Upload
others
View
2
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Ang panahon ng huling mga salot. Apocalipsis 15
Ang naunang mga salot. Apocalipsis 16:1-11
Ang ika-6 na salot
Natuyo ang Ilog Eufrates. Apocalipsis 16:12
Ang tripling makademonyong mensahe. Apoc. 16:13-14
Ang labanan ng Armagedon. Apocalipsis 16:15-16
“Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinongmakatatayo sa iyong paningin, sa minsangikaw ay magalit? Iyong ipinarinig ang hatolmula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik, Nang ang Dios ay bumangon sapaghatol, upang iligtas ang lahat ng maamosa lupa.” (Awit 76:7-9)
Gaya ng ulyaw ng mang-aawit, ipinapakita ng Apocalipsis 15 kung sino ang mananatilingnakatayo kung maibuhos na ang hatol ng Dios sa lupa, at darating ang Panginoon upangiligtas ang Kanyang bayan (Apocalipsis 16).
Bawat tao sa Lupa ay nagkaroon ng pagkakataon na pumili kung sasamba sa Dios o sa hayop. Nakitani Juan ang mga nagtagumpay, silangtumanggap sa Dios. Ngunit hindi pa nila tatanggapin ang gantimpala.
Ang tagpo ay nalipat sa langit (v. 5). Ang tabernakolo ay nagbubuga ng usok (Ex. 40:34-35; 1K. 8:10-11). Ang gawain ng pamamagitan sa Santuaryo sa Langit ay natapos. Ang panahon ng biyaya ay nagwakas.
Gaya ng ipinahayag ng ikatlong anghel, ito angpanahon na haharapin ng bawat isa ang resulta ng kanilang desisyon.
Kahawig ito ng mga salot na nagyarisa Ehipto. Ipinapakita nito angmatigas na mga puso ng mganagpasyang sambahin ang hayop (v. 2 y 9), at ang kahinaan ng diablo nahindi maproteksyonan ang kanyangmga tagasamba (v. 10-11).
Matapos ang mapangwasak naresulta ng apat ng salot, humingi angmundo ng tulong sa hayop. Ngunithindi sila matulungan ng hayop (Angkanyang trono ay napuno ng kadiliman sa simbolikong paraan).
Gayunman, ayaw ng mga taongtanggapin ang kanilang pagkakamaliat lumapastangan sa Dios.
v. 2 v. 3
v. 4-7 v. 8-9
v. 10 v. 11
Ang ikaanim na salot ay nagsimula sapagbagsak ng Babilonia na ipapaliwanagng mas maigi sa mga susunod nakabanata. Ang ilog ng Eufrates ay literal na natuyo noong bumagsak ang dating Babilonia sa kamay ni Ciro.
Hindi matutulungan ng kapapahan angmga tao, kaya bumaling sila salapastangang Protestantismo. Sa huli, nawalan ng suporta itong dalawa ng mga tao at panahon na para kay Jesus na bumalik at kunin ang Kanya (v. 15).
Gayunman, ayaw ng diablong mawalaang kanyang kaharian kaya’t naghandasiya ng huling desperadong atake.
Magppadala si Satanas ng tripling mensahebilang imitasyon ng mensahe sa Apocalipsis14. Upang magawa iyon, gagamit sya ng espiritwalismo (ang dragon), ang kapapahan(ang hayop) at ang lapastangangProtestantismo (ang huwad na propeta).
Sa sandaling iyon, nilisan na ng Banal naEspiritu ang mga hindi tumanggap sa Kanya. Madali silang madadaya ng mga tanda at himala ng diablo, at papanig muli sila sa kanya(tingnan ang 1 Tesalonica 2:11-12).
Malapit na ang wakas: “Narito, Ako’ydumarating gaya ng magnanakaw” (v. 15). Aatake si Satanas sa huling pagkakataon.
“At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.” (Apocalipsis 16:16)
Ang ibig sabihin ng Armagedon ay “bundok ng Megido” sa Hebreo. Walang lugar na ganyan ang pangalan, ngunit merong lugar sa Palestina na tinatawag na“Megido.”
Iyon ay lugar na kung saan maraming digmaan ang naganap. Namatay doonang ilang lapastangan at tapat na mga hari (Ahaziah, 2K. 9:27; Josiah, 2K. 23:29).
Sa huling atakeng iyon, sinubukang lipulin ni Satanas ang mga nananatilingtapat sa Dios. Naghahanda tayo na manatiling tapat sa huling digmaanhabang pinipili nating manatiling tapat ngayon sa kabila ng mga tukso.
Ang atake ay magagambala ng ikapitong salot (v. 17-21). Ito ay mangyayaribago “ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.” (Titus 2:13)
“Habang nakatayo sa Jesus sa pagitan ng Dios at ng
makasalanang tao, ang pagpigil ay nasa tao; ngunit
kung umalis na Siya sa pamamagitan, ang pagpigil
ay tatanggalin at magkakaroon na ng buong
kapangyarihan si Satanas sa mga hindi nagsisi.
Iposibleng maibuhos ang mga salot habang
naglilingkod pa si Jesus sa santuaryo; ngunit
pagkatapos ng gawain Niya doon, at nagsara na ang
pamamagitan Niya, wala nang makaapigil sa galit ng
Dios, at bumasag ito na may poot sa ulo ng mga may
sala na walang kublihan, na minaliit ang kaligtasan
at kinamuhian ang saway. Sa nakakatakot sa
panahong iyon, matapos magsara ang pamamagitan
ni Jesus, ang mga banal ay nabubuhay sa paningin
ng banal na Dios ng walang tagapamagitan. Bawat
kaso ay nalutas, bawat hiyas ay nabilang.”
E.G.W. (Early Writings, p. 280)
“Ang bayan ng Dios ay hindi ligtas sa kahirapan; ngunit
habang sinusubok at napipighati, habang tinitiis nila ang
kawalan at naghihirap sa pagkain ay hindi sila pababayaang
malipol. Na ang Dios na nag-alaga kay Elias ay hindi
lalampasan ang isa sa Kanyang mapagmalasakit na mga anak.
Siyang kayang bumilang ng buhok sa kanilang ulo ang mag-
iingat sa kanila, at sa panahon ng kagutom ay mabubusog
sila. Habang namamatay ang mga masama sa gutom at salot,
ikukubli ng mga anghel ang mga banal at ibibigay ang
kanilang gusto. Sa kanyang ‘lumalakad ng matuwid’ ang
pangako ay: ‘tinapay ay mabibigay sa kanya; ang kanyang
tubig ay sagana’ ‘Ang dukha at mapagkailangan ay
humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay
natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa
kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.’
Isaias 33:15, 16; 41:17”E.G.W. (The Great Controversy, cp. 39, p. 629)