Upload
others
View
1
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Liksyon 13 para sa ika-28 ng Marso, 2020
Ang Huling Panahon:
Tumatayo si Miguel. Daniel 12:1
Ang panahon ng kabagabagan. Daniel 12:1
Ang pagkabuhay na mag-uli. Daniel 12:2-3, 13
Ang panahon ng paghihintay:
Ang selyadong panahon. Daniel 12:4, 8-9
Ang ipinahayag na panahon. Daniel 12:5-7, 10-12
Nagsimula ang aklat ng Daniel sa pagsakop ng Babilonia sa Jerusalem at pagkabihag ng bayan ng Dios.
Sa huling kabanata, tumayo si Miguel at ipinagtanggol ang bayan ng Dios.
Darating ang mahihirap na panahon. Gayunman, gaya ni Daniel, matatanggap din natin ang ating mana pag natapos na ang digmaan sa Huling Panahon (Daniel 12:13).
“At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe natumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan.” (Daniel 12:1)
Nag-iisip ang mang-aawit “Sinong tatayo dahil saakin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?” (Awit 94:16). Tumatayo si Miguel upangipagtanggol tayo.
Ang pagtayo ay malimit kaugnay sa mga kilos ng militar (Ex. 15:7; Dt. 28:7; Jos. 8:3; Huk. 9:23; 2K. 3:24; 1Cro. 20:23; Awit 2:2; Is. 14:22; 19:2; Dn. 8:25; 11:2, 14, 40; Mt. 24:7). Tumatayong pinunong military si Miguel na nag-iingat sa Kanyangbayan, at nangunguna sa kanila, lalo na sa hulingyugto ng Dakilang Tunggalian.
Ang kataga ay ginamit din sa tagpuan ng paghuhukom (Dt. 19:16; Awit 1:5; 12:5; 102:13; Is. 28:21; 31:2; Mt. 12:41-42). Tumayo din si Miguel bilang abogado. Kumatawan Siya para sa bayan ng Dios doon sa korte sa Langit.
“Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa'twalang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.” (Jeremias 30:7)
Itong panahon ng kabagabagan ay hindi ang pangkalahatang kapighatian bago ang IkalawangPagdating ni Jesus (Lucas 21:25), ngunit isangkapighatian lang na makakaapekto sa bayan ng Dios. Mag-iisip sila kung talaga ngang napatawadang kanilang mga kasalanan.
Itong panahon ng kabagabagan ay magsisimulakung matapos na ang palugit at tanggalin na ng Dios ang Kanyang Espiritu dito sa Lupa (Apocalipsis22:11), habang ibinubuhos ang unang salot.
Bawat isang “na masusumpungan na nakasulat saaklat” ay maliligtas. Aling aklat?
Walang duda na ito ang Aklat ng Buhay (Filipos4:3, Apocalipsis 3:5; 20:5). Bawat is ana tumanggap kay Jesus ay mananatiling nakasulat saaklat na ito kung hindi sila tatalikod. Naligtas silang pananampalataya kay Jesus!
“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sawalang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.”
(Daniel 12:2)
May dalawang reperensya sa pagkabuhay na mag-uli (v. 2 at 13). Ibig sabihin ang buhay na walang hanggan ay ibibigay sa atin sa sandaling iyon, hindi kung tayo ay mamatay. Matutulog tayo sa kamatayan kung tayo ay mamamatay hanggang sapagkabuhay na mag-uli.
Hindi tayo makakagawa o makakapag-isipkung tayo ay patay (Ecclesiastes 9:5, 10). Hindi rin makakapuri sa Dios (Awit 115:17).
Gayunman, tinalo na ang kamatayan. Napagtagumpayan na ni Jesus ang kamatayan ng Kanyang pagkabuhay namag-uli. Bubuhayin ni Jesus ang mga banal, tapos “Sasakmalin niya ang kamatayanmagpakailan man” (Isaias 25:8).
Ang mahalagang bagay ay kung bubuhayin ba tayo upang bigyan ng buhay o upang patayin. Ito ay desisyonna dapat nating gawin ngayon, habangmay panahon pa at pag-asa.
Di-gaya ng Apocalipsis, ang Daniel ay selyadongaklat (Apocalipsis 22:10). Gayunman, ang selyoay mababasag sa partikular na sandali, at ang aklat ay mauunawaan na ng lubos. Ang sandaling iyon ay Huling Panahon.
Kailan magsisimula ang Huling Panahon? Ayon sa ating pag-aaral sa Daniel 11:40, ang French Revolution at ang pagkulong sa Papa ng mga sundalo niNapoleon (1798 AD) ang pahiwatig ng pagsimula ng Huling Panahon.
Mula sa sandaling iyon, maramingexpositors sa England, si Joseph Wolff sa Middle East, Manuel Lacunza saSouth America, atWilliam Miller saUnited States, kasama ng marami pang mag-aaral ng propesiya, ang nagpahayag, base sa kanilang pag-aaralsa propesiya sa Daniel, na ang Ikalawang Pagparito ay malapit na.
A N G I P I N A H AYA G N A PA N A H O N
Nang matapos na ni Gabriel ang kanyang pahayag, tinanong ng isang anghel si Jesus (ang lalaking may damit na lino): Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghangito?” (v. 6). Nagsumpa si Jesus na ang katapusan ay daratingmatapos ang 1,260 taon (3 at kalahating panahon).
Humiling ng detalyadong paliwanag si Daniel (v. 8), kaya ibinigay ang dalawang pangpropesiyang panahon: 1,290 at 1,335 na taon.
1,260
1,290
1,335
508: nabautismuhan si Clovis
538: binigyan ng kapangyarihan ni Justinian ang Papa
1843: Millerism
Ipanalangin na ikaw ay isasa marami na madadalisay, pinaputi at pinakinis (v. 10)
“Ang kasaysayan na inukit sa Kanyang salita ng
dakilang Ako Nga, na pinagbubuklod ang
pangpropesiyang ugnayan, mula sa nagdaan na
walang hanggan tungo sa hinaharap na walang
hanggan, na nagsasabi kung saan na tayo ngayon
sa prusisyon ng kapanahunan, at kung ano ang
maaasahan sa darating na panahon. Lahat na
sinabi ng propesiya na mangyayari, hanggang sa
kasalukuyan, ay matutunton sa mga pahina ng
kasaysayan, at makakasiguro tayo na lahat na
darating pa ay matutupad ayon sa
pagkakasunod.”
E.G.W. (Education, cp. 19, p. 178)