2
(#1 Sa Sabado) Isang tulang may apat na saknong na lalabindalawahin, 6/6 ang sesura, monorima, tudlikan, patanghal, at maaaring magpatawa. TUNGKOL SA SOMBRERO. (#2-Sa Linggo) Isang tulang may 4 na saknong na lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, monorima, tudlikan sa katinig na malakas, pasalaysay, at himig na may parikala. TUNGKOL PA RIN SA SOMBRERO. Ang Lihim Sa Likod ng Ordinaryong Sombrero ni Lolo Sa puting terno n'ya ay kaakit- akit. Tila ang matanda'y pupunta ng langit. Pero nagtataka lang ako kung bakit Laging may sombrerong sa ulo'y kumapit? Tinanggal sa wakas, sombrero n'yang suot. Ang pogi ni lolo! kita na yung buhok. Makinis ang gitna, sa gilid ay kulot. Kaya tinutuya, isa palang panot. Tapos na sa wakas ang isang misteryong Bumalot sa kanya bilang isang tao. Nalantad sa wakas, kanyang pagkatao. Nang tinanggal niya, hangal na sombrero. Tayo ay sombrero na panakip- Ang Makatang Mag-aaral na Naka- Salakot May makatang mag-aaral sa 'ting silid. Tingnan natin kung tayo po ay mapabilib. Sa pagtula ng klasmeyt ko ay makinig. Suot niya ay salakot na maliit. Bawat tugma, ang salita, at taludtod, Pati tinig, sa 'king puso ay kumurot. Pilipinas ay minahal niyang lubos, Ang ginamit na simbolo ay salakot. Pero si Ma'am... ang binato'y tanong agad. "May aral ba ang tula mo na binigkas?" Di tumugon, pawis niya ay tagaktak. Delikado, baka grade n’ya ay bumagsak. Galing naman ng makatang may salakot.

Lira 1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lira 1

(#1 Sa Sabado) Isang tulang may apat na saknong na lalabindalawahin, 6/6 ang sesura, monorima, tudlikan, patanghal, at maaaring magpatawa. TUNGKOL SA SOMBRERO.

(#2-Sa Linggo) Isang tulang may 4 na saknong na lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, monorima, tudlikan sa katinig na malakas, pasalaysay, at himig na may parikala. TUNGKOL PA RIN SA SOMBRERO.

Ang Lihim Sa Likod ng Ordinaryong Sombrero ni Lolo

Sa puting terno n'ya ay kaakit-akit.Tila ang matanda'y pupunta ng langit.Pero nagtataka lang ako kung bakitLaging may sombrerong sa ulo'y kumapit?

Tinanggal sa wakas, sombrero n'yang suot.Ang pogi ni lolo! kita na yung buhok.Makinis ang gitna, sa gilid ay kulot.Kaya tinutuya, isa palang panot.

Tapos na sa wakas ang isang misteryongBumalot sa kanya bilang isang tao.Nalantad sa wakas, kanyang pagkatao.Nang tinanggal niya, hangal na sombrero.

Tayo ay sombrero na panakip-butas,Sa lihim ng gago't mga balasubas.Nakakapit tayo ng ilan pang bukas,Bago pa mabunyag at maibulalas.

Ang Makatang Mag-aaral na Naka-Salakot

May makatang mag-aaral sa 'ting silid.Tingnan natin kung tayo po ay mapabilib.Sa pagtula ng klasmeyt ko ay makinig.Suot niya ay salakot na maliit.

Bawat tugma, ang salita, at taludtod,Pati tinig, sa 'king puso ay kumurot.Pilipinas ay minahal niyang lubos,Ang ginamit na simbolo ay salakot.

Pero si Ma'am... ang binato'y tanong agad."May aral ba ang tula mo na binigkas?"Di tumugon, pawis niya ay tagaktak. Delikado, baka grade n’ya ay bumagsak.

Galing naman ng makatang may salakot.Binabati namin siya nang malugod.Kahit tanong ng guro ko'y di sinagot.Pagtula n’ya ay di naman natatalos.

John Anthony B. Teodosio