38
Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie Tremblay sa (418) 862-7283 o sumulat sa kanya: Jessie Tremblay CP 665 17 Rue Anseville Riviera Du Loup, PQ Canada G5R 3Z3 i

Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

  • Upload
    vuduong

  • View
    226

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie Tremblay sa (418) 862-7283 o sumulat sa kanya:

Jessie TremblayCP 66517 Rue AnsevilleRiviera Du Loup, PQ Canada G5R 3Z3

i

Page 2: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Pari, Subali’t Hindi Kilala ng Dios!(A Priest But…Unknown to God!)Kasaysayan ni Joseph Tremblay

Isinalin sa Tagalog ni Henry Manansala Pastor ng North Victory Baptist ChurchAyon sa pahintulot ni Jessie Tremblay,

(maybahay ni Joseph Tremblay)

ii

Page 3: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Pambungad Mula sa Tagasalin

Ang layunin ng munting aklat na ito ay ang tumulong sa aking mga kapwa Pilipino at hindi ang manghamak. Nagmula rin ako sa paniniwala na sa aking palagay ay tama. Subali’t sa aking pagsisiyasat ng Salita ng Dios, naging maliwanag sa akin ang katotohanan. Lubhang marami sa aking lumang paniniwala and salungat sa Salita ng Dios. Wala nang hihigit pa na makapagpapaliwanag sa mga salungat na paniniwalang ito maliban sa isang dating pari na katulad ni Joseph Tremblay.

Ang susi sa pagkamulat ng mata ni Joseph ay ang Salita ng Dios – ang Biblia. Maaaring masaktan ang iyong kalooban sa mga nakasulat rito subali’t siyasatin mo at basahin ang Biblia upang malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Joseph.

“At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).

Henry Manansala

iii

Page 4: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Mga Nilalaman

Bilang Paksa Pahina

1. Bagong pagkaunawa sa Salita ng Dios..................................22. Dating kaalaman, nawalan ng saysay....................................33. Kaligtasan, kaloob na walang bayad.....................................44. Bago sa akin..................................................................................75. Pangaral na dumurog sa aking puso.......................................66. Panginoong Jesus, nakatayo sa pintuan................................87. Binuksan ko ang pintuan ...........................................................98. Malaking pakikipagbaka.........................................................109. Pakikipagtagpo sa mga kapwa Cristiano............................1110. Mabuting Balita sa telebisyon.................................................1211. Mahalagang pasya...................................................................1312. Ano ang susunod?.....................................................................1313. Ano ang sagot sa akin ng Banal na Kasulatan?.................1314. Sariling pagsisiyasat...................................................................1415. Katiyakan ng kaligtasan...........................................................1516. Kapatawaran ng mga kasalanan..........................................1517. Walang bayad na kaligtasan..................................................1818. Ang pagdiriwang ng misa........................................................1919. Minsan, magpakailan man......................................................1920. Ang Banal na Hapunan............................................................2121. Saserdote na walang pagbabago........................................2222. Pagiging saserdote ng bawa’t mananampalataya..........2323. Malaking kamalian ...................................................................2324. Bautismo sa tubig.......................................................................2525. Ang Bato ay si Cristo..................................................................2626. Huwag tawaging ama ang sinoman....................................2727. Bakit ako nag-asawa?..............................................................2828. Paano naman si Maria?............................................................2929. Isang Tagapamagitan lamang...............................................3030. Anoman ito…gawin ninyo........................................................3031. Mga pagbabago sa simbahan..............................................3132. Nakakakita na ako....................................................................3133. Gaano kalaki ang kaniyang pagmamahal sa akin?.........3234. Paanyaya....................................................................................32

iv

Page 5: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

35. Ano na ngayon ang ginagawa ko?......................................33

v

Page 6: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Ang Dios ay nagliligtas ng mga tao, kahit kailan, kahit saan. Anomang uri ng propesyon, kulay o lahi, ililigtas ka ng Dios kung ikaw ay magsisiisi sa iyong mga kasalanan at mananalig sa Panginoong Jesus. Alam ko ito sapagka’t itoy’ naranasan ko.

Nagsimula ang lahat noon 1964 sa Chile, kung saan ako ay naging isang misyonero para sa Kapulungan ng mga Pari ng Birheng Maria. Natapos ko ito noong 1966 sa Canada. Ano ang naganap sa pagitan ng dalawang taon na ito? Ang kaligtasan ng aking kaluluwa.

Matagal akong hinahanap at tinutunton ng Dios. At sa ganang akin, lubos ang pagnanais ko na ibigay ang buong pagkatao ko sa kanya. Buong akala ko ay ginawa ko na ito. Hindi ba ako miyembro ng relihiyon na kinasilangan ko? Subali’t isang araw, binuksan ng Dios ang aking mga mata at nalaman ko na ako ay isang makasalanan at nalaman ko ang tunay na daan ng kaligtasan patungo sa Dios. Ito ang buong pangyayari.

Isinilang ako sa Quebec, Canada noong 1924. Mula sa pagkabata ay ipinamulat na sa akin ng aking mga magulang ang pagkatakot sa Dios. Masidhi ang aking pagnanais na maglingkod sa Dios sa lahat kong makakaya at ialay na buo ang aking buhay upang maging kalugod-lugod sa kanya. Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo, “Kaya nga mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaaya-aya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba” (Roma 12:1).

Makalipas ang ilang taon kong pag-aaral, ako ay itinalagang pari sa Roma, Italya. Matapos ang isang taon ay ipinadala ako bilang isang misyonero sa Bolivia at Chile, kung saan naglingkod ako ng higit sa 13 taon. Naibigan ko ang buhay doon at ginampanan ko ang aking mga tungkulin sa abot ng aking magagawa.

1

Page 7: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Ikinalugod ko ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa manggagawa sa kabila ng kanilang hindi ganap na pagsang-ayon sa aking pag-aaral ng Biblia. Napatunayan ko na ang kanilang mga imbitasyon sa akin upang ibahagi sa kanila ang mga natutunan ko sa Salita ng Diyos ay katibayan ng kanilang pagsang-ayon. Ako ay tinagurian nilang “Joseng Biblia”. Sa kabila ng pagtuya na nakapaloob sa taguring ito, alam kong ako’y kanilang lihim na kinaiinggitan. Ganon na lamang ang pasasalamat ng parokya na pinaglilingkuran ko sa aking ministeryo sa pag-aaral ng Salita ng Diyos kaya’t sila ay nagtatag ng mga pag-aaral ng Biblia sa mga bahay-bahay. Naging marubdob ang pagnanais ko na higit pang ihanda ang sarili ko sa pag-aaral ng Biblia para sa mga pagtitipon sa bahay-bahay at ganun din naman sa paggawa ng lingguhang mensahe ng Salita ng Diyos.

1. Bagong pagkaunawa sa Salita ng Dios

Noong una, ang pag-aaral ng Biblia ay libangan lamang para sa akin, subali’t ngayon ay naging isa na itong pangangailangan. Nagkaroon ng linaw sa akin ang mga turo ng Biblia. Higit sa lahat, napuna ko na wala sa Biblia ang lahat ng mga doktrina na aking pinag-aralan. Ang pag-aaral ko ng Biblia ay nagmulat sa aking mga mata sa kawalan ko nang kaalaman sa Biblia. Humingi ako ng pahintulot sa mga nakatataas upang aking magamit ang aking bakasyon sa higit pang pag-aaral ng Salita ng Dios. Pansamantala, nakatanggap ako ng paanyaya mula sa mga Jesuits sa Antofagasta na magturo ng Biblia sa “Normal School” ng kanilang unibersidad. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang aking pagkawili sa Salita ng Dios. Kahit hindi ako lubos na handa, tinanggap ko ang paanyaya dahil alam kong magtutulak ito sa akin upang lalong mag-aral ng Salita ng Dios.

2

Page 8: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

2. Dating kaalaman, nawalan ng saysay

Araw at gabi, maraming oras ang ginugol ko sa pag-aaral ng Biblia para sa aking mga pagtuturo, pagtitipon at pangangaral. Habang nag-aaral, naging ugali ko na ang makinig ng musika mula sa radyo. Isang araw, natuon ang aking radyo sa isang “Cristianong” istasyon. Napuna ko ito sapagka’t mga himno ang kanilang pinatutugtog at tuwinang nababanggit ang pangalan ng Panginoong Jesus. Pagkatapos ng mga awitin, mayroon silang pangangaral ng Salita ng Dios. Ang itinuturo ng mangangaral ay ang talata mula sa 2 Corinto 5:21, “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kanyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kanya’y katuwiran ng Dios.” Nais kong ilipat ang istasyon sapagka’t nakakaabala ito sa aking pag-aaral. Ang nais ko lamang ay makinig ng musika. Bukod dito, naitanong ko sa aking sarili, “Anong maaaring ituro sa akin ng ministrong ito na hindi ko pa nalalaman? Mayroon din naman yata akong pinag-aralan! Ako pa nga ang dapat magturo sa kanya!” Subali’t nag-atubili ako at nagpasyang makinig, at taos sa aking kalooban, natutunan ko mula sa mangangaral sa radyo ang ilan sa pinaka kamangha-manghang turo tungkol sa Panginoong Jesus. Labis na hiya sa sarili ang aking nadama sapagka’t alam kong hindi ako makapagtuturo ng tulad ng mangangaral na ito. Napakabisa ng kanyang pangangaral na para bang ang Panginoong Jesus mismo ang nangungusap sa akin. At nakakahiya sapagka’t marami pala akong hindi alam tungkol sa Panginoong Jesus. Masakit sa akin ito sapagka’t si Cristo ang palaging laman ng aking isip sa aking pag-aaral, subali’t malayo pala ako sa kanya. Kakaiba ang aking nadama sa mga sandaling iyon. Parang napakalayo ko sa kanya. Naramdaman ko na ang lahat kong pagkatao at pinag-aralan, mga prinsipyo at doktrina ay nawalan ng

3

Page 9: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

saysay. Sinikap ko na lalo pang mag-aral at magdasal subali’t lalo lamang lumalalim itong nararamdaman kong kawalan ng saysay.

Muli akong nakinig sa Cristianong istasyon ng radyo. Ito pala ay mula sa HCJB (Heralding Christ Jesus' Blessings), Quito, Ecuador. Nalaman ko na ito pala ay istasyon na nagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa buong mundo. Lubos akong pinagpala ng Dios sa kanilang mga turo. Sumulat pa ako sa kanila upang magpasalamat at humingi ng dagdag pang mga katuruan.

3. Kaligtasan, kaloob na walang bayad

Kapuna-puna sa itinuturo sa HCJB ay ang biyaya ng kaligtasan na kung saan ang lahat ng karangalan ay nakatuon lamang sa Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus, at hindi sa mga tao na kanyang inililigtas. Mula sa Salita ng Dios, pinatunayan nila na walang anomang bahagi at walang maipagmamalaki ang mga tao sapagka’t ang ating katuwiran ay pawang basahang marumi sa harapan ng Dios. Itinuro nila na ang buhay na walang hanggan ay maaaring tanggapin bilang isang handog ng Dios, hindi isang gantimpala na nagmumula sa sariling pagsisikap. Ang kaligtasan pala ay isang walang bayad na kaloob ng Dios sa sinomang magsisisi ng kanyang kasalanan at tatanggap sa Panginoong Jesus bilang kanyang Tagapagligtas.

4. Bago sa akin

Lahat ng ito ay bago sa akin. Sa katunayan, ito ay salungat sa lahat ng aking natutunan. Sa buong akala ko, ang kaligtasan ay isang gantimpala na makakamit sa sariling pagsisikap, sa katapatan, sa kawang-gawa at mga handog o sakripisyo. Lahat ng ito ang lubos kong pinagsumakitan sa loob ng

4

Page 10: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

mahabang pahanon. Ito ang naging tanong ko sa aking kalooban, “Ano ang kinahinatnan ng lahat ng aking mga pagsisikap?” Tapat sa aking puso, alam kong lahat ng ito ay walang kinahinatnan. Halimbawa, alam ko na kahit nagawa ko na ang lahat ng mga ito, kung sakaling ako ay magkamit ng “mortal” o mabigat na kasalanan, alam kong sa impyerno pa rin ang aking tungo. Ang itinuro sa akin ay isang kaligtasan na makakamit sa pamamagitan ng mabubuting gawa at mga sakripisyo. Subali’t sinasabi ng Biblia na ang kaligtasan ay isang biyaya na walang bayad mula sa Dios. Itinuro rin sa akin na walang katiyakan ang kaligtasan. Subali’t sinasabi ng Biblia na ang kaligtasang inaalok ng Dios ay tiyak. Nagdulot sa akin ng balisa ang mga kaisipang ito. Binalak kong itigil ang pakikinig sa himpilan ng radyong ito. Dumanas ako ng hirap ng katawan at kalooban. Sakit ng ulo, hindi ako makatulog at matinding pangamba sa kapahamakan sa impyerno ang nangibabaw sa akin. Nawalan na rin ako ng lakas at pagnanais na magdaos ng misa at makinig sa mga nangungumpisal. Pakiramdam ko ay masahol pa akong makasalanan kaysa mga taong lumalapit sa akin at humihingi ng tulong. Umiwas ako sa lahat ng mga tao.

Subali’t tapat ang Dios at patuloy siyang nangusap sa akin sa gitna ng aking pagdadalamhati. Sa gitna ng maraming tanong sa aking puso, ang Salita ng Dios ang siyang aking naging saklolo. “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Roma 3:23). “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).

5

Page 11: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Lahat ng ito ay natutunan ko mula sa Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng radyo ng HCJB.

Hindi ko maaaring ilihim ang lahat ng ito sa aking nakatataas. Isa siyang tao na may karunungan at itinuring ko siyang tunay na ama. Napuna niya ang pagpupunyagi ng aking kalooban. “Mayroong nagbago sa iyo, alam kong maryoon kang problema” wika niya sa akin. Sinabi ko sa kanya ang lahat, “Hindi ko lang nais na basahin at pag-aralan ang Biblia. Nais kong sundin ang mga sinasabi ng Dios sa kanyang Salita kahit na labag sa tuntunin ng sinomang tao.” Malabo ang sagot sa akin ng aking nakatataas. Hindi niya ako harapang sinalungat subali’t sinabi niya sa akin na dapat akong manatiling tapat sa turo ng banal na simbahan at magpailalim dito kahit sa mga bagay na hindi namin maunawaan. Dulot ng aking paggalang, nakinig pa rin ako sa aking nakatataas subali’t alam kong wala rin siyang katiyakan sa kanyang kaligtasan. At sa loob ng aking puso, nawala na ang aking tiwala sa aking simbahan. Ang pangunahing dahilan ay ang turo nito tungkol sa kaligtasan na walang katiyakan. Nagkaroon ng lamat sa aking puso na hindi mapigilan at tuluyang naging malaking sugat.

5. Pangaral na dumurog sa aking puso

Sumilang ang araw sa aking puso sa pagkakataong hindi ko inaasahan. Ako ang inatasan upang magbigay ng pangaral sa aking parokyang simbahan. Sabado, isang araw bago ako mangaral, narinig ko ang sermon ni Billy Graham sa “The Hour of Decision”. Nakatulong ito sa aking paghahanda. Ang aking paksa ay “Kabanalang Paimbabaw”. Pinili ko ang Mateo 7:21-23 na batayan ng aking mensahe. “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa

6

Page 12: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”

Kilala ko na ang aking mga parokyano. Nais kong imulat ang kanilang mga mata tungkol sa paimbabaw na kabutihan na madalas ay balatkayo ng isang pusong palihim na makasalanan. Subali’t habang ako ay nangangaral, napuna ko na ang aking mga salita ay bumabalik sa akin. Ang Dios ay nangusap sa akin habang ako ay nangangaral. Ang Salita ng Dios ay nagbukas ng aking mga mata sa aking sariling pagpapaimbabaw. Sa aking palagay, ako ay nakahihigit sa ibang tao dahil ako ay isang pari. Subali’t nangusap sa akin ang sinabi ni Jesus “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa akin.” Nangatuwiran pa ako sa aking isip, “Paanong hindi mo ako kilala, Dios ko? Hindi ba isa ako sa iyong mga pari? Hindi ba ako relihiyosong tao? Masdan mo naman ang aking mga isinakripisyo para sa iyo, ang mga taon na ginugol ko sa pag-aaral, ang pag-iiwan ko sa aking mga magulang at bayan, ang aking sumpa patungkol sa pagkadukha, ang aking pagtalikod sa pag-aasawa, ang pag-aalay sa iyo ng lahat kong yaman, ang buo kong pag-iisip, buong katawan, lahat ng ito upang ikaw ay paglingkuran. At pagkatapos ay sasabihin mo sa akin na hindi mo ako kilala? Paano na lamang ang aking pagdurusa sa panahon ng aking pagmimisyon? Ang aking pagpipigil sa pagkain, nakiluha ako sa mga lumuluha, nagbinyag ako ng daan-daang mga bata, nagpatawad ako ng lubhang maraming makasalanan, inaliw ko ang maraming tumatangis, nagbigay ng pag-asa sa mga

7

Page 13: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

pinanghinaan ng loob. Dumanas ako ng lamig, kalungkutan, paghamak, kawalan ng utang na loob, pagbabanta. Handa akong ibigay pati ang aking buhay para sa iyo kung kinakailangan. Subali’t sa kabila ng lahat ng ito, wala pa ring katiyakan na ako ay hindi mo hahatulan, “Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala.”

Naubos na ang aking pangangatuwiran at pati na rin ang aking lakas. Pakiramdam ko’y babagsak ako sa aking kinatatayuan at halos ‘di ko mapigilan ang pagluha sa harapan ng mga tao. Alam kong nahalata nila ang nangyayari sa akin. Sa bandang huli ay tuluyan na akong lumuha at hindi no ko na natapos ang aking sermon. Ang kawalan ng pag-asa at kabiguan ng aking layunin sa buhay ay nagsanib sa aking kalooban, sapagka’t batid ko ang aking pagiging makasalanan at ang paghatol na aking hinaharap mula sa Dios. Napaluhod ako sa katahimikan ng aking opisina. “Saan ako tutungo ngayon? Maaari ba akong sagipin ng aking lumang doktrina kung ako lamang ay mananatiling tapat dito?” Subali’t habang binabalikan ko ang mga ito, lalo lamang akong naguguluhan at nasisiraan ng loob. Lumapit ako sa aking mga kapwa pari subali’t sila rin pala ay naguguluhan at wala ring kasiguruhan! “Umasa na lang kaya ako sa aking sarili? Hindi maaari, alam ko na, na ang aking mga mabubuting gawa ay hindi sapat.” Hapong-hapo ako nang mga sandaling iyon, labis na nalumbay at nawalan ng pag-asa. At sa ganitong kalagayan ay nangusap sa akin ang Dios. Hinihintay lamang niya ang pagkakataong ito upang ialok ang kanyang biyaya ng kaligtasan. “Ang sukdol na kawalang pag-asa ng tao ay pagkakataon na hinihintay ng Dios.”

6. Panginoong Jesus, nakatayo sa pintuan

Sa gitna ng aking pagdadalamhati at sa aking

8

Page 14: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

pagsasaliksik ng Salita ng Dios, siya ay nangusap sa akin, “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Efeso 2:8,9). Dito naglinaw ang malaking pagkakamali ko at ang dahilan ng pagsakwil sa akin ng Dios. Sinisikap kong iligtas ang aking sarili sa pamamagitan ng aking mabuting gawa, at ang Dios naman ay nais niyang iligtas ako sa pamamagitan ng kanyang biyaya. Binayaran na pala ng Panginoong Jesus ang aking mga kasalanan na pinipilit kong bayaran. Namatay siya sa krus hindi dahil sa kanyang kasalanan kundi sa kasalanan ng lahat ng mga tao, kasama na ako dito. “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Maliwanag sa akin ngayon na kailangan ko lamang na lumapit sa Panginoong Jesus upang magkamit ng tiyak na kaligtasan at ganap na kapayapaan para sa aking kaluluwa. Nais kong lumapit, subali’t ang tanong ko sa aking sarili, “Nasaan ka Panginoong Jesus?” Ang sagot niya sa akin, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok; kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kanya at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20).

7. Binuksan ko ang pintuan

Hindi pala malayo ang Panginoong Jesus. Sa oras ring iyon ay binuksan ko ang aking puso at inanyayahan ang Panginoong Jesus, nang walang namamagitan na sinomang tao. “Pumasok ka sa aking puso, Panginoong Jesus. Pagharian po ninyo ako at iligtas. “ Sa sandaling iyon, nagkaroon ako ng katiyakan na malaya na ako sa parusa at paghatol na matagal kong pinagdusahan. Iniligtas niya ako at

9

Page 15: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

pinatawad sa lahat kong kasalanan. Binigyan niya ako ng buhay na walang hanggan. Ito ang simula ng paggawa ng Dios sa aking buhay. Maliwanag na sa akin ngayon ang unang salita na ginamit niya upang kunin ang aking pansin, “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kanyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kanya’y katuwiran ng Dios” (2 Corinto 5:21). “Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa na tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kanya; at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

8. Malaking pakikipagbaka

Matapos ang karanasan kong ito, nagpatuloy pa rin ako sa aking mga tungkulin bilang isang pari sa abot ng aking makakaya. Subali’t hindi ako mapalagay. Alam kong nagkamit ako ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya ng Dios at ako ngayon ay tunay na anak ng Dios at alam kong salungat ito sa mga bagay na aking itinuturo at pinagsisikapan. Maligaya ako sapagka’t tiyak ang kaligtasang ipinagkaloob sa akin ng Panginoong Jesus. Nguni’t nasasakal ako sa mga atas sa akin ng simbahan na alam kong laban sa turo ng Banal na Kasulatan. Dahil sa bagong pagkaunawa ko sa kaligtasan na sang-ayon sa Biblia, nagbago rin ang aking pangangaral. Ang mahalaga sa akin ay pawang ang Panginoong Jesus, kung sino siya at kung ano ang kanyang ginawa. Hindi ko sinusunod ang mga sermon na ibinibigay sa akin ng simbahan. Ang lagi kong ipinangangaral ay ang mabuting balita ng kaligtasan na natamo ko mula sa Panginoong Jesus. Nagugulat ang mga nagsisimba subali’t nadarama ko na sila ay nakikinabang. Nang hindi ko na makayanan, nagbitiw na ako sa aking pagiging pari sa harapan ng mga nakatataas sa akin sapagka’t hindi ko na kayang mangaral ng mga bagay

10

Page 16: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

na labag sa Salita ng Dios. Tinanggap nila ang aking pagbibitiw kahit hindi nila maunawaan ang aking dahilan. Naging mabuti rin naman sila sa akin at ipinagkaloob nila sa akin ang lahat kong pangangailangang materyal. Subali’t hindi ko pinanghinayangan ito dahil ako ngayon ay tiyak na sa aking kaligtasan. Si Cristo ang aking Panginoon. Ganap ang kaligtasan na ipinagkaloob niya sa akin at wala na akong dapat na idagdag pa rito. Ipinaubaya ko sa kanya ang aking hinaharap at alam kong kayang tapusin ng Panginoong Jesus ang dakilang bagay ni pinasimulan niya sa aking buhay.

9. Pakikipagtagpo sa mga kapwa Cristiano

Nagbalik ako sa Quebec, Canada sa taong 1965 at ako’y nagpahinga sumandali. Hindi naglaon, dumalaw sa akin ang mga ebanghelikong Cristiano. Naalaman nila ang tungkol sa akin mula sa istasyon ng HCJB. Hinarap ko sila ng may kaligayahan at may pakinabang ako sa kanilang mga sinasabi. Subali’t hindi ako dali-daling umanib sa kanila. Naging maingat ako sa aking pagkilos at ayaw ko nang maulit ang malaking pagkakamali na nagbilanggo sa akin sa loob nang 40 taon. Dumalangin ako sa Panginoon upang gabayan niya ako patungo sa mga tunay na kapatid sa pananampalataya. Naalala ko ang sinabi sa Gawa 2:42 at mga sumusunod, patungkol sa mga bagong mananampalataya na katulad ko. Mayroon nga kayang mga tunay na Cristiano na nagtitipon-tipon upang sambahin ang Panginoon habang naghihintay ng kanyang pagbabalik? Kung iniligtas niya ako, kaya rin niya akong patnubayan patungo sa mga tunay na Cristiano?

11

Page 17: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

10. Mabuting Balita sa telebisyon

Isang araw, nakatanggap ako ng paanyaya mula sa aking mga dating nakatataas sa Montreal upang magturo ng teolohiya sa Kolehiyo ng Rouyn. Hindi buo ang aking loob sapagka’t hindi ako nalulugod sa Rouyn, Abitibi, subali’t tinanggap ko pa rin ang alok dahil ilang buwan lamang naman ito. Ang paksa na ibinigay sa akin ay “Ang Iglesia.” Binigyan nila ako ng mga aklat na aking gagamitin upang paghandaan ang aking pagtuturo. Subali’t naghanda ako, gamit lamang ang Banal na Kasulatan. Ipinaliwanag ko ang tungkol sa “Iglesia” batay sa aking nabasa sa Biblia. Nanibago rin ako dahil ibang-iba ito sa aking natutunan sa seminaryo. Gayunman, mayroon akong kasiyahan sa aking pag-aaral at pagtuturo. Gumamit pa ako ng “tape recorder” upang ilarawan ang aking aralin. Isang araw, mayroon akong nabasa sa pahayagan na programang telebisyon na patungkol sa “Iglesia.” Agad akong nanood at natuwa ako sapagka’t ang turo ng mangangaral na si Ginoong Gaston Jolin (Rollet, QC) ay walang ipinagkaiba sa aking natutunan mula sa Biblia. Napag-alaman ko na siya pala ay isang Cristiano kaya’t ako’y sumulat sa kanya at nagpasalamat. Inanyayahan ko rin siyang dumalaw sa akin. Noong kami’y magkita, nabatid ko agad na iisa ang aming Panginoon. Makalipas ang ilang pagdalaw, inanyayahan niya ako sa kanilang sambahan. Sa unang pagdalo ko pa lamang, naranasan ko ang pag-alaala ng Huling Hapunan ng Panginoon. Maligaya ako sapagka’t ganitong-ganito ang nakasaad sa 1 Corinto 11. Alam ko na ito ang tugon ng Dios sa aking panalangin na gabayan ako sa mga tunay na mananampalataya. Nasaksihan ko ang pagtitipon nila na katulad ng isinasaad sa 1 Corinto 11:26, habang naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus.

12

Page 18: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

11. Mahalagang pasya

Agad akong sumulat sa aking mga nakatataas sa Montreal at sinabi sa kanila na natagpuan ko na ang aking tunay na pamilya. Hiningi ko ang kalayaan mula sa lahat ng aking panata sa simbahang Romana Catolica. Ang aking buhay ngayon ay pag-aari na ni Cristo at siya ang aking gabay.

Tunay na pinalaya ako ng Panginoon, hindi lamang sa aking mga kasalanan at sa paghatol, kundi pati na rin sa alituntunin na pawang pabigat at umaalipin.

12. Ano ang susunod?

Ano ang aking hinaharap ngayon? Hindi ko ganap na alam. Subali’t alam ko na ang Dios ang aking Ama at hindi niya ako pababayaan at siya ang bahala sa aking hinaharap. Nagtitiwala ako na gagabayan niya ako sa aking bagong buhay, na siya ang magdudulot ng aking pang-araw araw na pangangailangan upang ako ay lumago.

Maraming nagtanong sa akin, “Bakit hindi ka nanatili sa Romana Catolica matapos na ikaw ay maligtas?” Ang mga sumusunod ay sagot sa tanong na ito. Aking dalangin na maging kapaki-pakinabang ito sa marami.

13. Ano ang sagot sa akin ng Banal na Kasulatan?

Ukol sa tanong na ito, dalawang talata sa Biblia ang ginamit ng Dios upang maging aking gabay. Ang una ay sa 2 Corinto 6:14-18, “Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga hindi nagsisisampalataya: sapagka’t ano’ng pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O ano’ng pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At ano’ng pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial?

13

Page 19: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

O ano’ng bahagi mayroon ang sumasampalataya sa hindi sumasampalataya? At ano’ng pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga, magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong magsisihipo ng mga bagay na marumi, at kayo’y aking tatanggapin. At ako sa inyo’y magiging Ama, at sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”

Itinuring ko ito na gabay sa akin ng Dios upang iwanan ang isang sistema na hindi kalugod-lugod sa kanya. Naitanong ko sa aking sarili, “Nais nga kaya ng Dios na iwan ko ang Romana Catolica? Namulat ako sa paniniwala na ito ang pinaka dakilang relihiyon at itinuro rin sa akin, na sa labas ng Catolico ay walang kaligtasan.

Muli akong ginabayan ng Dios sa kanyang salita sa Apocalipsis 18:4-5, “At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kanyang mga salot. Sapagka’t ang kanyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kanyang mga katampalasanan.” Tinutukoy rito ang isang sistema na dapat iwan ng mga tao sa dahilang ang mga kasalanan nito ay sukdulan hanggang langit. Ito na nga kaya ang Romana Catolica? Naging bahagi ba ako ng sistemang ito ng lingid sa aking kaalaman?

14. Sariling pagsisiyasat

Nagsiyasat akong mainam sa aking buhay, kung ano ang aking mga ginawa at kung ano ang aking

14

Page 20: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

pagkatao. Nagsaliksik akong mabuti, katulad ng mga taga Berea sa Gawa 17:11, “Ngayon, lalong naging marangal ang mga ito (mga taga Berea) kaysa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.” Sa aking pagsasaliksik, ito ang aking natagpuan.

15. Katiyakan ng kaligtasan

Kauna-unahang napagtuunan ko ng pansin ay ang “katiyakan ng kaligtasan.” Ang itinuro noon sa akin ay walang sinomang makakatiyak ng pagtungo sa langit hangga’t nabubuhay ang isang tao. Ang sinomang magsabi o mag-isip na siya’y tiyak nang papasok sa langit ay ititiwalag mula sa simbahan. Subali’t ayon sa 1 Juan 5:13, “Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.” Ang Dios mismo ang nagsabi na maaari mong malaman na ikaw ay may buhay na walang hanggan. Sabi ng tao, hindi mo maaalaman. Sino ang tama? Walang duda, ang sinabi ng Dios ang aking pagtitiwalaan!

16. Kapatawaran ng mga kasalanan

Ito ay isang malaking katanungan! Walang mas mahalaga sa isang tao kaysa malaman niya na ang kanyang mga kasalanan ay maaaring mapatawad at tunay na ngang napatawad! Ginawa ko ang lahat upang magkaroon ako ng kapayapaan ukol sa kapatawaran ng aking mga kasalanan. Siniyasat ko ang aking budhi bawat isang linggo, nangumpisal ako sa kapwa ko pari, tumanggap ako ng “absolusyon”, binigkas ko ang mga dasal para sa kapatawaran ng aking mga kasalanan (penance), at marami pang

15

Page 21: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

ibang uri ng mga dasal na paulit-ulit. Madalas na ginagawa ko ito na ang aking mga kamay ay nakaunat sa aking tagiliran na tulad ng isang krus. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ako kailanman nagkaroon ng katiyakan na ang aking mga kasalanan ay pinatawad ng lubusan. Ang aking budhi ay palaging nagdurusa sa tuwing aking maiisip ang mga kasalanan na hindi ko naisama sa aking pangungumpisal. Sukdol na hirap ng kalooban! Noong aking matagpuan si Cristo, nagkaroon ako nang kapayapaan. Nasusulat, “Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Roma 5:1). “Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawa’t sumasamplataya sa kanya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan” (Gawa 10:43). Itong huling nabanggit sa Gawa 10:43 ay mga salitang binitawan ni Pedro, ang “dakilang Pedro”, isa sa mga sinabihan ni Cristo na: “Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad” (Juan 20:23).

Kailanman ay hindi inutusan ni Pedro na mangumpisal sa kanya ang mga tao ng kanilang mga kasalanan. Bakit ito ang itinuro sa akin ng aking mga nakatataas - na utos daw ito ng Panginoong Jesus at dapat sundin? Dapat daw na mangumpisal ang mga tao sa kapwa nila mga tao. Subali’t ito ang tunay na ibig sabihin ni Cristo: inutusan niya ang kanyang mga Apostoles at mga alagad na humayo at ipangaral ang Mabuting Balita. Ano itong Mabuting Balita na kung ipangangaral nila ay magtutulak sa mga tao upang magsisi ng kanilang mga kasalanan?

Ayon sa 1 Corinto 15:1-3, “Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio (Mabuting Balita) na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong

16

Page 22: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

pinanatilihan. Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan. At siya’y muling nabuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.”

Ayon dito, ang kapatawaran pala ay matatamo kung ang isang tao ay magtitiwala kay Cristo. At dahil ako ay nagtiwala na kay Cristo, ako ngayon ay pinatawad na sa aking mga kasalanan. Ang batayan ay hindi ang ating pakiramdam. Ang batayan ay ang Salita ng Dios, at ang kanyang Salita ay sapat para sa akin. Ang Dios ang nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan at ng kapayapaan sa aking puso. Ganito rin ang karanasan ni Cornelio, “Isang taong masipag sa kabanalan at may takot sa Dios, siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios” (Gawa 10:2). Inutusan siya ng Dios na anyayahan si Pedro sa kanyang tahanan upang ituro sa kanya ni Pedro ang “ikaliligtas mo, ikaw at ng buong sangbahayan mo” (Gawa 11:14). Sa madaling sabi, upang maligtas at magkamit ng kapatawaran, kinakailangang marinig niya ang Mabuting Balita at sumampalataya kay Cristo.

Malaking ginhawa ang maging malaya mula sa mga ritwal na dasal at sakripisyo patungkol sa kapatawaran ng kasalanan sapagka’t maaaring makamtan ito kung tayo lamang ay ganap na magtitiwala kay Cristo! Sabi ni Pablo, “Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito’y ibinabalita ko sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan, at sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo

17

Page 23: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises” (Gawa 13:38-39).

Kung ipilit sa atin ng ilan, na tayo’y dapat na mangumpisal sa kapwa tao, na tulad rin nating makasalanan, ang mga nagtuturo nito ay mga bulaang guro, at ito mismo ay kasalanan sa Dios. Isa na ako sa mga naging bulaang guro. Subali’t itinigil ko na ang aking pakikinig sa mga nangungumpisal at pati na rin ang aking pangungumpisal sa kapwa ko pari.

17. Walang bayad na kaligtasan

Lubhang maraming mga atas, mga seremonya, mga hakbang na dapat sundin upang makapasok sa langit! At matapos mong gawin ang lahat ng ito, wala pa ring katiyakan! Kahit na isama ko pa rito ang aking tapat na pagtupad sa aking mga tungkulin bilang isang pari, wala pa ring katiyakan. Nabasa ko na noon pa ang mga talata na nagtuturo ng tungkol sa kaligtasang walang bayad, subali’t hindi ko ito pinansin. “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at iyo’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Efeso 2:8-9). Noong una, matapos kong matagpuan ang katotohanan, nagpatuloy pa rin ako sa aking pagiging pari. Subali’t hindi ko na makayanan dahil laging may bumabagabag sa akin. Ang tanong ko sa aking sarili, “Bakit ka pa nag-ro-rosaryo? Hindi mo ba alam na ang kaligtasan ay kaloob na walang bayad ng Dios?” Dahil dito, nagpasya akong itigil ang lahat ng mga bagay na ginagawa ko upang makamit ang kaligtasan na ipinagkaloob na sa akin ni Cristo.

Nadama ko na kapag gumagawa ako ng mga bagay upang ako ay maligtas, ay nilalait ko si Cristo na para bang ang kanyang ginawang sakripisyo para sa akin ay kulang o hindi ganap. Subali’t ayon sa Salita ng

18

Page 24: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Dios, “Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Hebreo 7:25). Inako ni Cristo ang lahat ng parusa na dapat ay sa akin. Hindi kalahati o bahagi lamang. “Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa na tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kanya, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5). Ang buong parusa, hindi kalahati lamang! Sinabi ni Pablo, “Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa’t isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap” (Filipos 3:13). Habang nililimot ko ang aking sariling kakayanan, higit namang nakikita ko ang kahalagahan ni Cristo sa aking buhay. “…ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).

18. Ang pagdiriwang ng misa

Noon ay araw-araw kong ipinagdiriwang ang misa. Itinuro sa akin na sa misa ay paulit-ulit na nagsasakripisyo si Cristo sa Calbaryo ng walang pagdanak ng dugo, bilang alay sa Dios para sa kasalanan ng mga buhay at mga patay! Ako ay hinirang na maging pari ng Romana Catolica upang magdiwang ng misa at magpatawad ng mga kasalanan. Ang mga ito ay tahasang labag sa kalooban ng Dios.

19. Minsan, magpakailan man

Sa aking pag-aaral ng aklat ng Hebreo ukol sa “hindi kumukupas na pagiging saserdote (pari) ni Cristo, natanim sa aking isip ang salitang “MINSAN.” “…ito’y

19

Page 25: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kanyang ihandog ang kanyang sarili” (Hebreo 7:27). Inihambing si Cristo sa mga saserdote ng Lumang Tipan. “Nguni’t pagdating ni Cristo na Dakilang Saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga’y hindi sa paglalang na ito. At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan” (Hebreo 9:11-12). At sinasabi rin, “At siya’ hindi rin naman kinakailangang ihandog na madalas pa ang kanyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili. Sa ibang paraan ay kailangan na siya’y magbata ng madalas mula ng itatag ang sanglibutan: datapuwa’t ngayon ay minsan siya’y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan at pagkatapos nito ay ang paghuhukom. Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kanya” (Hebreo 9:25-28). “Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkakahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailanman. At katotohanang ang bawa’t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog ng madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan. Nguni’t siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailanman, ay umupo sa kanan ng Dios. Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kanyang mga

20

Page 26: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

kaaway ay maging tungtungan ng kanyang mga paa. Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kanyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapaging-banal” (Hebreo 10:10-14).

Lahat ng ito ay nagsasaad na ang sakripisyo ni Cristo ay hindi kailangang ulit-ulitin sapagka’t ito ay ganap na panghugas sa lahat ng ating mga kasalanan. Wika ng tao, “Ulit-ulitin natin.” Sino ang tama? Tanging ang Dios lamang! Sa katunayan, isang kasalanan sa Dios na ituring na kulang at ulit-ulitin ang tinapos na ni Cristo, minsan magpakailan man!

20. Ang Banal na Hapunan

Ang katuwiran ng iba, “Hindi ba sinabi ni Cristo, ‘Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin!?’” Tama! At ito ang pinasimulang gawin ng mga unang mga Cristiano noong una pa man pagkatapos ng araw ng Pentecostes. “At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputol-putulin ang tinapay…” (Gawa 20:7). Ito ang “Banal na Hapunan” na siyang ginanap ng mga Cristiano upang alalahanin ang kanilang Panginoon. Ang buod ng turong ito ay isinulat ni Apostol Pablo, “Sapagka’t sa tuwing kainin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya” (1 Corinto 11:26). At hanggang ngayon, ang mga Cristiano, yaong mga tinubos at nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, ay nagpupulong-pulong pa rin tuwing unang araw ng sanglinggo upang alalahanin ang Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Hapunan.

Sa katunayan, natagpuan ko ang mga tunay na Cristiano noong ako’y maanyayahan sa isang pagtitipon sa Banal na Hapunan. Doon ako nakakita ng mga tao na labis ang kagalakan at pasasalamat sa kanilang Tagapagligtas na kanilang sinasamba. Ang

21

Page 27: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Banal na Hapunan ay ipinagdiriwang ng mga taong pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Hindi sila sumasalo sa Banal na Hapunan upang mapatawad sa kanilang mga kasalanan, sapagka’t ang kanilang mga kasalanan ay napatawad na minsan magpakailan man, sa pamamagitan ng dugo ni Cristo na dumanak, minsan magpakailan man. Ibang-iba ito sa pagdiriwang ng Misa na isang obligasyon na ipinataw sa akin ng turo ng tao. Araw-araw itong ipinapagdiwang sa akin, minsan ay maraming beses pa sa isang araw at lahat ng ito ay ginagawa upang mapatawad ang mga kasalanan. At noong mabasa ko ang talatang ito sa Hebreo 9:22, “..maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran”, aking naunawaan na ang Misa ay salungat sa Salita ng Dios, sapagka’t ito ay isang “sakripisyong walang dugo.” Ito ang tugon sa akin ng Dios sa aking katanungan, “Ilang Misa ang aking kailangan daluhan o ipagdiwang upang ako ay mapatawad sa aking mga kasalanan?” Sapagka’t walang dugo na nabuhos, wala ring kasalanan na patatawarin. At kahit na ipagdiwang pa ang misa sa loob ng walang hanggan, wala pa ring kapatawaran sa mga kasalanan. At dahil dito, tayo ay laging nasa ilalim ng paghatol ng Dios. Subali’t ang pangako ng Dios ay, “At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa” (Hebreo 10:17). Gayon na lamang ang aking pasasalamat sa aking puso sa Panginoong Jesus sa kanyang gawang ganap sa Calbaryo! Tunay na ganap kung kaya’t pinatawad akong lubos ng kanyang Ama magpakailan man.

21. Saserdote na walang pagbabago

Sa kabila ng lahat ng aking matinding kagalakan at pasasalamat sa Panginoong Jesus, mayroon pa ring bumabagabag sa aking kalooban sapagka’t ako ay isa pa ring pari sa harapan ng mga

22

Page 28: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

tao. At nilinaw sa akin ng Panginoon na ang aking pagiging pari ay labag sa kanyang kalooban at dapat ko na itong talikuran. “Datapuwa’t siya (Jesus), sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang hindi mapapalitan. Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Hebreo 7:24-25).

Sabi ng Dios, “Isa lamang ang tunay na Saserdote, at ito ay ang aking Anak! Ang kanyang pagiging Saserdote ay hindi nagbabago! (Hindi maaaring ilipat mula sa kanya patungo sa ibang tao)! Subali’t sabi ng tao, “Kailangan namin ng mga pari dito sa lupa, at kami ay magtatalaga ng ilan!” Sino ang tama? Walang iba kundi ang Dios lamang!

22. Pagiging saserdote ng bawa’t mananampalataya

Noong aking iwanan ang aking pagiging pari, doon ko naunawaan ang plano ng Dios tungkol sa pagiging pari ng bawa’t mananampalataya. Ito ang sabi ni Pedro, “Kayo rin naman, gaya ng batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo” (1 Pedro 2:5). Kung gayon, lahat ng mananampalataya, lalaki, babae at mga bata, lahat ay saserdote ni Cristo, lahat ay bahagi ng banal na sambahayan ng mga saserdote ng Panginoong Jesus.

23. Malaking kamalian

Mayroong nagsabi sa akin na imposibleng magkamali ang lubhang maraming mga pari, mga Obispo at higit sa lahat ang “Papa”, na mayroong

23

Page 29: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

sadyang malaking kapangyarihan sa ating lipunan. Hindi ko nais na husgahan ang sinoman! Inaamin ko na ang lahat ng mga taong nabanggit ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay sa kapakanan ng mga tao sa maraming bansa sa buong mundo. Subali’t kumbinsido ako na sa kabila ng aking pagiging pari, hindi pala ako tunay na anak ng Dios! At ang aking pagiging pari ay natamo ko mula sa paghirang ng tao. Hindi ito mula sa Dios. Ang aking pagkabautismo sa tubig ang isa sa mga sanhi ng aking pagkahirang bilang isang pari, kung hindi dito, hindi ako maaaring hirangin bilang isang pari. Ang bautismo ay isang pinto upang makapasok sa Cristianismo – ayon sa itinuro sa akin. Ang bautismo rin ang naging daan upang ako ay maging anak ng Dios, ito ang sabi nila sa akin. Subali’t nalaman ko na walang sinoman ang magiging anak ng Dios sa pamamagitan ng seremonya o salapi o ano pa mang mabubuting gawa.

KAILAN AT PAANO AKO NAGING ANAK NG DIOS?

Naging anak ako ng Dios noong sundin ko ang sinasabi ng Biblia, “Datapuwa’t ang lahat ng sa kanya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kanyang pangalan. Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios” (Juan 1:12-13). Ayon sa Dios, ito lamang ang tanging paraan upang ang isang tao ay maging anak niya. Nagpailalim ako sa paraang ito ng Dios at ngayon alam kong ako ay anak na ng Dios! Ang kailangan ay “pananalig” sa Dios, hindi ang anomang magagawa ng tao. “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Efeso 2:8,9). Matapos akong magsisi ng aking kasalanan at

24

Page 30: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

magtiwala sa Panginoong Jesus para sa aking kaligtasan, pinagkalooban ako ng Dios ng buhay na walang hanggan at karapatang maging anak niya. At ngayon nais niya na ipahayag ko sa iba ang kanyang ginawang pagliligtas sa akin.

24. Bautismo sa tubig

Upang ipahayag ang aking karanasan ng kaligtasan sa iba, isa sa mga utos ng Dios ay ang bautismo sa tubig. Ang bawa’t iniligtas ni Cristo ay inaatasan niyang magpabautismo upang maalaman ng iba ang pagliligtas ng Dios at upang ipahayag ang kanyang pagiging isa kay Cristo, sa kanyang pagkamatay, pagkalibing at muling pagkabuhay! (1 Corinto 15:3-4). Ito ang sinisimbulo ng bautismo. Ang bautismo ay hindi nakapagliligtas! Ang itinuro sa akin, “Kinakailangan ang baustismo upang maligtas o kamtan ang buhay ng Dios.” Ang sabi ng Dios, “hindi sa pamamagitan ng mga gawa.” Sino ang tama? Tanging ang Dios lamang! Kung tayo’y gagawa ng anuman tulad ng seremonya sa simbahan o bautismo para sa ating kaligtasan, sinasalungat natin ang plano ng Dios na patungkol sa kaligtasang walang bayad, na makakamtan lamang sa pamamagitan ng biyaya, sa pamamatigan ng pananampalataya.

PAANO NAMAN ANG IBA PANG MGA SAKRAMENTO?

Kung ang bautismo na aking tinamo noong ako ay bata pa ay hindi nakatulong sa akin upang maging isang anak ng Dios, paanon naman ang sakramento ng “kumpil” (confirmation) noong ako ay sampung taong gulang? Mayroon bang dulot na kabutihan ito sa akin? Paano naman ang aking sakramento ng pagiging isang pari? Ayon sa aking dating nalalaman, ito ay mga bagay na ipinagkakaloob lamang sa mga tunay na

25

Page 31: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

anak ng Dios. Subali’t naisip ko, na kung ako pala ay hindi pa anak ng Dios noon (dahil hindi pa ako sumampalataya kay Cristo), bale wala pala ang aking kumpil at ang aking pagiging pari. Gayun din ang mga Obispo at pati na ang “Papa”. Silang lahat ay mga hinirang na maging Obispo at Papa sa maling pag-aakala na sila ay mga anak ng Dios dahil sila ay bautismado.

25. Ang Bato ay si Cristo

Itinuro sa akin na ang Papa ay siyang “nakikitang ulo” ng Iglesia at si Cristo naman ang “hindi nakikitang ulo.” Saan nanggaling ang titulong ito ng Papa? Ayon sa aking lumang napag-aralan, ito raw ay galing sa Mateo 16:18, na kung saan si Pedro raw ay hinirang bilang unang Papa. “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia, at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kanya.” Ngayon, napatunayan ko na ang “bato” na tinutukoy rito ay hindi si Pedro kundi ang Panginoong Jesus mismo. Si Cristo ang tunay na Bato, ang “Punong Panulok na Bato.” Ito ang ating mababasa sa 1 Corinto 10:4, “At lahat ng nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka’t nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumusunod sa kanila, at ang batong yaon ay si Cristo.” Hindi ba maliwanag ito? Sa ganang akin ay maliwanag ito! Noong unang iwanan ko ang simbahang Catolika, ako ay inakusahan na ako raw ay “nawalan ng pagtitiwala sa Papa”. Ang aking tugon sa kanila, “Tama kayo! Inalis ko ang aking tiwala sa Papa at inilipat ko ito sa tunay na Ulo ng Iglesia, ang Panginoong Jesucristo!” Ang dalangin ko para sa Papa ay ang magsisi siya ng kanyang mga kasalanan at magtiwala sa Panginoong Jesucristo, na tulad din ni Pedro. Ang wika ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16). Ito ang katibayan

26

Page 32: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

ng pananampalataya ni Pedro kay Cristo na ating Tagapagligtas.

Sinoman ang makarinig ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus ay dapat lamang na magpahayag nito at kilalanin si Cristo bilang “Anak ng Dios na buhay.” Ito ang inaasahan ng Panginoong Jesus na marinig mula sa sinomang kumilala sa kanya bilang Tagapagligtas at Panginoon. Kinilala ko na rin si Cristo bilang “pangpalubag loob” sa aking mga kasalanan. Nagsisi ako sa aking mga kasalanan at lumapit sa tunay na Anak ng Dios na buhay, siya na nagmula sa langit at bumaba sa lupa upang tumubos ng aking mga kasalanan. Walang kaligtasang matatamo kung hindi natin tatanggapin ang katotohanang ito, kahit na tawagin pa nating Cristiano ang ating mga sarili at kahit tayo pa man ay may tungkulin sa simbahan, mula sa pinakamababa, hanggang sa pinakamataas na Papa. Kasama na ako dito. Kailangan ko ring sagutin ang tanong ni Cristo: “Ano ang sabi ninyo kung sino ako?” (Mateo 16:13). Ang inyong sagot sa tanong na ito ay siyang magsasaad kung saan ninyo gugugulin ang inyong buhay sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kung ang sagot ninyo ay tulad ng kay Pedro, hindi kayo magiging Papa, bagkus ay magiging mga anak kayo ng Dios, tulad ni Pedro.

26. Huwag tawaging ama ang sinoman

Makalipas ang ilang taon, sumulat si Pedro sa mga Cristiano at nagkaroon siya ng magandang pagkakataon na igiit ang kanyang pagiging Papa. Subali’t hindi niya ito ginawa sapagka’t hindi siya Papa. Tinawag niya ang kanyang sarili na “isang alipin at apostol ni Jesucristo” (2 Pedro 1:1). Sa kanyang unang sulat, kanyang sinabi, “Sa matatanda nga sa inyo’y umaaral ako, akong matanda kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi

27

Page 33: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

naman sa kaluwalhatiang ihahayag” (1 Pedro 5:1). Ni minsan, hindi humiling si Pedro na tawagin siyang “Kabanalan” o “Kapita-pitagan” o kahit ano pa mang tulad na titulo na karapat-dapat lamang na ikapit sa Dios o sa Panginoong Jesus. Hindi ko lubos maisip na ako rin ay tinawag na “Kapita-pitagang Ama” ng aking dating mga parokyano. Ngayon ko lang naisip na wala akong maikakatuwiran sa mga salita ng Panginoon, “At huwag ninyong tawaging ama ang sinomang tao sa lupa, sapagka’t iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga’y siya na nasa langit. Ni huwag kayong patawag na mga panginoon, sapagka’t iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga’y ang Cristo” (Mateo 23:9-10).

Sa kabila ng pagbabawal ng Dios, patuloy pa rin ang mga tao sa pagtawag sa kanilang mga pari ng “Kapitagan”, “Kapita-pitagan”, “Monsignor (“Panginoon” mula sa Latin), “Kabanalan”, at iba pa. Ang utos ng Dios ay “huwag!”. Sabi ng tao “sige, gawin mo.” Ito ay tahasang pagsalangsang sa Dios (Apocalipsis 18:5)!

27. Bakit ako nag-asawa?

Noong ako ay lumisan mula sa simbahang R.C., inisip ng iba na ang aking pangunahing dahilan ay upang ako ay makapag-asawa lamang, at itinatago ko daw ito sa likod ng doktrina ng “kaligtasang walang bayad sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo”. Unang-una, hindi totoo ito. Subali’t sa katotohanan, ang turo ng Simbahan tungkol sa “hindi pag-aasawa ng mga pari” ay labag sa turo ng Salita ng Dios. At noon pa mang pari pa ako, nahirapan akong lubos kung paano ko unawain ang mga salitang ito mula sa Banal na Kasulatan, “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa

28

Page 34: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

mga aral ng mga demonio. Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan (tinatakan) ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga. Na ipinagbabawal ang pag-aasawa, at ipnag-uutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan” (1 Timoteo 4:1-3). Sabi ng Dios, “Mabuti ang may asawa.” Sabi ng tao, “Bawal ang pag-aasawa sa mga pari at mga madre.” Sino ang tama? Tanging ang Dios lamang!

28. Paano naman si Maria?

Noon, upang magpailalim sa Papa, napilitan akong magturo ng mga doktrina na wala sa Biblia tulad ng turo tungkol kay Maria, ina ng Panginoong Jesus. Tinatawag siyang “Ina ng Dios”, “Banal na Kapanganakan (Immaculate Conception),” “Assumption”, “Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya”, “Reyna ng Sanlibutan”, at marami pang ibang titulo na ikinapit ng mga tao sa ginang na ito na lubhang mapagpakumbaba. Lahat ng mga ito ay turo na sanga-sanga mula sa teolohiya ng Romana Catolika. Una rito ang “Ina ng Dios.” Sa katotohanan, hindi siya “Ina ng Dios” kundi ina ni Jesus na Anak ng Dios, sa kanyang pagkakatawang tao. Ngayon, upang tumugma sa kanilang tawag na “Ina ng Dios”, kinakailangang si Maria ay dapat lamang na isinilang na walang kasalanan (Immaculate Conception). Sa katotohanan, ang “Banal na Kapanganakan” ay isinaad sa Salita ng Dios ukol kay Cristo at hindi kay Maria. Ganito ang sabi ng anghel kay Maria, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan, kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35). Ang Panginoong Jesus ay

29

Page 35: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

ipinanganak na walang sala sapagka’t ang kanyang Ama ay ang Dios noong ipaglihi siya ni Maria. Tungkol naman kay Maria, tulad nating lahat, siya ay ipinanganak rin na may kasalanan. Sa katunayan, bagama’t hindi niya tahasang sinabi na siya’y makasalanan, inamin ni Maria na kailangan niya ng Tagapagligtas. Ito ang sinabi niya, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas” (Lucas 1:46-47).

Ngayong ating napatunayan na si Maria ay hindi isinilang na walang sala, lahat ng iba pang titulo na ikinapit sa kanya ay lumalabas na hindi rin totoo. Ang mga ito ay pawang bunga lamang ng pag-iisip ng tao, na dapat nating pag-ingatan at iwasan, tulad ng sinasabi sa Colosas 2:8, “Kayo’y magsipag-ingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kanyang pilosopiya at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’t-saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at ‘di ayon kay Cristo.” Alam ko na ang mga turo tungkol kay Maria ay nagmula sa kaisipan ng tao. Wala ni isa man rito ang nakasaad sa Biblia! Idinagdag lamang ito ng mga tao.

29. Isang Tagapamagitan lamang

Isa pang titulo na ipinataw kay Maria ay “Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya.” Malinaw na itinuturo ng Salita ng Dios, “Sapagka’t mayroong isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. Na ibinigay ang kanyang sarili na pangtubos sa lahat…” (1 Timoteo 2:5-6).

30. Anoman ito…gawin ninyo

Labis ang aking pagmamahal kay Maria. Siya ang ina ng aking Tagapagligtas. Nagdulot siya sa akin ng magandang halimbawa na dapat kong sundin patungkol sa aking Manunubos. Ganito ang sabi ni

30

Page 36: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

Maria, “Gawin ninyo ang anomang sa inyo’y kanyang sabihin” (Juan 2:5). At ito ang aking ginawa. At dahil dito, akoy ay naligtas! Tinawag ni Maria ang Panginoong Jesus na “kanyang Tagapagligtas.” Tinawag ko rin si Cristo na “aking Tagapagligtas” sapagka’t siya ang nagbayad ng aking mga kasalanan sa krus ng Calbaryo. Handa ka bang kilalanin si Cristo na iyong Tagapagligtas?

31. Mga pagbabago sa simbahan

Mula nang lisanin ko ang Romana Catolica, marami na ang ipinagbago nito. Umaasa ako na marami pang pagbabago ang mangyayari dahil ito ay “gawa ng tao.” Ang sabi ng Panginoong Jesus, “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas” (Mateo 24:35). Bakit labis ang kasiguruhan ng mga nagtitiwala sa Salita ng Dios? Sapagka’t ang Salita ng Dios ay hindi nagbabago! Bakit labis ang kaguluhan sa mga bagay na itinatag ng tao? Dahil ang mga ito ay laging nagbabago!

32. Nakakakita na ako

Tinatanong ako ng aking mga kaibigan, “Paanong nangyari na pinaniwalaan mong lahat ang mga lumang doktrinang ito at ngayon ay iyong tinatalikuran?” Ang tangi kong masasabi ay ito, bulag ako noon subali’t ngayon ay nakakakita na ako! At ito ay dahil sa tulong ng Banal na Espiritu. Sabi sa Biblia, “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak. Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pag-iisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila’y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (2 Corinto 4:3-4). Noong tanggapin ko ang Salita ng Dios sa aking puso, siniyasat niya ito upang ihayag ang

31

Page 37: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

aking mga kamalian. Ito ay gawa ng Banal na Espiritu. Nabagbag ang aking kalooban. “Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa” (Awit 34:18). Namulat ang aking mata sa pagkamatay ni Cristo para sa aking kasalanan. “…ang parusa na tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kanya; at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

33. Gaano kalaki ang kaniyang pagmamahal sa akin?

Naunawaan ko ang lawak ng kanyang pag-ibig sa akin. Sabi sa Juan 15:13, “Walang may lalong dakilang pag-ibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan.” At sa Roma 5:8 ay mababasa, “Datapuwa’t ipinagtagubilin ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin, na nang tayo’y makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” Hindi ko maaaring tanggihan ang pag-ibig ng aking Manunubos. Nagsisi ako sa aking mga kasalanan at tinanggap ko si Cristo bilang aking Tagapagligtas at hinayaan kong siya ang maghari sa aking buhay. At natupad and layunin ng Dios sa aking buhay tungkol sa kanyang Anak, “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kanyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kanya’y katuwiran ng Dios” (2 Corinto 5:21).

34. Paanyaya

Mahal na kaibigan, kung hindi ka pa nakatitiyak ng iyong kaligtasan, alalahanin mo, IKAW AY NALILIGAW! Subali’t ang Dios, sa pamamagitan ng kanyang Salita ng Buhay, ay kumakatok sa pintuan ng iyong puso at nagnanais na makapasok. “Narito, ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok, kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y

32

Page 38: Kung nais mo ng Ingles na kopya ng Jessie Tremblay sa (418) …html_htm_files/Tremblay Tagalog... · Kung nais mo ng Ingles na kopya ng aklat na ito, tumawag lamang kay Gng. Jessie

papasok sa kanya at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20). Magsisi ka na! Lumapit ka sa kanya! At ikaw ay maliligtas!

35. Ano na ngayon ang ginagawa ko?

Pinagkalooban ako ng Panginoong Jesus ng pagnanais at hangarin na ipaalam sa iba ang ginawa ng Dios sa akin. Ito rin ang utos ni Cristo sa lalaking inalilihan ng demonyo, matapos na siya ay iligtas ni Cristo: “Umuwi ka sa iyong bahay at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Dios” (Lucas 8:39). Ito rin ang masigasig na panawagan ng babaeng Samaritana noong iwan niya ang kanyang banga at tumungo sa bayan na nagsasabi, “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa, hindi ba ito ang Cristo?” (Juan 4:28-29).

Mula noong ako ay muling isilang sa biyaya ng Dios, kasama ko ang aking asawa sa pagtuturo sa iba ng tungkol kay Cristo, ang tanging Tagapagligtas at Panginoon na “nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya” (Hebreo 7:25).

33