9
Liksyon 4 para sa ika- 25 ng Hulyo, 2020

Liksyon 4 para sa ika- 25 ng Hulyo, 2020 - Fusteroay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya.’” (Lucas 22:31-32)

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Liksyon 4 para sa ika-25 ng Hulyo, 2020

  • Panalangin ng pamamagitan:

    Pananalangin sa labanan

    Pananalangin sa specific na tao

    Pananalangin para sa iba

    Dinidinig ng Dios ang ating panalangin

    Paano manalangin

    Ang Salita ng Dios ay humihimok sa atinna “manalangin ng walang patid” (1 Tesalonica 5:17). Sa paglalarawan ni Pablo sa baluti ng Kristiano, sinabi niyang dapattayong “manalangin lagi” at hiniling samga taga-Efeso na ipanalangin siya (Efeso6:18-19).

    Ang panalangin ay talagangmakapangyarihan lalo na kung pamamagitan para sa iba, mananampalataya man o hindi.

  • Nabubuhay tayo sa tunggalian napansanlibutan. Isang labanan sa pagitan ng mabutiat masama, sa pagitan ni Kristo at niSatanas. Bawat tao ay naglilingkod sa isangpanig, at karamihan ay nalilito.

    Walang “sapilitan sa paglilingkod sa militar” sa panig ni Kristo. Hindi Niya pinipilit ang sinumang sumunod sa Kanya. Hindi Siyanamamagitan kung hindi natin Siyapinahihintulutan.

    Ang panalangin ng pamamagitan ay paraan natingpagpahintulot sa Dios na mamagitan sa buhay ng mgaipinapanalangin natin.

    Pinaparangalan ng Dios ang pagpili nating ipanalangin sila at gumagawa pa tuloy ng mas makapangyarihan alang-alang sa kanila.

  • “Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaway maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyongpananampalataya.’” (Lucas 22:31-32)

    Si Jesus ay isang taong mapanalangininnoong nandito Siya sa Earth. Habanghumihirap ang tunggalian, lalo Siyangnaglalaan ng panahon sa pananalangin.

    Hindi Siya umasa sa sariling lakas upangmatalo ang kasamaan. Lagi Siyang umaasasa lakas ng Makapangyarihan sa lahat sapananalangin.

    Nag-iwan Siya ng halimbawa ng pananalangin para sanatatanging mga tao, gaya ng ginawa Niya kay Pedro. Hindi alamni Pedro na kailangan niya ng tulong nang gabing iyon. Kaya, namagitan si Jesus para sa kanya.

    Hinihimok tayo ng Dios na ilapit sa Kanyang trono ang mgaespesipikong tao at italaga sila sa Kanyang mga kamay. Dapattayong magpatuloy hanggang Makita natin ang resulta.

    Alalahanin nating si Jesus din ay namamagitan para sa bawat isasa atin ngayon.

  • “Hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin:” (Efeso 1:16)

    Nakaugaliang na ni Pablong ipanalangin ang iba. Nao ang hiniling niya? Tingnan ang Efeso 1:17-23.

    Na bigayan sila ng katalinuhan ng Dios (v. 17)

    Na mas higit na maunawaan nila ang Dios (v. 17)

    Na malaman nila ang Pag-asa ng Kanyang pagtawag (v. 18)

    Na malaman nila ang maluwalhating mana na darating (v. 18)

    Na malaman nila ang kapangyarihan ng Dios (v. 19-23)

    Nagpasalamat din si Pablo sa paglago sa espiritwalng kanyang kapatiran, gaya ng kanyang panalanginsa Filipos1:3-11. Idinalangin niya na magpatuloyang kanilang paglago sa pananampalataya.

    Dapat din nating ipanalangin ang iba gaya ng ginawa ni Pablo, upang mapasigla at mapalakassila sa kanilang paglalakbay Kristyano.

  • “Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Huwag kangmatakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw naiyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mgasalita ay dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyongmga salita.’” (Daniel 10:12)

    Nag-alala si Daniel sa kalagayan ng mga nagsibalik saJerusalem mula sa Babilonia. Ipinanalangin sila ni Daniel sa loob ng 21 araw.

    Mukhang ang kanyang panalangin ay hindi sinagotmatapos ang ilang araw. Hindi parin nagbago ang sitwasyon.

    Nagpadala ng pangitain ang Dios sa nababagabag napropeta sa pinakanauukol na sandali. Sinigurado siDaniel na ang kanyang panalangin ay naitala mula pa sa simula.

    Gumagawa ang Dios sa iba pang aspeto ng digmaanbago sagutin ang panalangin ni Daniel. Nakikinig Siyasa bawat panalangin ng pamamagitan, kahit minsanay maaaring maghintay tayo sa Kanyang sagot.

  • “Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo.” (1 Samuel 12:23)

    Ang ating panalangin ng pamamagitan ay dapat taimtim, taus-puso, at espesipiko.

    Nanalangin si Pablo para sa specific na mga tao(hal. kanyang mga kasamahan) at mga specific na iglesia (Hal. Efeso o Filipos). Hiniling niya saiglesia na ipanalangin ang kanyang paglaya o upang mapasigla ang kanyang pangangaral(Fil. 1:19; Col. 4:3).

    Dapat nating ipanalangin ang mga hindi pa nakakakilala sa Panginoon (Juan 17:20), ang ikatitibay ng mga mananampalataya (Efeso3:14-16), upang pahabain ng Dios ang Kanyangkapatawaran (1 Juan 5:16), upang ingatan ang mga nakakaranas ng kahirapan (Gawa 12:12)…

    Kung tayo’y nananalanginpara sa iba, nagigingdaluyan tayo ng pagpapalang Dios sa kanila.

  • “What does intercession comprehend? It

    is the golden chain which binds finite

    man to the throne of the infinite God. The

    human agent whom Christ has died to

    save importunes the throne of God, and

    his petition is taken up by Jesus who has

    purchased him with His own blood. Our

    great High Priest places His righteousness

    on the side of the sincere suppliant, and

    the prayer of Christ blends with that of

    the human petitioner.”

    E.G.W. (That I May Know Him, March 13)

  • “Begin to pray for souls; come

    near to Christ, close to His

    bleeding side. Let a meek and

    quiet spirit adorn your lives, and

    let your earnest, broken, humble

    petitions ascend to Him for

    wisdom that you may have

    success in saving not only your

    own soul, but the souls of

    others.”

    E.G.W. (Testimonies for the Church, book 1, cp. 86, p. 513)