16
!"#2 SETYEMBRE 2014 KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT

KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

  • Upload
    voduong

  • View
    272

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

!"#2 SETYEMBRE 2014

KUNG PAANO HAHARAPIN ANG

BURNOUT

Page 2: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?Magpunta sa www.jw.org /tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org /tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2014 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TAM

POK

NA

PAKSA

Kung Paano Haharapin ang BurnoutPAHINA 4-7

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

8 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAPanalangin

10 TULONG PARA SA PAMILYAKung Paano Aalisin ang Hinanakit

12 Diyabetis—Maiiwasan Mo ba Ito?

14 SULYAP SA NAKARAANMga Morisco—Pinalayas sa Espanya

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Sensitibong Neuron ng Balang

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org /tl

T I N - E DY E R

Alamin ang sagot ng Bibliya sa maramingtanong. Kasama ang artikulong ito:˙ “Paano Ko Ipaliliwanag ang Aking

Paniniwala Tungkol sa Sex?”Panoorin din ang video na Ang Sinasabing Ibang Kabataan—Pagpapaliban-liban.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � TIN-EDYER)

MG A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin ang mgaactivity para tulungan ang iyong mgaanak na madagdagan ang kanilangkaalaman sa mga karakter atpamantayang moral ng Bibliya.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � MGA BATA)

Vol. 95, No. 9 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 44,748,000 sa 99 na Wika

r

r

Page 3: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

PAGMAMA S I D S A DA I G D I G

Church: � Mark Sunderland/age fotostock;counterfeit goods: Patrick Hertzog/AFP/Getty Images

BRITAINSa 64,303 katao na sinurbey,79 na porsiyento ang nagsabing“relihiyon ang isang sanhi ng pag-durusa at alitan sa mundo nga-yon.” Karagdagan pa, natuklasanng isang sensus sa England atWales noong 2011 na 59 na porsi-yento lang ng populasyon ang nag-sasabing Kristiyano sila, na buma-ba mula sa 72 porsiyento noong2001. Nang panahon ding iyon,ang bilang ng mga nagsasabingwala silang relihiyon ay tumaasmula 15 hanggang 25 porsiyento.

DAIGDIGAng karahasan laban sa kababa-ihan ay naging “pangglobongproblema sa kalusugan na pa-rang epidemya,” ayon sa WorldHealth Organization (WHO). “Mga35% ng lahat ng babae ang dara-nas ng karahasan mula sa kani-lang asawa o kinakasama, o kayanaman ay mula sa ibang tao,”ang sabi ng WHO. “Ang karaha-san mula sa asawa o kinakasamaang pinakakaraniwan . . . , na na-kaaapekto sa 30% ng mga babaesa buong daigdig.”

CHINAAyon sa report ng media, isang batasna inamyendahan kamakailan angnagsasabing hindi lang dapat lagingdalawin ng adultong mga anak ang ka-nilang nagkakaedad nang mga magu-lang kundi dapat din nilang asikasuhinang “emosyonal na pangangailangan”ng mga ito. Ang batas ay “hindi nagta-takda ng anumang parusa” sa mgaanak na hindi sumusunod dito.

EUROPAPinepeke na ngayon ng mgasindikato ang mga bilihinggaya ng kosmetik, sabongpanlaba, at pati pagkain. “Ka-hit mumurahing ingredient, pi-nepeke na rin basta mapag-kakakitaan,” ang sabi ngpresidente ng isang food-security consultancy. Tinatayang isang eksperto na 10 por-siyento ng pagkaing nabibilisa mauunlad na bansa angmay halo na.

3

Page 4: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

MASASAGAD na sa pagod si Anil. Tinanggap niya angisang bagong trabaho dahil magiging tanyag siya at ta-

taas ang kaniyang suweldo. Pero nagtatrabaho naman siyangayon hanggang gabi at kahit weekend, anupat kung min-san ay umaabot nang 80 oras sa isang linggo. “Nasa akinang lahat ng responsibilidad,” ang sabi niya, “at ang gulo pasa pinagtatrabahuhan ko. Sabi ko sa sarili ko: ‘Ano ba ’tongpinasok ko? Kung hindi ako aalis dito, ako rin ang mapapa-hamak.’ ” Malapit nang ma-burnout si Anil.Ang pagka-burnout sa trabaho ay hindi lang basta pagka-

pagod, at hindi lang ito basta ordinaryong stress na dulot ngpang-araw-araw na trabaho. Ang burnout ay tuloy-tuloy napagkapagod na may kasamang matinding pagkadismayaat panghihina. Ang mga dumaranas ng burnout ay nawawa-lan ng ganang magtrabaho at hindi na gaanong produkti-bo. Ayon sa mga pag-aaral, ang burnout ay konektado rin samaraming emosyonal at pisikal na problema.Ano ba ang dahilan ng burnout? Karaniwan nang ito’y da-

hil sa sobrang dami ng trabaho. Para kumita ang negosyo,pinag-o-overtime ng ilang employer ang kanilang mga em-pleado kapalit ng maliit na suweldo. Dahil sa teknolohiya,ang ilan ay laging nakatutok sa trabaho, anupat halos hindina nila matukoy kung alin ang trabaho at kung alin ang pri-badong buhay. Para naman sa ilan, ang dahilan ng burn-out ay ang kawalan ng kasiguruhan sa trabaho, kawalanng kontrol sa kanilang trabaho, o pagkadama ng di-patasna pagtrato. Kasama rin dito ang pagharap sa di-malinaw namga priyoridad o pagkakaroon ng sama ng loob sa mga ka-trabaho.Puwede ring ang may katawan mismo ang maging da-

hilan ng burnout. Sa kagustuhang umasenso at lumaki angkita, ang ilan ay tanggap nang tanggap ng trabaho hang-gang sa matambakan nito at mauwi sa burnout.Ano ang gagawin mo kung nakakaranas ka ng burnout?

Baka imposible ang pagbabago dahil iniisip mong wala kanang magagawa. Pero isaalang-alang ang apat na hakbangpara maharap ang burnout. Baka nga marami ka pang pu-wedeng magawa.

TAM

POK

NA

PAKSA

KUNG PAANO HAHARAPIN ANG

BURNOUT

Page 5: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gumising! Setyembre 2014 5

Ano ba ang pinakaimportante sa iyo? Parasa marami, maaaring ito ay ang pamilya atmabuting kalusugan. Ang mga ito ang mala-mang na maapektuhan kapag na-burnout ka.Kung lilinawin mo ang iyong priyoridad,

inihahanda mo ang iyong sarili na gumawa ngmahihirap na desisyon at tanggapin ang magi-ging kapalit nito. Halimbawa, baka nakikitamong mauuwi sa burnout ang trabaho mo.Pero baka ikatuwiran mo, ‘Hindi ako puwe-deng magpalit ng trabaho o magbawas nito;kailangan kong kumita!’ Totoo, lahat tayo aykailangang kumita, pero gaano karaming peraba ang kailangan mo at ano ang magigingepekto nito sa mga bagay na pinakaimportan-te sa iyo?Huwag magpaimpluwensiya sa mga priyori-

dad ng iba. Malamang na magkaiba namanang priyoridad mo at ng amo mo. Baka pangu-nahin sa buhay ng iba ang trabaho, pero hindiibig sabihing dapat mo silang gayahin.

Para mabawasan ang stress at magka-roon ng panahon sa mga bagay na talagangmahalaga sa iyo, puwede mong bawasanang oras ng iyong pagtatrabaho, pakiusapanang iyong employer na bawasan ang trabahomo, o ipasiyang magpalit na lang ng traba-ho. Anuman ang desisyon mo, malamang nakailangan mong mag-adjust sa pinansiyal atsa istilo ng iyong pamumuhay. Pero hindi itoimposible at baka hindi naman kasinghirapng inaakala mo.Sa maraming lupain, pinalilitaw ng isang

lipunang mahilig bumili at magbili na magi-ging masaya lang ang isa kung maramisiyang pera at ari-arian. Pero hindi iyon to-too. Mas malaya at kontento ang isa na maysimpleng pamumuhay. Para magawa iyan,bawasan ang paggasta at mag-ipon ng pera.Sikaping bayaran ang utang o umiwas sa pa-ngungutang. Ipakipag-usap sa iyong pamil-ya ang pagbabagong ito, at hilingin ang kani-lang suporta.

1. SURIIN ANG IYONG PRIYORIDAD.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “KAHIT NA MAYKASAGANAAN ANG ISANG TAO ANG KANIYANGBUHAY AY HINDI NAGMUMULA SA MGA BAGAYNA TINATAGLAY NIYA.”—LUCAS 12:15

2. PASIMPLEHIN ANG IYONG BUHAY.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “SA PAGKAKAROONNG PAGKAIN AT PANANAMIT, MAGIGINGKONTENTO NA TAYO SA MGA BAGAY NA ITO.”—1 TIMOTEO 6:8

Page 6: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Kapag masyadong marami ang trabahongibinigay sa iyo o may ibang problema saiyong pinagtatrabahuhan, ipakipag-usap iyonsa iyong employer. Kung posible, magbigayng solusyon na parehong angkop sa panga-ngailangan ninyo. Tiyakin mo sa kaniya namahal mo ang iyong trabaho, at sabihin mokung ano ang handa mong gawin; pero lina-win mo rin sa kaniya kung ano ang hindi momagagawa at panindigan mo iyon.

Maging handa at maging realistiko. Kunggusto mong bawasan ang iyong pagtatraba-ho, aasahan ng employer mo na papayagkang tumanggap ng maliit na suweldo. Asa-han ang maaaring mangyari, gaya ng posibi-lidad na mawalan ng trabaho, at paghanda-an ito. Tandaan na mas malaki ang tsansamong makakita ng ibang trabaho habangmay trabaho ka pa.Kahit may napagkasunduan na kayo ng

employer mo, asahan mong pipilitin ka niyauli na tumanggap ng dagdag na trabaho. Pa-ano ka makapananatiling matatag? Gampa-nan ang mga pananagutang tinanggap mo.Sa paggawa nito, mapakikiusapan mo angiyong employer na gawin din ang bahaginiya, kasama na ang pagtupad sa napagka-sunduan ninyo.

3. MATUTONG MAGSABI NG HINDI.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “ANG INYO LAMANGSALITANG OO AY MANGAHULUGANG OO, ANGINYONG HINDI, HINDI.”—MATEO 5:37

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Bakit ba kayona-burnout?

Wayne: Marami kasi ka-ming negosyo at nabaonkami sa utang. Pinalakiko ang mga negosyo na-

min para lalo pang umal-wan ang buhay namin atkumita kahit di-gaanong ku-makayod. Gusto ko sanangmabawasan ang stress, perokabaligtaran ang nangyari.

Ano ang naging epekto nito sainyo?

Wayne: Nakita kong ang mga ba-gay na pinaghihirapan namin—ma-gagandang damit, mas malakingbahay, at magagastos na bakas-yon—ay hindi naman pala maka-pagpapasaya sa ’min. Lumong-lumoako at nawalan ng gana sa buhay.

NAKA-RECOVER SA BURNOUTSina Wayne at Marie ay mag-asawang mahigit30 anyos lang at nakatira sa Estados Unidos.

Page 7: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gumising! Setyembre 2014 7

Kahit wala namang malalaking problemasa trabaho mo, baka naririyan pa rin angstress, mga taong mahirap pakisamahan, atdi-magagandang sitwasyon. Kaya maglaanng panahon para sa sapat na pahinga at ta-mang paglilibang. Tandaan na hindi kaila-ngang maging magastos ang paglilibangpara masiyahan ka at ang iyong pamilya.Magkaroon ng interes sa ibang bagay

at makipagkaibigan sa iba bukod sa mga ka-trabaho mo, at huwag sukatin ang sarili ayonsa uri at dami ng iyong trabaho. Bakit? Si-

nasabi ng aklat na Your Money or Your Life:“Ang pagkatao mo ay di-hamak na mas ma-halaga kaysa sa iyong hanapbuhay.” Kungang iyong pagkatao at pagpapahalaga sa sa-rili ay pangunahin nang nakadepende saiyong trabaho, hindi mo ito basta-basta mai-sasaisantabi.

Magagawa mo nga ba talaga ang kina-kailangang pagbabago para madaig angburnout? Oo. Nagawa iyan ni Anil, na binang-git sa simula ng artikulong ito. Sinabi niya:“Kinontak ko ang dati kong employer at tina-nong kung tatanggapin niya ulit ako; puma-yag naman siya. Nahiya rin akong humarapsa mga dati kong katrabaho, kasi nasabi konoon na lilipat ako sa mas magandang tra-baho. ’Tapos ngayon, balik ako sa mas maliitna suweldo. Pero payapa naman ang isip ko,at mas marami na akong panahon sa akingpamilya at sa ibang mga bagay na talagangmahalaga sa akin.” ˛

4. MAGRELAKS.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “MAS MABUTI ANGSANDAKOT NA KAPAHINGAHAN KAYSA SADALAWANG DAKOT NG PAGPAPAGAL ATPAGHAHABOL SA HANGIN.”—ECLESIASTES 4:6

Marie: Naapektuhan ang kalusu-gan ko, pati na ang pagsasamanamin. Lagi kaming nagtatalo.

Paano ninyo pinasimple angbuhay ninyo?

Wayne: Sinuri namin ang amingsitwasyon at mga tunguhin sabuhay. Nagbawas kami ng gastu-sin sa negosyo. Iniwan ko angaking marangyang opisina. Kahitsimpleng kotse lang, okey na sa’kin. Nagtayo ako ng maliit na ne-

gosyo at hindi ko na ’yon pi-nalaki. Sinikap din naming ba-wasan ang aming gastusin atnagtipid kami.

Marie: Hindi naman pala ga-no’n kahirap ang pagpapa-simple. Bihira na kaming ku-main sa labas. Naglalakadkami, kaya mas gumandaang kalusugan namin. Nangmaglaon, nagtrabaho na langkami nang part time at su-

mama sa gawaing pagbobolun-taryo.

Ano ang naging resulta?

Marie: Hindi na kami naka-tutok sa pagkita ng pera. Nag-pokus kami sa mas mahaha-lagang bagay, at gumanda angaming pagsasama.

Wayne: Maayos na ang buhaynamin at masayang-masaya nakami ngayon.

Page 8: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

ANG SINASABI NG MGA TAO “Hanggang kisame lang” daw ang mgapanalangin. Karaniwan na, ang mga taong nagdurusa ang mas nag-aalinlangan kung pinakikinggan nga ba ang kanilang mga panalangin.ANG SABI NG BIBLIYA “Ang mga mata [ng Diyos na] Jehova aynasa mga matuwid, at ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kani-lang pagsusumamo; ngunit ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gu-magawa ng masasamang bagay.” (1 Pedro 3:12) Maliwanag, nakikinigang Diyos sa mga panalangin. Pero mas gusto niyang pakinggan angmga taong sumusunod sa utos niya. May isa pang teksto na nagpapa-kitang handang makinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Ang sabi:“Ito ang pagtitiwala na taglay natin sa kaniya, na, anumang bagay anghingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya.”(1 Juan 5:14) Dahil diyan, dapat maunawaan ng mga taimtim na nagsu-sumamo kung anong mga panalangin ang malamang na kaayon ng ka-looban ng Diyos.

A N G PA N GMA L A S N G B I B L I YA � PA N A L A N G I N

P A N A L A N G I N

May nakikinig ba sa ating panalangin?

“O Dumirinig ng panala-ngin, sa iyo nga ay paro-roon ang mga tao mulasa lahat ng laman.”—Awit 65:2.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 9: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gumising! Setyembre 2014 9

ANG SINASABI NG MGA TAO Ang mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon—gaya ng Budismo, Katolisismo, Hinduismo, at Islam—ay tinuruang guma-mit ng mga rosaryo o tulad nito kapag bumibigkas at nagbibilang ng kani-lang mga dasal.ANG SABI NG BIBLIYA Ang panalangin ay dapat magmula sa pusoat dapat na taimtim; hindi ito dapat sauluhin at ulit-ulitin. Sinasabi ngKasulatan: “Kapag nananalangin, huwag ninyong sabihin ang gayundingmga bagay nang paulit-ulit, gaya ng ginagawa ng mga tao ng mga bansa,sapagkat inaakala nila na pakikinggan sila dahil sa kanilang paggamit ngmaraming salita. Kaya, huwag kayong maging tulad nila, sapagkat nalala-man ng Diyos na inyong Ama kung anong mga bagay ang kinakailanganninyo bago pa man ninyo hingin sa kaniya.”—Mateo 6:7, 8.KUNG BAKIT ITO MAHALAGA Kapag ang isa ay nananalangin sa para-ang hindi nakalulugod sa Diyos, baka sinasayang lang niya ang kaniyangpanahon o ginagalit ang Diyos. Nagbababala ang Bibliya na “karima-rima-rim” sa Diyos ang panalangin ng mga hindi sumusunod sa kalooban Niya.—Kawikaan 28:9.

ANG SINASABI NG MGA TAO May mga nagdarasal kay Maria o sa ibapa, gaya ng mga anghel at mga tao, na itinuturing na “santo.” Kabilangsa mga ito si “Saint” Vincent, na nangangalaga raw sa “espirituwal na pa-ngangailangan,” at si “Saint” Jude, na itinuturing na patron ng mga nasa“desperadong kalagayan.” Marami ang nagdarasal sa gayong mga “san-to” at sa mga anghel sa pag-asang mamamagitan ang mga ito para sakanila sa Diyos.ANG SABI NG BIBLIYA Ang mga tunay na mananamba ay dapat manala-ngin sa “Ama [natin] na nasa langit.” (Mateo 6:9) Sinasabi ng Bibliya:“Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagaysa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pa-sasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos.”—Filipos 4:6. ˛

Paano tayo dapat manalangin?

“Kapag nananalangin,huwag ninyong sabihinang gayunding mgabagay nang paulit-ulit.”—Mateo 6:7.

Kanino tayo dapat manalangin?

“Hanapin ninyo [angDiyos na] Jehova sa-mantalang siya ay ma-susumpungan. Tuma-wag kayo sa kaniyasamantalang siya aymalapit.”—Isaias 55:6.

Page 10: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

ANG HAMONHindi mo makalimutan ang masa-samang sinabi at ginawa ng iyongasawa; tumatak na sa isip moang masasakit na salita at walang-pakundangang mga kilos niya.Kaya naman ang iyong pagmama-hal ay napalitan ng hinanakit. Pa-rang wala ka nang magagawa kun-di pagtiisan na lang ang isangpagsasamang walang pag-ibig. Da-hil diyan, naghihinanakit ka rin saasawa mo.Huwag mawalan ng pag-asa; pu-wede pang bumuti ang sitwasyonninyo. Pero alamin muna natin angilang bagay tungkol sa hinanakit.

ANG DAPAT MONG MALAMANAng hinanakit ay makasisira sa inyong pagsasama.Bakit? Dahil pinahihina nito ang mismong mga katangiangkailangan sa masayang pag-aasawa, kasama na ang pag-ibig, tiwala, at katapatan. Kung gayon, ang hinanakit ay hindiresulta ng problema ng mag-asawa; ito ay problema ng mag-asawa. Kaya naman sinasabi ng Bibliya: “Ang lahat ng mapa-it na saloobin . . . ay alisin [ninyo] mula sa inyo.”—Efeso 4:31.Sa paghihinanakit, sinasaktan mo ang iyong sarili. Ka-pag naghihinanakit ka sa isang tao, parang sinasampal moang sarili mo pero umaasa kang siya ang masasaktan. “Angkapamilyang kinasasamaan mo ng loob ay baka ayos na-man, masaya, at baka nga wala lang sa kaniya ang nangya-ri,” ang isinulat ni Mark Sichel sa kaniyang aklat na HealingFrom Family Rifts. Ang punto? “Kapag naghihinanakit ka saisang tao, ikaw ang higit na nasasaktan, hindi siya,” ang sabini Sichel.Nasa iyo kung maghihinanakit ka. Baka hindi sang-ayon di-yan ang ilan. Sinasabi nila, ‘Ang asawa ko ang dahilan kungbakit ako naghihinanakit.’ Pero mali ang gayong kaisipan da-hil nakapokus ito sa isang bagay na hindi mo kontrolado—ang ikinikilos ng iba. May ibang ipinapayo ang Bibliya. Si-nasabi nito: “Patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyangsariling gawa.” (Galacia 6:4) Hindi natin makokontrol ang si-nasabi at ginagawa ng iba, pero kaya nating kontrolin angreaksiyon natin. Hindi lang paghihinanakit ang puwedemong gawin.

T U L O N G PA R A S A PAM I LYA � PAG - A A S AWA

Kung PaanoAalisin angHinanakit

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

% Ang paghihinanakit ay pumipigil sa masayang takbo nginyong pagsasama

Page 11: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gumising! Setyembre 2014 11

ANG PUWEDE MONG GAWINHuwag magpadaig sa hinanakit. Totoo, madaling sisihinang iyong asawa. Pero tandaan, nasa iyo kung maghihinana-kit ka. Nasa iyo rin kung magpapatawad ka. Puwede mongpiliing sundin ang paalaala ng Bibliya: “Huwag hayaang lu-mubog ang araw na [ikaw] ay pukaw sa galit.” (Efeso 4:26)Kung magiging mapagpatawad ka, mahaharap mo ang mgaproblema ninyong mag-asawa taglay ang positibong saloo-bin.—Simulain sa Bibliya: Colosas 3:13.Tapatang suriin ang iyong sarili. Sinasabi ng Bibliyana may mga taong “magagalitin” at “madaling magngalit.”(Kawikaan 29:22) Ganiyan ka ba? Tanungin ang sarili: ‘Ugaliko bang magkimkim ng sama ng loob? Madali ba akongmagdamdam? May tendensiya ba akong palakihin ang mali-liit na bagay?’ Sinasabi ng Bibliya na “siyang salita nang sali-ta tungkol sa isang bagay ay naghihiwalay niyaong malalapıtsa isa’t isa.” (Kawikaan 17:9; Eclesiastes 7:9) Puwede ringmangyari iyan sa mga mag-asawa. Kaya kung may tendensi-ya kang maghinanakit, tanungin ang sarili, ‘Puwede baakong maging mas mapagpasensiya sa asawa ko?’—Simula-in sa Bibliya: 1 Pedro 4:8.Isipin kung ano ang mas mahalaga. Sinasabi ng Bibliyana may “panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasali-ta.” (Eclesiastes 3:7) Hindi lahat ng pagkakamali ay kaila-ngang pag-usapan; kung minsan, puwedeng ‘magsalita kana lang sa iyong puso, sa iyong higaan, at manahimik.’(Awit 4:4) Kapag kailangan mo talagang ipakipag-usap angisang bagay, palipasin muna ang iyong inis. “Kapag masa-ma ang loob ko,” ang sabi ng may-asawang si Beatriz, “sini-sikap ko munang kumalma. Kung minsan, nare-realize ko nahindi naman pala gano’n kagrabe ang nagawa sa ’kin, kayanagiging magalang na ako sa pakikipag-usap.”—Simulain saBibliya: Kawikaan 19:11.Unawain ang kahulugan ng “magpatawad.” Sa Bibliya,ang salita sa orihinal na wika na isinasalin bilang “magpata-wad” ay nagpapahiwatig ng ideya na pakawalan ang isangbagay. Kaya naman kapag nagpatawad ka, hindi ibig sabi-hin nito na kailangan mong bale-walain ang pagkakamali okumilos na para bang hindi ito nangyari; baka kailangan molang itong pakawalan, o palampasin, dahil kumpara sa naga-wang pagkakamali ng asawa mo, ang paghihinanakit ay masmakapipinsala sa kalusugan mo at sa pagsasama ninyo. ˛

MGA SUS ING TEKS TO

“Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’tisa at lubusang patawarin ang isa’tisa.”—Colosas 3:13.

“Ang pag-ibig ay nagtatakip ng ma-raming kasalanan.”—1 Pedro 4:8.

“Ang kaunawaan ng tao ay tunayna nagpapabagal ng kaniyang ga-lit, at kagandahan sa ganang kani-ya na palampasin ang pagsalan-sang.”—Kawikaan 19:11.

SUBUKAN ITO

Sa susunod na linggo, bigyang-pansin ang tatlong magagandangkatangian ng asawa mo. Sa dulong linggong iyon, isulat ang mgakatangiang ito at sabihin sa iyongasawa kung bakit mo pinahahala-gahan ang mga iyon. Ang pagpo-pokus sa mga positibong bagayay tutulong sa iyo na labanan anghinanakit.

Kapag naghihinanakitka sa isang tao, parangsinasampal mo angsarili mo pero umaasakang siya ang masa-saktan

Page 12: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

NAPAKABILIS ng pagdami ng mga may di-abetes mellitus anupat naging pangglo-

bong epidemya na ito. May dalawang pangu-nahing uri ang diyabetis. Ang type 1 aykadalasan nang nagsisimula sa pagkabata,at hanggang ngayon, hindi pa alam ng mgadoktor kung paano ito maiiwasan. Tatalaka-yin sa artikulong ito ang type 2, na taglay ngmga 90 porsiyento ng may diyabetis.Dati, mga adulto lang ang nagkakaroon ng

type 2 diabetes, pero ngayon, kahit angmga bata ay nagkakaroon na rin. Gayunman,ayon sa mga eksperto, maiiwasan namanito. Puwedeng makatulong sa iyo ang kaun-ting kaalaman tungkol sa traidor na sakit naito.�

Ano ba ang Diyabetis?Ang diyabetis ay isang kondisyon kung

saan tumataas nang husto ang blood sugarng isang tao. Sinisira ng sakit na ito ang nor-mal na proseso ng paglipat ng asukal mulasa dugo patungo sa mga selula na nanga-ngailangan nito para sa enerhiya. Bilang re-sulta, sinisira nito ang mahahalagang organat ang sirkulasyon ng dugo, na kung minsanay nagiging dahilan ng pagkaputol ng dalirisa paa o ng paa mismo, pagkabulag, at sakitsa kidney. Maraming diyabetiko ang nama-matay dahil sa atake sa puso o stroke.Ang sobrang katabaan ay nagiging dahi-

lan ng type 2 diabetes. Naniniwala ang mgaeksperto na malaki ang tsansang magkadi-yabetis ang isa kapag naipon ang taba sa ti-yan at baywang niya. Kasi, ang taba sa lapayat atay ay nakaaapekto sa kakayahan ngkatawan na makontrol ang blood sugar. Anoang puwede mong gawin para maiwasanito?

� Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng anumangpartikular na pagkain o ehersisyo. Dapat suriing mabuti ngbawat indibiduwal ang mga opsyon nila at kung kailangan,kumonsulta muna sa doktor bago magpasiya pagdating sakalusugan.

DiyabetisMAIIWASAN MOBA ITO?

Page 13: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

Gumising! Setyembre 2014 13

Tatlong Hakbang ParaMaiwasan ang Diyabetis

1. Ipasuri ang iyong blood sugar kung kabilang kasa grupo na may malaking tsansang magkaroon nito. Angtinatawag na prediabetes—isang kondisyon kung saan angblood sugar ay mas mataas nang bahagya kaysa sa nor-mal—ay kadalasang pasimula ng type 2 diabetes. Ang diya-betis at ang prediabetes ay parehong di-mabuti, peromay pagkakaiba ang dalawang ito: Bagaman ang diyabe-tis ay nakokontrol, wala pang lunas para dito. Sa kabi-lang banda, naibalik sa normal ng ilang prediabetic angkanilang blood sugar. Maaaring walang malinaw na sinto-mas ang prediabetes. Kaya baka hindi napapansin angkondisyong ito. Ayon sa mga report, mga 316 na milyon ka-tao sa mundo ang may prediabetes; pero marami sa kanilaang di-nakaaalam na mayroon sila nito. Halimbawa, sa Es-tados Unidos lang, mga 90 porsiyento ng may prediabetesang di-nakaaalam ng kanilang kondisyon.Gayunman, delikado pa rin ang prediabetes. Bukod

sa ito ang pasimula ng type 2 diabetes, natuklasan kama-kailan na mas malaki rin ang tsansang magkaroon ngdementia ang mga prediabetic. Kung sobra ka sa timbang,hindi nag-eehersisyo, o may kapamilyang diyabetiko, bakamay prediabetes ka na. Malalaman mo iyan kapag nagpa-blood test ka.

2. Kumain ng masustansiyang pagkain. Kung posible atpraktikal, maaaring makatulong sa iyo ang sumusunod:Kumain nang mas kaunti kaysa sa dati. Sa halip na mata-tamis na fruit juice at softdrinks, uminom ng tubig, tsaa,o kape. Kumain ng tinapay na whole grain, kanin, at pasta—nang katamtaman—sa halip na mga pagkaing naproseso.Kumain ng karneng walang taba, isda, nuts, at beans.

3. Mag-ehersisyo. Makatutulong ang pag-eehersisyopara bumaba ang iyong blood sugar at mapanatili ang ta-mang timbang. Palitan ng pag-eehersisyo ang ilang pana-hon mo sa panonood ng TV, ang mungkahi ng isang eks-perto.Hindi mo na mababago ang iyong genes, pero mababa-

go mo pa ang istilo ng iyong buhay. Sulit ang anumangpagsisikap natin para mapabuti ang ating kalusugan. ˛

Paano mo nalamang nanganganibkang magkaroon ng diyabetis?

Nang magpa-medical checkup akopara sa bago kong trabaho, sinabi saakin ng doktor na kung hindi ako kiki-los agad, magkakadiyabetis ako. Mayapat na dahilan: Kabilang ako sa gru-pong etniko na may malaking tsansangmagkadiyabetis, may kapamilya akongdiyabetiko, sobra ang timbang ko, athindi ako nag-eehersisyo. Yamang hin-di ko na mababago ang naunang dala-wang dahilan, nagdesisyon akong ba-guhin ang dalawa pang nabanggit.

Ano ang ginawa mo?

Pumunta ako sa isang diabetes coun-selor at ipinaliwanag niya sa akin angkaugnayan ng pagkain, ehersisyo, attimbang ng katawan sa diyabetis. Ipina-siya kong baguhin ang istilo ng buhayko. Sa ngayon, kapag kumakain ako,inuumpisahan ko sa maraming gulaypara kaunti na lang ang makain kongiba pang pagkain, na di-gaanong ma-sustansiya. Nag-ehersisyo na rin ako,na ilang taon ko nang hindi ginagawa.

Nagtagumpay ka ba?

Sa loob ng 18 buwan, nabawasannang 10 porsiyento ang timbang ko, atgumanda ang pakiramdam ko. Hinding-hindi ko na babalikan ang mga nakaga-wian ko noon. Talagang hindi dapatbale-walain ang diyabetis!

‘Kumilos Ako!’Interbyu

Page 14: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

GUSTO ng monarkiya ng Espanya na maging KristiyanongEstado ito na may iisang kalipunan ng mga batas. Diu-

mano, ang mga Morisco ay itinuturing na pagano, kaya na-man ang pamamalagi nila ay isang malaking kasalanan samata ng Diyos. Pagkalipas ng maraming taon, nagkaroonng isang desisyon. Ano iyon? Kailangang palayasin ang mgaMorisco!�

SAPILITANG PAGKUMBERTESa loob ng daan-daang taon, ang mga Moro sa Espanya

—isang maliit na grupo ng mga Muslim na tinatawag na Mu-dejar—ay namuhay nang payapa sa mga lupaing sakop ngmga Katoliko. Dati, may mga lugar na legal ang kanilang ka-tayuan at pinapayagan silang sumunod sa sarili nilang batasat kaugalian, pati na sa sarili nilang relihiyon.

Pero noong 1492, sinakop ng mga Katolikong sina Ha-ring Ferdinand II at Reyna Isabella ang Granada, ang hulingbahagi ng Iberia na kontrolado pa rin ng mga Muslim. Bilangkasunduan ng pagsuko, ang mga Moro doon ay binigyanng mga karapatang gaya ng sa mga Mudejar. Pero di-nagta-gal, pinatindi ng mga Katolikong lider ang pag-uusig at pang-gigipit na magpakumberte ang maliit na grupong ito ng

� Sa wikang Kastila, ang Morisco ay nangangahulugang “Mumunting Moro.”Ginagamit ng mga istoryador ang terminong ito sa di-mapanghamak na para-an para tumukoy sa mga dating Muslim na nagpakumberte sa Katolisismo atnamalagi sa Iberian Peninsula matapos bumagsak ang huling kaharian ngmga Muslim doon noong 1492.

S U LYA P S A N A K A R A A N � MG A MO R I S C O — P I N A L AYA S S A E S PA N YA

MGA MORISCO—PINALAYAS SA ESPANYASinasabing halos lahat ng ginawa ng mga Kastila samalungkot na kuwentong ito ay dahil sa impluwensiyang simbahan. Isa itong kuwento na sulit basahin.

MAIKLING IMPORMASYON) Noong unang mga taon ng ika-walong siglo C.E., sinakop ng mgaMuslim mula sa Hilagang Aprika atArabia ang kalakhang bahagi ng Iberi-an Peninsula, ang mga lupaing kilalangayon bilang Espanya at Portugal.

) Sinimulan ng mga hukbong Kato-liko ang unti-unting pananakop, nanatapos noong 1492, nang makuhanila ang huling teritoryo ng mga Morosa Granada.

) Noong 1492, pinalayas ninaHaring Ferdinand at Reyna Isabellasa kanilang kaharian ang sinumangJudio na ayaw magpakumberte sa Ka-tolisismo. Noong ika-16 na siglo, angmga Muslim na nagpakumberte, patiang kanilang mga inapo, ay pinag-usig at inilipat ng lugar. Mula 1609hanggang 1614, ang mga Morisco—“mga bagong Kristiyano” na datingMuslim—ay pinalayas.

) Tinatayang mga 300,000 Moriscoang napilitang umalis sa Espanya da-hil sa matinding paghihirap. Lumilitawna di-bababa sa 10,000 ang namataydahil sa pakikipaglaban sa kanilangkarapatan na manatili sa bansa.

Page14:Cortesıa

delMuseo

BellasArtes

deCastellon.Propiedad

Diputacion

Provincialde

Castellon;page15:

�Iberfoto/SuperStock

Page 15: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

mga Muslim na nasasakupan nila. Nagprotesta ang mgaMoro sa paglabag na ito sa napagkasunduan, kaya naghimag-sik sila noong 1499. Pinatigil ito ng mga sundalo ng gobyerno,pero mula noon, ang mga Muslim sa iba’t ibang lugar ay pini-lit na magpakumberte o kaya’y umalis ng bansa. Morisco angitinawag ng mga Kastila sa mga nagpakumberte at nanatili saEspanya.

“HINDI MABUBUTING KRISTIYANO NI TAPATNA MGA SAKOP”

Pagsapit ng 1526, ipinagbawal ang Islam sa buong Espan-ya, pero palihim pa ring isinasagawa ng maraming Moriscoang kanilang relihiyon. Sa kalakhang bahagi, bilang isang gru-po, napanatili nila ang kanilang sariling kultura.

Noong una, pinahihintulutan pa ang pagiging Katolikong mga Morisco kahit sa pangalan lang. Tutal, napapakinaba-ngan naman sila bilang mga artisano, bihasang manggagawa,trabahador, at nagbabayad din sila ng buwis. Pero dahil ayawnilang makiisa, kinainisan sila at nakaranas ng diskriminas-yon mula sa gobyerno at mga mamamayan. Maaaring ang ka-walang-katarungang ito ay dahil na rin sa hinala ng simbahanna hindi taimtim ang kanilang pagpapakumberte.

Di-nagtagal, ang pagpapahintulot ay napalitan ng pami-milit. Noong 1567, ipinaalam sa publiko ang desisyon ni Ha-ring Philip II na ipagbawal ang wika, pananamit, kaugalian, attradisyon ng mga Morisco. Dahil dito, nagkaroon na naman ngpaghihimagsik at pagdanak ng dugo.

Ayon sa mga istoryador, kumbinsido ang mga tagapamaha-la ng Espanya na “ang mga Morisco ay hindi mabubuting Kris-tiyano ni tapat na mga sakop.” Dahil diyan, inakusahan angmga Morisco ng pakikipagsabuwatan sa mga kalaban ng Es-panya—mga piratang Barbary, mga Protestanteng Pranses, atmga Turko—para masalakay ng mga banyagang ito ang bansa.Dahil sa diskriminasyon at takot na magtaksil ang mga Moris-co, nagpasiya si Philip III na palayasin sila noong 1609.� Nangsumunod na mga taon, ang mga taong pinaghihinalaang Mo-risco ay pinag-usig. Sa ganitong kahiya-hiyang pamamaraan,ang Espanya ay naging saradong Katoliko. ˛

� Ipinapalagay rin ng mga istoryador na sa paanuman, isang tagapamahalang Espanya ang nakinabang nang husto sa mga nakumpiskang lupain na pag-aari ng mga Morisco.

“Purong” Katolisismosa Buong Lupain!Di-maikakailang naapektuhanang ekonomiya ng Espanyanang mawala ang mga mang-gagawang Morisco. Sa kabilanito, nagsaya pa rin ang ban-sa nang umalis ang mga Mo-risco. Para kasi sa maramingKastila, ayon sa mga aklat ngkasaysayan, ang pamamalaging mga Morisco, na ang relihi-yon ay itinuturing na mapa-nganib, ay “matagal nang ki-naiinisan at isang kahihiyanng bansa.” Ngayon, wala naang kinaiinisang iyan. Angmga lider, ang mga mamama-yan sa kabuuan, at ang sim-bahan ay nagsaya dahil naisa-uli na sa wakas ang “purong”Katolisismo sa buong lupain.

Tinatayang mga 300,000 Morisco angnapilitang umalis sa Espanya dahil samatinding paghihirap

Lubusang sinuportahan ni Juande Ribera, arsobispo ng Valencia,ang pagpapalayas sa mga Morisco

Gumising! Setyembre 2014 15

Page 16: KUNG PAANO HAHARAPIN ANG BURNOUT - …download.jw.org/files/media_magazines/a6/g_TG_201409.pdf · Gusto mo ba ng higit pang impormasyon o ... ya ang pagbabagong ito, ... Pero payapa

g1

4 0

9-T

G1

40

52

8

KAPAG nandarayuhan ang mga balang, para si-lang malaking hukbo na umaabot ng mga

“80 milyong balang bawat kilometro kuwadrado.”Pero hindi sila nagbabanggaan. Ano ang kanilangsekreto?Pag-isipan ito: Ang balang ay may dalawang

masalimuot na mata. Sa likod ng bawat mata,may neuron na sensitibo sa galaw. Tinatawagitong lobula giant movement detector (LGMD). Ka-pag may posibilidad na magkaroon ng banggaan,ang mga neuron ay magpapadala ng mensahe sapakpak at binti ng balang para kumilos ito agad.Sa katunayan, ang reaksiyong ito ay mas mabilisnang limang beses kaysa sa isang kisap-mata.

Dahil sa natuklasan ng mga siyentipiko tungkolsa mga mata at neuron ng balang, nakabuo sila

ng computerized system na tumutulong samga mobile robot na madetek at maiwasanang papalapit na mga bagay, nang hindi gu-magamit ng komplikadong radar o infrareddetector. Ginagamit ng mga mananaliksikang teknolohiyang ito sa mga sasakyan paramagkaroon ang mga ito ng mabilis at maa-asahang warning system upang mabawasanang banggaan. “Napakarami nating matu-tutuhan sa simpleng insekto na gaya ng ba-lang,” ang sabi ni Propesor Shigang Yue ngUniversity of Lincoln sa United Kingdom.Ano sa palagay mo? Ang mga neuron ba

ng balang, na sensitibo sa galaw, ay resultang ebolusyon? O may nagdisenyo nito? ˛

MAY N AG D I S E N YO B A N I T O ?

Ang Sensitibong Neuron ng Balang

�Minden

Pictures/SuperStock

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samahigit 100 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p