2
John Anthony B. Teodosio SONETO NG NAGDADALAMHATING FETUS Tadhana talaga ay sadyang maramot. Binawi ang buhay nang ganung kaaga. Sino naman kasi ang di makalimot Sa kanyang pagpatay gamit nitong droga? Gusto kong makita si Nanay at Tatay, Ngunit ibinili -- kapalit ay pera. O di ibinalot na wala pang malay, Itinapon akong para bang basura. Ni tao ni mundo'y walang makaalam Sa aking mapait nitong talambuhay. Pagpapalaglag n'ya ay aking dinamdam, Ni anino niya'y hindi makasilay. Walang nagmamahal, walang nagtatanggol, Iniwan na lamang ang tulad kong sanggol. 1995 Ayoko sa statue ng sirenang leon… Ayokong iyakan ang aking kabiyak, Pagkat naalala’ng mapait na noon. Naiinis ako kapag nakatuon Sa rebulto (Syempre, sa bansa’y ‘sang tatak). Ayoko sa statue ng sirenang leon. Siya ang dahilan kung ba’t nasa kahon Ang aking asawa. Lumuha ang anak Pagkat naalala’ng mapait na noon. Ang rebultong ito, akala mo’y Poon Dahil sa iyo, kami’y sa dusa nasadlak. Ayoko sa statue ng sirenang leon. Nagagalit ako sa sumpaing mohon, Kaya kamao ko’y handa nang manapak Pagkat naalala’ng mapait na noon. Iniibig kong Flor, saanmang naroon, Maramdam mo sana, ang aking pag-iyak.

Lira

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lira

John Anthony B. Teodosio

SONETO NG NAGDADALAMHATING FETUS

Tadhana talaga ay sadyang maramot.Binawi ang buhay nang ganung kaaga.Sino naman kasi ang di makalimotSa kanyang pagpatay gamit nitong droga?

Gusto kong makita si Nanay at Tatay,Ngunit ibinili -- kapalit ay pera.O di ibinalot na wala pang malay,Itinapon akong para bang basura.

Ni tao ni mundo'y walang makaalamSa aking mapait nitong talambuhay.Pagpapalaglag n'ya ay aking dinamdam,Ni anino niya'y hindi makasilay.

Walang nagmamahal, walang nagtatanggol,Iniwan na lamang ang tulad kong sanggol.

1995

Ayoko sa statue ng sirenang leon…Ayokong iyakan ang aking kabiyak,Pagkat naalala’ng mapait na noon.

Naiinis ako kapag nakatuonSa rebulto (Syempre, sa bansa’y ‘sang tatak).Ayoko sa statue ng sirenang leon.

Siya ang dahilan kung ba’t nasa kahonAng aking asawa. Lumuha ang anakPagkat naalala’ng mapait na noon.

Ang rebultong ito, akala mo’y PoonDahil sa iyo, kami’y sa dusa nasadlak.Ayoko sa statue ng sirenang leon.

Nagagalit ako sa sumpaing mohon,Kaya kamao ko’y handa nang manapakPagkat naalala’ng mapait na noon.

Iniibig kong Flor, saanmang naroon,Maramdam mo sana, ang aking pag-iyak.Ayoko sa statue ng sirenang leonPagkat naalala’ng mapait na noon.