88
Please Fasten Your Seatbelts 5 9/04 KM64

Km64chap5 Please Fasten

  • Upload
    km64

  • View
    696

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Km64chap5 Please Fasten

Please Fasten

You

r Seatbelts

59 / 0 4

K M 6 4

Page 2: Km64chap5 Please Fasten
Page 3: Km64chap5 Please Fasten

Please Fasten

You

r Seatbelts

Page 4: Km64chap5 Please Fasten

2

Page 5: Km64chap5 Please Fasten

3

SetyembreNagsimula na ang mga buwang may “bre” sa dulo, at panahonna ng paghihintay sa Pasko. At upang patunayan ito, sasentrong komersiyal sa Cubao ay sinimulan nang ikabit angmga ilaw-pamasko sa mga puno.

Ngunit bago natin tuluyang namnamin ang paglapit ngKapaskuhan, pagnilayan na muna natin ang kahulugan ngbuwang Setyembre sa ating kasaysayan.

Buwan ng mga bagyo sa Pilipinas ang Setyembre — sanapakaraming pagpapakahulugan sa salitang “bagyo.”

Setyembre 11, 1917 isinilang si Ferdinand E. Marcos, na nagingpangulo ng Pilipinas noong 1965, muling nahalal noong 1969;at sa pagsapit ng Setyembre 21, 1972 ay magdedeklara ngbatas militar at mananatiling pangulo sa loob ng 14 pang taon.

Sa loob ng 14 na taon ng batas militar, milyun-milyon sa mgakababayan natin ang nagutom, nawalan ng kabuhayan,dinahas, at pinaslang dahil sa kanilang paninindigan para sahigit na mabubuting kalagayan. Sa loob ng mahabang panahonay tinangkilik ng Estados Unidos si Marcos habang nagaganapito, hanggang sa ang poot ng mga mamamaya’y umabot sa isangantas na hindi na nila ito kayang harapin pa.

Samantala, ang Setyembre ay buwan din ng pagsilang opagpanaw ng ilan sa mga dakilang tao sa ating kasaysayan.

Nariyan si Amado V. Hernandez, manunulat ng sambayanan,isinilang noong Setyembre 13, 1903. Nariyan si Macario Sakay,nagtatag ng Republikang Tagalog sa panahon ng pananakop ngmga Amerikano at nagpatuloy ng pakikibakang anti-imperyalistamatapos na sumuko ang noo’y Pangulong Emilio Aguinaldo;binitay noong Setyembre 13, 1907.

Nariyan din si Renato Constantino, makabayang intelektuwal,yumao sa gulang na 80 noong Setyembre 15, 1999. Si LeandroAlejandro, lider-aktibista, ay pinaslang ng hanggang ngayo’y di-

Page 6: Km64chap5 Please Fasten

4

kilalang mga salarin noong Setyembre 19, 1987. Si Gabriela Silang,kababaihang lumahok at namuno sa pag-aalsa ng Ilokandialaban sa kolonyalismong Kastila, ay binitay ng mga kaawaynoong Setyembre 20, 1763.

Silang lahat—sina Hernandez, Sakay, Constantino, Alejandro, atSilang—ay dumanas ng panggigipit ng estado dahil sa kanilangpakikipaglaban alang-alang sa isang uring buhay na nararapatsa tao. Sila’y pawang dumaan sa mauunos na kalagayangkaraniwan nang sumasagi sa isip kapag nababanggit angbuwang Setyembre.

Setyembre 16, 1991 naman nang mapatalsik ng sambayanangPilipino ang mga base militar ng Estados Unidos, mga paglabagsa soberanya ng bansa dahil hadlang sa paghawak sa isangindependiyenteng pusisyon sa mga pandaigdigang usapin.

Masalimuot ang pinagdaanan nito — at ang naging tagumpayna ito ay halos naibaligtad ng ilang bagyo noong 1999 (VisitingForces Agreement) at 2002 (Balikatan at Mutual LogisticsSupport Agreement). Mabuti na nga lamang at dahil sa tuluy-tuloy na pagtutol ng mga makabayang mamamayan ay di nilatuluyang naibalik ang Clark Air Base at Subic Naval Base; nihindi sila makaporma nang maayos sa Mindanao kung saanisinasagawa ang kanilang military exercises.

A, ang buwang Setyembre sa atin ay buwan ng mga taongnakitalad, at dumaan sa mga pagsubok, para sa sambayanan;at buwan ng mga pagsubok sa sambayanan mismo. Buwan dinito ng pagdaig sa mahahabang pagsubok.

Kapag dumarating ang buwang Setyembre, waring sumasagi saating utak ang larawan ng isang eroplanong nasa isangmasalimuot na panig ng kalawakan. Walang katiyakan kungano ang kahahantungan, kaya’tkailangang ikabit ang seatbelt para makatiyak — humigit-kumulang — sa kaligtasan. Ang eroplano ay ang ating bayan, atang masalimuot na bahagi ng kalawakan ay ang sumasagisagsa papel ng Setyembre sa ating kasaysayan.

Page 7: Km64chap5 Please Fasten

5

Lumabas man tayo sa partikularidad ng Setyembre sa Pilipinasay wala pa ring gaanong ipagkakaiba. Sa malaki-laking bahaging daigdig, ang Setyembre’y siyang huling buwan bago angtaglagas, kaya’t nagbabadya na ng kalungkutan.

Heto ang mga hain naming tula ngayong buwan: mga tula ngpakikibaka para sa bayan at para sa mga karapatan ng tao, mgatula ng pagtalunton sa mga salimuot ng buhay.

Alexander Martin RemollinoSetyembre 2004, Manila

Page 8: Km64chap5 Please Fasten

6

Page 9: Km64chap5 Please Fasten

7

Naligaw sa Pagtingin(para sa mga ‘geographical idiot’)

Titigan sa mata’t malayong tanaw ang tagpuan.Nang magkita, ang malabo dati, naging malinaw—‘di na kinailangan anumang salamin sa paninginnakakapit ako’t iniakay mo sa byaheng haling.Naging liwanag ka sa dilim ng aking panimdim,ngunit paumanhin,sadyang ‘di pantay ating mga paaat kaya mo pang lakbayin ilang libong milya.Pero wag mag-alala, tangan ko iyong paalala,“kung napapagod, dapat lang magpahinga.”Sa pagbuwelo ko ngayon, pinaaabot itong pasalamatsa iginuhit na mapa na detalyado mong inilatag.Ay! Kaya ko nang tahakin pinakamalayong landasino kaya’y isalarawan pinakamagandang tanawin.May kalituhan man sa pagitan ng damdamin at tunguhin —natuto na akong hindi maligaw sa pagtingin.

Mary Jan

e Alejo

Page 10: Km64chap5 Please Fasten

8

Karerang Patawa o Bukas na Liham II

Walang puknat ang pagtaya’t paghahanap sa jackpot.Ini-imagine kang baul ng kayamanan sa ilalim ng dagatO di kaya’y prutas sa gubat na langit ang sarap.Naitatanong tuloy minsan sa sarili,‘Kung rebolusyonaryo ka’y wala ba talagang imposible?’

Ngayon ako’y madalas pinagkakaitan ng orasO kung ‘di ma’y hinahamon ng habulang pakaskas.Eto’ng kalaban na matulin hinuhubog akong maging sprint queen -Na may pagkutya’t pagtantyang mahuhulog ako sa bangin.

Habang pinapag-isip ako ng tagal at bilis ng panahon,Wala pa ring kapaguran ang mga rebolusyon.Mamamangha, magugulumihan, sa bandang huli’y matatauhan -Pero, wala nga bang panganib kung akin lamang susubukan?

Samantala, nananatili kang jackpot na ‘di pa rin nakokopo.Ang baul ng kayamana’y ilusyon na lang na nakakabobo,At yaong prutas nama’y pinagdudahan nang may lason ng panlasa ko.

Kung kaya, dumadalas ang pagsampal ko sa aking sarili,‘Pag sobrang pahinga, hininga’y malalagot rin bandang huli.Hangga’t kaya ng katawan, tiyaking manalo sa karerahan—-‘Pagkat walang ibang premyo kundi ang katotohanan.

P.S.Kung patawa nga ito, hindi rin ibig sabihingWalang lungkot o galit at ibang katulad na damdamin.Dahil ang totoo at tunay ay laging may bahid ng piniling kulay.

Page 11: Km64chap5 Please Fasten

9

Araw ng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan

Sa kalsada patungong embahada ng Amerika,basang-basa ang mga kasama sa maghapong martsa.Nilulukuban ng dilim ang buong eksena:pagod sa mukha ni Mang Isko’y ‘di maitago,inip ang lahat sa pagtila ng ulan na ayaw sumuko,ang kalam naman ng tyan ni Ann ay nakikipagkorosa ngitngit ng mga awit na hinihiyaw ng buong bulto.

Ganyan makipag-ugnayanang mga ‘bastardo ng lansangan’—nagkukumustahan habang pinakikiramdamanang pangambang dulot malamangng masamang lagay ng panahonmas malala kasi ang sitwasyonng krisis ngayon.

Habang sinasagot ang tanong ng mga miron,may payasong nagtanong sa kaibigang pikon:“Hindi ba kahit sa laro ng digmaan,kailangang maging isport at walang gulangan?E sa kasaysayan, dinenggoy mo na kami’t dinamaywalang malay na sampung taong gulang?!”

Sumabay sa bugso ng bagyo ang damdamin at patak ng luha ni Juan—ang payasong marunong din umiyak sa alaalang mapanlinlang.At ‘di pang-asar lang ang kaya niyang ipamalas,may pasabog rin siyang galit na tatapat sa dahas!

Dagundong ng palakpakan suporta nina Mang Isko’t Annkasama ang buong bulto, kakapit-bisig ang payasong Juan.Mga kaibigang may pag-ibig mas marami ang nakakabig;Lumulusong sa baha’t pinupunit ang dilim ng nagkukunwang langit.

Page 12: Km64chap5 Please Fasten

10

Absolutefor A, in reply to your poem

I may have endless questions to reckon or confront:How much harm is there in tryingWhy are the reasons for sadnessOverwhelm those of joyWhat possibilities are thereFor the impossibleIs being artificial, naturalHow natural is all materialHow material is the spiritual

The endeavor for answers may be worth the whileBut the experiences necessary still lackingBrain cells for understanding still processingMoments of satisfaction come and goConfusion intrudes in periods of lucidityTransforming emptiness as pestPests devour away emotionsEmotions linger like ghosts longingFor space in purgatoryThat never was

Because mankind is of creatures relating in varied formsPhysical, geographical, mental, emotional, spiritual dimensionsMoving from cyclical to spiral journeyExisting in discordant harmonyWith an offbeat rhythmAnd conductors are lines drawnBetween stages, strata, levels, classesAnd differences

And if what makes us differentBrings usCloserTo changeFarther from stagnationLiving in common

I could onlyContinue the endeavorExperience satisfactionTransform empty confusionsExorcise ghostly pestsPurge emotions

Page 13: Km64chap5 Please Fasten

11

Because we both are different creationsOf definite originAnd uneven growthWe struggle to uniteUnite to struggle

Because differences level offWhen we are closerWhen we changeWhen we liveTogether

Because dying is every timeWe come into beingAnd anotherStriking and creatingThe balanceAnd the cause of deathGiving force to lifeAnd its cause

Then I could only reckon and confrontThe questions and answers

And if all this is what the world isI could only live to dieAnd die to liveWithYou

Page 14: Km64chap5 Please Fasten

12

may sandstorm ngayonmalakas ang hanginmas nakapupuwing ang buhangin

malalanghap ngayonang mga alikabok ng sigwanglikha ng hanginna may dayuhang pangalan.mga alikabok na pinapadpadng mga ipuipopatungo sa kung saan-saanat kailan pa ma’ydi na muling makakabaliksa dating pinagmulan.hinalughog, hinukaypinagpaikot-ikotang mga kaisipangatrasado daw at mangmangnang sa gayo’ymapilitang sumamasa indayog ng hangingkaaya-aya pero nakalalason.ngunit, sa pagbuhat ng hambogna buhawi sa mga mumunting butilinihahampas nila ito sa paderna siyang nabuo dahilsa mga buhanging natiponng dusa, hirap,at pasakit ng dantaonat ngayo’ylalong tumitibay, lumalakas.at sa susunod,siyang magpapahupasa hambog na sigwana may dayuhang pangalan.

Do

m A

qu

ino

Page 15: Km64chap5 Please Fasten

13

Piitang Seda

At papano ba ako makakatakassa karagatan ng iyong pag-ibigsa tuwing nagtatangkang umahonay inaanod mo ulit ako sa iyo

May pag-asa pa bang lumayasa rumaragasa mong dibdib?O matikman man lamangang hanging ipinagkait mo sa akin?

O Inay,sanggol man akosa iyong sinapupunanmas gugustuhin ko pangmaging kabiyakat kapiling mo sa kamagabi-gabi

Ayan

dela C

ruz

Page 16: Km64chap5 Please Fasten

14

Paradox

Truthfully have I lived, and truthfully have I loved. But living andloving brings no consolation, only ceaseless pain. I am old in myanger, old beyond belief. I have seen the stars grow old and die. Myage matches theirs. My sun has not faded, my moon still showerslight. I march down that aisle bearing placards and signs. No manmeets me on the other end. No one sees me as I fall. No one holds meas I cry.

“Who hears the sound of a tree felled in a forest when no one isaround?” -Zen Koan

Page 17: Km64chap5 Please Fasten

15

ang matris ay makapangyarihan.kaya nitong pumataysa pamamagitan ng paghiwang laman mula sa laman,inihihiwalay ang nabubulokna dugong ibinubulwakng bawat babaeng nangahashawakan ang sariling kapalaran.suntok sa pusonng mga naghahari-hariang nanginginainsa kanilang pagkababae.ngunit,

higit ang kapangyarihan ng matrisna magbuong panibagong buhaymula sa mga hiyawna iniluluwalng bawat inangnatututong lumaban.

ang kapangyarihan ng matrisay kapangyarihan ng inana ianak sa lipunan ang pagbabagogaano man kadugo.

rebolusyon ang matris ng inang bayan.

Ayn

ee

Page 18: Km64chap5 Please Fasten

16

Here and There

Here childrenare dying all aroundme. They are falling from highbridges, babies are being throwninto thick muck wheredogs could rip a little armor one soft leg offthe crying creatures.

Here at night televisionsflicker insistently.Gruesome light-windowsthat look out into dark fantasyworlds where bloodis the color of the ground,where it is always night,where mouths are alwaysstretched into screams.

But There is a different placewhere children attendyoga classes held near theirmothers’ belly-dancing schools. They havetired of fancy puppies, nowthey want thoroughbred horsesshipped to the family haciendas.

There pictures are splashedon the Sunday papersof brilliant balls and wedding parties,Inno Sottos hugging Belo bodies.Ads of 25 ml. colognes worth7 thousand pesos, of restaurantswhere lunches are styled withnets and sticks, flowerets and colored dotsand sold for 2 thousand.There bleached smiles flash at the peering reader.The mouths, too, are stretched into screamsof excessive delight.

Ime

Azn

ar

Page 19: Km64chap5 Please Fasten

17

Balakubak at Abo ng Makata

I.

Nagbibigti ang oras,sa tuwing walang mahagilap na tugma.

Kumanta’t sumayaw,habang nagbibigti sila...

II.

Kung umiiling ang sinta sa Libogng gabi.Nakawinang talaat sa kanya makipagtalik.

III.

Ang dila ay matalim.Ngunit mas matalim ang saliwng papel at lapis.Sagrado ang wikang inilalatag sa haraya.Mas sagradoat makamandagyaong letrang nagmamantsa sa kaluluwa.

IV.

Ang pagsungkit sa mga multongnagkukubli sa likod mo.Ay pagpapalaya sa mga balakubakat kutong namamahay sa ’yong ulo.

V.

Tumitigil ang tibok ng dibdib.At darating ang araw na makakalimutanang paghinga.

Ang makata’y magiging abo rin,ngunit hindi ang kanyangsipol at halina.

Dw

eigh

n B

altazar

Page 20: Km64chap5 Please Fasten

18

Gayuma

Ang mga Letra sa pagkaingaking inihain.Ay yaong sa di komagawang sambitin.Malasahan mo sana ang asukalsa mabetsin na sopasat maanghang na laing.

Page 21: Km64chap5 Please Fasten

19

Txt Back Please

Umaga at hot pandesal,Habang tila niyebe ang buhos ng ulan.Wala pa ring 1 message received.Nang-message sent naman kanina.Nag-aksaya pa tuloy ako ng piso.

(Mahirap pa namang kumita ng pera.)

Naalala ko ang pagtango ng ulo mo.

Kumulog pa nga noon.

Tumalikod ka.

Bumagsak ang pinto,

nayanig ang tutuli ko.

Tapos bumaha...

NASA’N KA NA KAYA?

Natanaw ko ang kutsilyo sa mesa.May bahid ng dugo ng kamatis.Pero wla namang nakahaing itlog na pula.Kumidlat at napadungaw ako sa bintana.Nagkorteng kutsilyo ang k i d l a t,kahawig ng kaharap ko sa lamesa.

Wala pa ring 1 message received.

NASA’N KA NA KAYA?

Naalala ko nang dumampi ang labi mo sa noo ko.Nilagay mo pa nga ang kamay ko sa dibdib mo.

Umiling ka.

Di ko na-gets.

Sabi ni Inay,Kahit magkalayo daw ang taong nagmamahalan,Nananatili naman daw sila sa puso ng isa’t isa.Gaya ni Itay na nasa Iraq, pero nasa puso pa rin niya.

Page 22: Km64chap5 Please Fasten

20

Wala pa ring 1 message received.

Makintab ang kutsilyo.Nakakasilaw,Nakangiti ito sa akin.Excited na kong makita ka.Dinampot ko ito,Hindi ko na hinugasan ang mantsang dugo ng kamatis.Pumikit ako.Sabay tarak, sa dibdib ko!Doon sa bandang kaliwa,Kung saan madalas dumadagungdong ang pangalan mo.

Wala pa ring 1 message received.Excited na kong makita ka.

Nilakihan ko pa ang hiwa.Yung magkakasaya ang kamao ko sa loob.Iisa na ang dugo namin ng kamatis.

Naghihingalo akong bumagsak sa sahig.Sabay dukot sa loob ng aking dibdib.

Wala akong makapa.

PUNO NA AKO NG DUGO.Nagkalat ako sa kusina,At namantsahan pa ang puti kong pajama.

Lagot ako kay Inay!

(Wala kasi kaming labandera.)

Gumapang ako sa labas.Para malinisan ng ulan.

Bagyo na ata.

Nasa labas na ko.Nakadapa’t hawak ang puso ko.May 1 message received na kaya?Hindi pala totoo ang sinabi ni Inay.

Wala akong nakapa.

Hindi kita nakita.

Page 23: Km64chap5 Please Fasten

21

NASA’N KA NA KAYA?

PUNO NA AKO NG DUGO.Lagot ako kay Inay.

(Sinong maglilinis ng kusina?)

Umaasa akong mahinawan ng ulan.

Pero bakit pisngi ko lang ang nababasa?

Page 24: Km64chap5 Please Fasten

22

Kung Paano Maging Puta

ang pagpuputa ay pagiginghilaw na mangga.

malimit pinipitasnang wala sa panahon;sinusungkit, binabato,pinapabulok sa kahon.

iniiputan ng bagoong,isinasawsaw sa suka;tusok dito, tusok doon,ang bugaw ay kariton.

hubad kung ilakosa may eskinita;hubong nakalubogsa tubig ng pagnanasa.

nakakulong, nakakahonsa plastik na garaponang loob at labasng maputlang kaluluwa.

Kri

s B

erse

Page 25: Km64chap5 Please Fasten

23

Ang Kinahinatnan ni Juan TamadHabang Naghihintay Mabagsakan ng Bayabassa Ilalim ng Puno ng Mansanas

Page 26: Km64chap5 Please Fasten

24

Page 27: Km64chap5 Please Fasten

25

Banyo BoyThe Peninsula Manila, ika-26 ng Agosto 2004

(mula sa koleksyong “Lagalag sa kanilang mga palapag: mga tulangHotel)

Nakaabang ka sa may pinto, maputing-maputi ang polobarong na suot. Nakahanda ang ngiti at ang pagbating “gudmorning ser” sa sandaling may pumasok. Ngunitnilalampasan ka lang nila, nilalampasan ka lang at di kabinabating pabalik. Higit pa nilang pinapansin ang hi-techna ihiang kusang nagfa-flush o ang mga narrang pintuangnagkukubli sa mga inodoro. Gaano man kalaki ang ngiti moat gaano man ka-kintab ang mga butones ng polo barongmo ay di ka nila pinapansin. Sige, abangan mo silangmatapos dyumingel at tumambay ka sa may lababo paraabutan sila ng tisyu, na siya namang hahablutin sa iyo atiiitsa sa basurahan pagkatapos magpunas ng hinugasangpalad. Sige lang, at pagbuksan mo silang muli palabas nangnakapaskil ang ngiti. Pagkatapos, inspeksyunin mo angihian: otomatiko man ang flush, mamamalot pa rin dahil satilamsik ng kanilang ihi. Punasan mo. Silipin mo rin anginodoro sapagkat tiyak na lumulutang-lutang pa roon,barado ng tisyu, na siya namang iyong susungkitin paramaglaho ang kanilang panlalapastangan. Lagi nilang inaasasa iba ang pagligpit ng kanilang pagka-balasubas. Dahil silaraw ay mapera at makapangyarihan. Ngunit huwag nila,banyo boy, sapagkat di nila kailanman magagawang gawinang iyong trabaho. Ikaw, kung tutuusin, ang higit namakapangyarihan.

Kap

i Cap

istrano

Page 28: Km64chap5 Please Fasten

26

Ang Restawrang ItimMandarin Oriental Manila, ika-24 ng Agosto 2004

Elegante raw ang itim, lalo na kapag pinalamutian ng ginto, kayaitim ang marmol na nakabalot sa mga dingding, sa kisame at sasahig nitong restawran. Itim din ang mga mesa, ang mga silya,maging ang mga plato, mangkok at bandehado. Kulang na lang ayitim din ang kubyertos. Itim ang uniporme ng mga kusinero’t waiter,itim ang blusa’t palda ng mga dilag na nag-aabang ng kostumer. Atang mga kumakain mismo ay bihis ng itim na amerikana’t itim nakurbata, itim na medyas at sapatos, itim na bestida, itim na laso’titim na karsunsilyo. Elegante raw ang itim, Elegante ang kumainnang naka-itim sa itim na restawran. Elegante ang naka-itim habangkumakain ng matingkad na pulang karne ng batang nabaon sakanilang mga minahan habang nagsasala ng ginto mula sa uling, ngmangingisdang tinamnan ng ginintuang bala sa bumbunangnatatabunan ng itim na buhok dahil lumampas daw sadalampasigan, ng basurerong kinuyog ng kanilang mga sekyu dahilnatagpuan sa kanya ang singsing na kanilang nailaglag sa posonegro, ang singsing na bagay sa itim na amerikana habangkumakain sa itim na restawran. Elegante ang itim. Elegante angkumain nang naka-itim. At elegante rin ang iburol nang naka-itim.

Page 29: Km64chap5 Please Fasten

27

EdenEDSA Shangri-la Hotel, ika-10 ng Setyembre 2004

Sa pagitan ng mga toreng nagsisitarikan dito sa sementong gubat,nagtanim sila ng mga puno ng niyog at iba pang tropikal nahalaman. Sa gitna ay isang dagat-dagatang nilunod nila sa chlorineupang di pamahayan ng mga lamok, gurami at palaka: hindinakapandidiring languyan. Ngunit wala namang lumalangoy. Walaring namimitas ng niyog sapagkat may tumitiktik na securitycamera. Walang hayop dito sa gubat-gubatan, wala ring ibang taobukod sa mga tagawalis ng semento at tagasinop ng mga grabangnawalasa puwesto. Maging sila, mga sahurang Adan at Eba, aybawal mamitas ng niyog kahit na nalaglag na sa lupa. Walang mgatao, naroon sila sa loob ng mga gusaling garing, sa likod ng mgadingding na salamin. Tanaw, natanaw nila ang mga nagsisiksikangtuktok ng mga puno ng niyog. Ilang palapag din ang kinalalagyannila upang matanaw paibaba ang swimming pool at ang kanilangmga dyanitor at hardinero, nagmimistulang mga diyos natumatanaw mula sa langit. Wala roon sa gubat-gubatan ang mgatao. Wala rin sa gubat-gubatan ang mga hayop. Naroon sa ikatlongpalapag ng gusaling garing, sa likod ng dingding na salamin.

Page 30: Km64chap5 Please Fasten

28

toastedmarshmallow sa planet garapata

mapula ang langithinayaan ko lang ang hanginna ako’y tangayin

ang mga puno’y sumasayawkahit bahagyang nakayukosa aking pagdaan sa kanilang paningin

mayroon silang sinasabipabulongngunit masakit sa tainga

tiningnan ko lang sila at napailing

mapula ang langitgalit sa akin ang panahonmataas daw ang alontila nanghahamonwaring nagsasabing

“ubusan tayo ng malay”

napangisi ako at nagsabi:saglit lang,iinom lang ako ng tubig

Ger

ald

Ro

lan

d C

asia

Page 31: Km64chap5 Please Fasten

29

nang si kurapika at ako ay naging isa

pula ang paligid -ang dagat,ang hangin,ang ulan,ang luha mo,ang pawis ko,ang iniinom n’yang tubig sa baso,ang anino ng kamay ng orasan.pula ang paligid -ang blackborad sa cr,ang greenpeas sa inyodoro,ang styrosnow sa loob ng kwarto,ang black coffee sa poster ni bjork,ang green tea sa washing machine,ang nose ring sa dila ng toro,at yellow submarine sa langit.pula ang lahat -i guess it’s time to wear shades.

Page 32: Km64chap5 Please Fasten

30

hindi bilog ang buwan kagabingsinabi mong bilog ang buwan

hindi bilog ang buwan sa ating ulunan.gusto lang nating isiping bilog siyadahil wala na tayong masabi sa isa’t isa.di na rin natin matitigan ang isa’t isa.walang maimungkahi, at walang maitanongkaya ang buwan na lang ang ating napagdiskitahan.ang ganda ng buwan. bilog ang buwan.pero alam natin sa ating kaloob-loobandi talaga siya bilog. iyon ang gusto nating sabihin dahil dinatin kayang ibulgar ang nilalamanng ating mga kasalukuyan. angtakot dahil hanggang ngayon di pa nakikitaang isang dinukot na kaibigan,ang takot dahil pag-uwi ay pihadongmapapagalitan, ang takot dahil baka bukas di nanaman huminto ang ulan.ang ganda ng buwan. bilog.pero di naman talaga siya bilog.gusto lang nating matulog gagap ang payapangimahe ng bilog na buwan,upang muli’t muling dayain ang ating mga sarilina ang buwan,ang kanyang kabilugan,ay may kaganapan.

Rust

um

Cas

ia

Page 33: Km64chap5 Please Fasten

31

mars, intra, at tamang pagdura ng plema

naglalakad kang parangwalang tinatapakan. naririnig molang ang iyong paghinga,pagtibok ng iyong puso,at plema sa lalamunan mongdi mo maidura. inuubo kana naman. may tuberkolosis angbuong bayan.

hinamon ka ng buong mundong suntukan. titingala kalang, titingin sa buwan.di nila maiintindihankung saan mo hinugot angkatotohanang sa a-beintesyete ng agosto, dudungawang pulang planeta,magpipista ang mgamag-aaral ng astronomiyapati na ang mga naglalamaysa mga pader ng intra.naiintindihan kita.

hihipan mo ang akingnapuwing na mata.ikaw lang ang nakakaintindisa aking abnormalidad.iisa ang ating mundo.doon normal tayo. walangmagtatanong kung anong trabahomo at di susukatin angpagiging disente batay sahaba ng buhok at kapal ng bigote

bastos tayo sa kanilangmundo. kasi tayo langang pumapansin sa kabulukan.nagwawalis tayo kahit gabi,winawalis ang mga kabulukan.ng mga estero’t palasyo.pareho talaga tayo.pareho tayong bumabalikwassa kalaliman ng gabi para langtumingin kung may dadaang bulalakaw.

Page 34: Km64chap5 Please Fasten

32

tulad ng mga bulalakawsana nakikita nila ang nakikitanatin. ang langit sa piling ng masa. ang makulay nakalawakan ng mga salita. anggobyerno sa kabundukan.ang laot sa mata ng mangingisda.basurahan, squatters area, piketlayn.naroon ang mga guro ng kasaysayan.ang lipunan para sa atin, isang malakingpamantasan.

nagbabadya man ng unos ang hangingamoy asin, mananatili tayo ditotanaw ang bagong tabas na damo, atihilig mo ang ulo mo sa aking braso.ngayong gabing ang naririnig lang natinay ang paghingaat pagtibok ng puso ng isa’t isa,ituturo ko sa iyoang tamang pagdura ng plemaat pagsinga. wag mo nangpansinin ang mga nakatinging mukha.

matagal na tayongnamatay sa mundo nila.

Page 35: Km64chap5 Please Fasten

33

paglubog

kung buhay si edgar jopsonpagalitan kaya n’ya akokung makita n’yangitinira ko ang buntot at ulong isdang hain ng masa?

masang halos wala nang makainpero nagbukas ng tahananat hapagkainanupang ako’y pakainin?

oo naman,di nila ako pipilitingiyo’y aking ubusin,na kahit tinik dapat kong simutin.

tama lang siguro at marapat na aking kilalaninang pag-ibig, pasasalamat at pagtanggapng pinaglilingkurang masana nasa hapag ngayon.

magalit man o hindi si edgar jopson.

Page 36: Km64chap5 Please Fasten

34

heartaches and a horror movie

just like a horror flick i thoughti’m scared to watchi faced my fear and acceptedthe truth,the truth your no longer mine.

just like the movie that hit on me,i’m walking into this empty roadof blank faces,and my own background music,my heart beating, bleeding.

i watched the flick with my eyes not closed.

just like the movie, twists and turns happenin the unpredictable storyof unreal charactersuntil it comes to an end.

we are real,but we too have an ending.

and probably this is our ending:no ending at all.

Mac

y A

tari

Cru

z

Page 37: Km64chap5 Please Fasten

35

unang hakbang paalis sa aking kinatatayuan

ngayon, talagang kailangan nang humakbang paalis sa dati kongkinalalagyan, sa pwestong tinatayuan ko habang hinihintay ka.sadyang ang tadhana na ang naglalayo sa ating dalawa, nasa malayoka habang ako’y narito pa rin at umaasa.

kay tagal ko ding kumapit sa pag-asang ika’y maibabalik ng aking mgahiyaw, ng aking mga iyak. subalit mistulang napaos na ang akingtinig at natuyo na ang aking mga luha dahil wala na akong

maramdaman.ngayon, masasabi ko nang kaya ko ng lumisan.

salamat sa mga ngiti, sa mga bulaklak at sa mga sukob ng payongsa ulan.

salamat sa mga hindi matapos na panaginip, sa mga hawakan ng kamayat sa mga pelikulang hindi natin napagmasdan.salamat sa mga luhang binigay mo, sa mga malalamig na gabing

umuulan,sa mga bitwing natakpan ng mga ulap at sa kometang hindi

tinupad angating mga kahilingan.

lalakad na akolalakad na akong paalis dito.at sa paglakad kong ito, hinding hindi na ako lilingonhindi na ako muling lilingon pabalik.

Page 38: Km64chap5 Please Fasten

36

Inip, Init at Inis

Mahinahon ang gabi at magulo sa loob ng aking isip.Isang trapiko ang nakabalalak sa daan.Maliwanag ang buwan at madilim ang aking isipan.Ang ilaw ay tila puta na nilalandi ang tubig sa ilog ng Marikina.Nanghihingi ng bayad, tumatawag sa aking pansin.

Trapiko.Siksikan.Kainitan ng kainipan.

Sa aking kamay nakaratay - bulaklak para sa nakahimlay.Pawis tumatagaktak sa aking leeg at likuran.Napatingin sa sarili; aking mukha ay oily.Isang sinulid ng pag-asa nasa aking paanan.Malapit nang mapigtas ang aking tsinelas.

Trapiko.Siksikan.Kainitan ng kainipan.

Ako’y umaawit; aking litid ay malapit nang mapunit.Maingay ang gabing matahimik.Magulo sa loob ng jeep sa gitna ng trapikong gulanit.Aking puso patuloy sa pag-itik.Trapiko sa aking looban ako mismo ang humipan.

Trapiko.Siksikan.Kainitan ng kainipan.

Estr

ella

Dem

enti

a

Page 39: Km64chap5 Please Fasten

37

Nagsusulat, Umaawit at Nagbabalik-alaala

Pagpatak ng ulanPagbulusok ng hanginNarinig ating awitinAkin muling natikmanPait at tamisSa sandaliNating nakaraanKay bilis lumipasTulad ng bilis ng iyongPag-alpas

Umaawit: “sadya ba talagang ganyan palakad-lakad ka’tnakatungo… sa’n patungo?”

Pagtulo ng luhaItinulos ang kandilaSa saliw ng musika“Tayo” ay ginunitaAting kahaponIpinako, ikinahonBakit tinapon?Konting ihip ng ambonIkaw ay nagpaalonAko ay bumitaw

Umaawit: “ngayong wala ka na, kailangang masanay na mulingnag-iisa… sa’n ka na kaya?

Madilim na ngayonBakas ng binalewalangNakalipasSa sulok ngAking kwartoAt sa moog ng aking isipanAlaala natin ayNais ko ng itaponAt hayaang sa agos dagatAy maaalon

Umaawit: “’wag mo akong sisihin kung minsan ika’y hanapin…ito ang unang araw na wala ka na.

Page 40: Km64chap5 Please Fasten

38

Isang Pamamaalampara kay Mark Aldrine Regio (Aug 23, 1985 - Aug 25, 2004)

Madilim ang gabiMaliwanag ang buwanManingning ang mga talaMagaspang ang buhanginMalamig ang hangin

(binalikan ating samahansa panaginip ka palahuling nakasama)

May digmaan sa alapaapMay tubig na pumapatakMay natutuyong kalamnanMay bubog sa aking paananMay nauuhaw sa nakaraan

(pagtulos ng kandiladi naiwasang pumatakang aking luha)

Humayo ka, kaibiganHumayo ka sa ibang dimensyonHumayo ka at maglakbayHumayo ka nang kay bilis at kay agaHumayo kahit pagbabalik mo’y malabo na

(at sa malamig mong katawanat hindi sa ating pagkakaibiganako na ngayon ay magpapaalam)

Page 41: Km64chap5 Please Fasten

39

Ibinababa ko ang Lapis, Itinaas ko angSandata

Sinubukan kong sumulat ng bagong tula.Tula na tatagos sa isipan ng bawat makakabasa nito.Isang tula na ‘di makakalimutan ninuman, kahit magunaw

man ang mundo.Tula na maging isang haligi ng isipan sa bawat nilalang na

nabubuhay dito.

Pero paano ko sisimulan ito?Saan at paano ko ito gagawin?Ang kakailanganin kong mga bagay?Ano kaya ang laman nito? Ang mensahe na ipaparating ko?

Tila mahirap na yatang gumawa ng bagong tula,Tula na tatagos sana sa isipan ng bawat makakabasa nito.Tula na ‘di makakalimutan ninuman, at sinuman.Tula na sana’y magiging isang haligi ng isipan sa bawat tao

sa mundo.

Nanghihinayang na ako, nawalan na ako ng lakas.Nawalan na ako ng tapang para hukayin nang hukayin angmga bagay na makabuluhan at puno ng kasaganahan.Wala na, pagod na ako, pagod na ako para mag-isip ng isangtulang papatay sana sa mga ipokrito, sa mga walang silbi,

sa mga makasariliat mga halang ang kaluluwang pumapatay sa kababayan ko

araw-araw,oras-oras sa mga lugar na hindi dinadaluyan ng hustisya.

Nawalan na ako ng tapang para ipamukha sa mga mapang-apingkalagayan

na nilikha ng mga berdugong walang alam kundi angmabuhay sa dugo ng iba.

Wala na, pagod na talaga ako para sumulat ng bagong tula.Pero hindi pa ako pagod para lumaban.

“...sana sa tuwina’y kapiling kita, sa paglikha ng mga awit ng paglaya, ng tula, ng sining, at kahit sa pinakamataas na anyo ng pakikibaka...”

Nath

aniel d

e Frente

Page 42: Km64chap5 Please Fasten

40

Soneto ng Puta

Ipagpapatibay ng mantsa sa papel,ang aking kakaibang ‘pinagbebenta.Tahanang lipunan ko ay tila baliwupang tangkilikin angkin kong ligaya.Aking tinitiis itong kabuhayanupang maiwasan kumain ng putik.Sa halip lunasan ang bisyo ng bayan,sumpa ko’y ipalulusot pa sa langit.Aming pamilya’y may ibang kung sinoang binubusog ng lupang inaani.Saan mang lugar, dama ang pagkatalo,ang puno’t-dulo ng aking mga hikbi.

Lamang maluwag ko na inihahandaay huwag n’yong gantimpalaan ng lagda.

Leah

Page 43: Km64chap5 Please Fasten

41

Anibpara kay Renato Constantino

Pamamaalam mo ay kay pait.Alaala’t mga pangaralAy isang gamot na iniwan sa may sakitdala ng iyong estudyante’t mahal sa buhay.

Pamamaalam mo ay kay alat.Mula sa pawis mong inalaysa paghukay ng kasaysayan,Natuklasan mo’y nakalibing na kagitingan.

Pamamaalam mo ay kay tamis.Pulot ng pag-asa ang iniwan sa iyong inilaanupang makalaya ang ulirat sa tanikala.Binigyan mo ng armas ang isipupang mabuo ang isang bayanna nasa kamangmangan.

Page 44: Km64chap5 Please Fasten

42

Page 45: Km64chap5 Please Fasten

43

Mucha’s Grasa

hindi ko gustong kumainsa pinggan na gawa sa plastik‘yung may sulat at disenyona madalas ay sa intsik

hindi din ako sanay kunghindi akin ang kubyertosna gagamitin kokaya parati kong dala‘yung mga gamit ko

nasisikipan ako sa bahay kokaya’t mas gusto ko sa labasalam n’yo na, “meet new faces”

di ko din gusto yung “nag-iiskip ng meal”kapag nasa gitna ako ng lakad

madalas kasi “on the road ako”kaya eto “diet”

at kahit gustuhin ko manwala akong magagawaako’y isang pulubiat wala akong pera

Lecter

Page 46: Km64chap5 Please Fasten

44

Lunodpara kay Liam

Malungkot ang usokng aking sigarilyoNawalan ng dating siglaang mga daliringhumahawak nito

Nakapagtataka subalitTila nasugbahanng umaasong Red Horseang dati-rati’y maalabna pakikipagtunggali nitosa Panginoon ng Hangin

Malungkot ang patak ng abong aking sigarilyoHindi nakayang pasayahinNg pang-bar na MP3Ni ng masayang kwentuhanat halakhakanang toneladang residueNang kanina pang kahalikanNa si Philip

Malungkot ang aking sigarilyoNadamay na rinpati ang Red Horse koLalo na ang umiinom nito

Nalunod sa alaala mo.

Lual

hat

i

Page 47: Km64chap5 Please Fasten

45

Night at the Countrysideto Ka Upper on his return to the movement

Bedazzled at theCrescent moonGrinning at theDark night skyCold wind howlingRage,Fists clenchedLullabies ofThe sleepingShanties echoedLet them rageThe nightFor tomorrowThey’ll awakenWith no foodOn plate

Stolen by the fascist army

Page 48: Km64chap5 Please Fasten

46

Ikaw

hindi ko maisipkung paano sisimulan,kung paano isusulat,at kung papaano bibigkasinang mga kataga at salitangnais kong ipabatid sa iyo.

pilit mang pigain ang utak,wala pa ring pumapasok.anumang pilit, talagang ayaw.sapagkat ikaw lamang kasiang laman nitong isipan.

kaya iiwan ko na lamangna blangko ang papelat maghihintay sa panahongikaw na mismo ang maghahabing mga tamang letra at titik,ang panahong maaari ng maging tayo.

Roy

Mo

nso

bre

Page 49: Km64chap5 Please Fasten

47

“kip tiket por inspeksyon”

Handa na ang lahat...lalakad na tayo, maglalakbay,mag-iikot, gagala, magjojoyride.Paandarin na ang makina.Sumakay na ang lahat.At sa kauna-unahang pagkakataonmailalabas na natin...ilalabas na... ilalabas na natin...“Roadtest” lang po ito.Kahit ano pwede,kahit sino, anumang uri,kahit anong lenggwahe,kahit anong klase at istilo.animnapu’t apat na kilometro,at may nagsalita...“kip tiket por inspeksyon”

Umingay ang buong paligid.Marami ang sumigaw,may nagbulungan, naaliw,nagka-interes, nabighani.Bawat kanto may sumasakay.Marami nang tao dito...maraming nang tao,sa Taft Avenue, Roxas Blvd., Espanyaat sa buong Kamaynilaan maraming “Ped Xing.”Sabi ko, pedestrian crossing ‘yan pare.Sige na tumawid na tayo...kahit sino pwede d’yan,kahit papaano ayos lang.Sapagka’t walang jaywalkingsa kilometro animnapu’t apatBasta’t wag lamang kakalimutan:“kip tiket por inspeksyon”

Habang bumabiyahe kami,may nagkakilala!!!Isang lalaki, isang babae,napalingon, nagkatitigan,nagkwentuhan, nagkasundo,nagkahulugan ng loob.Walang sabi-sabi sila na!!!“M.U.” kung tawagin...

Page 50: Km64chap5 Please Fasten

48

Hay pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig...ito ang bugso ng damdamin,napadaan at sumakay.At sa biyaheng kilometer64laging tatandaan...“kip tiket por inspeksyon”“kip tiket por inspeksyon”“kip tiket por inspeksyon”

Page 51: Km64chap5 Please Fasten

49

Tagay

Kumakapa siya sa dingding,Hindi man lang maramdamanAng salubsob ng kawayanSa labis na pagkamanhid.

Nangangapang kamay,Nangangawit na mga binti,Nanunuyong mga labi.

Tagay pa.Tila sumasaya ang buhaySa bawa’t tungga,Kasama mo nang bumubungisngis ang Diyos!

Tagay paHangga’t maaga pa,At maya-maya’yNarito na ang impiyerno,Ang huling halakhak na kay Satanas.

Nico

Page 52: Km64chap5 Please Fasten

50

Warat

Di ko inakala,Di ko inasahan,Sa tagal ng itinayo mo,Isang iglap lang,Isang umaga lang,Guguho ka.

Naalala ko pa,Noong matayog kang nakatindig,Sa gitna ng ciudad.Dala mo ang pangako,Palamuti mo ang yabang,Na kahit kanino’y matibay ka.

Tangay mo ang tiwala ko,O maging ang inspirasyon,Na balang araw makapunta sa ’yo.

Prex

Page 53: Km64chap5 Please Fasten

51

nandito na naman ako sa harap ng computerwalang makausap kundi ang pintig ng pusowalang ibang naririnig kundi tanging takatak ng keyboardwalang nakikita kundi puro bold na bumubulaga

sa aking paninginwalang nararamdaman kundi ang bugso ng damdamin

naninimdimnagsasabing heto na naman ang pagkakataonpara aking maiguhit sa pamamagitan ng aking daliriang aking nararamdamaniisa lang ang pangalang hinahanaphindi bold na gustung-gusto kong panoorinhindi rin horoscope sa inbox ng aking yahoo.comlalong hindi lyrics at mga tugtuging lovesong

kundipangalan ng babaeng nagdala dito sa akin.

nais ko mang sabihin sa kanyaang bawat bagay na gusto kong malaman n’yaba’t di ko kayang magawa?dahil ba sa ako’y takot —

— o dahil ba sa di ako karapat-dapat?

minsan, naitanong ko nga sa aking sarilibakit ang ibanagmamahal pero di naman dapat?nagbabayad ng sobra pero di naman nasusuklian?nagpapakamatay para lang sa pag-asang malasap ang buhay?

pero ganito nga talaga siguro ang mundomay mga bagay na di mababago

tulad ng aking nararamdamankatulad ng mga keyboard na nadidiinkatulad ng computer na sunud-sunuran sa akinkatulad ng daliri kong nanunuyokatulad ng puso kong nangangarap

katulad ko na nakaharap lang sa computerhabang pisil, hawak ng daliri ang imahe sa screen —

— ng babaeng di ko yata kayang maangkin.

Julfe R

abe

Page 54: Km64chap5 Please Fasten

52

sabihin mo nga sa akin kung sino ang tangangmakakatanggi sa tawag ng pagkakataon?

kung kaya ko lang bumuo ng sarili kong mundodoon ipapasyal kita at pagsisikapan kong mapaligaya kasapagkat kung hindi man kabaliwan ang umibigmarahil nga, baliw na ako sa ‘yo

pero hindi ako baliwdahil kaya ko pa rin namang magmahalhindi rin ako tanga dahil nagagawa ko pang paligayahin kasa abot ng aking makakaya

pero duwag nga siguro akomalaking duwagdahil hindi ko kayang sabihin at ipakita sa ‘yokung ano ang hirap na nadadaanan ko

makita at makausap ka lang.

Page 55: Km64chap5 Please Fasten

53

may asim ang kalamansikahit na hinog na o hilaw pa langmatigas ang tinapay pag lumamigmapait pa rin ang kape kahit hindi na mainitmalasa ang chicharong balat ng baboy ‘pag may sukamaging ang ulan na bumubuhos sa bubongmatuyo man sa init ng araw, ramdam mo pa rin ang lamig,ang ginaw na hatidmagkumot ka man sa bubong magdamag

tulad ng mga luha kongnakangiti man dahil nakikita kitaay patuloy pa ring aagosupang magbigay sa ‘yo ng karapatang

tumawa

dahil sabi nila,sabi ng mga taong may agiw ang matabaliw lang ang umaasang ibigin nglangit

na noon pa man ay tinitingala ko na.

Page 56: Km64chap5 Please Fasten

54

kaya kitang kalimutan.kaya kong kimkimin ang luhasa tuwing nakikita kitang kasama ka n’ya.nahahalata mo bang lumalayo akokapag nakita ko kayong dalawang magkasama?

masakit.pangarap ko rin kasing mahawakan ka nang ganyan,ganyang-ganyan sa pagkakahawak mo sa kanya.

sana, bukasmakakatagpo na rin akong babaeng kagaya mo.

Page 57: Km64chap5 Please Fasten

55

hindi ka na malaya ngayonpero ramdam ko kung gaano ka kasaya ngayonsa hawlang kapwa n’yo binuo.

kuntento ka.

samantalang ako, naiwang tulala.hindi na kayang maghintay.naghihinayang.

ikinukulong ang sarilisa huwad na rehas na alaala mo lang ang bumuo.

sana,nalaman mo muna kung gaano kita kamahal.

upang kahit kulungin man kita sa mga braso kopakpak ko pa rin ang maghahatid sa ‘yo

sa pangarap mong palasyo.

Page 58: Km64chap5 Please Fasten

56

Ang Lalong Baliw

Taong grasa sa bangketa:nakakita ng gitarasa isang pirasong karton,tumatawa habang kausapang kawalan.“Sira-ulo, sira-ulo!”ang parang batong lagingipunupukol sa kanya.

Ang pangulo sa palasyo,ipinagagahasa sa dayuhanang sariling bayan.

Sino ang lalong baliw?Sino ang lalong baliw?Dambuhala ang pangulo,gagamikrobyo ang taong grasa.

Ale

xan

der

Mar

tin

Rem

olli

no

Page 59: Km64chap5 Please Fasten

57

Emperador Nero, A.D. 2004

Nasa Malacañang ngayonsi Emperador Nero ng Roma.Mga talumpati niya’y tila tugtogng biyulin, nanduduyan,habang sinusunog ng krisisang bituka ng bayan.

Si Nero ay nakatala sa mga aklat ng kasaysayan bilang yaong baliw naemperador ng Roma noong AD 54-68. Isang malaking apoy ang tumupok saRoma noong 64, at ayon sa isang alamat ay tumugtog lamang nang tumugtog ngbiyolin si Nero habang nagaganap ang sunog. Humantong sa isang pag-aalsang-bayan ang kanyang kalupitan, kawalang-katinuan, at pagpapataw ngmabibigat na buwis. Tinalikuran siya ng mga Praetorian Guard sa kalagitnaanng pag-aalsang ito ay siya’y napilitang magpakamatay.

Page 60: Km64chap5 Please Fasten

58

Huwag Ninyong Pagtakhanang Kawalan ng Katahimikan

Habang nasa burak ang bayan,may iilang nagbababad sa karangyaanna galing sa nakaw na yaman.Kailanma’y sila pa ang nagyayabang.

Ang baya’y tagasalo ng pagkutya:sila raw ay tamad kaya dukha;magbuhos ng pawis at luhaay siya palang dahilan ng dalita!

Huwag ninyong pagtakhan ang kawalan ng katahimikan.Huwag asahang mananahimik ang ginagahasang bayan,na habang ginagahasa’ydinuduraan.

Kayong nakatapak sa leeg ng bayan,di dapat pakatiyak sa inyong lagay:nababali maging ang kawayan,maaaring mabuwal ang tulay.

Page 61: Km64chap5 Please Fasten

59

Baka Sakaling Tubuan ng Katinuan

“The best roads and bridges were built during martial law.Pati mga pelikula no’n, ang gaganda.” — Ilocos Norte Rep. Imee Marcos,sa isang interbiyu ng I-Witness noong Setyembre 2002.Paulit-ulit niyang sinasabi ang katulad nito sa tuwingmay pagkakataong nakikita.

At dapat pa palang ipagpasalamat ng bayanang pag-utang sa kanyang buhayna ang kolateral ay kalsada’t mga tulay,at ang paglalako sa kanyang mga “penekula” sa Manila Film Centerhabang nakaposas ang mga Behn Cervantesupang huwag maipinta sa pinilakang tabingang panggagahasa sa kanyang karapatan!

Kuryentihin sa utakat baka sakaling tubuan ng katinuanang anak ng diktador na alagani Tiyo Samuel —diktador na bangkay na’y buhay pa!Hindi isang bilyong kalsada’t mga tulay,hindi ang pinakanakapapasong kaladyaansa sangmilyong “penekula”sa sanlibong Manila Film Centerang sasapat na pambayadsa niluray na katawan at sinunog na lalamunanni Liliosa Hilao,sa paghingang pinatid ni Puri Pedro;sa dugong dumanak ng mga Eman Lacaba,Lorena Barros, Edgar Jopson, Nilo Valerio,Bobby de la Paz, Johnny Escandor:silang mga nangarap ng makataong buhaypara sa lahat.

Page 62: Km64chap5 Please Fasten

60

Page 63: Km64chap5 Please Fasten

61

Ang Pagmamahal ay Pagrerebolusyon

Nagmamahal tayo kaya tayo nagrerebolusyonPagmamahal sa bayan, sa sambayanan at sa kasarinlanPero ang tulang ito ay di sing-GND gaya ng inaasahan moNais ko lang talagang ikumpara ang pagmamahal koSa iyo at sa rebolusyong inilulunsad natin gayonAng pagmamahal ko sa iyo ay parang rebolusyonUmuunlad mula sa teorya na isinapraktikaPinagplanuhan nang mabutiMay mga scenario buildingNagbuild-upNagtakda ng lundoNaglagom at nagtasaHanggang sa nabuo na ang aking pasyaNagdesisyon na akong latagan kaPero isang bagay ang di ko nagawaNalimutan ko yung pinakabibilin ni MaoKulang ako sa SI!May KR ka na pala!Pakiramdam ko tuloyPara akong natalo sa Student Council electionPara akong naglunsad ng forum na walang dumaloPara akong nagpatawag ng massmit na walang tumugonPara akong nagpatakbo ng partylist na nadayaPero ang rebolusyon ay di isang pigingWalang panahon sa demoralisasyonBigo man ako sa pagmamahal sa iyoMarami pa namang masang dapat imulatMarami pang pa-walk-out sa klase na papuputukinMarami pang malakihang mob na kokompohanMarami pang TO na ilulunsadAyos lang, mas mahal ko pa rin ang rebolusyon.(O di ba? Ang tulang ito ay di naman GND, di ba?)

Rh

eena

Page 64: Km64chap5 Please Fasten

62

sa mga bulaang pantas ng panitikan,sa mga alagad ng tubo at kapangyarihan

nakangisi silang nakaupo sa matatayog na toreng-garing.sila ang nagtatakda kung anong estilo ang makasining.

tiyak malakas ang hangin sa kanilang kinaroroonankaya lumobo ang kanilang mga ulo, pati mga tiyan!

sila’y walang pinag-iba sa mga ibong mandaragit,walang awang pumapaslang sa pananalinghagang “paslit”.

sa matatalas nilang kuko winawakasan ang tinigng mga “sisiw” na naghahangad ng patas na daigdig.

ay! kasalo nila ang mga buwitre sa duguang hapag!nilalapa ang ang lahat na nasisilo sa kanilang bitag!

sila rin ang mga alagad noon ng kamay na bakal,na naghari ng kaylupit sa loob ng panahong matagal!

may bahid ng dugo ang kanilang makukulay na balahibo,balahibong kinulayan ng mga nakaupo sa magarang palasyo.

ngunit tumatalas na ngayon ang talim ng mapupulang palaso,na papaslang-pupuksa-lilipol sa sakim at palalo nilang puso!

ay! magiging abo-alikabok ang makukulay nilang balahibo!ang maniningil sa kanila’y apoy ng galit ng taas-kamao!

Usm

an A

bd

ura

jak

Sali

Page 65: Km64chap5 Please Fasten

63

Paradoha

Sinisipat natin ang kalabuan ng mga bagay sa liwanag.Sinisipat natin ang liwanag sa kalabuan ng mga bagay.

Page 66: Km64chap5 Please Fasten

64

Lundag ng Pananampalataya

“A one-year-old boy was killed in Quezon City yesterday when his father, whowas allegedly high on drugs, leaped from a footbridge while carrying him.”[Philippine Daily Inquirer, September 4, 2004]

High? Ang South Super, high.Itong tulay, high.Ako, hindi. Hindi akoBangag. Hindi ako adik.Hindi n’yo ba nakikita?Anghel ako! At walang adikSa langit. Mahiya kayo sa Diyos.Kayong pa-krus-krus pa ngayon.Na para bang ang pagku-Krus ay nakapagliligtas,Nakapaghahatid ng milagro.Mga ungas! Hindi lottoAng kara krus. Hindi n’yo ba napapansin:Kayong umaasa sa krusAng siya ngayong pumapasan at nakapakoSa krus. Tingnan na lang n’yoAng inyong mga sarili. Ganyan.Ganyan kayo sa araw-araw.May abo ng takot sa noo.Nakatingala. NakatitigSa langit. Nakanganga ang bibig.Dumadalangin.Hoy!Nagsasawa din ang Diyos sa inyong angil.Magsigising kayo. KayoNa kahit gising, nahihimbing.Kaytagal na kayong sinabihan:Nasa Diyos ang awa,Nasa tao ang gawa.Masdan n’yo ngayon. Saksihan n’yoIto. Bukas ibabandera itoSa lahat ng TV, radyo at dyaryo,At tatawagin nilang lundag ng pananampalataya.Ipapakita ko sa inyoKung sino ang hibang sa atin.Ipapakita ko sa inyoNa kahit walang pakpak,Ang mga ulap ay kaya nating liparin.

Spin

Page 67: Km64chap5 Please Fasten

65

May Day(halaw sa tula ni Carol Vandermeer Hamilton na may parehong pamagat)

Ang layunin ng rebolusyon ay ang pawiin ang takot. [Theodor Adorno]

May sandali sa bawat pag-aaklasNa ang mga kanto ay nagmumukhangSet sa isang pelikulaAt lahat ng humihiyawNg “Makibaka!” ay mga bayarang extraSa `All My Life’ ni Kristine at Aga.

Ngayon lang, sa kabila ng barikada,May sumigaw ng “Cut!”At ang lahat ay waring sansaglitNa huminto —Mga taas-kamaong manggagawa’t kabataan,Ang mga pulis na nagtatagoSa likod ng kanilang shield.

Tulad ng tipikal na coño,Dapat sana’y nanonoodTayo ngayon sa Greenbelt3,Nagpapakabangag sa Ice MonsterO di kaya’y sa Starbucks coffee,Sumasayaw ang ulo sa bossa nova ni Jobim.

Pero para tayong nalilibugan.May tila kumakati sa ating isipan.May tila nais lumabas sa ating lalamunan.Kaya’t agit tayongTumungo sa Recto,Sumanib sa mga nagmamartsa,Sumigaw

”IMPERYALISMO, IBAGSAK!”

Magkahalo ang ating pananabik at pangamba,Nagpatangay tayo sa agos ng damdamin,Waring mga pulang bandilangIsinasayaw sa hangin.

At ngayon, habang magkakapit-kamayTayong ibinalandra ang mukhaSa salamin ng Dunkin Donuts,

Page 68: Km64chap5 Please Fasten

66

Inaabangan ang paggalaw ng kamera,Ang susunod na eksena,Pumipiglas ang puso tulad ng ating mga bisigNa ngayo’y ipit-ipit ng truncheon,Napansin natin ang mga pinakapangkaraniwangAspekto ng daigdig —Isang malinamnam na bavarian,Malamig na baso ng tubig,Ang amoy ng usok-tambutsong humalo sa tear gas,At isang langaw sa loob ng restoran,Dahan-dahang gumagapangKapagdaka’y marahas na lilipadHumahampas sa salamin

Nagpupumilit na kamtinAng kalayaan.

Page 69: Km64chap5 Please Fasten

67

the great philippine jungle cafefor Angelo Suarez

there was a jungle i went throughwhere guests come in and out of will

out of the jungle’s willfor in there was energyand poetry energy in poetrypoetic energythat seesclutters and pillars of treescutters of trees to erect pillars in their name their memorycaterpillars chewing leavesmaking holes on leaves holeson pages and leaves with-out the memory of such destructionsuch gentle destruction so surrealsuch caterpillar dreamsmove slowly like the jungle in its growthin its untangling of leaves of memoriesof holes & of energies & of poetries

i saw the leafi saw the hole on the leaf

i saw the caterpillar that punctured the hole on the leaf

but none of us ever saw the jungleor the trees that make this junglethis jungle of leavesfoliage of dreams and memorieswritten erased written erased rewritten

is there ever no erasure

retain this retinue of rhythm on the retina of my refrain

chew upon these leaves herbal wonderthat works wonders on the words of wanderers that makes poetry unsick

that heals poetry that reinvigorates poetry

the flesh on the wordswords of the flesh

that fleshes new worlds

Page 70: Km64chap5 Please Fasten

68

just a stone

you’re just a stonethat hit me in the head;fair enoughto catch my attention.just a common stone, i guess.so i throw you out to someone else.but i was wrong,

you’re a diamond.

Mar

cus

Tiu

Page 71: Km64chap5 Please Fasten

69

Pagpapaputi ng Maitim na Balak

Pinasabugan ng sumalipadpad na terorismoAng World Trade Center, New York,United States of America.Inihayag na bayani ang ilan-Libong binawian ng buhay.At ang pagkaligalig ay umalarmaNg masidhing pagpapakanaNg Coalition of the WillingNg ilang lider, estado, militar, monopolistaAt kliyenteng komprador sa buong mundo.

Nilusob ng War on Terror ni Junior BushAng Najaf, Mosul at iba pangBayan ng Iraq.Inihayag na istadistika ang libu-Libong binawian ng buhay.At ang pagkabalisa ay bumatidNg mga hakbanging magkakamitNg katarungan at kalayaanNg mga Filipino, Hapones, Indones, IndochinoAt Awstronesyano sa buong lupalop.

Pinasalipadpad ng senti-sentimo at pisopisong ganaAng mga presyo ng disel, gasolina, gaas at LPGSa bawat kantong himpilan ng pamilihan.Inihayag na kawanggawa ang milyungDolyar na konsumerismo ng buhay.At ang kagutuman ay naghainNg mga kapakanang katuturanNg kamulatan at tunggalianNg manlilikha, palaisip, palautos, korporadong sakahanAt tiladtilad na lipunan sa modernong sibilisasyon.

Ang maiitim na balak ay pumagkit sa gilagidAt sumagad sa buto. Pinapuputi ng apoyNg pagsakabilang-buhay ang mga ito.

Rob

erto O

fand

a Um

il

Page 72: Km64chap5 Please Fasten

70

Gayagaya(Halaw sa isang meditasyong Budismo)

Kapag natutulog, managinipKang gaya ng isang mananahi. MagingManlilikha.

Kapag nagbubutingting, magkumpuniKang gaya ng isang mekaniko. MagingManlilikha.

Kapag naglalakad, magmartsaKang gaya ng isang piyon. MagingManlilikha.

Kapag nag-iisip, magnilayKang gaya ng isang makata. MagingManlilikha.

Kapag gumigising, bumangonKang gaya ng isang manggagawa. MagingManlilikha.

Kapag humihinga, magpahingaKang gaya ng isang manggagawa.Hayaan mong huminga angManlilikha sa pamamagitan mo.Hayaan mong mabuhay angManlilikha sa pamamagitan mo.

Kalugdan ang dakilang istorikong kalubusan.Ikaw ay higit pangManlilikha – kaysa gaya ng iyong inaakala.

Page 73: Km64chap5 Please Fasten

71

Sadyektib Kayo D’yan

Habang tinatasa ang mga malakasAt mahinang punto nitong nakalipasNa kampanya natin laban sa pagtaasNg mga halaga ng bilihin at gasAy ngarag at windang ang bawat posisyon

Sa naging kondukta ng implementasyonNg dating sininop na planong tinukoy

Kaya ang talakay tuloy ay maligoy.Pagdating sa huling pinaksa ng mitingNa hindi palabok ang takdang layunin,Tayo’y nagpatatag at saka nagsinsinNg mga nilagom na hindi pasaring.

Ang punang ‘nilahad ay isang patunayNg datos na bigo bago ang tagumpay.

Page 74: Km64chap5 Please Fasten

72

Walang Gabi

Walang lisik ang mata,Walang hiyaw ang boses.Walang gaslaw ang kamay

Nang itaboy mo sa lugar na kung saanMaaaring mabuhay ang isang gaya ko:Bahag ang buntot na kahawak-kamay,Sa dalawang ilog kung gumaod,Abo ng sariling kilay ang nasa dulo ng dila,Kaluluwa ang piloto kung ilipad ang sarili.

May katawang ayaw mawalaySa katawang nagsilang ng mga katawan,Pagninilay ko iyang simbilog ng buwanNa aninag sa lawa ng malay mo.

Isiniwalat na ng hangin noonAng mga kahulugan ng mga nunal koMula talampakan hanggang anit:Na hindi monogamiya ang orihinal na matrimonya,Na hindi sibilisasyon ang orihinal na kasaysayan,Na hindi pribado ang orihinal na simbuyo,Na hindi kristiyanismo ang orihinal na ispiritwalidad,Na hindi anarkiya ang orihinal na kinabukasan.

At nagsulat ng mga panimdimAng kamayNg orasan sa talaarawan mo…

Ang mga hugos ng pawis,Asam ng pintigAt talaytay ng dugoAy inilimbag na pakikihamokSa mga pahinang may pabalatNg pagpapatiayon.

Naghuhunos ang daigdig,Naghuhunos ang organismo,Naghuhunos ang halaman,Naghuhunos ang hayop,Naghuhunos ang tao,Naghuhunos ang damdamin,Naghuhunos ang kaisipan,Naghuhunos ang lipunan.

Page 75: Km64chap5 Please Fasten

73

Pag-ibig na humulas sa pagkapuwing moAy matalas na pasyang iginuhitNg mga kustumbreng nilakdawan ko.Mula sa katanghalian, kasabayNg mga hakbang ko ngayon ang pagdadapit-Hapon. Kimkim ng puso ang di-Pagmamahal lang na kaloobNg paanyaya dito.

Makararating akoSa himlayangWalang gabi.

Page 76: Km64chap5 Please Fasten

74

Oblak

Sa loob-loob mo:Kailan nga ba nagsinungalingAng maraming salaming natitigan mo naKung lahat ay nagkakaisaSa paghusga tuwinang masisilayanAng iyong bumbunan?

Napapailing ka na lamangSa nayayamot na suklayKapag kinakalaykay nitoAng numinipis ng mga hiblangAlaga pa rin sa langisPara sa suwabeng paghagodSa nakasanayang hawi.

Napapabuntong-hininga kaKapag nasasalat ng paladAng pasulpot na buwan sa katanghalian.Hayan na!Tila may bantang paghahari-harian,Makikipagtuos yata sa araw!

Ngayon sabihin, lumapit sa tenga, bumulong:Ano’ng silbi na mayroong matikas na tindigO malalim na biloy sa magkabilang pisngi?May dulot pa bang pang-akitAng mga matang singkit?May dating pa kaya ang matangos na ilongSa takaw-pansining pamana ng ulirang ama?

Malamig ang matalim na guntingNa sumayad sa nakaabang na anit.Ngingiti-ngiti ang paborito mong barbero.Tinapik ka: Sir, ang dami mong problema.Hindi lang naman patubuan ng buhokAng ulo n’yo, hindi ba?

Row

an V

elo

nta

Page 77: Km64chap5 Please Fasten

75

sa dibdib ng Cordillera

nahawi na ang karimlanna bumabalabal sa buwankasing tamlay ng mga talaang mga matang nagmamatyagsa mga aninong naglalahosa sukal na daan patungosa isang lihim na tagpuan

minsantanging mga yabag ng paa nilaang maririnig tuwing bukang-liwaywaydala-dala’y araro at hindi armaspawis at hindi dugo ang umaagossa sunog nilang balatat hapung katawan

anong poot ang naglalagablabsa kanilang dibdibkung kaya’t sila ngayo’y animomandirigmang manhid sa sugatng salita’t kagat ng taglamig?

bukassa may gulod - kalbaryong mga kayumangging senturionmakikita ang mga palatandaangwalang pangalan o alaalatanging mga damong ligawat mga ibong gala ang nakapag-alayng dasal bago sila tuluyang ibaonsa limot

Santiag

o V

illafania

Page 78: Km64chap5 Please Fasten

76

para ed ribildin umaanlong(Pangasinan language version)

insulat mo so ampait a bilayasugat tan apuulan so papil ed dalampinaekatan moy lua so matam

piraoat moy mareen iran agewnen akila kan akibakaled kapalandeyan

mannangis iray musianen inateyan moy sanlasos a pateyinuran na bala so malangoer a laman

say samput ya terter na dalammansa ed dalin no iner nisulatso samput mo met ya anlong

——————————————

to a rebel poet

you penned a bitter lifethe paper bled and burned with your bloodi drained the tears

in your empty eyesyou dreamt of better dayswhile fighting underground

i heard the muses criedwhen you died a hundred deathswhen bullets rained your body

and the last dropof your blood stained the groundwith your last poem

Page 79: Km64chap5 Please Fasten

77

Ika-13 ng Oktubre, 1977, nangmapatay si Wilfredo Gacosta sa isang

engkwentro laban sa militar.Nararapat lamang kung gayon na saseksyong ito ng ikalimang chapbookng kilometer64 ay bigyang-parangal

si Wilfredo, o si Ka Nards sakanyang mga kasama’t kaibigan, sa

pamamagitan ng paglalathala ng ilanniyang tula.

Tubong Barcelona, Sorsogon siWilfredo. Dating siyang guro saisang lokal na pamantasan bago

naging aktibong kasapi ng Lakas ngKabataang Sorsogon (LAKAS),

organisasyunal na balangay ngKabataang Makabayan (KM) sa

kanilang probinsya noong 1970s.

Gumampan si Wilfredo ng malakingpapel sa pagtatatag at pagpapalakasng rebolusyonaryong kilusan hindi

lamang sa Sorsogon kundi sa buongKabikulan. Iniwan niya ang

unibersidad upang buong panahongmagturo sa mga eskwelahan doon sa

kabundukan.

Ang ilang tula na naririto ay mula salibrong STR: Mga Tula ng Digmang

Bayan sa Pilipinas. Naunanglumabas ang mga ito sa kanyang

librong Mga Tula ng Isang PulangMandirigma sa ilalim ng pangalang

Geronimo Dulongtimog noongDisyembre 1976.

Wilfred

o G

acosta

IN P

RA

ISE

OF

MA

RTY

RS

Page 80: Km64chap5 Please Fasten

78

Ang mga Kaibigan

kilala ko ang aking mga kaibigan —

sila yaong iniluwalsa mga nipang dampa sa kanayunan,sa ilalim ng tagpi-tagping bubongng mga iskwater sa kalunsuran,o sa butas-butas na kutsonsa mumurahing ospital.

sila yaong pakyawan kung binyagansa minamadaling oremus ng kurangnagtitipid ng lawaypara sa susunod na binyagang ispesyal.

sila yaong ang paglakiay babahagyang namamalayansapagkat walang dyaryong mangangahasmaglathala ng kanilang pangalanni ng munting salu-salo sa pagdiriwangng kaarawan.

sila yaong kahit man lamang sa isang araway pinagbibigyang maging diyosng mga nagkukunwaring utusan,at pinipilit pahalakhakinsa mga pinalamutiang kasinungalingan.

sila yaong makaraan ang halalanay muling pasasambahinsa mga panginoong napapaligiranng mga bakod na barilhanggang sa kubeta.

sila yaong nakabaon sa kumunoyng pagkakautangat nagmamasid na lamang sa sarilinglikhang-yaman sa mga palengkeat mga kristal na durungawanng mga tanyag na basar.

sila yaong sa mga dulasa tanghalan ng mayayamanay mga di pansinino kontrabidang papel ang ginagampanan.

Page 81: Km64chap5 Please Fasten

79

sila yaong nagsasariling namumuhaysa mayayamang kabundukan,na ang anyong nililokng makalumang kulturaay ginagawang tampulanng pangungutya ng mga “sibilisado”sa ngalan ng kristiyanismo’tmakabagong pag-unlad,na ang yama’t binungkal na lupainay kinakamkam.

kilala ko ang aking mga kaibigan —

sila yaong ang kasaysayanay nakatala sa mga dugua’t putikang pahinang mga aklat ng mga kadrena bumulagta sa kabundukanng Luson, Kabisayaa’t Mindanaw.

sila yaong ang kapakananay nasa diwa ng bawat apina unti-unting humahanaysa kaliwang dulo ng larangan.

sila yaong ang tadhana’y akin din...ang mamuhay sa isang bansang malayao mamatay nang nakikibaka!

Disyembre 1971

Page 82: Km64chap5 Please Fasten

80

Isang Madaling Araw(Unang Karanasan sa Sagupaan)

kami’y mga musmosat nilaro nami’y digmaan.

isang gabi,ngumiti lang kami —sagisag ng naliligaw naming tapangsa nababalitang paglusob ng kaaway.

ngunit di laro ang digmaan.binayaran ang mga kaawayupang pumatay.

at isang madaling araw,ang ingay namin sa paghahanda ng almusalay biglang pinalitan ng nakatutuligna putukan.

nagpapaputla,nagpapanginig,sumusubok sa paninindigan.

higit pang malalakas ang kaba ng dibdibkaysa mga tumutugis na yabag.

dapat bang maduwag at lisaninang dakilang sinumpaang ipaglalaban?matuto sa katunayan ng digmaan,sa wastong paraan ng rebolusyonaryong paglaban!

12 Disyembre 1972

Page 83: Km64chap5 Please Fasten

81

Bundok Bulusan, Ipaliwanag Mo Ang IyongKahiwagaan

bundok Bulusan,may puting ulap ka sa uloat sa mga balikat mong nakalaylay.

birhen ka ba’t nagsuot ng puting belosa buhok mong luntian?

malaon ka nang ipinagkaloobsa mga mananakop na dayuhan.pati larawan mo’y ibinebenta nang mga hayok na mangangalakal.ang banal na lawa sa iyong paananay saksi sa pagsasamantala ng mga tusosa ganda ng mga anak mong kababaihan.

hinubdan ka na sa ganda at yaman,mga kahoy mo’y pinutol ng mga kawatan,mga ibon at hayop na alaga moat sa mga api’y nakalaanay binugaw ng panlulupig ng mga alagadng batas militar.

birhen ka nga ba’t nagsuot ng puting belo?a, tinatakpan mo ang usok ng sinaingng iyong Pulang hukbo!

bundok Bulusan,wala kang kaulap-ulapsa iyong ulo at kandungan.

ang maaliwalas mo bang mukhaay sagisag ng paglaya at tagumpayo ng pagkakanulo sa mga anak ng bayan?

hindi mo ba natatanaw sa kalangitanang helikopter na palalong nagsasayaw?sa iyong paanan, hindi mo ba naririnigang mga hambog na yabagng mga panauhin mong tampalasan?bakit hindi ka magtago sa iyong mga ulap?

Page 84: Km64chap5 Please Fasten

82

a, ibinukas mo ang iyong mga bisigsa pagtanggap sa liwanag ng araw sa silanganupang bigyan ng pag-asaang mga naghihimagsik na naguguluhan.

Nobyembre 1974

Page 85: Km64chap5 Please Fasten

83

Bakit Ngumiti Lang Kayo?

patay na si Gogola!ang nag-utos sa inyong habulinang makamandag na ulupongsa kanyang asyenda,ang pumilit sa inyong lunukinang kumukulong kapeupang mapaikli ang oras ng pamamahinga,ang komprador na malimit umutangsa inyong kinikitaat ayaw magpautangkahit patawirin ang inyong buhay.

hinatulan na ng masa,dakilang hukom ng kasaysayan,ang litanya ng kanyang pagkakasalasa mga anak-pawis.

bakit kayo’y ngumiti lang?hindi ba kayo hahalakhaksa ibabaw ng pangit niyang bangkay?nakapaghiganti na kayo!

ang rebolusyon, mga kasamaay hindi pansariling paghihiganti.ito’y makauring pakikitunggaliat ang hahalakhak ay ang buong aping urihindi ang iisao kakarampot nitong kasapi.

hindi pa ito ang orasng pagtatawa —milyun-milyon pa ang lumuluha.hindi pa ito ang araw ng pagbubunyi —marami pa ang dumaraing,marami pang alipin ang nagsusumamosa kanilang mga panginoon.

Setyembre 1973

Page 86: Km64chap5 Please Fasten
Page 87: Km64chap5 Please Fasten

h t t p : / / g r o u p s . y a h o o . c o m / g r o u p s / k i l o m e t e r 6 4 /

Page 88: Km64chap5 Please Fasten

Nila

lam

an7, Mary Jane Alejo | Naligaw sa Pagtingin,Karerang Patawa o Bukas na Liham II, Arawng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan,Absolute | 12, Dom Aquino | 13, Ayan delaCruz | Piitang Seda, Paradox | 15, Aynee | 16,Ime Aznar | Here and There | 19, DweighnBaltazar | Balakubak at Abo ng Makata,Gayuma, Txt Back Please | 22, Kris Berse |Kung Paano Maging Puta, Ang Kinahinatnanni Juan Tamad Habang NaghihintayMabagsakan ng Bayabas sa Ilalim ng Punong Mansanas | 25, Kapi Capistrano | BanyoBoy, Ang Restawrang Itim, Eden | 28, GeraldRoland Casia | toastedmarshmallow sa planetgarapata, nang si kurapika at ako ay nagingisa | 30, Rustum Casia | hindi bilog angbuwan kagabing sinabi mong bilog angbuwan, mars, intra, at tamang pagdura ngplema, paglubog | 34, Macy Atari Cruz |heartaches and a horror movie, unanghakbang paalis sa aking kinatatayuan | 36,Estrella Dementia | Inip, Init at Inis,Nagsusulat, Umaawit at Nagbabalik-alaala,Isang Pamamaalam | 39, Nathaniel deFrente | Ibinaba ko ang Lapis, Itinaas ko angSandata | 40, Leah | Soneto ng Puta, Anib |43, Lecter | Mucha’s Grasa | 44, Lualhati |Lunod, Night at the Countryside | 46, RoyMonsobre | Ikaw, “kip tiket por inspeksyon” |49, Nico | Tagay | 50, Prex | Warat | 51, JulfeRabe | 56, Alexander Martin Remollino |Ang Lalong Baliw, Emperador Nero, A.D.2004, Huwag Ninyong Pagtakhan angKawalan ng Katahimikan, Baka SakalingTubuan ng Katinuan | 61, Rheena | AngPagmamahal ay Pagrerebolusyon | 62,Usman Abdurajak Sali | Paradoha | 64, Spin| Lundag ng Pananampalataya, May Day, thegreat philippine jungle cafe | 68, Marcus Tiu |just a stone | 69, Roberto Ofanda Umil |Pagpapaputi ng Maitim na Balak, Gayagaya,Sadyektib Kayo D’yan, Walang Gabi | 74,Rowan Velonta | Oblak | 75, SantiagoVillafania | sa dibdib ng Cordillera, para edribildin umaanlong | 77, IN PRAISE OFMARTYRS: Wilfredo Gacosta | Ang mgaKaibigan, Isang Madaling Araw, BundokBulusan, Ipaliwanag Mo Ang IyongKahiwagaan, Bakit Ngumiti Lang Kayo?