20
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

  • Upload
    others

  • View
    130

  • Download
    18

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1:

Wika (Kahulugan at Kabuluhan

ng Wika)

Page 2: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro

Cainta, Rizal 1800

Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Peña Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr.

Leilanie E. Vizarra Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral

Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao

Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Elias A. Alicaya, Jr. Ivan Brian L. Inductivo Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Josephine M. Monzaga

Page 3: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1:

Wika (Kahulugan at Kabuluhan

ng Wika)

Page 4: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa

araling Wika: Kahulugan at Kabuluhan ng Wika!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang

pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan

ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wika:

Kahulugan at Kabuluhan ng Wika!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad

din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Page 6: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iv

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1

Alamin

Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago ng panahon. Patuloy

na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong

nagaganap, maging ang wika natin ay nababago din dala ng makabagong

henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa

marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na nakakaimpluwensiya sa ating mga

natutuhan sa mga ninuno natin.

Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika.

Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya.

Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at

naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo

sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng

Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

May mga pagkakataon na maunawaan natin ang mga konsepto, elementong

kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito.

Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit

ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at

pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong

nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon rin. Sinadya ng mga may-akda na

palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at

pagsariwa ng mga konseptong pangwika.

Kung ang mga merito ng aklat na ito ay mamamaksimays, sa tulong ng matatalino

at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may-

akda na matatamo ang sumusunod na layunin:

1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang

sitwasyong pangkomunikasyon,

2. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga

konseptongn pangwika,

3. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa

lipunan,

4. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa

pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa, at

5. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may

kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.

Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay mas mapalalim pa

ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa maging ang konsepto ng wika.

Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa

pag-unlad ng wikang Filipino.

Page 8: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

2

Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga

konseptong pangwika.

1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika

ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

a. Filipino

b. Pilipino

c. Tagalog

d. Ingles/Tagalog

2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Ingles

c. Wikang Opisyal

d. Bilinggwal

3. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.

a. Wikang Ladino

b. Wikang Minotaryo

c. Wikang Opisyal

d. Wikang Sardo

4. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.

a. Phil. Constitution 1977

b. Phil. Constitution 1997

c. Phil. Constitution 1987

d. Phil. Constitution 2007

5. Ito ang ginagamit ng magkausap pag magkaiba ang kanilang katutubong

wika.

a. Lingua Franca

b. Bilinggwal

c. Multilinggwal

d. Homogenous

6. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.

a. dayalek

b. salita

c. dila

d. wika

Page 9: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

3

7. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.

a. Multilingguwalismo

b. Multikulturalismo

c. Bilingguwalismo

d. Barayti ng wika

8. Ang wika ay nagbabago.

a. Masistemang balangkas

b. Arbitraryo

c. Dinamiko

d. Pinipili

9. Kahulugan ng salitang Latin na lingua

a. Teorya

b. Kamay

c. Wika

d. Dila

10. Makahulugang tunog ng isang wika

a. Sintaksis

b. Morpema

c. Diskurso

d. Ponema

11. Kinikilalang lingua franca ng mundo

a. Mandarin

b. Niponggo

c. Filipino

d. Ingles

12. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita

a. Pantulong na wika

b. Katutubong wika

c. Ikalawang wika

d. Unang wika

13. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa

sambayanang Pilipino

a. Filipino

b. Tagalog

c. Cebuano

d. Ingles

Page 10: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

4

14. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa

Sistema ng edukasyon

a. Multilingguwalismo

b. Multikulturalismo

c. Bilingguwalismo

d. Naturalismo

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika.

a. Morpema

b. Simbolo

c. Sintaks

d. Ponema

Aralin

1 Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)

Basahin ang sumusunod na pangungusap.

1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog

na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa

pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.

2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong

pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong

natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y

makipag-ugnayan.

3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong

arbitraryo ng mga tunog para sa

komunikasyong pantao.

4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng

simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na

nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron

na lumilikha at simetrikal na estraktura.

5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga

simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at

natatamo ng lahat ng tao.

6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan

ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na

ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag.

7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at

naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.

Page 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

5

Balikan

Wika ko. Hulaan Mo!

Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita.

Salita Kahulugan

1. Lodi

2. Petmalu

3. Kalerki

4. Chaka

5. Waley

Mga Tala para sa Guro

Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral

ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin

munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto

bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa

katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.

Page 12: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

6

Tuklasin

Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay

dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo

ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan,

tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din

ng wika, mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat

simbolo ito ng kalayaan. Sa kabilang dako, nagkaroon ng ibang kahulugan at kabuluhan ang wika

sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo.

Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan

at kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang

pambansa o opisyal na wika. Ang dating wikang Tagalog na napalitan ng Filipino ay patunay lang na

patuloy na umuunlad ang ating bansa lalo na ang ating bokabularyo. Bukod sa wikang opisyal

tinatawag din itong pambansang lingua franca dahil ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba

ang kanilang katutubong wika.

Sa larangan naman ng pormal na edukasyon, Filipino ang wikang panturo sa mga paaralan sa

iba’t ibang asignatura gaya ng Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga at

maging sa MAPEH at TLE ay sinasalitan din nila ng Filipino. Layunin nito ang mapabilis ang

pagkatuto ng mga mag-aaral at maiangat ang antas ng mga kababayan.

Page 13: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

7

Suriin

Tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng konseptong pangwika ayon sa wikang

panturo at wikang opisyal.

1. “Hindi mo ba kilala ang taong yon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya

si John Marshall, ang bantog na mahistrado rito ng Estados Unidos. Namula

ang binata sapagkat di talaga sila magkaintindihan

a. Wikang Opisyal

b. Wikang Panturo

c. Wikang Opisyal at Panturo

d. Wikang Bilinggwal

2. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang

maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Opisyal at Panturo

c. Wikang Opisyal

d. Lingua Franca

3. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong

wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap sapagkat di sila

magkaintindihan.

a. Wikang Bilinggwal

b. Wikang Panturo

c. Wikang Opisyal

d. Lingua Hiram

4. Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang

maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Opisyal

c. Wikang Panturo at Opisyal

d. Wikang Bilinggwal

5. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino

upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Opisyal at Panturo

c. Wikang Opisyal

d. Lingua Franca

Page 14: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

8

Pagyamanin

Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito, lubos ko nang

naunawaan ang ___________________________at ____________________________ng

konseptong pangwika. Nalaman ko din na ang wikang opisyal ay

____________________ at ito ay napakaraming kabuluhan o kahalagahan.

Samantalang ang wikang panturo naman ay ang __________________________ na

ginagamit sa paaralan. Nabatid ko rin na marami palang kahulugan ang

__________________ ayon sa iba’t ibang linggwistika at dalubhasa.

Isaisip

Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at

kahulugan ng konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.

HANAY A HANAY B

____1. Lengua a. wikang ginagamit ng

magkausap na may magkaibang

katutubong wika

____2. Ipinalalaganap nito ang kultura ng b. wika

bawat pangkat c. wikang opisyal

____3. Ginagamit sa pormal na edukasyon d. dila at wika

____4. Ginagamit naman ito ng mga tao e. wikang panturo

sa isang bansa f. tagalog

____5. Lingua fran g. Filipino

Page 15: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

9

Isagawa

Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.

1. Bakit mahalaga ang wika sa:

a. Sarili

b. Lipunan

c. Kapwa

2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika.

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.

a. Phil. Constitution 1977

b. Phil. Constitution 1997

c. Phil. Constitution 1987

d. Phil. Constitution 2007

2. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.

a. Multilingguwalismo

b. Multikulturalismo

c. Bilingguwalismo

d. Barayti ng wika

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika.

a. Morpema

b. Simbolo

c. Sintaks

d. Ponema

Page 16: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

10

4. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika

ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

a. Filipino

b. Pilipino

c. Tagalog

d. Ingles/Tagalog

5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita

a. Pantulong na wika

b. Katutubong wika

c. Ikalawang wika

d. Unang wika

6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua

a. Teorya

b. Kamay

c. Wika

d. Dila

7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Ingles

c. Wikang Opisyal

d. Bilinggwal

8. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.

a. dayalek

b. salita

c. dila

d. wika

9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.

a. Wikang Ladino

b. Wikang Minotaryo

c. Wikang Opisyal

d. Wikang Sardo

10. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa

Sistema ng edukasyon

a. Multilingguwalismo

b. Multikulturalismo

c. Bilingguwalismo

d. Naturalismo

Page 17: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

11

11. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang

maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.

a. Wikang Panturo

b. Wikang Opisyal at Panturo

c. Wikang Opisyal

d. Lingua Franca

12. Ang wika ay nagbabago.

a. Masistemang balangkas

b. Arbitraryo

c. Dinamiko

d. Pinipili

13. Kinikilalang lingua franca ng mundo

a. Mandarin

b. Niponggo

c. Filipino

d. Ingles

14. Makahulugang tunog ng isang wika

a. Sintaksis

b. Morpema

c. Diskurso

d. Ponema

15. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa

sambayanang Pilipino

a. Filipino

b. Tagalog

c. Cebuano

d. Ingles

Karagdagang Gawain

Sa iyong sagutang papel, isulat ang kahulugan ng Wika at Wikang Panturo

a. Wika --

b. Wikang panturo --

Page 18: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

12

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1. C 2. C 3. B 4. A 5. D

6. D 7. B 8. D 9. B 10. A 11. A 12. C 13. D 14. D 15. B

Pagyamanin

1. kahulugan 2. kabuluhan 3. ginagamit 4. opisyal 5. wika

Subukin

1. A 2. B 3. B 4. C 5. A

6. D 7. C 8. C 9. D 10. D 11. D 12. D 13. B 14. A 15. B

Page 19: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

13

Sanggunian Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio. Sidhaya 11: Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Internet / Google

Page 20: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]