsyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[34] Noong Oktubre2000,  inakusahan si  Estrada na tumatanggap siya  ng  pera  mula  sa   sugal.  Siya  ay   isinakdal  ng  Mababang  Kapulungan,  ngunit  ang kanyang   paglilitis   sa   Senado   ay   hindi   natuloy   nang   iboto   ng   senado   na   huwag eksaminahin   ang   tala   sa   bangko   ng   pangulo.   Bilang   sagot,   nagkaroon   ng   mga demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong Enero 20, 2001.

Pamamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)

Humalili   si  Bise Pangulong Gloria  Macapagal-Arroyo (ang anak ni  Pangulong Diosdado Macapagal)   sa  posisyon  ng  Pangulo   sa   araw  ng   kanyang  paglisan.   Tinatayang  hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas  lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan   pagkalipas   ng   apat   na  buwan,   kung   saan  nanalo   ang   kanyang   koalisyon   sa karamihan ng mga posisyon.[34]Ang unang termino ni  Arroyo ay nagkaroon ng hating pulitika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noongHulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.[34]

Sinabi   ni   Arroyo   noong Disyembre 2002 na   hindi   siya   tatakbo   sa   halalan noong 2004 ngunit   binago   niya   ang   kanyang   desisyon   noong   Oktubre   2003   at nagdesisyong sumali sa halalan.[34] Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa 

Page 12: KATUTUBONG PANAHON

kanyang   anim   na   taong   termino   noong Hunyo   30, 2004.   Noong 2005,   isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal  ng  halalan  kung saan  inutusan  ni  Arroyo ang  opisyal  na   itaas  ang  bilang  ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto.[44] Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[44] Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.