33
LET FILIPINO REVIEWER Prepared by: Mrs. Arlene C. Bagayas

LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

  • Upload
    lytruc

  • View
    416

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

LET FILIPINO REVIEWER

Prepared by: Mrs. Arlene C. Bagayas

Page 2: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

I. Piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa

mga sumusunod na pangungusap.

1. Matapos ang maghapong gawain siya ay lugami na.

A. Lubog C. Nalungkot

B. Yumaman D. Lupaypay

D – Ang lugami ay may kaugnay na diwa sa maghapong gawain na

panglupaypay o pagod.

2. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang balakyot.

A. Marumi C. Mapanlinlang

B. Makasalanan D. Mabaho

C- Ang angkop na diwa sa salitang balakyot ay mapanlinlang na may

konseptong diwa na hindi nagpapakita ng totoong pagkatao o ugali.

Page 3: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

3. Ang damuho ay may asawa pala.

A. Salbahe C. Tanga

B. Kabiyak D. Di- mapagkakatiwalaan

A – Ang salitang salbahe ay mas angkop na gamitin sa damuho

dahil ito ay magkatulad ng diwa.

4. Ang magkaibigan ay mag karatig pook lamang.

A. Kamasa C. Kasing laki

B. Kabihasnan D. Kalapit

D – Ang salitang karatig ay kasing diwa ng kalapit na

nangangahulugan din ng katabing pook.

Page 4: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.

A. Pamaypay C. Balabal

B. Tela D. Banig

C – Ang salitang abrigo ay kahulugan ng balabal na may makukulay na

disenyo noong panahon ng Kastila.

II. Piliin ang tamang salita na kasalungat ng salitang nakasalungguhit

sa pahayag.

6. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Ramgen.

A. Magulo C. Maalalahanin

B. Makulay D. Mapayapa

D – Kabaligtaran ng masalimuot o magulo ang mapayapa sa diwa ng

pangyayaring naganap sa pagkamatay ni Ramgen.

Page 5: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

7. Katunggali niya sa paligsahan ang kanyang matalik na kaibigan.

A. Kasamahan C. Kakampi

B. Katalik D. Kasulatan

C – Kabaligtaran ng katunggali ang kakampi sa konsepto ng

pakikipaglaban sa matalik na kaibigan.

8. Ang pamilya Yulo ay may mababang-loob sa mga taong

nangangailangan.

A. Maawain C. Matabil

B. Mapagpala D. Mayabang

D – Kabaligtaran ng mababang-loob ang mayabang na may diwa ng

pagmamalaki sa mga taong nangangailangan.

Page 6: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

9. Maalyaw na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.

A. Masarap C. Masagana

B. Mahirap D. Mahigpit

B – Kabaligtaran ng maalyaw ang mahirap sa buhay na may diwa

ng kakulangan o kakapusan sa buhay.

10. Malabay na punungkahoy ang makikita sa bakuran ni Mang

Baste.

A. Mataba C. Payat

B. Malusog D. Putol

C – Kabaligtaran ng malabay ay payat na may kaugnay na diwang

kanipisan ng sanga ng punungkahoy.

Page 7: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

III. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

11. Nagbasa ______ maayos ang mag-aaral.

A. siya C. ng

B. nang D. sila

B – Ginagamit ang nang kapag sinusundan ng pang-abay.

12. ______iinumin ka bang gamot?

A. Mayroon C. May

B. Meron D. Nang

C – Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

13. Ang mga regalong natira ay ______ Ayeng, Miguel at Joffrey.

A. para sa atin C. para sa iyo

B. para sa kanila D. para kina

D – Ang kay at kina kapag sinasamahan ng para ay nagiging panandang

kaalaman sa tao.

Page 8: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

14. Anong uri ng tayutay ito?

Dumadagundong ang tunog ng loud speaker sa mahinang

dibdib ng matanda.

A. Onomatopeya o paghihimig C. Alliteration o pag-uulit

B. Apostrophe o pagtawag D. Antithesis o pagtatambis

A – Ang dumadagundong ay paghihimig na nailalahad sa tulong ng

tunog o himig ng salita.

15. Ang mukha niya’y animo’y maamong tupa na sunudsunuran.

A. Metaphor o pagwawangis C. Metonomi o pagpapalit-tawag

B. Simile o pagtutulad D. Epigram o pagsalungat

B – Ito ay payak na pagpapahayag na ginagamitan ng pagtutulad na

gaya ng animo’y.

Page 9: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

16. Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot.

A. Simile o pagtutulad C. Hyperbole o pagmamalabis

B. Personification o Pagtatao D. Metaphor o pagwawangis

D – Naghahambing ito subalit gumamit din ng tuwirang pagtutulad

sa salitang gamot.

17. Sumisipol ang hanging amihan.

A. Hyperbole o pagmamalabis

B. Irony o pag-uyam

C. Metonymy o pagpapalit-tawag

D. Personification o pagsasatao

D – Nagbibigay katauhan ang salitang pagsipol sa hanging

amihan.

Page 10: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

18. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang nagbibilang ng poste?

A. mahusay magbilang

B. mahusay magtrabaho

C. walang poste

D. walang trabaho

D – Matalinhagang salita ito na may kahulugang walang trabaho

kung ikaw ay nagbibilang ng poste.

19. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan?

A. mapang-api C. mapanukso

B. mapang-imbot D. mapagmalabis

B – Ang buwaya ay talinghagang naglalarawan sa taong mapag-

imbot o sakim.

Page 11: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

20. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?

IPANSULAT MO ANG LAPIS NA MAY TASA.

A. tagaganap C. sanhi

B. tagatanggap D. gamit

D – Ang ipansulat ay nasa pokus ng gamit na lapis.

21. Ang alpabeto ng ating mga ninuno noong panahong pre-

kolonyal ay tinatawag na

A. alibata C. talibaba

B. alibaba D. abakada

A – Tinatawag na alibata ang sinaunang alpabeto ng ating mga

ninuno

Page 12: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

22. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang

Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging

A. Pilifino C. Pilipino

B. Filipino D. Filifino

B – Ang salitang Filipino ay opisyal na wikang pambansa ayon sa

1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

23. Kapag tayo ay nabigo, bumangon tayo agad. Sakaling

dumating ang daluyong, sandal siyang iiwas.

A. Payak C. Hugnayan

B. Tambalan D. Langkapan

C – Ito ay may 2 sugnay na di makapag-iisa at isang sugnay na

makapag-iisa.

Page 13: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

24. Ang mga mag-aaral ng Nolasco High School ay nagsayawan at

nag-aawitan.

A. Payak C. Hugnayan

B. Tambalan d. Langkapan

A – Ang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa.

25. Ang kasiphayuan-kaligayahanay isang halimbawa

ng______________.

A. pagkakatulad

B. pagsasalungatan

C. pagbibigay ng katangian

D. pagbubuo

B – Magkabaligtad ito ng kahulugan.

Page 14: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

26. Ano ang nagaganap na pagbabagong morpoponemiko sa

salitang may salungguhit?

Nasa mesa ang mga kagamitan sa panlinis.

A. pagkaltas C. metatesis

B. asimilasyon D. reduplikasyon

B – Ang salitang panlinis ay may panlaping pan na sinusundan ng

katinig na l na nag-aasimila sa tunog na N.

27. Marumi ang kamay niya nang kumain.

A. pagpapalit ng ponema C. paglilipat diin

B. metatesis D. reduplikasyon

A – Ang ponemang r sa salitang marumi ay malayang

nagpapalitan sa letrang d na hindi nagbabago ang kahulugan.

(Madumi-marumi)

Page 15: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

28. Asnan mo ang binili kong isda.

A. pagkakaltas ng ponema C. asimilasyon

B. paglilipat diin D. metatesis

A – Ang salitang asnan ay mula sa salitang asinan na kinaltasan ng

ponemang /i/ na hindi nagpabago sa kahulugan nito.

29. Aptan mo ang nasirang bubong.

A. metatesis C. pagkakaltas ng ponema

B. paglilipat diin D. pagpapalit ponema

A – Ang salitang aptan ay mula sa salitang atipan na nagkaltas ng

ponema at ang nagpalitan ng posisyon.

Page 16: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

30. Ano ang ibig sabihin nito “ wika ang kaluluwa ng isang lahi”

A. Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitatala nito ang

kasaysayan

B. Ang wika ay may damdamin

C. Ang wika ay nakapagpapahayag ng niloloob ng tao

D. Ang tao at wika ay kapwa may kaluluwa.

C – Napapahayag ng isang lahi sa pamamagitan ng wika ang kanyang niloloob.

31. Sina Nora Aunor at Vilma Santos ay kapwa mahuhusay na artista. Taglay nila

ang kahusayan sa pag-arte, halos lahat ng kanilang pelikula ay nagbigay sa

kanila ng acting awards. Si Nora ay tinaguriang “Superstar” at si Vilam naman ay

tinaguriang “Star for all seasons”. Bagamat pareho silang sikat na artista, si Nora

ay mahusay rin na mang-aawit at si Vilma ngayon ay mahusay na pulitiko.

A. Problema at solusyon

B. Depinisyon

C. Order o pagkakasunud-sunod

D. Paghahambing at Pagkokontrast

D – Sa una pinaghambing na mahusay na artista sina Nora at Vilma at sa huli

ipinakita ang pagkakaiba nila.

Page 17: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

32. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o

nauuri sa string. Upang tumunog ang instrumentong ito ay kailangan mo

itong kalabitin ng kanang kamay at titipahin naman ng kaliwang kamay.

A. Paghahambing at Pagkokontrast

B. Sanhi at Bunga

C. Depinisyon

D. Enumerasyon

C – Binigyan ng depinisyon kung ano at paano ginagamit ang gitara.

33. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

CPU, monitor, mouse, key board at avr. Ang opsyunal na bahagi nito ay

printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga kagamitang ito.

A. Enumerasyon C. Sanhi at Bunga

B. Depinisyon D. Order

A – Inisa-isa ang pangalan ng mga bahagi ng kompyuter.

Page 18: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na aytem.

Mag-isip ka, Binata

Ikaw ay baguntao…. Malakas, makisig, matatag, maginoo, ikaw,

tulad ng iyong ama ay magiging haligi ng tahanan.

Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot sa

inyong tahanan samantalang ang iyong ina ang siyang katuwang sa

pagpapaligaya nito. Ikaw ay galamay ng iyong mga magulang. Ikaw ang

pag-asa nila sa kanilang pagtanda. Ikaw ang dahilan ng kanilang

pagpapakasakit. Dapat mong gantihan ng kabutihan ang kanilang

paghihirap.

Ngayong nag-aaral ka pa’y maaari kang tumulong sa anumang

paraan. Ngunit ang higit nilang inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo

ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pag-aaral? Ito’y para sa iyong

kinabukasan, ipang ikaw ay maging matatag at nakahandang tumanggap

ng pananagutan. Kaya dapat mong ibigin at igalang ang iyong mga

magulang. Tungkulin mong paglingkuran sila nang buong lugod at

kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa pangarap nila sa iyo!

Page 19: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

34. Ang pananaw na ginamit sa teksto ay _____________

A. Unang panauhan

B. Ikalawang panauhan

C. Ikatlong panauhan

D. Walang ginamit

B – Ang ikaw ay nasa ikalawang panahunan.

35. Ang tono ng teksto ay __________________.

A. Mapangutya C. Mapanghikayat

B. Mapagbiro D. Mapanumbat

C – Ang tono ay nanghihikayat sa binata na pagbutihin ang pag-

aaral.

Page 20: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

36. Sa pamagat ng teksto ay mahihinuhang______________.

A. Ang teksto ay nangangaral sa mga binata

B. Ang teksto ay nagbababala sa mga binata

C. Ang teksto ay isang pagsusulit para sa mga binata

D. Ang teksto ay isang pagtawag sa atensyon para sa mga

binata

B – Nagbababala ang tono ng pamagat sa pamamgitan ng pag-iisip.

37. Ang ikalawang talata ng teksto ay gumamit ng

hulwarang________________.

A. Depinisyon

B. Paghahambing at Pagkokontrast

C. Problema at solusyon

D. Enumerasyon

C – Ibinigay sa teksto ang problema ng binata at binigyan din ito ng

solusyon sa katapusan.

Page 21: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

38. Anong uri ng tayutay ang napapaloob sa pahayag na ito?

NALIGO NA SA HAMOG NG GABI ANG MGA BULAKLAK.

A. pagmamalabis C. pagpapalit-tawag

B. Pag-uuyam D. pagsasatao

D – Ang salitang naligo ay isang pagsasatao.

39. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng

tao?

A. register C. sosyolek

B. idyolek D. mode

. B – Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangianng pagsasalita

na tinatawag na idyolek.

Page 22: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

40. Ang mga sumusunod na bokabularyo gaya ng court, pleading at exhibit

ay tinatawag na___.

A. Sosyolek C. Jargon

B. Dayalek D. Idyolek

. C – Ang mga ito ay tanging bokabularyo ng mga lawyer na tinatawag na

jargon

41. Sa pagbasa, ang kakayahan sa pagsasama-sama at pag-uugnay-

ugnay ng mga nakaraan at ng mga bagong karanasan ay tinatawag

na________.

A. persepsyon o pagkilala C. paghawan ng balakid

B. pag-unawa D. asimilasyon

D – Asimilasyon ay pag-uugnay-ugnay ng mga bagong kaalaman sa

dating mga kaalaman.

Page 23: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

42. Upang matamo ang mahahalagang layunin sa maunlad na pagbasa,

kailangan ang________.

A. kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa mga binasa

B. imahinasyon

C. pagkilala sa kahinaan

D. interes at hilig ng bumabasa

A – Layunin ng pagbasa na malinang ang kritikal na pag-iisip at

pagpapahalaga sa binasa upang mapaunlad ito.

43. Upang matiyak kung paano magkaroon ng interaksyon ang nauunang

kaalaman at karanasang pangkapaligiran na kaugnay sa binasa ang

layunin ng teoryang_________.

A. panimulang pagbasa C. schema

B. pinatnubayang pagbasa D. semantic

webbing

C – Ang schema ay nag-uugnay sa karanasan at kaalaman na kaugnay

sa binasa.

Page 24: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

44. Sa pagtuturo ng pagbasa sa pangalawang wika,dapat isaalang-

alang__________________.

A. ang simulain ng pagkakasunud-sunod ng mga yunit ng paksang aralin

B. ang pagtatala ng mahahalagang bahagi ng araling sasaklawin

C. ang bawat bahagi ng balarila

D. ang pagsasanay na transisyon

A – Ang mga simulain at ang pagkakasunud-sunod nito ang unang isinasaalang-

alang sa pagtuturo ng pagbasa gamit ang pangalawang wika.

At sa mga pulong dito’y nakasabog, nagkalat, nagpunla, nagsipanahan,

nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.

45. Sa saknong na ito, ang mga tunog na may salungguhit ay isang halimbawa ng

___________.

A. aliterasyon C. asonasyon

B. tugma D. onomatopeya

. A – Aliterasyon ay paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng

pangungusap.

Page 25: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

“Kung tatanawin mo sa malayong pook Ako’y tila isang nakadipang krus.”

(Halaw sa “ISANG PUNUNGKAHOY’ ni Jose Corazon De Jesus)

46. Ang taludtod sa itaas ay _______________.

A. patulad (simile) C. patalinghaga (allegory)

B. pahalintulad (analogy) D. padiwangtao (personification)

A – Payak na pagpapahayag na ginagamitan ng mga karaniwang parirala na

tulad ng, gaya ng, tila at iba pa.

47. Ang proseso ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina lalo na sa mga

disiplinang siyentipiko at teknikal ay tinatawag na______________.

A. Istandardisasyon C. Bilinggualismo

B. Intelektwalisasyon D. Lingua-Franca

B – Ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina ay proseso ng

intelektwalisasyon.

Page 26: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

48. Ang wikang ginagamit sa isang partikular na lugar ay tinatawag

na_____________.

A. Wikang Pambansa C. Lingua-Franca

B. Wiklang Ofisyal D. Unang Wika

C – Ang lingua-franca ay isang wika na sinasalita sa isang

partikular na lugar gaya ng Maynila.

49. Ang pinakatanyag sa dulang isinulat ni Julian Cruz Balmaseda

ay ang _____________.

A. Sa Bunganga ng Pating C. Isang Kualtang Abaka

B. Ang Piso ni Anita D. Dahil sa Anak

A – Ito ang popular na kuwento Julian Crux Balmaseda.

Page 27: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

50. Ang kalipunan ng mga tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas

hanggang sa makabagong makata ay ipinalimbag ni Alejandro G. Abadilla

ay ang _________________.

A. Buhay at Iba pang Tula C. Ako ang

Daigdig

B. Tanagabadilla D. Parnasong

Tagalog

D – Ito ay kalipunan ng tula na nalimbag ni Abadilla na mula kina Huseng

Sisiw at Balagtas.

51. Si Jose Corazon De Jesus, ang pangunahing makatang liriko ng

panulaang Tagalog ay lalong kilala sa tawag na __________________.

A. Huseng Sisiw C. Huseng Batute

B. Batukaling D. Taga-Ilog

A – Ito ang bansag kay Jose Corazon de Jesus.

Page 28: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

Hala gaod tayo, pagod ay tiisin

Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,

Palayu-layo man, kung ating ibigin

Daig ang malapit na ayaw lakbayin

52. Ang awit na ito ay tinatawag ____________.

A. Oyay C. Soliranin

B. Tikam D. Kundiman

C- Ito ay awit sa pamamangka.

Palay siyang matino

Nang Humangi’y yumuko

Ngunit muling tumayo

Nagkabunga ng ginto

(Halaw sa “PALAY” ni Ildefonso Santos)

53. Anong uri ito ng tula?

A. Elehiya C. Oda

B. Soneto D. Tanaga

D – Ito ay uri ng tula na may 4 na taludtod at 7 pantig sa bawat taludtod.

Page 29: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

Sa mata’y dilim

At hindi pa liwanag

Ang tumatabing.

54. Anong uri ng tula ito?

A. Pantun C. Tanaga

B. Haiku D. May sukat at tugma

B – Ito ay tulang may 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.

At buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa

gitna ng Luzon.

Gayon din ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagmula sa

pangalang

Bayabas at Lukban, na ang mga magulang ni Limbas

55. Ang talata sa itaas ay wakas ng isang _____________.

A. Alamat C. Kuwentong Bayan

B. Pabula D. Mitolohiya

A – Ito ay naglalarawan ng pinagmulan ng Bundok Banahaw.

Page 30: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

56. Alin sa mga ito ang karaniwang nasasaksihan sa paglalamay sa

patay at paligsahan sa pangngatwiran sa paraang patula?

A. Duplo C. Juego de Prenda

B. Karagatan D. Balagtasan

A – Ito ay katulad ng isang debate sa paraang patula na ginagawa

sa lamayan ng patay.

57. Alin sa mga maikling kuwentong ito ang unang nagwagi ng

Carlos Palanca Memorial Awards

A. Mabangis na Lungsod C. Kuwento ni Mabuti

B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim ng isang Pulo

C – Ito ay sinulat ni Genoveva Edrosa Matute na nagkamit ng

unang Palanca Award.

Page 31: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

58. Ang dulang ito ay itinuturing na drama simboliko noong 1903.

A. Nena at Neneng C. Kahapon, Ngayon at Bukas

B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim ng isang Pulo

C – Ito ay simbolo ng pananakop ng Kastila, Amerikano, at Hapon sa

Pilipinas.

59. Sa tulang ito pinahalagahan ni Jose Rizal ang mga kabataang Pilipino.

A. Sa Aking mga Kabata C. Filipino Dentro de Cien anos

B. Mi Ultimo Adios D. Ala Juventud Filipino

D – Sa tulang ito sinabi ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

60. Ano ang anyo ng salitang may salungguhit sa, “ Ang magtanim ng

hangin, bagyo ang aanihin.”

A. Pandiwa C. Pangngalan

B. Pawatas D. Pang-abay

A – Ito ay salitang nagbibigay kilos.

Page 32: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

61. Ano ang pokus ng pandiwang nagluluto?

A. Layon C. Tagatanggap

B. Tagaganap D. Sanhi

B – Ito ay pokus ng tagaganap dahil sa panlaping nag.

62. Sa ________ ng gabi gaganapin ang pulong sa mga manunulat.

A. Ika-walo C. Ika 8

B. Ika-8 D. Ikawalo

B – Ginagamit ang gitling kung numero ang kasunod nito.

63. Kunin mo ang walis at ________ at maglilinis ako.

A. Pangdakot C. Pamdakot

B. Pandakot D. Pang-dakot

B – Ang PAN ay sinusundan ng mga titik d,l,r,s,t sa pagbabagong

morpoponemiko.

Page 33: LET FILIPINO REVIEWER - docshare01.docshare.tipsdocshare01.docshare.tips/files/20163/201639053.pdf · 5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay. A. Pamaypay C. Balabal

64. Ang isang maliit na pangkat ng formal o makabuluhang

katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-

sitwasyonal

A. idyolek C. mode

B. varayti D. rehistro

B – Ang varayti ay anyo ng wika na mauuri sa dalawa, permanente

at pansamantala na may kanya-kanyang katangian.

65. Ang mga mata ng may matataas na tungkulin ay maagap sa

pagbibigay ng ulat. Ano ang kumakatawan sa salitang

nasalungguhitan?

A. gamit sa paningin C. espiya

B. maganda d. matitikas

C – Ang mga mata ay talinghaga na kumakatawan sa espiya.