26
Ang Masayang Pamilya ni R. B. Catapang Sabado ng umaga. Nagkayayaan mamasyal sa parke ang pamilya Baet.

L7 masaya pamilya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: L7 masaya pamilya

Ang Masayang Pamilya ni R. B. Catapang

Sabado ng umaga. Nagkayayaan mamasyal sa parke ang pamilya Baet.

Page 2: L7 masaya pamilya

Sa parke, natanaw ni Karlo ang palaruan. “Itay, Inay, puwede po ba akong pumunta doon

sa palaruan?” tanong ni Karlo.

Page 3: L7 masaya pamilya

“Oo naman anak, isama mo ang ate Katrina mo,” sagot ni tatay Simon. “Maraming salamat po,” ang sagot ng

magkapatid. At masaya silang naglaro.

Page 4: L7 masaya pamilya

Matapos maglaro, niyaya ni Karlo ang kanyang ate Katrina na bumili ng tubig.

Page 5: L7 masaya pamilya

Nang maubos na ang tubig sa bote, itinapon ni

Karlo ito sa damuhan. Nakita ito ni Katrina at sinabing “huwag mong

itapon sa damuhan ang bote. Doon mo

itapon sa basurahan.” “Oo nga pala ate, salamat

sa paalala,” ang mabilis na tugon ni Karlo habang

pinupulot ang bote.

Page 6: L7 masaya pamilya

Matapos maglaro niyaya sila ng kanilang tatay at nanay na kumain sa Mac-Joe Restaurant. Habang

kumakain masayang nagkuwentuhan ang mag-anak.

Page 7: L7 masaya pamilya

“Itay, Inay, kailan po ba uli tayo mamamasyal?” tanong ni Karlo. “Sa susunod na buwan anak,” sagot ni Mang Simon. At masayang umuwi ang mag-anak.

Page 8: L7 masaya pamilya

1. Ano-anong pampublikong pasilidad ang nabanggit sa kuwento? 2. Paano ginamit ng mag-anak ang mga ito? 3. Sa iyong palagay, nagamit ba nila nang tama ang pampublikong pasilidad? Bakit?

Page 9: L7 masaya pamilya

Ang sumusunod na larawan ay mga pampublikong

pasilidad na matatagpuan sa ating pamayanan.

Ano ang mga tuntunin at pamantayan sa wastong

paggamit ng mga ito?

Page 10: L7 masaya pamilya
Page 11: L7 masaya pamilya
Page 12: L7 masaya pamilya
Page 13: L7 masaya pamilya

Ano-anong mga tuntunin at pamantayan ang ipinakita sa larawan tungkol sa wastong paggamit ng pampublikong pasilidad sa pamayanan?

Page 14: L7 masaya pamilya

Ating Tandaan Ang pagsunod sa mga

tuntunin at pamantayan sa paggamit ng mga

pampublikong kagamitan o pasilidad ay pagpapakita ng

pangangalaga at pagtulong sa ating pamayanan.

Page 15: L7 masaya pamilya
Page 16: L7 masaya pamilya
Page 17: L7 masaya pamilya
Page 18: L7 masaya pamilya
Page 19: L7 masaya pamilya
Page 20: L7 masaya pamilya
Page 21: L7 masaya pamilya

Gabay sa pangkatang gawain: 1. Pangkatin ang klase sa apat. 2. Matapos mabuo ang pangkat, pumili ng lider na siyang mangunguna sa pangkatang gawain. 3. Bawat pangkat ay gagawa ng poster tungkol sa tuntunin sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad. 4. Ipapaskil ng lider sa pisara ang ginawang poster. 5. Ipapaliwanag sa buong klase ang ginawang poster.

Page 22: L7 masaya pamilya

Magbigay ng tatlong tuntunin na palagi mong sinusunod. Isulat ito sa kuwaderno.

Page 23: L7 masaya pamilya

Tukuyin kung ito ay Tama o Mali at isulat ang sagot sa patlang sa papel.

1. Pagsunod sa pila kapag bumibili ng

pagkain sa kantina.

Page 24: L7 masaya pamilya

2. Pag-iwas sa pamimitas ng mga bulaklak sa parke. 3. Paglalaro sa halamanan sa palaruan.

Page 25: L7 masaya pamilya

4. Pagsusulat sa pader o bakod. 5. Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan.

Page 26: L7 masaya pamilya

GINTONG ARAL: Pampublikong pasilidad

ay gamitin, Ito’y atin kaya’t alagaan

natin, Upang patuloy na pag-

unlad ng bayan ay kamtin!