8
I. Balangkas ng Pagsusuri A. Pamagat ng Katha - “Kinagisnang Balon” ni Andres Cristobal Cruz B. Sanggunian o Aklat na pinagkunan - Raya 3 “Mga Akdang Pampanitikan sa Filipino III” II. Buod ng Katha Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa Tibag” ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya “. Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba’t paghaatid ng mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang. Si Narciso o si Narsing “tawag sa kanya ng mga tao” ay nakapagtapos ng haiskul dahil na nga sa kahirapan

kinagisnang balon ni Romero

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: kinagisnang balon ni Romero

I.Balangkas ng Pagsusuri

A. Pamagat ng Katha- “Kinagisnang Balon”

ni Andres Cristobal CruzB. Sanggunian o Aklat na pinagkunan

- Raya 3 “Mga Akdang Pampanitikan sa Filipino III”II.

Buod ng Katha

Inumpisahan ang kwento sa paglalarawan kung gaano kahalaga ang balon sa Tibag” ito ang lugar kung saan nakatira si Narciso at ang kanyan pamilya “. Kung kailan ba ito ginawa, at mga sari-saring kwentong bumabalot sa balon. Dito nagkakilala ang kanyang ama na si Tandang Owenyo at ang kanyang ina na si Nana Pisyang, si Tandang Owenyo ay taga-igib ng tubig na mana niya sa kanyang ama na si Ba Meroy at si Nana Pisyang naman ay labandera na namana niya pa sa kanyang ina na si Da Felisa. Ang kanilang anak na si Enyang ay tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba’t paghaatid ng mga damit, at si Narciso naman ay ang anak ng mag-asawang naghihimagsik dahil ayaw nitong maging katulad ng kanyang ama n agwador lamang.

Si Narciso o si Narsing “tawag sa kanya ng mga tao” ay nakapagtapos ng haiskul dahil na nga sa kahirapan hindi na ito nakapagpatuloy pa hanggang sa kolehiyo, masipag pagdating sa pag-aaral, palaging may dalang libro at sa library pa ng bayan nagbabasa’t humihiram ng libro. Labis itong naghihimagsik dahil ayaw niyang pumasan ng pingga, kung magiigib man siya ay walang gamit ng pingga tanging bitbit lang ng kanyang dalawang kamay ang balde. Isang araw binigyan siya ng kanyang ina ng konting babaunin, ito ay ang naipon sa paglalaba’t pinagbilhan ng ilang upo’t talagang inilalaan nila para sa susunod na pasukan ng mga nakaabata iya pangkapatid. Nakituloy siya sa isang tiyahin niya sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw ay naglalakad siya upang makahanap ng kahit na anong mapasukan wag lang ang pag-aagwador, sa paghahanap ng mapapasukan ay nakaranas na din siya ng gutom pero tiniis niya

Page 2: kinagisnang balon ni Romero

ito, sinubukan na rin niya sa mga kompanya at mga paggawaan ngunit parating may nakasabit na “ No Vacancy at Walang Bakante “. Hindi lamang siya ang nabibigo sa paghahanap ng trabaho may madalas pa siyang makasabay na tapos ng edukasyon at komers at kahit may mga dala itong papel na may pirma ng mga senador o kongresman ay pareho din walang mahanap na pwedeng mapasukan. Napadaan siya sa isang malaking gulayan ng intsik, kinausap niya ito ng nakitang nagpapasan ng dalawang ng tubig na tabla at dito siya nagtrabaho ng araw na iyon. Kinabukasan ng hapon ay nagpaalam siya sa kanyang tiyahin na nasa Velasquez, sumakay siya ng truck pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan. Magtatakip silim na siya ng dumating sa Tibag ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na naghain ng hapunan, habang sila’y kumakain nararamdaman ni Narsing na naghihintay ang ama’t ina niya sa kanyang pagsasalaysay tungkol sa paghahanap trabaho sa Maynila ngunit ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila alam kung gaano kahirap maghanap ng trabaho sa Maynila. Noong gabing iyon nagkasagutan sila ng kanyang ama, iminungkahi ng kanyang ama na ibig naman niyang maghanap buhay subukan nalang niya ang umigib, ngunit hindi nakapagpiigil si Narsing at malakas at pahingal na sagot “Ano ba kayo!, Gusto niyo pati ako maging agwador “ pagkatapos ay ang kanyang ina ay napatakbo at tanong ng tanong kung ano ba ang nangyari dahil minumura ito ng kanyang ama, pinagsasampal siya ng kanyang ama at itinaas niya ang kanyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal at nakita niya ang nagliliyab na mata ng kanyang ama, sumisigaw ang kanyang ina habang umiiyak yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Pagkatapos ng mga nangyari ay kung ano-anong balita ang kumakalat sa Tibag, isang linggo pagkatapos ng pagsasagutan nilang mag ama ay nadisgrasya sa balon ang Tandang Owenyo, ang dibdib nito ay pumalo sa nakatayong balde at ito’y napilayan at nabalingat naman ang isang siko niya sabi ng marami ay nahilo ang matanda ang iba nama’y wala raw sa isip niya ang ginagawa. Kinabukasan hindi niya inaasahang mangyari na hindi siya kinantyawan at pinagtawanan , nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang buto pagakyat panaog sa mga hagdang matatarik sa pagsalin at pabuhat ng tubig. Habang siya ay nakahiga sa sahig ay naisip niyang taniman ng taniman ang bakuran nilang ngayo’y hindi na kanila’t inuupahan na lamang, maaga pa ay bumaba na si Narsing at muling nagigib ng tubig habang mahapdi pa ang kanyang balikat, ng hapon na iyon habang naghihintay si Narsing sa

Page 3: kinagisnang balon ni Romero

kanyang turno sa balon ay nagbibiruan ang mga dalaga’t kabinataan sa paligid ng balon may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilang bagong agwador “ Binyagan si Narsing “ at may nangahas na nagsaboy ng tubig.

III. Pagsusuri

A. Uri ng pampanitikan

Maikling Kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

B. Istilo ng Paglalahad

C. Uri ng Teorya o Pananaw na ginamit

Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga "gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.

Ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa texto. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang

Page 4: kinagisnang balon ni Romero

pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

III. Sariling Reaksyon

Mga pansin at puna sa;

A. Mga tauhan

Tandang Owenyo – siya ay isang agwador sa kanilang bayan, namana niya ang paggiging ganito sa kanya rin ama. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa kanilang lugar upang makakita ng pera at para buhayin ang kanyang pamilya, ito lang kasi ang alam niyang gawain para matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nana Pisyang – siya ay isang labandera sa kanilang bayan, namana niya ito sa kanyang ina na si Da Felisa, hindi lang paglalaba ang alam nitong gawin kundi ang paghihilot na itinuro sa kanya ng kanyang ina. Ito ang hanap buhay niya upang may kainin sila pagdating ng hapunan.

Enyang – ang dalagita nilang mag-asawa na tumutulong sa kanyang ina na si Nana Pisyang sa paglalaba’t paghahatid ng mga damit.

Narciso – nakapagtapos ng haiskul na hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral hanggang kolehiyo dahil na din sa kahirapan, dahil sa may pinag-aralan at masipag pagdating sa pag-aaral ay ayaw niyang matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang, tila ikinahihiya niya ang pagiging agwador ng kanyang ama.

B. Istilo ng may akda

Page 5: kinagisnang balon ni Romero

Sinimulan niya ito sa paglalarawan, pinagmulan, at mga kwentong bumabalot sa balon ng Tibag, inilahad niya pa rito na ang buhay-buhay tulad ng matandang balon na siya na nilang nakagisnan at kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak nito.Ginawang halimbawa ang buhay ng matandang Owenyo na minana pa ang pagiging agwador sa ama nitong si Ba Meroy at ang asawa nitong si Nana Pisyang na namana ang pagiging labandera at paghihilot sa ina nitong si Da Felisa. Isinasalaysay ito sa pamamagitan ng paguusap-usap ng mga taga-roon tungkol sa buhay ng mag-asawa at isinunod naman ang kanilang anak na magmamana ng kanilang trabaho pagdating ng panahon. Pagkatapos ng pagpapakilala sa kanila ay pumunta na ang kwento sa anak ng mag-asawang Tandang Owenyo at Nana Pisyang na si Narciso na kilala bilang Narsing, Sa pangkalahatan ay ibig ng may akda na ipakita na kahit anumang trabaho basta’t marangal ay hindi dapat ikahiya.

C. Galaw ng mga Pangyayari

Sa unang bahagi ay umiikot ang kwento sa mag-asawa, pero sa pangkalahatan ng kwento ay umiikot ang galaw ng mga pangyayari sa anak nilang si Narciso dahil na sa kanyang karanasan matatagpuan ang aral na ibig na ipakita ng may akda nito.

Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip- Pagpapahalaga sa kung anong meron trabaho tyu meron ngayon.

Dahil baka ito ang magbubunga sa ating tagumpay.B. Bisa sa Damdamin

Page 6: kinagisnang balon ni Romero

- Pag pahalagahan at pagsasa puso ng oportunidad mag trabaho na ibinigay ng ating mga magulang, pag papahalaga sa kanilang pag sakripisyo upang tyu ma buhay, dahil pag dating din ang panahon na kakailanganin din nila tyu.

C. Bisa sa Kaasalan- Kailangan natin paring ma pahahalagahan an gating magulang sa

pag aaruga,pagmamahal,at pag mamalasakit sa atin araw-araw upang tyu ay mabuhay