Upload
regontheedge
View
23.610
Download
4
Embed Size (px)
Citation preview
Detalyadong Banghay Aralin sa
Makabayan II
I. Layunin
Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang mga yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay produkto ;
2. Nahihinuha ang maaring mangyari sa pamayanan kung walang populasyon nagbibigay ng produkto, at
3. Naipapakita ang kawilihan sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng guro, at paglahok sa talakayan at pangkatang gawain.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagtalakay sa mga yamang taong nagbibigay ng produkto.
Yunit: Pambansang Pagkakakilanlan
Sanggunian:
L Anda, M. (2006). Makabayan Katangiang Pilipino: Batayang
Aklat sa Ikalawang Baitang. LG&M; Quezon City
De Mesa, P. & Quevedo, J.(2002). Lahing Pilipino: Batayang Aklat
sa Sibika at Kultura II. Bookman; Quezon City
BEC-PELCL: 5.2.4
Kagamitan: drill board, show cards, larawan, aklat, puzzle, tsart, graphic
organizers, at envelopes.
Mabuting Asal: Pagkakaisa, pagtanggap ng pagkatalo (sportsmanship)
at pagpapahalaga sa mga yamang taong nagbibigay
ng produkto.
III. Mga Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Routinea. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
Magandang umaga mga bata!
b. Balitaan
Anu-ano ang mga araw ng lingo?
Anu-ano ang mga buwan ng taon?
Anu-ano ang mga uri ng panahon?
Ano ang araw ngayon?
Ano ang petsa ngayon?
Ano ang araw kahapon?
Ano ang araw bukas?
Ano ang panahon ngayon?
Ilang lalaki ang pumasok ngayon?
Ilang babae ang pumasok ngayon?
Ilang lahat ang batang pumasok ngayon?
O Diyos Amang banal, pakinggan ang aming dasal. Kami sana’y turuang maging mabait araw-araw upang aming matutunan ang lahat ng karunungang ibabahagi sa amin ng aming gurong mahal. Amen.
Magandang umaga Bb. Ramos!Magandang umaga mga kaklase!Mabuhay!
Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado
Enero, Perbrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre.
Maaraw, maulan, maulap at mahangin.
Ngayon ay Huwebes.
Ika-23ng Hulyo 2009.
Kahapon ay Miyerkules.
Bukas ay Huwebes.
Ang panahon ngayon ay maaraw.
24 na lalaki ang pumasok ngayon.
16 na babae ang pumasok ngayon.
40 bata ang pumasok ngayon.
Anu-ano ang mga pamatayan na dapat sundin?
Pag-awit ng “Fruit Salad”
2. Pagbibigay kuro-kuro
Ano ang nakikita nyo sa larawan?
Tama ang inyong mga sagot. Ang nasa larawan ay ang mga unang tao sa mundo na sina Eba at Adan. Bakit ba ginawa ng Diyos ang mga tao?
1. Umupo ng maayos. 2. Tumayo ng tuwid.3. Gumawa nang tahimik.4. Magsalita nang may
katamtamang lakas,5. Maghintay ng sariling
pagkakataong makapagsalita.6. Makinig sa guro at sa
nagsasalita.7. Makilahok sa talakayan.
Ito ay pakwan! (2x)Papaya! (2x)Saging-saging-saging! (2X)Fruit salad (2x)
Ang nasa larawan po ay isang babae at lalaki.
Sa palagay ko po ang nasa larawan ay sina Adan at Eba.
Marahil po ang nasa larawan ay ang mga unang tao sa ating mundo.
Tama! Ang mga tao ay nilikha ng Diyos para may gumamit ng wasto at mag-alaga sa kanyang mga nilikhang yamang lupa, tubig at iba pa. Mahalaga ba ang mga tao? Bakit?
Magaling! Mahalaga tayong mga tao dahil kung wala tayo, walang mag-aalaga sa mga nilikha ng Diyos.
Maraming salamat sa inyong mga kuro-kuro, marami na naman tayong natutunan mula sa isang larawan. Kunin ang dahon at bulaklak na dahon para sa ating susunod na gawain.
Pag-awit ng Bahay ni Superman!
3. Pagsasanay
Panuto: Ipakita ang kung ang pangkat ng tao ay nabibilang sa
Populasyong Umaasa at kung nabibilang naman sa Populasyong Inaasahan.
Sa tingin ko po kaya ginawa ng Diyos ang tao para may mag-alaga sa kanyang mga ginawa.
Siguro po kaya ginawa ng Diyos ang tao para may gumamit ng mga nilikha nya.
Mahalaga po ang mga tao dahil kung wala tayo walang mag-aalaga at gagamit ng ating mga likas na yaman.
Bahay, bahay, bahay ni Superman,Nasusunog ang bahay, bahay ni Superman.Bahay, bahay bahay ni Superman,Nasusunog ang bahay ni Superman! Nasan si Batman? (2x)Nasusunog ang bahay, bahay ni Superman.Nasan si Batman? (2x)Nasusunog ang bahay ni Superman!
1. Mga matatandang umaasa sa tulong ng kamag-anak.
2. Ang mga manggagawa na tumutulong sa pag-unlad ng bansa.
3. Ang mga batang nag-aaral sa paaralan.
Magaling! Natutunan nyo talaga ang ating mga nakaraang leksyon. Balik aralan naman natin ang tinalakay natin kahapon.
*Rest Exercise: Hudyatang Palakpak*
4. Balik-aral
Kunin ang drill board, chalk at eraser at pagkatapos ay basahin ang panuto ng gawain.
Panuto: Isulat kung sino ang pangkat ng taong kabilang sa Populasyong Nagbibigay Paglilingkod ang tinutukoy sa pangungusap.
1. Ang mga gumagamot sa sakit ng tao.
2. Ang mga nanghuhuli sa mga kriminal.
3. Ang nagtuturo ng aralin sa paaralan.
Ang tamang sagot ay .
Ang tamang sagot ay .
Ang tamang sagot ay .
Ang tamang sagot ay mga doktor o manggagamot.
Magaling mga bata! Handa na kayo para sa susunod nating aralin.
Pag-awit ng Chikading
5. Bagong Aralin
a. Pagganyak
“Pagbuo ng Puzzle”
Ang mga pangkat ay may kanya-kanyang puzzle na nasa loob nitong sobre. Kailangan nyong magtulong-tulong upang buuin ang puzzle na nasa loob ng sobreng ito. Ang unang pangkat na makakabuo at makakapagsabi ng nabuong larawan sa pisara ang syang mananalo sa ating laro. Handa na ba?
Ang nanalong pagkat ay Pangkat I. Bigyan natin sila ng WOW clap!
Para sa mga natalong grupo, pagbutihin sa susunod na gawain. Palakpakan ang sarili sa pakikiisa sa gawain.
Ang tamang sagot ay mga pulis.
Ang tamang sagot ay mga guro.
May *isang chikading na dumapo sa sanga,
dumating ang isa,
**dalawa na sila!
Chikading-chilkading, palipad-lipad!
Chikading-chilkading, palipad-lipad
*Dalawang, tatlong, apat,
**tatlo, apat, lima
Handa na po.
Pangkat I- mga tinapay
Pangkat II- mga isda
Pangkat III- mga palay at gulay
Pangkat IV- mga tela at damit
Tingnan ang inyong mga nabuong larawan. Anu ba ang mga ito?
Tama, ito ay ginagamit ng tao. Sino ba ang gumagawa ng mga ito?
Tama! Kung matatandaan nyo ang ating nakaraang leksyon ay tungkol sa mga taong nagbibigay paglilingkod, kung gayon ano sa tingin nyo ang tawag sa mga populasyon ng taong nagbibigay ng mga gamit na ito? Saan sila kabilang?
Anu ba ang produkto?
b. Pagbuo ng tanong
Tama! Ngayon, gusto nyo bang malaman kung ang mga yamang taong nagbibigay ng produkto?
Ano ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong?
Kung gayon anong salitang pangtanong ang gagamitin natin para malaman natin ang mga yamang taong nagbibigay produkto?
Ngayon, ano ang gusto nyong malaman?
c. Pagbuo ng hinuha
Magaling, ngayong alam nyo na ang tanong na gusto nyong sagutin. Magbigay muna tayo ng mga hinuha sa inyong tanong. Sinu-sino nga ba
Ang mga nabuong puzzle ay mga pagkain at gamit ng tao.
Ang gumagawa ng mga bagay na iyan ay mga tao.
Sila ay kabilang sa Populasyong Nagbibigay ng Produkto.
Ang produkto ay isang bagay na nagawa o ginawa ng isang tao.
Ang produkto ay materyal na bagay na ginawa para gamitin o kainin.
Opo.
Sino, ano, bakit, saan, kalian, paano.
Sinu-sino?
Gusto po naming malaman kung sino-
ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto?
Magaling! Ngayon tayo ay magpapangkatang gawain.
d. Pangkatang Gawain
Bago tayo magpangkat, alamin muna natin kung anu-ano ang mga pamantayan sa pagpapangkat?
Ngayong alam na natin ang mga pamantayan sa pagpapangkat, alamin naman natin ang pamantayan sa pananaliksik.
Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat, ang unang pangkat ay gagamit ng Flower Map at mga aklat sa pananaliksik. Ang ikalawang
sino ang mga yamang taong nagbibigay ng produkto sa ating bansa.
Sa tingin ko po ang kabilang sa mga yamang taong nagbibigay ng produkto ay magsasaka at mangingisda.
Sa palagay ko po ang kabilang sa mga yamang taong nagbibigay ng produkto ay panadero at mananahi.
1. Tumayo nang tuwid at bumilang nang malakas.
2. Pumunta sa tamang pangkat kung saan kabilang.
3. Pumili ng lider ng pangkat.4. Dalhin ang mga kailangang
gamit.5. Hanapin at isulat ng maayos ang
mga sagot.
1. Gumawa nang tahimik.2. Magmasid sa mga larawan nang
maayos.
pangkat ay gagamit ng Burger Map at crossword puzzle para sa pananaliksik. . Ang ikatlong pangkat ay gagamit ng Tree Map at picture puzzle para sa pananaliksik. At ang ikaapat na pangkat ay gagamit ng Bubble Map at larawan para sa pananaliksik. Meron lamang kayong 10 minuto upang gawin ang inyong pananaliksik.
Simulan na ang pangkatang gawain. Tayo na’t umawit ng “Sumikat Ang Araw”
e. Pagtatalakayan
Pagkatapos niyong manaliksik, tingnan natin kung ano ang mga nahanap nyong sagot. Pakinggan natin ang unang pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.
3. Silipin ang mahahalagang detalye upang di malimot.
4. Unawaing mabuti ang binabasa, tinitingnan at naririnig.
Sumikat na ang araw,
hudyat ng bagong buhay,
gawai’y naghihintay,
kaya’t atin ng simulan.
Nasaan ang Row 1? (2x)
Narito kaming Row 1,
tumutugtog ng gitara.
Teng (23x)
* 2, 3, 4
*marakas, tambol, biyolin
*tsak, boom, tsing
Pakinggan naman natin ang ikalawang pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.
Pakinggan naman natin ang ikatlong pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.
Ako ang lider ng Pangkat I. Ang pangalan ng aming pangkat ay pangkat Magalang. Sasagutin namin ang tanong na “Sinu-sino ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto?” sa pamamagitan ng Flower Map. Narito ang aming mga sagot:
1. Magsasaka2. Mangingisda3. Arkitekto4. Panadero5. Mananahi6. Minero
Dito nagtatapos ang aming gawain. Sana ay naibigan nyo ito. Maraming Salamat!
Mga kaklase bigyan natin ang pangkat isa ng Coca-cola clap!
Ako ang lider ng Pangkat II. Ang pangalan ng aming pangkat ay pangkat Masipag. Sasagutin namin ang tanong na “Sinu-sino ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto?” sa pamamagitan ng Burger Map. Narito ang aming mga sagot:
1. Magsasaka2. Mangingisda3. Arkitekto4. Panadero5. Mananahi6. Minero
Dito nagtatapos ang aming gawain. Sana ay naibigan nyo ito. Maraming Salamat!
Pakinggan naman natin ang ikaapat at huling pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.
Mga kaklase bigyan natin ang pangkat dalawa ng Rainbow clap!
Ako ang lider ng Pangkat III. Ang pangalan ng aming pangkat ay pangkat Matalino. Sasagutin namin ang tanong na “Sinu-sino ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto?” sa pamamagitan ng Stair Map. Narito ang aming mga sagot:
1. Magsasaka2. Mangingisda3. Arkitekto4. Panadero5. Mananahi6. Minero
Dito nagtatapos ang aming gawain. Sana ay naibigan nyo ito. Maraming Salamat!
Mga kaklase bigyan natin ang pangkat tatlo ng Rain clap!
Ako ang lider ng Pangkat IV. Ang pangalan ng aming pangkat ay pangkat Mabuti. Sasagutin namin ang tanong na “Sinu-sino ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto?” sa pamamagitan ng Bubble Map. Narito ang aming mga sagot:
1. Magsasaka2. Mangingisda3. Arkitekto
Magaling mga bata! Nakapanaliksik kayo ng mga sagot sa ating tanong.
f. Pagtama sa hinuha
Ngayon tingnan natin ang nakuhang sagot ng bawat pangkat. Napakahusay mga bata dahil karamihan ng inyong sagot ay mula sa inyong nahinuha kanina. Ibig sabihin hindi pa man natin natatalakay 12n gating aralin ay alam nyo na kung sinu-sino ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto sa ating bansa.
Ano ang produktong nakukuha natin mula sa magsasaka?
Ano naman ang binibigay na produkto ng mga mangingisda?
Ano naman ang ginagawang produkto ng isang arkitekto?
Ano naman ang ginagawang produkto ng mga panadero?
Ano naman ang tinatahi ng isang mananahi?
Ano naman ang nakukuha nating bagay sa isang minero?
*Rest exercise: Hep hep hurray*
4. Panadero5. Mananahi6. Minero
Dito nagtatapos ang aming gawain. Sana ay naibigan nyo ito. Maraming Salamat!
Mga kaklase bigyan natin ang pangkat apat ng Nice clap!
Palay, mais, gulay at prutas ang nakukuha nating produkto mula sa mga magsasaka.
Isda, lamang-dagat at kabibe ang mga produktong binibigay ng mga mangingisda.
Bahay at disenyo ng mga gusali ang produkto mula sa mga arkitekto.
Mga tinapay, keyk at kakanin ang ginagawa ng isang panadero.
Sila ay nagtatahi ng mga unan, damit at kurtina.
g. Pagbuo ng kaisipan
Ngayon ano ang kaisipang inyong nabuo mula sa inyong pananaliksik?
Mahusay mga bata, nakilala na natin ngayon ang mga yamang taong kabilang sa Populasyong Nagbibigay ng Produkto!
h. Paglalapat
Natatandaan pa ba ang ating larong “Tok-tok-tok!”?
Sige, ngayon ay maglalaro tayo noon, sa bawat pintong inyong makikita ay may clue sa harap. Babasahin muna ang clue, bago sabihin ang magic word para magbukas ang ating mahiwagang pinto. Maliwanag?
Sige, simulan natin sa unang pinto.
Mga ginto, pilak, tanso at iba pang bato ang nakukuha natin mula sa mga minero.
Ang mga yamang tao nagbibigay ng produkto ay ang mga:
1. Magsasaka2. Mangingisda3. Arkitekto4. Panadero5. Mananahi6. Minero
Opo!
1. Ako ang nagtatanim ng mga gulay, prutas at palay para inyong kainin. Sino ako?
“Tok-tok-tok! Katok! Katok! Katok!
Sino kaya? Sino kaya ang nasa pinto?”
Ang nasa pinto ay magsasaka!
2. Ako ang gumagawa ng mga tinapay at keyk. Sino ako?
“Tok-tok-tok! Katok! Katok! Katok!
Sino kaya? Sino kaya ang nasa pinto?”
Ang nasa pinto ay panadero!
3. Ako ang nagtatahi ng mga damit, unan at mga bag. Sino ako?
Magaling mga bata! Nahulaan nyo lahat na laman ng mahiwagang pinto! Bigyan natin ang sarili ng NICE clap!
i. Pagpapahalaga
Kunin ang ABCD fan cards at basahin ang panuto ng gawain.
Panuto: Piliin ang tinutukoy na
yamang tao sa pangungusap. Ipakita ang titik lamang ng tamang sagot.
1. Nagmimina ng ginto, pilak at tanso.a. Mangingisdab. Panaderoc. Minerod. Magsasaka
2. Gumagawa ng plano ng bahay o disenyo ng gusali.
a. Arkitektob. Mineroc. Mananahid. Magsasaka
3. Nagtatahi ng mga damit.a. Panaderob. Mangingisdac. Arkitektod. Mananahi
4. Nanghuhuli ng mga isda at lamang dagat.
a. Magsasaka
b. Mangingisda
c. Mananahi
d. Panadero
“Tok-tok-tok! Katok! Katok! Katok!
Sino kaya? Sino kaya ang nasa pinto?”
Ang nasa pinto ay mamanahi!
Ang tamang sagot ay C, minero.
Ang tamang sagot ay A, arkitekto.
5. Gumagawa ng tinapay at keyk.
a. Panadero
b. Minero
c. Arkitekto
d. Mananahi
*Rest Exercise: Sunod sa Utos*
j. Ebalwasyon
Panuto: Sino ang pangkat ng tao na nagbibigay ng produkto ang isinasaad pangungusap sa Hanay A. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa Hanay B.
Hanay A
1. Nagtatanim ng palay at gulay.
2. Nagpaplano ng disenyo ng gusali.
3. Gumagawa ng tinapay.
4. Gumagawa ng damit.
5. Nanghuhuli ng mga isda sa dagat.
Hanay B
a. Panadero
b. Mananahi
c. Mangingisda
d. Magsasaka
e. Arkitekto
4. Takdang Aralin
Maglista ng iba pang yamang taong
Ang tamang sagot ay D, mananahi.
Ang tamang sagot ay B, mangingisda.
Ang tamang sagot ay A, panadero.
kabilang sa Populasyong Nagbibigay Produkto. Isulat ang produktong kanilang binibigay.
Paalam mga bata!
Sagot:
1. d
2. e
3. a
4. b
5. c
Paalam Bb. Ramos! Paalam mga Kaklase!
POPULASYONG NAGBIBIGAY NG PRODUKTO
Pangalan: _____________________________ Petsa:______________________
Seksyon:______________________
Panuto: Sino ang pangkat ng tao na nagbibigay ng produkto ang isinasaad pangungusap sa Hanay A. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa Hanay B.
Hanay A
1. Nagtatanim ng palay at gulay.
2. Nagpaplano ng disenyo ng gusali.
3. Gumagawa ng tinapay.
4. Nagtatahi ng damit.
5. Nanghuhuli ng mga isda sa dagat.
Hanay B
a. Panadero
b. Mananahi
c. Mangingisda
d. Magsasaka
e. Arkitekto
__________________________________________________________________________________________
POPULASYONG NAGBIBIGAY NG PRODUKTO
Pangalan: _____________________________ Petsa:______________________
Seksyon:______________________
Panuto: Sino ang pangkat ng tao na nagbibigay ng produkto ang isinasaad pangungusap sa Hanay A. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa Hanay B.
Hanay A
1. Nagtatanim ng palay at gulay.
2. Nagpaplano ng disenyo ng gusali.
3. Gumagawa ng tinapay.
4. Nagtatahi ng damit.
5. Nanghuhuli ng mga isda sa dagat.
Hanay B
a. Panadero
b. Mananahi
c. Mangingisda
d. Magsasaka
e. Arkitekto
Kagawaran ng Edukasyon
Mababang Paaralan ng Dr. Alejandro Albert
Maynila
Magpapakitang Turo
Ika-23 ng Hulyo, 2009
Maria Regina M. Ramos
IV-4 BEED
Student Teacher
Ms. Leticia N. Arenas
Cooperating Teacher